Mission 44
Mission 44
"Tita ganda! Wake up wake up!"
Trevor? Bakit ang aga naman? Bakit ang aga niyang gumising ngayon? Naramdaman ko na lang na may nagyuyugyog sa akin at tinatamaan na rin ng sinag ng araw ang mukha ko. Someone pulled the curtains already. Ano bang oras na?
"Tita ganda! Wake up! It's getting late" ngayon naman ay nararamdaman ko na hinihila hila na nila ako. What's with this twins? Bakit ang aga nilang dalawang manggising?
"Tita ganda!" boses naman ni Tyrone ang narinig ko. Bakit ang aga nilang active dalwa? I'm still damn sleepy. Hindi naman kasi ako nakatulog agad sa text ni Nero.
Ano na naman kaya ang mangyayari ngayong araw?
"Hmmm, boys can you let tita sleep for 5 mins" tinalakbong ko sa sarili ko ang makapal na kumot. Antok na antok pa ako pa talaga ako.
"Tita let's go. The other soldiers are waiting outside" ano daw? Soldiers? Nagkasudalo na sa mansion ni LG? Shokoy lang naman ang nandito. Bumaling ako sa ibang posisyon. I need to sleep more pero agad din naman akong napamulat.
"Soldiers?" mabilis akong napabangon. Anong pinagsasabi ng kambal na itong soldiers? WTF? Napanganga ako sa hitsura ng mga pamangkin ko.
"What happened to your face Trevor?" kung kanina antok na antok ako ngayon naman ay gising na gising na. Sinulyapan ko din si Tyrone. Damn! What happened to their cute faces?
"I'm a soldier" masayang sabi ng pamangkin ko.
"Who did that?!" halos pasigaw na tanong ko sa kanila. Kung pagmamasdan kasi ang pagmumukha ng mga pamangkin ko punong puno sila ng uling sa mukha. Kung ako ay iyamot na iyamot sa hitsura nilang dalawa, sila naman ay mukhang tuwang tuwa.
Nakasuot nga rin pala sila ng camouflage. Sundalo nga! At may hawak sila ng malaking toy gun?
"What's that? What happened?" pinaghahawakan ko ang mukha nila. What the hell Shokoy?! Pinaglaruan ata ng mga Shokoy ang pagmumukha ng pamangkin ko. Though they are still cute, I'm not used seeing them like this. Mukhang cute na yagit ang mga pamangkin ko.
"Where are they?" nagsimula na akong bumaba sa kama. May tama sa akin ang mga Shokoy na sa akin. Bakit hindi na lang mga mukha nila ang lagyan ng uling? Bakit mga mukha pa ng mga pamangkin ko?
"We'll gonna play interesting game. Let's go" hinila nila akong dalawa at pinagtutulak sa loob ng banyo. Play sa banyo?
"Wait boys? Who's the mastermind of this?" tanong ko sa kanilang dalwa. Tumigil ako sa tapat ng pintuan at namaywang ako. Sabay lang silang ngumisi sa akin at umiling. Eksaherada akong napabuntong hininga. Bakit parang nagiging Shokoy na rin ang mga pamangkin ko? Bakit parang nalalalinan na sila?
Nasaan na ba ang mga Shokoy na 'yon? Anong ginawa nila sa mga pamangkin ko? Dahil kanina pa akong pinagtutulakan ng kambal, wala na akong choice kundi pumasok sa banyo at maligo. Pinag aayos na pala nila ako. Akala ko naman ay maglalaro kami ng basaan sa banyo. Mukhang may dapat akong paghandaan sa paglabas ko.
Wala pa siguro 3 mins ako sa banyo ay kinakatok na ako ng kambal. What the hell?
"Wait lang babies. I'm in a hurry ok?" sagot ko sa kanila.
Hindi pa nga ako nakakashampoo. Ano ba naman kasing meron? Bakit ganun na lang ang hitsura ng mga pamangkin ko? Ito na ba 'yong sinasabi ni Nero? Anong meron sa labas?
"Tita!"
"Oh! Wait Tyrone" sagot ko ulit.
"Open the door wear this" malakas silang kumakatok. Ano bang problema ng mga pamangkin ko? Hindi naman siguro sila nabrainwash ng mga Shokoy?
Bahagya kong binuksan ang banyo at inabot ang damit na sinasabi nila. Isinabit ko muna ito at pinagpatuloy ko munang maligo pero habang nasa ilalim ako ng shower napatingin na ako sa inabot sa akin ng mga pamangkin.
Like seriously? Why do I need to wear that dress? Kinuha ko na ang robe ko at towel para ibalot sa buhok ko at tutuyin. Tiningnan ko. Isang long lush color dress na abot sa paa. Napakunot ang noo ko sa isusuot ko. Are we going to some party?
"What's with this dress Trevor? Tyrone?" tanong ko sa mga pamangkin ko na alam kung inip na sa labas sa kahihintay sa akin
"Just wear it Tita" hindi na ako nakaangal at isinuot ko na nga. Mabilis din akong tumingin sa salamin at inayos ang sarili ko. Pagkalabas na pagkalabas ko sa banyo, pumalakpak sabay 'yong kambal.
"Ganda!" sabi nilang dalawa. Lumapit sa akin si Tyrone at hinila ako payuko. May inilagay siyang flower na crown sa akin. How sweet.
"Who did this?" tanong ko sa kanila.
"Tyrone"
"Trevor" nakangising sagot nila sa akin dalawa. Parehas ko silang hinalikan sa noo.
"Thank you babies" hinawakan nila akong sabay at hinila palabas. Pero mas nagulat ako sa nakikita ko ngayon.
"What the hell?" napanganga na talaga ako.
"Your mouth Florence" sagot sa akin ni Nero Ferell na nakasuot din ng pangsundalo habang prenteng nakasandal sa dingding. He's wearing white tshirt and a camouflage pants. Nakataas ang kilay niya sa akin habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa. Bigla tuloy akong naconscious.
Bakit nababaguhan pa rin ako sa pagtitig niya? Damn Ferell. Narinig ko rin ang sabay sabay na pagsipol ng mga Shokoy sa paglabas ko. They are all looking hot with their soldier outfit. Ferell genes.
"Ang bagal mo Wada" reklamo sa akin ni Owen.
"What's with your outfit today Shokoys?" nakunot na ang noo ko sa kanilang lahat. Bakit walang uling ang mukha nila? Bakit ang sa mga pinsan ko meron?
Hindi nila pinansin ang tanong ko.
"Let's start!" sabi naman ni Troy na nagsisimula ng bumaba ng hagdan.
"Wait? Anong meron? What with this?" tanong ko ulit sa kanila.
"Uupo ka lang naman Warden Doll. Hahaha" sagot sa akin ni Tristan. Nagsibabaan na silang lahat at ako naman ay nagtatakang sumunod na rin. Kung kanina ay napanganga ako sa hitsura nila ngayon naman ay napatulala na talaga ako.
"ANONG GINAWA NYO?" sigaw ko sa kanila. Nasa labas na kasi kami, to be specific ay nasa may pool side na naman kami. Pero sobrang nag iba ang hitsura nito. Punong puno ng mga sakong kulay brown na patong patong. Para kaming nasa combat arena ng mga sundalo.
"Maglalaro lang naman tayo. Hahaha" sagot sa akin ni Troy. Tayo? Bakit ? Kasali ba ako? Bakit kailangan fully attire kaming lahat? Bakit may custome pa?
Hinila na ako ng mga pamangkin sa may pool na may magandang upuan.
"Sit there Tita" sabi sa akin ng kambal. Ako namang mabait na Tita ay tumango na lang sa lahat ng gusto ng kambal. Kung hindi ako nagkakamali sa pagkakaintindi may dalawa silang grupo at ang leader ay ang mga pamangkin ko.
"Baka magkasakitan ang mga pamangkin ko sa itinuturo nyo" bumaling sa akin si Nero sa sinabi ko.
"Just stay there. I'll get you" kinindatan ako ni Nero. What?
Ang nangyari ay manunuod na lang ako. At hindi ko magets ang lalaruin nila. Baril barilan? Nilagyan ni Troy ng maliit na flag na kulay blue si Trevor at nilagyan niya ng red si Tyrone. Medyo nahahabol ko na ang nangyayari.
Nasa magkaibang grupo sina Trevor at Tyrone. Ang kagrupo ni Trevor ay sina Nero at Tristan, ang kay Tyrone naman ay si Owen at Troy.
"What about Aldus?" tanong ko sa kanila. Nakagrupo na kasi silang lahat at nagbubulungan na sila. Si Aldus lang ang hindi ko napapansin. Kita ko sa malayo ang pagkunot ng noo ni Nero sa tanong ko.
"Nasa Hawaii si Aldus, nagsasayaw ng samba" sagot sa akin ni Owen na may pagsayaw pa. Napatawa na lang ako.
"Anong gagawin ko dito?" tanong ko sa kanila.
"Uupo ka nga lang dyan. Una unahan kami na kunin ka, wag kang bias Doll. Baka pagnakasayaw sayo si Nero ay sumama ka na sa kanya" sabay sabay na tumawa ang magpipinsan kahit si Nero ay nakatawa na rin.
"Tsss, bakit sasayaw ba muna kayo ng samba bago ako kunin?" bakit may sasayaw pa?
"Why? Do I need to dance then Hood?" nakangisi na naman si Nero Ferell.
"Wala namang sayawan Doll. Saka mo na pasayawin si Nero pag kayo na lang dalawa" halos pulang pula na sa katatawa si Troy Ferell.
Kahit kaylan talaga!
"Ipapaliwanag muna natin ang game kay Wada. Hindi niya kasi alam" maarte akong inirapan ni Troy. Sige artehan mo pa ako Troy Ferell
"Ako na ang magpapaliwanag. Ganito kasi yan, magbabarilan lang naman kami. Dapat tamaan 'yong flag na nasa ulo ni Trevor at Tyrone pero ang dapat babaril ay silang dalwa lang. Habang kami naman na magpipinsan ay pwede lang naming barilin ang kapwa namin Shokoy"
"Damn Troy, remove the 'shohoy'" sabat ni Nero
Inirapan lang din siya ni Troy. Kung titingnan hindi bagay ang pag irap niyang ginagawa sa kanya.
"May flag din kami sa ulo. At kung sino ang unang makakatama sa lahat ng flag sila ang pwedeng tumakbo sayo at ilalagay ka sa isa pang upuan sa dulo. Bale dalawa 'yong upuan sa side namin at 'yong kina Nero. Pero pag parehas ng may tama lahat ng mga flags namin unahan na lang sayo"
"Tss. Ano bang klaseng laro yan? Baka magkasakitan ang mga bata" sagot ko sa kanila.
"Tubig lang naman na may kulay ang bala" katwiran naman ni Owen.
"Okay! Game" singit ulit ni Troy.
"Commander Tyrone let's go to our hideout" narinig kong sabi ni Troy.
"Captain Trevor! Let's go" sabi naman ni Tristan.
Medyo natahimik silang lahat puros sila nakatago sa kani kanilang hideout and I can see all of them. Nakakatuwa silang lahat.
If you can see gorgeous guys playing with cute boy, damn adorable! Minsan lang maglaro ng ganito ang mga pamangkin ko. They're always on computer games, xbox and any electronic gadget. Wala kasi silang kalarong mga bata sa states, I think they didn't want to socialize with other people and I'm quite curious how these Shokoys captured my nephews attention. Bihira na rin sa mga lalaki ngayon ang mahilig sa makukulit na bata and I never expected that these Shokoys will put effort for my nephews
Unang lumabas sa hideout sina Troy at Owen. Buhat nila sa likod si Tyrone na may hawak na maliit na payong para hindi tamaan ang flag niya sa ulo. Cute strategy! Ano bang aasahan ko kay Troy?
Sa kabila naman ay lumabas lang ay sina Nero at Tristan. Baril sila ng baril kina Troy at Owen. Nagtatawanan na silang lahat. Pinagbabaril ni Troy ang crotch ni Tristan
"Look Tristan pee on his pants" sabi ni Troy. Utas tuloy ng katatawa 'yong kambal. Lumabas na rin pala si Trevor sa hideout nila na kabike. Kita ko pa na tumakbo si Owen para ikuha ng bike si Tyrone na mukhang nainggit dahil may bike si Trevor.
Kaylan nila binili ang bike na yan?
Biglang sinugod ni Tristan si Troy. Ngayon ay nagrarumble na silang dalawa nagpapagulong gulong na sila hanggang sa mahulog silang dalawa pool. Nagtawanan na kaming lahat dahil sa kalokohan ng dalawa.
Unang sumungaw ang ulo ni Troy na habol ang paghinga.
"Wait! Wag kang seryoso Tristan! Papatayin mo ba ako? Pikon?" natatawang sabi ni Troy habang inaalog ang ulo. Hindi siya pinansin ni Tristan habang inaalog din ang ulo.
"Gago ka Troy may tubig ata ang tenga ko" sinabuyan pa siya ng tubig ni Tristan.
"Out na kami" sabi ni Troy. Tuloy lang din sa pagbabarilan sina Owen at Nero at walang magkataaman.
"Commander Tyrone! Go hit the flag" pagchcheer ni Troy sa pamangkin ko. Hindi rin magkatamaan ang kambal. Nawalan na ng tubig 'yong water gun ni Nero at Owen.
"Paano ba yan?" nagpose si Owen na pang martial arts. Si Nero naman ay mayabang na nag unat unat.
"Galingan mo Owen dyan. Ang talo hawot ang ulam. Allegic ako dun" sigaw ni Troy sa kanya.
"What's hawot?" tanong ni Tyrone.
"Straight Fish commander" sagot ni Troy.
"Straight fish? WTF?" hinampas ulit ni Tristan ang tubig papunta ka Troy.
"Dried Fish Tyrone. Don't listen to him" sagot ni Tristan. Hindi na rin siya umaahon sa pool.
Nagkakagulo na rin si Nero at Owen. Nagtutulakan na lang naman sila sa pool, wala na rin naman silang bala kaya ganyan na lang pinaggagawa nila At talagang nasa harap pa sila nina Tristan at Troy na nagtutulakan. Ang ginawa ni Troy, hinila niya ang paa ni Nero kaya nahulog sa pool si Nero.
"Fvck!" malakas na mura ni Nero. Pero mas nagulat ako ng binangga ni Trevor ng bike si Owen kaya nahuli rin siya.
"Good Job Trevor!" nag apir pa sila ni Tristan.
"Trevor!" sigaw ni Nero.
Mabilis na nagpedal ang pamangkin ko. Nakatutok ang mga baril ng pamangkin sa isa't isa. Para silang mga action star sa ginagawa nila. Pagkatapos ginagatungan pa ng mga Shokoy nayan. Kaya feel na feel ng mga pamangkin ko ang hawak nilang watergun.
Sabay sabay nagsigawan ang mga Shokoy. Mga paamboy talaga ang mga Shokoy na ito. Pagnag away ang kambal patay sila sa akin.
"Shoot the flag Tyrone"
"Shoot him first Trevor"
Sabay na bumaril ang mga pamangkin ko at sabay ring tinamaan ang flag nila. Nagulat na lang ako ng mabilis na naglalangoy papunta sa akin ang mga Shokoy. Nasa kabilang pool side kasi ako.
"Teka! Ayaw ko na" sabi ko sa kanila. Mabilis nakasampa si Nero at binuhat ako ng walang kahirap hirap. Damn!
"Fvck! Ang bilis naman ni Nero tumakbo" rinig kong sabi ni Troy.
"Damn this camouflage ang bigat" rinig kong reklamo ni Nero.
"Where are we going?" tanong ko sa kanya. Hindi niya ako sinagot.
"Diba dapat doon tayo?"
Nagtataka na ako dapat ay nasa 2nd floor terrace niya ako dadalhin pero bakit sa ibang direksyon kami papunta? Nagulat na lang ako ng napansin ko na nasa kwarto kami ni Nero Ferell. Inilock niya ang kwarto niya. Agad akong kinabahan.
"Anong gagawin natin dito? Diba naglalaro pa kayo? Why are we here?" sunod sunod na tanong ko sa kanya. Ngisian niya lang ako.
"Wait there Hood. Magpapalit lang ako. Damn that Troy nadala na ata sa laro" naiiling na sabi niya bago siya tuluyang pumasok sa banyo.
"What?"
Sa pagmamasid ko sa kwarto ni Nero, hindi ko tuloy mapigilang maalala ang first time na nagpadpad ako sa kwartong ito. Such a disaster!
Naputol ako pagfflashback ko nang lumabas si Nero na nakatapis lang. Damn! Pakiramdam ko ay nag iinit na naman ang pisngi ko. Akala ko ay magpapalit na siya? Bakit nakatapis pa siya?
"Should I go outside? Magpapalit ka pa right?" dali dali akong pumunta sa nakalock na pintuan niya. Nangangatal ang kamay ko habang tinatry kong buksan ang pinto. Halos mapatalon ako nang hampasin ni Nero ang pinto.
"Hood" dahan dahan akong lumingon paharap sa kanya. Sheems.. he's still with his towel. Hindi ba delikado yan? Wet look si Nero. Tang ina nang aakit ang Shokoy.
Hindi niya inaalis ang kamay sa bandang kanan ko. Bahagyang inangat ni Nero ang ulo ko gamit ang kaliwang kamay niya.
"Dito ka lang. You're my hostage, remember?" ngumisi lang siya sa akin at iiling iling na nagdiretso sa malaking cabinet niya. Naawkward na ako, alam kung magbibihis na siya. At wala siyang pakialam kahit andito ako sa loob ng kwarto niya.
Hindi ko maalis ang pagsulyap sa kanya. Damn Nero Ferell! Please pakidalian mong magbihis. Ipinikit ko na lang mga mata ko pero dahil medyo curious ako medyo nakamulat ang isa kong mata.
Binubuksan na niya ang malaking cabinet niya. Agad kong iniiwas ang tingin ko, hindi ko pa rin kayang tumingin sa ganyang yari ng cabinet. Nahihirapan pa din akong huminga. Kaya napagpasyahan ko na lang tumalikod at humarap ulit sa pinto.
"I looked for your nephews Florence" mahinang sabi sa akin ni Nero. Mga isang minuto akong hindi nakapagsalita. Bakit parang may aaminin siya? Is it the reason why I'm nervous right now?
"Why?" tanong ko pabalik. Alam ko na nagbibihis pa din siya kaya hindi ko siya nililingon.
"Dahil ayokong bumalik ka sa pagiging matamlay. I was talking to LG that time on phone then I saw you with Aldus? Ilang minuto lang akong nawala may nakalapit na agad sayo? I'm sorry for being violent. Sorry if I leave you for a long time, it's a torture Florence. Hindi mo lang alam. I looked for your nephews, sabi ni LG you'll be happy if your nephews are around. I went to New Jersey dahil andun ang pinsan mo kasama ang kambal pero natagalan ako. Nahirapan pa akong hulihin ang loob ng pinsan mo. But to tell you honestly he's good than the younger one. And lastly I got the twins" naramdaman ko na lang siyang yumakap sa likudan ko. Nasa balikat ko ang baba niya at nakapulupot ang kamay niya sa bewang ko.
"I didn't tell you sorry when I first approached you. Hindi ko alam kung papaano kita lalapitan. Should I say sorry first? I don't know what to do, when it comes to you Florence" bulong niya sa akin.
"Kaya hindi mo na lang ako pinansin?" sagot ko sa kanya. Kung hindi ako nagkakamali ay ilang araw siyang nagsuplado sa akin.
"I'm expecting that you'll welcome me with your open arms. Anong nakita ko? You're with my cousins happily watching a fucking cartoon? You forgot about me"
"Ang arte mo Nero ha. You're too cold that time, how can I jump to you and kiss you kung mukha kang manununtok?" natatawang sabi ko sa kanya
"Really?" iniikot niya ako paharap sa kanya. Nakataas na naman ang kilay ng hari ng mga Shokoy. Naka sando lang siyang white and simpleng shorts. Napahinga ako ng maluwag buti na lang hindi boxer.
May sasabihin pa dapat siya ng may narinig kaming mahinang katok.
"Tsss" Natawa na lang ako. Umirap ba si Nero?
"Now for my plan B" nagulat na lang ako ng bigla akong tinulak ni Nero sa loob ng kanyang malaking cabinet.
"No! wag Nero. Wag sa cabinet. I can't" nagsisimula na namang sumikip ang dibdib ko. Mas lalo pa akong nawindang nang tuluyan na niyang sinarhan ang cabinet. I can't see anything.
"Don't think of anything Florence. Just listen to my voice"sobrang dilim, wala akong nakikita. I think Nero is not aware that I'm afraid of this kind of cabinet. Hindi na maganda ang nararamdaman ko, I should tell him.
Bumibilis na naman ang pagtibok ng puso, I can't breathe well. Naramdaman ko na lang na hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.
"I will wipe away all your fears Florence. I'll make sure that whenever you see a cabinet you'll just remember me and our kiss"
And I felt his lips touching mine.
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro