Mission 64
Mission 64
Anong ibig sabihin ni Nero? It can't be. It can't be.
"Nero..nagbibiro ka lang diba? Nagbibiro ka lang? Nandyan naman si Dad.. nakaligtas rin siya diba?" halos manlumo ako nang mahinang umiling sa akin si Nero.
"Nero..please nagbibiro ka lang.." wala na siyang ginawa kundi punasan ang nag uunahang luha sa mga mata ko. Bakit hindi na ito matapos tapos?
"Sorry..your Dad helped me" hindi ako nakaimik sa sinabi niya. Help him?
"Your Dad sacrificed his life for me. Sorry Florence.." my Dad...
"I'm sorry Florence... I was about to let go..bibitawan ko na sana ang tali dahil hindi kami kakayanin ng Daddy mo pero pinigilan niya ako. Siya ang bumitaw...Sorry Florence.." lalong nagpatakan ang mga luha ko. Marinig ko lang ang salitang bumitaw, nanghihina ako. Hindi ko man lang nasabi kay Dad ang mga pasasalamat ko sa kanya. Hindi ko man lang nasabi sa kanya kung gaano ko siya kamahal.
Hindi ko man lang nasabi sa kanya na nagsisisi na ako sa lahat ng mga ginawa ko sa kanya. I'm damn pathetic, ngayong wala na saka ko pa naisip ang matagal ko ng dapat ginawa.
"Thanks to your cousins..they save me" my cousins? They're guarded in the lower deck. Papaanong? Marami pa akong gustong itanong at sabihin kay Nero nang marinig ko ang boses ng mga kaibigan ko.
"Florence!!" naramdaman ko na lang ang yakap ng mga kaibigan ko mula sa likuran ko. Aira and Camilla. I'm glad they're fine. Humarap ako sa kanila at sinalubong ang kanilang yakap.
"Si Daddy..." ito na lang ang tangi kong nasabi habang yapos yapos sila.
"What happened to Tito?" tanong sa akin ni Camilla.
Sumulyap silang dalawa sa taong nasa likuran ko. At mabilis nagbago ang ekspresyon ng mga mukha nila.
Seeing the look on their faces, they knew the answer.
"Oh, Florence..we're here" halos maiyak na sabi sa akin ni Aira. Sabay nila ulit akong niyakap. Napahagulhol na lang ako nang iyak. Wala na si Dad..wala na siya..
Nagtagumpay si Samuel. Kinuha niya sa akin ang mga magulang ko. Sinira niya ang pamilya ko. Napakasama niyang tao.
"Florence..." kumalas sa aking pagkakayakap ang dalawa kong kaibigan nang marinig nila ang boses ng isa sa mga pinsan ko.
And there, I saw my cousins standing behind my friends. Basang basa rin sila katulad ni Nero. Hindi na nagsalita pa si Kuya Nik at mabilis niya akong niyakap.
"I'm sorry... we're too late. We did try to help them...but Tito.." bulong sa akin ni Kuya Nik. Hindi na niya itinuloy ang dapat niyang sasabihin, maging ako ay ayaw kong marinig.
Nakita ko na lang na napasuntok sa pader si Gio.
"You cut your wrist!?!" halos mapatalon ako ng marahas hinila ni Gio ang kamay ko.
"What the hell?!" narinig ko rin ang pagmumura ni Nero. Umiiling na lang ang mga kaibigan ko maging si Kuya Nik.
"Do you expect me to continue my life..if you're gone Nero? Kayo ni Dad? Maitutuloy ko pa bang mabuhay kung ang dalawang taong mahalaga sa akin ay wala na dahil mismo sa akin?! Kitang kita ng dalawa kong mata! Inihulog kayo sa dagat! Wounded! They even fired number of guns! Sinong hindi panghihinaan ng loob? Sinong may gustong mabuhay pa?
Hindi lang 'yon! Halos lahat sila ay nakahandusay at walang malay sa harapan ko! Saan pa ako kukuha ng lakas?! Saan pa?!"
Napasapo na lang ako sa buo kong mukha at humagulhol na naman ako. Sobrang dami nang pangyayari ngayon at hindi ko akalain na buhay pa rin ako at nasa matinong pag iisip pa sa kabila ng nararanasan ko ngayon.
"Florence..." lumapit muli sa akin ang dalawa kong kaibigan at niyakap ako. Wala kahit isa kay Nero, Gio at Kuya Nik ang nagsasalita.
Tanging pag iyak ko na lang ang naririnig ko.
"Miss Florence, we need to leave this ship immediately" narinig ko na lang mula sa boses ng babaeng hindi pamilyar. Alam kong isa siya sa mga babaeng nakaitim na tumutulong sa amin.
"Who are you? Sa pagkakatanda ko matagal pa bago dumating ang tulong napakalayo pa nila dito" tanong ni Gio sa babaeng lumapit sa amin.
Bahagya lang siyang tinapunan ng tingin ng babae at bumalik na ulit ang atensyon niya sa akin. Wala siyang balak sumagot kay Gio.
"Don't ask her Gio, she won't answer. They're helping us, tama na 'yon" sagot sa kanya ni Kuya Nik. Alam kong may hinala na sa kanila si Kuya Nik, kahit ako ay nanghihinala na kung sino ang mga babaeng tumutulong sa amin.
"We don't have time, Miss Florence nakalipat na lahat ng mga tao sa barko namin. Kailangan nyo na ring lumipat" hearing her voice, I know she's nervous. Something is wrong I know, but I need to stay.
"Hindi ako aalis dito hangga't hindi pa nakikita si Dad" diretsong sabi ko. I can't leave my Dad.
"There's search and rescue operation for your Dad. Kailangan mo ng makalayo sa barkong ito Miss Florence, your safety is the most important here" madiing sabi niya. What does she mean? Hindi ba tapos na ang lahat?
"I won't leave" maiksing sagot ko.
"Miss, she's safe here. Wala ng nagbabanta sa buhay niya, leave her alone" sagot sa kanya ni Camilla
"We're here for her. So please stop bothering her" sagot din sa kanya ni Aira. Alam kong alam nila na pagod na pagod na ako para makipagtalo pa.
Tumayo na ako sa pagkakaupo ko at nagsimulang humakbang palayo sa kanila. I need to see the vast sea. I need to take a deep breath, kailangan ko lang huminga ng maluwag.
Pero agad din akong natigilan sa paghakbang nang nakuha nang nakuha ng babae ang atensyon ko. Mula sa kalmadong boses ay malakas na boses ang isinagot niya sa mga kaibigan ko.
"WE NEED DO GO! Within 30 mins! This ship will blow up! We found 7 bombs all over this ship! We need to evacuate!" napapikit na lang ako. Wala na ba itong katapusan?
"What the fuck?!" I heard Gio's voice.
"Bomba?!!" halos sabay na sigaw ni Camilla at Aira.
"Why you didn't tell us earlier?" agad akong itinayo ni Nero.
"I don't want you to panic but you pushed my limits. Kumilos na kayo dahil parepareho tayong magiging abo dito kung hindi pa kayo magmamadali" madiing sabi ng babae. Pakiramdam ko ay anumang oras ay matutumba na naman ako.
Mabilis nakalapit sa akin si Nero at inalalayan niya ako. Tahimik lang habang lumilipat sa barkong handa nila.
Dad chose this ship because he thought that this will be safer than the other place...I can't expect that this luxury ship will be a tragic ship. Bloods all over the place, ruined sight and bad memories.
Akala ko isang perfect birthday na ito pero masyado atang madamot ang tadhana sa akin. All he wanted is a tragic life for me. Who would expect that an 18 year old girl can experience a tragic near death situation twice?
Bakit lagi na lang ako pinaglalaruan ni kamatayan? Why he needs to involve other people around me? Bakit hindi na lang ako?
Nang makarating ako sa barko nila. Nakita ko lahat ang mga bisita ko sa hindi kaaya ayang sitwasyon. Kanina lang lahat sila ay nakangiti sa harapan ko pero ngayon halos hindi ko matagalan ang pagtitig sa kanila.
Nasa isang sulok si Sapphire at tulala. Nasa bandang kanan naman ang kambal na Cortez habang ginagamot sila.
"Florence, I will just check my twins" paalam sa akin ni Kuya Nik, tumango na lang ako sa kanya.
"Gonna check my friends" sabi naman sa akin ni Gio bago siya umalis. Tumango na rin ang dalawa kong kaibigan para magpaalam.
Napansin ko na may malay na sina Owen at Troy. Agad silang napatayong dalawa nang makita kami. They treated Troy's wound while I saw white creams on Owen's face. But looking at them right now, alam kong hinang hina pa rin silang dalawa.
Hinanap ng mata ko si Aldus, he's still knocked out. Agad akong lumapit sa kanya.
"How is he?" nag aalalang tanong ko. May benda siya sa ulo, I hope he's fine.
"He's fine, kailangan niya lang magpahinga" sagot sa akin ng isang babae
"You need to rest.." bulong sa akin ni Nero. Umiling na lang ako sa kanya.
"Ikaw ang kailangang magpahinga Nero.. tinamaan ka rin kanina"
"They treated me already" maiksing sagot niya
"What about Tristan? How is he?" iginala ko ang mata ko pero hindi ko siya makita kahit si Lina ay hindi ko rin makita.
"Isinakay na siya sa chopper kasama ni Lina at Nally, hindi lang siya nadaplisan" mahinang sagot ni Owen
Katahimikan lang ang bumalot sa aming lima.
"But don't worry, he can do it! Ferell siya. Matitibay yata kami" Troy did try to lighthen up the mood pero nanatili lang kaming tahimik.
"Wait..si Lolo?" bumaling ako kay Nero na nagulat sa tanong ko.
"Don't worry magkasama sila ni LG" sagot naman sa akin ni Owen
Nagulat na lang kami nang malakas na gumalaw ang barko na halos ikatumba naming lahat.
At hindi rin nagtagal ay nakarinig kami ng sunod sunod na pagsabog.
Napatakbo ako sa labas para makita ang nangyaring pagsabog.
Kahit nasa malayo na kami, kitang kita ko pa rin ang malaking apoy na lumalamon sa barkong naglalaman ng masasamang alaala.
Sa simula pa lamang, wala ng plano si Samuel na buhayin ang mga taong sakay ng barkong 'yon. Hindi totoong ako lang ang papatayin niya.
His true intention is to kill all the people on that ship. Wala siyang gustong buhayin.
"Dad..." nausal ko na lang habang pinagmamasdan ang barkong nagsisimula nang lumubog.
Hindi ko akalain na kukunin ka na agad sa akin nang ganoong kabilis, masaya tayong nagsasayaw kanina. Why did you let go?
"Florence!!" narinig ko ang boses ni Camilla'ng nagmamadali.
"Phone call..."
Pakiramdam ko ay bigla na lang akong kinabahan. Inabot ko sa nangangatal kong kamay ang telepono
"Who's that?" nagtatakang tanong ni Nero
"Ye..s?" bungad ko sa telepono.
Pero isa lang ang naririnig ko. Boses ng babaeng umiiyak.
"Who's thi..s?" kinakabahang tanong ko
"Florence...He's gone.." pakiramdam ko ay kakapusin ako ng hininga. Tama na. Ayoko na please.
"Florence..." halos hindi ko makilala ang nagsasalita dahil tanging iyak niya lang ang naririnig ko.
"He's gone.... Tristan is gone...ini..wan niya na tayo"
Kasabay ng tuluyang paglubog ng nag aapoy na barko ay ang unti unting panlalambot ng mga tuhod.
Napasapo na lang ako sa dibdib ko, naninikip na naman ang dibdib ko. Hindi na ako makahinga ng maayos.
"Florence?...sinong nasa telepono?!" kinuha ni Nero ang hawak kong telepono. At galit niya itong sinagot.
"Sino to?! Nally?" kitang kita ko kung papaano siya natigilan.
"Nero!!" I heard Owen and Troy's voice.
"Si Tristan..." 'yon na lang ang nasabi ni Troy bago niya nasuntok ng paulit ulit ang pinakamalapit na dingding.
Bahagyang napasandal si Owen na parang anumang oras ay matutumba siya.
Habang si Nero naman ay tulalang pinagmamasdan ang telepono'ng hawak niya.
"This is a damn joke!" ubod nang lakas niyang ibinato ang telepono
"I'm sorry... it's because of me"
All I did is to look down on the floor. I can't stand the fact that I might see their eyes full of hatred towards me.
I can bear the hatred of other people but not from them, not from these Ferell.
-
-----
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro