Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Mission 43

Mission 43


Malaki ang pasasalamat ko at semestral break ngayon kung hindi mahihirapan talaga ako ngayon dahil sa pagdating ng mga pamangkin ko. Sino na lang ang mag aalaga sa kanila dito?

Paniguradong liban ako kung nagkataon. Alangan naman na pauwiin ko si LG at pag alagain ko ng mga pamangkin ko? Hindi naman ata magandang ideya 'yon. Since nag uusap na kami ni Nero, I'll try to ask him kung bakit kasama niya ang mga pamangkin ko. Knowing Kuya Nik, he can't easily give his sons to someone he really doesn't know.

It can't be? During those days? weeks? Kasama niya sa New York ang pinsan ko? How? I thought Nero's with his parents? Bakit naman nagsinungaling sa amin si Nally? Is it part of her plan? Hayy kahit kaylan magulo naman talaga si Nally.


Muli akong kumuha ng isang stick O at dahang dahang ngumuya. Kailan ko kaya matatanong si Nero? Mukha na naman kasing badtrip ang hari ng mga Shokoy ngayon. Simula kasi nong nangyari sa pool ay hindi na masyadong makadikit sa akin si Nero. Why? My nephews have been guarding me for ages.


Maghapon nang busangot ang mukha ni Nero habang tuwang tuwa naman ang mga pinsan niya sa mukha niyang biyernes Santo. Masyadong naturuan ang mga pamangkin ko kung papaano nila ako bantayan. Just like their Dad and Gio.

Kahapon pa kasi hindi na naglalayo sa tabi ko si Trevor at Tyrone, they even slept in my room with me. Noong mga unang araw nila ay hiwalay pa silang dalawa sa akin sa pagtulog but since yesterday doon na sila tumabi sa akin.

Natatawa na nga ako kay Nero. Last night mga 11 na ata non. He did try to knock at my door. Tatayo na sana ako kasi tulog na naman 'yong kambal pero hindi pala.


"Tita is sleeping!" malakas na sigaw ni Tyrone habang nikukusot niya ang mata niya. How adorable! ang huli ko na lang narinig ay mga malakas na hakbang ni Nero papalayo.

At hanggang ngayon ay mukhang biyernes Santo pa rin si Nero. The only thing he can do right now is to look at me with his annoyed face coz he can't even come near me. Nginingisian ko na lang siya kapag nakakatinginan kami. Ang nagagawa na niya lang ay guluhin ang sariling buhok dahil sa frustration.

Yes bati na nga kami, hindi naman siya makalapit sa akin. At natatawa ako sa mga expression ng Hari ng mga Shokoy.


Kasalukuyan na naman kaming nasa sala. Gabi na naman ngayon at nanunuod kami ng cartoon. Kung wala dito ang mga pamangkin ko ay malamang nanunuod kami ngayon ng kahit anong movie. Kaso ang nakaupo lang sa sofa ay ako at ang mga pamangkin. Ayaw nila na may uupo na kahit sinong Shokoy sa sofa kaya ang nangyari ay puros nakaupo ang mga Shokoy sa sahig.

Dahil sa sandaling makita sila ng mga pamangkin ko na umupo sa sofa ay mag aalburuto ang mga ito. Kaya walang magagawa ang mga Shokoy kundi magkamot ng ulo at umupo sa sahig. Kawawang mga Shokoy.


"Tsss, parang tayo ang nakikitira dito" reklamo ni Troy habang ngumunguya ng popcorn.


"Pagbigyan mo na ang mga bata. Haha" sagot sa kanya ni Owen habang kumukuha kay Troy ng popcorn.


"Ilang araw na din tayong nickelodeon network. Nagiging kamukha na ni Troy si spongebob sa paningin ko. Haha" sabi naman ni Tristan.


"Wait, ilang araw ko na atang hindi nakikita si Aldus? Where is he?" tanong ni Troy sa mga pinsan niya. Oo nga hindi ko rin siya napapansin.


"Hindi ko alam. Baka nagkukundoktor sa may kanto" sagot ni Owen.


"Nagbebenta 'yon ng yosi sa sakayan" sabat naman ni Tristan.


"Baka naman nang gegay. Hahahaha" sagot naman ni Troy. Mga balahura talaga sa isa't isa ang magpipinsang ito. Kung pagmamasdan ang mga Shokoy ngayon, talagang nakakatuwa silang apat sa posisyon nila ngayon.

Nakahiga na ngayon si Tristan habang nakaulo sa kanya ang dalwa niyang kamay at may throw pillow siyang nilalaro sa paa. While si Owen at Troy ay sweet na sweet nakaupo at nag aagawan ng popcorn. Sa kabilang tabi naman ay si Nero na badtrip at salubong ang kilay. Well, nasanay kasi ako na lagi silang nagsisiksikan sa paborito nilang sofa. Ngayon ay basta na lang ang posisyon nila. Syempre hindi naman sila pupwesto sa sahig pag walang carpet. Carpeted lang naman ang sahig kaya ayos lang sa mga Shokoy na yan ang pwesto nila. While kami naman ng mga pamangkin ko ay ayos na ayos ang upo dito. Nakasandal sa akin ang kambal.


"Tita I'm sleepy" sabi sa akin ni Trevor. Gumalaw siya sa pagkakaupo niya at niyakap niya ako. Ni kiss pa niya ako sa magkabilang cheeks ko. Ganyan kasi si Trevor pag inaantok, masyadong maglambing.


"Kissing monster pala ang englisherong bubwit na yan. Haha" sabi ni Owen.


"Bakit si Nero? Englishero din naman siya, hinid ba? Bakit hindi makahalik?" sabat naman ni Troy. Agad siyang binato ni Nero ng unan.


"Gago" yamot na sabi ni Nero.


"Mura pa more. Haha. Yon Doll, nagmumura...walang kiss" sa yamot ni Nero ay binatukan na niya si Troy.


"Oy! BI ka sa mga bata. Doll tingnan mo si Nero...Haha" sumbong sa akin ni Troy. Inirapan ko na lang silang dalawa. Napaka BI talaga ng mga Shokoy na to.


"Umayos kayong dalawa. Pag lumaking Shokoy ang mga pamangkin ko kayo talaga ang may kasalanan"


"Ssshhhhhhh" lahat kami ay napalingon kay Tristan. Nakangisi siya habang nilalaro ang pisngi ng pamangkin ko na natutulog. Tyrone is sleeping already. Kahit si Trevor na kalong ko ay tulog na rin pala.


"Nako tulog na ang mga kalaban. Ngingiti na ang isa dyan. Hahaha" pang aasar pa rin ni Troy kay Nero. Nagdirty finger na lang sa kanya si Nero. Kung hindi lang siguro natutulog ang mga pamangkin ko ay kanina pa siyang naupakan ni Nero Ferell.

Knowing Nero Ferell? Ang hari ng mga Shokoy? Baka nabigwasan na niya kanina pa si Troy na yan.


"Dadalhin ko lang sila sa taas" sabay ko ulit sila binuhat gusto sana akong alalayan ni Nero kaso umiling na lang ako.

Malakas ang radar ng mga pamangkin ko pagdating kay Nero, baka magising lang sila. Sa kwarto ko na lang ulit dinala ang kambal. Baka bigla pa silang makaiyak pag nagising sila na hindi ako nakikita.

Minsan ay naaawa ako sa mga pamangkin ko. Maaga silang nawalan ng ina at alam kung kahit ang Daddy nila ay hindi pa rin tanggap ang pagkawala ni Ate Tinay. How I missed her too. Kinumutan ko na silang dalwa. Saka ako lumbas ng kwarto ko, hindi pa naman kasi ako inaantok. Kasasarado ko lang ng pinto ng bigla na lang akong sinalubungin ng yakap ni Nero Ferell.

"Nero..." he didn't utter a word, but his embrace tightened. 

"Dapat pala hindi ko na pinulot ang mga pamangkin mo. May kaagaw tuloy ako." He whispered while caressing my hair.

"Don't you miss me Hood?" his voice softened, na lalong nagpatunaw sa akin. I was about to remove his embrace and face him but he stopped me.

"Don't move. Don't look at me. Can we just stay like this, Hood?"

"Nero..."

"Hmmmm?" pakiramdam ko ay inaamoy amoy niya ang buhok ko.

"Can we talk?" tanong ko sa kanya.

"We're talking already." I couldn't help but to feel awkward, not because of Nero's presence around me but because of his grinning cousins watching us with their foolish faces.

"Wag kayong masyadong sweet naiinggit si Troy at Tristan." Owen to continued to walk, and he passed us towards his room, malakas niya pa ngang isinara iyon para mas maabala kami ni Nero at magising ang kambal.

"Fuck that Owen!" iritadong sabi ni Nero.

"Bakit hindi pa kayo nagtutulog?" iritadong tanong ni Nero kay Tristan at Owen na nakaupo sa pinakadulo ng hagdan. Ni isnob lang siya ng mga pinsan niya at napansin ko na malayo na ang tingin ng dalwa.


"Anong meron?" nagtatakang tanong ko kay Nero.


"Ikaw ang nasa Pilipinas Hood. Ano pinakain mo sa kanila?"


"I donno" sagot ko na lang.


"Tita." Agad akong napalingon sa pinto. Nagkukusot na matang Tyrone ang nakita ko na nagpapakahirap buksan ang pinto. Sinalubong ko siya at binuhat.


"I saw Mom.." pagkatapos niyang sabihin 'yon ay bigla na lang siyang umiyak.


"Shhh. Tyrone shhhh tita's here" tiningnan ko na lang si Nero para sumenyas na papasok na ako sa kwarto. Tumango na lang siya sa akin.


"Makakaisa na dapat si pareng Nero kaso nagising"


"Shut the fvck up! Troy" yon na lang ang huli kong narinig bago ko sinarhan ang pinto.

Nang nakatulog na ulit si Tyrone naisipan ko na rin mag ayos at matulog. Medyo inaantok na rin naman ako. Hihiga na sana ako nang narinig kong nagring ang phone ko.


N. Ferell: Pag nagkakambal tayo. Hindi pwede ang ganyan. Napangisi ako sa message ng Hari ng mga Shokoy.


Ako: Paano naman magkakakambal? You're too fast Nero!


N.Ferell: Seriously Hood? You're asking me how? Should I go there? ;)

Natigilan ako sa reply niya. Ano ba naman kasi ang inireply ko na yan? Manyak pa naman si Nero Ferell


Ako: Ewan ko sayo. Manyak ka. Shokoy!


N. Ferell: I'm still thinking. Where did you get that 'Shokoy'?


Ako: Basta Shokoy ka!


N.Ferell: Haha. Easy Hood, annoyed already?


Ako: Naantok na ako Nero


N.Ferell: Can you sleep with me?

Nagulat ako sa tanong niya na ito.


Ako: Edi ginapang mo ako? Ayos ka din ahh. No!


N. Ferell: I won't. Libre tsansing ka Hood, kahit saang parte. Is it a good offer?


Ako: Fvck you Ferell. Matulog ka na.


Natatawa na talaga ako sa pinagtetext sa akin ni Nero Ferell. He's so damn.grrrr


N. Ferell: Labas ka muna. 5 mins? Pls.


Ako: Antok na ko Nero

Alam ko asar na asar na itong si Nero.


N.Ferell: Just 5 mins? You can't give me?


Ako: Antok na ko. Bye. Night night!


N.Ferell: Fine! Patay ka sakin bukas.


Ay pikon? Bigla tuloy akong kinabahan sa mangyayari bukas.



--

VentreCanard


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro