Chapter Twenty-Five
Mas sumisidhi lamang lalo ang damdamin ko para kay Vince sa paglipas ng mga araw. Hindi sa hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko para sa kaniya kundi sa natatakot akong pangalanan iyon. I muttered a curse realizing that he was all I could think of kahit ang dami kong ginagawa.
Padabog kong inilagay sa itinutulak kong cart ang chips na dinampot ko sa stall. Bibisita kasi ako ngayon sa Publishing House dahil alam kong abot langit na ang tampo nina Donna at Karla sa akin, hindi pa rin kasi ako nakikipagkita sa kanila kahit nang makabalik ako galing Soledad. Bukod sa abala ako sa mga naiwan kong trabaho, ang libreng oras ko'y kay Vince ko ginugugol. Kaya ngayon, ito, bibilihan ko na lang sila ng mga favorite nila para kahit paano naman ay hindi na nila usisain ang mga nangyayari sa buhay ko. Hindi naman sa ayaw kong malaman nila ang tungkol kay Vince, kaya lang hangga't wala pang pormal na kung ano itong ginagawa naming dalawa ay mabuting sa amin na lamang muna ito.
"Nicole?"
Natigilan ako sa pagtutulak ng cart nang marinig ang tawag mula sa isang pamilyar na tinig. Nalingunan ko si Jake bitbit ang isang maliit na shopping basket. Agad niya akong nginitian kaya ginantihan ko iyon.
"Jake, kumusta ka?" Magalang kong bati sa kaniya.
"Ikaw ang kumusta," sandali niya akong sinuyod ng tingin, hindi naman ako nailang dahil hindi naman malisyoso ang pagkakatitig niya sa akin. "Ang tagal kitang hindi nakikitang dumadaan man lang sa Pub House, ah? Huli pa ata noong bago kayo pumunta sa seminar sa Palawan. Tinanong ko si Donna kung bakit hindi ka nila kasabay na nakabalik. Ang sabi lang ay may nakuha ka daw kliyente sa hotel, hindi naman pinangalanan kung sino."
"Oo, I commissioned a painting that had to be done right away, kaya ako naiwan." Simpleng sagot ko. "Pupunta ako doon ngayon, baka kasi lalong lumala ang tampo nina Karla at Donna sa akin kung hindi pa ko magpakita."
"Ganoon ba? May dala ka bang sasakyan?" Tanong niya na siyang inilingan ko, wala naman kasi akong sasakyan, magtataxi lang sana ako dahil marami naman dyan sa labas. "Eh, sumabay ka na sa akin. Doon rin ang tungo ko. Tapos puwede rin naman kitang ihatid pauwi sa condo mo pagtapos para hindi ka na mag-commute."
Mabuting kaibigan si Jake, pero hindi ako kumportableng pinagbibigyan siya sa mga simpleng paghatid at sundo sa akin dahil hindi ko gustong umasa siya sa wala. I didn't like him then. I don't like him now. Walang nagbago sa nararamdaman ko rito, pero hindi ko rin naman magagawang basta na lamang siyang tanggihan ng walang matibay na dahilan.
"Sige ba," tipid kong sagot. "Pero hindi mo na ako kailangang ihatid pa mamaya pauwi,"
Kukuhanin kasi ako ni Vince, sinabi ko kasi sa kaniya sa text na sa Publishing House ako pupunta para kitain sina Donna at doon na ako hanggang hapon siguro. Tuwina kasi ay sinusundo niya ako sa studio tapos maghahapunan kami, sa mga restaurant na malapit o 'di kaya sa condo ko na lang kapag hindi naman ako gaanong pagod para magluto. Isa kasi sa mga napansin ko sa kaniya, Vince loved home-cooked dishes.
"Bakit?" Kunot ang noo niyang sinundan ako patungo sa counter kung saan ko ich-checkout ang aking mga pinamili. "May susundo ba sa'yo?"
Pinili kong huwag na lamang iyon sagutin, kinausap na rin naman ako ng kahera kaya nawalan na rin ng pagkakataon si Jake na usisain ako sa oras na iyon.
He carried my grocery bag and led the way outside the store. Nakaparada sa hindi kalayuan ang kaniyang sasakyan, una niya akong pinapasok matapos ay inilagay sa likod ang aming mga pinamili. Tahimik si Jake sa mga unang minuto ng byahe namin papunta sa Publishing House, pero pansin ko ang panaka-naka niyang paglingon sa akin.
"Gumaganda ka lalo, Nicole," pagkuwa'y sabi niya. Hinanap ko ang kakaibang sigla sa aking dibdib na tuwina'y nararamdaman ko kapag pinapapurihan ako ni Vince, ngunit wala. Wala akong maramdaman. "Iba ang aura mo ngayon, parang masigla at masaya ka."
It's because I am. Gusto ko sanang sabihin iyon pero hindi ko magawa. Sanay kasi sila sa Nicole na halos walang buhay kausap, iyon bang kumikilos pero hindi dumadama. Siguro'y iyon pa rin ang inaasahan niya sa akin ngayon.
"Wala namang rason para hindi, Jake," simpleng sagot ko bago tumanaw sa labas ng bintana. I could feel his gaze on me.
Tumikhim si Jake at muling nagtanong. "Sino nga pala ang kliyenteng nakilala mo sa Palawan?"
Jake was an artist too, normal lang na magkaron siya ng interes sa trabaho ko. Hindi na kailangan pang sabihin nina Donna na malaking pangalan ang kumuha sa akin, dahil iyon pa lang kaalamang sa hotel ko nakilala ang customer ko ay sapat na para mabuo ang ideya rito na bigatin at kilalang tao iyon.
"The De Salvos," tipid kong sagot. Hindi ko na gusto pang magbigay ng mas detalyadong tugon dahil hindi naman na kailangan.
Sukat doon ay bigla siyang pumreno upang lingunin ako, gulat at pagkamangha ang siyang nakabalatay sa kaniyang anyo. "Seryoso ka ba? Ang mga De Salvo ang kliyente mo? Iyong mismong may ari ng buong isla?"
Tumango lang ako kasi ano pa ba naman ang sasabihin ko, 'di ba?
"Paano mo sila nakilala? Paano mo sila naging kliyente?" Kuryoso niyang tanong bago muling ipinagpatuloy ang pagmamaneho.
I chose to remain silent, offering only a small smile. There was no way I was going to tell him how the De Salvos discovered my painting abilities—how I secretly entered the falls and was caught naked by Vince, and all that ensued.
"I still can't believe they're your clients. Not to underestimate your skills. Everyone knows you're incredibly talented, but it's also undeniable that there are more famous names they could have chosen over you, right? Like the renowned Safe Castañeda, for example." Sabi ni Jake makalipas ang mahabang sandali.
Jake was right. Even I was surprised that I would be painting for such a well-known family.
I just smiled at him. "Maybe, I'm just one lucky girl."
Wala na kaming naging sumunod pang mga usapan ni Jake hanggang sa maiparada niyang maayos ang kaniyang sasakyan sa parking lot ng Publishing House. Inunahan ko na siyang bumaba, nakakahiya naman kasi kung pagbubuksan niya pa ako ng pinto, pero hinayaan ko pa rin siyang bitbitin ang mga pinamili ko para kanila Donna at Karla.
"Nicole Ann!" Eskandalosang sigaw ni Donna na siyang halos yumanig sa buong floor nang makita niya kami ni Jake na magkasunod pumasok. Mabilis niya akong sinalubong ng mahigpit na yakap, tili pa rin ng tili. "Teh! Buhay ka pa pala! Hindi ka man lang nagpaparamdam! Akala namin ay nabulok ka na sa Palawan!"
"Nicole!" Si Karla naman iyon, dinaluhong rin ako ng mahigpit na yakap. "Ano nang balita sa'yo? Akala namin kung napano ka na! Madalang ka mag-reply sa mga text namin, kung gagawin mo man ay sobrang tipid ng mga detalyeng pinapakawalan mo! Muntik na talaga kaming mag-report sa mga pulis ni Donna, eh. Kung hindi lang namin alam na hindi ka talaga ma-text na tao ay iisipin namin na iba ang may hawak ng cellphone mo!"
"Ano ba kayo? Syempre nagttrabaho ako doon, hindi talaga ako magpipirmi sa cellphone ko dahil binabayaran nila ang oras ko." Mahinahon kong paliwanag. "Atsaka, ayos naman ako. Buhay na buhay!"
"At magandang maganda!" Pinakatitigan ako ni Donna, tumaas pa ang kaniyang kilay. "May iba sa'yo! Iba ang glow mo ngayon!"
"Oo nga!" Sangayon ni Karla, ngiting ngiti pa ito. If there was someone who wanted to see me happy and back to my old self, si Karla iyon. Dahil alam at naiintindihan niya ang klase ng sakit na pinagdaanan ko nang mawala ang kapatid niya sa akin. "Ganda mo, Niks!"
"May boyfriend ka, noh?" Nang-uusisang tanong ni Donna, agad siyang sinuway ni Karla sa pamamagitan ng marahang tapik sa braso. "Ano ba? Feeling ko meron! May boyfriend 'yan!"
Hindi ako sumagot. Puwede ko naman sanang sabihin na wala dahil wala naman talaga. Kung ano ang namamagitan sa amin ni Vince ay hindi pa namin iyon napapag-usapan, ni hindi ko nga alam kung dapat ba namin iyong pag-usapan.
Tumikhim si Jake na nasa likuran ko pa rin pala, inabot nito kay Donna ang mga pinamili ko tapos ay muli nang bumalik sa cubicle nito para balikan ang trabaho.
"Si Jake?" Usisa pa rin ni Donna habang sinisilip ang laman ng brown bag.
"Hindi, ah!" Agad kong sabi.
"Oh, eh, sino?" Umangat ang kaniyang tingin sa akin, taas pa rin ang kilay.
"Nag-lunch na ba kayo?" Pag-iiba ko ng usapan, binalingan ko rin si Karla na medyo tumataas na rin ang kilay. "Tara, mag-pizza tayo sa baba. Sagot ko! Pambawi ko man lang. Text niyo na rin sina Harry at Josh, kung break nila ay sumama na sila sa atin mananghalian."
"Jake, thank you sa pagbitbit ng pasalubong ni Nicole sa amin!" Malakas na sabi ni Donna, kinawayan pa si Jake atsaka inimbita. "Sama ka! Mag-lunch kami diyan sa baba!"
Tignan mo talaga ang isang 'to. Gusto niyang siguraduhin kung kami nga ba o hindi ni Jake.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro