Mission 39
Mission 39
Hindi ko alam kung papaano nila ako napapayag sumama. Dahil kung ako ang tatanungin mas pipiliin ko na lang manatili sa mansion nila kaysa umalis.
"Ano bang oras ng flight?" tanong ko kay Troy. Kasalukuyang niyang hila hila ang malaking kulay pulang maleta.
"2:30pm, let's go baka mahuli pa tayo" sabi niya. Nasa van na kasi ang ibang Shokoy na maghahatid sa airport. Umuna na akong maglakad kay Troy papunta sa van at pumuwesto sa panghulihang upuan.
"Are you sure you're coming Wada?" tanong sa akin ni Owen.
"Heto na nga ayos na ako? Ngayon pa ba ako aatras? Now let's go to the airport baka malate pa tayo" inirapan ko pa siya. Parang kanina lang ay pinipilit nila akong sumama ngayon naman na pumayag na ako hindi sila makapaniwala?
Shokoys.
"Saan natin susunduin si Nally?" tanong ni Tristan.
"Nasa bahay daw siya ni Veronica, nagpapaalam na daw. Madadaanan naman natin ang bahay nila, diretso lang Mang Bert" sagot naman ni Aldus. I'm still not talking to him. I don't like his attitude last time. Hindi ko maiwasan sisihin siya sa lahat but that's unfair to him kung napansin ko sana agad na hindi siya si Nero, sana hindi na nagkagulo.
Saglit na tumigil ang van namin dahil sa pagsundo kay Nally. Well after that incident, dun sa coffee shop hindi ko na siya masyadong kinakausap kung may tinatanong siya sa akin sa bahay sumasagot ako pero sinisikap kong tapusin ng mabilis ang bawat pag uusap namin. I don't feel good with her, lalo na ngayong naalala ko na siya. Not an ordinary Aylip member.
Bakit hindi ko siya agad nakilala? That was last 2 years ago, madami nang nangyari sa akin at nagpatongpatong na kaya siguro hindi ko agad siya nakilala agad.
Pero ang malaking ipinagtataka, she acts like nothing happened. She's back with the cheerful Nally, para nga siyang nagkaamnesia. She never asks me or talks about it anymore. At malaki ang pasasalamat ko dahil hindi siya kasing kulit nina Tania at August.
"Okay this is it. Mamimiss ko kayong lahat" madramang sabi ni Nally.
"Are you sure hindi ka sasama Florence?" tanong niya sa akin. Ilang beses ko bang sasabihin sa kanya na hindi ako sasama? Wala na akong pakialam sa kapatid niyang Shokoy.
Hindi pa ba sapat ang paghahatid ko sa kanya sa airport kahit labag sa loob ko? Tinatamad naman talaga akong maghatid, bakit ba naman pinilit pa nila akong isama dito sa paghahatid na ito. Damn.
"Don't force her Nally. Dito lang siya sa Pilipinas" iritadong sagot sa kanya ni Aldus.
"Be good boys, okay?" nakapamaywang niyang sabi sa mga Shokoy.
"Yes, Nally" halos sabay nilang sagot na apat. Pero nagulat na lang ako ng isa isa niyang nilapitan ang mga Shokoy at halkan niya ang mga ito sa magkabilang pisngi sa paraang may panggigil. She's really treating them like a kid. Napapatawa na lang ako sa eksenang nakikita ko.
"Shit! Nally it's embarrassing" iritadong sabi ni Owen habang nagpupunas ng pisngi.
"Sabi nang hindi na kami bata. Tss" nagpupunas naman si Aldus sa kanyang noo.
"Nakakahiya" kunot noong sabi ni Tristan.
"Ingat ka Ate, Love you" si Troy lang ata ang nakangisi sa kanilang apat.
"Hmmmp! Ang arte nyo. Dati rati nagsusuntukan pa kayo kung sinong una kong ikikiss. Talagang mga binata na kayo" isa isa nyang ginulo ang buhok ng mga pinsan niya.
Pinipilit ko na lang hindi mapalakas ng tawa. Dahil puros nakatungo na sila sa kahihiyan. Napapatingin na kasi sa kanila 'yong ilang tao na napapadaan. I wonder how they look during their childhood days, probably adorable and annoying boys.
"Nally, baka maiwan ka na ng eroplano" pagtataboy ni Owen sa kanya.
"Give me one more hug cousins. Aalis na si Ate, mamimiss ko talaga kayo" this is more shocking, nagroup hug silang magpipinsan. Very rare, first time ko lang napanuod ito.
"My babies, mga loverboy na! Sige na. Bye. Florence take care of them okay? Mababait naman ang mga yan lalo ng pagtulog. Haha" nakipagbeso beso siya sa akin
"I know" sagot ko na lang sa kanya. Sinundan lang namin siya ng tanaw hanggang sa hindi na namin siya makita. Isa lang ang masasabi ko sa kanya. She's damn beautiful and mysterious, like her brother.
A typical Ferell, akala mo madali mo lang makikilala pero may itinatago rin pala. Just like these men beside me, sa ilang buwan naming pagsasama alam kong hindi ko pa rin sila lubusang kilala.
I know they're hiding something from and every time I think it I can't help but start having a strange feeling.
--
Nasa biyahe na kami pauwi.
"Mag aasawa ba daw si Nally?" wala sa sariling tanong ni Owen.
"May boyfriend daw 'yong kano" sagot naman ni Troy.
"Asa, single pa 'yon" sagot naman ni Aldus.
"I think she can't really get over him" sabat naman ni Tristan. Wala nang sumunod nagsalita sa sinabi ni Tristan. Kung kaylan nagiging interesante na ang usapan nila saka naman sila tumitigil.
Nakauwi naman kami ng maayos, buti na lang at hindi kami nadelay nang kahit anong kaartehan at kalandian ng mga Shokoy.
--
Magtatatlong linggo nang nasa New York ang hari ng mga Shokoy. Nagtataka na rin ang mga kapwa niya Shokoy dahil hindi man lang ito tumatawag. Kahit si LG na gusto kong kausapin ay hindi na rin nagpapakita mag iisang buwan na.
Kasalukuyan akong pinagpapawisan sa ilalim nang sikat ng araw. Walang katapusang pagpupunas ng pawis ang ginagawa ko. At syempre sobrang asar na asar na rin ako ngayon. Hindi na ata matapos tapos ang pag irap ko sa hangin dahil sa mga nakakairitang nakapaligid sa akin.
Nasa university nga pala ako at PE daw namin. Nagtataka ako dahil matagal na naman kaming tapos sa PE. Wala na akong magagawa dahil 'yon ang gusto ng buong klase, kakatapos lang kasi ng midterm. Maguunwind daw sila, bakit naman dinamay pa ako?
Blue team vs. Yellow Team. Kami 'yong yellow team.
Volleyball nga pala ang nilalaro namin ngayon. Hindi naman ako marunong kaya nasa bangko ako. Unfair naman daw kung sisilong ako kaya andito rin ako sa initan at nanunuod ng lumilipad na bola. Nasa loob ng court si Lina dahil marunong siyang maglaro. Unang palo pa lang niya ay hindi na nasambot ng kalaban kaya puntos sa amin.
Malakas na palakpak ang narinig ko mula sa likuran ko. Kahit ako ay napapalakpak pero hindi kasing exagged katulad ng nasa likuran ko.
"Nice spike" boses ni Tristan Ferell. Kanina pa yang cheer ng cheer kay Lina, nagtataka nga ako kung bakit yan nandito. Wala ba siyang klase?
Panay ang palakpak at sigaw niya sa bawat galaw ni Lina. Napapairap na lang ako sa hangin. Niloloko ka lang niyan Lina.
"Prrrrrtttttttt!" mahabang pito.
Napatingin tuloy ako sa nakakaiyamot na referee. Wala namang dapat pituhan bakit bigla na lang niyang hinipan yang pito niya? Marunong ba talagang magreferree ang isang yan?
Sarap batuhin ng bola.
"Bitter 'yong bangko nyo! 1 point sa blue team" sinamaan ko ng tingin ang lintek na referree. Sino pa ba? Si Troy Ferell lang naman.
Hinahagisan na ako rito nang matatalim na titig ng halos lahat ng babae rito. Wala na kasi akong magagawa, hindi ko na mapigilan ang mga Shokoy na yan sa pagpansin sa akin. Nagpapakahirap lang ako sa buhay ko kaya pinabayaan ko na lang silang pansinin ako basta ako patay malisya pag kinakausap o nagpapapansin sila sa akin.
"Troy umayos ka diyan!" sigaw ng lineman sa side namin. Guess who? Si Aldus lang naman.
At ang lineman naman sa kabila ay si Owen. Sinong hindi matutuwang maglaro pag ang mga Shokoy na yan ang committee. Mas mabuti pa ngang sa bangko na lang ako. Nagpakawala ako nang isang malalim na buntong hininga.
Halos bugahan na ako ng apoy na ng mga babae rito. Mapateammate ko o kalaban man. Bakit kasi ang mga yan ang committee? Malas.
Itinuloy na ulit ang laban. At talagang napapahanga ako kay Lina, she has the talent. Bawat tira niya ay may score, pudpod na nga ata ang kamay nitong si Tristan sa kakapalakpak. Habang ako dito ay pinagpapawisan sa pagiging bangko, ang mga Shokoy naman naming committee ay puros mga nakapayong. Ang aarte! Mga nakawayfarer din nga pala silang apat. Nagmana talaga kay LG.
"Naiinitan ka ba Warden Doll? Gusto mong sumukob?" tanong sa akin ni Tristan. Nakatayo siya ngayon sa tagiliran ko at namamayong, samantalang ako ay pawis na pawis na nakaupo sa bench sa ilalim ng tirik na tirik na araw.
"No thanks. I need my skin tanned" inirapan ko pa siya.
"Okay" maiksing sagot niya. Nagulat na lang ako nang bumagsak si Lina, napatayo rin ako sa kinauupuan ko. What happened? Papaano siya natamaan ng bola?
Agad tumakbo sa kanya si Tristan at binuhat para madala sa bench na inuupuan ko. I can see that her nose is bleeding.
"I need to bring you to clinic Lina" sabi ni Tristan. Natigil ang laro dahil sa nangyari kay Lina.
"Hindi, ayos lang ako" malamig na sagot ni Lina. Madali kong kinuha ang towel ko sa bag at ibinigay kay Lina.
"Here" abot ko sa kanya ng towel ko.
"Thanks" tipid na sagot niya.
"Dalhin mo na nga siya sa clinic Tristan para sure" sabi ko kay Tristan. Bubuhatin na dapat siya ulit ni Tristan nang tabigin niya ang kamay ni Tristan.
"I'm fine" nangunot ang noo ni Tristan.
"Lina, you need to go to clinic" pagsingit ko.
"Ayoko nga!" pinagtaasan niya ako ng boses which is first time. Nakakagulat.
"Lina.." malamig na boses ni Tristan.
"Damn!" padabog niyang itinapon sa bench 'yong towel na binigay ko sa kanya at nagwalk out siya. She's never been like that before, anong nangyari?
"Sorry for that Warden Doll" sabi sa akin ni Tristan at nagmamadali niyang hinabol si Lina. Something is wrong with her. Dahil kulang na kami ng player, wala na akong choice kundi maglaro.
"Maglalaro na ang secret weapon ng yellow team. Hahaha" inirapan ko na lang si Troy.
"Go Wada" sabi sa akin ni Owen. Siya naman ngayon ang lineman sa side namin. Maalam naman akong magserve kaso hindi ko alam kung paano controlin. Kaya ang nangyari, ang una kong serve ay sobrang lakas. At pangita nang outside ito.
"Out!" sabi nang kalaban. Nakakapanlamya naman ang larong alam mo naman na wala kang kaalam alam.
"Inside!" malakas na sabi nang lineman sa kabila. Damn Aldus! Kahit ako kitang kita ko na outside ang serve ko na 'yon. Mas pinapagulo lang niya ang laro namin dito. Pwede bang wala na lang committee?
"Anong inside? Kitang kita outside ang serve ni Florence! Palakasan naman ata sa larong to!" galit na sabi ng kalaban namin. Kahit ako ay magagalit kung sa akin ginawa yan.
"Inside nga!" sagot din ni Owen. Kita ba niya mula dito?
Malakas na pumito si Troy Ferell dahil nagtatalo na ang magkabilang team. Hindi naman mga players ang magugulo sa laro, yan mismong mga committee! Hindi marurunong!
"Hoy! Umayos kayo linemen, outside! Haha. Ilabas na yang number 11 na yan. Doll sa pagandahan ka na lang. Hahaha" napapahiya na ako sa sistema ng mga lintek na committee ito. Sila nga itong nagpumilit sa akin lumaro tapos isang serve lang palalayasin na ako?
"Maglalaro ako! Umayos kayo mga committee! Kundi kayo ang patatamaan ko ng bola" iyamot na sigaw ko sa kanila. Narinig ko na lang tumawa si Owen at Troy sa sinabi ko. Damn Shokoys.
Nasa kalaban ang bola ngayon. Ang talagang napapansin ko na sa akin nila pinapapatak ang bola dahil alam nilang hindi ko masasalo. Buti na lang at maagap ang mga kasama ko at sinasalo nila ang dapat ay sa akin.
Ang napapansin ko lang ay sa bawat may magseserve sa kabila ay napapatingin sila sa likuran nila. To be specific ay napapasulyap sila sa nakapayong na Aldus Ferell. Baka kung ano pa ang sinasabi ng Aldus na yan.
"Guys ready kay Florence na naman yan papatak" sabi ng kateammate ko.
Nagulat na lang ako sa lakas ng palo ng nagserve. Agad humarang ang mga kasama ko sa akin para saluhin ang bola. Kaso mukhang nagkamali sila ng tansya dahil lumagpas ito sa kanila. Masyadong malakas ang pagkakapalo nong nagserve kaya hindi nakaya ng dalawa kong kasama.
Shit! Tatama ata sa akin. Hindi na ako nakagalaw sa ikatatayuan ko. Sa bilis ng pangyayari ay napapikit na lang ako nang naramdaman ko ang sakit sa mukha ko. Damn sa mukha talaga!
Naramdaman ko na lang ang unti unti kong pagbagsak. Ang sakit ng ulo at mukha ko. Mas malakas at mahabang pito ang narinig ko, ang inaasahan ko ay matigas na lupa ang sasalo sa akin nang may naramdaman akong bisig na sumalo sa akin. Afterall I'm safe.
"Tang ina! Sinadya!" malakas naa boses ni Owen ang narinig ko. Pakiramdam ko ay biglang nanikip ang dibdib ko nang narinig ko ang boses ni Owen. Am I expecting that he'll suddenly appear somewhere? Pilit kong pinilig ang nasa utak ko. I should stop this illusion. Pinapaasa ko lang ang sarili ko.
"Ilan pa sa yellow team ang dudugo ang ilong ngayon?" iritadong sabi ni Troy. Nakalapit na rin siya sa akin.
"Sabi ko na sa inyong hinaan nyo lang ang pagseserve! kung sa kanya nyo papapatakin!" malakas na boses ni Aldus. Naramdaman ko na lang na may nagbuhat sa akin. Bahagya ko nang minulat ang mata ko.
"May black eye na ba ako?" mahinang tanong ko.
"Oo" natatawang sagot ni Troy. Buhat ako ngayon ni Owen habang nasa magkabila ko naman si Aldus at Troy.
"No, you're still beautiful Warden" sagot naman ni Aldus.
"Inggit lang ang mga 'yon mas maganda kasi ang legs mo sa kanila. Hahah" napairap na lang ako sa kamanyakan ni Troy Ferell.
"Fvck Troy! Saan ka ba nakabantay kanina sa bola o sa legs ni Warden? Gago ka!" medyo iritadong sabi ni Aldus. Mag aaway pa ata ang mga Shokoy. Nagsisimula na naman akong mairita.
"Hindi ah! Sa bola ako nakatingin. Aksidente lang akong napapasulyap sa legs niya. Haha"
"Haha. Gago! Sinong niloko mo?" sagot sa kanya ni Owen.
"Painosente ka pa dyan ikaw rin naman Owen!" sagot sa kanya pabalik ni Troy.
"Ayos ah! Parang hindi aking legs ang pinag uusapan nyong tatlo ah. Ang sasarap nyong pag uuntugin!" kung hindi lang ako naliliyo ay pagsisipain ko ang tatlong ito.
"Saan ba natin siya dadalhin? Sa clinic o sa hospital na?" tanong ni Owen sa kapwa niya Shokoy
"Wag kayong OA. Sa clinic nyo na lang ako dalhin" iwinasiwas ko pa ang kamay ko.
"Masusunod ang mahal na reyna" sagot ni Owen. Nagsitawanan rin si Aldus at Troy sa sagot sa akin ni Owen.
Halos lahat ata ng nakakasalubong namin ay napapatigil o kaya ay napapatulala sa nakikita. Buhat lang naman ako ng isang Ferell tapos may bantay pang dalawa sa magkabila. Sinong hindi matutulala?
"So totoo nga na kilala nila si Florence.." rinig kong pinag uusapan ng dalawang babae na nakasalubong namin. Siguradong magiging usapan ito nang buong campus. In short, more problems are coming.
"Ano nang nangyari sa usapan natin na walang pansinan?"
"Matagal nang void 'yon. Haha" sagot sa akin ni Troy.
"Oo nga. Pinagbibigyan ka lang namin noon" sabi naman ni Owen.
"Yang si Aldus lang talaga ang matigas ang ulo. Tss" may pag iling pang nalalaman si Troy.
"Fuck you" nakangusong sagot sa kanya ni Aldus. Nakarating naman ako ng maluwalhati sa clinic nang hindi naibabagsak ni Owen sa kabila nang kantiyawan nilang tatlo.
Pero unang hakbang pa lang namin ay narinig ko na ang malakas na boses ni Lina.
"Because you don't love me! You're in love with someone else!" narinig ko ang paghiki ni Lina. So may problema nga talaga sila ni Tristan. Kaya pala ganun na lang ang kinikilos niya kanina.
"Fvck! Inlove to someone else?! Lina naman walang ganyanan! What the hell? Sino naman?! Ikaw lang Lina! Ikaw lang!" galit at frustrated na sagot ni Tristan.
"Papasok ba tayo?" tanong ni Owen sa mga pinsan niya.
"Let's go inside. Natural lang ang pag aaway, wag na lang tayong makigulo" sagot ni Aldus. Dinala nila ako sa dulong kama. Agad nagsilapit sa amin ang ilang tulalang nurse sa pag aaway ni Tristan at Lina.
I want to approach Lina and talk to her. Pero pinigilan ako ng mga Shokoy, dapat daw ay magpahinga na lang ako. Nang sandaling nakapasok na kami ng clinic hindi na ulit nagsalita si Lina o kaya si Tristan. Pero ramdam na ramdam ang tensyon sa kanilang dalwa.
"May third party agad sa kanila?" bulong ni Owen kay Troy.
"Malay ko. Siguro nambabae si Tristan" simpleng sagot ni Troy.
"Malamang" sabi naman ni Aldus. Confident talaga silang nanloko ang pinsan nila. Magaling.
"Paano na ang volleyball game? Puros nandito ang mga walang kwentang committee" may hawak na akong yelo na bahagyang idinadampi sa ulo ko. Medyo liyo talaga ako sa tama ng bola.
"Ang sakit mo namang magsalita Doll, pwede naman silang maglaro nang wala kami. Haha" sagot sa akin nang magaling na Troy Ferell.
"Kayo ang nagpagulo ng laro" nailing na lang ako. At mas lalong sumasakit ang ulo ko.
"Nauuhaw ka ba Warden? Gusto mo ibili kita ng tubig?" tanong sa akin ni Aldus. Sa totoo lang ay uhaw na talaga ako. Kaya tumango na lang ako sa kanya.
"Sige, kayo muna ang magbantay sa kanya. Bibili lang ako ng tubig" mabilis na lumabas si Aldus sa clinic. Napansin ko na lumabas na rin si Lina sa clinic na siya namang hinabol ni Tristan.
"Kahit kaylan hinding hindi ako magkakaganyan sa babae" sabi ni Troy habang nakatingin sa glass door na nilabasan ni Tristan.
"Okay. Sinabi ko bang magkaganyan ka?" mataray na sabi ko sa kanya.
"Wala. Hahaha. Taray mo! Kaya ka tinatamaan ng bola e!" sagot niya sa akin.
"Gusto mong ikaw ang tamaan sa akin Troy Ferell?" iyamot na sabi ko kanya nasa akto akong ihahampas ang yelo sa kanya.
"Chill Wada. Baka lalo kang maliyo" ibinaba ni Owen ang kamay ko na dapat tatama kay Troy
"Pero gusto mo nang umuwi si Nero?" bigla na lang sinabi ni Troy na may nakangising mukha. Natigilan ako sa biglang tanong niya. At saan naman nanggaling 'yon?
"Gagong 'yon! Ni hindi na nagpaparamdam" sabi ni Owen habang pinipindot ang cellphone niya.
"I have a bright idea pinsan, siguradong uuwi ang Nero na 'yon" bakit parang hindi maganda ang nararamdaman ko sa bright idea'ng sinasabi nang Troy Ferell na yan. Mga dalwang minutong nagbulungan ang magpinsang Shokoy at hindi ko talaga mapakingggan.
"Ano na namang kalokohan yan? Ha?" biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang sabay silang lumingon sa akin na may nakakalokong ngisi.
Kinakabahan na talaga ako.
"Magseselfie lang tayo Doll kaso may konting trick" nagulat na lang ako nang sabay na tumabi sa akin si Troy at Owen sa magkabila ko. At ito ang mas kinagulat ko. Sabay nila akong hinalikan sa magkabilang pisngi. Tatlong mabibilis na flash ng camera ang sumilaw sa mata ko.
Ang bilis ng mga pangyayari. Pakinig ko rin naman ang iritan nang mga nurse sa ginawa ng dalwang Shokoy. Siguradong gulo na naman ito kung magkakataon.
"Dali isend mo sa gago! Lilipad yan pabalik sa Pinas. Utas na naman ako nang tawa nito. Haha" enjoy na enjoy na sabi ni Troy Ferell.
"Hindi ko akalain na makakahalik ako sa pisngi ni Wada. Nero's gonna kill us Troy" parehas silang nakasilip sa cellphone nila at nakangising nagpipindot doon.
Dapat magagalit ako sa ginawa nilang dalawa, dapat ay napagsampal ko na sila pero bahagya na lang akong napangiti. They're helping me, though ito nga lang ang style nila. Kaya ang nangyari natulala na lang ako sa kalokohan nilang dalawa.
"Ilagay natin sa malaking frame, doon natin sa sala ilagay para kita agad ni Nero pagdating! Haha" halos pulang pula na si Troy sa katatawa.
"Bakit hindi mo subukan Troy, dalawang pinsan natin ang magwawala panigurado" sabi ni Owen habang patuloy sa pagpipindot sa kanyang cellphone.
"Sent!" sabay na sabi nilang dalawa. At talagang nag apir pa silang dalawa.
"This will work Doll, 'yong text pa nga lang nilipad niya na ang hotel. What more kung may picture? Haha. Trust me, I know my cousin" kinindatan pa ako ni Troy. Anong hotel ang sinasabi niya?
"Siguradong nagwawala na 'yon ngayon. Haha" natatawang sabi ni Owen.
"Knowing him Doll, konting halik lang 'yon. Bati na kayo, so don't be sad okay? Our Doll should always be happy"
"Smile Wada, you're prettier when smiling"
Since the time we've met I've heard different sweet words from these two Shokoys, to the point of annoyance.
But today is very unusual because their simple words. I felt it touches my heart.
Very warm
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro