Kabanata 18
Passed
I just wore an asymmetric white bodycon dress na bigay ni Ashley kanina. Pinaresan ko lang din ito ng itim na heels na hindi naman gaano kataas. I just down my hair and put some white hair clip on my right side of the hair.
Nauna na si Ashley rito sa bahay para tulungan ako sa pag prepara. Susunod naman daw ang mga pinsan niya pagkatapos. Sout naman niya ay kulay pula na spaghetti dress na ani mo'y nag e-endorse ng red ribbon cake.
Gulat pa ako nang may dumating na mga tao rito from a known resto. Sagot daw ng mag-asawang Bartolome ang handaan kaya mas lalo akong nahiya kay Ashley.
"Andami naman nito, Ash..." Isa-isa kong tiningnan ang mga pagkain na nilatag sa mesa. May dalawang lechon baboy pa roon at kung ano-ano pang pagkain--mapa desserts man o ulam. Not to mention the five layers cake.
"Ano ka ba, nag insist pa nga sina Mommy at Daddy na i-celebrate ang debut mo tulad no'ng akin, e. Pero sinabi ko na baka ayaw mong siputin kaya huwag na!" Natatawa niyang iling.
I chuckled and thanked her like a million times. Nang natapos na naming i-ayos ang mga pagkain, tamang-tama at may mga busina na kaming naririnig sa labas ng bahay. Probably, Ashley's cousins. Nagmamadali kaming lumabas ni Ashley at binuksan ng malaki ang gate.
My smile grew wider nang makita ang mga Bartolome. May dala silang mga sasakyan kaya nabahala pa ako kung saan nila ipa-park ang mga 'to.
"Ganda naman ng birthday girl!" Ashton grinned at me. Siya ang naunang bumaba sa Sedan niya.
"Eh, ako?" Pa cute ni Ashley sa Kuya niya.
"Nauumay na ako sa mukha mo, Ash."
Sinapak ni Ashley ang kapatid na ikinatuwa naman ni Ashton. I just look at them in awe as my eyes flew to the other Bartolomes. Niyakap ko sila isa-isa nang binati nila ako pagkalapit.
"Naiiyak ako sa ganda mo, wait...tissue please..." ma dramang pahid ni Gwen sa singkit niyang mga mata.
Nagtawanan kaming pumasok na sa loob. Isa-isa naman nilang nilapag ang mga regalo niya sa bakanteng mesa na seni-perate ni Ash. Alam niya talagang may dalang mga regalo ang mga pinsan niya, e.
"Happy birthday, Riri..." nahihiyang bati sa akin ni Daphne sabay abot no'ng regalo niya. Siya lang yata ang may pinakamaliit na regalo. Parang alam ko na ang laman nito. She likes watches and I think relo nga 'to.
"Thank you, Daph. Salamat sa pagpunta..." nakangiti kong sagot at tinanggap ang regalong kasing cute niya.
"Happy birthday, Riri." Nagkamot pa sa batok si Khalil pagkalapit niya sa akin. Nagsipulan ang mga pinsan niya at tinutukso pa nila itong torpe.
Inilingan ko lang silang lahat. Niyakap ko si Khalil as I thanked him. Naramdaman ko pang nanigas siya sa kinatatayuan niya at unti-unting namula ang magkabilang pisngi.
"Pahiya talaga itong si Khalil. Walang torpe sa Bartolome, hoy!" Natatawang sita ni Ashton. Nagsabayan pa sa pagtawa ang mga pinsan na mas lalong ikinahiya niya.
Pero ako? Wala naman akong naramdamang awkwardness. It's just it feels like I am too comfortable and doesn't have any malice of what I am doing because all I can see Khalil and to Bartolomes are family.
Kung may hindi man sumabay sa pang-aasar nila Khalil sa akin ay si Ashley 'yon. Nakangiwi ito sa kanila at hindi sumasang-ayon. I gave her a warning look. Baka mamaya ano-ano na naman ang isawalat ng babaitang 'to.
"Picture, dali!" Audrey shriek of excitement.
Nag set kami ng timer sa cellphone nilang kasing mahal ng tuition ko. Marami kaming poses na ginawa hangga't sa napagod na at kumain.
"May dala talaga akong bluetooth speaker para mas lalong bongga itong araw mo, Riri!" Si Gwen sabay pakita sa akin ang speaker na hawak-hawak.
We eat, danced, laughed, and hype each other. May dala pa silang mga mamahalin na mga wine na nagdadalawng isip pa akong inumin.
"Come on, Riri. This is your day! Salubong 'to ng legality mo!" Alok ni Gwen sa akin ng isang basong wine.
They cheered me as I hold the glass of wine. Naghiyawan sila at sinabayan pa ako sa pag-inom. Gibang-giba ang hitsura ko nang malunok ko ang lahat ng wine. But surprisingly, it feels good. Malamyos ito sa lalamunan at masarap talaga.
Akala ko hindi makakalasing itong iniinom namin but I feel something heavy in my head. Tawa nang tawa na ang mga kasama ko at hindi ko na makuha ang mga sinasabi.
"Lasing na nga ang mga 'to!" Si Ashton sabay akay sa kapatid na lasing na lasing na.
"I bet si Riri rin..." Hagikhik ni Gwen.
Hinilot ko ang sentido sabay tawa sa kanila. Saglit kong nakalimutan ang problema ko dahil dito. I understand why people choose to be drunk if they are in trouble and in problem. Nakakalimot pala ng problema ang alak...at sakit..siguro.
And the thought that in any hour my day will be over and still no Zul's greetings pained me.
Si Khalil ay halos hindi na makabangon. Beer kasi ang ininom nila Ashton kaya mas hard iyong sa kanila. Mura nang mura si Ashton nang inakay na niya isa-isa ang pinsan.
"Khalil, tangina umayos ka at marami pa tayong aakayin! Huwag mong sabihin na pati ikaw ay aakayin ko pa?" Kamot ulong sinabi ni Ashton.
Nagtawanan kaming lahat. Si Ashton lang siguro itong hindi gaanong nalasing. Hinilig ko ang sarili sa sofa at saglit na tumitig sa bintana. Shit. Bakit parang naka tagilid ang bahay namin?
"Ash, tumagilid yata ang bahay namin..." kalabit ko sa kaibigan.
Naghagalpakan naman sila sa tawa dahil sa sinabi ko. Pinikit ko nang mariin ang mga mata at iminulat iyon ulit. Mas lalo akong kinabahan nang mas lalong tumagilid sa paningin ko ang bahay!
"Seryoso nga, Ashley!" ani ko sabay tayo.
Before I could get off my balance, someone grabbed me at my back. Nanlaki ang mga mata ko nang maamoy ko ang pamilyar na pabango ngayon.
My heart starting to pound wildly as the happiness I felt grew wilder and wider. I pressed my lips and closed my eyes tightly. Totoo ba 'to o dala lang ng kalasingan? Damn.
"Hay, Zul pare buti nalang at dumating ka!" Si Ashton na ngayon ini isa-isa na niyang dinala ang mga pinsan sa sasakyan nila.
"Ako na ang bahala kay Dorothy. Iuwi mo na ang mga pinsan mo at hindi na yata nila...kaya," malamig niyang utas. Nanindig ang mga balahibo ko nang marinig ang boses niya.
"Hindi, ayokong iwan si Riri!" Si Khalil nang inakay na siya ni Ashton.
"Tara na at may bahala na kay Riri! Happy birthday ulit sa iyo, Riri! Mahal ka namin!"
"Mas mahal ka ni Riri, Zul!" sigaw ng lintik kong kaibigan.
I happily waved at them and grinned. Muntik pa ulit akong matumba hindi dahil sa kalasingan kundi nang ma proseso ko ang sinabi ni Ashley. Patay ka talaga sa akin bukas.
Nang makaalis na sila ay biglang tumahimik ang bahay. Dahan-dahan kong hinarap si Zul--hindi pa rin tinitingnan. Yumuko ako pero mas lalo lamang akong nahihilo. Shit.
"Who told you to get drunk, huh? Dorothy Maeve Andino?" Mas dumoble ang lamig pagkakasabi niya niyon. I gulped nang mas lumapit siya sa akin sabay sikop sa magkabila kong singko.
"I-It's part of the celebration..." nauutal kong sinabi.
Parang tumigil ako sa paghinga nang naramdaman ko ang hininga niya sa kaliwang tainga ko. He crouched a bit that made my body tremble.
"Mas nakaka enjoy ba kapag naglalasing?" he whispered coldly.
Shit. Bakit kada tanong niya sa akin ay tila mapanganib at kailangan kong sagutin iyon ng maayos. Napalunok ako at tiningala siya. Nanlaki ang mga mata ko nang muntik nang magtama ang mga labi namin.
His expression hardened as he clenched his jaw. Hindi ako umimik at nagbaba nalang ulit ng tingin. Shit. Shit.
"Naamoy ko ang alak galing sa sarili mo, Dorothy. And I fucking hate it..."
I gulped. "Bawal ba sa inyo ang alak?"
Hindi siya umimik. His eyes was like having dangerous storm as it's darted on me. I get it. I was right, right? Bawal sila sa alak. Kahit naman hindi ako umiinom ng alak ay mananatili rin naman akong bawal sa kanya, ah. What's the difference?
Umatras ako sabay iwas ng tingin. Pinagdikit ko ang mga labi at kinomposa ang sarili. Mabuti nalang at nadala ko ang pa ang sarili ko. Parang nawala bigla ang kalasingan kong tinatamasa kanina.
"Puwede ka nang umuwi. 'Tsaka mo nalang ako batiin kapag hindi na ako amoy alak...o kung gusto mo man akong batiin..."
"I called you hundred times, Dorothy. Hindi ko nga alam na may ganap ka pala?"
He's right. Hindi ko nasabi sa kanya na may selebrasyon ako kasama si Ashley. That was my mistake. Masyado lang akong pre-occupied sa isipin sa 'kailan niya ako babatiin'. Plano ko kasi kapag binati niya ako ay 'tsaka ko sasabihin sa kanya.
"Sasabihin ko sana sa 'yo kung maaga mo akong nabati...o may plano ka mang batiin ako." God. Para akong bata! Naiinis ako sa sarili ko. Dito pa lang masasabi kong napaka immature ko pa.
Iniwas ko ang tingin nang mas kinunutan ako ng noo ni Zul. Sumagi sa isip ko ang pangompronta sa akin ni Tiffany noong nakaraan. Maybe she's right.
"I passed the exam..."
Hindi na ako na surpresa no'n dahil expected ko na maipasa niya ang exam. But hearing the news coming from him more like a surprise. I smiled bitterly on him as I nodded.
"C-Congratulations!" natatanging sinabi ko.
Igting panga siyang lumapit sa akin. Pinisil-pisil ko ang mga daliri habang nakatitig kay Zul. Ngayon ko lang napansin na bihis na bihis nga ito. He's wearing a white polo na nakatupi ito hanggang siko niya at itim na slacks. He looks so manly and dashing.
"I was so happy that I passed the exam, Dorothy. I was searching my name in portal with thousands names on it. Alam kong birthday mo..heck, I wouldn't forget that!" matigas niyang sinabi sa akin.
"Plano ko kapag nakita ko na ang resulta ay i-celebrate nating dalawa iyon lalo na at kaarawan mo rin. I hurriedly called you when I saw my name alligned with the other passers. Pero hindi ka sumasagot. At heto pala ang maabutan ko..kaya pala. You are already celebrating your day." Ang matigas na expression niya ay napalitan ng panghihinayang at sakit.
Napayuko ako at may kung anong bukol sa lalamunan ko. Hindi ko alam na parehas pala kaming naghihintayan. Hindi ko alam na may plano rin pala siya. Hindi ko alam. Hindi ko na alam.
His confession hurts me. Hindi deserve ni Zul itong ganito.
"Happy birthday, Dorothy..." aniya sabay ngiti sa akin. Hindi ko na napigilan ang sariling mga luha nang sunod-sunod na itong nagsipatakan.
Naglakad na siya palabas ng bahay namin at bagsak ang magkabilang balikat. Raki barked and barked at me as if he was telling me to stop Zul from leaving.
At iyon nga ang ginawa ko.
"Z-Zul!" nanginig kong tawag sa kanya.
He stopped but didn't turned to look at me. Hinubad ko ang sout na heels lalo na at nasa labas na siya ng gate. Kaagad kong tinakbo ang pagitan namin sabay yakap ng mahigpit mula sa likuran niya.
"S-Sorry...hindi ko alam. Sana sinabi ko nalang sa 'yo iyong tungkol ngayon. S-Sorry, Zul..." Puno ng takot kong sinabi.
Mas nanginig ako nang gumalaw siya. Akala ko kakalasin niya ang mga braso kong nakayakap sa kanya pero hindi. Humarap siya at siya na mismo ang humigpit sa mga yakap. I burst into tears when I feel comforted in his embrace. Naramdaman kong hinalikan niya ang noo ko at hinigpitan pa lalo ang pagkakayap niya sa akin.
"Masakit palang makita kang masaya lalo na at hindi dahil sa akin. Am I that selfish?" napapaos niyang sinabi sa akin.
Mas isiniksik ko ang sarili sa kanya sabay iling ng paulit-ulit. Hindi, Zul. Dahil masasaktan din ako kapag nakikita kitang masaya nang hindi rin dahil sa akin.
"May selebrasyon bukas sa Mansion. Lahat kaming magpinsan ay nakapasa kaya hindi puwedeng wala ka..." Nakangiti niyang angat sa mukha ko.
I smiled and nodded. "Pupunta ako..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro