Mission 59
Mission 59
Bumalik na kami sa mga bisita pagkatapos akong pagtulungan ng dalawa kong kaibigan. Alam ko namang may ganitong mangyayari sa aming tatlo, hindi ko lang inaasahan na sa mismong birthday ko matatanggap ang sampal sa kanila. Friends.
"Florence, tumingin ka dito" sabi sa akin ni Aira. Ngumiti naman ako nang may tumapat na camera sa akin.
Ngayon ay kumakain na ang mga bisita. Habang ako naman ay pumunta sa iba't ibang table para sa picture taking. Sa katunayan ay sapilitan pa ang pagpunta ko sa bawat table, dahil ayaw kong abalahin ang mga bisitang kumain. Masyado lang talagang makukulit ang mga anghel kong kaibigan.
"May tanong ako, bakit 18 roses lang? Asan ang iba?" nagtatakang tanong ko kay Camilla at Aira na nag organized daw ng birthday ko.
"Kilala ka namin, ayaw mo ng mga cheesy lines na pwedeng lumabas sa 18 candles at kung ano ano pang maarteng wishes for you baka mabored ka lang" inirapan pa ako ni Camilla sa sagot niya. Kilalang kilala talaga nila ako, buti na nga lang at wala silang ginawang ibang kacornihan. Well except this costumes, buti pumayag ang mga kamag anak ko sa concept na ginawa ng dalawang ito.
"Tama siya, mas ok na ang roses. Atleast nag effort silang lahat sayo, maaga ko silang sinabihan ng dapat nilang gawin kaya kung nagkataon na sumamblay sila ipapakain ko talaga sila sa mga pating" nagsitawanan kaming tatlo sa sinabi ni Aira
"Bakit sa cruise ship pa? Pwede naman sa hotel or somewhere, hindi ba delikado dito? Ang lalaki na ng alon realtalk"
"Dapat talaga sa hotel ang event, ang Tito Lorenzo lang ang nag insist na dito na lang daw. Hindi na kami nakipagtalo ni Camilla" sagot sa akin ni Aira. Hindi na ako nagtanong ulit.
Nasa pangatlong table kami kung nasaan si Raje at Jare. Sa katunayan ay tuloy lang sa pagkain si Jare at hindi man lang natigil.
"Excuse Mr. Civilian, magpipicture lang" si Aira kasi ang may hawak ng camera ngayon. Nakita ko ang pag ismid ni Jare, kahit kaylan hindi ko talaga gusto ang ugali nitong kapatid ni Raje. I can't help but to roll my eyes.
"Stop rolling your eyes Florence, ngumiti ka" sita sa akin ni Camilla. Great! Nagflash ng dalawang sunod sunod ang camera.
"Thanks. Enjoy the food" ngumiti sa akin si Raje. Hindi ko na tinapunan ng tingin si Jare, I don't like him for my friend.
Nang nakalayo na kami, agad akong nagsalita.
"Sinasabi ko sayo Aira, wag si Jare. Masama ang ugali ng lalaking 'yon" itinaas lang niya ang kilay niya sa akin. Ok, mukhang wala na naman akong magagawa.
"Camilla ikaw muna ang magpicture" agad inabot sa kanya ni Aira ang camera.
"Wait, where are you going?" nagtatakang tanong ko.
"I'm an Angel friend, I need to help a certain civilian baka maisalba ko pa" napanganga na lang ako nang nagdiretso siya sa table nina Jare. Agad niyang hinila palayo si Jare with his annoyed face.
"Seryoso ba talaga siya sa Jare na 'yon?" tanong ko kay Camilla
"Actually, they're engaged friend" tamad na sagot sa akin ni Camilla. Mas lalo akong napanganga, akala ko ako lang ang may boyfriend dito? Engaged na nga si Aira!
"What? But how?" naguguluhan ako
"Long story" ngising sagot niya sa akin.
"Kanino ko nga narinig ang sagot na yan?" Tsss
"Wag mo nang iniistress ang sarili mo, today is your 18th birthday"
Tumigil kami sa table ng mga Aylip girls.
"Happy Birthday Florence" bati sa akin ni Antonia at August
Awkward naman akong ngumiti sa kanila, nakailang flash din ng camera bago ako nagpaalam sa kanila. Kung maaari lang umiiwas muna ako sa sakit sa ulo ngayon gabi, kahit ngayon lang muna. Saka ko na lang ulit poproblemahin ang Aylip nay an pagkatapos ng gabing ito.
"Enjoy the foods ladies" tumango na lang sila sa akin.
Palipat na sana kami sa ibang table nang biglang nagsalita si Antonia.
"We need to talk Florence" lumingon ako pabalik sa kanya. Can't she wait for some other time?
"Right now?" bakit ngayong birthday ko pa?
"No, some other time" sagot naman ni August. Napabuntong hininga ako, akala ko ngayon paniguradong masisira ang mood ko.
Tumango na lang bilang paalam sa kanila.
Nang makalipat na kami sa ibang table agad akong tinanong ni Camilla.
"That's quite weird, who are they?" nagtatakang tanong niya sa akin
"Friends?" hindi ko alam kung friends nga ba. Hindi ko naman pwedeng sabihin na fellow Aylip, hindi naman alam ni Camilla na miyembro ako ng kumplikadong organisasyong katulad ng Aylip.
"Bakit parang alangan ka pa niyan?" ngiwing tanong niya sa akin
"Oh, just leave it" sagot ko sa kanya.
Papunta na kami sa table ng mga kaibigan ni Gio nang pigilan ako ni Camilla. Ano na naman?
"Florence, tawag ka ata ni Tito Lorenzo" nang tingnan ko ang gawi ni Dad, sumisenyas nga siya para lumapit ako.
Agad naman akong lumapit sa kanya.
"Yes Dad?"
Nasa table niya rin si Kuya Nik, 'yong kambal, si Lolo at si Gio.
"I want to talk to your 18th dance. Hindi mo ba siya ipapakilala sa akin?" nagulat ako sa biglaang tanong ni Dad. I have this hint na kilala na niya si Nero pero pinili ko na lang ipagkibit balikat.
"Wait here Dad" mabilis akong nagpunta sa table ng mga Ferell na nagtatawanan.
"Nero, kakausapin ka daw ni Dad" lahat sila nagsitinginan sa akin
"Bibitayin ka na Nero" asar sa kanya ni Troy. Nasitawanan ang kapwa niya Shokoy.
"Shut up" tumayo na si Nero at hinawakan ang kamay ko. I know he's tense and I never seen him like this.
Is this the first time na makakausap niya si Dad? I doubt that. Alam kong nakausap na niya si Dad.
"Kinakabahan ka ba?" natatawang tanong ko sa kanya
"No" maiksing sagot niya, mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
"Galingan mo Nero, itaas mo ang bandera nating mga Ferell" isa pa itong si Owen. Sige asarin nyo pa ang Hari ng mga Shokoy, hindi na ako magtataka kung mamaya makakasuntok na lang si Nero sa kapwa niya Shokoy.
"LG.." simpleng sabi ni Nero
"You can do it apo, you're my grandson" bakit pakiramdam ko ay kinilabutan ako sa sinabi ni LG. Sabay sabay lang ngumisi ang mga Shokoy.
"Let's go" tumalikod na kami sa kanila ni Nero
Nang makarating kami sa table, sinabi ni Dad na sila lang ang mag uusap. Ibig sabihin, hindi ako kasama sila lang ni Nero.
"But Dad..." pagprotesta ko
"It's okay Florence" by that naglakad na silang dalawa ni Nero sa may dulong part ng deck. Sa totoo lang kinakabahan ako sa pinag uusapan nila.
Hindi ko maiwasang hindi mag alala, baka mapagaya si Nero kay Raje. Inamin kasi sa akin ni Raje kung bakit hindi rin niya itinuloy ang panliligaw sa akin. Sinabi niya na pinagbawalan siya ni Dad dahil masyado pa akong bata.
I'm 18, siguro naman hindi magkokontrabida si Dad sa lovestory namin.
"Wag ka ngang parang engot dyan Florence" sita sa akin ni Gio
"Bakit ba?!" iritadong sagot ko kay Gio
"Kinakausap lang siya ng Daddy mo, kumain ka na lang apo. Hindi ka pa nakain" nakaupo na kasi ako sa table nila. Muli kong sinulyapan sina Daddy at Nero, sana naman ayos ang usapan nilang dalawa.
"Here" may inabot sa akin ni Gio
"What's this?" tiningnan niya ako na parang ang 'engot engot mo talaga'
"Oo na, alam ko na. Regalo ito" ako na ang sumagot. Umismid lang siya sa akin. Black box na may red ribbon ang binigay niya sa akin.
"Buksan ko na kaya?" natutuwang sabi ko
"Don't!" inagaw niya sa akin ang regalo niya. Ano naman kayang inaarte ng isang ito?
"What's your problem?" inagaw ko ulit sa kanya at mabilis ko itong binuksan.
Nang buksan ko isang miniature Chevrolet Camaro. Wow, this is cute.
"I love it Gio"
"Tingnan mo pa 'yong box, nandyan ang susi" natigilan ako sa sinabi niya. Ano daw? Tama ba ang rinig ko?
"Keys?"
"Yes, tama ang rinig mo. Hindi ko na ibinalot ang tunay niyan nasa bahay nyo na" simpleng sagot niya
"OMG! Gio" hindi ko na napigilang hindi tumayo at yumakap sa kanya
"Wag kang masyadong matuwa Princess, hindi naman talaga galing dyan ang kotse mo kay Tito at Tita 'yon syempre. Wala pa yang pambili" oo nga naman. Kumalas ako ng yakap kay Gio, naloko ako dun ah.
"Hindi pa naman kasi ako tapos, tumalon ka na agad. Ang mga stuffed toys sa loob ng kotse mo, 'yon ang regalo ko sayo" bored na sabi niya
"Still thanks" pinisil ko ang ilong niya. Agad naman niyang tinabig ang kamay ko.
Tumayo na siya at pumunta sa table ng mga kaibigan niya. Pikon.
Nakangisi ako ngayon kay Kuya Nik at Lolo.
"Wag mo akong ngisian ng ganyan Florence, hindi ko kayang magbigay ng house and lot ngayon. Naggagatas pa ako" halos sabay kamang natawa ni Lolo sa sinabi ni Kuya Nik.
Walang pakialam ang kambal dahil busy sila ngayon sa pagkain.
"Here" may inabot siya sa akin na maliit na black box with matching ribbon din.
At pagbukas ko, nagningning ang mga mata ko sa ganda ng pares ng hikaw na nakikita ko.
"I know you don't like jewelleries but Princess.." hindi ko na siya pinatuloy magsalita.
"I will love it. Lalo na kung galing sayo Kuya. Thanks." Ngumiti ako sa kanya
"I know you will say it" sagot sa akin ni Kuya.
"What about you Lolo?" tanong ko sa kanya
"I will give it to you later" napansin ko na nakatingin siya sa likuran ko.
And I saw Dad and Nero walking towards to our table.
"So?" tanong ko sa dalawang lalaking napakaimportante sa akin
"Can I borrow her for a while?" tanong ni Nero kay Lolo at Kuya Nik
"Ofcourse Hijo" sagot naman ni Lolo, tumango rin si Dad at Kuya Nik.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta ni Nero. Tahimik lang siya at hindi nagsasalita, matagal na rin kasi kaming hindi nag uusap ni Nero.
Though alam ko na kung bakit ganun na lang ang behavior nilang magpipinsan, matagal na pala nilang pinagpaplanuhan ang birthday ko na ito.
Wala man lang akong kaalam alam, all I did is to hate them. Hindi ko alam na ginagawa pala nila ang lahat ng mga kalokohang 'yon para din lang sa akin.
Bakit ngayon ko lang nakikita 'yon?
Nang napansin ko, nasa pinakadulo na kaming parte ni Nero. Lugar kung saan wala na talaga akong makitang tao kundi siya.
Nagulat na lang ako ng bigla niya akong niyakap.
"I missed you" I felt him caressing my hair.
"I missed you" ulit niya
"I missed you" pangatlong sabi niya
"Nero.." miss na miss na rin kita!
"Nagalit ka ba sa akin? That kiss and run" he cupped my face and he's looking at me straight.
Nagflashback sa akin ang nangyari sa restaurant, hinalikan niya ako at iniwan nang gabing 'yon. Nagalit at umiyak talaga ako nang gabing 'yon.
"Ofcourse! Who woul---" by that my lips went silent.
He's kissing me more passionate, different from our kiss a while ago. I kissed him back, how I missed you Nero.
Habol ko ang hininga ko nang pakawalan niya ako.
"I won't leave you again" and as expected I felt again his possessive lips capturing mine.
---
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro