Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

5

Sa pagdilat ng mata'y isang pamilyar na boses ang agad bumati sa'kin. Napatingin ako sa gawi niya't napag-alaman si Lawrence pala iyon. Ngumiti ako ng bahagya bilang tugon ngunit mabilis ko ring binawi ng sumagi sa isipan si Luc.

Sinuri ko ng tingin ang paligid ngunit tanging puting kurtina at kisame lang ang nasisilayan. Medyo nanlalabo pa ang paningin kaya mas lalo lumakas ang kabog ng dibdib. Kaya kahit nanghihina'y buong lakas akong bumangon, 'di alintana ang sinasabi ng kaibigan. Sa ilang sandaling pagbangon ay para bang 'di ko makontrol ang katawan at naramdaman na lang ang pagdalusdos ng katawan pababa ng kama.

"Hindi ka pa malakas Yowen!"

Mabilis akong inakay ni Lawrence pabalik sa kama at pakiramdam ko'y nabugbog lalo ang katawan sa pagkakahulog.

"Kumusta ang pakiramdam mo? 'di ka dapat basta-basta bumabangon. At saka sa susunod makinig ka muna kasi!"

"Pasensiya na... ayos na ako, nasaan ang kapatid ko?!"

"Ano ka ba nandito lang siya sa kabilang kama, kanina ko pa sinasabi kaso mukhang lutang ka!"

Hinawi niya ang puting kurtina na ilang hakbang mula sa higaan ko. At doon ay nakitang kong nakahiga at mahimbing na natutulog si Luc, kahit papaano'y nakahinga ako ng maluwag.

"Kaya easy ka lang tol, sa susunod kasi makinig ka muna."

Inilapat ko ng maigi ang likod sa higaan at panandaliang pinikit ang mata.

"Gusto mo bang magkape?"

"Sige, salamat."

Muli kong pinatamaan ng tingin si Luc at nakaramdam ako ng kapayapaan ng isipan.

"Ito na ang kape mo Yowen."

"Salamat ulit."

Inilagay niya ang bed table sa harap ko't ipinatong ang tasa. Inabot ko iyon at humigop ng kaunti.

"Sobrang pait Lawrence," nakangiwi kong turan.

Natawa siya't kumuha ng asukal. Nilagyan niya ang tasa at hinalo.

"Okay na ba yan?"

Tinikman ko ito't sumakto na sa panlasa.

"Kumusta si Claire?"

"Mabuti naman. Siya nga dapat ang lilipad dito sa Dubai kaso may inaasikaso pa. Pero huwag kang mag-alala kasama niya sina Scarlet at Xyro."

Kahit papaano'y nabawasan ang pag-aalala ko. Sa isang banda'y napapaisip ako ng malalim tungkol sa dalawang nakasagupa namin. Marahil kasapi sila sa organisayong lumilipon at kumikitil sa mga Celestial. Malaking katanungan ang pakay at dahilan ng paggamit nila kay Luc.

"Kailangan kong makausap agad si master Eve, Lawrence."

"Sa ngayon ay kausap ni master ang council, kaya huwag ka muna mag-isip ng kung ano. At magpahinga ka muna."

"Gaano ba ako katagal dito?"

"Sa tingin ko bukas ay makakalabas ka na at makakabalik na tayo ng Pilipinas."

"Bago man lang sana tayo bumalik, gusto ko muna bumili ng mga souvenir."

"Walang problema, balak ko rin kasing bumili," ika niya.

Pinalipas ko ang araw ng nakahiga't tanging libangan ay panonood ng telebisyon. Doon ay sinubaybayan ko ang mga balitang hinggil sa nangyari. At halos iisa ang sinabi ng mga news coverage. Gawa ito ng mga terorista na nais maghasik ng lagim at manakot.

Isang napakalaking banta nito sa sekyuridad ng mga nagkakaisang bansa, lalo pa't kamuntikang masawi ang lahat ng matataas na tao na dumalo sa pagtitipong iyon. Si ginoong Gustav nama'y nagpahayag na magbibigay siya ng malaking gantimpala sa makakapagbigay ng impormasyon sa mga salarin.

Kitang-kita sa mukha niya ang labis na pagkairita marahil malaki ang lugi niya. Malinis ang pagkakatrabaho ng grupong nasa likod nito, lahat ng cctv ay hindi gumagana at pati ang mga tauhan sa pagtitipong iyon ay palabas lamang.

Hindi ito isinapubliko upang hindi magkaroon ng matinding kalituhan. Napabuntong hininga na lang ako't pinatay ang telebisyon. Des oras na ng gabi'y 'di pa rin ako dalawin ng antok taliwas sa nagbabantay sa'king si Lawrence na sobrang himbing ng pagkakatulog. Marahil ay epekto ito ng ilang araw na walang malay.

Nararamdaman kong medyo nanunumbalik na ang lakas ng katawan, hindi tulad kanina na parang manhid at walang buhay ang aking mga kalamnan. Kahit papaano'y nagagawa ko ng makapunta sa banyo ng mag-isa.

Buong magdamag ay tutok lang ang paningin ko kay Luc, hindi pa kasi ako makapaniwala na nasa harapan ko na siya. Sadyang mapaglaro ang tadhana at hinayaan kaming magtagpo.

Lumapit ako sa may bintana't hinawi nang bahagya ang puting blinds. Mula sa ikalimang baitang kung saan naroroon ang bintana ng kwarto'y napadungaw ako pababa at napansin ang maraming sasakyan ng mga pulis at media. At saka ko na lang napansin ang isang babaeng nakalutang sa ere, nakatapat ito sa bintana kung saan naroon ako.

Una kong napansin ang hawak nitong pamaypay. At sa pagwasiwas nito'y kumalat sa paligid niya ang mga mapupusiyaw na mga butil ng liwanag.

At sa sunod niyang pagkumpas ay naging malinaw ang asul nitong kulay. Hanggang sa naglalagablab ito ng tuluyan. Nanatili akong tuktok sa kamanghaan bago ko pa namalayan ang direktang pasugod at pagsabog nito sa kwarto na kinatatayuan ko.

Sa gulat ay hindi agad ako nakakilos, kahit pagkurap ay 'di ko nagawa. Ang tanging namalayan ko na lang ay kung anong enerhiya ang humigop sa'kin sa kung saan. Sobrang bilis, nakakahilo't halos kinapos ako ng hininga dahil sa isang iglap ay para akong nakipagkamay kay kamatayan.

"Sakto ang dating ko. Ayos ka lang ba Yowen?"

"Ma-master Eve... si Luc?!" Agad akong inikot ang paningin at nakita ang kapatid at si Lawrence na mahimbing pa ring natutulog habang nakasalanpak sa sahig.

"Nahimasmasan ka na ba Yowen?"

Napasapo ako ng mukha at pilit iwinawaksi sa isipin ang kaninang pangyayari. Muli kong inikot ang paningin at sinuri ang paligid. Saka ko lang napagtanto na nasa private plane na kami ni master, base sa ingay ng makina at disenyo ng interior, kung saan namumutawi ang kulay pink at hello kitty na mga stuffed toy.

Nagawa niya kaming maidala rito ng walang kahirap-hirap sa pamamagitan ng kakayahan niyang magawa ng dimensyon at mabilis na makapaglakbay.

"Salamat po, kung nahuli siguro kayo na kahit segundo lang ay marahil ay patay na kami."

Naupo siya sa isang couch at niyakap ang isang hello kitty stuffed toy bago humarap sa'kin.

"Alam kong 'di ka titigilan ng mga grupong nasa likod nito, lalo pa't minsan mo na silang nakasagupa. Kaya pinalano ko na ang mabilisang pag-alis niyo roon, may natanggap din kasi akong preminisyon mula sa isa sa mga council na may magtatangka sa inyong buhay sa hospital na iyon."

Binuhat ko muna si Luc at inuupo sa couch at saka tumabi sa kanya. At muli kong ibinalik ang paningin kay master.

"Tuso talaga sila. Sinamantala nilang wala ako sa kondisyon at di pa magamit ang kakayahan ko."

"Huwag mo munang isipin iyon ang importante ligtas na kayo."

Napabuntong hininga ako ng malalim kasabay ng pagbangon ni Lawrence sa sahig. Nanatili siyang nakaupo habang nakapikit na nag-uunat. Sa paghikab niya't pagtama ng paningin sa akin ay saka lang niya namalayan na nasa ibang lugar na pala siya.

"Nasaan tayo?"

Napangiti ako ng bahagya bago sinagot ang tanong niya.

"Nasa private plane ni master."

Napaharap na lang siya kay master Eve na nagkakamot ng ulo at halatang takang-taka.

"Hindi niyo man lang po ako ginising."

"Ang sarap kasi ng tulog mo eh," naatawang tugon ni master Eve.

Tuluyan ng tumayo si Lawrence at saka umupo sa kalapit na couch. Sa pag-upo pa lang niya'y halata ng inaantok pa ito. At hindi nga ako nagkamali ng sumandal siya't inipikit ang kanyang mata.

"Magpahinga ka muna Yowen, huwag ka munang mag-isip ng kung ano."

"Sige ho."

Isinandal ko ang likuran sa couch at ipinikit ang mga mata. Huminga ng malalim at saka tuluyang magpaubaya sa pagod ng katawan. Ang antok na kanina ko pa hinahanap ay bigla na lang tumapik sa'kin, marahil ay gawa ng stress na naidulot ng kaninang pangyayari.

***

Hunyo, unang araw ng klase. Pababa ako mula sa hagdan ng burol at masaya kong sinalubong ang pagsikat ng masayang araw na sumasabay sa mga nag-aawitang mga ibon. Kay sarap ding damhin ang malamig at preskong hangin mula sa pagsasayaw ng mga puno.

Nakakahalina talaga ang kagandahan ng kalikasan sa probinsya. Kaya nagalak ako ng lubusan ng sabihin ni mama na mananatili muna kami kina lolo't lola.

Mabuti na rin iyon dahil mas marami na sila ngayong iniidang karamdaman at mas kailangan nila ngayon ng kalinga at kasama.

"Ikaw si Yowen di ba?"

Nanatili akong nakatayo't kunot noo na nakatitig sa kanya. Takang-taka kung papaano niya nalaman ang pangalan ko lalo pa't unang pagkakataon naming magkita.

"Oo, papaano mo nalaman ang pangalan ko?" mabilis kong tugon.

Ngumiti siya't sabay hatak niya sa'kin sa kamay, sa gulat ay wala akong nagawa at sumabay na lang sa pagtakbo niya.

"Teka! san mo ba ako dadalhin?!"

"Huwag ka ng magtanong. Bilis!"

Hindi ko alam kung gaano na kalayo ang narating namin. Basta tuloy lang kami sa pagtakbo hanggang sa makatawid kami ng ilog. Sa wakas ay napahinto siya't humarap sakin. Sa haba ng tinakbo namin ay ngayon ko naramdaman ang pagod at pagkahingal na taliwas sa kaharap ko ngayon. Seryoso ang mukha niya't tila may pinapakiramdaman sa paligid. At sa isang iglap ay nagbago ang presensiya niya. Ngumiti siya't nagpakilala.

"Ako nga pala si Claire, sa susunod mag-iingat ka ha. Kita na lang sa school!"

Malaking katanungan ang naglaro sa isipan. Hanggang sa maglakad na siya papalayo. Sumunod na ako't binaybay ang daan patungo sa gate ng eskwelahan. Isinawalang bahala ko na lang ang nangyari't nanatiling masaya sapagkat unang araw ng pasukan.

Pagkarating sa paaralan ay agad kong hinanap ang gusali ng grade 4 at ang Room Sampaguita na tinuro na sa'kin ni mama noong nagpa-enroll kami. Pagpasok ay marami ng estudyante ang nagkakagulo't kanya-kanya ang pinagkakaabahalan.

Mukhang ang iba'y magkakakilala na. Sa unahang parte'y nakita ko doon ang babaeng humatak sa'kin at nakangiti siyang kumaway, "Tabi ka na sa'kin Yowen. Dali habang wala pang nakaupo!"

Mas lalo lang tuloy akong nagduda ag nahiwagaan sa pagkatao niya kaya naman patay malisya kong inalpasan ang kinauupuan niya't dumiretso sa bandang likuran. Maya-maya pa't pumasok na rin sa wakas ang guro at nagpakilala.

Nagkwento siya tungkol sa kasaysayan ng paaralan at iba pang mga magiging guro namin. Natapos ang oras niya't may sumunod ulit na guro pero bago iyon ay meron namang oras ng meryenda. Umikot ang oras ng 'di ko namamalayan.

Alas dose y medya na pala. Oras ng pananghalian, kaya naman dali-dali na akong lumabas ng paaralan. Muli kong binaybay ang kaninang daan na tinahak kanina, nakakapagtaka lang na wala ata akong kasunod na mga estudyante o baka masyado lang napabilis ang lakad ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad at hanggang sa mapansin ang pagkulimlim ng langit na tila uulan, kaya napakaripas na lang ng takbo.

Ngunit parang may mali? kanina pa ako takbo nang takbo pero parang bumabalik-balik lang ako sa tulay. Nagsimula na akong hingalin kasabay ng paunti-unting pagbilis ng tibok ng puso.

Hindi ko maipaliwanag ang nangyayari na sinusubukang iwaksi sa isipan. Kahit anong pilit kung makaalis ay bumabalik lang ako sa pinaggalingan. Dasal na ako ng dasal at paulit-ulit na pagtawag sa pangalan nila mama at papa.

Sa pagpasiyang paghinto sa gitna ng tulay ay pinagmasdan ko ang rumaragasang tubig. Ngunit nakakapagtakang walang tunog iyon at unti-unti ang pagdilim at pagdumi ng tubig nito.

Parang napalukso ang puso ko ng biglang may makita akong maraming mata na nakatingin sa'kin mula sa tubig. Gustuhin ko mang tumakbo palayo ngunit ayaw sumunod ng mga paa't mistula akong napako sa kinatatayuan. Nanginig ng matindi ang katawa ko't tumagaktak ng todo ang pawis.

Sa paghaon nito't paglutang sa ere'y isang nakakahindik na halimaw ang lumabas. Hindi mabilang ang mga mata niya na may makapal at mahabang buhok na halos tumatakip sa katawan nitong wangis tao.

Gustuhin ko mang sumigaw ay walang boses ang lumalabas sa bibig. Mas pumapaimbabaw lang lalo ang kilabot nang unti-unti siyang lumapit sa'kin.

Ngunit bago pa man niya magawa ang balak ay may biglang mabilis na liwanag ang tila dumaan at nahiwa sa gitna ang halimaw. Dahil doon ay nagawa kong makagalaw at laking gulat ko ng may humablot sa kamay at napag-alaman na si Claire iyon. May hawak siyang manipis na espada na ang hawakang parte ay may dalawang pares ng pakpak ng isang anghel.

"Ayos ka lang ba?"

Tanging tango lang ang naitugon ko ng mga oras na iyon sa labis na pagkabigla.

"Nawala ka agad sa paningin ko kanina, pinaalalahanan na kita na mag-ingat di ba?!"

Wala akong maisagot dahil ang tanging nais ko na lang ay makauwi. Sobrang takot ang kumakain sa sistema ni hindi ko na magawang tumayo pa ng tuwid. Hanggang isang malakas na atungal ang pumalibot sa lugar at ang hating halimaw ay muling nagdugtong.

At may tila mga usok din ang lumabas sa kanya't mabilis na pasugod sa'min. Pero bago pa man makalapit ay itinaas na ni Claire ang kamay niya't tumama ang mga ito sa mapusyaw na puting liwanag na pumapalibot sa'min.

Naglaho ang mga ito't kasabay ng nakakagulat na pagbaba ni mama sa ere. Hindi ako makapaniwala sa nasaksihan hanggang sa yakapin niya ako't mapawi lahat ng takot na bumabara kanina sa dibdib.

"Nandito na si mama, huwag ka ng matakot anak."

Sa paghalik niya sa pisngi ko'y muli siyang humarap sa halimaw at mula sa kamay niya ay lumabas ang isang kakaibang lampara na marahil ay gawa sa ginto. At mula sa loob nito ay lumabas ang isang apoy na sumukob sa halimaw.

Umatungal ng malakas ang halimaw hanggang sa tuluyang siyang tupukin nito't maglaho ng tuluyan. At mula sa pagiging makulimlim ng langit ay nanumbalik ang panahon sa pagiging maaraw.

"Ayos ka lang ba anak?"

"O-opo, mama."

Muli niya akong hinalikan sa pisngi't binigyan ng matamis na ngiti. Humarap siya kay Claire at hinawakan ang pisngi nito.

"Salamat sa'yo Claire, dahil sayo nagawa kong makapasok sa harang na gawa ng halimaw."

"Walang anuman po tita."

Wala talaga akong ideya na magkakilala pala sila. Nahihiwagaan na ako sa mga pangyayari. Una kay Claire, pangalawa sa halimaw na muntik may gawing masama sa akin at ngayon kay mama.

Maraming katanungan ang gumugulo sa isipan. Hindi ko na tuloy alam ang dapat maramdaman, gawin at isipin.

"Naguguluhan ka ba anak?"

"Sobra po mama."

"Huwag kang mag-alala. Balang araw ay maiitindihan mo rin ang lahat."

***

Isang malambing na boses ang gumising sa aking natutulog na diwa. At sa pagdilat ng mata'y nasilayan ko ang nakakabighani mukha ni Claire. Nakangiti siya sa'kin habang ako nama'y namumungay pa ang mata marahil gawa ng antok.

"Kumusta ka Yowen?"

"A-ayos lang ako. Ikaw?"

"Mabuti. Siya ba ang kapatid mong si Luc?"

Napangiti ako't tumingin sa natutulog na kapatid.

"Oo, siya nga... kaso hanggang ngayon hindi pa siya nagigising."

"Mas mabuting ipasuri na natin kay Hikari baka sakaling may magawa siya."

Muli akong ngumiti saka tumayo para buhatin si Luc. Pinagmasdan ko ang paligid pero wala na doon sina master Eve at Lawrence marahil ay kanina pa sila bumaba. Naglakad nang palabas si Claire habang ako'y maingat na buhat-buhat si Luc pababa ng hagdan ng eroplano.

Mataas na ang sikat ng araw ngunit di mo ito alintana dahil sa mga nakapaligid na mga puno sa mansyon. Nakauwi na nga talaga ako buhat sa peligrosong misyon sa ibang bansa. Kaya mas doble ang aking kasiyahan ngayon dahil kasama ko pa ang kapatid.

Papasok na kami ng pinto ng mansyon ng salubungin kami ng iba pa naming kaibigan. Bakas sa mukha nila ang kasiyahan na para bang matagal kaming nawalay at hindi nagkita.

Nariyan si Xyro na masyadong emosyonal kung hindi ko lang siguro buhat si Luc ay nayakap na niya ako ng mahigpit at sinakal. Dagdag pa si Scarlet na ang hilig ay kurutin ang pisngi ko. Si Ixen na may matamis na ngiti na 'di mo aakalaing pinagkaitan ng paningin. At ang munting anghel kong si Axel na nakangiting akay-akay ang alaga nitong kuneho.

"Good to see you ulit Yowen."

Gaya ng dati walang kabuhay-buhay pa rin itong si Radell, pero 'di gaya dati mas nakakahalubilo na siya ngayon. Napangiti na lang ako habang papalakad papunta sa Infirmary room.

Doon ay sinalubong naman kami ni Hikari; Ang tumatayong doktor at nars namin, kung saan nakasuot siya ng puting lab gown at nakapusot ang buhok. Inihiga ko si Luc sa kama't naupo sa katabing upuan.

"Ikaw na ang bahala, Hikari."

Tumango siya't ngumiti sa'min saka lumapit kay Luc. Inilagay niya ang kanyang kamay sa ulo nito't nagliwanag ang palad niya. Taimtim at walang imik kaming nanonood habang si Hikari'y todo ang konsentrasyon. Kampante naman ako na maganda ang magiging resulta. At maya-maya pa'y ibinaba na niya ni Hikari ang kanyang kamay hudyat na tapos na siya.

"Matindi ang naging psychological trauma ng kapatid mo Yowen, mukhang dumanas siya ng matinding stress. Marahil gawa ng paulit-ulit at pilit na pagmanipula ng kanyang isipan, kaya hanggang ngayon ay hindi pa siya nagigising. Ang magagawa ko lang ay alisin ang mga negative feedback gawa ng pag mind control sa kanya.

"Salamat, Hikari!"

Kahit papaano'y naibsan ang aking agam-agam at nagpapasalamat na hindi malala ang kalagayan ni Luc.

"Walang ano man Yowen. Hayaan na lang natin siguro siyang magpahinga. Mas kailangan niya ngayon yon."

Wala ng dapat pang alalahanin. Kaya naman tumayo na ako at nagpaalam muna sa kanila. Nakakaramdam na kasi ako ng panlalagkit. Hindi ko na kasi matandaan kung kailan ako huling naligo kaya dumiretso na ako agad sa kwarto't naglinis ng katawan.

Kay sarap pagmasdan ang apat na sulok kong kwarto pati ang koleksyon kong mga libro pati na rin ang bigay na teleskopyo ni ama. Pagkabihis ay lumabas na ako't nagtungo agad sa kusina. Sakto namang walang tao kaya nakuha ko lahat ng gustong makain.

Sunod akong nagtungo sa hardin na paborito kong tambayan. Dito makakapagnilay-nilay ako't makakakain ng walang istorbo. Hindi lang ang aking sikmura ang masisigurong busog pati ang mata't diwa gawa ng mga naggagandahan mga bulaklak na pinapalibutan ng mga makukulay na mga paru-paru.

Aking ninanamnam ang bawat segundo habang nakatitig sa bughaw na kalangitan at kumakain. Sa aking pagmumuni-muni'y di ko agad napansin ang pagtawag ng isang kaibigan at nagulat na lang sa pagtapik niya sa'kin.

"Sobrang lalim naman ng iniisip mo ha!"

Napabalik ang wisyo ko't agad napalingon.

"Pasensiya na hindi kita napansin."

"Ayos lang, nakakatuwa na ligtas at nagkita na kayo ng kapatid mo." Masayang saad niya saka naupo sa kaharap kong upuan.

"Salamat Claire. Nagpapasalamat ako sa Diyos na kahit marami akong nagawang kasalanan ay hinayaan pa din niya akong makita si Luc."

"Kasi pinatunayan mo na deserving ka. Ibang-iba ka na mula noong makita kita sa Greenland."

Napangiti na lang ako't napainom ng canned softdrink sa turan ni Claire. Pakiramdam ko'y may kumurot sa puso na 'di maipaliwanag. Bago pa man ako malunod sa kakaibang sensasyon ng damdamin ay agad kong binago ang usapan.

"Kumusta na pala yong batang nakita natin sa may parking area?"

"Si Denver... kasalukuyan siyang nagluluksa, Nakakalungkot lang ng nagpunta kami sa kanila'y hindi na namin naabutan pang buhay ang kanyang lola. Inatake raw ito sa puso at hindi na naisugod agad sa ospital," may lungkot sa tono ng boses ni Claire at halata mo ang pilit niyang ngiti.

"Nakakalungkot nga pero sadyang ganyan ang buhay. Anu pa't magiging okay din siya."

Panandaliang katahimikan ang pumagitna sa'min. Magngingitian sabay hahalakhak kami ng malakas. Nakakaloko pero nakakagaan ng puso. Tipong parang nakalutang ako sa ere sa mga oras na ito.

"Yowen?"

"Ano yon Claire?"

Ngumiti muna siya bago itinutok ang paningin sa malayo saka nagwika,

"Sana kapag nawala ako maging masaya ka't mamuhay ng normal."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro