Kabanata 14
Problem
Malapit na ang pasukan na hindi ko namamalayan. Parang buong summer ko ay bahay at hospital lamang kahit may mga araw ro'n na magkasama kami ni Zul. Palagi nang tumatatak sa isipan ko ang pagtutok kay Papa at hindi pinahihintulutan ang anumang bagay.
Nilingon ko si Mama at Papa na nagpapa araw sa labas ng bahay. They are talking like there's nothing really happened. May leukemia si Papa---stage three. Iyon 'yong sinabi ng doctor sa akin pagkalabas namin sa hospital. Mag i-isang linggo na simula noong nakalabas si Papa.
Gusto man naming ipanatili muna si Papa roon ay hindi naman ito pumapayag. Kumuha nalang si Uncle Dom ng private Doctor para kay Papa para ito nalang ang pupunta sa bahay kapag may emergency.
Hindi ko namalayan ang unti-unting pag ngilid ng mga luha ko. Siguro kung sinabi kaagad ni Papa ay hindi siguro aabot sa stage three ang sakit niya. Akmang lilingunin niya ako kaya kaagad kong pinalis ang luha sa mga mata sabay ngiti ko sa kanya.
He smiled back weakly on me. Iniwas ko ang tingin nang may namumuo na namang luha sa aking mga mata. Parang may maliliit din na karayom ang tumutusok sa puso ko sa tuwing inaalala ko ang disposisyon ni Papa. Sobrang sakit sa puso.
Seeing your parent that slowly dying is a torture. Big time. Kinagat ko ang pang ibabang labi at hinayaan na ang mga luhang nagbabagsakan sa pisngi ko.
Bakit kung sino pa itong mga mabubuting tao ay siyang nilalagay sa ganitong position? Maraming mga masasamang tao sa mundo. Bakit mga katulad pa ni Papa ang pinapahirapan?
Sobrang bilis umusad ng oras. Kakatapos lang naming maghapunan at kasalukuyan nang nagpapahinga si Mama at Papa sa kuwarto nila. Nagpa-iwan muna ako rito sa sala at nagpapatunaw muna ng kinakain.
Nilingon ko si Raki na ngayon ay mahimbing nang natutulog. I sighed and picked up my phone. Lumabas ako ng bahay at umupo sa wooden chair namin sa teresa.
Ilalapag ko sana ang hawak-hawak kong cellphone nang mag vibrate ito sa kamay ko. I blinked when I saw Zul's name plastered on my screen. Tikom bibig kong sinagot ang tawag niya sabay lagay ang cellphone sa tainga.
"Hmm?" ani ko.
"Kumusta ka?"
Tumikhim ako. "Ayos lang naman...Ikaw?"
"I'm good, too. Si Tito, kamusta?"
"Bumuti-buti naman siya..."
Ngumuso ako nang marinig kong parang nag change position ito mula sa pagkakahiga niya. Narinig ko pa ang marahan niyang paghila sa kanyang kumot.
"Matutulog ka na ba?" untag ko.
"Hmm. Maaga kami bukas para sa exam namin..."
I pressed my lips. Shit. Muntik ko nang makalimutan na bukas nga pala iyong exam day niya. Ipinako ko ang mga mata sa bracelet na hanggang ngayon sout-sout ko. I wonder if Zul was still wearing that cheap bracelet. I pouted.
"Good luck..." halos hindi na niya ata 'yon narinig dahil sa liit na pagkakasabi ko no'n.
Saglit pa kaming natahimik dalawa.
"Dadaan muna ako sa inyo bago ako pumunta sa exam hall bukas...if it's okay with you?" he uttered huskily.
Halos mapudpod ang pang ibabang labi ko sa pagkakagat. Binawi ako ang tingin mula sa pagkaka depina sa bracelet na sout at napatingin sa sinag ng buwan na humahaplos sa mga bulaklak na naghilera sa harapan ko.
"A-Ayos lang naman," ani ko.
Another silence passed by. Tiningnan ko ang cellphone baka na end na pero nandoon pa rin naman ang tawag.
"Sige na at maaga ka pa bukas.."
He groaned and murmured something that I didn't clearly heard.
"Dorothy..."
"Ano?"
"Nandito lang ako para sa 'yo...palagi," he sleepily uttered.
Natahimik ako at hindi kaagad nakabawi. Yumuko ako nang naramdaman kong nanubig ang mga mata ko. Gusto kong sabihing, 'salamat' pero hindi ko masabi lalo na at parang may bukol sa lalamunan ko---na kapag magsalita ako ay may hikbing kasunod 'yon.
I always acted strong infront of my parents lalo na kay Mama. Alam kong takot na takot na ito sa naging kalagayan ni Papa pero pinanatili niya ang pagiging matatag lalo na at palagi ko rin silang nakikita. Mama forced herself to be strong even I know that she's totally a fragile and soft. For me not to be scared and worried, she acted strong.
And I will do and give back the favor kahit mahirap.
Tumingala ako para ibalik ang luhang magsilandasan na sana. I bitterly smiled. "Salamat, Zul..." I think it was my first time uttering a words that sweet as ever for him.
Nang marinig ko ang mararahan at mababang mga hilik niya tumawa ako ng bahagya. "Good luck sa exam mo. I know you can do it. I know you will passed that exam. It's your dream..." malambing kong sinabi sa kanya kahit alam kong hindi na niya ako maririnig dahil tulog na ito.
Tumingala ulit ako sa kalangitan. "Ibigay mo sana ang bagay na ito sa kanya. Alam kong magiging mabuti siyang sundalo...alam kong malaking tulong siya sa bansa," I whispered as a lone tear escaped from my eye.
Magkaiba man tayo ng paniniwala...alam kong alam Niya ang nais kong iparating sa kanya...na siyang humahawak sa mga panalangin ko at sa 'yo, Zul.
Nagising ako nang may mahihinang katok akong narinig mula sa labas ng pintuan ko. Kinusot ko ang mga mata at binalingan ang maliit na orasan sa bedside table ko.
Bago pa lang nag alas singko.
"Anak, nasa labas si Zul at hihintay ka. May lakad ba kayo?" si Mama.
Ang antok ko kanina ay biglang nawala pagkarinig ko no'n kay Mama. Dali-dali akong umahon sa kama at naghilamos na. Mga ilang pasada lang din ang ginawa kong pagsuklay sa buhok ko bago ako lumabas ng bahay.
Shit. Nasabi nga pala niya na dadaan siya rito bago pumunta sa exam hall. Pagkalabas ko ay kaagad bumungad sa akin ang itim na BMW. Nang makitang hindi lang si Zul ang nandoon ay parang gusto ko ulit pumasok sa bahay.
"G-Good morning!" Ngisi ko sa kanya sabay kaway.
Imbes batiin niya rin ako ay kunot na kunot ang noo nitong napatitig sa legs ko. Siguro kung hindi ko ito kilala ay iisipin ko kaagad na binubusohan ako nito.
"Anong nangyari sa 'yo? Bakit marami kang sugat at mga galos?"
Nanindig pa ang balahibo ko nang hinawakan niya ang braso ko at sinuri ako ng mabuti. Tinikom ko nalang ang bibig at pilit binabawi ang kamay sa kanya. Hinigpitan niya naman ang pagkakahawak para hindi ko mabawi.
"Na ano lang..." Sabay bawi ko sa kamay. Namula ang buong mukha ko nang makitang isa-isang nagsibabaan ang mga kasama niya sa BMW. I even saw Hafza waved at me.
"Na ano, Dorothy?" galit na utas niya.
"Nagmamadali kasi ako noong kumuha ako ng ambulansya kaya..." bumuntong hininga ako at tumingala sa kanya.
Umigting ang panga niya habang hindi inalis ang tingin sa mga sugat ko. I pressed my lips more. He just wore a plain v-neck t shirt na hapit na hapit sa katawan niya. Hindi ko na talaga alam kung anong mas bagay sa kanya. Iyong casual out fit niya lang, when he's with his criminology uniform, o iyong Thobe niya every arabic class niya.
Pero sa tingin ko lahat. Lahat iyon bagay sa kanya.
Iyong mga kasama niya ay ganoon din at naka white t-shirt. Siguro ganito dapat ang sout kapag mag t-take ng exam.
"Ayos lang naman ako, Zul." Sinulyapan ko ang mga pinsan niya ( hula ko) na tahimik lang na nagmamasid sa amin.
"Nagamot na ba 'to ng maayos?"
"Oo..." marahan kong sinabi sabay sulyap sa mga kasama niya. Binaling ko sa kanya ang tingin. Nagkasalubong parin ang kilay nito at parang walang planong umalis!
I rolled my eyes. "Sige na, sige na baka ma late pa kayo!" ani ko sabay tulak ng bahagya sa kanya.
Narinig kong naghalakhakan ang mga kasama niya pero hindi naman ito nakatingin sa amin. Hinilot ni Zul ang kanyang sentido at masamang nilingon ang mga kasama. Hafza raised his both hands as he grinned devilishly.
Iyong isa namang pinsan niya ay tahimik lang itong naka taas ang kilay habang may mapaglarong ngisi rin sa kanyang labi. Hindi ko ito kilala pero may mga anggulo silang magkapareho.
"Don't mind them. They are just my cousins..."
Oh?
"Paki sabi rin na good luck sa kanila!" Nakangiti kong sinabi sa kanya.
Mas lalong dumilim ang titig niya sa akin. "Close ba kayo para sabihin sa kanila 'yon?"
Inirapan ko ito. "Arte mo! Pwede naman 'yon. 'Tsaka, sige na!" Tulak ko ulit sa kanya. Tingin ako nang tingin sa araw na tumataas na ang sinag. Kapag minamalas naman, o!
"Ulitin mo muna," aniya na ikinatigil ko.
"Huh? Ang alin?"
"Iyong 'good luck'.."
Sinapo ko ang noo saba iling. Dios ko naman! "Goo---"
"Ibulong mo, ayokong marinig nila."
Halos sabunutan ko si Zul dahil sa ka artehan niya. Ano bang meron sa 'good luck ko' at pinagdadamot ng banong 'to? My lips portruded when he leaned very closely to me. His cousins whistled that makes me more intense.
"Bilis," he demanded.
Pinaikot ko muna ang mga mata bago ako lumapit ulit sa kanya. Bahagya akong tumingkayad para mabulong sa kanya nang maayos ang gusto niya.
Napahawak ako sa kanang braso niya as I whispered, "Good luck, Zul. Alam kong maipasa mo 'to..."
Pagkatapos kong sabihin sa kanya 'yon ay hindi na ako makatingin sa kanya ng maayos. Tumikhim ako at umatras na malapit sa gate namin. Pinasadahan ni Zul ang pang ibabang labi ng dila bago ito ngumisi sa akin. He cleared his throat and bid his bye to me.
Nang makasakay na sila sa sasakyan nila ay kinawayan ko sila. Hindi ko alam kung sino ang bumusina pero bumusina muna sila bago nito pinaharurot ang sasakyan palabas sa village namin.
"Bakit napadaan dito ng ganito ka aga si Zul, Riri?" Si Mama na ngayon ay naghahanda ng mga rekados.
Tinali ko muna ang buhok bago ako lumapit sa kanya para matulungan siya sa paghanda ng umagahan.
"Ngayon kasi iyong exam niya for PMA, ma..."
Kinuha ko na iyong mga carrots at hinugasan na sa lababo. Pati na rin ang iba pang gulay na kailangang hugasan ay isinama ko na rin.
"Oh? Akala ko ay itutuloy niya ang kursong kinuha niya ngayon. Susunod pala talaga sila sa mga Ama nila..."
Rabbani's legacy is still overflowing like a dangerous stream of river. Mula sa mga ninuno nila hanggang ngayon ay nananalaytay na sa kanilang dugo ang pagiging sundalo.
"Akala ko rin po, ma." Tanging naisagot ko sa ina.
Nakauwi na sina Uncle Dom kasama ang asawa niya galing Manila. Gabi na at nakatulog na ako nang dumating sila. Hindi na ako ginising ni Mama pero nagising ako at naririnig ang mga boses nilang nag-uusap sa baba.
"Puwede nating dalhin si Kuya sa Manila, Rachel. Maraming mas magagaling na Doctor doon at mas matutokan pa siya.."
Tahimik lang akong umupo sa hagdanan habang tinatanaw sila sa baba at nag-uusap. Isang sulyap ko kay Uncle Dom ay mukhang si Papa na nakaupo sa harapan ni Mama. Alam kaya ni Papa na dumating na ang kapatid niya?
"P-Paano ang trabaho ko? Ang baranggay..." nanlulumong utas ni Mama sabay sapo sa mukha niya.
Tinakpan ko ang bibig ko nang magsimula na rin akong magpakawala ng mahihinang hikbi. Ramdam kong nahihirapan na si Mama pero hindi ko naman alam kung paano siya tutulungan. I am just a mere...kid.
Ang natatanging magagawa ko muna ngayon ay ang pag-igihanan ang pag-aaral. Ayokong maging dagdag sakit ulo sa mga magulang ko.
"Puwede ka naman mag file ng leave. Seryoso ito, Rachel," masuyong sambit ni Aunty Lilian.
"Si Riri...Dadalhin din ba natin?"
Gusto kong sabihing kaya kong mag-isa rito pero natatakot din akong maiwan. Hindi ko alam paano mamuhay ng mag-isa. Hindi ako sanay na uuwing walang tao sa bahay. Hindi ako sanay na wala ang presensya nila sa kung saan din ako tumutuloy.
Pero haggang kailan ako magiging duwag? Hanggang kailan ako magiging matatag? Pinalis ako ang luha at tahimik lang na nakikinig sa kanila.
"Dorothy is an amazing and brilliant child, Rachel. Wala kang ipangangamba sa anak mong 'yon. If her security whom you worried ay puwede ko namang bayaran ang mga tanod ni Kuya para magbantay sa labas ng bahay," suhestisyon ni Uncle Dom.
Aunty Lilian agreed to his husband. Si Mama naman ay hindi umimik at tulala itong napatitig sa kawalan. Kumuha ng tubig si Aunty Lilian at pina inom niya si Mama.
"Kung dadalhin natin si Riri roon ay mas mahihirapan siyang mag adjust lalo na at nasa ganitong sitwasyon ang Papa niya. Mahirap pa naman mag adopt sa paligid lalo na at hindi sociable na bata ang anak mo," ani ni Aunty Lilian.
Bumalik na ako sa kuwarto ko at tulalang umupo sa dulo ng kama. Palis ako nang palis sa mga luha ko habang ang mga napag-usapan nila kanina ay patuloy na bumabalik na parang sirang plaka sa utak ko.
Unti-unti kong nilubog ang sarili sa kama. Tumitig ako sa kisame at hinayaan muli ang mga luha. Sobrang hirap pala nito. Iyong gusto mong maglabas ng sama ng loob sa kung sino man para maibsan kahit papaano ang nararamdaman mo pero ayaw mo namang makaabala ng tao.
I guess, we must learn how to deal with our own problems without telling it to anyone...or to someone.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro