Mission 74
Mission 74
Bumaba na ako sa sasakyan at tinanaw ang Minnestype Coffee Shop, iilan pa lang ang nakikita kong tao. Sinipat ko muna ang wristwatch ko, it's 9:45am. Maaga pa ako.
"Florence, dadaanan na lang kita dito mamaya" tumango na lang ako kay Kuya Nik. Iniabot niya na rin sa akin ang mga dala dala kong gamit.
"Thanks" hinalkan niya muna ako sa noo bago siya bumalik sa sasakyan. Nagsimula na akong humakbang papasok sa Coffee shop. Mukhang maghihintay pa ako ng ilang minuto. Agad akong kumuha ng lugar na pangdalawahan. Mabilis namang lumapit sa akin ang waiter para kuhanin ang order ko. Ibinigay ko sa kanya ang paborito kong inumin, pati na rin ang kay Troy Ferell.
Habang naghihintay kay Troy Ferell, inabala ko ang sarili ko sa pag iisip ng mga sasabihin sa kanya. Pero hindi rin nagtagal ay nakikita ko na ang paparating na Troy Ferell na papasok nan g coffee shop. He's holding bouquet of white roses. Agad hinanap ng kanyang mga mata ang posisyon ko, itinaas kong bahagya ang isa kong kamay para makuha ang atensyon niya.
Lumapad ang kanyang mga ngiti nang sandaling nagtama ang aming mga mata. Kailan pa ba ako huling nakakita ng isang Ferell na nakangiti?
"For the girl with the pure heart" inabot niya sa akin ang hawak niyang bouquet.
"Pure heart huh?" pinagtaasan ko siya ng kilay na madalas kong ginagawa sa kanila.
"I just want to give you flowers for last time we'll see each other. This coffee date is a goodbye right?" nakangiting tanong niya sa akin. I've seen him smile for so many times but this smile is quite different. Hindi man lang umabot sa mata.
"Well, yes" sagot ko sa kanya.
"Can we just walk? I want fresh air" tumango na lang ako sa kanya. Binitbit ko ang mga dala kong gamit kasama bouquet na ibinigay niya sa akin.
"Let me help you, what's that?" nagtatakang tanong niya sa mga dala ko.
"It's a secret" sagot ko sa kanya. Ibinigay ko lang sa kanya ang bouquet ng rose at ang maliit na kahong hawak ko. Pinili kong bibitin ang mas malaki kong dala na may nakatakip na kulay puting tela.
Napatigil kami sa isang pampublikong parke kung saan maririnig mo ang mga tawanan ng mga bata, iba't ibang ingay mula sa mga tao, mga tindero at tindera na may sarisaring paninda at maging ang malakas na buhos ng tubig mula sa fountain na siya mismong sentro ng parke.
Napakasigla ng parkeng ito. If I can just blend with them.
"Diba mas masaya dito?" biglang tanong sa akin ni Troy. Tumango ako sa kanya.
"Yes, punong puno ng buhay sa lugar na ito" bahagyang tumahimik si Troy sa sinabi ko.
"Sigurado ka na ba sa desisyon mo? Iiwan mo si Nero?" biglang tanong niya. Huminga muna ako ng malalim bago ako sumagot sa kanya.
"I can't change my mind" marahang sabi ko sa kanya.
"Hindi ka na mapipigil?" tanong niya muli sa akin. Umiling na lang ako sa kanya.
"Uhmm, Troy I just want to thank you for all. Salamat dahil naging parte ka ng buhay ko. Salamat dahil isa ka sa nagprotekta sa buhay ko, hindi ko alam kung anong nagawa ko sa inyo para alagaan niyo ako ng sobra sobra. Pero isa lang ang masasabi ko, napakaswerte ko dahil nakilala ko kayong mga Ferell. Hindi ko alam kung ano ba ang nagawa ko nang nakaraang buhay ko para biyayaan ng mga taong ganito na lang magmalasakit sa akin..I'm just too thankful"
Nanatili lang siyang nakatitig sa akin. I can't read his expressions.
"Here..please take care of her" iniabot ko sa kanya ang kanina ko pang bitbit.
"What's this?" nagtatakang tanong niya.
"You can pull the cover" sagot ko sa kanya. Dahan dahang sumilay ang mga ngiti niya sa labi ng masilayan niya ang ibinigay ko sa kanya.
"You love dogs right? I'm sorry kung nasakal ko ang aso mo noong una akong dumating sa mansion. I know that's childish" hindi na niya pinansin ang sinabi ko dahil binuksan niya ang kulungan nito at kinalong niya ang maliit na aso.
Sinimulan na niya itong laruin. Alam kong mahilig si Troy sa aso simula pa lang pero nang sabihin ko na may allergy ako sa mga aso ay hindi na siya nag alaga pa. I felt guilty because I really don't have any allergy.
"She's so cute.." hinahaplos haplos niya ang makapal na balahibo ng aso.
"She's like a doll.." mahinang sabi niya.
"What is her name?" nakangiting tanong sa akin ni Troy.
"You can give her.." sagot ko sa kanya.
"From now on, I'll call you Tin" natutuwang sabi niya sa aso na parang naiintindihan siya.
"Why Tin?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Short for Celestina" mabilis na sagot niya. Napakabago sa aking pandinig ang pagtawag niya sa pangalan ko. I never heard him calling my name.
"Listen to me Doll, ngayong alam mo na kilala ka na namin simula umpisa. Please don't felt bad to us, don't felt betrayed because everything we showed on you..totoo 'yon. Walang halong pagpapanggap.. We treated you the way we wanted, wala 'yong script at lalong wala 'yon sa plano. Oo kilala ka na namin, the girl we need to protect, pero hanggang doon na lang 'yon. We're protecting you at the same time we're facing you like the usual us. Lahat ng mga ngiti namin, bawat pagkunot ng noo namin, mga tawanan at sigawan masasabi kong walang kahit anumang bahid ng pagpapanggap.
Ni minsan hindi namin inisip na ginulo mo ang buhay namin, infact you gave colors to our lives. Napakaraming bagay ang ipinamulat mo sa amin, mula sa simpleng paglilinis ng bahay, sa pagharap sa mga resposibilidad namin at higit sa lahat tinuruan mo kaming mas pahalagahan ang pagsasama naming magpipinsan.
Hindi ko na ito uulitin Doll, you're an angel sent from heaven. You give us smile almost every day at hindi ko makakalimutan ang mga araw na naglagi ka sa mansion namin. Mga araw na ipinagluluto mo kami, mga araw na minumura mo kami at mga araw na umiikot ang mga mata mo sa amin. I will treasure it no matter how far you are"
Ngayon ay ngumiti siya sa akin at masasabi kong sa pagkakataong ito umabot ito sa kanyang mga mata.
"Troy.." mahinang tawag ko sa kanya. This goodbye, bakit may ganito na namang kirot?
Muli akong huminga ng malalim. I won't let myself cry again. Nangako ako sa sarili ko na walang kahit isang luha ang papatak sa aking mga mata ngayon. Please no more tears.
"Salamat.." maiksing sagot ko sa kanya.
"Hindi ko ba nasabi sayo na binalak ko rin na makiagaw kay Nero at Aldus?" hindi na siya ngayon nakatingin sa akin. Nilalaro laro niya ngayon ang cute nyang aso.
"But I keep denying myself..'Come on Troy..she's not your type, you don't like tigress' but I can't help it. Everytime I see your face, my heart beats fast. Ni minsan hindi ko akalain na mangyayari 'yon sa akin. And I was about to make my move on you, but it's too late. You're already in love with Nero. First time akong natalo ni Nero sa kahit anong larangan..Tsss" bahagya siyang tumawa
"You're kidding right?" posibleng nagbibiro lang siya.
"No, I'm not. Sinasabi ko na ito kasi aalis ka na. Are you planning to settle there?"
"I still don't know, it depends" sagot ko sa kanya.
"Just don't forget about me. The most handsome Ferell you ever know" tumayo na siya habang buhat ang asong ibinigay ko sa kanya.
Nagulat na lang ako ng mabilis niyang hinalikan ang noo ko.
"Goodbye my Doll.." saka siya nagsimulang maglakad palayo sa akin
--
Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakaupo sa parkeng 'yon bago ako bumalik sa Minnestype Coffee Shop para naman makipagkita kay Owen.
Mabilis niya akong nakita at agad naman siyang nagpunta sa table namin. Halos ilang sandali muna kami nagtitigan bago siya nagpasyang magsalita.
"You know I hate saying goodbyes.." panimula niya sa akin. Nanatili lang akong tahimik habang hinihintay ang sunod niyang sasabihin.
"Lalo na kung 'yong taong aalis ay may napakalaking parte sa buhay mo. Can you just stay? Hindi na para sa akin kundi para sa pinsan ko.." seryosong sabi niya.
"Owen..." all I can do is to call his name. Simula kanina pa ay nawawalan na ako ng mga salita sa kanila. Pakiramdam ko ay namemental block ako sa tuwing nagsisimula na silang magsalita.
"When I first read your message, I knew what will happen next. Nasabi na ito ni Nally kay Nero at nandun kami nang sabihin niya sa kapatid niya ang posibilidad na makikipaghiwalay ka. What will happen to my cousin? You'll just leave him like that? After you broke up with him he's always drunk and we can't even talk to him. Are you sure this is the best solution?" kunot noong tanong niya sa akin.
"Owen, you can't understand.." mahinang sabi ko sa kanya.
"Sadyang hindi ko maintindihan! You don't even know the things he have done to you..ang mga nalalaman mo wala pa 'yan sa kalhati. He did everything for you, then you'll just leave him? Bakit ganyan? Kung ako si Nero itatali na lang kita nang hindi ka na makawala sa akin! Shit! Ang gulo nyong dalawa! Kung alam ko rin naman pa lang magkakaganito. I should have fight for you then!"
Hindi na ako nakapagsalita pa sa sinabi ni Owen. What is he talking about?
Napasabunot na lang siya sa kanyang sarili.
"Sorry for bursting out..it's just that..I can't get your point" naiiling na sabi niya.
"How long are you staying there?" pag iiba niya ng tanong.
"Years? I'm not sure yet" bahagya niyang hinigop ang mainit niyang kape.
"I'm telling you Wada, mahirap iwanan ang isang Ferell. Mahihirapan kang bumalik or worst you can't even come back" bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Halos parehas sila ng sinabi sa akin ni Nero.
"I bet sinabi na rin 'yan sa'yo ni Nero" marahan akong tumango sa kanya.
"Tutuloy ka pa rin?" naghahamong tanong niya.
"Yes" mahinang sagot ko. Kinuha ko ang kahon sa may tabi ko at iniabot sa kanya.
"Owen, thanks for all. Thanks for appreciating all my menus, thanks for giving me smile everytime you taste my recipe. Thanks for being my first escort during that engagement party. Salamat dahil sinambot mo ako nang tamaan ako ng bola sa mukha at maraming salamat sa pagprotekta sa buhay ko"
inabot niya ang kahon na ibigay ko sa kanya.
"It's a caramel and strawberry cake" ngiting sabi ko sa kanya. Tumayo na ako at tumango sa kanya bilang pagpapaalam.
"I need to go. Till we meet again" I smiled at him for the last time.
Lalagpasan ko na dapat siya nang hawakan niya ang kanang kamay ko.
"I was in love with you" mahinang sabi niya.
"Are you sure? Or you're just using me to forget Nicola? Fight for her, she's all worth it. Goodbye Owen.." ngumiti ako sa kanya at dahan dahan kong inalis ang kamay ko sa kanya.
Pakiramdam ko ay nakahinga ako ng maluwag nang sandaling makalabas na ako ng coffee shop.
Tamang paglabas ko naman ay ang pagdating ni Kuya Nik.
"All went well?" tanong niya sa akin pagkasakay ko sa sasakyan.
"Yes" maiksing sagot ko.
May gusto pa sana akong ibigay kay Aldus pero wala naman siya sa bansa. Siguro may panahon din para maibigay ko ito sa kanya.
Ngayon ay papunta kami sa sementeryo para magdala ng bulaklak kay Tristan. Hindi na ako kinausap ni Kuya Nik sa buong biyahe namin. Habang ako naman ay walang ginawa kundi tanawin ang mga lugar na nadadaanan namin.
Mabilis ang naging biyahe namin dahil sa pagpapatakbo ni Kuya Nik.
"You can wait for me here Kuya, madali lang ako" tumango na lang siya sa akin.
Sobrang tahimik ng sementeryo, tanging ihip lang ng hangin ang naririnig ko at ingay ng banayad na pagsayaw ng mga puno sa paligid. Napakapayapa ng lugar na ito. Kasing tahimik ng taong dadalawin ko ngayon.
Litrato niya na may napupungay na mata ang sumalubong sa akin. Inilagay ko muna malapit sa litrato niya ang magagandang tulips na dala ko. Kung sana maririnig niya lang ang mga sasabihin ko.
"Alam mo ba? Ikaw ang may pinakamagandang mata sa inyong magpipinsan. Wag mong sasabihin kay Nero ha?"
"Ikaw rin ang pinakamabait kasi lagi kang tulog.." bahagya akong tumawa.
"Napakamisteryoso mo pero hindi ka naman masungit sa katunayan nagshshare ka pa sa akin ng payong. You cared for my skin, thanks" pagbibiro ko.
"Minsan lang tayo mag usap pero nagawa mong isakripisyo ang buhay mo para sa akin. Sorry...sorry talaga.
Pinipilit ko pa rin makipag ugnayan kay Lina pero ayaw na niya talaga Tristan. I made her doubt to you.. sorry sorry sorry. Nang dahil sa akin...nasira kayong dalawa..she can't be happy anymore. If I could just bring back the time.. I won't let this happen. Pero ganito talaga, I should accept the fact.
Magpapaalam nga pala ako sayo, hindi na muna kita madadalaw. Lilipad na kasi ako mamaya papuntang ibang bansa and it will take for so many years for me to come back. Pero pangako kahit saan man ako magpunta hindi ko kakalimutan na may nabuhay na Tristan Ferell. Ang lalaking may napakagandang mata na nagligtas sa buhay ko"
Bahagya kong hinaplos ang litrato niya at ngumiti ako ng malapad.
"Goodbye Tristan.."
Nagdiretso na ako sa sasakyan at napahilig na lang ang ulo ko nang sandaling nasa loob na ako. I felt tired, parang ang dami ko nang nagawa.
It must be emotionally tired.
"We'll be going in a few hours..may gusto ka pa bang kausapin?" tanong ni Kuya Nik sa akin. Umiling na lang ako sa kanya. Ipinikit ko muna ang aking mga mata.
"Wake me up pag nasa airport na tayo" tumango na lang si kuya Nik.
--
"Masyado ng nahuhumaling ang anak ko sa maling babae" halos mapatulala na lang ako sa sinabi ng Mama ni Nero sa akin.
"Ma! This is too much!" pagpipigil sa kanya ni Nally.
"Nanally Eleanor" maawtoridad na sabi ng Mama ni Nero. Natahimik si Nally at napayuko na lamang.
"Hija, gusto kong makinig ka sa sasabihin ko. Alam mo naman siguro kung papaano lumugar? Hindi ko alam ang kasunduan ng dalawang matanda sa inyo. I don't even know that my son is engaged to you. Pero isa lang ang masasabi ko, tama na hija. You've made a big damage, siguro naman naiintindhan mo ang sinasabi ko? Walang ina na gustong masali ang kanyang anak sa kahit anong gulo. Sa nakikita ko sa pamilya mo, punong puno ito ng kaguluhan hija. You don't expect my son to mend that all..ayokong mahirapan ang anak ko. Ayokong masali ang anak ko sa kaguluhang hindi naman niya ginawa. My son deserves peaceful life"
Sa bawat salitang kanyang binibitawan parang unti unting nahihiwa ang puso ko. Alam ko na ang patutunguhan ng mga sinasabi niya, mukhang wala na talaga. Mukhang ayaw na talaga ng tadhana sa amin.
Nagbabadya na naman ang pagpatak ng mga luhang anumang oras.
"Mama..tama na. If Nero will find this..he'll definitely get mad!"
"This is for him! Ngayon hija, gusto mo pa bang mapagaya ang anak ko kay Tristan? Mga bata pa kayo, hindi nyo pa alam ang tunay na pagmamahal. Lilipas din 'yan at tatawanan nyo na lang pagdating ng panahon"
I don't think so. Gusto kong tumutol sa sinasabi ng Mama ni Nero pero ito ako at kahit dila ko ay nawalan nan g lakas magsalita.
"Sa ngayon mahihirapan kang intindihin ang mga sinasabi ko, pero kapag dumating ang panahon na isa ka ng ina maaalala mo ang mga oras na ito. Gusto kong lumayo sayo ang anak ko dahil hindi ka makakabuti sa kanya at lalong ayoko nang manganib pa muli ang buhay niya ng dahil sayo. Walang ina ang may gustong manganib muli ang buhay ng kanyang anak. I want to protect my son hija, ayokong mawalan ng anak. Please wag mo ng kunin pati si Nero"
Bigla na lang lumaglag ang kanina ko pang pinipigil na mga luha. Oo na, oo na. I won't come back to him. Oo na, I don't deserve him. Oo na, hindi talaga kami para sa isa't isa.
"Mama! That's out of the line! She didn't want what happened! At lalong hindi niya kinuha si Tristan! Ma naman! Tayo na!" pilit na siyang hinihila ni Nally.
Ngunit marahas niyang binawi ang braso niya kay Nally halos mapasabunot na lang si Nally sa kanyang sarili.
"My son deserves someone better isang babaeng walang dinadalang kasing bigat ng sayo. Isang simpleng babae lang na may maayos na pamilya, na kahit kailan hindi manganganib ang buhay ng aking anak sa piling niya. He deserve someone better hija but not you"
Lalong bumuhos ang mga luha. Napatungo na lang ako sa mga sinasabi niya.
"Sana ito na ang huli nating pagkikita hija" muli ay narinig ko na naman ang mga katagang ito.
Mga katagang ayaw ko nang marinig pa. Kailangan ko talagang tanggapin na may mga tao talagang nanaisin na hindi na ako makitang muli.
"Sorry Florence.." pakinig kong sabi ni Nally. Hindi ko na inabalang tingnan ang pag alis nila.
Napaupo na lang ako dahil hinang hina na ako. Napatulala na lang ako sa maliliit na paghampas ng alon sa dagat.
Nakapagdesisyon na ako, kakalimutan ko na lang dapat ang lahat. Handa na akong magsimulang muli kasama si Nero. Iiwan ko na ang mga alaalang nagpapahirap sa akin. Pero ito at isinampal muli sa akin ng kanyang ina ang katotohanan. Katotohanang hindi na kami pwede pang magkasama.
Muli malawak na karagatan na naman ang nakasaksi ng walang apaw na pagpatak ng aking mga luha.
--
Nagising na lang ako sa malakas na preno ng sasakyan. Pinahid ko ang mga luha ko sa aking pisngi. Kahit sa panaginip ay nagpapaulit ulit na naman ang pangyayaring 'yon.
Pero mas naalarma ako nang mapansin kung nasaang lugar kami ngayon. Pamilyar na lugar, na matagal ng hindi nasisilayan ng aking mga mata. Lugar na punong puno ng mga alaala. Lugar kung saan ko sila nakilala.
"Kuya Nik? Why are we here?" kinakabahang tanong ko.
"You need to talk to him first"
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro