Kabanata 10
Food
Gulat akong nilingon ni Mama nang makita niya akong nagdidilig ngayon ng mga bulaklak sa labas. Nakakain na rin ang mga manok ni Papa at nakapag saing na rin ako.
I just woke up differently today. Nang bumangon ako kanina ay para akong may mga pakpak. Ang gaan lang. Tumingala ako sa kalangitan. The sun and its rays are glowing. The morning breeze is refreshing. Ganito naman palagi kapag maganda ang panahon pero ngayon ko lang ito mas na a-appreciate. When I realized what I am up to today ay unti-unting sumilay ang ngiti sa aking labi.
"Nakamot mo ba puwet mo, Riri?" Mama humorly said.
Kinakabahan kong nilingon si Mama. Kagigising lang nito at naka sout pa sa kanyang silk na roba. Ganyan ang sinasabi ni Mama kapag may nagawa ako sa bahay na nahihimalaan siya.
I pressed my lips then cleared my throat. "Good morning po, Ma..."
Pinanliitan ako ng mga mata ni Mama at masuri niya akong pinasadahan ng tingin. No'ng nagsimula na ang closing of school year at summer ay late na akong nagigising. Kaya siguro ganito nalang ang naging reaction ni Mama dahil hindi ko naman ito dati ginagawa.
The fact na kaka alas sais pa nga lang ng umaga.... nakakapagtaka nga. I cleared my throat once again at pinahinaan ang faucet. Nagdidilig kasi ako ng mga halaman.
"Ang aga mo yata ngayon, Hija?"
"Maaga lang po kasi akong nagising..."
"May lakad ka ba?"
Biglang pumintig ang puso ko dahil sa kaba. Come on, Dorothy! Hindi naman bago sa mga magulang mo na magkasama kayo ni Zul, ah? Anong inaarte mo riyan?
"A-Ah opo....pero mamaya pa naman iyon mga alas dose.."
Saglit pa akong tiningnan ni Mana bago niya ako tinanguhan. "Si Zul ba ang kasama mo sa lakad na 'yan?"
Expected. Alam kasi nilang nasa Manila ngayon si Ashley at wala naman akong ibang ka close rito maliban kay Zul.
"Opo.." ani ko sabay tango.
Napapansin kong namamayat na si Papa. Palagi siyang inaaya ni Mama na magpa check up na pero inaayawan niya talaga ito. Nag-aalala na rin ako sa kalagayan ni Papa pero kapag titingnan mo ay wala ka namang nakikitang problema kundi ang pamamayat lang nito.
Kasalukuyan na kaming kumakain ng breakfast ngayon at tulad nang dati ay nagku-kwentuhan kami. Nang nilingon ko si Papa ay nakatitig na ito sa akin. He smiled at me.
"Malaki ka na talaga, Riri..." aniya at may bahid pang ngiti sa kanyang labi.
"Pang..." ani ni Mama sabay hagod sa kanyang likod.
Napalunok ako at hindi siya masuklian ng ngiti. May kung anong bagay ang pumapasok sa isip ko pero ayoko non. Kinunot ko ang noo at bahagyang yumuko para maiwasan ang kanyang tinging may kung anong pinapahiwatig.
"Sana ipagpatuloy mo ang pagiging mabait sa lahat, anak. Pati iyong hindi pag depende ang sarili sa ibang tao ay sana madala mo iyon hanggang sa pagtanda mo."
Pinagpahinga muna ni Mama si Papa sa itaas pagkatapos naming kumain. I am aware that my parents are slowly aging lalo na si Papa kaya expected ko na iyong mga karamdaman niya bilang senyales na tumatanda na ito.
Pero kahit ganoon na ang Papa ay hindi iyon naging hadlang para matabunan ang guwapo niyag mukha. May dugong russian si Papa. Iyong lola niya raw iyong may Russian blood kaya siguro matangos at proportionado ang kanyang ilong. My father got that Russian looks but her filipino blood makes him more handsome.
May mga younger picture sila ni mama and they are like a queen and king of their school. Napasimangot ako nang maalala ko iyong kwento nila sa akin na si Mama pa talaga iyong nag first move para mapansin ni Papa. Grabeng fighting spirit 'yon, a
Well, noticable naman kasi talaga si Mama. With her long and shiny black hair just like mine, her milk skin, cute nose, and a set of deep eyes that fiercer than ever...papansinin talaga siya ng kahit sino man.
Pinakain at pinainom ko muna si Raki bago ulit ako pumanhik sa kuwarto ko para maghanap ng maisosout. Pagkapasok ko sa loob ay kaagad kong tiningnan ang oras.
It's still eleven pero halos mabaliw na ako kaka-isip kung ano ang sosoutin ko. Si Zul lang naman 'yon at wala namang espesyal sa paglabas namin pero na c-conscious parin ako sa magiging hitsura ko mamaya sa hindi ko malamang dahilan.
Hinalungkat ko lahat ang mga damit ko sa tukador at naghahanap ng damit na simple lang at komportableng soutin.
Pinasadahan ko ang buhok gamit ang mga daliri nang yumuko ako para kunin iyong isang box na naglalaman ng mga dresses kong hindi ko pa kailanman naisout.
Sipat ako nang sipat sa sout kong relo para ma monitor ko ang oras. Napamura pa ako nang makitang mag a-alos dose na! Shit! Baka naghihintay na sa akin si Zul doon!
When I saw the baby blue spaghetti stringed dress ay kaagad ko iyon dinampot. Ito iyong regalo sa akin ni Tita Rana---oldest sister of my mother.
Nang maisout ko na iyon ay pinagtitigan ko ang repleksyon no sa salamin. Malaki ito dati sa akin pero ngayon saktong-sakto na. The minimal prints of this dress are white doves. Sobrang simple at ganda nitong dress. Medyo lumagpas lang siya sa tuhod ko ang haba ng dress kaya mas lalo akong nagustuhan.
Sobrang bilis ng kilos ko at napaso pa ako nang pinlantsa ko pa ang dress dahil may iilang gusot. Nang matapos na akong magbihis ay ang mukha na naman ang inayos ko. I just put a baby powder on my face and a little bit lip tint on my lips.
I highed pony tailed my long black hair as my stubborn baby hairs slowly appeared. Nang makuntento na ako sa hitsura ko nagsout na rin ako ng puting sapatos at nagpabango na.
Pagkababa ko ay naabutan ko si Mama na may katawag sa kanyang cellphone. Maybe about her work. Nang malingunan niya ako ay kakatapos lang din ng tawag.
"Aalis ka na ba?" she asked and checked me.
"Opo.."
"Mag-ingat kayo.." bilin niya.
Tumabngo ako sabay halik sa kanyang pisngi. Raki barked like asked me kung saan ako pupunta. Ngumisi lang ako sa alaga ko at nagpaalam na rin sa kanya.
Pagka labas ko sa gate namin ay unti-unti akong ginapangan ng kaba. Inayos ko ang dala kong maliit na puting sling bag kung saan nakalagay ang cellphone ko at iba pang gamit katulad ng panyo at hand sanitizer.
Pumara na ako ng tricycle pagkatapos kong suriin ang sarili.
"Sa Centennial Park po..." tugon ko sa driver pagkasakay ko.
"Sa Dalipuga 'yan, 'no?" paninigurado niya.
"Opo."
Nang lumarga na ang trike ay mas bumilis ang pintig ng puso ko. Sinipat ko muli ang orasan at napansin kong alas dose kinse na. Kinagat ko ang ibabang labi at hindi mapakaling napatingin sa labas.
Hindi naman malayo ang Centennial Park dito pero kung trike lang ang sakay mo ay medyo matatagalan ka. Hindi naman puwedeng magdala ako ng motor kasi alam kong nagdala rin iyon si Zul.
Pagkababa ko ay kaagad na akong nagbayad kay manong. Nilapad ang mga iilang hibla ng buhok ko dahil sa simoy ng hangin. Medyo masakit na rin ang araw dahil tanghali na pero naiibsan ang init dahil sa malamig na hangin na sumasalubong sa akin.
Luminga-linga ako sa paligid at kabadong inihakbang ang mga paa papasok sa mismong park. May iilan akong nakitang mga pamilyar sa akin na nag d-dry picnic pero hindi ko na nalang din sila pinansin. May partikular na taong hinahanap ang mga mata ko.
"Baka hindi pa tapos iyong arabic class niya..." bulong ko sa sarili.
Bilang lang iyong mga bench dito dahil mostly iyong mga tumtambay rito ay naglalatag lang ng banig o anumang tela para doon na umupo. Malinis kasi rito at maaliwalas kaya mas gustuhin nalang ng iilan ang maglatag para na rin maka higa. Mas relaxing nga kapag gano'n.
Umupo ako sa isang bench na may ilalim ng Talisay tree. Diniretso ko ang titig sa kumikislap na dagat hindi kalayuan sa kinauupuan ko. The sea breeze gently ruffled the leafy Talisay trees lining the shoreline of Cent.Park as my hair dances with its rythm.
Nilaro-laroan ko ang keychain sa bag ko nang may nahagip ang mga mata ko na pares na puting sapatos malapit sa sapatos ko. I immediately lift my gaze and saw Zul looking at me with an amusement in his eyes.
Ang paghampas ng alon sa mabatong dalampasigan ay parang umabot sa kaibutuan ng puso ko. I pursed my lips as I tried to stop my system that just malfunctioned. Ano bang nangyayari?!
"Kanina ka pa?" tanong niya sabay pasada sa akin ng tingin.
Kaagad akong umiling. "H-Hindi naman. Kakarating ko lang..."
"Kakatapos lang ng arabic class ko. Umuwi muna ako ng bahay para makapag bihis 'tsaka ako pumunta rito," aniya sa ingat na ingat na boses.
Ngumuso ako at iginala ang mata sa kanya. He is now wearing a simple black shirt na may logo na minimal Nike na kulay puti sa left chest niya. He's wearing a nude trousers and a white air force Nike also and silver rolex as well on his veiny wrist.
Muntik ko nang ikiniling ang ulo sa mga kung anong inisip. Dios ko! Simple pero lahat sout niya branded. Hanep na lalaking 'to.
"Gutom ka na ba?" tanong niya pero may multong ngiti sa kanyang labi. Napansin niya siguro ang panunuri ko sa kanya.
"Oo!" kunware kong pag-susuplada sa kanya.
Bahagya akong natigilan. Anong kinu-kunware mo, Dorothy? Ganoon naman dapat, hindi ba? Kailan ka pa hindi nagsusuplada kay Zul, e 'yon naman talaga ang nakagawian n'yo?
He chuckled. " Kumain muna tayo bago tayo pumunta sa Cathedral Falls."
"Bukas nalang 'yong Cathedral. Mas maayos na pala rito...maganda na," ani ko at pinalibot na naman ang tingin sa kabuuan ng park.
His brows raised and then smirked. "If you say so, my princess..."
Inikot ko ang mga mata at nauna nang maglakad sa kanya. Pasimple kong sinapo ang pisngi ko dahil sa tingin ko ay namumula na ako ngayon dahil sa sinabi niya. 'My princess' amp! Pumu-puntos na naman siya.
Game na game talaga siya sa deal namin, huh?
Hinintay ko siya sa motor niya. Nang makarating na siya ay kaagad naman siyang sumampa roon. Nagdadalawang isip pa ako kung paano ako sasakay roon dahil naka dress ako.
"Sakay na..." bahagyang lingon niya sa akin.
"E-Eh..." reklamo ko.
"Huwag kang mag panlalaki ng sakay..."
Napalunok ako at pinalipat-lipat ko ang tingin ko sa kanya at sa motor niya. Sobrang init at taas na rin ng araw kaya wala akong choice kundi ang sumakay nalang kaagad.
Humawak ako sa balikat ni Zul na ikina init ng buong mukha ko. Nagpambabae ako ng sakay at medyo hindi ako komportable. Maliban sa naka dress ako ay hindi ko alam saan kakapit! Hindi pa naman ako sanay ganito ang klaseng pagkakasakay ko!
"Kumapit ka sa akin.." Zul commaned.
Dahan-dahan ko namang inilagay ang kamay ko sa kanan niyang balikat.
Zul groaned as if I was doing it wrong! Napakagat ako sa ibabang labi at kaagad kong binawa ang kamay. Edi hindi nalang ako hahawak!
"Malalaglag ka, Riri! Ipulupot mo kamay mo sa baywang ko," he said.
"Ano?! Ayoko!" pagmamatigas ko.
Paano kung may makakakita sa amin na nasa ganoong posisyon? May girlfriend pa naman ang isang 'to! Ayokong gawing pulutan ngayong susunod na pasukan dahil lang sa lalaking 'to, ano!
"Napaka arte! Akina kamay mo!" aniya sabay kuha sa magkabila kong palapulsuhan. Nanlaki ang mga mata ko nang napagpatanto ko na nakayap na ako sa kanya mula sa likuran.
Before I can distance myself, Zul immediately maneuvered his AEROX that made me stilled. Nakayakap na ako sa kanya at medyo nabaon pa ang mukha ko sa kanyang likod. Uminit ang pisngi ko nang maamoy ko ang pabango niya. His scent was manly and...hypnotizing.
"You are working that deal very much, huh?" mapanuya kong sinabi sa kanya.
I saw how his jaw clenched. "Tumatama ang hininga mo sa leeg ko. Stop talking or else mababangga tayo..."
"Huh? Anong konek?"
"Nakikiliti ako..." he uttered half heartedly.
Pinirmi ko ang labi at pinipigilang mapatawa nang malakas. Napaka straightforward talaga ng lalaking 'to. He always speaks his mind. Wala siyang pakialam sa magiging reaction mo basta ang importante ay masabi niya ang gusto niyang sasabihin.
Tumigil kami sa isang resto. Ito iyong Andrews na kinakainan namin minsan ng pamilya ko kapag may special na occasion lang hindi iyong kapag gusto mong kumain dito kahit anong oras.
Nilingon ko si Zul na kunot noong inayos ang pagkaka park sa kanyang motor. Pagkapasok namin ay tinginan kaagad sa amin ang mga tao sa loob. Iyong iba parang kilala kaagad nila kung sino ang kasama ko.
I even saw some girls giggled when they saw Zul. Nang magawi ang mga mata nila sa akin ay kaagad umasim ang kanilanf mga hitsura. Gapangin n'yo kung gusto niyo hindi iyong ako iyong pagbuntungan n'yo ng gan'yang klaseng titig!
Iginiya kami ng isang waiter sa isang for two table sa medyo sulok na. Marami na rin kasi ang nag dine in. Halos din yata itong mga narito ay mga dayo.
Nakatayo na iyong waiter sa gilid ng table namin ni Zul at naghihintay sa order namin. Nang tiningnan ko ang menu ay kaagad kong hinanap ang matagal ko nang inasam-asam.
"Itong pork baby back ribs and iced tea..." nakangiting sinabi ko sa waiter.
Gosh, kay tagal ko na talagang crini-crave 'to. Last kain ko ata nito noong nagawi kami rito kasama sila Tita Rana dahil birthday ni Tita Paul--asawa ni Tita Rana. Sonrang malasa kasi at lambot noong karne.
"Iyan lang po, Ma'am?" tanong ng waiter.
Nagtingin-tingin pa ako sa menu nang may naalala ako. My heart fell when I realized how insensitive I was. Kinakabahan kong inangat ang tingin kay Zul pero nananatili lang ang kanyang mga mata sa menu na hawak.
Nilingon ko ang waiter. "I-Itong beef steak nalang pala at fried chicken.."
Pagkasabi ko noon ay nagtagpo ang mga mata namin ni Zul. He looked at me in a puzzled way.
Tumikhim ako sabay bigay na hilaw na ngiti sa kanya. "S-Sorry. Bawal ka pala sa pork--"
"It's okay. You can eat what you wanted to eat," he answered calmy--never taking his eyes on me.
Umiling ako. My concern here is not about my cravings. It's about the food I wanted to eat infront of this man that forbidden to them. I can't afford that kind of disrespect and insensitivity towards him. I just can't....or to anyone.
"I can eat that kind of food in any place...na hindi ka kasama. It's not fine with me, Zul. Let's eat a food that can put us both in peace..."
Nilapag niya ang hawak niyang menu at minabuti niyang pagmasdan ako ng maigi. His eyes twinkled as they glee with astonishment.
Ako na ang nag-iwas ng tingin nang napansin kong unti-unti na namang binubundol ang puso ko sa kaba.
He chuckled, revealing lines of joy. "Damn.." bulong niya at hindi inalis ang mga mata sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro