Kabanata 15
Pagod
"Ayoko!" Matigas na sigaw ni Papa sabay iling.
Kaagad inabot ni Mama ang kamay ni Papa sabay pisil nito para kumalma. Katabi ko naman si Aunty Lilian sa sofa habang si Uncle Dom ay nakatayo sa likuran.
Pinag-uusapan namin ang planong napag-usapan nila Mama, Aunty, and Uncle Dom kagabi. They are now convincing Papa for ages but he stand firmly and final. Ayaw niya talagang magpa gamot sa Manila.
"Kuya, this is not the time to be stubborn--"
"I am not being stubborn, Domino! Magagamot ako na hindi iniiwan ang pamilya ko. Hindi ko kailangan ang Manila!" Papa said angrily.
"Pang...." masuyong tawag ni Mama kay Papa. Unti-unti naman itong kumalma nang lingunin niya si Mama.
"Ang doctor mo na nga nagsabi na mas mapadali ang pagpapa-galing mo kapag sa Manila ka, Kuya..." parang galit na ring utas ni Uncle Dom. I know he's just worried about the condition of his brother. Nagagalit na rin ito dahil sa pagmamatigas ni Papa.
"Dom..." Aunty Lilian warned.
Yumuko ako at inaalala at inaral ang lahat. Alam ko ring nag-alala si Papa sa akin. Nabanggit kasi nila kanina na maiiwan ako rito lalo na at malapit na ang pasukan ko. Pagkasabi nila no'n ay mas lalong nagalit si Papa.
"Hindi ko puwedeng iwan si Riri..." kalmadong utas na ni Papa.
Inangat ko ang tingin at napatitig sa ama. Nakatingin na ito sa akin at namumula ang mga mata. Tumayo ako at nilapitan siya. I smiled at him pero isang matigas na iling ang kaagad pinakawalan ni Papa.
"Ayoko sa sasabihin mo, anak...ayoko..."
I pressed my lips and nodded. "Pero kailangan mong magpagamot, Papa. G-Gusto ko kapag g-graduate ako ng high school ay malakas ka.." napapaos kong sinabi. Ramdam kong nanghina si Papa sa sinabi kong 'yon dahil hindi na niya napigilan ang pag-iyak.
I pressed my lips more. "G-gusto kong kayo ni Mama ang magsasabit sa medalya ko sa stage, pa...kaya magpagamot ka, ha?" Nakangiti kong saad sabay patak ng mainit kong luha.
Ipinikit ng mariin ni Papa ang mga mata. Si Mama naman ay umiiyak na itong napatitig sa akin. Nanginginig kong inabot ang mga kamay nilang pinagsiklop. Mama held mine tightly at tahimik na humikhikbi.
"P-Papa, please...." pagsusumao ko.
Papa slowly opened his eyes. Tiredness, fear and sadness was evident in his eyes. Ang mga luhang namumungad doon ay hindi sapat para takpan ang mga emosyong pilit niyang tinatago.
"P-Paano ka rito, anak?" Papa's voice cracked.
Kaagad akong umiling. "Kaya ko po ang sarili ko. Nandito naman po si Raki, e!" Ibinaling ko kay Raki ang tingin na ngayon nasa paanan ni Aunty at tahimik na nakikinig sa amin. He barked on us like he was telling them that I am alright to be here because he's with me.
"Makinig ka sa anak mo, Kuya," Uncle Dom uttered.
Saglit akong tinitigan ni Papa--he's like ensuring me. Pinatatag ko naman ang sarili at pinakita sa kanya na sigurado ako sa naging desisyon ko. Mahirap man pero kakayanin. Hindi sa wala nang ibang paraan kundi ito nalang ang natatanging paraan para ma kumbinsi ko si Papa. I know I am his weakness. He loves me so much kaya ang mga sinasabi ko sa kanya ay pinaghuhugutan niya iyon ng lakas para pumayag.
Tahimik akong nakatanaw sa mga bagong tubong mga palay. Nasa ilalim ako ngayon ng punong Narra at hinahayaan ang isipan na malayang magliwaliw.
Raki is chasing some dragonflies. Nasa ibaba ito at hindi tinigilan ang mga tutubi. Nang napagod ito ay umakyat na rin ito sa burol kung nasaan ako at nakasandal sa ilalim ng Narra.
"Inuuhaw ka na?" Kinuha ko ang tumbler niya at pina inom. Tahimik naman itong umiinom at pa tingin-tingin sa akin.
"Riri, Raki!"
Napatayo ako nang may tumawag sa akin sa hindi kalayuan. Ngumuso ako nang makitang si Ashley 'yon at kasama si Mang Berting. Kumaway ako sa kanya. Pagkakita rin ni Raki sa kaibigan ay kaagad itong tumakbo palapit sa kanya.
"Bakit ka nga pala pumunta rito?" Bungad ko nang makalapit na ito ng tuluyan sa akin.
Hinihingal pa ito at may malalaking butil ng pawis sa noo. Hindi ito nagdadalawang isip na umupo sa damuhan at pagod na isinandal ang katawan sa Narra.
"Grabe, para akong hihimatayin!" Reklamo niya--hindi pinansin ang tanong ko.
Nang umihip ang napakalamig na simoy ng hangin ay lumapad ang kanyang ngisi. "Hindi na pala," halakhak niya.
I shook my head and laughed, too. Tumabi ako sa kanya mula sa pagkaka upo. Si Raki naman ay nanghuhuli na naman ng mga tutubi sa baba malapit sa mga palay.
"Kailan ang flight ni Tita at Tito?" untag ni Ashley matapos ang katahimikang bumalot sa amin kanina.
I sighed. Ashley knew everything about me. Maliban lang sa isang bagay.
"Bukas..." parang nanghina ako pagkasabi ko no'n.
"Gusto mo bang sa amin ka muna? Matutuwa ang pamilya ko kapag malaman nilang sa bahay ka muna pansamantala."
Nginitian ko ang kaibigan pero nanatili pa rin ang mga mata sa magandang tanawin. Napakurap-kurap ako nang biglang sumagi sa isipan ko si Zul. Dito rin namin ginawa ang deal namin pagkatapos naming mag kuwentohan.
Kamusta na kaya ang exam niya? Hindi ko man lang siya nakamusta.
"Salamat, Ash pero hindi na. Kaya ko naman mag-isa..."
Bumuntong-hininga ang kaibigan sa sinabi ko. She nodded and held my hand. Nilingon ko siya. Her eyes was telling me that everything will be okay and it made me tear up. I held my tears and bow my head a bit. Nang nawala na ang emosyong nais kumawala kanina ay inangat ko muli ang tingin at dinepina na lamang sa magandang tanawin.
Papalubog na ang araw at parang wala pang balak umuwi si Ashley. Nawili na ata rito kaya pinabayaan ko muna.
"Kung alam ko lang na ganito kapayapa rito...Sana rito ko nalang dinadala ang sarili ko sa tuwing kailangan kong mapag-isa..."
Napatitig ako sa kaibigan. Ashley is the loud one. Maingay, kalog, at wild-free. Hindi na nga kailanman pumasok sa isipan ko na magkaka problema ito dahil sa kung paano ito umakto sa lahat. Or maybe, people who are loud, and cheerful are the one who hid various problems. They hid their problems by being that way so that people wouldn't notice their problems.
"Ikaw, kamusta ka?" I asked her gently.
Nagulat ako nang biglang pumatak ang luha niya. She chuckled and wiped her tears in instant. Umiling siya...paulit-ulit. Hanggang sa ang tawa niya ay unti-unting naging hikbi.
"H-Hindi ako okay, Riri...h-hindi..." nanginginig ang boses niya.
Kaagad ko siyang niyakap. Pagkayakap ko sa kanya ay mas lalo siyang humagulhol. I hushed her as my voice was slowly cracked, too. Hindi ako nagsasalita at pinabayaan nalang muna siyang ilabas ang hinanakita niya. I know crying can ease somehow what we felt. Ganoon palagi ang ginagawa ko para maibsan ang sakit na nararamdaman ko.
Wala na ang araw pagkarating namin sa bahay. Hindi na rin pumasok si Ash nang inaya ko ito. Aniya, bisitahin nalang daw niya ako sa mga susunod na araw at mamili na rin kami ng kakailanganin namin para sa skwela.
"Sige, mag-ingat ka!" I waved my hand. Kumaway rin siya at sumakay na sa tricycle.
Bago ko pa mabuksan ang gate ay may kung sino na ang bumukas nito para sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang si Zul ito. Raki barked at him and wiggled his tails. Wow, excited?
"Z-Zul, ikaw pala!"
Hindi siya umimik at tahimik lang na binuksan ang gate. Pagka pasok ko ay parang lion naman itong nagmasid sa akin. I pouted when I smelled his scent. Parang namiss ko ito...iyong pabango.
"Saan ka galing?" Nakapamulsa itong tumitig sa akin.
He's wearing a black t-shirt and faded maong pants. Naka mamahalin din itong male sandal. Nasabi kong mahal dahil sa leather nitong straps. Hindi ko alam kung anong brand no'n pero pamilyar iyon sa akin dahil sa minsanan na rin kaming mag window shopping ni Ash sa mga mamahaling stores sa mall.
"Sa bukid kasama si Ashley..."
Naninimbang na mga titig ang ipinukol niya sa akin. Iniwas ko ang mga mata nang naramdaman kong unti-unting kumalabog ang puso ko. I cleared my throat at naglakad na papasok sa bahay. Kanina lang ba siya rito?
Kakababa ko lang galing sa kuwarto nang marinig ko ang mahinang pagtawa ni Papa. Nasa hagdanan pa lang ako pero kitang-kita ko kung gaano kagusto ng pamilya ko si Zul mula rito. They treat Zul as their son pero hindi man lang ako nakaramdan ng selos.
"Mahirap ba ang mga tanong sa exam?" Narinig kong tanong ni Papa.
"Medyo po. May iilang mga tanong doon na nahihirapan po talaga ako," si Zul.
"Naku, kapag nakapasa ka ay ibig sabihin sa Manila ka na?"
"Kung papalarin po. InshaAllah.." Zul anwered hopefully.
Ngumuso ako at niliitan ang mga hakbang.
"Mag Maynila rin kami....Magpapagamot ako ro'n. Pero maiiwan lang dito si Riri." Si Papa.
I saw how Zul stiffened. I bit my lower lip and stopped. Bakit mukha rin siyang apektado sa sinabi ni Papa? O nag o-overthink na naman ako? Ikiniling ko ang ulo. Gutom lang 'to.
"Hindi mo sinabi sa akin ang tungkol sa pagpapa gamot ng Papa mo sa Manila."
Ramdam kong nanatili ang tingin ni Zul sa akin. Nasa terrace ako at nakaupo roon samantalang si Zul naman ay nakatayo lang at nakahalukip-kip sa tabi ko.
"Sasabihin ko sana sa 'yo kaso nakalagitnaan ko." Inayos ko ang sarili mula sa pagkaka upo. Nilamon na ng dilim ang kalangitan. Ang mga bituin din ay unti-unti na ring nagsilabasan.
"Magpapa-iwan ka rito?"
Nilingon ko siya. His bow was still creasing when I turned to him. Hindi ito nagpatinag nang tinitigan ko siya. Sa huli, ako pa rin iyong nag-iwas ng tingin.
"Why, iniisip mo pa rin ba na bata ako? Na hindi ako puwedeng maiwan mag-isa dahil bata pa lang ako at hind ko kayang mag-isa?" May bahid na iritasyon kong sagot.
"That's not what I meant.."
I turned my head on him again. Mas lalong kumunot ang noo niya at inigting ang panga. Tumikhim ako at bumaba sa kinauupuan ko. Hinarap ko siya at nilagay ang magkabilang buhok sa likod ng tainga.
"Oo, magpapa iwan ako rito."
"Wala kang kasama...Paano ang seguridad mo?"
We already set the things up. Babayaran ni Uncle Dom ang mga tanod ni Papa na bantayan ako kada gabi rito sa labas ng bahay. Isa pa, hindi naman ito basta-bastang mapapasukan ang bahay. Kahit may kalumaan ang gate ay matibay at matayog naman ito. Sa mismong bahay naman ay hindi biro ang mga locks.
"Mga tanod." Inayos ko ang mga bulaklak na nakapatong sa isang side ng teresa.
Nilingon ko siyang muli. Bawat kilos ko ay pinagmamasdan niya---as if he don't want to miss something. Gusto kong batukan ang sarili. Ganito siguro kapag gusto mo ang tao, iniisip mo ring may kahulugan lahat ang mga kilos niya lalo na at nakatingin at kaharap mo ito.
At kailan ko ba ma amin sa sarili ko na gusto ko na nga ang lalaking 'to? Pa simple akong suminghap at binalewala muli ang presensya ni Zul.
Inabala ko ang sarili sa mga bulaklak. Pa simple kong hinaplos ang napaka haba kong buhok at saglit napatulala. Talaga bang puputulin ko ang buhok na 'to para sabihin sa kanya na talo ako sa deal namin? At kung sasabihin ko, may gagawin ba siya?
"Gabi na, hindi ka pa ba uuwi?" Baling ko kay Zul na hanggang ngayon ay tahimik pa rin sa tabi.
He stared at me in a minute. "Magpapaalam muna ako sa mga magulang mo."
Ngumiti ako sa kanya sabay tango.
Kay Mama nalang nakapagpaalam si Zul dahil nagpapahinga na si Papa sa silid. Maaga rin ang flight nila bukas kaya kailangan niya ng lakas. Tulala akong nakatingin sa labas ng bintana habang naka upo sa sofa.
I tilted my head when Mama sat besides me. Kahit si Mama ay napapansin kong namamayat na rin. She seem very tired and weak. But her beauty is like a strong foundation to cover up what she don't want people might see.
"Anak, may tanong ako..."
"Ano po 'yon?"
"May namamagitan ba sa inyo ni Zul?" masuyong tanong ng aking pinakamamahal na ina.
Nang hindi kaagad ako nakasagot ay magaan akong nginitian ni Mama. Bahagya akong yumuko. Hindi ko nga maamin sa sarili ko na gusto ko na si Zul tapos aaminin ko kay Mama?
"W-Wala po..." natatanging sagot ko nalang.
Tumango si Mama. "Pero gusto mo ba siya?"
Pinagdikit ko ang mga labi sabay angat ng tingin. I am so glad that my mother ain't like other mothers. Tinatanggap at vina-validate nito ang mga nararamdaman ko kahit may lalaking sangkot. She thinks having a crush is a normal which is pretty normal naman talaga. My mother have a wide perspective and understanding. A kind of mother that everyone deserves to have.
"O-Opo..." halos pabulong nalang 'yon.
Hinawakan ni Mama ang kamay ko. She smiled and tapped my head---trailing my long black hair that I got from her. Ayoko iyong hinakawan ang ulo ko but for the people we love, they are exceptional
"We like Zul, too. Gustong-gusto ng Papa mo si Zul, anak. Mabait, matulungin, seryoso, at maintindihin." Habang lumalabas ang mga salitang 'yon galing kay Mama ay masasabi ko kung gaano nga nila ito kagusto.
Mama sighed. "Pero kailangan mong mas lawakan ang pag-uunawa mo lalo na at magkaiba tayo sa kanila."
I nodded slowly. Alam kong malaking barrier iyong relihiyon namin. Doon pa lang sa Muslim siya at Christian ako ay napakalaking hadlang na 'yon. Nakakatakot pala itong ganito. Kaya ba hanggang ngayon mahal pa rin ni Ash ang ex niya dahil nagsisisi siyang wala siyang ginawa? At ano namang magagawa ng isang menor de edad?
"Hayaan mong gustuhin siya hanggang sa matuto ka at makaintindi sa kanila. Besides, bata ka pa. Marami ka pang pagdadaanan. Baka sa mga panahong maalam ka na ay mawawala rin 'yan..."
Buong gabi kong inisip ang napag-usapan namin ni Mama. Mawawala rin 'to? Sa tingin ko rin ba mawawala rin 'to? Napalunok ako. Sa tingin ko oo pero hindi agaran. Hindi...basta-basta.
Binuksan ko ang cabinet ko at tumambad sa akin ang mga paper bags na binigay noon ni Zul. Napangiti ako. He likes me wearing Hijab. My heart and system starting coping something when I recall all the moments we spend. Pinaghalong emosyon ang nararamdaman ko. When the thought of us having different beliefs and religion...parang kumikirot ang puso ko.
Hindi ko nga siya gusto dahil mahal ko na siya. Napaupo ako sa sahig at isinandal ang sarili sa kama. Pero hindi ito dapat ang pagtuonan ko ng pansin. Papa really needs me at hindi dapat ako magpapa disturbo sa anumang bagay. Pag-iigihan kong mag-aral para makakuha ng maraming medalya para may maipakita ako kay Papa---para may ipapa sout sa akin si Papa.
Napatingin ako sa pintuan nang may kumatok doon. Tumayo ako at pinagbuksan ko ito. Si Mama.
"Sigurado ka ba, anak?" maluhang tanong sa akin ni Mama.
Nag-uunahang tumulo ang mga luha ko bago ako tumango. Gusto ko kapag aalis sila ay hindi na sila magpapaalam sa akin. Iyon 'yong hiling ko kay Mama. Mahihirapan ako kapag makikita ko silang umalis dito sa bahay. Mahihirapan akong tanggapin na maiiwan ako rito. Baka kapag nakikita ko silang umalis ay maisapan ko pang sumama.
Niyakap ako ni Mama ng mahigpit. I hugged her back. Para kay Papa, Dorothy. Para sa kanya ang lahat ng 'to.
Naalimpungatan ako nang may humaplos sa mukha ko. I was about to opened my eyes when I heard a soft sob of Mama. I pretended that I am still sleeping para hindi ko na sila makita. Halos hindi na ako humihinga at naninikip na rin ang dibdib ko. Gusto kong umiyak nang umiyak.
"T-Tara na, mahal. Sabi ng anak mo ay ayaw niya tayong mamaalam sa kanya. M-Mahihirapan siya..." nanginginig ang boses ni Mama.
"S-Sandali lang..." Si Papa at hinaplos muli ang mukha ko.
Please, God paalisin mo na sila. Halos hindi na ako makahinga sa sakit. I naturally flipped in the other side para matakpan ang luhang dumaloy sa kabila kong pisngi. Nakatalikod na ako sa kanilang dalawa.
Mas lalong nagsidaluyan ang mga luha ko nang naramdaman kong niyakap nila akong dalawa. Tahimik akong umiiyak as I heard my parents crying, too. Gusto ko silang yakapin pabalik kaso puno na ng pinalidad ang desisyon ko.
"M-Mahal na mahal kita, anak. Mahal na mahal..." Papa sobbed. "S-Salamat sa Dios at ginabayan niya kami ng tama simula noong isinilang ka. I am very proud of you, anak...palagi. Hintayin mo si Papa, ha?"
I bit my lower lip and stopped my self more. Gusto ko nang humahagulhol. Nang hinalikan nila akong dalawa ni Mama na tanda ng pagpapaalam ay parang gusto kong ibuka ang mga mata.
"Tatawagan ka namin palagi, anak...pangako," si Mama.
When they left my room, doon ko binuksan ang mga mata. Bumangon ako at iniyak lahat ang sakit. Nanginginig ang buong katawan ko nang binuksan ko nang kaunti ang pintuan ko. I heard an engine on our front house. May black SUV doon. Probably, Uncle Dom and Aunt Lilian.
"Si Riri?" si Uncle.
"Tulog pa. Ayaw niya rin dawng magpapaalam kami sa kanya..." umiiyak pa ring sagot ni Mama.
Please, huwag na kayong mag-usap dito sa bahay. Nahihirapan na ako. Gusto na ko nang sumama Pinikit ko nang mariin ang mga mata at hinawakan ang bibig para hindi makalikha ng ingay dahil da mga bigat kong iyak.
"Nasa labas na ang sasakyan..."
Medyo nilakihan ko ang awang ng pintuan ko. Si Papa nalang ang natira sa sala at parang ayaw pang sumama. Nakatingin ito banda rito sa itaas. Nagtago ako nang mas lumapit siya.
"Tara na, Kuya..."
Hinilot ni Papa ang mga mata bago niya tinanguhan si Uncle Dom. Nang makasakay na silang lahat sa SUV at tumahimik na ang buong kabahayan ay doon na ako lumabas. Iyak na ako nang iyak at nanghihina akong napaupo sa sofa.
"Arf!"
Hindi ko nilingon si Raki at nagpatuloy lang ako sa pag-iyak. Indeed, mas mabuti iyong ikaw ang umalis kaysa ikaw itong naiwan. Mas masakit at mahirap pala itong maiwan. Mas mahapdi..mas nakaka baliw.
Raki cuddled me as he bowed his head and leveled it to mine. He barked and barked. Niyakap ko nalang siya at mas iniyak ko pa lalo ang nararamdaman.
You need to be strong, Riri. Kailangan mong maging matatag. Kailangan...kailangan kahit mahirap sa 'yo. Gagawin mo kung anong dapat. Stop babying yourself. You can get through this if you won't dwell in hardships to work. Hindi ka magiging malakas kung sa unang pagsubok ay aayaw ka na. Think this as a preparation.
Pero sa ngayon, gusto ko munang umiyak nang umiyak hanggang sa mapagod.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro