Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue


Sabay-sabay na itinaas ng mga lalaking nakatalukbong ang kaniya-kaniya nilang mga hawak bago magsimulang umusal iyong nakaitim.

"החשכה התעוררה עם תרדמה של היום.
האור נשבר.
הקסם שלנו התחיל.
אנו קוראים לך. ללא שם: O נהדר Brielia.
אלת החיים והמוות.
מעמק אבאדון.
מתחום שאול.
ממרחק של ארקדי.
אנחנו קוראים לך.
לרדת על הגוף הזה.
משרתך וכוהנתך.
ו להשאיל את הכוח כפי שאנו לחסל את כל הבריאה! "

Palakas ito nang palakas hanggang sa tila umaalingawngaw ang kaniyang boses sa paligid. Sa bawat katagang binibitiwan ay siya namang paglutang ng mga kandila palapit sa babaeng wala pa ring malay.

Pagkatapos niya ay saka naman sumunod ang anim nitong kasama. Nagmistulang iisang tao lang ang nagsasalita dahil sabay-sabay sila.

"The darkness has emerged with the slumber of the day.
The light has been broken.
Our spell has begun.
We call upon thee. O great Brielia.
Goddess of life and death.
From the depths of Abaddon.
From the realm of Sheol.
From the reaches of Arcady.
Do we call on thee.
To descend upon this body.
Thy servant and priestess.
And lend your power as we eradicate all of creation!"

Biglang umihip nang malakas ang hangin pero hindi napundi ang ilaw mula sa mga kandila, bagkus ay mas lalo pa itong nagbuga ng apoy. Nagdudulot na rin ito ng nakapangingilabot na tunog pero hindi ito pinansin ng pito at nagpatuloy lang sa kanilang mga ginagawa.

Paulit-ulit ang kanilang mga sinasabi hanggang sa pumutok ang isa sa mga simbolo. Nagbuga ito ng pinaghalong kulay itim at puting apoy na mabilis kumalat sa pamamagitan ng mga linya hanggang sa tuluyan nitong nilukob ang kabuuan ng bilog.

Ganoon pa man ay hindi sila nagpatinag. Mula sa munting liwanag na bumabalot sa paligid ay kitang-kita ang pagpatak ng kanilang mga pawis sa lupa.

Nagsisimula na ring mangatog ang kanilang mga katawan pero hindi nila ito pinansin. Kailangan nilang matapos ang ritwal. Lumabas na kasi ang unang senyales patungo sa kanilang tagumpay.

"Hear us, O Great Brielia!
Lady of Death. Giver of Life!
Oh Great Goddess, we worship your presence, your shadowed soul. At the heights of your omnipotent powers. We welcome you in the rite of your supremacy, and call you to join us this holy night. She, who was damned to eternal darkness, be with us this instant, and witness our ritual, held in your name! So let it be!"

Mas lalong dumadagundong sa bawat parte ng tahaw ang kanilang mga tinig. Agad na nagsitaguan ang lahat ng mga hayop matapos makaramdam ng matinding panganib. Pati ang mga ibon ay hindi nakaligtas sa bagsik ng napakaitim na aurang unti-unting bumabalot sa lugar. Tuluyan na ring sinakop ng makakapal at maiitim na ulap ang buong kalangitan.

Tahimik na nagmasid ang pito. Walang nagsalita sa kanila. Bawat isa ay nakikiramdam sa maaaring mangyari.

Mayamaya pa'y nakarinig sila ng malalakas na pagaspas. Mula sa kung saan ay bigla na lamang nagsulputan ang napakaraming uwak. Mas lalong nagdilim ang paligid. Ang tanging nakikita lamang ay ang kulay dugong mata ng mga ito na nagmimistulang umiilaw sa gitna ng kadiliman.

Nang umihip ang malakas na hangin ay unti-unti ring lumutang sa ere ang katawan ng babae. Mas lalo namang nagliyab ang apoy na nakapalibot sa bilog. Kasabay nito ang napakatinis na tunog mula sa mga itim na ibon.

Ramdam ng pito ang bahagyang paggalaw ng lupa ngunit sa hindi malamang dahilan ay hindi sila makagalaw. Nagmimistula silang mga estatwa na nakapako sa kinatatayuan.

Walang ano-ano'y bigla na lamang tumirik ang kanilang mga mata. Ramdam na ramdam nila ang isang napakaitim na puwersang pilit na umaangkin sa kanilang pagkatao ngunit wala silang sapat na lakas para labanan ito.

Nang tuluyang mawala ang kanilang mga kontrol ay bumagsak sila sa lupa. Nangingisay na rin ang kanilang mga katawan habang patuloy sa pagbula ng itim na bagay ang kanilang mga bibig.

"Ikaw!"

Tumaas ang kilay ng lalaking nakatalukbong ng itim bago sinundan ang pinanggalingan ng boses. Sa kaniyang harapan ay nakatayo ang isang may edad na lalaki. Halos nababalutan na ng itim na aura ang buo niyang katawan ngunit pilit pa rin nitong lumalaban.

"Traydor ka P--"

Hindi na nito natapos ang sasabihin nang tuluyang naging kulay puti ang kaniyang mga mata.

Napangisi naman ng malademonyo ang lalaking nakaitim. Nanatili itong nakatayo habang pinagmamasdan ang mga kasamahan na wala ng buhay.

Napaatras na lang siya nang biglang lumipad ang mga ibon patungo sa kinaroroonan ng babae. Nagmistulang buhawi ang hangin dahil sa lakas ng kanilang mga pagaspas kaya't mabilis siyang tumalon palayo sa mga ito, pero sa hindi inaasahang pangyayari ay nadawit ang telang nakatakip sa kaniyang ulo.


Mula sa malaking punong pinagtataguan ay bahagyang napaatras ang isang anino dahilan para makaapak siya ng mga tuyong dahon. Lumikha pa ito ng malutong na tunog kaya naman ay mabilis niyang tinakpan ang bibig bago humalukipkip sa ilalim ng malalaking ugat. Pakiramdam niya'y huminto ang pagtibok ng kaniyang puso ng mga sandaling iyon. Nanginginig din ang buo niyang katawan habang nagsisimulang mabuo ang mga malalapot na likido sa kaniyang noo. Unti-unti ring lumalakas ang pagtambol ng kaniyang puso. Pakiramdam niya'y lalabas na ito anumang oras. Gustuhin man niyang tumakbo ay hindi niya magawa. Naninigas ang kaniyang mga binti. Alam niyang isang maling galaw ay katapusan na niya.

Napapikit na lamang siya nang mariin. Kailangan niyang pakalmahin muna ang sarili dahil kung hindi ay mas lalo siyang hindi makakapag-isip nang matino.

Dahan-dahan siyang huminga nang malalim. Hinayaan niyang dumaloy ang dugo sa namamanhid na katawan habang paulit-ulit na bumubuga ng hangin.

Nagpalipas pa muna siya ng ilang saglit bago sumilip. Hindi siya aalis ng walang dalang resulta.

Napawingi na lang siya nang makita kung papaanong pinapasok ng napakaraming uwak ang katawan ng babae. Sinubukan din niyang silipin kung sino ang kawawang nilalang na iyon ngunit nabigo siya. Bukod sa telang nakatakip sa mukha nito ay dumagdag pa ang mga uwak na nakapalibot dito.

Mas lalong kumabog ang kaniyang dibdib nang hindi na makita ang mga lalaking nakahandusay kanina sa lupa. Lumikot ang kaniyang mga mata pero sa hindi inaasahan ay nahagip ng paningin ang isang lalaking nakatayo sa may 'di kalayuan. Napanganga pa siya sa nakita. Kinusot din niya ang kaniyang mga mata para siguraduhing tunay nga ito.

Ang lalaking iyon! Hindi ako puwedeng magkamali! Siya nga!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro