Mission 46
Mission 46
Nagsisimula na akong maguluhan, kanina lang masayang masaya akong nakikipaglaro sa kambal. Nakikipagtawanan sa mga kalokohan ng magpipinsang Shokoy, nagugulat sa mga kakaibang naiisip at pakanani Troy. Napapairap sa kayabangan ni Owen, napapaismid sa basta nang makagalaw na Tristan, si Aldus na lagi na lang wala. At ang walang katapusang kalandian ni Nero Ferell.
Iba't ibang emosyon na ang naramdaman ko ilalim ng mansion ng mga Ferell. Saya, lungkot, takot, excitement, gulat, kilig at syempre ang pagkainis na halos araw araw na lang. Marami na akong naranasan at natutunan kasama sila, hindi ko man aminin talagang naging masaya ako sa pagtira sa mansion nila.
Oo noong una nahirapan akong pakisamahan sila, pero ganun naman talaga sa simula diba? Talagang mahirap makisama, lalo na kung puros Shokoy pa ang pakikisamahan mo.
Sa una ko palang pagkakita sa kanila sa loob ng magulong kwarto, akala ko sila ang tipo ng mga lamang dagat na basta nalang nahinga o kaya basta nalang nakapatong ang utak sa ulo pero hindi ko man aminin, talagang matatalino at nag iisip din naman pala sila kahit hindi halata, may nagagawa din naman pala silang matitinong bagay sa hindi mo inaasahang pangyayari at napapahanga na lang talaga ako sa mga ginagawa nila sabuhay.
They even made ways to make me feel happy when Nero was away. I felt warm and comfort under their roof. They treated me like a family, they made me feel that I'm not just a lost and a runaway girl. They treated me like one of their cousins too, that I belonged to them. Pinaramdam nila sa akin na hindi ako sabit sa kanilang magpipinsan. Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman na nag aalala din naman sila sa akin kahit papaano. At alam kong may kani kanila silang sariling paraan ng pang aasar para pagaanin ang loob ko sa tuwing wala ako sa mood at badtrip sa mga pangyayari.
Ang mansion ng mgaFerell, kung saan ako naligaw at napadpad. Kung saan may nakilala akong naggwapuhang mga lamang dagat na may konting sayad. The place where I've met the guy who made my life upside down. Or should I say the guy I love and hated the most?
Nagsisimula nang manlabo sa paningin ko ang lugar na kumupkop sa akin. Sa bawat pagtakbo ng kotseng sinasakyan ko unti unti nang nawawala sa aking mga mata ang lugar kung saan ko nakilala ang lalaking minamahal ko.
Walang humpay ang pagpatak ng luha ko nang tuluyan na kaming nakalayo sa mansion ng mga Ferell. Nagsisimula na naming sumikip ang dibdib ko.
The place where I've met those wonderful jerks. I still can't accept that I'm leaving their mansion this early. I'm not even prepared.
Well, I think. This is the end.
What now?
Bahagya kong pinunasan ang mga mata ko.Malayo na kami, malayo na kami sa mga Ferell. Malayo na ako sa kanila, malayo na ako sa kanya.
"Damn! Princess don't cry. Bakit parang pinaparamdam mo sa akin na kontrabida ako dito?"
Frustrated na tanong sa akin ni Kuya Nik. Hindi ako nakasagot sa kanya, tama naman kasi siya na hindi naman talaga ako dapat nasa poder ng mga Ferell. Kung pwede naman akong tumigil sa kanila, bakit sa ibang tao pa daw ako titigil?
Hindi na ako nakipagtalo sa kanya, dumiretso na ako sa kwarto ko at inayos ang maleta ko. Dahil may punto naman kasi ang mga sinasabi niya. Why still staying there? If he has a place to offer for his cousin?
Agad siyang lumapit sa akin at pinunasan ang luha ko. Pinabayaan ko na lang siya, all of my cousins are this kind of sweet lalo na kapag may luha ako sa mga mata. Well dalwa nga lang naman pala sila ni Gio. Nasa biyahe na kami papunta sa bahay nina Kuya Nik.Ang kambal naman ay puros tulog. May kasama kaming driver at nasa likuran kami ditto ni Kuya Nik.
Kanina pa siyang hindi mapalagay sa paunti unti kong pagi yak. Kahit ako ay naiinis na rin. Dapat matanggap ko na hindi habang panahon ay nasa mga Ferell ako. I still have my own family to spend with.
Muntik ko na ngang makalimutan na isa nga lang pala akong anak na naglayas at pinaghahahanap nga ba? Bakit sa tinagal tagal ko sa mga Ferell ngayon lang nila ako nakita? Ganyan ba kabubulok ang mga tauhan nila?
Or LG is just too powerful to remove my traces para hindi ako matrack ng kahit sino. Ewan. Nahuli na rin naman ako wala ng dapat isipin pa.
"Aish! Florence, can you please stop crying? Magkikita pa naman kayo ngFerellna 'yon! Hindi ko naman kayo pinagbabawalan" nanatili na lang akong walang imik.
"Tss. Wag mo akong artehan pinsan. I know you too well, umayos ka. You can't be with him. For Pete's sake you're damn 17 year old girl, masyado ka pang bata. Don't fall too deep, that's a puppy love. Wag mong seryosohin" nagsalita ang nakabuntis ng maaga. Napapaismid na lang ako sa naririnig ko kay Kuya Nik. Ayoko pa talagang umalis sa mansion ng mga Ferell.
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ka na pwedeng magtagal sa mga Ferell. That's not safe Princess. Believe me" hindi ko pa rin siya nililingon kahit kinakausap niya ako. Nanatilil ang ako nakatingin sa labas ng sasakyan.
"Oo dahil baka mabuntis ako kagaya ni Ate Tinay" matabang kong sagot sa kanya. Hindi ko na napigilang hindi magsalita.
"Haha. Why so straightforward Princess?" natatawa niyang sagot sa akin at kinurot pa niyaang pisngi ko. Sinimangutan ko lang siya.
"Based on my observation, pag nagtagal ka pa ng dalawang araw sa mga Ferell, tatlo na kayong uuwi sa bahay"
"Tatlo? Hindi ko naman sila dadalhin sa bahay" tamad na tanong ko sa kanya. Bakit ko naman isasama ang mga Shokoy paguwi sa bahay?
"You don't get it? I mean, you'll go home preggy with twins. Trust me Princess, napagdaan ko na 'yan. Tingnan mo ang resulta, ang gwapo mana sa Daddy" napatingin na lang ako sa inosenteng kambal na peaceful na natutulog ngayon, sobrang cute talaga ng kambal.
Hindi naman siguro kami dadating sa punto na may pakwan na ako sa tiyan pag umuwi. Hindi naman kasi kami mapusok? natigilan ako sa inisiip ko nang biglang nagflashback sa akin ang nangyari sa loob ng cabinet.
Tss. Oo na medyo mapusok na kami.
"Hindi ka naman kamukha ng mga yan. Kamukanilasi Ate Tinay.Tss" inirapan ko na lang siya.
Makikipagtalo pa ba ako? Alam ko naman na dadating ang punto na aalis na talaga ako sa bahay ng mga Ferell. Hindi ko lang talaga akalain na ngayon ang araw na ito. Masyado akong nagugulat. At nagtataka ako sa mga pangyayari, bakit parang may kung ano silang tinatago sa akin? O masyado lang akong paranoid?
"Huwag ka ng magtampo, para sayo rin naman kung bakit kita sinundo" inihilig pa niya sa akin ang ulo niya.
Kung dati natalab pa sa akin ang paglalambing ni Kuya Nik, ngayon hindi na. Mainit pa naman ang ulo ko.
"Whatever" I just rolled my eyes.
"Ang harsh mo Florence Celestina" maarteng sabi ni Kuya Nik. Hindi ko na lang siya pinansin. Tumingin na lang ulit ako sa labas ng bintana at inalala ang malaking tanong sa utak ko.
Flashback
"Can someone explain what's happening?" kanina lang masaya kaming lahat. Why suddenly? Bakit?Anong nangyayari?
Wala ni isa sa kanila ang sumagot sa tanong ko. Na para bang wala silang narinig na tanong mula sa akin. Bakit bigla na lang nagkaganito? Is it still part of the plan? Bakit parang hindi ko na ata gusto ang parting ito? Bakit parang habang tumatagal ay kinakabahan ako?
"Nero?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Pero hindi niya ako nililingon, nanatili lang siyang tiim bagang na nakikipag sukatan ng titig sa pinsan ko. What the hell?
"Kuya Nik? What's this?" tanong ko kay kuya.
"Just go home with me Princess" mahinahong sagot niya sa akin.
"She can't" madiing sabi ni Nero.
"Nero" narinig ko ang seryosong boses ni Tristan. Agad akong napasulyap sa kanya. Kita ko ang marahang pagiling niya kay Nero.
What was that for? Hindi ko alam kung bakit may pakiramdam ako na nagkakaroon sila ng usapan ngayon na hindi ko nalalaman. Ako lang ba ang naguguluhan ngayon?
"Ano na naman ito?!" nagsisimula nang mag init ang sulok ng aking mga mata. Bakit hindi ko nagugustuhan ang mga nangyayari ngayon?
"Just pack up Florence with need to go"marahang sabi sa akin ni Kuya Nik. May sasabihin pa sana ako kay Kuya Nik, na kung pwede ay magtagal muna ako ng ilang araw para makapagayos. Pero para akong binuhusan ng malamig na tubig nang binitawan na ni Nero ang mga kamay ko. He wants me to go.
Sa halip na umiyak sa harap nilang lahat, tumakbo na ako sa itaas para ayusin ang mga gamit ko. Hindi ko inaasahan na ganito ako aalis sa mansyon. Aalis ako na may malaking tanong. Bakit parang iba? Hindi ganito kabigat ang inaasahan kong mangyayari sa pag alis ko. Bakit parang may hindi tama?
Akala ko ay hindi pa papayagsi Nero sapagalisko, pero mukhang nakapagpasya na siya.
Nasa harapan na kami ng pintuan ng mansion, naayos ko na ang mga gamit ko. Pero ang malaking pinagtataka ko, kahit isa sa mga Shokoy ay walang makatingin sa aking mga mata. Hindi man lang ba sila magpapaalam sa akin ng maayos? Ganito na lang ba talaga ako aalis sa mansion. Sobrang bigat ng loob ko, lalo na't ganito pa silang lahat. Para silang may itinatagosa akin.
"Shokoys goodbye" tumalikod na ako sa kanila. Wala naman kasing may balak magsalita sa kanila at ayokong umasa. Kahit ang lalaking kahalikan ko lang kanina ay tahimik na hindi makatingin sa akin.
Something is wrong. I need to know. How? I don't fucking know. Magulo.
"We need to let her go" narinig ko ang pamilyar na boses ng matandang tumulong sa akin mula umpisa. Napatigil ako sa paglalakad at dahan dahang nilingon ang boses na narinig ko. So he's here. Even him, wants me to go.
LG behind his grandsons.
Bahagya siyang kumaway sa akin. And I smiled at him bitterly.
At nagsimula na ulit akong humakbang palayo sa kanila. My first few steps away from them, away from these 5 hot jerks.
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro