Mission 47
Mission 47
Hindi pa naman kami umaalis sa Enamel, dahil dun nakakaatend pa ako sa Gyro Nella. Pero sa pagkakaalam ko ay pinaprocess na ang pagtransfer ko sa dati kong university at habang naghihintay pa ako sa mga dapat piniproseso, nakisali na lang ako sa school festival ng Gyro Nella. Uso pa pala ang ganitong event sa Gyro Nella, nakakamangha.
Kasalukuyan kaming nagmemerienda ni Lina sa rooftop. Dahil school foundation, isang linggong walang klase. Masaya na naman ang mga estudyante. At dahil walang creative sa section namin, nagdecide na lang kami na magbenta ng iba't ibang klase ng candies, chocolates at kung ano anong mga pagkain na nakakasakit ng ngipin. At sa kasamaang palad kami ni Lina ang napagtripan na magsuot ng custome sa klase namin.
Nakasuot ako ng toothfairy na custome, habang si Lina naman ay dentist.
"Kakapagod ding magtinda, nagutom ako. Tss" reklamo sa akin ni Lina habang ngumunguya ng toblerone.
"Lalo na kung ganito kabanas ang suot mo. Kayamot" kung titingnan naman kasi ang suot namin dalwa, akala mo naman ay napakalamig ng klima sa Pilipinas.
"Kamusta na kayo ni Nero? Nag uusap na kayo?" napaismid ako sa tanong ni Lina sa akin.
Sa apat na araw na pag alis ko sa mansion. Hindi ko pa nakakausap si Nero at napapansin ko na iniiwasan ako ng mga Shokoy dito sa school. Sa loob ng apat na araw ni isang Shokoy, walang pakalat kalat sa mata ko.
Fvckers. Anong pinaglalaban nila?
"Wala na akong balita" tipid kong sagot.
"Bumili ka sa stall nila. Nagtitinda ang section nilang hotdog on stick, section nila ang mabenta so far" napairap na lang ako. The fvck? Hotdog on stick?
"Bakit naman ako bibili? No way" sinimulan ko na ring talupan ang chocolate na nasa toothfairy bag ko. Corny.
Tahimik lang kami ni Lina nang biglang tumunog ang phone niya.
"Hello?"
"Nasa rooftop ako.Pupunta ka dito? okay"
"Si Florence lang.."
"Ha? Ahh. Okay" hindi ko na itatanong kung sino ang tumawag. Kung hindi ako nagkakamali isang Shokoy ang tumawag. Magpapakalbo ako pag hindi walang hiyang Shokoy ang tumawag.
"Si Tristan, sabi niya tataas daw siya ditto kaso nagbago ng isip may gagawin pa pala daw. Ano kaya 'yon? Hindi pa naman siya ang duty sa stall nila. Hmm"
"Wag ako ang tanungin mo. Hindi 'yon pumunta dito dahil andito ako. Those Ferells, they purposely avoiding me" napalaki ang kagat ko ng chocolate. I'm not dumb para hindi ko mapansin na nagtatago sa akin ang mga lamang dagat na 'yon. Dati rati para silang mga kabute na basta na lang sumusulpot sa kung saang saang sulok ng school ngayon kahit anino wala.
"Bakit naman kaya?" tanong pabalik sa akin ni Lina.
"Hindi ko din alam" matabang na sagot ko.
"Then let's see. Customer tayo, hindi sila makakatanggi" mabilis akong hinila ni Lina.
"Wait, saan tayo pupunta?" hinigit ko ang kamay ko. Nasa loob na kami ng elevator.
"Hindi na kailangang tanungin yan Florence. Bibili tayong hotdog on stick. Haha" malisyosang sabi sa akin ni Lina.
Halos lakad takbo kami ni Lina para makarating sa hotdog on stick. Bakit parang naasiwa ako sa tinitinda ng mga Shokoy na yan? Bakit hotdog on stick pa? Hindi na ako magtataka kung sino ang may pakana ng tinitinda nila. Sigurado akong si Troy na naman ang mastermind niyan.
Nang nasa tapat na kami ng stall nila. Sobrang daming ang nabili, karamihan ay babae. Kung sana 'yong paninda nila ang dinadayo ng mga customer nayan, papalakpakan ko pa sila. Lumalandi lang naman ang mga Shokoy na yan.
"Anong meron sa hotdog on stick na yan?" todo taas na ang kilay ko lalo na nang nakita ko ang nagtitinda.
Nero Ferell. Troy Ferell.Anghari at ang tagapagmana ni LG. Combined. May future nga ang dalawang ito. Si Troy ay nakangiti pa sa customer, may nalalaman pa siyang pagkindat. Samantalang si Nero mukhang nalulugi na.Buti nakakabenta pa ang isang yan? Kung ako ang customer ibabato ko sa mukha niya ang hotdog on stick niya. Tss.
"Tara nang pumila" nagpahatak na lang ako kay Lina.
Apat na araw ko nang hindi nakikita ang Hari ng mga Shokoy na yan. Ni text or tawag wala akong natatanggap. Masyado atang nahumaling sa pagbebentang hotdog on stick, nakalimutan na may girlfriend.
Sa dami kong gusting sabihin sa kanya, baka mamaya ay mabato ko lang siya sa galit. I need to calm down. I need to calm down. One Two Three.Patience Florence.Patience Florence. Boyfriend mo yan, hindi lang yan basta basta tinder ng hotdog. Boyfriend mo lang naman yan na nagtatago sa'yo ng apat na araw!
Bakit parang lalong uminit ang ulo ko? I need some diversion. Habang hindi pa ako ang nabili, kailangan ko munang mag isip ng iba. Dahil habang iniisip ko ang mga gusto kong sabihin sa hari ng mga Shokoy baka hindi ko na matantsa at mabato ko na siya ng mga matitigas na chocolate sa bag ko.
Kaya pinagmasdan ko na lang ang ayos ng stall nila. Kung ikukumpara sa stall namin, mas masasabi ko na mas may effort 'yongtindahanng chocolate namin. Yun nga lang mas madami silang customer. Pero ang mas nakaagaw ng atensyon ko ay ang human size na poster si Owen at Aldus na may hawakna hotdog on stick. Na may nakalagayna quotation: 'Masarap na, gwapo pa ang nagtitinda'
What the hell? Ang lakas. Napaka creative.
Akala ko madidivert ang isipan ko yun pala lalo lang iinit ang ulo ko sa mga nakikita ko.
Limang babae na lang bago ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pag ako na ang nasa unahan pero nakakaramdam ako ng kaba. Tsss. Baka kung anong magawa ko kapag hindi tama ang sagot ng hari ng mga Shokoy. Subukan niya lang mag explain ng mali, itutumba ang ang stall nila masama sila ng tindero nila.
Bahagya kong kinapa ang bulsa ko. Damn! Wala akong pera.
"Lina, wala akong pera" nasa katapat ko kasing linya si Lina. Nasa linya siya ni Troy, ako naman ay nakapila kay Nero.
"Opsy. Wala din ako.Kindatan mo na lang si Nero. Hintayin na lang kita dun sa may bench" mabilis na umalis sa pila si Lina. Wala din palang dalang pera ang bruha.
Bibigyan ko na lang siguro silang chocolate si Troy, madami naman ako sa bag.
Nang ako na ang bibili.
"Isa lang" cold na sabi ko. Para malaman naman ng tinderong ito na ilang araw na akong iyamot sa kanya. Ang dami kong naiisip kanina, ito lang pala ang kaya kong sabihin. Ang dami kong alam!
"Flor—" he was about to call my name.
"Patay tayo dyan. Sub!" Narinig kong tawag ni Troy sa mga kasection nila.
"Tayo na pinsan" mabilis iniwan ni Troy ang inientertain niyang customer at hinila na niya si Nero sa pwesto niya. Nakita ko na lang silang papalayo na sa stall.
What's their problem? Running away? Pinaltan na agad sila ng kasection nila.
"Anong sayo Florence?" nakangisi sa akin ang bagong tindero. Hindi ko siya pinansin. Umalis na rin ako sa pila at hinabol ko dalwang Shokoy na tindero. Mas bumilis ang lakad nilang dalawa nang naramdaman nila na nakasunod ako.
Hindi ko talaga sila maintindihan. Bakit nila ako iniiwasan?
Mas mabilis silang dalawa maglakad sa akin. At lumalayo na silang dalawa. Ano bang problema nila? Bakit nila ako tinatakbuhan? They're acting weird simula ng umalis ako sa mansion. Alam ko umpisa pa lang na may hindi tama sa mga kinikilos nila.
"What the fvck? NERO!" malakas na sigaw ko.
Halos kapusin ako ng hininga sa lakas ng pagkakasigaw ko sa kanya. Natigilan ang dalawa dahil sa sigaw ko. Titigil din naman pala kayong mga Shokoy kayo, bakit kailangan niyo pang magpahabol? mga Shokoy kayo!
Malalaking ang hakbang ko papalapit sa kanilang dalawa.
"Bakit nyo ako iniiwasan?" namaywang ako sa kanilang dalawa. Pinunasan ko na ng kamay ko ang pawis ko sa noo. Napagod ako sa kahahabol sa mga Shokoy na to. Siguraduhin lang nila na may maganda silang paliwanag sa mga kalokohan nila dahil kung hindi. Tsss
"Takot kami satoothfairy" sagot sa akin ni Troy. Lalong naningkit ang mata ko sa sagot ni Troy.
"I'm not here to play with your damn excuses Troy"
"Ne—"
"Nero!"
Nabingi ako sa lakas ng boses na narinig ko. Akala ko malakas na ang boses ko kanina may mas lalakas pa pala. Hindi ko napansin na napahakbang ako paatras sa nakikita ko. De ja vu
May babae lang naman na yumakap kay Nero. At kitang kita ko kung papaano lumapat ang maganda niyang katawan kay Nero.
The girl is completely my opposite. She's not fair but she has a bronze skin. Her hair is not curly but a straight natural black hair. Her lips that will attract tons of men, her perfect shaped nose and those eyes those amber eyes.. damn familiar. I've seen it before, where? Whose eyes?
Who the hell is she?
"Where have you been love? Uuwi na ba tayo sa mansion? Nalagay ko na kotse mo ang mga gamit ko, konti na lang 'yon marami na kasi akong nadala sa tatlong araw ko sa inyo"
Nanlamig na lang ako sa narinig ko.
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro