Mission 49
Mission 49
Kaysa magmukmok sa bahay ni Kuya Nik mas pinili ko na lang rin na pumasok dahil marami pa rin naman akong dapat gawin sa school festival namin.
I can't leave Lina selling candies alone, dapat nga naman may kasama ang dentist na toothfairy. Nasa stall kami ngayon at wala man lang nagkakamaling bumili sa amin. Ang saklap naman, samantalang ang stall na katapat namin ay dinudumog pa rin.
How I hate hotdog on stick.
"Florence, ngumiti ka naman. Wala nang nabili sa atin dahil dyan sa hitsura mo" ramdam ko ang pag irap sa akin ni Lina kahit hindi ako nakatingin sa kanya. Pasalamat siya dahil wala ako sa mood makipag irapan sa kanya.
"Why? Do I look terrible Lina? Am I that ugly already?" walang buhay na tanong ko sa kanya. Sobrang panget ko na ba?
"Malapit na" simpleng sagot niya. Napangiwi naman ako, malapit na daw.
"Bakit nalipat ang stall nila sa harapan natin?" wala na namang buhay na tanong ko. Kung maaari ay ayaw ko nang makakita ng Ferell. Bakit tumapat pa sila sa stall namin? Nananadya ba ang mga Shokoy na yan?
"Hindi ko alam" sagot sa akin ni Lina. Wala namang kwentang kausap ang babaeng ito. Kayamot. Dahil kaharap namin sila sa ayaw at sa gusto ko ay makikita ko ang mga Ferell.
Ang duty ngayon ay sina Tristan at Troy. Sa pagkakatanda ko ang magkasama ay si Nero at Troy. Nasaan na ang hari ng mga Shokoy? Damn.
The hell I care? Panay ang kindat ni Tristan kay Lina. Samantalang ako ay napapaismid na lang.
"Alam mo Florence, konting tampuhan lang ang sa inyo ni Nero. Part yan ng relationship. Bakit hindi mo pakinggan ang explanation ni Nero?" biglaang sabi sa akin ni Lina. Bakit nagbukas na naman siya ng usapang Shokoy?
"Why would I? Kitang kita na ng dalwa kong mata. He's with that woman and she's staying in their mansion! And love? She called Nero Love! At mukhang hinahatid sundo pa siya ni Nero. How sweet of him" kung pwede lang paulanan ng apoy ang stall ng mga Shokoy na yan kanina ko pang nagawa. Surot sa mata.
"But still! You didn't listen. What if relative naman pala or long lost sister? Or twin niya? O kaya nagpapanggap lang para magselos ka? Or maybe cousin? O kaya kasosyo lang sa business gaya ng mga usual conflict pag may biglang susulpot na babae. Ano ka ba naman Florence? Learn to listen. Sabi ni Tristan hindi na daw lumabas sa kwarto niya si Nero simula ng nag usap kayo" mahabang sagot sa akin ni Lina na hindi man lang ako nakumbinsi.
"May sinabi ang babaeng 'yon bago siya umalis. 'Girlfriend pa lang naman. Naaagaw'" napa O si Lina sa sinabi ko. Sige baka may masabi ka pa. Mukhang kinakampihan nito ang mga Shokoy ahh, sino bang kaibigan niya?
"Kaagaw nga yan" mabilis na sagot niya sa akin. Right!
"Sa kanya na" maiksing sagot ko.
"Sigurado ka?" malisyosang tanong sa akin ni Lina. Bago pa ako may masabing mali, hindi ko na lang sinagot ang tanong niya. Hindi ko narinig.
"Hi! Pabili naman ng chocolates mo Ms. Toothfairy" nagulat na lang ako sa pagkakatulala ko. Agad kong inabot ng walang buhay sa lalaking bumibili ang chocolate na itinuro niya. Ibinigay ko ang bayad kay Lina para siya naman ang magsukli. Ano siya boss?
"You looked different Florence" nag angat ako ng tingin. And I saw one of the handsome face I ever met. Bakit ngayon ko lang siya nakita ulit?
"Can I borrow the toothfairy for a while?" tanong ni Raje kay Lina.
"Oh, okay" nag aalinlangang sagot ni Lina.
"Masakit lang ang ngipin ko. I need to talk to her" sabay kindat niya sa akin. Tumango na lang ako kay Lina bilang pagpapaalam. Afterall matagal na rin kaming hindi nag uusap ni Raje.
Nang nalalakad na kami palayo ni Raje.
"Buti wala si Nero!" narinig ko ang malakas na boses ni Troy. I looked to their stall but he's busy with his customer. Para sa akin ba 'yon? Bago pa man ako mag alis ng tingin sa stall nila nakita ko ang pasimpleng pagsulyap ni Tristan sa gawi namin ni Raje.
Ini istalk ba ang ng mga Shokoy na yan?
"So you still have your bodyguards huh?" nakataas ang kilay na tanong ni Raje sa akin.
"Wala akong bodyguards Raje" matabang kong sagot sa kanya. Naglakad na lang ulit kami.
"Oh Florence, you don't know anything" mahinang sabi ni Raje. Pinili ko na lang hindi sumagot. Nagpunta kami ni Raje sa music room.
"Why are we here?" nagtatakang tanong ko.
"We need to talk and ofcourse we need silence Lauren" bahagya siyang ngumiti sa akin. Naupo siya sa may harapan ng piano at nagsimulang laruin ang mga keys nito.
"You know Florence..you're my first love" nagulat ako sa bigla niyang sinabi. Walang pasakalye.
"Raje.." kung maaari ay ayaw ko nang usapang puso. I'm too tired.
"Just listen, Lauren please" he slightly moves a little to his chair, to give some space for me. Naupo na rin ako. Just like the old days, we used to play piano together.
"Minahal kita Florence, maybe the first time I met you. That's when I saw you on that swing during your Dad's birthday. Do you still remember it?" tumango ako sa kanya.
"Hindi mo ba nahahalata na lagi akong nasa bahay nyo? I'm always there at your house just to see you" talaga? Parang hindi naman.
"Really? Akala ko si Dad lang ang gusto mong makita. You were so rude during those days and a snob one. How come you're in love with me? You didn't even bother to look at me" bahagya siyang tumawa sa sagot ko.
If only he did tell me these words earlier maybe we'll be a happy couple but it's too late.
"Then, how would I treat this witch like attitude Lauren? You were so warfreak that time. Lahat na lang inaway mo kahit ikaw na ang mali ayaw mong patalo, do you expect me to take your side even if you're the wrong one? You little spoiled brat" pinisil niya ang ilong ko.
"I'm not spoiled Raje" nakangusong sagot ko sa kanya.
"U-huh?" ngising aso niyang sagot sa akin.
"Nang aasar ka?" tanong ko sa kanya. Ngumisi lang siya sa akin at umiling.
"Hinintay ko na mag eighteen ka. I want to court you and I have your Dad's approval but something happened" talaga? Anong nangyari? Nagugulat ako.
"And what's that?" natigilan siya sa tanong ko. Hindi pa ata pwedeng malaman.
"Oh, you don't need to answer. Okay lang" ngumiti ako sa kanya pero deep inside naiintriga ako. Ano kaya 'yon?
"I need to choose between you and my family. And I'm sorry" mahinang sagot niya sa akin.
"So you chose your family. Well good choice Raje not me sakit ako sa ulo. Anyway why do you need to choose between us? Ayaw ba nila sa akin?" tanong ko sa kanila. Bakit kailangang pumili?
"That's silly. Sinong aayaw sayo? The most gorgeous Almero and ofcourse the 'talented one'" well, totoo naman.
"I doubt the definition of that 'talented one' Raje" humagalpak siya ng tawa sa sinabi ko.
"I can't tell you about the reason why I need to choose but I just want to tell you that once I was so inlove with you. I even made my room full of your paintings" bahagya siyang ngumiti sa sinabi niya.
"Seriously?" biglang nag flashback sa akin ang sinabi ni Don Alejandro sa engagement party.
"Yep. But someone's got all those paintings already. Kumita nga ako, pambili rin ng gatas" natigilan ako sa huli niyang sinabi. Gatas?
"Gatas?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"I'm a Dad now" nanlaki ang mata ko sa narinig ko.
"Wow! Kung makapagsabi ka naman ng pambili ng gatas parang naghihirap ah. Ang arte mo ah. Who's the mother? Your current girlfriend? Ano nga ba ang pangalan non?"
"Gabriella" nakangiting sagot niya sa akin.
"Wow! Kayo naman pala talaga ang magkakatuluyan. Hindi ba nagbreak na kayong dalawa?" dati bitter na bitter pa ako kay Gabriella ngayon I'm so happy for them.
"I'm madly inlove with her Florence" kitang kita ko ang kislap sa mata ni Raje sa pagsasabi niyan. Oh well ganyan tayo eh, inlove. Ipinagpatuloy ko na lang ulit naming magpiano. Hanggang sa tumigil din ako.
"Raje, may sasabihin din pala ako" hindi siya sumagot at nanatili lang siyang nakatitig sa akin.
"Alam mo minahal din kita" ngumisi ako sa kanya. Ginantihan niya naman ako ng ngiti.
"I know" maiksing sagot niya sa akin.
"Maybe we're not really meant for each other Raje, you've met Gabriella"
"And you've met Nero" nagulat kaming sabay nang bigla akong napatuon sa piano keys. Narinig ko lang ang pangalan ng Shokoy na 'yon.
"Opps sorry" natatawang sabi ko sa kanya.
"Pero realtalk talaga Raje, bakit ang snob mo dati kung type mo ako? Kung hindi ka siguro ganun ka snob matagal na tayong dalawa. Sasagutin din naman kita kung nanligaw ka sa akin" nagiging honest lang ako ngayon.
"Mali nga ang diskarte ko Florence, masyado akong pahonorable sa buhay hanggang sa napalayo ka na sa akin. And well you've met that Ferell, pagkatapos wala na. Tapos na ang laban" napapailing siya at natatawa.
"So kaya mo pala ako inaya dito, kailangan na nating mag aminan"
"Oo e. Kailangan natin ng closure, nababahala rin si Gabriella. Mahal na mahal ko 'yon ayaw ko nang naiistress siya" pagkakamot niya sa ulo.
"Selosa talaga kami. Patay ka pa pag naglihi na yan" pananakot ko sa kanya.
"Patay talaga" sagot niya sa akin. Sabay kaming nagtawanan.
"O siya..tapos na ang usapang ito. Basta ikaw ang first love ko Raje at ako naman ang first love mo, first love natin ang isa't isa. Oh well nag enjoy din naman ako dun. At ikaw ang nag iisa kong gwapong kababata huwag kang mahihiya sa aking mangutang ah?" tumayo na ako sa pagkakaupo ko.
I slightly bent down and give him a kiss on his forehead.
"I'm so happy for you Raje"
"Thanks"
"Ano nakita nyo na?" halos sabay kaming napalingon ni Raje sa may pintuan. Una hindi ko na pinansin, kailangan ko na rin kasing lumabas wala pa namang kasama si Lina. Pero natigil ako sa narinig kong pinag uusapan sa labas.
"Patay tayo kay Gobernor pag hindi nyo nakita si Florence" ha? Sino namang gobernor? Ako ba ang hinahanap? Ako lang naman si Florence right?
Nagtatanong akong lumingon sa nakaupong Raje. Ngumisi siya sa akin.
"Baka pumasok sa music room" nanlaki ang mata ko. Ni hindi ko nga kilala ang gobernor na 'yon? Agad akong naghanap ng matataguan, mabilis akong naupo sa may likuran ng piano. Bahala ka na Raje.
"O pre" bati ni Raje.
"Napansin mo ba si Almero? Napadaan ba siya dito? Nakasuot siya ng pang princess" ano bang kailangan nila sa akin? Pang princess? Excuse me? Toothfairy po ako!
"Hindi ko napapansin" nice one Raje.
"Ah. Ge pare salamat" hinintay ko na silang umalis bago ako lumabas.
"Sinong gobernor?!" tanong ko kay Raje. Hindi ko nga kilala ang gobernor ng Leviathan. Papaano niya ako nakilala?
"Hindi mo kilala si Gobernor?" natatawang sagot ni Raje.
"How would I know him? Si Barack Obama lang at Pnoy ang kilala ko" ngumuso lang si Raje sa sagot.
"I don't think so. I'm sure you know him. You're not aware to any news Lauren?"
News? Ano na naman kaya 'yon?
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro