Mission 27
Mission 27
Hindi pa din ako kuntento sa sagot ni Aristotle sa akin. I think he's still hiding something. And his existence is very damn strange for me.
"Dito ang gym" turo ko sa kanya.
"Okay"
Pang labindalawa na niyang 'ok' yon. Hindi ko alam kung naiintidihan niya ba ang sinasabi ko o hindi. Kasi sa tuwing napapatingin ako sa gawi niya sa akin lang siya nakatitig. I wonder kung nag iilusyon lang ako pero bakit parang ang pakiramdam ko bawat kilos ko ay sa akin siya nakatitig. Am i being paranoid?
Hindi naman ako ganito sa kanya dati. At kung ganito pa nga ang kinikilos niya noon pa man malamang hindi na ako napakali sa kilig. This particular guy behind me is my ex crush nga ba? Well I used to admire him pero kung tatanungin ako ngayon kung meron akong kahit anong nararamdaman sa tuwing makikita ko ang mga titig niya sa akin. I can only felt weird. Weird to the extent na naasiwa ako.
Sa huli ang kaya ko na lang gawin ay iiwas ang mga titig niya sa akin just to ease any awkward feeling. I'm confused, halos sabay kaming lumaki ni Raje though hindi naman kami close sa katunayan magkaway kami nito noon pa man.
I wonder how did I admire this man? Probably the looks? Well I can say that he has a nice secretive attitude. A silent caring guy, I felt that before.
"I think, the tour is over. Welcome sa GyroNella University" saka ako humarap sa kanya. Sinalubong ako ng mga titig niya. Raje? Why acting like this? I'm not used it. Umayos ka Aristotle. He's still looking at me and he is not bothered kung makita ko man kung paano niya ako titigan.
"Nope we're not yet done. What about the clubs here? Don't you have any interesting clubs here? Can you enumerate and explain each one?"
Bakit pakiramdam ko pinapatagal nya ang community service ko? Na I tour ko na siya sa lahat ng lugar dito. Hindi naman mahirap magtour, maliit lang naman kasi ang school na to. And I know this kind of community service will only last for 35-45 mins, hindi ko na kailangan pang patagalin besides parang hindi naman siya interesado sa kabuan ng school na to.
"Yes may mga clubs dito but as far as I know hindi na yon kasama sa Community Service ko" mataray na sagot ko sa kanya. The usual Florence Almero.
"I mean. How about you? Do you have a club here?" tanong niya sa akin.
"I don't have one. You know I don't have any interest on that kind of thing"
"Haha yeah. So I won't join any too" pinakatitigan ko si Aristotle Raje. Ang supladong inaanak ni Daddy.
I liked him before. Sobra. Napakagwapo niya sa paningin ko sa kanya dati, siya na ata ang pinakagwapong lalaki na nakikita ko noon. Oo magkaaway kami sa umpisa but when I noticed that he really cared for me, I started to like him. Pero nawala 'yon nang naging sila ni Gabriella, he likes a native type of girl 'yong mga babaeng hindi makabasag pinggan. At hindi ako ganon kaya tinanggap ko na lang sa sarili na we are not meant for each other though medyo bitter ako kasi feel ko na mas nagagandahan siya kay Gabriella kaysa sa akin, yon ang hindi ko matanngap. Hindi matanggap ng ego ko na may mas maganda sa akin. Wala na akong magagawa sa kanya, may mali ata sa mata niya.
He's a kind of chinito guy, tall and moreno. He has a body to die for, madami kaming nagkakagusto sa kanya sa dati kong school, maging sa kalapit naming school sikat na sikat siya sa mga girls. Halos makipagpatayan pa ako para lang makaupo sa unahan makapanuod lang ng laban niya sa basketball. He's a good son too and very good in business, I've witnessed it. He's a complete package guy. Ideal type of guy I dreamed of, kaso suplado lang. Mas madalas pa nga ata niyang tingnan si Dad kaysa sa akin.
But I admit. I'm no longer attracted to him. Nawala nang parang bula. He's just a simple guy in front of me. I wonder how did it fade away? I don't have any idea.
Yes he's still looks handsome and hot but not attractive anymore something like Nero Ferr---- oh damn!
"Okay. Your choice. Uuwi na ako bye"
"Hey wait!" agad niyang nahawakan ang braso ko na medyo kinabigla ko. What now Raje?
"Yes Raje?" medyo mahinahon kong sagot sa kanya. Kahit ang totoo medyo iritado na ako gusto ko ng umuwi. Agad kong inalis ang braso ko na hawak niya.
"I missed you Lauren" nagulat na lang ako ng bigla niya akong niyakap. He's embracing me tightly.
"I can't breathe Raje" bahagya ko siyang tinulak. Siguro kong nangyari ito sa amin noon, malamang patay na ako sa kilig. But now, I felt very uneasy hindi ko kayang tagalan ang yakap niya. I really can't.
Agad kaming naglayo ni Raje sa isa't isa na may nanlalaking mga mata. Hell! Muntik na kami! Siguro kung mas naglapit pa kami sa isa't isa, posibleng may tinamaan sa amin ng baseball na kalalampas lamang mismo sa harapan namin!
Mismo sa pagitan namin! Sa tapat mismo ng mga mukha namin. Agad kaming nagkadistansyang dalawa.
"Fuck! Kaninong bola yon?!" mura ni Raje. Sabay kaming tumingin sa pinanggalingan ng bola
"May tao pala" nakasmirk na sabi ni Nero Ferell. Anong ginagawa niya dito? Hindi pa ba siya umuuwi?
Diretso lang ang lakad niya pero hindi niya ako tapunan ng tingin. He really looked annoyed. Nang magtatama na ang mga mata namin bigla kong iniwas ang tingin ko sa kanya. Wait wait lang Florence? Why are you acting like a guilty girl? Wala kang ginagawang masama.
Agad kong binalik ang tingin ko sa kanya, papunta siya sa direksyon ko na may blangkong ekspresyon.
"Nananadya ka ba?" matigas na tanong ni Raje kay Nero.
Dirediretso lang si Nero sa direksyon ko. Hindi niya pinapansin ang tanong ni Raje. Nang malapit na siya bahagya akong kinabahan at napapikit na lang ako nang basta niya lamang akong lampasan. Dumaan lang siya sa gitna namin ni Raje
Why I felt something's wrong in my chest? I think this is the first time na nilampasan lang ako ni Nero Ferell. Why I felt neglected? Umurong lahat ng gusto kong sabihin. Bakit pakiramdam ko gusto ko na lang tumahimik?
Why am I expecting something else? Should I expect something na dapat gawin ni Nero Ferell? I think I don't have the right.
"Sa tingin mo?" pabalik na tanong ni Nero. Hawak na niya ang bolang ibinato niya kanina.
"Fuck you" malutong na mura ni Raje.
"Community Service. Kung ang babaeng yan namasag ng bintana kaya nagcocommunity service ako namasag ng mukha" maangas na pagkakasabi ni Nero sa paraang hinahamon si Raje. Hindi na ito maganda, alam kong papatulan siya ni Raje.
That damn baseball, napakapamilyar. Nero's style.
Sasabat na sana ako sa kanila nang may sumulpot na babae. AT talagang nakakagulat. Dahil sa likod siya ni Nero dumamba.
"Nero dear" agad niyang pinagpapak ng halik si Nero sa kung saan saang parte ng mukha niya. Nakakapanlambot. Why am I affected? Damn.
"Let's go Raje" tumalikod na ako at mabilis na naglakad. Hindi ko kayang tagalan ang nakikita ko. Ang landi niya, masyadong nakakairita.
"Now you're jealous? Damn! I'm fucking jealous too" pakinig kong sigaw ni Nero. I hate Nero Ferell. If you're jealous just do something! Damn Ferell!
Dumiretso lang ako sa paglalakad, hindi ako lumingon pabalik sa kanya. Manigas ka Nero Ferell! Why are you acting like this Florence? Hell! I don't even know! Napapailing na lang ako sa sarili kong tanong. Binilisan ko na lang ang paglalakad. Who's that bitch? Saan 'yon nanggaling?
"Lauren wait" tawag sa akin ni Raje. Sumunod pa pala siya sa akin, nakalimutan ko na nandito pa pala siya.
"Who is Nero Ferell?" diretsong tanong niya sa akin. Nanatili akong nakatitig sa kanya. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Hindi ko alam.
"Who is he to you Lauren?" who is he?
"I don't know Raje" tumalikod na ulit ako sa kanya at nagsimulang maglakad. I really don't know.
"I hope you're just confused. Not him Lauren. He don't deserve you" hindi ko na pinansin ang huling sinabi ni Raje. Kailagan ko ng umalis sa lugar na ito masyado na akong napapagod. Gusto ko ng umuwi. I felt very tired today. Damn tired.
Siguro bukas ko na lang bibisitahin si Lina. I need rest. Tinawagan ko ang driver para sunduin na ako. Buti na lang ilang minutes lang ang hinintay ko.
"Kuya Bert paki bilisan na lang po" sabi ko sa driver. Dumating ako sa bahay na tahimik. Nasan kaya ang ibang Shokoy? Pero hindi pa man ako nakakailang hakbang sa hagdanan.
"ANO?!" narinig ko ang malakas na sigaw ni LG sa may library. Nandito pala si LG, sana wag niya muna akong kausapin medyo pagod pa ako.
"KAILAN BA KAYO MAGTITINO?" sunod na sigaw ni LG. Minumura na naman niya ang mga apo niya, hindi na ako nasanay. Kaya naman pala tahimik pagpasok ko, nasa kalagitnaan pala sila ng misa ni LG
"Bakit damay ako sa murahang ito? Si Tristan lang naman ang nahuling nakikipagmake out sa library" pakinig ko ang reklamo ni Troy.
Kung ganon pambabae na naman nila ang pinuproblema ni LG. Bakit kaya hindi na lang niya lasunin saka ilibing ang mg apo niya ng matapos na ang paghihirap niya? Hindi ko tuloy maiwas isipin na ang limang Shokoy na ito ay sadyang itinapon na ng kanilang mga magulang kaya wala ng choice si LG kundi pulutin na lang ang lima niyang apo. Nasaan ba ang mga magulang nila? Isa yang malaking tanong na hindi ko pa nasasagot. May mga magulang kaya ang mga Shokoy na apo ni LG? Minsan maitanong nga kay LG. 'The legend of Ferell de Shokoy'
"ISA KA PA! NAMASAG KA DAW NG MUKHA!! ANO NA NAMAN ANG NASA UTAK MO TROY?!" hindi ko na narinig na sumagot si Troy. Malamang totoo naman ang nasagap na balita ni LG. Ilan ba ang nasa ospital ngayon? Tatlo o apat?
"Sila lang ang may issue, why am I included here?" reklamo din ni Owen.
"SHUT UP! HINDI KO PA NAKAKALIMUTAN ANG GINAWA MO SA HOTEL! Hanggang ngayon inaayos ko pa ang gusot mo! Hindi biro ang mga Cortez!"
Natahimik din si Owen. Parang kilala ko ang mga Cortez. Si Raje! Oo nga pala I heard may ginawa na namang kabulastugan si Owen sa party that time. Siguro 'yon ang pinag uusapan nila nang bumalik ako dito. They didn't give me the complete details, I suddenly became curious.
Pakinig na pakinig sa buong bahay ang boses ni LG. Sa ayaw at sa gusto ko mapapakinig ko ang nangyayaring murahan. Minsan nakakaenjoy din namang pakinggan kung paano salasalabit na mangatwiran ang mga Shokoy na to. Mapapatawa na lang ako sa kani kanilang kasinungalingan.
Papasok na lang ako sa library para magpakita kay LG saka ako aalis agad.
"LG Hi!" bati ko sa kanya pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto, medyo bukas na naman kasi kaya bahagya ko na lang tinulak.
"Florence hija" nakita ko kung paano gumuhit ang ngiti kay LG. He looked stress. Naaawa na ako kay LG. Kung ako sa kanya ibabalik ko na ang mga apo ko sa kanyang mga anak para tapos na ang paghihirap ko.
Nilapitan ko siya saka ako humalik sa pisngi niya. Saka ko napansin ang mga Shokoy niyang apo na kapwa mga busangot na busangot ang mga mukha. Hilehilera sila sa isang mahabang sofa.
"Nasan ni Nero Doll?" tanong sa akin ni Troy. Bakit niya sa akin itatanong ang kinalalagyan ng malanding 'yon?
"Kasama ng babae niya" sagot ko.
"Sino si Miranda? Bianca? Or Faye?" tanong naman sa akin ni Owen sa akin. Bitch Collections? Damn Shokoys!
"I don't know the name of that bitch. Stop asking me" inirapan ko si Owen. Pakinig ko ang sabay sabay na pagsipol ng mga Shokoy maliban kay Aldus.
"Why so bitter?" tanong ni Tristan. Ako bitter?
"I'm not!" sinamaan ko siya ng tingin.
"Tigilan nyo si Florence. Hija I know you're tired. You can rest now bukas na lang tayo mag usap" tumango na lang ako kay LG saka inirapan ang mga Shokoy.
Papalabas na sana ako ng may narinig akong pamilyar na pangalan mula kay LG.
"Ngayon kailangan ko pang makipag usap sa mga Hidalgo. Bakit sa dami ng lugar ay sa library pa kayo gumagawa ng milagro!"
"Nako LG. Lower your voice. Andito pa si Wada" pakinig kong bulong ni Owen na dinig na dinig ko naman.
"Wait? I think I heard it wrong? Sino LG? Hidalgo?" agad akong humakbang pabalik.
"Patay ka Tristan. Narinig ni Wada" natatawang sabi ni Owen.
"He's Dead" sang ayon ni Aldus.
"Ohooo. This is the end. Ahahha" natatawa na din si Troy. What's funny?
"You know Linnalyn Hidalgo hija?" tanong ni LG sa akin. Oo kilalang kilala. Pagkarinig ko sa pangalan ni Lina. Nag init na ang buo kong kalamnan. Mapapatay ko si Tristan.
"DAMN YOU!" agad kong nahagip ang throw pillow na nasa isa pang sofa at naibato sa kanya. Oo tumama sa kanya pero parang wala lang. Sa katunayan poker face lang siya sa akin.
"Bakit ang bestfriend ko pa?! You can play along with all girls out there! Bakit si Lina pa? Why her? Lolokohin mo lang siya. This is shit!" panay ang bato ko sa kanya ng throw pillow. Naghihisterya na ako dito. Iba na pag usapang kaibigan kaya pala ganon na lang ang hitsura ni Lina kanina. Hinalay na siya ng isang Shokoy.
"Nagmamahalan sila Doll wag mo silang hadlangan" madramang sabi ni Troy saka siya tumawa ng napakalakas. Sinapak siya ni Tristan sa sinabi niya.
"Anong alam nyo don? Bullshit!" hindi ko na mabilang ang mura ko ngayon. The hell! Pinapainit talaga ng mga Shokoy ang ulo ko.
"Tang ina. Nakakailang mura ka na. I told you not to curse" may marahas na kamay na humablot sa akin para humarap sa likod.
Pagkaharap na pagkaharap ko sa likuran, sinalubong na ako ng mga halik ni Nero Ferell.
He's kissing me! Damn it.
Other Shokoys are watching! Diba nasa school pa siya with his bitch? Nagpupumiglas ako. This is not good. Though I'm not kissing him back still his damn kisses are hypnotic. Madadala ako pag hindi pa siya tumigil.
"Porn na ito" pakinig kong sabi ni Troy.
"My innocent eyes" sabi naman ni Owen.
"Fuck that innocent eyes Owen" sabi ni Tristan.
Nagpupumiglas ako sa kanya. I even hit him hard para bitawan niya ang mga labi ko but he's strong. We have audiences! For god sake Nero! Wala siiyang pakialam!
"Nero! Ano ba?" sigaw ko sa kanya ng nakakalas na ako. Habol ko ang hininga ko. Pakiramdam ko ay namamantal ang labi ko sa ginawang 'yon ni Nero. He kissed me deeply! Wala man lang siyang pakialam kung may taong nanunuod sa amin. Damn Shokoy!
"Popcorn" sigaw ni Troy.
"Commercial break ito ng misa ni LG" sabi ni Owen habang tumatawa.
"Wala na si Aldus. Nakatakas na, madaya" sabi naman ni Tristan.
"You're disgusting Nero Ferell! You kissed you're bitch then you kissed me?! Fuck you!"
"Yon nag mura na naman si Doll. Kiss Kiss" singit ni Troy. Agad kong hinablot ang isa pang throw pillow at binato sa kanya. Agad tinakpan ni Owen ang mukha ni Troy ng unan.
"Manuod ka na lang. Mababasted na si Nero" sabi ni Owen kay Troy kaya siya naman ang nakatanggap ng bato ng unan kay Nero.
"Nero, Florence pwede sa labas na kayo maglambingan. Hindi pa ako tapos sa mga pinsan mo Nero, doon na kayo sa labas" kaswal na kaswal na sabi ni LG.
"Wala kaming dapat pag usapan ng Nero na 'yan" nagmartsa na ako palabas ng library na yon. Bakit pakiramdam ko ako lang ang hiyang hiya sa nangyari? Why these Shokoys are still casual? As if hindi nila nakita na hinalay na ako ng kapwa nila Shokoy?
"Pusta pusta tayo! 500 bucks. Basted si Nero ngayong gabi" confident na sabi ni Troy.
"Dun din ako sa basted Troy" sagot ni Owen.
"Sa basted din ako. Wala tayong kalaban" sabi ni Tristan.
"Fuck this day!" sigaw ko. Ang daming sira ulo sa mundo.
"Talagang inuubos mo ang pasensya ko Florence Almero" agad akong nabuhat ni Nero na parang sako.
"Damn you Nero Ferell! Ibaba mo ako. Hinayupak kang Shokoy ka!" hindi na siya sumasagot sa akin. Hindi rin niya iniinda ang paghahampas ko sa kanya.
"Saan mo ako dadalhin?! Ibaba mo ako. Hindi na ako natutuwa sa mga ginagawa mo!" sa pagpipiglas ko, napansin ko na lumabas kami ng bahay.
"Nero! Bakit tayo nasa labas?! Fuck you! Ferell! Ibaba mo ako" walang tigil ko siyang pinaghahampas, pero wala lang sa kanya. Naaasar na ako.
"As you wish Madam" marahas niya akong ibinababa. Pero seryosong seryoso niya akong tinitigan.
"Now curse" pagkasabing pagkasabi niya non. Sumabay ang hangin panggabi, nililipad nito ang mahaba at alon alon kong buhok. Sobrang lamig ng hangin, kasing lamig ng titig niya sa akin ngayon.
Agad akong napayakap sa sarili ko. Talagang nasa labas na kami. No more audiences, kung nagawa niya akong halikan na may mga taong nakakakita sa amin. What else kung kami na lang?
Habang pinagsasalipot ko ang mahaba at alon alon kong buhok na nililipad ng hangin. Binigyan ko siya ng isang diretsong titig. Kitang kita ko rin kung paano liparin ng hangin ang gulo gulo niyang buhok. Damn Ferell genes.
Looking at him straightly is not a good idea. Nero Ferell is good at staring, something like he has this damn power that can pull any girls strength.
"I hate you Nero Ferell"
"Wrong answer" nagulat ako ng bigla niya ako tinulak.
"Nero!" naramdaman ko na lang ang lamig sa buo kong katawan. He pushed me on the pool! What is he thinking? I don't know how to swim.
"I can't swim! Fuck you!" itinulak niya ako sa malalim na parte ng pool. About 7-8ft, hindi ako marunong maglangoy.
"Nero!" sigaw ko sa kanya. Is he trying to kill me?I don't want to look like a kind of pathetic helpless girl so instead na lumubog ultaw ako sa tubig pinabayaan ko na lang ang sarili kong lumubog sa ilalim ng pool.
Ayokong magmukhang tanga sa paglubog ultaw. And I don't know what you are thinking Nero. I won't ever forgive you for doing this.
Nakamulat ang mga ko at tanging bilog na bilog na buwan na lang ang nakikita ko sa ilalim ng tubig. The moon is beautiful tonight.
"What's wrong with you Nero?" bahagya kong inaabot ang buwan na nakikita ko na para bang maaabot ko. Sinimulan ko nang ipikit ang aking mga mata nang may naramdaman akong malambot na lumapat sa aking mga labi.
I don't need the moonlight, I can clearly see his face even underwater. Nero Ferell. The guy I hated the most is now kissing me underwater with the beautiful moonlight. I felt weak underwater, I need someone's strength. Should I kiss him back? But I hate him. Bakit parang dinidiliryo ako ngayon?
Whatever. I think the water made me respond to his kisses. He's powerful underwater. Who is he again? King of Shokoys? Ofcourse he's good in kissing especially in his territory. Damn good kisser. I'm drowning.
I didn't notice that we are not underwater anymore. Nakasabunot sa mga buhok niya ang isa kong kamay habang ang isa naman ay nakakawit sa batok niya. Nakapulupot ang dalawa niyang kamay sa mga bewang ko.
Kapwa habol namin ang aming hininga nang naghiwalay ang aming mga labi.
"I'm so sorry" hinalikan niya ako sa noo. Napakagat na lang ako sa labi ko. What's with the sudden sweetness Ferell? You're not playing fair. I should be mad.
"You're going to kill me" we're still very close to each other. Hindi ako pwedeng humiwalay sa kanya. Malulunod ako, walang halong arte.
"I'm not" he kissed my nose. Nagulat na lang ako. What's this Ferell?
"You are" Sagot ko sa kanya. I should act mad right? Hindi tama ang ginawa niya sa akin. It's not a good joke! Pwede akong malunod sa ginawa niya. Why instead of kicking him? I'm allowing him to kiss me?Damn! I'm starting to be an irrational girl. Kahit ako hindi ko na maintindihan ang sarili ko. What is this?
"No" he gave me another smack on my lips. Damn I'm melting. Nero Ferell with dripping water! He's looking hot! I want to comb his hair with my hands. Jeez. That's not good Florence.
Agad kong pinilig ang ulo ko sa naiisip ko. Bad thoughts Florence, that dangerous. You are in his territory remember.
"Hindi ako marunong lumangoy Nero" I pretended to be cold. Though deep inside! I'm damn distracted with his hotness! Kahit malamig ang pool, mukang hindi ko na napapansin. Nero Ferell. Why so hot?
"I know" he kissed my eyes. Shit!
"Listen Hood. I won't let you drown for more than a minute. Tatalon din naman ako. Ikaw lang ang dramatic" natatawa niyang sabi sa akin
That smile! Damn! Nero. I can clearly see how drops of water dripping from his face and hair. The temperature is cold but he's presence is oh-so-hot. I tried to roll my eyes to hide my admiration on him.
"Hey! Don't roll that eyes" agad hinagip ng mga labi niya ang labi ko.
"Hmmm! Nero!" saway ko sa kanya. He's a kissing monster at water. Ganito pala ang mga shokoy sa tubig. Mapusok.
"I'm jealous" nakangusong sabi niya sa akin.
"What?"
"That scientist. He's your first love right? Now he's here. What now? He even touched you. I should have hit him with that ball a while ago" pakinig kong bulong niya. So sinandya niya talaga ang pagbato sa amin. Shokoy will always be a shokoy. Muntik na kaming tamaan kanina.
Though I find it cute!
"You kissed that bitch" Akala niya hindi ko nakakalimutan ang kalandian niya kanina?
"I didn't kiss her! Siya itong humalik sa akin. But the moment you walked away with that scientist. Umalis na din ako! The hell with that girl"
"Liar"
"Anong Liar? Nagsasabi ako ng totoo" iritadong sabi niya.
"Saan kayo nagpunta ng Aristong na 'yon?"
"Aristotle not aristong" pagtatama ko sa kanya.
"The hell with his name. Saan kayo nagpunta?" kunot noong tanong niya sa akin.
"Umuwi na ako!"
"Umuwi na din ako! Tapos ang usapan. Girlfriend na kita ngayon"
"Ano?"
"Ayos ka din? Nagpahalik ka sa akin tapos hindi mo ako boyfriend?" hindi na ata naalis ang kunot sa noo niya.
"Bakit ? You've kissed so many girls so girlfriend mo silang lahat?" nairita ako sa sarili kong tanong. Nero kissing other girls. Umiinit ang dugo ko.
"Fuck! Ikaw lang ang babaeng kailangan ko pang itubog sa tubig magpahalik lang! Desperado na ako may kalaban na! First love pa! Oo alam ko na mas gwapo ako hindi hamak sa Aristong na 'yon pero unang minahal! kahit mas lamang ako sa kanya ng dalawan daang paligo. Alam kong tagilid ako! I need aggressive moves and I used your weakness. Sorry kung nabigla ka. It's..it's just that I WANT YOU MINE" natigilan ako sa sinabi niya.
"Akala mo ba hindi ako nilalamig sa pinaggagawa ko ngayon? Lamig na lamig na ako Hood. Hindi pa kita mapa OO. Ilang beses ka na ba nagpahalik sa akin? 11? 12? Hindi ko na mabilang" bakit nagbibilang na siya ng halik? Shokoy talaga.
"Tatlo lang! Saan nanggaling ang walo?" 11? 12? Hindi ko ata tanda?
"Not good at math huh?" nagulat na lang ako ng itubog niya ako tubig. Saka niya ginawa ang pagpapak sa akin. He's good in kissing underwater.
"You're already my girlfriend" pagkaahon namin. Hindi pa nga ata siya nakakahinga 'yon na agad ang sinabi.
"Hindi pa ako nag yeYes"
"Hood. Nilalamig na ako sa ginagawa mo" iritado na sabi niya.
"Akala mo hindi rin ako nilalamig?" nilalamig na rin ako Nero Ferell but you can't really get me that fast kahit nasa tubig pa tayo. Magtyaga kang Shokoy ka. Learn to wait.
"Hindi pa ba sapat ang aking mga labi para marinig lang ang iyong matamis na OO?" napatawa na lang ako sa sinabi niya.
"Damn. Troy's words sucks" ngiwi niya sa sarili niya.
"Kailan yon sinabi ni Troy?" natatawang tanong ko sa kanya.
"I heard him talking on phone. Hell! Leave it! Hindi siya ang usapan natin dito. Hindi tayo aahon dito pag hindi kita girlfriend"
"You're commanding me. I don't like it"
"Kasi ayaw mo ng matinong usapan. Gusto mo lagi hinaharas ka"
"I don't want to be harassed. Ikaw lang ang mahilig mang harass sa akin"
"I'm not harassing you. I just want your attention" nakangusong sagot niya sa akin. I find it cute.
"Oh! The great Nero Ferell is looking for my attention" natatawang sabi ko.
"Why do you think so?" tanong niya sa akin.
"I don't know" iniwas ko ang tingin ko sa kanya. I want him to tell it.
"You know" hinabol niya ang mga mata ko.
"No. I don't really know"
"You know"
"No"
"You know. Look at me Florence and tell it" wait wait? Bakit ako?
"Hindi ko nga alam! Now tell it. I'm tired of playing Nero" bakit ako ang aamin dito?
"Fine! 'yon lang pala ang gusto hindi agad sinabi. Girls! – Now Listen Hood.I'm madly and deeply in love with you Florence Al—" hindi ko na siya pinatapos. Ako na mismo ang humila sa kanya. And I kiss him deeply with love.
Yes, I'm in love with this guy. Hindi ko alam kung ilang minuto ang tinagal ng halikan namin. That was amazing and sweet. Melting kisses. Nakakaubos ng lakas.
"Well, I will take that as a yes Hood" nakangising sabi niya sa akin.
"Kailan pa? You love me since?" tanong ko sa kanya. I'm just curious.
"Damn, don't ask me with that kind of question" bigla siyang namula sa tanong ko.
"Ako kasi kahapon lang" nanlaki ang mata niya sa akin.
"Kidding" I gave him a smack. Ngising ngisi siya sa ginawa kong 'yon. Masayang masaya ang Shokoy.
"Alam ko naman na inlove ka sa akin una mo palang akong nakita kaya hindi na ako magtatanong sayo" mayabang na sabi niya
"Ang yabang"
"Mahal mo naman" kindat niya sa akin, inirapan ko na lang siya. Nagsimula na kaming umahon. Nilalamig na talaga ako. Inabot niya ang kamay ko hanggang sa makaahon na ako
"We'll tell to everyone" kindat niya sa akin.
"Okay" Ano kayang magiging reaksyon ng mga kapwa niya Shokoy? Aalis na kami ng bigla siyang natigilan.
"I think this is unfair Hood" he kissed me on forehead then he pushed me again! Damn! Ano bang meron kay Nero ngayon?
Pero agad naman siyang tumalon para hawakan ako.
"Now tell" pinaghahampas ko siya.
"I hate you! I hate you! Break na tayo!"
"Your turn"
"What?!" naiirita na ako sa ginagawa niya.
"Tell me 'I love you Nero Ferell ikaw ang pinakagwapong lalaking nakilala ko. Lahat sila nagmukhang mga basura nang nakilala kita" hindi ko na napigilan ang sarili sa tawa. Childish!
"You're childish"
"Only to you"
"Eh?"
"Now tell. Lalagnatin na tayo dito. Hindi ko alam na buwis buhay palang magpasagot ng babae" diretso ang tingin niya sa akin. He's waiting. I should be fair, he told me he loves me. I should tell him too directly. Medyo nakatungo ako. I'm quite shy
"Hindi ko alam kung anong klaseng inumin ang pinainom mo sa akin Nero Ferell but you know, that's effective. I can't see any other guy...but only you" pakiramdam ko nag init ang buong mukha ko sa sinabi ko sa kanya. I can't look at him straight.
"Now you have your own style? Am I going to accept that?" nakangising sabi niya. Damn still teasing me?
"Arte mo! I love you Nero Ferell" I kissed him again
"Umahon na daw kayo dyan! Sa loob nyo na daw ituloy yan sabi ni LG! mahal daw ang gamot" pakinig ko ang sigaw ni Troy.
Natigil kami ni Nero. Tama ba ang rinig ko? Mukhang nakaspeaker pa ang Shokoy. What the hell?
"Istorbo" reklamo ni Nero.
"Damn they're watching" Agad na nag init ang pisngi ko. All shokoy's are watching.
Kapapasok pa lang namin ni Nero sa bahay agad na sumalubong si Owen na may hawak na stop watch.
"47 mins and 25 seconds" sabi ni Owen habang nakatingin sa kanyang hawak na stop watch.
"Ang bagal makapag pa OO. Nakakahiya kang Ferell" may pag iling pang nalalaman si Troy. Parehas na sinapak ni Nero si Owen at Troy.
Hinanap ng mga mata ko si Tristan, hindi ko siya makita.
"Nasaan si Tristan?" tanong ko.
"Patay kang Tristan ka, nakakaalala pa si Doll" saka siya humagalpak ng tawa.
"Why looking at him?" tanong sa akin ni Nero.
"Kasi nga nagmamahalan si Tristan at si Lina hadlang si Doll" sabay nang tumawa si Owen at Troy.
"Wala akong tiwala kay Tristan. Lolokohin lang niya ang kaibigan ko" iritadong sabi ko sa dalwang Shokoy.
"Hindi naman siguro. Good boy ang lahi naming Doll" katwiran ni Troy. Saan? Saang banda ang good boy?
"Just trust Tristan Wada. Para lang siyang si Nero nakahanap ng makakapagpaaamo" utas na naman sila ng tawa kaya nakakuha na naman sila ng sapak kay Nero.
"Ano ba 'yan? Magbihis na nga kayo, ang hirap mag mop ng sahig. Mahiya naman kayo sa akin" reklamo ni Troy. Siya kasi ang nagmop ng sahig kahapon dahil siya ang talo sa pusoy dos.
Umaakyat na ako ng hagdan wala na akong balak makipaglokohan sa mga Shokoy nilalamig na ako.
Nasa kalagitnaan na ako ng hagdan ng sumigaw si Nero.
"Goodnight Florence. I love you" mabilis akong pumanhik ng hagdan. Shit! My heart beats so fast.
"Tang ina. Ang daming langgam" dinig kong sabi ni Owen.
"Hindi ka lang pinapansin ni Mendez? What's her name again Troy?" parinig ko pa ang tawa ni Troy at Nero.
"I only know her family name too. I will find it tomorrow itatanong ko sa kanya" saka siya humagalpak ng tawa.
" Fuck! Hands off Troy!" malakas na mura ni Owen Ferell.
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro