Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Mission 21

Mission 21


 Troy Ferell 


Nakangisi na ako habang pinapanuod ang mga pangyayari ngayong gabi. Wala na sa katinuan si Nero ngayon dahil sa nawawalang si Doll, baka naman nasa banyo lang. Hindi ko 'yan pinsan. Si Aldus naman ay hindi ko alam kung nasaan habang si Tristan naman ay baka inabot na nang antok sa kung saang sulok.

Sino na lang ang nasa tamang katinuan ngayon? Walang iba kundi ako, ang pinakamatalino at hot sa lahat. Naiiling na lang ako sa aking sarili, bakit ko pa masyadong iniisip ang umaapaw kong kakisigan? Ako lang ang mahihirapan sa kaiisip dahil alam kong wala itong hangganan.


Kung tatanungin ako sa nakaraang audio porn? Well, hindi naman ako ang salarin. Madalas nga akong mahuli ni LG kung may mga kalokohan ako, pero sa pagkakataong ito hindi ako ang nahuli.

Si Owen. Muntik pa akong mapapalakpak nang narinig ko ang boses ng dakila kong pinsan. Kulang na nga lang ay sumigaw ako nito, 'Tang ina! Pinsan ko yan! Idol!'

Pero hindi ko tinuloy ang aking pagsigaw dahil alam kong nandito si LG. Batukan pa ako ng matandang 'yon, wag na lang. Kaya pinili ko na lamang magkunwaring hindi ko sila kilalang lahat. Isa akong other guest, hindi nila ako kasama.

Hindi talaga ako makapaniwala, audio porn star pala si Owen bakit inilihim niya pa sa akin? Susuportahan ko naman siya.


Kasalukuyan nang nagkakagulo ngayon habang ako naman ay nakaupo sa isang tabi. Bahala sila sa buhay nila, other guest nga ako. Katatapos ko lang magnilay sa isa sa mga kwarto at sinamahan ako ni pink girl, nakalimutan ko na ang pangalan niya basta ang tanda ko maganda ang suot niya, nakakalinaw ng mata. Ano ba ang dapat gawin sa magagandang kwarto ng hotel na ito kung hindi gagamitin ng gwapong katulad ko?

Nagwawala ngayon si Nero na parang tanga. Kung wala sa banyo si Doll, baka naman nauna nang umuwi. Kapag tinanong ako kung kakilala ko ang isang 'yan, siguradong tangging pakamatay ako. Bakit sa aming magpipinsan ako lang ang lumabas na matino? Tsss. Naaawa talaga ako sa mga pinsan ko.

Hindi na ako nakikiawat sa mga guard bahala sila sa buhay nila. Matigas pa naman din ang ulo ng pinsan kong 'yan.

Nakita ko na rin si Aldus na parang balisa na rin.Tang ina, hindi ko rin siya kilala. Si Tristan? Hindi ko alam, hindi ako tanungan ng nawawalang tuta. Siguro ay palaboy na naman ang antukin kong pinsan.

Pero ang nakakatawa! Hila hila ngayon ni na pulang pula na sa galit ang tenga ni Owen na nakangiwi na. Hindi ko na napigilan ang pagtawa, tang ina ka Owen. The best ka pinsan!


"Ouch! Lolo...let go of my ear. LG, nakakahiya ka na" reklamo ni Owen.


"Shut up" seryosong sabi ni LG. Tang ina, kailangan ko nang umalis dito. Masama na ang timpla ng mukha ni LG, madadamay ako nito.


"Garpidio! Paninindigan ng apo ang apo ko" galit na sabi ni Don Leandro. Apo pala ni Don Leandro ang biktima niya, bakit naman kasi ni audio pa niya? Tanga lang.


"No way! Walang nangyari sa amin" angal ni Owen. What the fuck? Niluhod na siya ng babae. Damn, mabuti malinis akong gumawa ngayon. Tanga talaga nitong si Owen.Pakinig ng nang lahat, tanggi pa siya. Ferell ka nga Owen, goodluck.


"Oo, paninindigan niya" madiing pagkakasabi ni LG. Hinila niya na ulit si Owen sa tenga.

Ako na ngayon ang napapangiwi sa paraan ng paghila ni LG sa tenga ni Owen. Hindi ko napansin na napahawak na rin ako sa tenga ko. Masakit 'yon panigurado.


"Troy!" halos mapatalon ako nang tawagin ni LG ang pangalan ko. Akala ko ay ayos na ang pagiging 'other guest' ko dito, mukhang nakikita pa rin pala talaga ako ni LG. Matang lawin nga pala ang matandang ito.


"Ayusin niyo si Nero, uuwi na tayo" utos ng hari hindi mababali, patay tayo dyan. Mapapasubo pa ata ako sa turong nagwawala.

Hinanap agad ng aking mga mata ang pinsan kong nagwawala. Nagsisisi tuloy ako na pinapunta ko pa ang gago dito.


"Tara na" dinig kong sabi ni Tristan na nasa likuran ko na pala. Nagsimula na siyang lumapit kay Nero. Malakas ang loob ng antukin kong pinsan.


"Troy patulugin mo na lang si Nero kami nang bahalang humawak" biglang sabi sa akin ni Aldus na galing rin sa aking likuran. Kanina pa ba silang dalawa diyan?


"Ano? Anong gagawin ko?" mabilis na nakalapit sina Aldus at Tristan kay Nero at mabilis nila itong nahawakan.


"What fuck! Bitawan nyo ko" nagwawalang sabi ni Nero.


"Dalian mo Troy!" sigaw sa akin ni Aldus. Parang nagwawalang toro si Nero.


"Ano?" susuntukin ko ba? Upper cut? High Kick?


"'Yong laging ginagawa ni Warden Doll! Shit! Bilisan mo!" iritadong sabi ni Tristan.


"Damn! Ano bang kalokohan ito?!" galit na sabi ni Nero.


"Headbatin mo! Talino talaga!" iyamot na sabi sa akin ni Aldus na nahihirapan ng hawakan si Nero.'Yon lang pala. Tss. Mabilis kong ni headbat si Nero. Tulog.

Sa aming magpipinsan ako daw ang may pinakamatigas na ulo kaya tama lang na ulo ko ang gamitin.


"'Yan nakuha mo!" isinampay na ni Aldus ang braso ni Nero sa kanyang balikat, ganun din si Tristan. Buhat ng nang dalawa kong pinsan si Nero habang ang lahat ng mga tao ay nakatingin sa aming magpipinsan. Kawawa naman ang party na ito, ginulo ng mga pinsan ko. Mga wala silang awa.


"Hasta la Vista!" kumaway na lang ako sa mga tao na may halong pang aasar. Hindi nalingat sa aking mga mata ang matilim na tingin sa amin ni Don Leandro.


"Palabasin nyo na ang mga Ferell! Huwag nyo na silang patatapakin dito!" pahabol ni Don Leandro. Sinimulan na kaming ipatulakan ng mga guwardiya sibil. What the fuck?!


"Huwag nyo kaming pagmadaliin. Hindi na kami babalik dito, nawawalan ng kuryente? Walang kwenta" reklamo mo ko sa kanila.


"Manahimik ka!" sigaw sa akin ng guwardiya sibil. Alam kong may ibang rason ang pagsigaw ng guwardiyang ito sa akin, alam kong naiinggit siya sa pagiging magandang lalaki ko. Tang ina, simula pagkabata ko na itong pinuproblema..


"Troy! Bilisan mo!" sigaw sa akin ni Aldus na pumutol sa iniisip kong problema. Malayo na pala sila ang mga gago.

Nagdiretso na kami sa limo at nagsisakay na kaming magpipinsan. Pagkapasok na pagkapasok namin sa sasakyan pakiramdam ko ba ay nasa North Pole. Tangina! Ang lamig! at wala man lang nagsasalita sa kanila.


"Mario bumaba ka, ako na ang magdadrive" malamig na sabi ni LG kaya bumaba agad si Mang Mario, nakakatakot si LG.

Pagkababang pagkababa ni LG ay agad niyang pinaharurot ang sasakyan na parang nasa race track kami. What the hell?


"LG dahan dahan naman, baka mabangga tayo" kabadong sabi ko. Ang mga pinsan ko natahimik na, hindi na ata mga nahinga.


"Mga apo, magsusuicide na tayo. Sama sama tayo sa hirap at ginhawa. Close your eyes we are going to heaven within a minute"


"Lolo!" sigaw naming apat. Anong pinagsasabi ng matandang ito?


"Gusto ko pang mabuhay! Si Owen lang ang ipabangga mo! Bakit ako kadamay dito?!" nagpapanic na sabi ko, tangina seryoso si LG.


"Ako din! Inosente ako dito! Itapon nyo na lang si Nero habang tulog, bakit lagi na lang damay damay dito?" hindi na magkaintindihan si Aldus kung tatalon na lang ba sa sasakyan o hindi.


"LG, wag nyo akong patayin nagsisisi na ako sa aking mga nagawang kasalan. Hindi na ako mambabae habang nabubuhay ka pa.." desperadong sabi ni Owen.

Halos lumuhod na siya at yumuko kay LG. Tama 'yang ginagawa niya, bakit naman kasi ni audio pa niya?! Tanga tanga talaga, nadadamay kaming mga inosente dito.

Pero halos mamutla kaming magpipinsan dahil mukhang walang naririnig si LG. Napapasign of the cross na kaming magpipinsan dito.


"Katapusan ko na!" tinakpan na ni Owen ang mata niya. Tanggap na atang mamamatay na siya.

Si Aldus nagdadasal na yata ng aba ginoong maria. Si Tristan mukhang nagkahika na. Si Nero ay mamamatay nang tulog pagising niya nasa heaven na siya.


"LG, maawa ka naman sa aming lima. Magiging good boy na kami, susunod na kami sa mga inuutos mo. Magiging mabuting nilalang na kami sa mundong ito. Lolo gusto ko pang mabuhay ng matagal. Katapusan na ba talaga ng mga lahi ng mga Ferell?" sunod sunod na sabi ko kay LG na hindi niya pinapansin. Tang ina, ayaw kong pang mamamatay!


"Shit!" sabay sabay kaming apat na napa sigaw. Tatalon ang sasakyan namin sa bangin. Tangina! Bakit may bangin na? Bakit hindi ko napansin ito?

Napapikit na lang ako habang sumisigaw. Ganito pala matatapos ang buhay naming lima, nagsuicide si lolo dinamay pa kaming lima. Forever talaga kaming magpipinsang magsasama.


Sana sexy ang mga anghel sa langit.


--

VentreCanard


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro