Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 1

Angkas

"Zul Qurnain Rabbani.." Ashley murmured as she searched Zul's facebook account.

Kumunot ang noo ko sa narinig. Kanina pa ito dumadaldal sa akin tungkol sa lalaking 'yon. She is obviously very interested.

I scoffed that made Ashley burst into laughter. Naghihintay nalang kaming dalawa na mag bell para makapasok na sa kan'ya-kan'yang classroom.

"Ito naman...galit agad?" natatawang siko niya sa akin.

I just shook my head as I review my schedules.

It's our first day as a senior high school students. HUMSS ang kinuha kong strand samantalang si Ashley naman ay STEM. Parehas sana kami ng kinuha pero biglang nagbago ang isip niya sa kukuning strand. Aniya, mas cool daw pakinggan ang STEM kapag tinatanong siya kung anong kinuha niyang strand. Inang rason 'yan.

"How's your summer, Riri?" mapanuyang bati sa akin ng mga classmates ko pagkapasok ko sa room namin.

Maraming nakakita noong nangyari last summer no'ng dinosaurs alive event. They even addressed me as Zul's next target dahil sa ginawa niyang drama noon. Bakit? Because he is a playboy.

Inilingan ko lang sila at hindi na pinansin. I enrolled here in Christ the King College de Maranding. It's a christian school yet there's few muslims students who are enrolled here. The idea that in this school there's a unity in behalf of our different views and beliefs warms my heart.

Hindi na sumabay sa akin si Ashley dahil may pupuntahan daw sila kasama ang bagong kaklase. Inayos ko ang stand ng Mio ko nang sa bato ko ito nadepina. Nang i abante ko ulit ito ay nagulat ako nang hindi ko ito ma usad at ma anga-angat.

"Shit!"

Pinaandar ko ulit ang motor pero hindi ko talaga ito ma-iusad. Napamura ulit ako nang napansin kong parang nabibilaukan na ang motor dahil sa matindi kong pag kambyo ng manibela. Itim na usok na rin ang lumalabas sa tambutso at kulang nalang ay mag o-overheat ito.

I tilted my head to check if there's someone's other vehicle as I maneuvered my Mio backward. Baka may maaatrasan pa akong motor 'pag hindi ko na check nang maayos ang likuran ko.

Pero isang bano ang nakangisi sa akin pagka lingon ko sa likod habang nakahawak siya sa metal na puwetan sa upuan ng motor ko. I gritted my teeth when I saw how satisfying he was. Kaya pala hindi ko mai-usad ang motor dahil malakas pala niya itong pinipigilan!

"Ano ba!" singhal ko sa kan'ya sabay baba sa motor ko.

Pinandidilatan ko siya ng mga mata. He laughed as he raised his both hands like he is surrendering from an awful crime.

Noong una ay hindi ako naniniwala na gagawin akong target ng lalaking 'to. Now that he is pestering me ay napa-isip ako baka tama nga sila. Ano siya, sinu swerte? Wala akong pakialam kung guwapo siya at isa siyang Rabanni! Hindi niya ako magiging biktima.

"Uuwi ka na ba?" he asked as his annoying face was still evident on his face. Lakas mang-asar ng banong 'to.

"Obvious ba?" irap ko sa kan'ya.

Sumakay ulit ako sa motor ko at pinabalik-balik ulit ang tingin ko sa likod at harapan para makaka-sigurado 'kong hindi na niya ako go-good time-min. Kunot na kunot ang noo ko habang ginagawa ko 'yon as he watched me amusingly also.

Nang nakasampa na ako sa motor ay nilingon ko ulit siya. Tumikhim ako as he flawlessly rode his black NMAX, too. Sa kan'ya pala 'yon. Nang makita ko kasi 'yon kanina ay hinaplos ko ito dahil sobrang ganda no'n at kinis. I silently rolled my eyes. Baka 'pag nalaman niya ang ginawa kong pagpantasya sa motor niya ay baka mas lalo niya akong aasarin.

Inunahan ko na siya at dumeretso na ako sa elementary department kung saan nagtuturo si mama. Sabi kasi ni papa kanina ay hindi niya masusundo si mama dahil magagabihan daw siya sa meeting ng baranggay kasama ang kan'yang mga konsehales.

Wala pang ilang minuto ako sa paghihintay nang namataan ko si mama kasama si Ma'am Sittie palabas ng gate. Hinanda ko ang Mio at kumaway sa kanila. They waved and smiled back when they saw me. Pero nagulat ako nang umulit na naman ng kaway si Ma'am Sittie as if may tinatawag siyang tao.

"Oh, anak..." bungad sa akin ni mama. "Sabay pala kayo ni Zul?"

Ha? Zul? Bago pa ako makalingon ay may sumerbato sa likod ko. Huwag mong sabihin sa akin na si Zul ang tinawag ni Ma'am Sittie kanina?

"Sobrang ganda talaga ng batang 'to, Ma'am Rachel..." masuyong sinabi ni Ma'am Sittie.

She smiled at me. She wears a white hijab as their uniforms as teachers suits her well.

Ngingiti na sana ako nang biglang sumipol si Zul sa likuran. Kung wala lang talaga si mama at Ma'am Sittie sa harapan namin ngayon ay kanina ko pa siguro binato si Zul ngayon dahil sa inis.

"Bawal pa ang boyfriend, ha Riri," ma'am sittie added as she chuckled.

"Wala pa po sa isip ko 'yan..." I responded politely.

Again, another whistle from a jerk came in.

"Hindi naman siya pinagbabawalan sa mga ganoong bagay, Ma'am.." mama chuckled. "Pero oo nga masyado pa talaga siyang bata para riyan," sang-ayon ni mama kay Ma'am Sittie.

I was expecting another whistle from him pero hindi na niya siya umulit pa. Ma'am Sittie gracefully chuckled and then bid her good byes bago siya naglakad palapit kay Zul.

"Magkaibigan na pala kayo, anak?" ani ni mama nang nakasakay na siya.

I nearly rolled my eyes because of what she said. "Hindi.." matipid kong sagot.

Pagkarating namin sa bahay ay agad nawala ang pagod at inis na nararamdaman ko nang makita ko si Raki na naghihintay sa akin. He barked and wiggled his tail as he excitedly and patiently waits me to come on in.

Nasa loob si papa na sa tingin ko ay naghahanda na rin para sa hapunan. Si Raki naman ay naka abang siya sa akin sa malaking bintana  malapit lang sa sala.

Pagkapasok ko sa bahay ay agad tumalon sa akin si Raki. I laughed and hugged him. Sa tuwing nakikita ko talaga si Raki ay kaagad napapawi ang anumang mga negatibong bagay na tumatakbo sa isipan ko.

Pets can literally heal you.

Pagkatapos naming kumain ay naghugas na rin ako ng mga pinggan. Si mama at papa ay nauna nang magpahinga. Pagkatapos kong maghugas ay kinuha ko ang text books ko dahil may sasagutan ako sa creative writing. Isang subject lang naman ang may assignment pero halos mga essays din kasi ang sasagutan kaya kailangan maaga kong sisimulan para by nine pm ay tulog na ako.

Sa sala lang din ako gumagawa ng assignments at nagkakalat sa wooden center table ang mga gamit ko. Sa sahig lang din ako nakaupo at kaharap ang mga gawain. Nilalaro ko ang ballpen sa kamay sabay sipat kay Raki na tahimik na natutulog sa couch.

Patapos na ako sa ginagawa nang biglang mag vibrate ang outdated kong cellphohe. Matibay pa naman ito at walang crack kahit nag la-lag pa minsan-minsan pero ayos lang din naman sa akin. Wala naman akong ibang ginagawa sa cellphone kundi ang mag update-update lang tungkol klase gamit ang facebook at messenger.

Nagbuga ako nang hangin ng makitang si Ashley ang nag message sa akin. Nilapag ko ang hawak na ballpen at itinoun ko ang pansin sa cellphone na hawak.

Ashley Bartolome :

Riri!

Kumunot ang noo ko. Binaba ko ang cellphone at pinabayaan kong ma seen ang mensahe niya. Tsismis na naman siguro 'to.

Akmang magsusulat na naman ako nang biglang sunod-sunod na ang mensahe ni Ashley. Punyeta naman. Kitang may ginagawa ang tao, e.

Iritado kong dinampot ang cellphone at handa na sana akong sermonan si Ashley nang nanlamig ako sa mga mensahe niya.

Agad akong tumayo at natataranta akong kinuha ang susi ni papa. Nasa taas pa kasi ang kuwarto ko kung nasaan ang susi ko samantalang ang susi ni papa ay sa divider lang niya inilagay.

I tapped Raki's head at agad naman itong sumunod sa akin. Wala akong pakialam kung naka maiksing shorts ako at sleeveless black top. Shit! Ashley needs help!

Binuksan ko muna ang luma naming gate at agad kong hinanda ang CRF ni papa. Raki expertedly jumped on CRF's tank na nasa harapan ko pinaharurot ko na ang motor.

I know mama and papa will notice of my sudden commotion but I was too worried to think about it.

Kaagad akong sinalubong ng pang gabing hangin nang mas lalo kong binilisan ang pagpapatakbo ko. Habang papalapit ako sa plazang sinasabi ni Ashley ay mas lalo akong kinakabahan.

Ashley Bartolome:

Riri, may mga lalaking sunod nang sunod sa akin.

Nandito ako sa Kapatagan plaza.

Riri, puntahan mo ako. Natatakot na ako.

Mas lalong lumala ang pagkabog ng puso ko nang makita ko ang mga lalaking sinasabi ni Riri. I immediately parked the motor at nauna na ring bumaba sa akin si Raki.

"Raki, you know the drill.." I instructed.

Raki barked and run towards to the men's direction.

Uminit ang ulo ko nang makitang hinawakan nila ang kamay ni Ashely habang pinipilit itong sumama sa kanila. I hurriedly ran towards them but before I could go near, Raki did the thing I wanted to do with them so bad.

"Putangina, pre! Kay laking aso!" sigaw ng isang lalaki.

"Argh! Putangina, pre kinagat puwet ko!"

Isa-isa silang nagsitakbuhan nang kagatin sila ni Raki. They ran as fast as they could dahil hinahabol parin sila ni Raki hanggang sa likod ng munisipyo.

"A-Ashley, ayos ka lang ba?" my voice cracked.

Dinaluhan ko kaagad ang kaibigan nang makitang nanginginig itong napa-upo sa bench.

She nodded and hugged me tightly. Tulala siya at mas lalong humihikbi nang mas hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kan'ya.

"T-Thank you, Riri...sa inyo ni Raki..." humihikbi niyang sinabi.

"Shh..Umuwi na tayo."

Pagkatayo namin ay siyang pagkadating ni Raki. He barked to Ashley like he was asking if she's okay. Ashely cried more as she hugged my dog.

I dropped Ashley in their house as she immediately composed herself. Inayos niya ang kan'yang buhok at naglagay siya ng press powder sa mukha.

"Saan ka ba galing at bakit ka ginabi?" I asked suspisciously.

Natigil siya sa paglagay ng powder sa mukha nang marinig ang itinatanong ko sa kan'ya. Tumikhim siya sabay iwas ng tingin.

"I was just waiting him.." she whispered.

Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Waiting who?"

"M-My ex..."

I blinked numerously. Matagal ng ikinasal ang ex niya, ah? Even napakabata pa nito ( ang ex ni Ashley) ay ipinakasal na ito ng kan'yang mga magulang. He is a muslim.

And what? They are supposedly to meet earlier?

Pagkarating namin ni Raki sa bahay ay nagulat ako ng may mga tanod. Mama rushed and ran towards me habang umiiyak ito. Raki managed to jump and barked to everyone.

"Saan ka galing, Dorothy?!" angry voice of my father combined to the cold night.

"S-Sa kapatagan po. Pinuntahan ko lang po si Ashley..."

Hindi madaling magalit si papa. Pero kapag ako na ang nalalagay sa kapamahakan ay doon na siya mambubuga. Pinukol ako ng masamang tingin ni papa at sinenyasan niya si mama na pumasok na kami sa loob.

Kinuwento ko sa kanila ang nangyari kahit kunti nalang ay paluin na ako ni papa. Si mama naman ay todo haplos sa likod ko at pinapakalma si papa.

"Maraming nakalayang mga drug addict sa facility at hindi imposibleng sila iyong nang harass kay Ashley," malumanay na sambit ni mama.

Papa gritted his teeth at hindi pa rin ako tinatantanan ng kan'yang mga pamatay na titig. Yumuko ako. Sinulyapan ko rin si Raki na isinksik na ang sarili malapit sa malaking indoor plant ni mama.

"Bakit hindi mo kami ginising sa taas? Bakit hindi ka tumawag ng mga police o hindi naman ay mga tanod? Do you really need to go there and save Ashley by yourself, Dorthy? Nag-iisip ka ba?" galit na utas ni papa.

I know he's just worried, too.

"Nadala lang sa pag-alala ang anak mo para sa kaibigan, mahal...'wag mo nang papagalitan.." si mama.

Papa sighed heavily at naglakad ito palapit sa akin. I lift my gaze on him. Ang galit kanina sa kan'yang mga mata ay unti-unting napalitan ng pag-alala at pagmamahal.

"Nag-alala lang ako, anak...hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa amin ng mama mo kapag may mangyaring masama sa 'yo.."

I pressed my lips sabay tango. "P-Pasensya na po talaga...hindi na po mauulit." bulong ko.

Papa hugged me tightly and kissed my head.

They said, I am a miracle baby. Sobrang liit ng tsansya nila mama at papa na magka-anak. Pero hindi sila nawalan ng pag-asa. Buti nalang sa sobrang tinding dasal at paghihintay nilang mabiyayaan ng anak ay nagbunga rin ang kung anong mga bagay na pinagdadaanan nila just to have me.

Kaya naiintindihan ko si papa kung ganoon nalang ang galit at pag-alala nila. I should be rational next time.

Nauna na sila sa itaas dahil liligpitin ko pa ang mga gamit ko na nasa center table. Nang matapos ko na itong mailigpit ay tinawag ko si Raki.

He walks towards me as I beamed him a hug. "You really did a great job, baby. I am so proud of you," bulong ko sa kan'ya.

Ngumuso ako nang dinilaan niya ako. Pabiro kong inilayo ang mukha niya sabay ipit ang ulo niya sa kili-kili ko. Sabay kaming natumba sa couch as Raki hugged me back.

Kung ano rin siguro ang nararamdaman ni papa nang nalaman niyang nasa peligro ako ay ganoon din ang mararamdaman ko 'pag si Raki na ang nasa delikadong kalagayan.

I slowly closed my eyes as I didn't notice thet I fell asleep on the couch with Raki.

Kinabukasan sa skwela ay kaagad kong dinaanan si Ashley sa classroom nila. Pero sabi ng kaklase nila ay absent daw ito. Icha-chat ko nalang siya mamaya pagka-uwi ko.

"Riri, tapos ka na ba sa assignment? Kokolektahin ko na sana..." ani ng president namin pagkalapit niya sa akin.

I nodded and get my creative notebook kung saan doon ko isinulat ang assignment ko.

"Grabe nakakatakot. Narinig ko iyong balita tungkol kay Ashley!" bulongan ng mga kaklase ko.

Pa simple silang lumingon sa gawi ko nang napansin nilang matalim ko silang tinitigan. Tumikhim sila at mas pumwesto sa mas malayong parte ng classroom para hindi ko na sila marinig.

"Nahuli na ang iilang mga addict tumakas sa facility kaya doble ingat pa rin tayo. Huwag tayong magpapa gabi!" bagay na isang tsismis na sinang-ayunan ko.

Alas singko ang uwian namin kaya pagkalabas ko sa skwela ay deretso na kaagad ako sa parkingan ng mga motor. Si papa na rin daw ang magsusundo kay mama kaya hindi na ako matatagalan.

"Psst!"

My brow creased when I craned my neck. Nakatayo si Zul sa malapit sa isang pole at bahagtang nakasandal ang katawam niya roon. His black leather bag was lazily hanged on his right shoulder.

Naka plain white shirt lang siya at faded na maong pants tapos sneakers. Ewan ko mas lalong na k-klaro ang tangkad at kisig niya sa gan'yang klaeng porma niya.

"Ano?" pag susuplada ko sa kan'ya.

Nakapamulsa siyang lumapit sa akin--slightly smirking.

"Pa sabay.."

I frowned. "Huh?"

"Aangkas ako sa motor mo..." aniya sabay nguso sa motor ko.

My brain immediately shouted, "no way!"

Naguguluhan naman akong napatingala sa kan'ya. Siya? Sasabay sa akin? He is freaking kidding me, right?

Iginala ko ang mga mata ko sa mga naghilerang mga motor na natitira sa likuran niya. Hindi ko mahanap ang itim niyang NMAX.

"Nasaan ba ang motor mo?" I asked.

Nagkibit balita siya. "Nasira kaya ni junked ko na."

"Ano ba ang sira?"

"Nabutas ang isang tire."

My jaw dropped. Nabutasan lang ng isang tire ang NMAX niya, ni junked na niya ito? Hindi ako makapaniwalang napatitig sa kan'ya. Grabe! Iyong mio ko nga ilang beses nang nakaranas ng tire damage pero pinapalitan lang naman 'yon at hindi ija-junked!

Ang nagagawa talaga ng mayaman---ng isang Rabbani.

Umiling ako. "Ayoko. Mag commute ka."

Sumampa na ako sa motor ko at pinaandar na iyon. I was so ready to smoke off his face nang biglang bumigat ang motor. Anak nang! Muntik pa akong ma out of balance dahil sa biglaan niyang pagsakay.

"Ano ba, Zul! Bumaba ka nga!" galit kong lingon sa kan'ya.

He just crossed his arms and leaned closer at my back. Nanindig ang balahibo ko nang maamoy ko ang pamilyar niyang pabango.

Parang may bumundol sapuso ko nang naramdaman ko ang hininga niya sa kabilang tainga ko.

"My friends are coming, Dorothy. Alam kong ayaw mong inaasar ka nila," he chuckled on my ear.

Siniko ko siya kasabay ng pag-init ng magkabila kong pisngi.

"Aw!" natatawa niyang reklamo.

Nang narinig kong tinatawag na siya ng mga kaibigan niya ay wala akong magawa kundi ang pa andarin ang mio palabas sa skwelahan. Mahina akong napamura nang marinig ko ang pangalan kong binigkas ng mga lintik niyang mga kaibigan.

Parang ayoko na tuloy pumasok bukas dahil alam kong panunukso at pang-aasar ang aabutin ko sa campus. Madami pa namang mga tsismosa sa campus namin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro