Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Mission 33

Mission 33


I'm still confused with these two. I think the last time I checked, they're against with my relationship with Nero right?


"Why sudden change of plans? Di ba ayaw nyo sa relationship namin ni Nero?" tanong ko sa kanila.


"Florence, the moment we witnessed that scene we realized that we can't really stop you two. Bahala na kayo, afterall it's not really our business. To be honest maybe we are just quite insecure to you, coz Nero really loves you, I never seen my Dylan looked at me like that" medyo malungkot na sabi niya sa akin. Dylan? Is that the guy before? 'yong kasama ni Jare?


"I'm not insecure. Just you" pakining kong bulong ni August. Should I tell her na nakita ko ang Dylan niya kanina? They talked about you Tania. Pero mas pinili ko na lang manahimik. I don't want to make her feel more complicated.


"By the way nakalimutan kong magpakilala ng maayos. Hi! I'm Antonia Scarlett Fuentes. I don't know kung late ba ito or what ? just a formal meet up! Haha Masyado kasing magulo ang una nating pagkikita!" inilahad niya ang kamay niya sa akin na agad ko namang tinanggap


"I'm Augusta Laveign pero August na lang" nakipagkamay rin siya sa akin. 'Nong una akala ko suplada lang talaga itong si August pero nang sa sandaling ngumiti siya ngayon which is first time nawala na lang lahat ng imahe na 'yon sa akin.

Maganda rin si August at may malaposelana rin siyang balat though hindi siya ganong katangkaran katulad ni Tania. She has this kind of eyes, unang tingin mo na agad sa kanya malalaman mong isa siyang masayahing tao.

I wonder kung bakit hindi siya ganito sa akin nung una naming pagkikita. Coz I first find her like a girl without patience. Maybe that's because she doesn't like someone who's disobeying rules.


"I'm Florence Celestina Almero" sagot ko naman sa kanila.


"So, ilang taon ka na sa Aylip?" tanong sa akin ni Tanya.


"Mag iisang taon na ata? Hindi ko alam, hindi naman ako active isang beses lang ako nakaattend ng gathering" Should we change the topic? Ayoko na sa Aylip.


"So same age lang pala tayo. You're eighteen or nineteen?" tanong sa akin ni August.


"I'm 17" nahihiyang sabi ko.


"What?!" sabay na naman silang dalawa.


"Hindi pa pwede ang 17 sa Aylip diba August?" gulat na sabi ni Tanya.


"Sinong nagrecommend sayo? She's surely a damn big time" sabi ulit ni August. Napailing na lang ako sa kanila. That's Kuya Nik's wife, she's now resting peacefully. Kunot ang mga noo nila pareho sa akin sa hindi ko pagsagot.


"She's no longer a member. She's far long gone probably an angel now" bahagya akong ngumiti sa kanila.


"Oh. Sorry for that" nahihiyang sagot sa akin ni August. Hindi din naman naputol ang usapan ng may sinabi si August kay Tanya.


"Dapat si Lolo na lang ang tinawag ng mga Ferell na yan" sabi ni August.


"True! May next game pa naman din sina Dylan inaabala ng mga Ferell na yan si Dad" sagot ni Tania. Napagdesisyonan namin na sa may pool na lang daw kami mag usap-usap. 'Yon daw matinong usapan, malayo sa Aylip. Malayo sa complications.

Bahagya kong itinaas yung mahabang dress ko para maitubog ko ang paa ko sa pool. Naka casual pa naman kasi ang dalwang ito. Out of place ang outfit ko.


"So your boyfriend is one your Dad's player?" tanong ko sa kanya.


"Yes" sagot sa akin ni Tania.


"So, anong sinasabi ni August about her granddad? Why Ferells need to call him? Your granddad is a basketball coach too?" tanong ko kay August.


"Yep! A great one!" sagot niya sa akin.


"Cool! Kaya naman pala ang dami nyong alam sa basketball" sabi ko.


"What about you August? Any lovelife?" tanong ko sa kanya.


"I'm married for a long time" seryosong sabi niya sa akin.


"Seriously?" talaga lang?


"Oo, kaso hindi siya maalala ng husband daw niya. Haha. Amnesia? Duh? Hindi na uso yan Hija!" hinampas pa niya si August na halatang iritang irita na.


"I have a proof! I have his ring! Hmmp" inilabas niya ang kwintas niya. May nakasabit nga don na infinity ring, isang tingin pa lang malalaman mong mamahalin ang sising na ito.


"Baka kung saan mo lang yan binili" nakataas na kilay na pambibiro ni Tanya.


"Oh. Don't talk to me Tanya"


"Pikon ka naman girl. I'm just kidding" may pagyakap pa sa kanya si Tanya.


"It's just that? Hmmm paano mo siya nakilala for almost 7 years have passed? Are you sure siya 'yon? Baka naman nagkakamali ka lang. Look hindi ka niya kilala" nalilito na ako sa pinag uusapan nilang dalawa. Na aout of place na ako.


"That's too long, 7 years? You're probably 12 years old back then" pakikisali ko.


"I know that was a childish marriage but I can't really forget about that even when was in USA and until I came back here though I did not expect that we will meet again. Then suddenly he appeared! One of my grandad's favourite player, very ironic right?"


"Wait , wait? Hindi naman siguro parehas ang love story nyo right?" they both like basketball players.


"No way!" sabay nilang sagot na dalawa.


"Mine is just a snob, 'yong kay August talagang rude"


"Ngumingiti pa kasi sa kanya si Dylan 'yong akin makita lang ata ako, nasisira na ang araw. Pakipot ang gago" seryosong sabi ni August. May mga pinagdadaanan naman pala ang dalwang ito.


"What about last 7 years ago? That childish marriage? Paano nangyari? Narrate please" I'm curious.


"It was a very fun----"


"Florence! You're not sleeping yet? Gabi na ah, ang lamig pa dito. You two, go home" nasa likuran na pala namin si Nero.

Naka white sando siya at checkered na blue at black cotton shorts. Shit! Why so handsome dear boyfriend?


"Panira naman! Magkukuwento na si August!" dismayadong sabi ni Tanya.


"Then tomorrow! Hindi pa ba kayo hinahanap sa inyo? Florence let's go" kinuha na niya ang kamay ko.


"Hindi naman kayo magkatabing matulog diba? Nagkukuwentuhan pa kami, bakit ang kj mo?" iritadong sabi ni Tanya kay Nero


"Tutulog na rin naman ako mamaya Nero, you know girl talks we're in the middle malapit na rin kaming matapos. You go ahead..." sabi ko sa kanya


"Pinadedede mo pa ba ang isang yan bago matulog?" diretsong tanong sa akin ni August. Laglag ang panga ko sa tanong niya, kahit si Tanya ay napanganga din sa tanong ni August.


"August!" saway namin sa kanya ni Tanya.


"What? Nagtatanong lang ako" kibit balikat niyang sagot sa amin. Agad kong binalingan si Nero Ferell na nakanguso na. Hindi ko alam kung pikon na 'to o nagpipigil ng pagtawa. Shit! Nero wag na wag mong sasakyan ang sinabi ni August!


"Nero, tutulog na rin ako. Mauna ka na" mahinahon kong sabi sa kanya.


"But, I can't sleep" nakita ko na naman ang pilyong ngisi ni Nero Ferell. Sabi na nga ba e! Hayan na mag uumpisa na naman yan.


"This is eeerrr! Oo na aalis na kami. Sige bukas na lang Florence. Talaga lang? Maglalambingan pa kayo sa harap namin?" mabilis na lumampas sa amin si August na halatang pikon.


"August wait!" humabol na rin sa kanya si Tanya. Pero mabilis din siyang bumalik sa akin para bumulong.


"Keep safe, bilog ang buwan" Huh?


"Bye, bye" Kita ko pa kung paano niya inirapan si Nero. Tuluyan na silang umalis na dalwa. At naiwan kami dito ni Nero, ang panggulo kong boyfriend.


"Hayan, umalis na. Ang gulo mo naman kasi Nero!" may pagpadyak pa akong nalalaman.


"Gabi na, hindi ba pwedeng bukas na kayo magkwentuhan? Wala namang kwenta panigurado yang pinag uusapan nyo" wow! Ang galing talaga.


"Heh! KJ mo!" nagmartsa na ako at nilampasan ko na siya.


"Hood" sinabayan niya ako sa paglalakad.


"Bakit sa may pool pa kayo nag uusap marunong kang maglangoy? Paano kung mahulog ka?" may halos pagkayamot ang pagtatanong niya sa akin.


"They can swim, they can help me" sagot ko sa kanya.


"Baka umirit lang ang mga 'yon pagnalunod ka. I bet they can't swim too, walang alam sa buhay ang mga spoiled brat na 'yon" may ngisi at pag iling pa si Nero nalalaman. Hindi na lang ako nagsalita, kung 'yon ang pinaniniwalaan niya, then okay!


"Maaga tayo uuwi bukas, may bagyo daw na dadating. Kailangang makauwi na tayo sa Leviathan ng maaga para hindi na tayo maabutan ng ulan sa daan"


"Okay" nang nasa tapat na ako ng kwarto ko, tumigil din siya.


"Goodnight" sabi ko at mablis na akong pumasok ng kwarto ko at agad inilock. Narinig ko ang katok ni Nero Ferell sa pinto.


"What's wrong with you? I'm not gonna bite you. Para isang halik lang. Tss" napakagat labi na lang ako sa sinabi ni Nero sa likod ng pintuan. I can't open the door Nero sorry. Bilog daw ang buwan, ayon sa research mapupusok daw ang mga Shokoy tuwing bilog ang buwan. Hindi pwede delikado ka ngayon.

Napapailing na lang ako sa naiisip ko. Sino kaya ang author ng article na nabasa kong 'yon. She has a very broad imagination at umabot na sa puntong kapusukan na ng mga Shokoy ang pinag aaralan niya. And probably Tania had already read that article too.


Narinig ko na ang papalayong footsteps niya. Napabuntong hininga na lang ako. Well I should sleep. Maaga pa pala kami bukas. Pero hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko. I'm tempted to open the door, kaya mabilis ko siyang binuksan.

Kung nag aabang si Nero, unang pagtulak ko pa lang sa pinto hihilahin na niya ito. Kaso wala kaya malakas ang loob kong mas lalong lakihan ang pagbubukas nito. Nauuhaw din kasi ako. Iinom muna ako ng tubig bago matulog.


"No Nero at right" confident na sabi ko habang pabaling naman ako sa gawing kaliwa.


"But I'm on left" nanlaki ang mata ko sa nakangising Nero Ferell na nakasandal sa dingding. Isinara niya ang pintuan ng kwarto ko. Hindi na tuloy ako makakapasok.


"Seriously Hood? What is your game? A while ago you're sweet. What now?" nakakunot ang noo niya sa akin.


"Eh? Iinom lang ako" awkward kong sagot sa kanya. Nako Florence. Bilog ang buwan. Napapadasal na lang ako sa mga Dyosang nanunuod sa akin.


"Come here" malumanay na sabi niya sa akin. Shit! I can feel that my knees are shaking right now. Bakit naman kasi napakagwapo ng Shokoy na ito?


"Maaga pa tayo bukas" tinalikuran ko na siya para bumaba na ako ng hagdan. Nagulat na lang ako ng naramdaman ko ang malamig na dingding. Nakasandal na ako sa dingding habang nakakulong naman ako sa mga bisig niyang nakaharang sa magkabilang panig ko.


"Ne...ro" nagkakanda utal na ako. I'm seriously nervous. Nangangatal pa ang kamay ko para tanggalin ang mga bisig niyang nakakulong sa akin. Pero hindi na natuloy ang balak ko dahil hinawakan na ng dalwa niyang kamay ang mga kamay ko at itinaas niya ito sa taas ng ulo ko.

I'm trapped between the wall and Nero.


"Just drink later" napapikit na lang ako dahil sa papalapit niyang mukha sa akin. Okay, we can kiss for a moment.

At first I felt calm kisses, teasing kisses but when I noticed that it is going deeper.


"Ne....ro" I tried to call his name para patigilin siya. I can't stop him with my hands coz it is trapped against the wall and his hands.

What now Florence? Patay ka sa boyfriend mong Shokoy! He will definitely kiss you endlessly. Hindi na ata yan nahinga.

Nagulat na lang ako nang may narinig akong malakas na pagsasara ng pinto. I think I'm the only one here who noticed that noise right? Bingi kasi ni Nero.


"Maaga pa tayo bukas, baka kung saan pa kayo abutin niya. Lagot kayo kay LG" mabilis kumalas si Nero Ferell sa akin at iniharang niya ang sarili niya sa akin. Akala mo naman hubad ako.

Nakita ko na lang ang tamad na paghikab ni Tristan Ferell habang bumababa ng hagdan.


"Fvck! Bakit gising pa ang isang 'yon?" iyamot na tanong ni Nero. Aba malay ko? 


"Yan kasi, ganyan ka ba talaga pag bilog ang buwan Nero?" opss!


"What?" kunot noong tanong niya sa akin.


"Okay! just leave it" mabilis na akong pumasok sa kwarto ko. Totoo na ito, I will not open this door. Thanks to Tristan Ferell kung hindi dahil sa kanya ay baka natangay na ako ng boyfriend kong Shokoy.

Nakahiga na ako sa kama ko. But I can still remember what happened today. Ang dami! Sa sobrang dami mas gusto ko sanang hindi sila totoo. Yes. I'm happy with him but I know there is an end for this. End that I can't really imagine.


--

8:30 am


Dapat sa mga oras na ito ay tirik na ang araw pero sa pagbangon ko naririnig ko lang ang malakas na patak ng ulan. Akala ko na maaga kaming aalis? Dapat ginising na lang nila ako.

Mabilis na akong pumunta sa bathroom at naligo. Ginawa ko na rin ang mga morning rituals ko bago ako lumabas ng kwarto ko. And I felt strange paglabas ko pa lang ng kwarto ko.

Where are they? Mabilis akong nagpunta sa dining room pero wala sila doon. Don't tell me iniwan nila ako dito? Pumunta ako sa theatre room baka sakaling tinamad na silang umalis kaya nanuod na lang ng movie. But the moment I entered the room I can't see any presence of them.

Kaya wala na akong pagpipilian kundi pasukin ang kwarto nila. Una kong pinuntahan ang kwarto ng hari ng mga Shokoy, katapat lang naman kasi ng sa akin.


"Nero?" agad kong binuksan ang pintuan kasi hindi naman nakalock. Pumasok na ako.


"Hasshuuuu!" bahin ni Nero Ferell ang narinig ko. Mabilis akong lumapit sa kama niya.


"You're sick?" napangiwi ako sa tanong ko sa kanya.


"Can't you see? Tss" wow moody na naman ang Shokoy. Nakatalakbong kasi siya sa isang makapal na comforter.


"Seriously? Let me check" agad kong sinipat ang noo niya.


"Shit! Nero you're burning! Masama na ba ang pakiramdam mo kagabi? Why you didn't tell me?!" napataas ang boses ko sa kanya. Kaya pala pagkarating na pagkarating naming ganon siya. 'Yon pala masama na ang pakiramdam. Dapat sinabi niya agad!


"Stop scolding me Hood, where's my cousin? Hindi ba nila ako hinahanap? Sabihin mo mamaya na lang tayo umuwi. Or just tell them to go first, dito muna tayo"


"Hoy! Nero Ferell may ulterior motive ka ata" bakit kami magpapaiwan dito? Bilog pa ba ang buwan ngayon?


"O sige umuwi ka na rin" padabog siyang bumaling sa kabila.


"You're so childish Nero" hindi niya ako sinasagot.


"Hindi ko pa nakikita ang mga pinsan mo..don't tell me?" napatayo na agad ako sa pagkakaupo sa kama niya. Seriously? Hindi naman siguro?


"Wait there Nero" mablis akong lumipat sa pinakamalapit na kwarto, kay Tristan.


"Shit! May lagnat ka rin?" hindi ko alam kung tulog pa ba siya o ano. Sinipat ko ang noo niya like Nero he's burning. Talaga lang? nilagnat sila dahil sa kahapon?


"Lina...wagg..Lina" napakunot na lang ang noo ko sa naririnig ko. Kawawa naman ang inosenteng si Lina. Mukhang siya pa ang aggressive sa panaginip ni Tristan.


Wala akong panahon sa pakikinig sa SPG panaginip ni Tristan. Mabilis akong pumunta sa kwarto ni Owen, ganon din siya may lagnat na rin. Kahit si Troy ay namumulupot na parang hipon. Lamig na lamig na rin siya bakit naman kasi nakisabay pa ang bagyo lalo tuloy silang nilalamig. Kawawa naman ang mga Shokoy na ito.

Ang huli kong pinuntahan ay si Aldus, nagsusuka na siya sa banyo nang maabutan ko.


"Aldus are you okay?" dinaluhan ko siya sa banyo at hinagod ang likod niya.


"I suddenly felt heavy this morning. Damn! My head is aching" buntis? Not now Florence. Umayos ka!

Pasuray suray siya sa paglalakad papunta sa kama niya. Hindi ko alam kung kaylan siya tutumba. Kaya inalalayan ko na siya.


"Thanks" ramdam ko ang sobrang init ng katawan niya. Damn he's just wearing sando and boxers? Tinulungan ko siyang humiga at kinumutan.


"I will call doctors" nabigla na lang ako ng hilahin niya pahiga sa kanya. Pinilit kong kumalas sa yakap niya pero mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin.


"Pwede bang ikaw na lang? Pwede bang tayo na lang?" mahinang sabi niya sa akin.


"Aldus you're not feeling well" pinipilt kong alisin ang pagkakayakap niya sa akin.


"Mas una naman kitang minahal. I can give you all, I can make you the happiest girl. Ako na lang Florence. Gagawin ko ang lahat ng gusto mo basta ako na lang"

Halos bulong na lang niya sa akin nang bahagyang lumuwag ang yakap niya sinamantala ko ito para makalayo sa kanya


"Aldus!"


"Oh, sorry" mabilis siyang tumalikod sa akin.


"Just close the door. No need for doctor Warden" malamig na sabi niya. Nagmadali na akong lumabas sa kwarto niya. Pero bago pa ako makalabas may sinabi pa siya sa akin


"I'm not sorry for telling you that. I'm serious about it Warden. I'm just sorry for scaring you, that's all" hindi na ako sumagot sa kanya. Sinarado ko na ang pintuan.

He's just sick right? He said that he respect our relationship, he respected me and Nero. He's cool about it right?

Pinilig ko na lang ang ulo ko. Baka dala lang ng lagnat niya, hindi naman siya ganon right? Ang dapat kong isipin ay ang kalagayan nilang lima ngayon. I should call LG. Mabilis akong bumalik sa kwarto ko para tawagan si LG. And thanks dahil sa ikalawang ring pa lang ng phone ay sinagot na niya.


"LG, I have a bad news"


"Oh! It's okay Hija! Matagal na akong naghihintay ng apo sa tuhod" I just rolled my eyes.


"Seriously LG? May lagnat lang ang mga apo nyo! I'm not pregnant! Ewww I'm so young for that"


"Okay. Papupuntahin ko na lang ang mga doctor nila. Sino ba sa kanila ang may lagnat?"


"All" maiksing sagot ko.


"Di nga?"


"Yes, infact. Tumatarak na ang mga mata nila 50'50 na ata"


"Hahah, you're funny hija"


"By the way nasa Enamel pala kami LG, dito mo na ipadala ang docktor nila"


"Okay" mabilis na niyang pinatay ang phone nya. Bakit kaya laging busy ang matandang 'yon?

Agad akong bumalik sa kwarto ni Nero. Paano ko kaya mamomonitor ang magpipinsan na ito? Ang lalayo ng kwarto nila. I'm not wonderwoman. So this can't be cliche anymore na 'yong bidang babae ay aalagaan ang bidang lalaki na may sakit and the rest of the story ay kilig moments. And besides hindi lang naman kasi si Nero ang may lagnat may special participation ang mga pinsan nya.

Cliché kilig moments is a No No for this. Kailangang gumaling ng mga pasyente ko. Ang hari ng mga Shokoy ay may sumpong na naman. And the problem is I can't focus my whole attention on him he has cousins na may mga tama rin. Baka mamaya ay may nangingisay na ay hindi ko pa nalalaman.


"Padating na 'yong mga doctor nyo, may medicine ba kayo dito?" tanong ko kay Nero pero hindi niya ako sinasagot.


"Mga doctor? Isa lang ang kailangan ko. Hindi pa ako mamamatay" sungit!


"'Yong mga pinsan mo po, may lagnat rin. Bakit ba ang sungit mo ngayon? Ikaw na nga ang inaalagaan dito" hindi ko na maitago ang pagkairita ko.


"Did I ask you to take care of me? Go! Alagaan mo ang mga pinsan ko. I don't care"


"Alangan naman na pabayaan ko ang mga pinsan mo?"


"I don't know if I will be thankful for that kindness of yours Florence. Call me selfish but I want it only for me, I want your whole attention. Ako lang. Leave my cousins alone hindi naman mamamatay ang mga 'yon kasi ako pag pinagpatuloy mo yang kabaitan mo mamamatay ako sa selos" dirediretsong sabi niya sa akin habang nakatalikod siya.

Nero, napapailing na lang ako sayo. Yes! You can have my whole attention kahit hindi mo sabihin pero pinsan mo sila, we can't just disregard them.

Hindi ko na lang ito isinatinig dahil alam ko hinding hindi ito maiintindihan ni Nero Ferell. My freaking jealous boyfriend.


Mas seloso pag may lagnat.


--


VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro