Mission 73
Mission 73
Halos pinagtitinginan na siguro ako ng mga guest dahil sa hitsura ko. I looked damn miserable. Ito naman ang ginusto ko, dapat panindigan ko.
I decided to stay here tonight. Bukas na lang ako uuwi dahil masyado ng malalim ang gabi at lalong wala akong mukhang ihaharap sa mga pinsan ko. Pag aalalahanin ko lang sila pag nakita nila ang kalagayan ko ngayon. Ayoko ng mandamay pa.
Hindi ko inaasahan na mapapaaga ang araw na kinatatakutan ko. Ang araw kung saan kailangan ko na siyang iwanan. Akala ko mapapatagal ng tatlong araw ang huling pagsasama namin ni Nero pero siguro nga ay mas mabuti na ang ganito para hindi na lalo kami mahirapan. Sana maintindihan niya kung bakit ko ito ginawa. Ayokong maging makasarili kaming dalawa.
Ayokong tuluyan nang lumayo ang loob ng pamilya ni Nero sa kanya. Seeing their eyes on me, alam kong hindi na sila pabor sa aming dalawa. Ayoko ng bigyan pa ng problema si Nero.
Nagdiretso ako sa Hotel Montenegro para doon tumigil sa buong gabi.
"One room please" sabi ko sa receptionist. May ipinaliwanag pa siya sa akin na kung ano pero tanging pagtango na lang ang ginawa ko. Inabot ko na lang ang susing binigay niya at sumunod na ako sa crew na maghahatid sa akin sa kwarto.
"Thanks" agad ko ng isinara ang pinto.
Sa sandaling narinig ko ang marahang pagsasara ng pinto pakiramdam ko ay biglang nanlambot ang mga tuhod ko. Napasalampak na lang ako sa sahig. Dito ko na sinimulang humagulhol ng iyak. Ganito pala talaga ito kasakit. Anong magagawa ko? Alam kong ito ang tama.
Hindi pwedeng laging ako na lang ang pinagbibigyan, ako na lang ang lagi pinagsasakripisyuhan. Hindi ako pwedeng magsaya habang may mga taong naghihirap ngayon dahil nabubuhay pa ako.
Patuloy na nabubuhay dahil sa kapalit na buhay ng kanilang mahal. Masyado lang ba akong mag isip? Bakit sa tuwing nakikita ko ang sarili kong ngumingiti, nagsasaya bigla ko na lang maiisip ang mga taong nagsakripisyo ng buhay para sa akin?
They have lost their opportunity to smile, they have lost their opportunity to laugh, to feel love. It's all because of me. Lahat 'yon kinuha ko sa kanila. Hindi lang sila ang nawalan ng buhay, parang kinuha ko na rin ang buhay ng mga taong nagmamahal sa kanila.
Paano pa ako magiging masaya kung ito lagi ang naiisip ko sa tuwing napapangiti ako?
Tapos na ang pinakamagandang panaginip ko. Isang maghapon na hindi ko makakalimutan. Mga oras na tanging kaming dalawa lang ang magkasama, mga oras na tanging sa kanya lang umiikot.
I won't ever forget how I first felt his lips, his first touch, his loving whispers and his wonderful kisses on every part of my skin. I won't ever forget his love. He's my first and last love.
Bahagya akong napatigil sa pagpupunas ng mga luha ko nang may narinig akong ingay mula sa labas. Marahang katok sa pinto ang naririnig ko.
"Florence... please let's talk about this.." napahawak na lang ako sa aking bibig para pigilan ang anumang ingay na maaari kong magawa.
"Florence..I know you're inside" bahagya pa rin siyang kumakatok.
"Florence..I love you.." lalong tumulo ang mga luha ko sa sinabi niya.
"Florence.. listen to me..please.." pinili ko na lang hindi magsalita. Staying silent is the best thing to do.
"Florence..wag naman ganyan...mahal na mahal kita.." halos humigpit ang pagkakakagat ko sa aking labi para lamang pigilan ang mga hikbi ko.
"Don't leave me please..." napasandal na lang ako sa pinto habang nakikinig sa mahinang boses niya. Gusto ko ng lumayo para tigilan ng pahirapan ang puso ko sa bawat salitang binibitawan niya. Pero may parte pa rin dito sa puso ko na hinahanap hanap ang boses niya. Ang boses ni Nero Ferell, ang lalaking pinakamamahal ko.
"Kung gusto mo lalayo tayo.. we'll forget about everything..We'll start a new..tayo lang dalawa.." napapailing na lang ako sa mga sinasabi ni Nero.
Siya naman ngayon ang kukuhanin ko sa pamilya niya? I won't ever do that. Ayokong iwanan niya ang pamilya niya ng dahil lang sa akin.
"Kung gusto mo talagang lumayo. Hindi na ako tututol sayo..we can have long distance relationship. I can visit you in New York atleast twice or thrice a month but please don't break up with me..please Florence wag mo akong pahirapan ng ganito.." lalong nagpapatakan ang mga luha ko sa mga sinasabi niya.
"Sir.. hindi po kayo pwedeng manggulo ng guest" may narinig akong hindi pamilyar na boses. Malamang ay security ng hotel. Please Nero makinig ka na lang sa kanila.
"Fuck! Leave me alone! My girl is inside here! I need to talk to her" pakinig ko ang pamimiglas ni Nero.
"Sir, hindi po talaga pwede ang ginagawa nyo, nakakaabala na kayo ng ibang guest" nagulat na lang ako nang may narinig akong nabasag na bote.
"Fuck! Let me go assholes!! Fuck you! Bitawan nyo ko"
"Sir, lasing na po kayo"
"Florence!"
"Florence!" malalakas na katok ang pinto ang naririnig ko.
"Florence..please talk to me..I can't let you go" hearing his voice, alam kong nahihirapan na rin siya.
"Fuck! No! No..Flore.." ito na lang ang huli kong narinig bago ako nabingi sa katahimikan mula sa labas.
"Lasing na lasing..iba talaga ang nagagawa ng pag ibig" narinig kong huling sabi ng isa sa mga security bago sila tuluyang ng umalis.
Wala na akong lakas ng loob na tumayo man lang at buksan ang pinto. Baka sa sandaling makalabas ako ay habulin ko si Nero. Baka mapagbago pa ang isip ko. Baka hayaan ko ang sarili kong maging makasarili na siyang ikinatatakot ko.
--
Nagising na lang ako kinabukasan sa mismong harap ng pintuan. Mukhang dito na ako inabutan ng antok.
Sa nananakit kong katawan ay pinilit kong makatayo. I texted my friends Aira and Camilla for help. Mabilis naman silang nareply sa akin.
Aira: Atlast you texted, which resort?
Me: Montenegro. Can I ask favour? Can you bring clothes for me? Thanks.
Aira: Sure! I'll be there
Camilla: Oh great! Naaalala mo lang ako pag kailangan mo ng tulong.
Me: Sorry, I just need your company
Camilla: Kailan ba ako humindi sayo? I'll be right there. Tulad nga ng inaasahan, mabilis silang nakarating sa hotel. At halos sabay nila akong niyakap dalawa ng makita nila ang hitsura ko.
"Omy gosh! What happened to you?" nag aalalang tanong sa akin ni Camilla.
"It's a long story" sagot ni Aira.
"Come on fix yourself, I brought your clothes. Mamaya na lang tayo mag usap" tumango na lang ako sa kanila. Nagdiretso ako sa banyo at ibinabad ko ang katawan ko sa bathtub. Bahagya akong napayuko sa dibdib ko.
I can see few red marks all over it. Napangiti na lang akong mapait. If these red marks of his will stay forever..
Naramdaman ko na lang ang mainit na likido mula sa aking mga mata. Why I can't stop myself from crying? Hindi rin nagtagal ay lalong lumakas ang pagtulo ng mga luha ko. Sinabayan rin ito ng malakas na pag iyak ko. I can't help it. Ang sakit pala talaga. Ang sakit, sakit.
"Florence? Are..are you crying?" rinig kong tanong sa akin ni Camilla.
"Shit! We'll go inside" nagpapanic na sabi ni Aira. Halos sabay silang napahilamos sa kanilang mga sarili nang nakita nila ako.
"Florence naman..naiiyak na rin ako sayo" napansin ko ang bahagyang pagpahid ni Camilla sa kanyang luha.
"Damn..why am I crying too? Umayos ka nga Florence!" sabat din ni Aira.
"Ano ba namang nangyari sayo?" napansin ko na inabot ni Camilla ang isang mamahaling shampoo at inilagay ito sa palad niya. Lumapit siya sa akin at dahan dahan niyang ini apply ito sa akin.
"Can you please bring back our old friend..miss na miss na namin siya" marahang sabi ni Camilla habang dahan dahan niyang nilalagyan ng shampoo ang buhok ko. Naupo na rin si Aira habang pinapanuod kami ni Camilla.
"I can do it by myself" mabilis hinampas ni Camilla ang kamay ko.
"Let me do it, what are friends for?"
"Gusto mo ako ang maghilod sayo?" pagbibiro pa ni Aira.
"What happened at nagkakaganyan ka?" tanong ni Camilla.
"I broke up with him" maiksing sagot ko.
"You broke up with him?!" sabay pa silang dalawa.
"Bakit nagdadrama ka? Ikaw naman pala ang nakipaghiwalay?" tanong sa akin ni Aira.
"I'm still in love him..but we can't be together. Hindi na pwede" mahinang sabi ko.
"May nagsabi? May pumipigil ba sa inyo?" biglang tanong ni Camilla. Hindi ako nakasagot sa kanila.
"Bakit ka nakipagbreak?" ulit na tanong sa akin ni Aira.
"I've ruined his life.." bahagya akong yumuko sa sagot ko.
"Sinabi niya sayo?" tanong ulit sa akin ni Camilla. Umiling ako bilang sagot.
"Who told you then?" tanong naman ni Aira. Sa hindi ko pagsagot halos sabay silang napasuntok sa hangin.
"Anong pinaglalaban mo ate? You're just making your life complicated. Minsan ba ipinaramdam sayo ng Ferell na 'yon na sinira mo ang buhay niya? Minsan ba pinaramdam niya sayo na ginulo mo ang buhay niya? Minsan ba pinaramdam niya sayo ang paninisi sa lahat ng mga nangyayari?"
Wala akong mahanap na sagot sa tanong ni Camilla.
"Walang ibang ginawa ang tao kundi mahalin ka Florence.. unang kita ko pa lang kay Nero Florence..kitang kita ko sa mga mata niya na mahal na maha l ka niya. He wouldn't do anything kung hindi ka niya mahal. Tapos 'yan ang isusukli mo sa kanya? Iiwan mo lang siya? You're impossible" umiiling na sabi sa akin ni Aira
"Bakit hindi mo kami agad tinawag?" napapadyak pa si Camilla
"You can't understand me, kasi wala kayo sa posisyon ko" giit ko
"Sa ginagawa mo Florence, pinapatay mo ang sarili mo. You broke up with him, tapos mawawalan ka na ng ganang kumain, manlalambot ka na sa buhay mo at kapag nakahanap na siya ng iba magsisisi ka?" malakas na boses na sabi ni Camilla
"Kung magpapakamatay ka na lang rin naman Florence, mabuti pang lunurin na natin siya sa bathtub Camilla" tumayo na si Aira sa pagkakaupo niya
Hinawakan ni Camilla ang magkabila kong balikat
"What are you doing?" kinakabahan kong tanong sa kanila
Walang sabi sabi na itinubog nila ako sa tubig. What the hell?
Halos kapusin ako ng hininga nang hilahin nila ako paitaas.
"What the fuck is wrong with you two?! Are you planning to kill me?!" pinagbabasa ko silang dalawa.
Malakas silang tumawa sa akin.
"Welcome back Florence Almero! We missed you!" halos sabay silang tumubog sa bathtub at niyakap nila akong mahigpit.
"If you need to cry..we're always here but we preferred a laughing Florence, 'yong masayahing Florence na kasabay naming lumaki, 'yong Florence na mataray sa ibang tao at tanging sa aming dalawa lang ngumingiti"
Narinig ko ang bahagyang pagsinghot ni Camilla
"You're tough outside..but you're too fragile in here." bahagyang itinuro ni Aira ang dibdib ko
"But please..don't get tired asking your help on us. We're your friends or should I say sisters? We can't help you in physical way. Inaaamin ko, hindi ko kayang sumalo ng bala para sayo dahil takot rin akong mamamatay but through this way...pakikinig sayo..pagpapayo sa mga desisyon mo..ito lang ang kaya naming gawin para sayo. We can be a good fertilizer for your heart.. we can't protect you physically but atleast we can help you emotionally"
Mahabang sabi ni Aira na halos magpatalon sa puso ko. My friends are such a treasure.
"We're here to listen..to give advice and ofcourse we love you" kusa nang yumakap sa kanilang dalawa ang mga braso ko.
"Thank you... thank you...thank you.. bakit kayo ganyan?" natatawang naiiyak ako sa mga sinasabi nila. Narinig ko na rin silang umiiyak.
"Bakit ang dadrama natin?" natatawang sabi ni Aira.
"Oh well, someone is naked here" mabilis na silang tumayo at umahon sa bathtub.
"Bilisan mo dyan Florence" isinara na nila ang pintuan. Napangiti na lang ako. I'm so lucky to have both of them.
Nagtagal pa siguro ako ng ilang minuto bago ako lumabas ng banyo. Bihis na rin silang dalawa.
"Come here" pinaupo nila ako sa harap ng salamin. Sinimulan akong suklayan ni Aira.
"Talk to him and listen to this" itinuro niya ang dibdib ko sa parte kung nasaan ang puso ko. Tumango naman si Camilla.
"Kahit anumang desisyon mo susuportahan ka namin" sabi ni Camilla.
"You deserve to be happy Florence..lahat tayo. At sigurado akong 'yon din ang gustong mangyari ng Mommy at Daddy mo, maging si Tristan Ferell" isinumping ni Aira ang buhok ko.
Lahat kaming tatlo ay nakatingin sa repleksyon namin sa salamin.
"So give your chance to be happy" ngumiti silang sabay sa akin. Malaki ang pasasalamat ko dahil nakilala ko silang dalawa.
"Now, stand up and leave this room. Hihintayin ka namin" hinila na ako ni Aira.
"By the way, we have a gift" may inilagay sa aking kwintas si Camilla.
"Lucky Charm" sabay nilang sabi. White gold chain with a small jade stone as a pendant. Huminga muna ako ng malalim bago humakbang palabas ng kwarto.
"Salamat"
Tumango lang silang dalawa sa akin.
Ngayon mas naliwanagan na ako. Hindi ko man lang naisip ang nararamdaman ni Nero. He did his best to protect me, to love me. Pero ito ako at nagawa pa rin siyang iwan. How terrible am I?
Masyado akong padalos dalos at pinili ko pang saktan ang taong pinakamamahal ko. I need to do something..Pagbibigyan ko na ang sarili kong lumaya...Free to all these miseries..hindi ko na ito pababayaang kainin ang buong buhay ko dahil ito mismo ang unti unting papatay sa akin.
My friends are right, everybody has the right to be happy. Kahit ako.
Nagsimula na akong maglakad kung saan ang kubo namin. I hope he's still there, I hope he will still accept me.
Pero natigil ako sa paglalakad nang may napansin akong pamilyar na babaeng nakatalikod hindi kalayuan sa kubong tinuluyan namin ni Nero.
Pinagpatuloy ko ulit maglakad.
Agad napansin ng nakatalikod na Nally ang presensya ko. Bakas ang pagkagulat sa kanyang mga mata ng nakita niya ako. At nakailang iling siya sa akin.
Anong ibig sabihin niya sa mg ailing na 'yon? Ngunit pinagpatuloy ko pa rin ang paglalakad papalapit sa kanila.
Why are they here? Alam na kaya nila ang nangyari? I hope not.
Hindi rin nagtagal ay naagaw ko rin ang pansin ng babaeng kasama niya. At ngayong mas malapit na ako sa kanila. Mas nakikilala ko na ang babaeng nasa harapan ko.
Nero's mother. Walang nakuha sa kanya si Nero pero halos makahawig sila ni Nally. All her presence signifies a powerful authority. Para akong nakaharap ngayon sa isang makapangyarihang reyna. She's so beautiful.
'Go please' kita ko sa buka ng bibig ni Nally. Gusto ko mang tumakbo at umatras ay hindi na maaari. I have to face this. I have to.
"You must be Florence?" tanong ng mom ni Nero.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, mabilis umarko ang kilay niya sa akin. Sa talambuhay ko, ni minsan hindi ako nakaramdam ng panlilliit. Ngayong nakaharap ko na ang Mom ni Nero, mukhang mararanasan ko nang yumuko. Si Florence Almero ngayon ay nanliliit? Hindi ko akalaing darating ang araw na ito.
"Hindi na ako magtataka kung bakit nagkakandarapa sayo ang anak ko. You're an epitome of beauty mas maganda ka pa kay Alyanna"
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa papuri niya o ano? Pero sa bawat salitang binabanggit niya halos marinig ko na ang malakas na tibok ng puso ko. I'm nervous as hell. Sa paraan pa lang ng pagtitig niya sa akin, nanlalambot na ang mga tuhod ko.
"Pero didiretsohin na kita hija. I don't like you for my son, I don't like you for my family"
Dito ko na naitaas ang paningin ko sa kanya. Inaasahan ko na ang hindi pagtanggap sa akin ng pamilya ni Nero pero ang masabi pala talaga sayo ng harapan ay masakit na sampal sa pagkatao mo. Wala akong mahanap na salita. Ang tangi ko lang nagawa ay titigan ang mama ni Nero.
I never felt rejected before. Ang sakit rin pala, lalo na kung mula ito sa ina ng lalaking mahal mo.
"Ma!" rinig ko ang pagtutol ni Nally. Tumingin sa akin ang mga mata ni Nally'ng humihingi ng paumanhin.
"Masyado ng nahuhumaling ang anak ko sa maling babae"
Mas mabuti pang sinampal niya na lang ako.
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro