Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Mission 8

Mission 8


Aldus Ferell


Nasa kwarto pa din kami at ginigisa pa rin ng ni LG. Sawang sawa na ako.


"LG 'yong sexy'ng manager ang girlfriend ko sa restaurant na 'yon" pangangatwiran ni Owen


"Magaling din siyang magluto kaya masarap! Di ko naman kasalanan kung naging girlfriend ko na pala ang mga waitress doon nang hindi ko nalalaman. Alam mo na LG nasa lahi na natin?" kibit balikat na sabi ng loko.



"Ang hirap talagang maging gwapo" pahabol pa niya na may kasamang pagkamot sa ulo. Talaga naman.


"Owen, hindi ko alam ko anong ibig sabihin mo sa salitang 'masarap' basta ang gusto ko wag ka nang pupunta ulit sa restaurant na 'yon. Maliwanag?" ang tanga naman kasi bakit pati mga waitress dinamay pa niya?


"LG, paano naman ang sweetie ko?" tanong ni Owen. Is he serious on that manager?


"Who is that girl? Can I know her?" naghintay din ako ng sagot ni Owen kay LG. But looking at him right now, alam kong hindi na niya maalala ang pangalan ng babae. Tsss.


"Medyo mahaba kasi ang pangalan niya LG, next time sasabihin ko sa iyo" sagot niya kay LG. Inaasahan ba niya na maniniwala sa kanya si LG? Nakisali na ako.


"LG, wag ka ng maniwala dyan kay Owen" matabang na sabi ko.


"Aldus! Bakit ka ba nakikisali?" angil sa akin ni Owen. Dapat kasi ay tapusin na niya ang pagsisinungaling kay LG. I'm getting bored of this.


"Totoo naman ang sinasabi ko Owen, magsabi ka na ng totoo ayaw ni LG ng sinungaling, madamay pa ako sa init ng ulo niyan. Ako pa ang mapag abutan, mahirap na" sagot ko sa kanya.


"Akala mo naman kung sino kang makapagsalita?! Madami ka rin namang kalokohan" nanggagalaiting sabi niya sa akin.


"Anong gusto mo? Laglagan na tayo?" hamon ko sa kanya. Naglalapit na kami ni Owen ngayon. Hindi ko alam kung bakit nakarating na sa pag aaway ang murahan sa amin ni LG. Parang kanina lang ay nagkakasundo pa kami ni Owen.


"Kung laglagan na din naman pala ang gusto mo Aldus mas madami kang kalokohan sa akin!" itinulak niya na ako kaya bahagya akong napaatras.


"Kahit magbilangan pa tayo! Malaman na kung sino ang mas gago sa ating dalwa!" itinulak ko rin siya pabalik.


"ENOUGH! Mga apo baka hindi niyo napapansin na nandito pa ako? At talagang magbibilangan pa kayo ng kalokohan sa harap ko?" halos sabay kaming napalingon kay LG at napakamot sa ulo.


"Si Aldus kasi na ito masyadong pakialamero" pahabol pa ni Owen.


"Hindi ako nakikialam Owen, nagsasabi lang ako ng katotohanan" sagot ko naman.


"Tama na nga 'yan! Alam ko ang mga kalokohan nyo, bilang na bilang ko na. Baka tamaan lang kayo sa aking dalawa!" sigaw sa amin ni LG na halos kapusin ng hininga. Ako ang kinakabahan sa kalusugan ni LG ngayon, napakapasaway kasi ng mga pinsan kong ito.


"Alam mo ba ang problema mo Owen kung bakit hindi mo matandaan ang pangalan ng 'girlfriend' mo? Kasi sa dami ng girlfriend mong manager ng restaurant paano mo sila matatandaan? Apo naman! hindi pinagsasabay sabay!" dalawang kamay na ni LG ang nakahawak sa kanyang noo.


"Sige, sorry na po Lolo. Hindi na po mauulit" mabilis na sabi ni Owen na para namang gagawin niya talaga. Asa. Hindi na nakasagot sa kanya si LG, dahil talagang sumasakit na ang ulo nito. Shit. Naaawa na ako sa lolo namin.

"Goodluck pinsan, hahanapin ko lang si Nero. Madaya 'yon" paalam sa akin ni Owen na may pagtapik pang nalalaman sa aking balikat. Shit. Ako na ang nakasalang, bakit bigla yata akong kinabahan? Act cool Aldus, wala ka ginawang kasalanan. Ang mga pinsan mo lang.

Nang makalabas na si Owen ay agad akong binalingan ni LG. Mas mabuti na rin ito nang matapos na ako.


"Aldus apo, umpisahan mo na ang litaniya mo" huminga ako ng malalim sa sinabi ni LG. Kailangan kong ayusin ito. Damn.


"Lolo, wala naman akong natatandaang ginawa kong kalokohan nang mga nakaraang araw" kunwari medyo confident ako pero sa totoo lang kinakabahan pa ako. Baka nalusutan pa rin ako ng mga tauhan ni LG. Matitinik pa naman din ang mga 'yon. Masyadong well trained sa pang huhunting sa aming lima.


"Sigurado ka?" nanliliit na ang mga mata sa akin ni LG. Tss, may alam na ito.


"Opo" pagsisinungaling ko na rin. Pwede ba na mga pinsan ko lang ang nagsisinungaling? Ako din marunong, lalo na kapag kinakailangan.


"At ano itong nabalitaan ko at nabasa pa sa dyaryo na may muntik nang magpatayang babae dahil sayo?" napanganga ako sa sinabi ni LG. Anong nadyaryo? Bakit hindi ata nakarating sa akin 'yon?


"Apo naman, isa isa lang hindi kayo mauubusan!" napikit na lang ako sa sigaw sa akin ni LG. Sabi na dapat hindi ako ang pinakahuli, madiin akong gigisahin dito. Tang ina.


"Hindi ko alam na nasa lugar din 'yon ang isa kong girlfriend kaya 'yon nagpang abot, medyo nagkasabunutan LG. Hindi ko mapigil kaya nilayasan ko na lang. Nadyaryo pala, sorry na LG. Gwapo naman tayong dalawa" ngising sabi ko kay LG. Kung pwede lang tumawa ng malakas ay nakatawa na ako sa reaksyon ni LG.

Halos matulala si LG sa sagot ko, alam naman niya na nagsisinungaling na ako kanina pa, sabihin ko nga ang totoo.

Kung kanina noo ang hawak niya ngayon ay dibdib na. Saan na ba ako dapat sumuot? Kung magsisinungaling ako, sasama ang pakiramdam niya. Kung magsabi naman ako ng totoo sasama rin ang pakiramdam niya. Sa madaling salita, mumurahin pa din ako hanggang sa huli.


"LG? Ayos ka lang ba?" tanong ko kay LG. Nilapitan ko na siya dahil mukhang maputla na siya. Patay.


"Sige na Aldus, wala na akong magagawa sa inyo tawagan mo na lang si Nero" pagtataboy sa akin ni LG. Damn. Tapos na rin ako.


"Sure" maiksing sagot ko kay LG.

Malapad ang ngisi kong lumabas ng kwarto, patay ka ngayon Nero. Ikaw ang main event.

--


Florence Almero


Sa dami ng mga kwarto dito, saan kaya ang kwarto ko? Dapat itinanong ko muna kay LG nang hindi ako naliligaw ng ganito. Pero napili ko na ang pinakamalapit dahil sa bukas ito, wala naman akong makitang mga gamit panlalaki kaya naisip ko na walang gumagamit nito. Baka nga ito na 'yong kwarto ko, pinabayaan na ni LG na bukas para makita ko agad.

Dahil sa pagod na pagod na ako, nagdiretso na ako sa banyo para maglinis ng katawan. I just want to sleep.

Mabilis akong nagbihis ng pantulog. Isinuot ko ang maiksing damit na siyang lagi kong isinusuot kapag natutulog ako. Nang humiga na ako sa kama, agad kong napansin ang laki nito. Mukhang triple sa laki ng kama ko, mas mabuti na rin siguro ito nang makatulog ako ng maayos.

Hinayaan ko na lang bukas ang ilaw mula sa lamp shade na nakapatong sa side table, dahil hindi ko kayang walang makitang liwanag. At ibinalot ko na ang sarili ko sa makapal na kumot bago ko ipinikit ang mga mata ko.


--


Owen Ferell


Nasa kwarto ko kami ngayon, maliban lang kay Aldus at Nero. Saan na naman kaya nagsuot ang dalawang 'yon?

Kasalukuyan na naman akong nakikipagtumbang braso kay Troy. Kahit kailan ayaw talaga nitong magpatalo.


"Tristan sino 'yong sinasabi ni LG sa'yo?" tanong ko sa kanya. Sa aming magpipinsan kami si Tristan lang ang bihirang mahuli sa aming mga kalokohan. This is something new.


"Wag kang tsismoso" iritadong sagot niya sa akin. Tsss, ang arte ng gago.


"Buti nga nahuli ka" yamot na sagot ko sa kanya. Shit! nahihirapan na ako sa Troy na ito, mukhang sineseryoso niya ang tumbang braso namin dalwa.


"Look! akala ko ba mild lang kayo? Mga nahuli din pala kayo, lagi na lang ako ang pinag iinitan ni LG" pakikisali sa amin ni Troy. Siya naman ang paborito ni LG, bakit hindi niya pa napapansin? Malamang siya lagi ang pag iinitan.


"I forgot her name" bagot na sagot ni Tristan. Okay, hindi naman talaga ako interesado na malaman ang pangalan ng flavour niya sa resort. Wala lang talaga akong masabi.


"Ikaw ba Owen? Anong nahuli sayo?" tanong sa akin ni Troy. Wala pa din nananalo sa aming dalawa sa tumbang braso.


"'Yong mga manager ng restaurant, pinagbawalan na ako ni LG" sagot ko na lang. Napapangisi na lang ako dahil mukhang nananalo na ako.


"Whole package ka naman kasi may bonus ka pa na mga waitress. One of these days, I'll try your style" sa sinabing 'yon ni Troy nagulat na lang ako nang bigla na lang niyang napatumba ang kamay ko. Tsss, nanalo ang loko.


"O yeah! Paano ba 'yan Owen? I won. Sino kaya sa mga babae mo? Let me try sa Sugar sweet café?" ngisi pa lang ni Troy paniguradong magsisimula na siyang maghunting ng mga babae kinabukasan sa sinabi niyang café, poor girls.


"Sige sige na, wag ka lang pahuhuli kay LG baka madamay na naman ako" sagot ko sa kanya. Marunong naman akong tumanggap ng pagkatalo, bahala na siya sa kalokohan niya. Wag lang siyang sasablay dahil paniguradong damay damay na naman kami.


"Nasaan si Aldus at Nero? Minumura pa ba sila?" biglang singit ni Tristan. Buhay pa kaya ang dalawang 'yon?

Eksakto namang nabuksan ang pinto at sumungaw ang ulo ni Aldus.


"I can't find him" may pag iling pang nalalaman si Aldus. Asa siyang mahanap ang gagong 'yon. Magaling pa naman din 'yong magtago.


"Ang daya naman ng mokong na 'yon!" may pagsuntok pang nalalaman sa hangin ni Troy.


"Mamaya pang gabi uuwi ang gagong 'yon " kumento ni Tristan. Paniguradong mamaya pa nga ang isang 'yon. Madaya talaga.


"Anong plano mga pinsan?" biglang tanong sa amin ni Troy. Plan?

"Plano?" tanong ko pabalik sa kanya.


"Sa babae?" tanong din ni Tristan. Halos lahat kami ay nalilito sa biglaang pagdadala ng babae ni LG dito. Bakit siya dinala dito? Alam naming magpipinsan na may ibang dahilan si LG sa pagdadala nang babaeng 'yon dito, pero ang malaking pinagtataka namin, bakit hindi niya pa ito sinasabi sa amin?


"Okay lang sa akin na nandito siya. She's not ugly afterall, we can survive" singit ni Aldus. What the hell? Pero kung sabagay hindi ko siya masisisi, talagang magandang babae ang dinala dito ni LG. Akala ko nga hindi Pilipina dahil malatype writing ang kutis sa sobrang puti. Damn, bakit nga lang may dalang baril? What the hell.


"Ang ugali?" may pagngiwi pa si Troy sa tanong niya. Magandang babae nga, pero may dalang baril. Baka lagi na lang kaming tutukan ng baril kapag mapalapit lang kami ng kaunti sa kanya. Shit.


"Masasanay naman siguro tayo, besides isang beses pa lang naman natin siya nakilala hindi ba? Maybe we can get to know her well after these days" matalinong sagot ni Aldus. Mukhang interesado sa babaeng 'yon ang loko kong pinsan. Tsss.


"Kung sabagay may punto ka" hindi ko napansin na nakasagot na pala ako. Damn. Interesado din ba ako sa babaeng 'yon? Oh well, she's pretty.


--


Don Garpidio Ferell ( LG in short)


Kumakain na kami ng hapunan. At hindi ko akalain na makakaabot pa ako ng hapunan sa nangyaring pag arte ng mga apo ko sa library kanina. Bakit hindi ko sila nasubukang ipasok sa showbiz? Baka mas lalo pa kaming yumaman.

Tahimik lang silang kumakain apat na wala man lang naglalakas loob kausapin ako. Buti naman at kahit papaano ay marunong silang makaramdam. Hindi pa din humuhupa ang presyon ko sa kalokohan nilang lima.


"Nasaan si Florence?" tanong ko sa kanila.


"Ewan" walang buhay na sagot ni Troy.


"I don't know" maiksing sagot ni Owen


"Hindi ko alam" tamad na sagot ni Tristan.


"Baka tulog na LG" si Aldus lang ay may matinong sagot. Pambihira, bakit walang nakamana sa akin sa mga apo ko? Mga wala silang kwentang kausap.


"Siguro nga" pag sang ayon ko na lang. Mukhang walang energy ang mga apo ko ngayon. Ang tatamlay nila at mukhang tamad na tamad sa buhay habang kumakain.

Pero hindi nila ako maloloko, sigurado akong palabas lang ang nakikita ko sa kanilang apat ngayon. Mapanlilang ang mga apo kong abnoy. Wag paloloko, mas maloko ang lolo.


"Nasaan si Nero?" tanong ko ulit.


"Ewan" matamlay pa din sagot ni Troy.


"I don't know" kahit ang sagot ni Owen ay matamlay rin.


"Hindi ko alam" matabang na sagot ni Tristan.


"Nagtatago 'yon sa'yo LG" si Aldus na naman ay may matinong sagot. Sa susunod bibigyan ko si Aldus ng ribbon dahil siya ang may pinaka may kwentang sumagot. Kung makasagot ang mga pinsan niya ay parang hindi ko pinapakain. Nakakahiya sa mga kapitbahay kung may makakarinig sa kanila. Tsss.


"Akala ng batang 'yon makakatakas na siya sa akin? Buong buo ang araw ko bukas para sa kanya" sa huli kong katagang sinabi halos lahat nang matatamlay kanina at walang buhay ay bigla na lang nagkabuhay. Sumilay ang kani kanilang ngising hindi maipaliwanag. Dito sila magagaling.


"Patay ka Nero sa akin bukas. Hindi ka makakatakas!" hindi ko na naiwasang hindi matawa katulad ng mga halakhak ng mga kontabida sa kinahihiligan kong panuorin tuwing gabi. Marunong pala ako nito?


"Hahahahaha"

At sa hindi ko malamang dahilan ang mga apo kong abnoy ay nakitawa na rin sa akin. Kaya tumigil ako sa pagtawa, kasali ba sila?



"Hahaha" pilit ginagaya ni Troy ang pagtawa ko.


"Hahaha" ganun din ang ginagawa ni Owen.


"Hahaha" hindi din patalo si Tristan.


"Hahaha" at si Aldus na malapit nang magawa ang pagtawa ko.

Natigilan ako sa pagtawa pero patuloy pa din ang mga unggoy kong apo sa kahahalakhak. Natawa ng walang dahilan? Napatingin ako sa hapag may mali ba akong naipakain sa kanila?

Panay sila sa pagtawang apat habang nakatitig ako sa kanila.


"Anong nakakatawa?" seryoso kong tanong. Agad tumigil ang apat sa pagtawa.


"Wala LG" maiksing sagot ni Troy Ferell. At pinagpatuloy na ng apat ang pagkain, bumalik na ulit sila sa matamlay at walang buhay na aura. Napa titig na lang ako. Anong nangyayari sa mga apo ko? Kailangan ko na naman ba silang ipatawas?


"Mga baliw" nasabi ko na lang.


"Gwapo naman" mabilis na sagot ni Owen.


"Cheers!" sabay sabay ang apat na nagtaas na basong may juice.


"Sinong may magandang lahi?!" malakas na sabi ni Troy habang nakataas ang baso. Are they drunk?


"Mga Ferell!" sabay sabay nilang sagot habang nakataas ang kanilang mga baso.



Sa huli ako na lang ang napakamot sa ulo ko. Hindi na talaga siguro sila nakakakain ng maayos. My poor grandsons, nahahabag na sa inyo si lolo.



--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro