Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 13

Talo

Papalubog pa lang ang araw nang maihatid ako ni Zul sa mismong tapat ng bahay namin. Hindi kami nag imikan simula pa kanina kaya nababalisa ako sa disposisyon naming dalawa.

"S-Salamat sa araw na 'to, Zul," untag ko pagkababa ko sa kotse niya.

Nanatili lang siyang nakatingin sa akin bago siya bumaba at umikot para maharap ako ng maayos. I pressed my lips and wait him to come near me.

Tumikhim ako nang magkaharap na kami. He let a heavy sighed bago niya muling itinutok sa akin ang kanyang mga madilim at malalalim na mga mata.

"I love seeing you cared for dogs, Dorothy. Pasensya na at iba ang dating sa 'yo no'ng inilayo kita sa asong nakita natin kanina. It's just he's a stray dog...hindi ka niya kilala at baka kagatin ka pa niya," he said carely.

Dahan-dahan akong tumango sa kanya sabay tungo. Napatitig ako sa bracelet na nasa pala pulsohan ko ngayon. May point naman siya. Minsan iniisip ng ibang aso na sasaktan sila lalo na at hindi nila kilala ang taong lalapit sa kanila kaya umaatake sila to defend theirselves. And why is he explaining? Naiintindihan ko rin naman na bawal sila sa aso.

Again, I cleared my throat.

"Pasensya talaga," he whispered.

"P-Pasensya rin kung...k-kung may nasabi man akong hindi mo gusto," napapaos kong sinabi.

He didn't uttered any word kaya inangat ko ang tingin para matingnan siya. Inilagay ko sa likod nang tainga ang takas kong buhok nang hinampas kami ng pang hapong hangin.

"Naiintindihan ko," aniya.

"Naiintindihan din kita..." agap ko.

Saglit niyang inawang ang labi at kunot noong iniwas sa akin ang tingin. Gusto ko rin sanang itanong sa kanya kung bakit bawal sa kanila ang aso ay magiging diskusyon lamang iyon. Hapon na rin at mukhang may lakad pa ito gaya kahapon na may dadaaan pa raw siya bago umuwi sa kanilang bahay.

Napatingin ako sa left wrist niya kung nasaan ang bracelet na binili namin kanina. Katabi no'n ang rolex watch niyang sout.

Hindi bagay. Parang kami lang...

Teka.

I cleared my throat. Stop that, Dorothy! Ano bang pinagsasabi mo riyan?!

Bitterness crept on my system when I always think it was Tiffany---na siya ang dinadaanan ni Zul bago ito umuwi sa kanilang bahay.

"Ite-text kita mamaya pagka-uwi ko." Bumuntong hininga siya at humarap muli sa akin.

Parang tinambol na naman ang puso ko pagkasabi niya no'n. Dapat hindi kami ganito. We are always arguing, teasing, and pestering each other. In that way, hindi ako nakakaramdam ng kaba, pag-aalinlangan, at pagkakabahala.

Kung hindi pa siya ulit tumikhim ay hindi pa ako maka tugon sa kanya. Agad naman akong tumango sa kanya sabay kaway ng marahan.

"S-Sige. Ingat ka sa pag drive!"

He nodded. "Dadaanan ko muna si Tita Sittie bago ako umuwi."

I blinked. So, kina Tita Sittie siya dumadaan muna bago umuwi katulad nang dati?

"Gusto nga niyang isama kita roon pero 'tsaka na kapag wala na iyong mga kamag-anak ng asawa niya..."

Nginitian ko siya bago ulit tinanguhan. I missed Tita Sittie, too. Akala ko pa naman kina Tiffany siya dumadaan. Pinipigilan kong mamula nang bahagya akong napahiya dahil sa inisip.

"Maaga kami bukas sa review center pero tatawagan muna kita bago ako pumunta roon bukas.."

Walang mga salita ang gustong lumabas sa bibig ko  dahil pino proseso ko pa ang lahat-lahat. He is now being sweet and reachable. Hindi na ito namimikon at nang-aasar sa akin. It this about the deal? Sana...hindi.

Tumango ako sa kanya. He smirked and ruffled my hair. Kaagad kong tinampal ang kamay niya sabay pukol ng masamang tingin sa kanya. Humahalakhak naman ito at akmang uulitin na naman.

Umatras ako sabay iwas ng ulo ko. Kakairita talaga ang lalaking 'to! Alam niyang ayaw ko talagang ginugulo ang buhok ko o hinahawakan ang ulo ko kaya ginagamit niya iyon para asarin ako. This man really knows how to pest me in just a second.

Tatlong araw na ang lumipas simula no'ng pumunta kami ni Zul sa Cathedral Falls. Palagi niya akong tinatawagan o 'di naman ay tini text gaya no'ng mga bilin niya.

Tutok na tutok siya sa pag review kasama ang mga pinsan niya. May mga tawag din siyang hindi ko nasasagot dahil may ginagawa rin akong importante. Nakatutok ako kay Papa dahil lumalala na ang kondisyon niya. Salitan kami ni Mama sa mga gawain at pagbabantay kay Papa dahil sa takot na ano mang mangyari.

May mga tambak ding gawain sa baranggay na kinukuha ko para dalhin kay Papa na kakailangan ng mga pirma niya. Mabuti nalang at nag e-effort din ang mga konsehales o hindi naman ang sekretarya niya na pumarito para bisitahin si Papa para matingnan ang kalagayan niya bukod sa may mga dokumentong mga dala na kakailanganin.

Gusto ko mang mag resign si Papa ay ayaw niya naman dahil malapit naman din daw matapos ang kanyang termino.

Kaagad akong napatayo nang makitang dali-daling bumaba si Mama galing sa itaas. Umiiyak ito at hindi alam ang gagawin. Kaka akyat lang nila sa itaas pagkatapos ng hapunan tapos ito na agad. Hindi na rin naman ito bago itong ganito pero sa tuwing nangyayari ay hindi ko maiiwasang matakot nang paulit-ulit.

"M-Mama, ano pong nangyayari?"

"T-Tumawag ka ng ambulansya, Riri!" Nag pa-panic na sabi ni Mama.

Kaagad kong kinuha ang susi ko para makapunta na sa malapit na rural health center. Taas-baba ang dibdib ko nang hinanda ko ang motor 'tsaka sumampa sa motor para makalabas na. I was just wearing shorts and oversized t-shirt kaya ang pang gabing hangin ay kaagad sumakop sa buong sistema ko.

Nasa daan na ako at naiiyak habang pinapatakbo ang motor. Nang hindi ako nakuntento ay mas dinagdagan ko ang pagpapatakbo sa motor ko. Ang utak ko ay masyadong okupado sa nangyari sa bahay kaya nang may biglang dumaan na aso na hindi ko nakita ay kaagad ko itong itinumba.

A loud scratch of my motorcycle created a loud noise on the highway. Napaigik ako nang makitang sugatan ako sa siko, tuhod, at sa kaliwang hita ko. Mabuti nalang at hindi ko naibangga ang sarili sa poste kundi baka ako pa ang maunang ma hospital kesa kay Papa.

"Hija, ayos ka lang ba?" Nag-alalang dalo sa akin no'ng mama na naglalako ng balut.

Kagat labi akong yumuko at pa ikang-ikang itinayo muli ang motor. Binalingan ko iyong mama sabay tango sa kanya. Kailangan kong magmadali.

"Ayos lang po ako, 'Tay....Salamat po."

"Pero marami kang galos at sugat, Hija," aniya sabay tingin sa kabuuan ko.

Hindi naman siya grabe at makakaya ko pa naman. Inilingan ko siya at sumampa ulit sa motor. CRF ang gamit ko kaya medyo nahihirapan na akong sumampa lalo na at humapdi na ang mga galos at sugat.

Gusto kong magmura nang masanggi ng clutch ko sugat. Parang may mas malalim na sugat sa paa ko.

"Ayos lang po talaga ako...Mauna na po ako."

Tiningnan ko ang aso kanina na muntik kong masagasaan. Nakatingin ito sa akin at mukhang nag-alala. I smiled at the dog. Bnusinahan ko muna ito bago ako nagpaharurot muli.

Pagkarating namin sa bahay kasama ang ambulansya ay kaagad kong hinugasan ang mga sugat ko. Nang matapos ay kaagad akong pumanhik para tawagin si Mama.

"Nasaan si Dorothy, Rachel? Sinabi ko ngang ayokong magpapa hospital!"

Naabutan ko si Mama na tahimik na umiiyak at nag-iimpake. Dumapo ang mata ko sa arinolang may bagong dugong isunuka roon si Papa.

"H-Hindi! Magpapa hospital ka!" si Mama.

"M-Mama, nasa labas na po ang ambulansya..."

Parehas nila akong nilingon. Nang magtapo ang mga mata namin ni Papa ay kaagad lumambot ang kanyang ekspresyon. He coughed once more and this time may dugong lumabas sa ilong niya.

Nanlaki ang mga mata ko sabay dalo sa ama. Nag-uunahang tumulo ang mga luha ko lalo na at nakita kong nahihirapan na itong huminga. Mama rushed out and called the men who accomodate me earlier for the ambulance.

Hindi na pumalag si Papa nang inakay na siya ng mga tauhan at isinakay siya sa ambulance. Natataranta na ako pero palagi kong pinapaalala sa sarili na dapat akong kumalma.

Panicking won't help you, Dorothy kaya umayos ka!

Nilingon ako ni Mama. "Sumunod ka nalang sa hospital, anak. Ikaw na magdala sa mga gamit ng papa mo," nanginginig na tugon ni Mama sa akin.

Napalunok ako sabay tango sa ina. Nang makalabas na ang ambulansya kung saan sakay silang lahat doon ay unti-unti akong napaupo sa lumang bench namin malapit kung saan ang mga bulaklak ni mama.

Biglang tumahimik at kumalma ang paligid pero mas lumamig lang ang simoy ng hangin. Ganito palagi ang paligid namin pagkatapos naming mag hapunan. Tahimik, minsan ay nag ku-kwentuhan.

Pero ngayon unti-unti na itong nagbago.

Pinalis ko ang panibagong luhang lumandas sa pisngi ko at tulalang napatitig sa mga sugat na nasa tuhod ko.

"Arf!"

Nilingon ko si Raki na tumatakbo palapit sa akin. Isang nanghihinang ngiti ang iginawad ko sa alagang aso.

"Halika nga," tawag ko sa kanya. Kaagad naman itong tumalon sa bench na inuupuan ko at tumabi na sa akin sa pagkaka upo. Inabot ko siya para mayakap.

And with that, I didn't noticed that I cried heavily to my dog Raki.

Pagkatapos kong maihatid ang mga gamit sa hospital ay pinauwi na ako ni mama sa bahay. Gusto ko mang mamalagi pansamantala kasama ang ina para mabantayan din si Papa ay hindi puwede dahil menor de edad pa lang daw ako.

Uuwi raw sina Uncle Domino (kapatid ni Papa) kasama ang asawa niya para mabisita ang kapatid. Sa Manila pa iyon at may mga inaaasikaso pero no'ng nabalitaan nila ang naging kalagayan ng ama ay hindi sila nagdadalawang isip na puntahan kami rito.

Maingat kong ginagamot ang mga sugat ko nang biglang may dumungaw sa pintuan. Kakatapos ko lang kumain ng umagahan at nag charge na rin ng cellphone. Biglang nawala si Zul sa isipan ko. May mga text pa naman siyang hindi ko nasagot.

Nagpatuloy lang ako sa pag gamot ng mga sugat ko at hinintay na lumabas si Ashley sa may pintuan. I rolled my eyes.

"Bulaga!" Natatawang bungad ni Ashley sa akin.

Suminangot siya nang makitang hindi man lang ako nagulat. Marami itong dalang paper bags at supot. Ang kaninang ngisi niya ay biglang nawala nang makita ang mga sugat ko.

Kailan kaya umuwi 'to?

"Napaano ka?" Nilapag niya ang mga dala sa center table.

"Galos lang..." sabi ko sabay lagay ulit ng panibagong betadine sa bulak.

"Alam ko, pero mukhang malalim iyang iba, o. Kaka motor mo 'to, e!" Irap niya sa akin.

Ngumisi lang ako sa kanya at ibinaling ang tingin sa mga dala niya. "Ano pala ang mga 'yan?"

"Pasalubong ko para sa inyo," aniya at iginala ang mga mata sa kabuuan ng bahay. "Nasaan pala si Tita at Tito?"

Napatigil ako sa ginagawa. "Si Papa nasa hospital."

"Bakit? Anong nangyari?" aniya sabay titig ulit sa mga sugat ko. Sa paraan ng pagtitig niya ay parang may namuong ideya sa utak niya tungkol dito.

"Hindi dahil dito. May sakit si Papa kaya siya dinala sa hospital..."

Umayos siya sa pagkakaupo. "Kailan lang?"

"Kagabi.."

"Eh, 'yan? Bakit ka may ganyan at kailan din 'yan?"

Bumuntong hininga ako at ibinalik na sa lagayan ang mga first aid na nagkalat sa lamesa. "Kagabi rin no'ng nagmamadali akong kumuha ng ambulansya..."

Hindi siya naka imik pagkasabi ko sa kanya no'n. Natulala pa ito pagkasabi ko no'n. I let a light laugh at sinuri ang mga dala niya.

"Salamat dito!" Pinasigla ko ang boses habang patuloy kong kinakalkal ang laman ng mga paper bags at supot.

Halos laman ng mga paper bags ay mga pasalubong snacks. May mga piyaya, biscocho, mga chocolates at iba pa.

Nag kwentuhan lang kami saglit ni Ashley bago ito umuwi sa kanila. Aniya babalik daw siya bukas dito para makasama sa akin 'pag dadalaw ako kay Papa sa hospital.

Pa ika-ika akong tumayo para kunin sana ang cellphone nang bigla itong tumunog. Parang lumundag ang puso ko nang makitang tumatawag si Zul.

Napalunok ako bago ko sinagot ang tawag.

"H-Hello..."

Walang sumagot kaya tiningnan ko ulit ang cellphone baka kasi binabaan niya ako nang tawag. But seeing his name still on my screen warms me. Hindi ko rin alam kung bakit.

"Kahapon pa kita hindi ma kontak at 'di mo rin sinasagot ang mga text at mga tawag ko 'pag nagkataon..."

My lips portruded when I sense a bit of sulkiness of his voice. Pinipigilan kong ngumiti habang umupo sa couch. I winced when I bend my knee. May sugat pa pala ako roon.

"Pasensya na...medyo lumala kasi si Papa at dinala namin siya sa hospital kagabi," ani ko. Inangat ko ang kamay ko kung saan nakalagay ang bracelet.

"Kumusta siya?" Wala na ang boses niyang parang galit at nagtatampo.

"Hindi ko pa alam pero mas bubuti ang pakiramdam niya roon..."

Kinagat ko muli ang pang ibabang labi nang biglang wala ni isa sa amin ang nagsalita ulit. May biglang tumawag sa kanya sa background na hindi nakaligtas sa pandinig ko.

"Nasa review center ka ba ngayon?"

"Yes. Hindi nga lang ako makapag concentrate lalo na at kagabi pa kita hindi nakakausap..."

Napayuko ako at nilaro-laruan ang sugat sa tuhod ko. Dinampi-dampi ko ang daliri roon habang kagat-kagat ang pang ibabang labi.

"Ngayon na nakausap mo na ako ay makapag concentrate ka na?" Natatawa kong sagot.

I heard him scoffed na ikinatawa ko lalo.

"Mukhang mas lalo mo nang inokupa ang isip ko. Delikado at mukhang mababagsak ako nito," he uttred humorly.

Umirap ako sa hangin. Bolero talaga. Napaka...bolero.

Pero may parte sa utak ko na sana totoo itong mga sinasabi niya sa akin dahil ayoko mang aminin ay parang natalo na ako sa napagkasunduan namin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro