Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Mission 29

Mission 29


Umaga na naman. And thanks God it's Saturday.

Saturday is my favorite day dahil wala akong dapat alalahanin para sa kinabukasan. Tiningnan ko ang alarm clock ko sa side table. Mag nanine na pala. Mabilis akong nagpunta sa banyo at naligo.


Habang bumababa ako sa hagdaanan agad kong napansin na nakajersey ang mga Shokoy, mukhang may laro.


"May laro kayo?" tanong ko sa kanila habang pababa ako ng hagdan.


"Yep! Sama ka Doll mag cheer ka sa amin" pagyaya sa akin ni Troy. 

Bahagya akong nag isip. Wala naman akong plano ngayong araw, so? Manunuod na nga lang ako ng laro nila? I should try to watch how they play. 


Napansin ko na natigil ang pagsisintas ng sapatos si Nero. At nakataas ang isa niyang kilay habang nakatitig sa akin. Bigla tuloy akong naconscious sa suot ko. Simpleng shorts lang naman at gray tee. Wala naman sigurong kapintas pintas sa suot ko ngayon, nakapagsuklay na naman ako? Is there something wrong with my outfit today?

Ano na naman ang gusto mo Nero Ferell? Pasimple ko siyang inirapan.

Narinig ko siyang bahagyang tumawa. Iiling iling siya habang itinutuloy ang pagsisintas ng sapatos niya. Nang aasar talaga ang Shokoy, agang aga. At napansin ko rin na pareparehas nang nakakunot ang mga noo ng mga Shokoy sa amin ni Nero. Probably they noticed.


"Is it just me? O pati kayo mga pinsan? Bakit pakiramdam ko naglalandian si Nero at si Wada?" pabaling baling sa akin at kay Nero ang tingin ni Owen na may nakakunot na noo.

Agad nag init ang mukha ko sa napansing 'yon ni Owen. Are we that obvious?


"Haha. Guni guni lang natin 'yon" natatawang sagot ni Troy sa kanya.


"Tara na nga! Iwan na nga natin ang dalwang yan dito. Maawa tayo kay Nero pasulyap sulyap na lang kay Wada hindi makahawak nahihiya ata sa atin"

Mabilis tumaas ang middle finger ni Nero Ferell sa kanyang pinsan. Sabay sabay silang nagsitawanan habang naglalakad na palabas. Shokoys.

Kaya ang nangyari naiwan kami ni Nero dito. Awkward. Mayabang siya ngayong nakatingin sa akin.


"If you want to come, you better change. That's too short" nakangusong sabi niya sa akin.


"Hindi naman" sagot ko sa kanya. Ayos naman ang shorts ko. Hindi naman revealing ah. What's wrong with this Shokoy?


"Don't come then" tumayo na siya at nagsimula ng lumabas. Seriously? Dahil lang sa suot ko hindi ako pwedeng sumama?


"Bakit ba ang arte mo? Oo na. Eto na nga! Wait lang magbibihis lang ako! Napakaconservative naman kasi" padabog pa akong nagmartsa pataas. Kailangan kong magbihis ng mabilis kasi siguradong iiwanan ako ng mga Shokoy na 'yon pag nagtagal pa ako.

Wala pa sigurong 5 minutess ay nakakababa ako, halos takbuhin ko na nga ang labas. Nakabukas na ang van na sasakyan namin. Agad akong sinalubong ng titig ni Nero Ferell, ang conservative kong boyfriend. 

Boyfriend. Hindi pa din ako sanay.


"Masaya na po ang Hari ng mga Shokoy?" Nakapamaywang na tanong ko sa kanya.

Nagsuot ako ng shorts na mas mahaba sa suot ko kanina. Hindi ko na pinalitan ang gray tee ko. Ngisi lang ang isinagot niya sa akin. Talaga naman! Ferell!


"Let's go" nag move siya ng space para makaupo ako.

Nasa unahan si Aldus katabi ni Mang Bert. Nasa unahan naman namin si Tristan, mag isa. Mukha nga siyang bad trip ilang araw na. Kamusta na kaya ang pamimikot niya kay Lina? Whatever! Wala na akong pakialam sa relasyon nilang dalawa dahil napapagkamalan lang akong kasabwat ng Shokoy na yan. Kaya nagpasya na lang akong wag ng makialam pa.

Last night kasi nakatanggap ako ng message kay Lina. Ang sabi niya bakit daw ako nakipagsabwatan kay Tristan? Ako pa? ako pa ang kasabwat? Alam ko ba na may balak pala ang antuking Shokoy na yan na ambushin siya? Edi sana hindi ko na lang siya kinatok?

Bahala na nga sila! Siya na nga ang pinuprotektahan ko sa isang Shokoy ako pa ang napasama. Ay! Ewan! Basta pikon ako ngayon kay Lina.


Nasa likuran kami ni Tristan, ako at si Nero. Tapos ang nasa likudan naman namin ay sina Owen at Troy, napaka ingay nilang dalawa. At ang topic na naman ay babae. Wala na silang kaumay umay.


"Tang ina pinsan! Si Imperyal ba ang kasama mo kagabi? Hindi ba may boyfriend na 'yon?" pakinig kong sabi ni Troy kay Owen, mukhang nangangabit pa ata ang Shokoy na 'yon. Hindi ko man gustong marinig ang mga kabulastugan nila wala na akong magagawa.


"Hindi pa naman asawa" katwiran ni Owen saka siya tumawa. Proud pa ang Shokoy na kabit siya. Napapailing na lang ako sa usapan nilang dalawa. Sila lang naman kasi ang nagkakaintindihan. Si Aldus ay tahimik sa unahan, si Tristan ay kasalukuyang pagiwang giwang, inaantok na naman at ang katabi ko naman ay walang pakialam.


"Dapat sa babaeng walang sabit ka umaaligid Owen. Bakit ang hilig mo sa gulo? Hindi ka ata nadadala. Ano ng nangyari dun kay Cortez? Gago ka! Ang ganda ng katawan bakit mo pa tinatanggihan?" ilang pangalan kaya ng babae ang maririnig ko ngayong araw mula sa mga Shokoy na ito?

But wait? Cortez? Hindi ko na napigilang hindi makisali.


"Siya pa rin ba 'yong babae sa engagement party? Ano ba talagang nangyari?" tanong ko sa kanila.

Bahagya ko pa silang nilingon na dalawa. Parang wala silang balak sagutin ako.

Kung hindi ako nagkakamali siya pa rin yung babaeng pinauusapan nila last time. Mukhang kamag anak naman ni Raje ang target ng mga Shokoy na to. Wala na silang pinapalampas.


"Why so nosy Hood? Don't listen to them they're nonsense" agad niyang naisuot sa akin ni Nero ang headset na suot niya. Ibig sabihin hindi naman pala buhay ang headset niya kanina, nakikinig rin pala ng pasimple ang hari ng mga Shokoy.

Kita ko ang kung paano umilag si Nero sa mga binato sa kanya ni Owen at Troy, pwede namang batukan bakit binato pa? Wala na akong naririnig na ingay kundi music lang mula sa headset ng Shokoy na katabi ko. Kaso kahit anong lakas ng music mula sa headset ni Nero. Alam na alam ko na nagkakagulo silang lima.

Kung paano tinamaan ng bote mineral water ang natutulog na si Tristan, agad siyang napabalikwas. Timaan ata sa mukha. Kita ko sa buka ng bibig niya ang malutong na pagmumura sa mga abnoy niyang pinsan.

Timaan rin ang nanahimik sa unang si Aldus, iyamot niyang binato pabalik ang mga Shokoy sa likod ko.

Natatawa na lang si Mang Bert sa mga Shokoy na nagbabatuhan sa van. Kakaahon lang ng mga yan sa dagat. Pagbigyan na.


Akala ko magtatagal ang kalokohan nilang lima. Pero mukhang natigilan silang lahat. Wait? What happened?

Naramdaman ko na lang na yumakap sa akin si Nero. He even kissed my neck! That was a sudden!

Agad kong tinanggal ang headset ko sa gulat.


"Nero!" saway ko sa kanya. Anong pumasok sa kukote ng Shokoy na ito at bigla na lang nanghalik?! Bahagya ko siyang tinulak pero hindi siya nagpatinag mas hinigpitan niya ang yakap sa bewang ko


"Hmmmm?" Painosente niyang tanong sa akin. Shit! He's playing with my neck!


"Sinuwerte ka lang naman. Wag kang mayabang" pakinig kong sabi ni Troy.


"Magkakagirlfriend din ako. Mas maganda pa kay Wada" sabi naman ni Owen. Wait? ano bang pinag sasabi ng mga Shokoy na 'to?


"Napilitan lang naman si Warden Doll sayo" sabi naman ni Tristan. I think Nero can't hear them right now. He's damn busy! Shit


"Nero, wait" malakas ko na siyang tinulak. Nakanuot ang noo niya sa akin dahil sa ginawa ko. Minsan kakausapin ko ang boyfriend kong Shokoy na ayoko ng PDA.


"May sinabi ka ba sa mga pinsan mo? They sound like a bitter single guy" kasi ang bibitter nila, pansin ko lang. Nagkibit balikat lang siya sa akin


"Fuck! I'm not!" sabi ni Tristan.


"No way! Madami akong girlfriend. Magbilangan pa tayo" dipensa ni Troy.


"Hindi ako bitter Wada. Nagyayabang lang yang si Nero" sagot ni Owen.


"Mang Bert ano pong sinabi ni Nero?" tanong ko kay Mang Bert. Hindi ko naman kasi narinig, so kaya naman pala natigilan ang mga Shokoy ay dahil may sinabi itong mayabang kong boyfriend.

Nag aalburuto lang naman kasi ang tatlong Shokoy. Bakit pakiramdam ko ay biglang nag init ang loob ng van? Ganun ba talaga sila kairitado? O dahil feel ko na talagang maiinit ang ulo nila. Ngumisi lang sa akin si Mang Bert.


"Ano nga 'yon Nero?" tanong ko sa kanya.


"You didn't hear?" nakataas ang kilay niya sa akin.


"Bakit ko pa itatanong kung naparinig ko na pala?" nakakainis naman ang Shokoy na ito.


"I got the record" itinaas ni Aldus ang phone niya.

Una naririnig ko pa ang kabulastugang usapan ni Owen at Troy. Yung usapan nila tungkol sa katawan ng mga babae.


"Bakit naka record yan?!" malakas at iritadong tanong ni Troy, bahagya pa nga siyang tumayo sa kinauupuan niya.


"Wala lang. Sana pagtitripan ko kayong dalawa, I'll send this to LG. Lagot na naman kayo. Haha"


"Fuck you Aldus! Burahin mo yan" iritado na rin si Owen. Palibhasa puros mga kabulastugan ang pinag uusapan nilang dalawa doon.


'Nonsense!? Wag kang maniwala sa kanya Doll niloloko ka lang niyan' troy's voice. Nandon na sa usapang naka headset na ako.


'Fuck! Sinong namamato?' boses naman ng iritadong Tristan ang narinig ko.


'Si Nero!' boses ulit ni Troy. Medyo naririnig ko pa sa background ang tawa ni Owen.


'Damn! Kayo na lang ang magbatuhan!' boses naman ni Aldus.


'Tang ina sapol. Fuck you Aldus!' boses ulit ni Troy. Ngayon ang naririnig kong tumatawa ay si Mang Bert


'Gago ka Troy!' malakas na mura ni Tristan kay Troy.


'Basta ako may magandang girlfriend, kayo meron?' boses ni Nero.


'Tang ina, san nanggaling 'yon?' iritadong segunda naman ni Owen.


'Dyan kayo napaglamangan. Ahahaha' kung hindi ako nagkamali ay kay Mang Bert ang boses na 'yon.


'Nero!' narinig ko na ang boses ko.That was when he kissed me. Pinatay na ni Aldus ang phone niya.


Medyo natigilan ako sa narinig ko. Magandang girlfriend. Kaya pala nilagyan ako ng headset, magyayabang lang pala ang Shokoy. We'll I find it sweet. Darn! Ayaw niya lang marinig ko ang sasabihin niya. Ferell!


"Why so sweet Nero?" nakangsi ko siyang binalingan, ngayon nasa labas ang tingin niya. Nagsisimula na siyang mamula.


"Huh?" kinuha na niya ang headset niya na hawak ko at mabilis niyang isinuot.


"Akala ko talaga tatandang binata yang si Nero. Nauna pang magkagirlfriend sa akin" dinig kong sabi ni Owen.


"Sinuwerte lang yan" sagot naman ni Troy.


"Pinamumukha ba naman sa akin na single ako? Tang ina sasagutin din ako ni Lina. Makikita mo" Hala! Pikon na pikon si Tristan. Minsan lang kasi yan umimik ng mahaba, nakakagulat talaga. Is he really that serious to Lina? Anyways, wala na akong pakialam sa kanila.

Sinulyapan ko ulit si Nero. Walang pakialam mode na naman siya. May mood swings ang Shokoy. Pagbigyan na ulit, kakaahon lang niyan sa dagat.

Bakit pakiramdam ko ang layo layo ng pupuntahan namin. Saan ba maglalaro ang mga Shokoy na ito? Bakit hindi na lang sa mansion nila may malaking court naman sila at doon na sila maghakot ng kalaban.

Hindi rin nagtagal ay bumalik na naman sa kanilang kawili wiling topic si Owen at si Troy.


"Balita ko may hinahabol ka daw na madre Troy" nanlaki ang mata ko sa narinig mula kay Owen.


"A Nun! For God's sake Troy Ferell! Mahiya ka naman! Ang dami mo ng babae bakit pati madre ginugulo mo ang buhay?!" pakikisali ko na naman sa kanila.

Kita ko kung paano umiling si Nero Ferell sa pagsabat ko sa usapan ni Owen at Troy, inirapan ko na lang siya. Sa hindi ko mapigilang hindi makisali, anong magagawa niya?

Kahit si Aldus ay nakikita kong napapasulyap sa mga pinsan niyang nag uusap. Siguradong nagugulat yan sa lumalabas sa bibig ng mga pinsan niya.


"Don't you ever dare to record anything Aldus!" sigaw ni Owen sa kanya.


"I deleted it. Bahala kayo, wala na akong pakialam sa inyo" sagot niya.


"Hindi naman siya madre kumakanta lang siya sa simbahan" depensa ni Troy. Napahinga ako ng maluwag medyo nabawasan ang kasalanan niya kay Bro.


"Chics ba? Kaya ka pala laging nagsisimba nitong nakaraang linggo" natatawang sabi ni Owen. Wala na talaga. Kahit saan na lang sila mapadpad ay puros babae ang inaatupag nila. Kahit mismo sa simbahan. I bet hindi naman yan nakikinig sa misa.


"Hindi ko na nga naiintindihan ang sinasabi ng pari. Sa kanya na lang ako napapatingin sa buong oras ng misa. Ahahha" See? Tama ang hula ko. Talaga naman!

Napapairap na lang ako sa hangin. Hay! Buhay nga naman na may nakapalibot na Shokoy! Sakit sa split ends.


"Ilang oras pa ba ang travel?" tanong ko sa kanila. Naiinip na ako.


"I think 2-3 hours?" sagot sa akin ni Aldus.


"Why sobrang layo naman ng game na yan? Hindi pa ba kayo late?" grabe, dapat galingan nila. Padayo dayo pa sila tapos talo naman? Nakakahiya. Isasama pa nila ako sa kahihiyan kung nagkataon.


"May pustahan kami don" sagot naman sa akin ni Troy.


"Nangangailangan kayo ng pera?" napangiwi ako sa sarili kong tanong sa kanila. Sabay sabay silang napatawa sa tanong ko sa kanila. What's so funny?


"Haha. Katuwaan lang Wada" sagot sa akin ni Owen. Napapansin ko na hindi nakikisali sa usapan namin si Tristan at Nero.

Si Tristan, malamang tulog na ulit. Si Nero naman ay nakaheadset at walang pakialam sa usapan namin dito, alam ko naman na patay yang headset na yan. Ang arte ng Shokoy kong boyfriend!


"Kakain ba muna tayo? What do you think Warden? Gutom ka na ba?" sumulyap sa akin si Aldus. Simula ng naging kami ni Nero, hindi na niya ako kinukulit.I think we're friends? But I can still feel how he really cares for me. Is that good or bad thing?

I think nothing's bad on it. Wala naman kaming ginagawang masama.


"Kayo na ang bahala. Hindi pa naman ako nagugutom. Pero mas mabuti na siguro na kumain muna kayo para may laman ang tiyan nyo sa laro mamaya"


"Okay, then. Kakain muna tayo. Saan mo gusto Warden?" tanong ulit ni Aldus sa akin. Bakit ba ako ang tinatanong niya?


"Sa mcdo na lang tayo. 'Yon na ang pinakamalapit. Ginugutom na ako" reklamo ni Owen. Ang pinakamatakaw na Shokoy sa lahat. Hindi na sumagot si Aldus. 

Niliko na ni Mang Bert ang van sa may mcdo. Unang bumaba si Owen at mukang gutom na gutom na, nakalabas na rin si Aldus. Bumaba na rin ako kasunod si Nero Ferell.


"Hoy! Tristan gumising ka na dyan. Kakain na tayo" niyuyugyog na siya ni Troy pero tulog na tulog talaga. Hindi muna ako naglakad at tiningnan ko muna ang magpinsan na naggigisingan doon.

Mukhang walang balak gumising si Tristan.


"Hood! Let's go" hinila na ako ni Nero.


"Bahala ka na nga! WAG KA NG GUMISING!" iritadong bumaba si Troy, hindi na ata kinaya ang paggigising.

Pagkapasok na pagkapasok namin ng mcdo. Halos lahat na lang ng mga tao roon ay napapatingin sa mga kasama ko. Nakakaagaw naman kasi sila ng pansin bukod sa kulay black nilang jersey na parepareho.Talagang kapansin pansin ang gwapo nilang pagmumukha.

Don't judge the book by its cover. Delikado po ang mga kasama ko, mag ingat kayo.


"Ako na ang oorder ng kay Hood" sabi ni Nero kay Aldus. Pumila na rin siya.


"What do you want?" tanong ni Nero sa akin.


"Pwede pineapple juice na lang? Hindi pa kasi ako gutom" sabi ko sa kanya.


"Hindi pwede. Maupo ka na, ako na ang pipili" bakit tinanong pa ako?

Hinanap ko ang upuan namin. Nandoon na si Owen at si Tristan. Ang pinagtataka ko bakit nagpakadulo pa ang dalawang 'yon luwag naman sa mas malapit.

Tatlong row ng table. Sa pinakadulo ay may nakaupong dalawang babae na may revealing na mga suot, siguro mga kasing edad ko lang rin sila. Ngayon alam ko na kung bakit dito sila pumuwesto. Bakit ganito ang suot ng mga babaeng ito? Nasa mcdo lang naman. 


"Wearing blue dress" bulong ni Troy. Sinulyapan ko ang babaeng tinutukoy niya. Ang ganda ng posisyon ng babaeng 'yon, nakadikwatro siya at malapit ng makita ang dapat makita.


"Mas type ko yung nakabackless na kasama niya" sagot naman ni Owen. Sinulyapan ko ulit, nakatingin na ang dalawang babae sa gawi namin. Nako miss, maghunos dili ka.


"Excuse me? May nakaupo ba dito? Pwede pa share?" nakapamaywang na tanong ko sa kanila. Mukhang hindi nila ako napapansin.


"Nako miss dun ka na sa kabilang table. Bawal ang taken dito" sagot sa akin ni Troy. Naningkit ang mata ko sa kanila dalawa. Ako ba pinagloloko ng dalawang Shokoy na to?

Agad naarlama si Owen sa paniningkit ng mata ko.


"Pikon si Wada. Hahaha" tumayo pa si Owen at ipinaghila ako ng upuan.


"Para sa aming reyna" natatawa niyang sabi. Inirapan ko na lang siya. Nahagip ng mata ko ang pagsiring ng mata ng mga babaeng 'yon sa akin. Huwag nila akong subukan baka umurong ang dila nila pag mata ko na ang umikot sa kanila.


"Wada, wag mo namang takutin" sabi sa akin ni Owen.


"What?" iritado kong sagot. Napansin ko na agad si Nero na may hawak ng pagkain. Kasunod niya si Aldus.


"Nasan ang amin?" tanong ni Troy.


"Ano ka chics? Bumili ka kung nagugutom ka" sagot sa kanya ni Aldus. Padarag na tumayo si Troy at Owen habang masama ang tingin kay Aldus. Nagsimula na silang maglakad papunta sa counter. Inuuna kasi ang pambabae, yan ang napala busog nga ang mata kumakalam naman ang tiyan. Mga Shokoy talaga.

Sa ibang table naupo si Aldus. Katapat ko ngayon si Nero


"Eat" ang dami niyang inorder. Hindi ko kayang ubusin lahat, hindi naman ako matakaw kumain. 


"Bakit ang dami naman?" reklamo ko sa kanya. Tiningnan niya lang ako ng diretso. Bakit ba ang moody ngayon ng Shokoy na ito?


"Namamayat ka na daw sabi ng pinsan mo"


"Who?"


"Si Villacorta"


"Nag uusap kayo ni Gio?" nakakunot ang noo ko ngayon. Ang pagkakaalam ko kasi hindi talaga sila magkasundo ni Gio.


"Nope. Tanda ko lang na sinabi niyang namamayat ka. So you should eat, mataba ka ba noon Hood?"


"Hindi ah! Sexy na ako since birth" sagot ko sa kanya. Ngumisi lang siya sa akin.

Napansin ko na nakaorder na rin sina Owen at Troy. Sa dalawang babae sila nakishare ng upuan, napapailing na lang ako kasi sa tatlong row na bakante doon sila sa kanila nakisiksik. Jeeez. Sana hindi maantala ang biyahe namin.


"Nero nasan si LG? parang nawala na naman siya"


"Ewan" mabilis niyang sagot sa akin.


"Hahaha. Kapitbahay lang namin siya! Walang pamasahe kaya isinabay na namin" pakinig ko ang sabi ni Troy. Sinong kapitbahay? Napansin ko na nakataas ang kilay ng dalawang babaeng 'yon sa akin.

Ako ba? Ako ba ang pinag uusapan nilang kapitbahay? AT walang pamasahe!? The nerve! Narinig ko na bahagyang napatawa si Nero. Sinamaan ko siya ng tingin.


"Kapitbahay ka na pala namin ngayon Warden" natatawa na rin si Aldus habang humihigop ng mcfloat. Pinag igi ko na lang ang pagkain ko ng fries. Bakit kasama ako sa usapan nila. Insecure lang talaga sila sa ganda ko.


"Give me one please" sabi niya sa akin ni Nero. Inabot ko sa kanya ang large fries, hindi ko rin naman mauubos.

Agad kong napansin ang pilyo niyang ngiti. Hindi niya kasi inabot sa akin ang fries na binibigay ko What? Gusto mo subuan kita?


"Maghanap ka ng magsusubo sayo. Kapitbahay lang akong walang pamasahe" inirapan ko siya at pinagpatuloy ko ang pagkain sa fries. Pinagtutulungan na naman ako ng mga Shokoy na itong asarin, kainis.

Nagulat na lang ako ng bumaling si Nero sa gawi nina Owen at Troy.


"Troy! Bawiin mo nga ang sinabi mo, hindi tuloy magpalambing sa akin si Florence" malakas at medyo iritadong sabi Nero.

Pakiramdam ko ay bigla na lang nag init ang mukha ko sa sinabi ng boyfriend kong Shokoy. Darn, Nero Ferell.


--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro