Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Mission 28

Mission 28


Unang pagmulat ko palang sa umaga. Inalala ko na ang mga nangyari kagabi. Jeez, it wasn't a dream. I am officially Nero Ferell's girlfriend. Paano nangyari yon kagabi? It was like a blast!

Maaga akong nag ayos para makapasok. Inihanda ko na rin ang almusal ng mga Shokoy baka naman kasi magutom ang mga 'yon sa klase at hindi makapag aral ng maayos, kawawa naman. Alam ko namang pursigido silang mag aral kaya pikit mata ko na lang silang susuportahan. Pursigido?  pursigido kamo sa babae.

Pagkatapos kong ihanda ang pagkain nila sa mesa. Naglagay na lang ako ng note.


'Owen, ikaw ang duty sa plato'


Medyo nagtaka pa nga sa akin si Kuya Bert dahil sobrang aga ko daw. Syempre sanay siya na lagi akong late pumasok. Ang totoo naman kasi, hindi ko alam kung paano ko pakitutunguhan ang hari ng mga Shokoy. Yes we are officially but I felt awkward lalo na dahil laging nakapaligid ang kapwa niya Shokoy. I think this is gonna be hard for me. Sobrang hirap, how can I adjust?

Naglalakad na ako sa may corridor ng biglang sumiklab na naman ang dugo ko. Si Ashong! Ang walang hiyang magdudulos. Malaki pa ang atraso sa akin ng hinayupak na lalaking ito!

Nanlaki ang mata niya nang nakita ako, agad siyang lumihis ng direksyon sa paglalakad. You can't escape from me.


"ASHONG!" malakas na sigaw ko sa kanya. Binilisan ko ang paglalakad ko para masipa ko man lang kahit mukha niya. Hindi naman kasi nakakatuwa ang ginawa niya sa akin. Siya lang itong pinagdudulos, bakit kailangang idamay pa niya ako?


"Florence, ang aga aga ang init ng ulo mo. Naiwan sa flight? Hindi nakapagdisneyland?" tatawa tawa pa siya habang nagmamadali sa paglalakad. Kainis!


"Buwiset ka Ashong!" napapadyak na lang ako ng malayo na siya. Di bale madami pang araw Ashong. Hindi pa tayo tapos.

Masyado pang maaga para sirain ang araw ko. Huminga muna ako ng malalim. Hindi dapat ganito ang iniisip ko sa umaga. Dapat free from stress ang kagandahan ko, dapat malayo ako sa mga abnoy. Salot sila sa lipunan. Nakakasira sila ng kagandahan.

Pagpasok ko sa assigned room ko may napansin na agad akong tao. Ang aga naman niya.


"Why so early Warden? 6:21 pa lang. Di ba 7:30 pa pasok mo?" sinulyapan niya ang wrist watch niya. Prenteng nakataas ang paa sa lamesa ng professor. Sa pagkakaalala ko hindi kami magkaklase, why is he here?


"Why are you here?" tanong ko rin sa kanya.


"So kayo na?" biglang tanong niya sa akin.

Hindi ako tanga. Alam ko ang tinatanong niya sa akin. Pero bigla na lang umurong ang dila ko para sagutin siya. He looked really serious.


"Wala na talaga" umiiling na sabi niya. Saka siya tumayo at lumapit sa akin sa tapat ng pintuan, hindi pa kasi ako tuluyang pumapasok ng classroom.


"Why him? I'm Ferell too" diretso ang tingin niya sa aking mga mata. He's so serious. I can feel it.


"No answer? I just didn't get it Warden. He's always rude to you. I'm always nice. Why my damn cousin?" ngayon nakakunot na ang noo niya sa akin. Habang ako naman ay nakatitig sa kanya.


"Aldus" medyo mahina kong sagot sa kanya.


"Hell yeah! Don't worry I won't interfere. I respect you both. Just don't regret your decision" nilagpasan niya na ako.

Hindi na ako nagkaroon ng lakas na lumingon sa pag alis niya. What should be my reaction then? Is he really serious on me? Akala ko nakikipaglaro lang siya sa akin just like the other girls around. I've seen him with different girls, I've seen how he turned hearts into pieces kaya ni minsan hindi sumagi sa isipan ko na sisiryosohin niya ako.

And I don't felt any hatred, anger or jealousy everytime I saw him with any other girls but when it comes to Nero, Damn. Halos isinumpa ko na si Nero sa kalandian niya, makita ko lang siya na may ibang babaeng kasama parang gusto ko na siyang patayin kasama ng babae niya. Mabilis kumulo ang dugo ko kung tungkol sa kalandian ni Nero Ferell ang pinag uusapan.

Now I know why Nero Ferell can make me feel like that. Damn Shokoy, he captured my heart. I still can't recall how did I start loving him? Pakiramdam ko bigla na lamang uminit ang pisngi sa mga iniisip ko.


Ang tangi ko lang naman natatandaan ay ang mga kayabangan niya sa katawan. He's never been sweet but always perv, hell how did I fall for him?

Pero sa mga oras na ito, ayoko muna siyang makita. Hindi ko alam kung paano ako kikilos. Yikes! Ano bang kaartehan ito.

Inabala ko na lang ang sarili ko sa pakikinig sa klase ko. Si Lina hindi pa pumasok at ang balita ko pa ay lilipat na daw ng school. Hindi ko talaga maiwasang maging highblood dahil sa kabulastugan ni Tristan Ferell.

Kailangan ko talaga siyang dalawin. Kaya sa huli kong klase halos minuminuto ko nang tiningnan ang oras gusto ko ng makadalaw ka Lina.


Nang tumunog na ang bell hudyat ng pagtatapos ng klase, halos tumakbo na ako sa pintuan ng classroom makalabas lang. Pero may humarang sa akin. Hell!


"Nagmamadali ako, padaan" uniform ng lalaki ang nakikita ko sa unahan. Sadya niya akong hinaharang dahil ng lumipat ako sa ibang direksyon humarang na naman siya.


"Wanna eat cake Lauren?" nakangiting Arisotle Raje ang sumalubong sa pag angat ng tingin ko.


"May pupuntahan kasi ako. Maybe next time na lang Raje" Magsisimula ka na naman Raje? Ano ba talagang ginagawa niya sa school na ito?


"Oh, you have a date?" kumunot ang noo niya sa sarili niyang tanong.


"No! wala. May dadalawin lang ako" sagot ko sa kanya.

Nagtataka ako kung bakit walang tumutulak sa akin sa labas nang tingnan ko ang mga kaklase ko sa kabilang pintuan na sila lumabas. May ilan din naman na dumadaan sa pintuan kung saan nandito kami ni Raje, puros nagtataka ang mga mata nila. May ilan ding mga kaklase kong babae na nakataas ang mga kilay sa pagsulyap sa amin ni Raje.


"Akala ko ba si Aldus ang nanliligaw sa kanya?" Kailan pa nanligaw sa akin si Aldus?


"Maganda kasi"


"Ang ganda talaga ni Florence"


"Kahit transferee inakit na rin niya" Biglang nag init ang ulo ko sa narinig kong 'yon. Inakit? nakataas ang kilay kong bumaling sa nagsalita non. Mabilis silang umalis sa kumpulan nila at nagsilabasan na sa classroom. Mga walang magawa, tsismosa!


"Suplada naman niyan" Malakas na sabi ng isa sa mga kaklase kong lalaki.


"Yes. She is" natatawang sagot ni Raje. Sige sumang ayon ka pa.


"Whatever. Bye" inirapan ko muna siya bago ako humakbang paalis. Wala akong panahon para makipagbiruan ngayon. As of now my priority is to visit Lina. Lalampasan ko na dapat siya kaso hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at pinisil ito.


"Damn. I missed that rolling eyes" ngingiti ngiti pa siya.


"Ouch!" inirapan ko ulit siya.

Nagulat na lang ako ng biglang may nabasag. Pagtingin ko, basag na ang bintana ng classroom. Agad akong kinabahan. Nero is watching. Ngayon ko lang napansin na kami na lang pala ang tao sa classroom wala na ang mga kaklase ko.


"Shit! What's that?" habang gulat pa si Raje, nagmadali na akong lumabas ng classroom. I really need to go Raje, sorry.


"Mauna na ako. Bye Raje next time we'll eat cake" kumaripas na ako ng takbo. I know, Nero is around.


--


"Mang Bert sa Whirlpeil Subdivision po"

Pagkapasok na pakapasok ko pa lang sa aking bagong bagong Lincoln MKT halos itapon ko na ang mga gamit ko sa pagmamadali pero ayos lang dahil feel na feel ko ang bago kong sasakyan, daig ko ngayon ang mga Shokoy na 'yon. Napakabait talaga ni LG, he even gave me this kind of luxury car. My dad will never give me this kind car kahit magpagulong gulong pa ako. Though hindi pa din nila ako pinapayagan na magdrive so I'm always have my driver with me.

Alam ko naman na mayaman ang mga Ferell kaysa sa amin but they're not that well known ni hindi ko nga sila kilala noon. I wonder why Ferell doesn't like popularity. Well when it comes to girls, that's a different kind of story.


Mga 30mins bago ako makarating sa subdivision ni Lina at dahil mabilis si Mang Bert mag drive mabilis akong nakarating sa bahay nina Lina.

At pagkababang pagkababa ko. Agad may umagaw ng atensyon ko. Akala ko ang silver kong sasakyan ang pinakamaganda. Mukhang bumili din ng bagong sasakyan sina Lina.

Land Rover is cool. Pinapasok ako ng katulong nina Lina dahil kilala na naman nila ako. Sinalubong ako ng Mommy niya si Tita Lean.


"Hi Florence. Nasa taas si Lina" nakipagbeso beso ako sa kanya. Well as always Lina's Mom looks stunning, parehas sila ng mata ni Lina.


"Tita I love your new car" kinindatan ko siya.


"Haha. I hope that ours, nope Hija hindi yan sa amin. Sa boyfriend yan ni Lina" Napa O ako sa sinabi ni Tita. Boyfriend?


"Boyfriend?"


"Hindi mo kilala ang boyfriend ni Lina. Oh, my daughter is having a secret on you---- natatawa pa si Tita sa akin—Schoolmate nyo siya, you know Tristan Ferell?"


"Hindi po" Mabilis na sagot ko kay Tita. Sino ba 'yon? Parang pangalan ata ng Shokoy. Naningkit na lang ang mata ko sa mga nalaman ko ngayon. Well I should accept that secrets are not only for me.

Pero paano niya naitago sa akin? Didiretso na ako sa kwarto niya ng napansin ko na seryosong nag uusap ang Daddy ni Lina at si Tristan. Bahagya lang nagtama ang paningin namin dalawa ni Tristan.


"I like him for my daughter" sabi sa akin ni Tita Lean. Lihim akong napaismid sa sinabing 'yon ni Tita.

Pataas na kami ng hagdan, kung titingnan napaka elegante ng bahay nina Lina. A modern style of house hindi katulad ng sa mga Ferell na may pagkavictorian ang style.


"Babaero po yan" ngiwi kong sagot sa kanya.


"Wag mo namang siraan si Tristan, muka ngang inosente ang batang 'yon. Akala ko ba hindi mo siya kilala hija?" laglag ang panga ko sa sinabi ng Mommy ni Lina. INOSENTE! Saang parte Inosente ang Shokoy na 'yon?

Mananahimik na lang siguro ako dahil baka may masabi pa akong hindi maganda at ako pa ang magmukhang kontrabida dito.

Nakarating na kami sa pintuan ng kwarto ni Lina. Saradong sarado.


"Now make her open it. Ayaw niyang buksan kasi nandito si Tristan" good Lina.


"Mommy! I told you! Wala kaming ginawa ng lalaking iyan sa library! Sinungaling 'yan! Hindi niya ako kailangang panindigan" malakas na sigaw ni Lina. Panindigan? Umabot sa ganun?


"Anak, umamin na siya. Wag ka ng magsinungaling sa amin ng Daddy mo. Maayos naman siyang kausap. May prinsipyo siyang bata" pakiramdam ko nagdudugo na ang ilong ko sa sinasabi ng Mommy ni Lina. Hindi niya alam ang sinasabi niya. Ferells are dangerous.


"Hey, Lina can I go inside?" kinatok ko siya. I really need to talk to her, hindi pwedeng nagkakapaan kami ni Lina. What are friends for kung pareho kaming may sekretong dalawa? I planned to tell her mine.


"Florence?" Naninigurong tanong niya.


"Yes. Ako nga. Now open it. I want to talk to you" I heard her footsteps. Bubuksan na niya. Dahan dahan na niyang binubuksan ang pinto. Slow motion ba ito? Bakit ang bagal

Nagsimula na akong humakbang papalapit sa pintuan. Agad akong nagtaka sa gulat na reaksyon ni Lina pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto not particularly to me but to the person behind me. Sasarhan na dapat ni Lina ang pinto kaso huli na ang lahat.


Ang huli ko na lang nakita ay si Tristan Ferell na kumindat sa akin at mabilis na sinara ang pinto. Nakita ko pa ang buka ng bibig niya.


'Thanks Warden Doll' bago niya tuluyang sinara sa pinto. Natigilan ako sa bilis ng mga pangyayari. What was that?! Ngayon ko lang din napansin na malayo na ang distansya ko sa pintuan someone pulled me.


"WHAT ARE YOU DOING HERE! GET OUT!" pakinig ko ang sigaw ni Lina. She's definitely pissed off.


"Tita!" baling ko kay Tita Lean. This is bad, delikado si Lina. Tristan is a Ferell.


"Let them talk" simpleng sagot niya sa akin, hindi ba niya naisip ang maaaring gawin ni Tristan sa anak niya?


"Tristan will not only talk to her!" medyo napataas ang boses ko. This isn't a good idea Tita.


"I trust him" sagot naman sa akin ni Tito. Why are they like this? Kayo na ngang magulang walang pakialam. Ano ba naman ang halaga ng concern ko dito?


"Florence, parehas naman pala kayo ng taste ng anak ko. You like Ferell genes too" nginuso ni Tita ang taong nasa likuran ko. Ferell genes.

Nag init ang mukha ko sa sinabing 'yon ni Tita. Bumaling ako sa likuran just to see someone who pulled me, I didn't even bother to look at him a while ago just to confirm. Pamilyar na ako sa paraan ng paghila niya sa akin.


"You like sticking your nose to someone's business" naka smirk na sabi sa akin ni Nero Ferell.


"She's not someone! She's my friend!" angil ko sa kanya.


"Let them be. Tristan is serious on her" nakangusong sagot niya akin.


"How do you say so?" naningkit ang paningin ko sa kanya.


"Just leave it. Let's go. Nakikigulo ka lang dito. Pasensya na po sa abala" tumango pa siya kina Tito at Tita bago niya ako hinila palabas. Akala mo naman napakagalang na tao. Ferell! Tumango na din sa amin sina Tito at Tita.


"Ingat kayo mga anak" sabi ni Tita Lean.


--


"Hindi ako abala. I'm just concerned" sabi ko sa kanya pakalabas na pagkalabas namin ng bahay.


"Concerned huh?" naka smirk pa din siya. Nagulat na lang ako ng iba na rin ang sasakyan ni Nero. So hindi naman pala ako dapat magsaya dahil pati pala ang mga Shokoy niyang apo ay may bago ng sasakyan.

Damn is that Red Audi Amarok!? Yes. I am very particular to cars. I've seen how Kuya Nik switches his cars from one luxury car to another talagang nakakadagdag sa paghahakot niya ng babae.


"I love your new car" nakataas ang kilay ko.


"Just my car?" nakangising tanong niya sa akin.


"Ano bang sabi ko?" pang aasar ko sa kanya.


"Bahala ka nga sa buhay mo. Magcommute ka na lang" ay pikon ang Shokoy. Padabog niyang sinara ang pinto. Di wag! may sasakyan kaya ako. Pero ngayon ko lang napansin na wala na si Mang Bert. Where's my Lincoln MKT?

Nagsisimula ng umandar ang sasakyan ni Nero.


"Wait Nero asan si Mang Bert?" kinakatok ko siya sa sasakyan niya. Hindi ako pinapansin. Kunot na kunot ang noo niya.


"Hoy Nero! Pasabay" kinakatok katok ko ulit siya. Wala siyang pakialam. Talagang aalis na talaga siya. Humarang ako sa unahan ng sasakyan niya. Binusinahan niya ako ng malakas.


"Tumabi ka. Nagmamadali ako" sungit.


"Pasabay. Umalis na ata si Mang Bert" nakangiting sabi ko sa kanya.


"Magcommute ka na lang" ay! Walang effect ang ngiti ko? Pinaandar niya ulit ang sasakyan niya sa ibang direksyon. Agad naman akong humarang.


"Ano ba Hood?" pikon talaga ng hari ng mga Shokoy.


"Bakit ba ang pikon mo? Sasakay lang naman ako. Ako na ang magagasolina"


"Anong tingin mo sa akin? Walang pang gasolina?" pinaandar na ulit niya ang sasakyan niya sa ibang direksyon.


"Ano ba Nero?! Bakit ang damot mo?" naiirita na ako sa kaartehan ng hari ng mga Shokoy. Nagulat na lang ako ng nang nakalampas na ang sasakyan niya sa akin. Mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan hanggang sa mawala na ito sa paningin ko. Is he really that pissed?

Mukhang pikon talaga ang Hari ng mga Shokoy. Agad kong I di nial ang number niya. Kanino ko kinuha ang number niya? Kay LG nang matagal na panahon. Ito ata ang first time na tatawagan ko siya.

Tatlong beses na nag ring ang phone niya pero bigla niyang pinatay. Tinawagan ko na ulit siya pero pinatay na naman. Damn! Last na to. Sinagot niya sa ikalawang ring.


"Tang ina sino 'to?" iritadong sagot niya sa telepono. So hindi pala nakasave ang number ko sa kanya. Damn Ferell.


"Pwede kang magmura tapos ako hindi? Balikan mo ako dito. Mag aabang pa ako ng tricycle dalia---" pinatay ng Shokoy.


Mabilis akong nagtext sa kanya. 'I hate you'

Hindi siya nagreply. Right! Saan ba ang sakayan dito? Ang alam ko may kanya kanyang sasakyan ang mga tao dito. Paano ako makakauwi nito. Should I wait Tristan? Napangiwi ako sa naisip ko.

Kaya ang nangyari naglakad na lang ako palabas. Medyo malayo pa naman din ito mula sa main gate ng subdivision. Nakakainis!


Hindi din nagtagal ang paglalakad ko ay naaninaw ko ang pulang sasakyan ni Nero na nakaparada. Bahala ka sa buhay mo. You're pissed? Now I'm pissed too. Basagin ko kaya ang bintana ng sasakyan niyang yan?

Akala niya siya lang ang marunong maglampas ako din. Nilampasan ko rin ang sasakyan niya. Alam kong nasa loob 'non ang Shokoy. Hindi na kita kakatukin bahala ka dyan.

Naramdaman ko na lang na sinasabayan na ako ng sasakyan niya. Bukas ang mga bintana


"Come on Hood. Just tell me the magic words, pasasakayin na kita. Shy of me?" tiningnan ko na lang siya ng masama ang nakangisi niyang pagmumukha saka ako naglakad ulit.


"Playing hard to get huh?" narinig ko pa siyang tumawa sa sarili niyang sinabi. Bakit kanina? Iyamot na iyamot ang Shokoy nayan. Bipolar na Shokoy.


"Mananakit ang paa mo. Just tell it" naglalakad pa rin ako, bahala siya dyan. Naiinis na ako.

May nakasalubong pa kaming mag asawa na naglalakad kasama ang aso nila medyo weird nila akong tiningnan. Siguradong naaartehan na sila sa akin. The hell with it. Ang Shokoy na yan ang maarte.

Pinagtitinginan na kami ng mga taong nakakasalubong namin. Nakakahiya na yang si Nero.


"Damn!" pakinig ko na pabagsak na nagsara ang pinto ng sasakyan niya. Ako patuloy sa paglalakad. Asa kang lingunin kita.


"Yes! Oo na panalo ka na! Come here" nakangisi akong lumingon sa lalaking masarap asarin. Nasa labas na rin pala siya ng sasakyan niya.


"Ang ganda ko talaga" ni flip ko ang buhok ko. Tumapat ako sa pintuan ng sasakyan niya.


"You should open the door for me" nakangising sabi ko sa kanya.


"Are you trying to play with me Florence Celestina Almero?" nakataas na ang isa niyang kilay sa akin. Nasa driver's seat na kasi agad siya, ako nasa labas pa. Nagmamadali lang Nero Ferell?


"That's what boyfriends do. Be sweet Nero" nakangusong sagot ko sa kanya. Hindi ko maipaliwanag ang reaksyon ni Nero sa sinabi ko, mukha na siyang iritado.

Padabog siyang lumabas at pinagbuksan ako ng pinto.


"Happy?" pikon niyang tanong. Natatawa na talaga ako.


"Medyo?" sabay irap sa kanya. Mabilis siyang umikot para makasakay na. Pagkasarang pagkasara niya ng pinto ng sasakyan agad siyang nagsalita.


"Stop playing Florence. I don't play fair. You know that" nagulat na lang ako ng bigla niya akong hinalikan. Just a smack. But hell! Nero's teasing lips.


"You know what I mean" siya naman ngayon ang nakangisi.


"Whatever"


"Yeah. Your famous whatever" bahagya siyang tumawa.


"Bakit ka nga pala na kina Lina? Tresspassing ka doon ah" pag iiba ko sa usapan. Baka lapain ako ng Shokoy na ito mahirap na nasa close area kami.


"Nope. Tristan called me"


"Oo nga pala. Magkakasabwat ang mga Shokoy" inirapan ko ulit siya.


"I know. You're intentionally avoiding me" biglang seryoso niyang sinabi. Shhit! Nahalata nya? Bakit ang galing niyang magdivert ng usapan ang layo nito sa topic namin kanina ah.


"No. Why would I?" medyo awkward na sagot ko sa kanya.


"Yeah. Why?" naramdaman ko na tinigil niya ang sasakyan niya at nasa akin na ang buo niyang atensyon.


"I'm not avoiding you" nag iwas ako ng tingin sa kanya.


"You're always late at school. Why so early? And you even left note to Owen!" Iritado niyang sabi.


"Oh. Someone is jealous" natatawang sabi ko.


"I'm not"


"Really?" kita ko ang pamumula ng pisngi ni Nero. Natatawa na lang ako.


"Did you talk to Aristong a while ago?" pag iiba niya ng usapan. Natigilan ako. So siya nga iyong namasag ng bintana.


"Yes" Ayokong magsinungaling sa kanya. Kaya mabilis ko siyang sinagot. Kita ko kung paano kumunot ang noo niya


"You can't really just resist him" saka niya ulit pinaandar ang Audi.


"No. May tinanong lang siya sa akin. That's all" Hindi siya sumasagot.


"Diretsuhin mo na siya. Tell him that you're mine. Tell him to stop hitting on you"


"I...will, it's just that—" paano ko ba uumpisahan sabihin kay Raje. Nag aalangan kasi ako dahil baka sugo talaga siya ni Dad.


"It's just that?---what? Ok then, if you can't? Then I will"


"Wag na! ako na" alam ko na napaka rude kung si Nero pa ang magsasabi sa kanya. Dahil alam ko ang paraan ni Nero masyadong madugo.


"Good. I will give you 1 day. If he can't understand it, well I think that's the time for me to hit him hard. Nabitin pa ako nong party"


"Nero! Can you please stop being an asshole?" and what is he talking about ? Party? Is that the engagement party pa rin? Kung ganon hindi basta basta ang nangyari nang mga panahong nawalan ako ng malay.


I don't have any idea yet.


Nagulat na lang kami sa humaharurot na sasakyang nag overtake sa amin.


"Tristan's Land Rover, nagmamadali?" medyo curious kong tanong. Narinig ko na lang ang malakas na tawa ni Nero.


"Damn! Basted ang gago" nanlaki ang mata ko. Paano niya namalaman ?


"How did you know?"


"It's a cousin thing" nagulat na lang ako ng hinalikan niya na naman ko.


"You're doing it as a hobby Nero" inirapan ko siya.


"Simply addicted" kumindat pa siya sa akin. Kailangan ko talagang huminga ng malalim. Dahil this particular Ferell is definitely taking my breath away.


Don't worry Nero the feeling is mutual, I'm secretly addicted too.


--

VentreCanard


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro