Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Mission 71

Mission 71


Napagpasyahan muna naming kumain ni Nero bago mamasyal sa buong resort. Halos hindi pa nga ako makapaniwala na nirentahan niya ang isang parte ng resort para lamang makapagsolo kami.Ang dami niyang alam.

Kaya naman pala wala na akong mga taong nakikita.


Kumain kami sa pinagmamalaking restaurant ng Montenegro Resort na ilang beses ng nafeature sa mga tv show. Marami rin ang kumakain ngayon at karamihan pa ay mga foreigners. Panay din ang kaway sa akin ni Patrick na kumakain sa di kalayuang table kasama ang ilang babaeng guest na hindi nalalayo sa edad niya. Alam na ang kalalagyan niyan, ilang taon pa. Haist.



"He likes you. Tsss" iritadong sabi ni Nero.



"Jealous?" umarko ang kilay ko sa selosong Shokoy.



"I can buy his resort, try me" Bakit naman umabot na sa bilihan na ng resort? Haist.Shokoy talaga.



"Bakit mo naman bibilhin? Kanina lang ipagigiba mo" ibang klase talaga ang pag iisip nitong si Nero Ferell.



"He's arrogant" maiksing sagot niya sa akin.



"Akala ko nagkausap na kayo kanina?" nakapagrenta pa nga siya sa isang parte ng resort. Paano na lang kami mamaya? Kinakabahan tuloy ako nito.



"He's like your cousin, he's not good in transactions" may pag ismid pa siya. Wala na atang makakasundo itong si Nero.

Nag uusap kami ngayon ni Nero habang hinihintay ang mga inorder naming pagkain. Talagang ginugutom na ako. Iniba ko na lang ang usapan namin. Baka lalong uminit ang ulo ng hari ng mga Shokoy.



"Can we try their zipline Nero?" tanong ko sa kanya. Baka naman kasi takot sa heights ang hari ng mga Shokoy.



"Sure" maiksing sagot niya sa akin. Bakit ganyan na naman ang sagot niya? Bakit hindi man lang niya pahabain man lang?



"Then, let's try wall climbing" tumango lang siya sa akin. Ngayon ko lang napansin ang lalim ng titig niya sa akin. Pakiramdam ko ay naconscious ako. Why I can't get to use to his stares? Gutom lang siguro 'yan.



"May dumi ba ako sa mukha Nero Ferell?" ngumuso lang siya sa tanong.



"You're just too beautiful" sagot niya sa akin habang hindi inaalis ang pagkakatitig niya sa akin.



"Bolero" napangisi ako sa kanya. Tsss. Mag uumpisa na naman po siya.



"What's the meaning of your tattoo? Hindi mo na ako nasagot kanina.You're too busy calling my name" natatawang sabi niya. Samantalang ako naman ay nagulat sa biglaang tanong niya. Shit!



"Nothing, I just like the design" pagsisinungaling ko sa kanya.



"How old is that tattoo?" tanong niya sa akin. Lalo akong kinakabahan sa itinatanong niya sa akin. Ano ba ang gusto niyang malaman?



"About 3 years? I got that tattoo when I was 15" sagot ko sa kanya.



"It's a dandelion and a whip right? Nally has tattoo on her right foot, it seems like you have the same design"



"Talaga?" pagmamaang maangan ko. Saan na ba mapupunta ang usapang ito?



"I'm not sure but I saw dandelion on her tattoo"



"Do you mind if I have one?" tanong ko sa kanya.



"Silly. I love every part of your skin, with or without tattoo. Don't worry Florence Almero" pakiramdam ko ay nag init ang pisngi ko sa sinabi niya. Tsss.

Dumating na ang mga inorder naming pagkain. At hindi ko alam kung papaano ko uumpisahan sa dami ng mga nakahain sa table.



"Eat a lot, you must be tired" ngising sabi niya sa akin. Inirapan ko na lang siya. Bakit sa bawat sinasabi niya ay lagi na lang niya isinisingit ang nabitin naming kung ano.

Natapos kami ng pagkain na panay ang pagngisi ngisi niya sa akin na parang naisahan na naman ako. Ano na naman kaya ang tumatakbo sa utak ng Shokoy na ito?



Kasalukuyan kaming isinasalang na sa zipline. This is it.



"Ayusin nyo ang pagkakabit niyan. Pag kami nahulog, pagbabayaran nyo ng malaki" pananakot niya sa mga nag aassist sa amin. Grabe naman itong si Nero, wala pa naman akong nababalitaan na may nahulog sa resort na ito.

Masyadong OA.


Magkatabi kaming nakaupo ni Nero. Pang couple daw talaga ang harness na gamit namin. Magkahawak kaming dalawa ng kamay. Sa totoo lang kinakabahan ako nang nakita ko kung gaano kataas ang dadaanan namin.

Kung pwede lang sana na umatras ay nakaatras na ako. Kaso andito na kami at ayos na ang lahat, pipikit na lang siguro ako.

Pakiramdam ko ang lalong paghigpit ng kamay ni Nero sa akin.



"Kinakabahan ako" sabi ko sa kanya.



"Just hold my hand, I won't let you go" seryosong sabi niya. Hindiko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Why I felt something on his words?



"Ready na po kayo Mam, Sir" bumilang sila ng tatlo bago nila kami itulak. Napasigaw na lang ako. Oh my god! Hindi na ako uulit.



"Open your eyes, it's a nice view" narinig kong sabi ni Nero. Dahan dahan kong ibinukas ang mga mata ko. Nakangiting Nero Ferell ang unang sumalubong sa aking mga mata.



"You're the most wonderful view for my eyes" marahan niyang hinawakan ang magkabila kong pisngi. At muli kong ipinikit ang aking mga mata nang muling naglapat ang aming mga labi.

Halos hindi ko na maramdaman kung nasaan kami. I can't even think how high we are. Magkalapat ang mga noo namin sa isa't isa habang nakahawak pa rin sa mga pisngi ko ang mga kamay niya.



"I love you Florence Almero" lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko sa sinabi niya.



"I love you" sagot ko sa kanya. And for the nth time our lips met.



"Ehemm" isang tikhim ang nagpatigil sa amin.



"Pwede na po ba naming tanggalin ang harness?" awkward na tanong sa amin ng mga crew sa zipline. Sabay na lamang kaming tumango ni Nero. Tsss, nakakahiya.



Pagkatapos namin sa zipline ni Nero naglakad lakad na lang kami hanggang sa may nadaanan kaming isang kubo na may magaling na nagtatattoo.



"I want my own tattoo" hinila na ako ni Nero sa kubo. Kung alam mo lang Nero Ferell ang ibig sabihin ng tattoo ko.



"Can I see you designs?" tanong niya sa artist na busy sa pakikipag usap sa ilang mga customer.

May mga nakasabit rin na mga designs ng tattoo na tinitingnan din ng ilan pang mga customers. Kahit ako ay namamangha sa pagiging unique ng mga designs na nakikita ko.



"Ito po sir, may mga bago po kaming designs" may inabot siyang isang clearbook kay Nero. Naupo kami ni Nero habang tinitingnan ang mga bago nilang designs.


Nawala ang pansin ko sa pagtingin sa mga designs nang may narinig akong ilang hagikgikan ng tatlong babae sa hindi kalayuan.

They're looking at Nero. Ikinawit ko ang braso ko kay Nero at itinaas ko ang kilay ko sa kanila. He's mine.


Nawala ang atensyon ni Nero sa hawak niya at napatingin siya sa akin. Bahagya niyang sinulyapan ang mga babaeng pinagtaasan ko ng kilay.



"Selosa" umiiling iling na sabi niya. Muli kong inirapan ang mga babaeng malalandi at saka nakisilip na rinsa binubuklat ni Nero.



"Is this all you have?" tanong niya sa artist. Mukhang wala pang nagugustuhan ang Shokoy.



"Pwede po kayong magrequest Sirsa gusto nyong deisgn" sagot sa kanya ng artist. Bahagyang nag isip si Nero.



"Pwede pong pangalan ng girlfriend nyo" suggestion ng artist sabay sulyap sa akin ng artist. Awkward lang akong ngumiti sa kanya.



"Do you like that?" tanong sa akin ni Nero.



"Ikaw ang bahala, ikaw naman ang magpapatattoo hindi ako" sagot ko sa kanya.



"I need your suggestions for this Florence, you'll see my skin for almost everyday. Atleast I need a pleasant tats for you" naningkit ang mga mata ko sa kanya. Hindi niya ba naririnig ang sinasabi niya?

Napasulyap ako kay Kuyang artist, nakangisi na si Kuya. Nakuha niya ang ibig sabihin ni Nero Ferell.Haist.



"Ang sakit mo sa ulo, Nero Ferell" ngumisi lang siya sa akin.



"So, your suggestion miss?" tanong niya sa akin.



"Just don't use my name. Parang jejemon 'yon" sabi ko sa kanya na agad namang tinawanan. He snapped his fingers. Mukhang may naisip na siya.



Lumapit siya sa artist na binigyan siya ng malinis na papel at lapis. Ibinibigay na siguro niya ang design ng tattoo niya.

I was about to look but he stopped me.



"It's a surprise Florence, lumabas ka muna"



"What? Ang arte mo naman. Patingin" pagpupumilit ko.



"You can't, just wait me outside. Madali lang ito right?" tanong niya sa artist na agad tumango.



"Tss, ano pa ba?" nagkunwari akong nagtatampo.



"Don't use that tactic, alam ko na 'yan" hmmp!



Naupo na lang ako habang hinihintay ang paglabas ni Nero. Ang dami namang alam ng Shokoy na 'yon. Nacurious tuloy ako sa ipapalagay niyang tattoo, hindi naman siguro pangalan ko ang ilalagay niya.

Pinanuod ko na lang ang mga batang nagsusurf sa maliliit na alon. Nakakatuwa silang panuorin, buti pa ang mga bata walang mga pinuproblema.

Buti pa sila may pagkakataon silang magsaya. Noong panahong bata pa ako wala na akong ibang ginawa kundi magalit sa mundo.

At malaki ang pasasalamat ko dahil may mga taong nagtiyaga at nagtiis sa ugaling meron ako noon.



Mga ilang minuto ko sigurong pinanuod ang mga batang naglalaro ng alon nang malipat ang pansin ko sa beach ball na gumulong malapit sa paa ko.



"Oppss, sorry" paumanhin sa akin nang babaeng nakaapple green na two piece. She has a nice body and fair skin and her voice is familiar.


Pinulot ko ang bola sa paanan ko at inabot ko sa kanya.



"Almero?" nagulat ako dahil kilala niya ako. Pamilyar ang mukha niya pero hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita.



"Have we met before?" nagtatakang tanong ko sa kanya.



"You're too beautiful, sa malayo man o ganito man kalapit. Hindi na ako magtataka kung bakit niya ako iniwan" nangunnot ang noo ko sa sinabi niya.



"What?" naguguluhang tanong ko sa kanya. Anong sinabi niya? Mapait siyang ngumiti sa akin.



"I can't even cook for him, ano bang laban ko sayo" bahagya siyang tumawa.



"Sorry..nagpapratice lang ako sa play namin next week, just say my hi to Owen. We're schoolmate anyway"


Saka siya mabilis naglakad papalayo sa akin.



Who is she?



--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro