Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Mission 3

Mission 3


Hindi na ako mapakali sa kama ko. Damn, bakit kailangang makita ni Nero ang nakakahiyang mannerism na 'yon? Shit. May bagay na naman siyang ikangingisi sa akin kapag nagtatagpo ang mga landas namin.

Damn, bakit pakiramdam ko naisahan na naman ako ng Shokoy na 'yon?

Lolo I can't take it anymore, I want to go home. Pero agad din naman akong nagdalawang isip dahil sa maaring madatnan ko sa bahay lalo na sa reaksyon ng magaling kong ama.

Kailangan ko ng makausap si Lolo sa lalong madaling panahon, hindi habang panahon ay kaya kong pagtiyagaan ang pamumuhay kasama ang mga Shokoy na ito. My god! Baka maging laman dagat din ako katulad nila kapag nagtagal pa ako sa mansion na ito.

Ilang beses itong nagring bago nya sinagot.


"Hello?" sagot sa akin ni lolo.


"Lo! You didn't even call me once? What kind of grandad are you? What if I want to go home na pala? Nagbago na ba ang isip ni Daddy?" himutok ko sa kanya


"Apo pasensiya na hindi ko pa rin nakukumbinsi ang Daddy mo magtiis ka muna kung asan ka"


"Lolo, I want to go home"


"Florence apo magtiis ka muna dyan, gagawa ako ng paraan. Promise"


"But Lo---."hindi pa nga ako tapos magsalita naputol na ang kabilang linya. End call.


"Lo?" pambihira naman oh!


Tumunog ang phone ko at nagmessage si Lolo.

'Apo kong maganda, wag sisimangot. Just wait' sa kabila ng inis ko kay Lolo napangiti na lang ako sa message niya. Alam na alam niya talagang palamigin ang ulo ko. Alam kong hindi niya ako binobola totoo ang sinasabi niya.

Muli akong napabuntong hininga. Mag iisang buwan na rin pala. Ang magulo kong buhay mas lalo pang gumulo nang naligaw ako dito sa kuta ng mga Ferell.


--

A month ago


"Be careful apo. Don't worry about your Dad" bilin sa akin ni Lolo


"Thanks Lo" sabi ko sa kanya saka ko siya hinalkan sa pisngi.


"You're so gorgeous hija, you looked like your grandma when she was at your age" ilang beses ko na ba ito narinig mula kay Lolo?


"No granpa, according to Lola I'm prettier than her" I corrected him, dahil 'yon ang totoo. Sa lahat ng mga Almero, ako ang pinakamaganda.

Napaikot na lang ang aking mga mata nang tawanan ako ni Lolo. Like seriously? Ano naman ang nakakatawa sa sinabi ko?


"Sige sige na hija, use my car nakaparada na labas" nangingiti pa siya habang tinataboy ako. Why? Totoo naman na mas maganda ako kay Lola nuh! Ako ang pinakamaganda sa lahat ng mga Almero and I'm confident about it.


"Thanks Lo" talagang ready na ang sasakyan. Basta si Lolo the best!

Si Lolo ang dakilang konsintidor sa buhay ko kung ayaw ni Daddy payag naman si Lolo so wala siyang magagawa dahil si Lolo lang ang sinusunod ko. Limang taong gulang palang ako nang mawala na si mommy kaya ang nagpalaki sa akin ay sina Lolo at Lola pero noong nakaraang dalawang taon ay iniwan na din kami ni Lola. Si Lolo nalang ang sandigan ko sa buhay pati na rin ang pakinabang ko sa pera ni Daddy. Si Daddy? Pera lang ang kaya niyang ibigay sa akin. Ano pa ang aasahan ko sa taong kayang pabayaan ang asawa? Anak lang naman niya ako at na importante. Damn. Ano na namang kadramahan ito Almero?


Tumigil na ang kotseng sinasakyan ko. Kasalukuyan akong dadalo sa eighteeth birthday ng isa sa matalik kong kaibigan. Syempre natural na takas ako, bakit? Dahil isang buwan na akong grounded sabi ni Daddy. Like duh? Susunod kaya ako sa kanya?

Hindi na ako nagtataka sa atensyong nakukuha ko nang pumasok na ako sa venue. Kakambal ko na ang atensyon.

Naka navy blue backless long gown ako na may mataas na slit na nagpapakita ng magaganda kong legs. Stare people. Stare at me. Alam kong bihira lang kayong makakita ng isang magandang dalagang katulad ko.

Ang venue ng party? Sa isang garden. Akala ko talaga ay sa isang five star hotel, ano na naman kaya ang pakulo nitong si Aira?

Agad akong naupo sa isang table. Nasaan naman kaya ang magagaling kong kaibigan? Hahanapin ko pa ba sila? No way! Dito na lang ako, tutal kapansin pansin naman ako sila na lang ang bahalang maghanap sa kagandahan ko.

Habang hinihintay ko ang pagsulpot ng mga kaibigan, sinimulan ko nang tikman ang mga desserts dito.


"Wow! Florence hanga na talaga kami sa'yo nakatakas ka na naman" muntik ko nang mailuwa ang dessert na kinakain ko. Bakit kailangan niya pa akong hampasin?


"What's wrong with you Camilla? Kumakain ako hindi mo ba nakikita? Bakit may paghampas ka pang nalalaman?" reklamo ko sa kanya. Kung mabigla sila sa pagtakas ko parang hindi sila mga sanay. What's wrong with them?


"Ang galing talagang tumakas, hanga na talaga ako sa'yo" inagaw ni Camilla ang tinidor ko at nakikuha siya ng deepen grapes na kinakain ko. Bakit hindi siya kumuha ng kanya?


"Ako pa" proud na sagot ko.


"Taray ng suot! Backless! Ang taas ng slit! Mamimingwit lang ng papable Ateng?" pang aasar ni Camilla sa akin.


"Mamingwit? hija hindi ko na kailangan pang mamingwit, ang isda na mismo ang lalapit sa kagandahan ko" hinila ko ang plato sa kanya at inagaw ang tinidor. Saka ko tinuloy ang pagkain ng ubas na sinasawsaw sa gatas.


"Sus! Sinungaling" sagot niya sa akin na may kasama pang pag irap. Like seriously?


"Invited ba dito si Aristotle?" ginala ko ang paningin ko sa paligid para makita man lang ang gwapong gwapo kong crush pero sa kasamaang palad mukhang hindi pa ata inimbitahan ng magagaling na kaibigan kong ito.


"Sabi na nga ba! Nako girl hindi siya invited kaaway daw ng pinsan ni Aira ang beloved Aristotle mo. Pinag agawan kasi si Gabriella" napangiwi ako sa sinabi ng kaibigan ko.


"What? At ang Gabriella pang 'yon ang pinag agawan nila? Bakit ang dami ng bulag ang naglipana sa mundo?" laking ganda ko naman ata sa Gabriella na 'yon. Anong nakita ni Aristotle sa kanya?


"Girl wag kang bitter maganda naman kaya si Gabriella besides isa siyang mayuming dalaga na kahuhumalingan talaga ng mga dakilang scientist na naglipana at sa kasamaang palad nahagip doon ang Aristotle mo. Maghanap ka na lang ng iba" kaibigan ko ba talaga ang isang ito? Bakit ganito siya kung makapagpayo sa akin?


"Anong ibig mong sabihin? na hindi ako kahuma humaling na dalaga? At ang Gabriella na 'yon OO? ganoon?" inis kong tanong sa kanya.


"Wag ka namang pikon girl, ang sinasabi ko lang naman. Sige na nga! Gora! Agawin si Aristotle!" hyper na sabi niya na nagpairap sa akin. Not a genuine advise, tsss.


"Wag na lang" maiksing sagot ko.


"May isa pa pala akong suggestion girl bakit hindi ka na lang tumingin sa iba madami pa naman diyan. Si Isaac, Thomas, Abraham at Charles! Dyosko girl madami pang hot at gwapong scientist diyan hindi lang si Aristotle" lalong nangunot ang noo ko sa magaling kong kaibigan.


"Pinagloloko mo ba talaga ako Camilla?" kanina pa akong napipikon sa takbo ng usapan na ito. Nasira talaga ang mood ko sa walang kwentang balitang 'yon.


"Pikon, mahirap na palang magmahal ng scientist"


"Anong sabi mo?"


"Wala kumain ka na lang girl"


"Camilla pwede ba tigilan mo ang pagtawag kay Aristotle na scientist? Para kang timang"


"Ayoko, mas feel kong tinatawag siyang scientist eh" napailing na lang ako. Wala na talaga akong magagawa sa isang ito.


"Ang dami rin palang tao dito sa party ni Aira" kailangan ko nang ibahin ang topic, masisira ang kagandahan ng gabi ko kung ipagpapatuloy ko pa ang pagkausap sa babaeng ito.


"Debut ito, malamang madaming tao" pangbabara nitong si Camille sa akin tapos pinagdiskitahan na naman niya ang plato ko. Kainis ang bruhang ito, hindi ba siya kumain habang wala pa ako? At inaagawan niya ako ngayon? Hiyang hiya naman ako sa kanya siya na ang umubos ng ubas ko.


"Hey Florence! Akala ko hindi ka makakasipot" ngayon naman muntik na akong mahulog sa upuan ko dahil bigla niya lang naman akong niyapos.


"What do you think of me? No sweat" sabay flip ng hair para may effects.


"Gift?" sabi sa akin ni Aira. Inilahad niya ang kamay niya sakin. Nakiupo na rin siya sa amin ni Camilla.


"I forgot, next time na lang" saka ko hinila ang plato ko kay Camilla na kinuha na naman pala niya.


"Kumuha ka ng sa'yo" sabi ko kay Camilla. Inirapan niya lang naman ako.


"What?! bruha ka talaga! Guards! Throw this lady!" maarteng sabi niya Aira. Napapairap na lang ako, para regalo ginagawa nilang big deal.



"Tumakas lang ako friend, saka na ang gift ko sa'yo. Hindi ko ikahihirap" sagot ko na lang. Hindi pa ba siya nasisiyahan na umatend ako sa birthday niya kahit dapat nasa bahay lang ako at nakakulong?


"Madaya ka talaga Almero" reklamo ni Camilla sa akin. Anong madaya sa ginawa ko?


"Ganito na lang, nakikita mo ba 'yong lalaking may kausap sa phone? 'yong mukhang suplado" nginunguso ngayon sa akin ni Aira ang kung sino na namang lalaki. Sino na naman ba?

Nang nilingon ko napangiwi na lang ako, paano niya nasabing suplado? Nakatalikod nga sa amin, puros likod. Nasaan ang suplado?


"Sino ba?" baka naman mali ang tinitingnan ko.


"Iyon nga!" pilit niyang itinuro sa akin ang lalaki. At mukhang tama nga ako ng tinitingnan kanina pa.


"Fuck! Oo nga pogi" may pagpalakapak pang nalalaman si Camilla. Talaga lang ha?


"O, ano naman?" bakit ba nila tinuturo sa akin ang lalaking 'yon?


"Mag pa cute ka sa kanya" sabay na sabi sa akin ng mga kaibigan ko na may nakataas na kilay. Like seriously? Entertainer ba ang pinunta ko dito?


"No way, kayo na lang" bored na sagot ko sa kanilang dalawa.


"Sige lumayas ka na sa party ko! Ang kj mo naman Florence" inirapan lang naman ako ng birthday girl. Napaawang ang bibig ko sa mga kaibigan ko, seryoso talaga sila?


"Bakit naman kasi kailangan ko pang magpacute?" bakit kalandian pa ang ipapagawa nila sa akin?


"Birthday naman ni Aira, entertain us Florence. Magaling ka naman sa bagay na 'yan, hindi ba?" pareho na lang namang nakangisi ang mga kaibigan ko sa akin. Damn, I don't like this.


"I don't want" madiing sagot ko. Kung gusto nila ang lalaking 'yon sila ang lumapit. Depress pa ako sa ginawang pagpili ni Aristotle sa Gabriella na 'yon.


"Sige, bukas na bukas rin lagot ka sa tatay mo, isusumbong ka namin na tumakas ka" pagbabanta sa akin ni Aira na nagpanganga sa akin. Like what the fuck? Seryoso talaga sila sa ipagagawa sa akin?


"What kind of friends are you guys?" bakit ganitong birthday gift pa ang gusto ng dalawang ito?


"Ikaw ang anong klaseng kaibigan, wala ka man lang regalo?" mabilis na sagot ni Aira na parang ang sama sama ko nang kaibigan. Maguguilty na ba ako?


"Oo nga!" segunda ni Camilla sa kanya. Damn.


"All right! panalo kayo!" wala naman akong pagpipilian, ginigipit na nila ako.


"Where is he?" tumayo na ako at nilingon ang lalaking may kausap sa telepono. Damn, wala na siya sa posisyon niya kanina. Maghahanapan pa ba kami?


"Nawala na Florence!" halos magpapadyak pa ang mga kaibigan ko. Damn.


"Florence naman! Find him!" pinagtutulakan na ako ng magagaling kong kaibigan. This is so great. Haist.


"Yes, yes. I will find him" kung alam ko lang na maghahanap ako ng lalaki ngayong gabi hindi na ako umatend sa birthday na ito.

Paano ko mahahanap ang lalaking 'yon? Likod lang naman niya ang nakita ko.


"Where are you? Damn!" nagpalingon lingon ako pero hindi ko makita ang lalaking sinasabi ng mga kaibigan ko.


"I'm here" I heard someone from my back at paglingon ko isa lang namang lalaking hindi nakakaenganyong tingnan.


"It's not you" sabay lampas ko sa kanya. Wala akong panahon sa kanya, lalo na at ganito kainit ang ulo.


"Iniwan ka ba ng boyfriend mo?" nangunot ang nook o at lumingon sa lalaking sumusunod sa akin.


"Come here" kita ko ang pagliwanag ng mukha niya dahil sa sinabi ko. Hindi naman siya gwapo, maputi lang siya.

Pinalapit ko siya sakin at sinamahan ko pa ito ng hand gestures para mabilis niyang maintindihan ang pinapagawa ko sa kanya. Hindi naman ako naghintay ng paglapit niya sa akin, maganda ako. Simpleng bagay.


"Nakikita mo ba 'yon?" may itinuro ako sa kanyang direksyon na agad namang sinundan ng kanyang mata.


"Where?" lakas makaenglish.


"That one" panay pa rin ako sa pagturo kahit wala naman talagang ipinupunto ang itinuturo ko sa kanya.


"I can't see baby" malanding pagkakasabi niya na nagpakilabot sa buong pagkatao ko. Ang ganda mo namang lalaki!


"Bulag!" mabilis ko siyang sinipa sa kanyang binti. Hindi ko inalintana ang suot kong long dress. Maghanap siya ng babaeng pepestehin.


"Ouch! Damn woman! Are you crazy?" galit na galit na sabi niya habang hawak niya ang binting sinipa ko sa kanya. Napapangisi na lang ako, sinong mukhang baliw sa aming dalawa?


"Yes, I'm crazy loverboy" itinaas ko ang kilay ko sa kanya at hinawi ko ang buhok ko bago ko siya tinalikuran.


"'Yan ang gusto ko sa babae palaban, type na talaga kita simula pa lang. Ikaw agad ang una kong napansin" naramdaman ko ang mga braso niya sa mga bewang ko. Kasalukyan na siyang nakayakap sa akin mula sa likuran.

What the fucking hell?!


"Let me go you bastard!" sisikuhin ko na dapat siya nang maagapan niya ako. Fuck. Nagsimula na akong magpupumiglas sa yakap niya pero wala akong magawa, he's goddamn strong. Fuck. Fuck.

Nakakaagaw na kami ng atensyon at marami na ang nanunuod sa amin. Literal na nanunuod, wala bang may balak tumulong sa akin? Tang ina, hindi kami palabas na dapat lang panuurin.


"Wag kayong makialam dito! away naming magsyota to!" sigaw ng lalaking nakalingkis sa akin. Ilang beses na akong napamura, what the fuck?! Mag syota? Ano kami jejemon?


"Fuck you! hindi nga kita kilala? What the hell? Let me go!" mas nilakasan ko ang pagpupumiglas sa kanya pero hindi pa rin ako makawala sa kanya. Damn. Damn.

Kita ko ang lito sa mga mata ng mga taong nanunuod sa amin, bakit hindi pa nila ako tulungan? Fuck.


"Babe sorry na ikaw naman ang mahal ko" gusto ko ng magsusuka sa mga sinasabi niya. Kahit siya pa ang kaisa isahang lalaki sa mundo, hinding hindi ko siya papatulan.

Agad kong tinapakan ang paa niya na nagpaluwag ng pagkakapit niya sa akin at mabilis kong sinapo ang mukha niya, akala niya siguro ay hahalikan ko siya. No way. Isang malakas na heatbutt ang ginawa ko sa kanya na nagpawala ng balanse niya.


"Are you sure, she's Almero?" bulong ng isang nanunuod na pakinig ko naman.


"Really? Lorenzo's daughter?" napapairap na lang ako. Bakit sila pa ang nagtatanungan? Bakit hindi na lang ako ang tanungin nila nang hindi na sila nahirapan sa kabubulong.

Natigil ako sa pakikinig sa tsismis tungkol sa akin nang mukhang hindi na naliliyo ang lalaki dahil sa headbutt ko.


"You!" nakakapit na naman siya sa akin at mabilis niya akong kinabig sa kanya. He's a goddamn fucker.

Napapabuntong hininga na lang ako, tama na siguro ang eskandalong ito. Sa totoo lang nakikipaglaro lang ako sa kanya. I can beat him easily, hindi ako suportado ng mga pinsan kong lalaki kung hindi ako matututong magpatumba ng mga lapastangan. Habang abala ang mukha niya sa pilit na paglapit sa mukha ko, buong lakas ko siyang tinuhod sa lugar na talagang ikamumura niya hanggang sa sunod niyang buhay.

Agad siyang napaluhod sa lakas ng ginawa ko sa kanya, he can't play with me. Dahil alam ko ang kahinaan niya. Tang ina siya. Kasalukuyan na siyang pagulong gulong sa sakit. Mamatay ka.

Sinimulan kong tumawa ng sa paraang pang kontrabida na naririnig lang sa mga telebisyon. Wala na akong pakialam kung exaggerated na ba ang ginagawa kong pagtawa o ano. Gusto ko lang kuhaning tuluyan ang mga atensyon nila.

Lalong lumakas ang bulong bulungan sa ginawa ko.


"Boyfriend? Ang kapal naman ng mukha mo at sa mga taong manunuod?" nakapamaywang kong sinuyod ang mga taong namamangha pa sa ginawa ko.


"Salamat sa walang sawang pagtangkilik sa aking munting palabas" taas noo ako sa kanilang lahat. Mga walang kwentang tao.


"Florence!" narinig ko ang tawag ng dalawa kong kaibigan, patakbo pa silang pumunta sa akin. Saan ba nagpunta ang dalawang ito? Hindi tuloy nila nakita ang munting palabas.


"Sorry girl nawala sa paningin ko 'yong lalaki humara kasi siya" tinuro ko 'yong namumulupot sa sakit na lalaki. Ang mga pangahas dapat talagang binibigyan ng leksyon.


"Gosh!" gulat na sabi ni Camilla habang nakatitig sa lalaking namumulupot sa sakit. Agad kong napansin ang paparating na waiter.


"Waiter" I snapped my finger. Agad namang lumapit ang waiter na may dalang tray ng wine glass.


"Can I have your bottle of wine?" tanong ko sa waiter pero hindi ko na hinintay ang sagot niya. Mas kailangan ko ng bote kaysa sa wine glass sa pagkakataong ito.


"Ladies and gentlemen for my closing remarks" muli kong inilibot ang aking paningin sa mga taong kanina pang may mga mapanuring mga mata sa akin. Kung manunuod na rin kayo, sasagad sagadin ko na ang palabas. Hiyang hiya naman ako sa mga atensyon niyo.

Lumapit ako sa lalaking namumulupot pa rin sa sakit. Simple lang naman ang ginawa ko. Inihampas ko lang naman sa kanyang ulo ang bote ng wine na hawak ko.

And yes, nabasag ang bote at wala na siyang malay.


"That's all" taas noong sabi ko sa gitna ng mga tao.

Lahat ng tao napatulala, ang iba namutla, ang iba napapikit, may mga nakita din akong naawa sa nangyari sa walang kwentang lalaki. Bagay lang 'yan sa kanya, Dapat nga ilibing na 'yan. Wala siyang karapatang hawakan ako.


"Oh, I almost forgot" bahagya kong pinitik ang mga daliri ko. Agad kong napansin na naalarma ang mga waiter sa sinabi ko.

Ngumiti ako ng napakatamis sa lahat ng mga tao bago ako nagsalita.


"Florence" hinawi ko ang alon alon kong buhok at taas noo kong inilibot ang mga mata ko sa kanila.


"Yes, ako nga si Florence Almero. Ang nag iisang anak ni Lorenzo Almero, huwag na kayong magpakahirap bumulong sa mga katabi nyo. Tama kayo ang magandang babaeng nasa harapan nyo ay isang Almero" muli kong hinawi ang mahaba kong buhok bago lumapit sa mga kaibigan kong tulala na sa pinaggagawa ko.

Nakipagbeso beso na ako sa kanila.


"Happy birthday girl" bulong ko kay Aira.

Hindi ko na hinintay makabawi ang mga kaibigan ko dahil agad na akong umalis na may ngiting tagumpay.


Goodnight show it is.



--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro