Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Mission 42

Mission 42



Hindi pa din kami nagpapansinan ni Nero. At hindi ko alam kung anong pinaglalaban ng Shokoy na yan. Tatlong araw na akong badtrip, buti na lang at andito ang mga pamangkin ko atleast medyo nababawasan ang pagkasira ng bawat araw ko.

Muli kong sinipsip ang orange juice at pasimple kong tiningnan ang lalaking nagbabasa ng libro. Shit! Ikaw na ang gwapo, pakamatay ka na. Masyado lang akong nagtataka bakit nakashades pa siya habang nagbabasa? Nagkakasore eyes din ba ang mga Shokoy ngayon?



Mabilis kong iniwas ang tingin ko nang bahagya niyang nimove ang ulo niya? Did he noticed me?Hindi ko na napansin na naubos ko na pala ang orange juice ko. Hayy.


Kasalukuyan nga pala kaming nasa labas ng mansion. To be specific ay nasa may pool kami. Naglalaro sa swimming pool 'yong mga pamangkin ko  kasama 'yong mga Shokoy maliban lang kay Nero at Aldus.

Pinapanuod ko lang sila habang ako ay nakaupo dito sa ilalim ng isang malaking beach umbrella kahit wala namang araw. At syempre naka beach dress din ako, ayos na ayos kasi ang outfit ng mga Shokoy parang nasa beach, magpapahuli ba naman ako?

Sa kabilang malaking payong naman ay si Nero Ferell na tahimik nagbabasa. Hindi ko alam kung nagbabasa talaga yan o props lang naman kasi nakashades ang Shokoy. Taas ng araw. Nakakailang irap na nga ako sa hangin. Magtatatlong araw na pero ni isang 'hi' or 'hello' ay wala akong natatanggap sa maarteng Shokoy na yan. At tatlong araw na rin akong nag iisip kong ano talaga ang pinaglalabanan niya?

Dapat ba ako ang unang lumapit sa amin? I did try to approach him. Ano namang nangyari sa akin? Ni deadma niya lang ako. Panghahawakan ko ba 'yong sinabi ng mga pamangkin ko na 'Nero loves you' 'but daddy punch him'


Muli akong sumulyap kay Nero na tahimik nagbabasa ng libro. Nagulat na lang ako ng bigla na naman siyang lumingon pabalik sa akin. Agad kong niiwas ang tingin ko sa kanya. Bakit pakiramdam ko ay namumula ako? Damn. Para akong tangang nahuling naninilip ng kung ano.

Pinanuod ko na lang ulit ang mga pamangkin ko na tuwang tuwa sa pool. Pero agad ding nawala ang atensyon ko sa panunuod sa kanila dahil pakiramdam ko ay nagtaasan lahat ng balahibo ko.

Damn. Nero is staring.



Pakiramdam ko ay nagkastiff neck ako. Why I can't move my head? Napakagat labi na lang ako. Damn Nero.. Please quit this. Lumapit ka na sa akin kung gusto mo.

I am well aware the way he stares at me. Ganyang ganyang titig ang nagpabaliw sa akin. Damn you. Nilakasan ko na ang loob ko at nilingon ko siya. But he immediately moves his head to that fucking book. Eksaherada akong napabuntong hininga. Am I hallucinating? Tinititigan niya ba talaga ako? Namamalikmata lang ba ako?

Ngayon ay nakasibangot na akong nanunuod sa mga naglalangoy ngayon. Sumasakit ang ulo ko ngayon. Pero hindi pa man tumatagal ang panunuod ko sa mga naglalangoy nay an eto naman.

This feeling! Mabilis ko ulit nilipat ang paningin ko kay Nero. Nakatingin na ulit siya sa libro. Fvck! Alam ko! Sumusulyap siya sa akin! Hindi ko lang mahuli.

Isa pa. Patay ka sa akin pag nahuli kita. Muli kong inilipat ang paningin ko sa mga pamangkin ko pero alerto ako ngayon. Nang naramdaman ko na nakatingin siya sa akin mabilis akong lumingon sa kanya. Damn! Nahuli na naman ako. Naiinis na talaga ako.

Lalong nagsalubong ang kilay ko nang napansin ko na nakangisi si Nero Ferell. Yes! Nakangisi na ang Shokoy ngayon. I know he's playing with me. Nanliit ang mata ko sa kanya. Kung ayaw mong mahuhuli kitang nakatitig sa akin. Ako! Ako ang tititig sayo. Tingnan ko lang kung hindi ka mailang sa ginagawa mo sa akin.

Siguro ay mga 3 mins na akong nakatitig sa kanya. Napapansin ko na medyo uneasy na siya sa titig ko. Sa katunayan ay bumibilis na ang pagbuklat niya sa book na hawak niya. Ako naman ngayon ang napapangisi. Naiilang ka rin naman sa aking Shokoy ka. I'll play your damn game.


Kinuha niya 'yong orange juice niya at ni straight niya ang inom. Shit!

I can't help but to look at his adam's apple that is slowly moving. Hindi ko mapigilang mapakagat labi. Damn. Hindi ko na napansin na natulala na ako sa kanya.


"Laway mo. Tumutulo" nagising ako sa pagkakatulala. Nakangisi lang naman si Nero Ferell sa kanyang libro.

Pakiramdam ko ay napahiya ako. Kaya hindi ko na napigilan, ang kapal naman niya! Siya nga itong unang tumititig sa akin? Tapos ako pa? Napahawak ako sa labi ko. Wala namang laway. Hayop na Shokoy na to!


"Ang kapal mo naman!"  Hindi niya ako pinansin at tuloy tuloy lang siya sa pagbabasa ng libro niya. Ramdam ko na natigilan ang kulitan ng mga Shokoy dun sa pool. Siguradong na sa amin na naman ang atensyon nila.


"Are you mad Tita Ganda?" malakas na sigaw ni Trevor sa akin.


"Sssshhhhhh. Quiet" pakinig ko ang pagsaway sa kanya ni Troy.

Hindi pa rin ako pinapansin ni Nero Ferell. Sa inis ko ay ibinato ko sa kanya ang lotion ng mga pamangkin ko. Tumama sa ulo niya sa katunayan ay nalaglag pa ang shades niya. Tang ina mo.


"Fuck! What was that for?" iritado siyang bumaling sa akin.


"You've been staring at me!" sigaw ko sa kanya.


"Ako? Baka ikaw. Asa" nakangisi na naman siya. Inayos niya 'yong shades na natanggal sa pagkakabato ko.


"Oy, may mga bata dito. Doon na kayo sa loob maglambingan. Alam na ang sunod diyan. Haha" sabat ni Owen sa amin. Sinamaan ko siya ng tingin.


"Doll.. marupok yang si Nero. Halikan mo ng isa, timik yan. Haha" nakisabat na rin si Troy.


"Fuckers" sagot ni Nero sa mga pinsan niya. Hindi pa din maalis ang mapang asar na ngisi ng Shokoy.


"Your mouth!" sabay sabay 'yong tatlo sa pool habang tinatakpan ang tenga ng mga pamangkin ko. They looked cute!

Nagkibit balikat lang si Nero. Sa sumunod na mga minuto ay hindi ko na pinakialaman ang maarteng Shokoy sa kabilang payong. Ayaw niya talaga akong pansinin. And I don't know how to approach him. Inaartehan  niya kasi ako, bakit ganyan na lang lagi? Ako lang ba dapat ang naglalambing dito? Masyado naman atang sinuswerte ang Hari ng mga Shokoy na yan?

Kaya nanuod na lang ulit ako sa mga nagkukulitan sa pool. Lumapit na ako mismo sa pool at nitubog ko ang aking paa habang nagtatampisaw.


"Tita, why can't you join us?" tanong sa akin ni Tyrone.


"She can't swim. Sa banyo na lang yan"


Nagulat na lang ako nang biglang nagdive si Nero sa pool. All are topless. Shit.

Nakisali na rin siya sa pakikipaglaro sa mga pamangkin ko. I don't know that Shokoys are fond of kids. Hindi ko maimagine na makikipaglaro sila sa mga pamangkin ng ganyan. Watching them is such an entertainment.

Nakakatuwang tinginan na ang mga walang hiyang Ferell na ito ay mahihilig din pala sa mga bata. At habang pinapanuod sila, hindi mo maiisip na puros balaura ang mga Shokoy na yan. Akala mo ay mga Anghel kung makipaglaro sa mga pamangkin ko.

Enjoy na enjoy sila sa pakikipagbasaan sa isa't isa. Sabagay medyo isip bata naman kasi ang mga Shokoy nay an kaya nagkakaintindihan sila ng mga pamangkin ko.


"Look at this Trevor and Tyrone. Chicks are coming if you have this" nagyayabang na naman si Troy. At talagang niyayabangan niya ang mga pamangkin ko.


"Umayos ka Troy, wag mong turuan ang mga pamangkin ko ng kalokohan mo" Hindi ako pinansin ni Troy. Walang hiya.

Nakaupo na kasi si Troy ngayon, hindi na siya nakalubog ngayon sa pool at pinagyayabang lang naman niya ang abs niya.


"Count boys" feel na feel naman ni Troy at talagang nagpose pa talaga siya.


"One ..two... three ..four..five...six" bilang ni Tyrone.


"He got six.." sabi naman ni Trevor.


"Bulok. Look at this boys, I got more" sumampa din si Owen at nagpopose din para maemphasize ang pinagmamalaki niyang abs.

Ako naman ay speechless na lang sa mga nakikita ko. Pakiramdam ko ay kanina pang nanunuyo ang lalamunan ko sa pinaggagawa ng mga Shokoy na yan.


"One, two, three, four, five, six, seven, eight!" bilang naman ni Trevor.


"He got more! Troy is bulok" sabi naman ni Tyrone. Nagulat ako sa sinabi ng pamangkin ko, may namana na agad silang words sa mga Shokoy. Utas sa kakatawa sina Tristan, Nero at Owen. Habang nakasibangot si Troy, sa pagkabadtrip pa niya ay tinulak niya sa pool si Owen.

Mabilis na lumipad ang dirty finger ni Owen Ferell habang tumatawa. Agad ko namang sinipa ang tubig papunta kay Owen para sawayin ang dirty finger niya baka matuto ang mga bata.


"Sorry" nagpeace sign sa akin si Owen.


"His abs is fake boys, don't believe on him" nakangusong sabi ni Troy.


"Tang ina bitter mo pinsan" sinipa siya ni Tristan sa likuran kaya nahulog siya sa pool. Nakaahon na pala si Tristan, for sure hindi rin ito magpapatalo sa bilangan ng abs.


"Hey boys, look at this. Count too" sabi naman ni Tristan. Binilang din ni Trevor. So far ay eight din ang sa kanya. Kung ganun ay kulang lang talaga sa workout si Troy.

Lalong naging busangot ang mukha ni Troy habang kami naman ay tawa ng tawa.


"Damn, ayoko na sa abs na 'yan! Pagandahang lalaki na lang! Ano bang kinalaman ng abs sa chicks? Sa mukha! Sa mukha magkakaalaman!" lalong lumakas ang tawanan namin. Pikon talaga itong si Troy.


"What about Nero? How many abs do you have?" inosenteng tanong ni Tyrone. Siya na lang naman kasi ang hindi nakakapagyabang.


"Siguradong four lang 'yong kanya. Tamad yang mag workout" proud na sabi ni Troy.


"Why don't you ask your Tita? She loves counting my abs.. she knows my abs number" nagsmirk pa sa akin si Nero bago siya sumisid palayo. Natigilan ako sa pagtawa dahil sa walang hiyang sagot ni Nero Ferell. Ngayon ay nagtatakang mga mata ng pamangkin ko ang inosenteng nag hihintay ng sagot ko. Damn Ferell.


"Censored" natatawang sabi ni Troy.


"Akala ko counting stars. Counting abs na pala. Haha" natatawa ring sabi ni Owen.


"Tita ilan daw?" nakangisi na rin si Tristan sa akin. Muli kong nitingnan si Nero Ferell na preteng nagffloating doon sa dulong pool. So landian tayo Nero?


"I think he got four abs babies" nangiti kong sagot sa mga pamangkin ko.


"He's bulok too" nangingiting sabi ni Trevor.


"Yes, he ---" Shit!


"Shit! I'm drowning!" someone pulled me! Naghahampas ako nang naghahampas. Bakit nila ako hinila? Ayoko ngang maglangoy!


"Oh my god! I can't swim"


"I'm drowning! Shit!"


"Hey, hey shhhh. Hood"  medyo kumalma ako at napamulat. Naramdaman ko na hawak na ako ni Nero sa magkabilang bewang. Kanina lang nagffloating siya sa kabilang dulo right?

Ang bilis naman  niyang maglangoy? Well Shokoy nga pala. Nagtaka pa ako.


"Censored na ito. Ahon na tayo kids. Hahaha" rinig kong sabi ni Troy.


"Ilan?" bulong niya sa akin. Naramdaman ko pa ang bahagyang paglapat ng labi niya sa tenga ko. Lahat ata ng balahibo ko sa batok ay nagtaasan.


"What?" naguguluhang tanong ko sa kanya. Underwater, he grabs my hand. And to my surprise, I felt his damn abs. God!


"Now count. Take your time" nakataas ang kilay niyang sabi sa akin.


"Oh boy, masama yan sa bata" napansin ko na nagsisimula nang itulak palikod ng mga Shokoy ang mga pamangkin ko.

Pinilit kong tanggalin ang pagkakahawak ng kamay ko sa kanyang pinagmamalaking abs. Pero pinigilan niya ito ng isa niyang kamay. Damn Nero. Sukdulan na talaga ang paglalandi mo. Hindi ko akalaing may ilalandi ka pa sa mga naranasan ko sayo. He didn't even think that we have my nephews around!


"Count"


"Ano bang count?!"


"You can't?" inatanggal niya ang pagkakahawak niya sa kamay ko na nasa abs niya kaya agad kong nialis don ang kamay ko.

Akala ko ay pinakawalan niya na ako kaso hindi mas hinapit pa niya ang bewang ko para mas magkadikit kaming dalawa. Akala ko malamig ang tubig ngayon. Pero hindi, sobrang init, pakiramdam ko ay nilalagnat ako.

Habang ang isa niyang kamay ay nakapulupot sa bewang ko, ang isa naman ay bahagyang nisumping ang mga takas kong buhok.


"Should I teach you how to count Hood?" pumungay ang mata niya sa akin.

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Though I'm nervous this time, I can't help but to feel very happy, how I missed this damn feeling Nero. How I missed you Nero Ferell.


"Or should I count first? Try me Florence. I'm good at counting" feeling ko ay kamatis na ang mukha ko sa nangyayari ngayon. Anong bibilangin niya?

Parang mas kinakabahan ako pag siya ang nagbilang. Hinagip niya ulit ang kamay ko sa ilalim ng tubig. Kahit nasa ilalim ng tubig ang kamay ko ay nararamdaman kong nangangatal ito.


"Don't be nervous Hood. That's yours" bulong niya sa akin.


"Nero!" kinakabahan talaga ako.

Sa hitsura ngayon ni Nero, hindi ko kaya kung saan niya ilalagay ang kamay ko. Dyosko.. I didn't expect na ganito niya pala ako iaapproach! Sa ganitong paraan pala.

Lumapat ang kamay ko sa abs niya. Malaki ang pasasalamat ko sa lahat ng mga dyosang nakatungo sa akin ngayon. Maraming salamat po at hindi pa masyadong malandi at mahalay si Nero ngayon. Nag New York lang siya ay nagpapabilang na ng abs underwater. Inuuhaw na talaga ako.

Mahinang tumawa si Nero. He probably saw my expressions.


"Stop that expression Hood. Stop being cute please, your nephew is around. Don't tease me" natatawang sabi niya sa akin.


"I'm not teasing you" nakangusong sabi ko sa kanya. Pinagtaasan niya lang ako ng kilay.


"Ilan?" Pakiramdam ko ay napaso ang kamay ko sa ilalim ng pool. Pinilit kong alisin pero pinigilan lang ito ni Nero.


"You can't remove that unless you count it Hood" nakangising sabi niya sa akin. I don't have a choice but to count. Nakakagat labi siya habang dahan dahan kong binibilang underwater ang pinagyayabang niyang abs.


"Eight!" namumulang sabi ko sa kanya.


"Nice girl" bahagya niyang nitaas ang mukha ko to play his nose to mine.


"It's been a month Florence.." mahinang sabi niya sa akin. Hindi ako nakaimik sa sinabi niya.


"It's been a month.. I missed your foods...your rolling eyes...your irritating voice.. And your damn lips"


"Nero, I missed you too" sagot ko sa kanya. Bahagya akong napakagat labi sa sinabi ko. I closed my eyes when he was about to claim my lips.


"Nero! Why are you attacking Tita?" malakas na sigaw ni Tyrone ang narinig ko. Mabilis akong napamulat.

Nagkakamot na ulo ni Owen at Troy ang nakita kong tumatakbo. Paanong nakatakbo yan dito? Akala ko ay iniahon na siya? Nakamaywang ngayon ang cute kong pamangkin na masama ang tingin kay Nero.


"Oh, oh panakaw na pala ang mangyayari ngayon" bulong ni Nero sa akin. Inirapan ko na lang siya.

Akala ko ay tuluyan na kaming aahon pero ito na naman at nagtaasan na naman ang mga balahibo ko nang marahang bumulong sa akin si Nero.


"Kapag tulugan na lang tayo Hood.."





--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro