
Mission 62
Mission 62
Is this for real? Hindi ba pwedeng masamang panaginip na lang ang lahat ng ito? Hindi ba pwedeng simpleng debutant na lang ako na may masayang celebration?
Simpleng debutant na walang komplikadong pangyayaring ganito? Ano bang ginawa kong kasalanan para maranasan ang lahat ng ito? Bakit lagi na lang ako? Why in my young age I'm experiencing like this? Hindi ba pwedeng ibang tao na lang? Hindi ba pwedeng wag naman ako?Tama na, ayoko na. Ilang taon na akong nahirapan sa isang bangungot na kumuha sa buhay ng aking ina, bakit kailangan ko na namang maharap sa ganitong sitwasyon? Why me? Why me? I don't get it. Bakit lagi na lang ako?
Nanlalabo na ang paningin ko, all I can feel right now is the tears flowing from my eyes.
"Wala ka bang gustong sabihin Lorenzo?" tanong niya kay Dad. Hindi ko alam kung anong mapapala ni Samuel sa ginagawa niya ngayon. Sasaya ba siya sa pagkitil ng buhay?
He's sick.
"Nagmamakaawa ako sayo Samuel, wag ang mga anak ko. Ako na lang" pakining ko ang bahagyang pagpiyok ng boses ni Dad. I know he's crying, this is the first time I heard his voice like that.
"Anak.." hearing my Grandad's voice, I know he's about to cry too. Bakit ganito ang pamilya namin? Bakit may tiyuhin akong ganito? Bakit wala man lang silang sinabi sa aking ganito. Bakit pinabayaan ni Dad at Lolo na magtanim ng ganitong galit ang kapatid at anak niya?
Am I not allowed to know what is really happening to our family? Ganun na ba talaga ako kawalang kwentang anak? Even in serious family matter, wala akong alam?
Akala ko nag iisa lang anak si Dad. Who is this Samuel?
Bakit kung sino pang pamilya, sila pa ang nagpapatayan? Akala ko sa mga palabas lang sa telenovela nangyayari ang ganito? Nangyayari din pala sa totoong buhay, sa katunayan heto ako at nakaharap sa nguso ng baril. This is my second death and life situation, how lucky am I?
Pakinig ko rin ang paghikbi ni Sapphire sa tabi ko. For what she did, I'm a hypocrite if I'll tell that I already forgave her. Hindi dahil nalaman kong kapatid ko siya ay mapapatawad ko siya agad agad. She's part of this damn whole thing. Kung alam niyang ang kinikilala niyang ama ay gagawa ng katangahang ito, siya bilang anak ay dapat gumawa ng paraan para pigilan ang lahat ng pangyayaring ito. Anong ginawa niya?
She made our own family graveyard. How ironic.
"Natutuwa ako sa mga sinasabi nyo" malademonyong ngumisi sa amin si Samuel. I can now say that I met Satan. He's a moving flesh in front of me.
Mas lalong lumapit sa akin ang nguso ng baril. Napapikit na lang ako. Alam ko anumang oras maaari kong lisanin ang mundong ibabaw. And I really can't accept it. I'm not yet ready to leave.
Bahagya kong sinulyapan si Nero. He's still bleeding unconscious, I know he can survive. I know he will. Gusto ko sana ako ang una niyang makikita pag nagkamalay siya pero mukhang malabong mangyari 'yon. Bilang na ang oras ko.
Looking at Samuel right now, he's determined to kill me.
"Dad..." I heard Sapphire.
"Itikom mo ang bibig mo! Wala kang kwenta!" sinampal niya ng malakas si Sapphire na halos mapabalya siya. Kita ko pa kung papaano dumugo ang labi niya sa lakas ng sampal ni Samuel.
Pakinig ko ang pagsigaw ni Dad at Lolo. Iniwas ko na lang ang paningin ko sa kanya. Naaawa na ako. Naaawa ako sa kanya, paano niya natiis mamuhay kasama ang hayop na lalaking yan?
Naaawa ako sa kapatid ko. Again another batch of tears flows all over my face. Naaawa na ako sa sitwasyon naming lahat.
"Gago ka! Tang ina mo!" kita ko kung papaano mamiglas si Aldus sa tatlong lalaking nagbabantay sa kanya.
"Patahimikin nyo na rin ang isang yan" sa pagkakasabing 'yon ni Samuel isang malaking uri ng baril ang inihampas sa ulo ni Aldus na naging dahilan para mawalan siya ng malay.
"Aldus!" napasigaw na lang ako.
"Tama lang yan. Dahil mga pakialamero kayong mga Ferell, kung hindi sana kayo nakisali simula't sapol hindi kayo madadamay dito"
Anong ibig sabihin ni Samuel? Simula't sapol?
Dalawa na sa mga Ferell ang walang malay, si Nero at Aldus. Samantalang si Troy ay bahagya na rin makagalaw dahil sa tama sa tagiliran niya, kinakabahan na rin ako sa hitsura ni Owen ngayon. I know any moment he will burst out. Please, control yourself Owen ayoko ng may madagdagan pa.
Habang ang magkapatid na Jare at Raje ay kapwa na ring nagtitimpi. Pilit kong hinuhuli ang mga mata nila para iparating na wag silang gagawa ng kung anong kilos na maaaring ikapahamak nila. Pero sinasadya nilang iwasan ang aking mga mata.
I know they're good combination when hard situation strikes but not this one. I hope they won't make an action that will cause their lives. Tama na, masyado nang madaming nadadamay.
"Dad tama na po" mahinang sabi ni Sapphire. Hindi pa ba siya nadadala? Halos kumirot ang dibdib ko sa lakas ng pagkakasampal niya kay Sapphire.
"Fuck you Samuel!" pinilit kong tumayo at pinaghahampas ko siya. This is too much! She's my sister afterall. Akala ko hindi ako makakaramdam sa kanya ng kahit ano but I can't stand hearing nor seeing her hurt.
Pero ano ba ang laban ko sa lalaking may halang na kaluluwa? Sa huli isang malakas na sampal lang ang natanggap ko sa kanya na halos ikatumba ko.
"Florence!" hindi ko na marinig kung sino sino ang tumawag sa pangalan ko. Pakiramdam ko ay namamanhid na ang pisngi ko. Hindi ko na mabilang ang sampal na natanggap ko sa gabing ito.
Parehas na kaming nakalugmok ni Sapphire sa sahig. I heard her crying, gusto ko na ring umiyak ng sobrang lakas pero mas ginusto ko na lang lumuhang tahimik.
Because if I cried too much, this might trigger to these men around me to do unnecessary thing that might endangered their life. Ayokong mangyari 'yon.
Bigla na lang hinila ni Samuel ang buhok naming ni Sapphire. Napadaing ako sa sakit, maging si Sapphire ay ganun din.
"Fuck!" nagulat na lang ako ng mabilis naagaw ni Owen ang baril ng lalaking nakabantay sa kanya. Nakasakal ang mga braso niya sa leeg ng lalaki habang nakatutok sa sentido nito ang baril na hawak niya.
That's dangerous Owen.
Napailing na lang ako sa ginawa niya, you can't do that. Pero pinili niyang iwasan ang mga mata ko. It's a damn suicide Owen.
"Pakawalan mo sila kung ayaw mong pasabugin ko ang bungo nitong kasama mo" kita ko ang pagtatangis ng bagang niya.
"Oh..come on, bitawan mo sila. Hindi siya marunong magbiro" bahagya pang ngumiwi si Troy dahil sa biglaang pagkirot ng tama niya.
Sinundan pa ito ng pagsuntok sa kanya ng mga lalaking nagbabantay sa kanya. Tama na Ferell. Tama na, hindi ko na gusto ang ginagawa niyo para sa akin. Hindi na tama.
"Wag nyo kong takutin!" malakas na sigaw ni Samuel. Napapikit na lang ako ng may tatlong putok na sabay sabay.
Bumagsak ang lalaking hawak ni Owen dahil binaril ito ng mga kasamahan niya. Kita ko ang pagkagulat ni Owen at pagkawala ng kulay sa kanyang mukha. Alam na ni Owen ang sunod na mangyayari sa kanya.
I saw him smiled at me. No no. Papatayin na siya ni Samuel.
"No!" mabilis kong inilabas ang maliit na kutsilyong inabot sa akin ni Sapphire kanina.
Hindi na ako nag isip pa ng dapat gawin, mabilis kong pinutol ang buhok kong hawak ni Samuel. I don't care about my hair anymore, Owen's life is more important.
Tumakbo ako sa lugar kung saan walang taong ibang matatamaan.
"SHOOT ME! Leave them alone! Ako lang naman ang papatayin mo! Kill me in front of their eyes! Tama na. Ako na lang" napausal ako ng pasasalamat ng nawala ang atensyon ni Samuel at nang mga tauhan niya kay Owen.
I'm on time at all.
Napansin ko ang pagkatigil ni Samuel habang tinititigan ang putol kong buhok na hawak niya.
"WA...DA" halos hindi ko marinig ang boses niya. All I did is to smile at him, I save him on time.
"Bigyan nyo lang ng leksyon ang isang yan" sa sinabing 'yon ni Samuel, nagsimula na silang bugbugin si Owen. Mabilis ko na lang iniwas ang tingin ko. Ang mahalaga hindi siya papatayin.
"You're a brave girl, alam mo ba 'yon? Nagsisimula na siyang lumapit sa akin.
Kita ko ang pag iling sa akin ni Sapphire. Naririnig ko rin ang paulit ulit na pagmamakaawa ni Dad at Lolo. Nakita ko rin na nanlalaban na rin magkapatid na Jare at Aristotle.
Nagpipilit makalapit sa amin si Owen, habang si Troy at ganun din.
Sinulyapan ko si Nero, he's too pale. Madami na ang nawawala sa kanyang dugo. Napakagat labi na lang ako, I want to kiss him atleast before I go. Nagsisimula na ulit akong lumuha.
"Any last words dear niece?" umiling na lang ako. Ayoko ng magsalita pa.
Nagsimula na akong pumikit. I heard their voices screaming my name. Yes..mahal na mahal ko kayong lahat.
Lumanghap ako ng hanging pang gabi. Mukhang ito na ang huling beses na liliparin ng malamig na hangin ang buhok ko. Mukhang ito na rin ang huling beses na masasaksihan ko ang liwanag ng buwan.
"Hmmm. Parang nagbago ang isip ko" napamulat ako sa sinabi niya. Natauhan na ba siya sa ginagawa niya?
"Itapon nyo na lang sa dagat si Lorenzo at 'yong isang Ferell na walang malay" by that napaluhod na lang ako habang nakikitang walang habas nilang hinihila ang walang malay na si Nero at kalikarin ang ama kong nanghihina.
Can I just die now?
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro