Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Mission 18

Mission 18


Nakatulala pa rin ako ngayon sa kayabangan ng pinsan ko.


"Saglit lang Gi--" hindi ko na naituloy pa ang pagsunod ko sa magaling kong pinsan dahil bigla na lang akong hinila ni Nero Ferell. Ang diyos na nagpaiwan sa bahay, bakit naligaw dito?


"Nero!" hindi niya ako naririnig dahil patuloy lang siya sa paghila sa akin.


"Nero Ferell!" ang higpit higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko kaya hindi ako makapalag sa kanya.


"Ano ba?!" sinisikap kong wag lakasan ang pagsasalita ko dahil ayokong gumawa ng eksena pero mukhang sinasagad niya na talaga ako.


"Just shut up Hood" seryosong sabi niya na hindi man lang tumitingin sa akin.


"Nero Ferell! Masakit na ang paa ko sa kahihila mo sa akin. Anong problema mong shokoy ka?!" bigla na lang siyang tumigil at pinakatitigan ako.


"Bubuhatin kita, walang problema" akma niya akong bubuhatin pero agad akong umatras. Dito pa kaming dalawa ng pagbubuhatan? Kahit kailan talaga hindi marunong mahiya ang mga shokoy.


"No, no, no not here Nero. Sige hilahin mo na lang ako" hindi na ako nagpapalag at nagpahila na lang ako. Ano naman ang magagawa ng isang hamak na dyosa sa lakas ng isang shokoy? Malamang mahihila niya pa din ako kahit anong alma ko.


"Saan tayo pupunta Ferell?" iritadong tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot sa akin, ito na naman po tayo. Napipi na naman po ang hari ng shokoy, nawala na naman ang dila. Minsan nga mahatak ang dilang 'yan ng matututong umimik kapag kinakailangan.


"Okay! Talk to the han--" agad kong pinigilan ang sarili ko sa dapat kung gagawin. Sa pagkakatanda ko hindi naging maganda ng resulta ng 'talk to the hand' ko.

Kaya ang nangyari, nanahimik na lang ako. Malay ko ba kung anong kayang gawin ng shokoy na ito? Ayokong sumugal tutal siguradong ako lang ang mahihiya sa amin. Wala naman kasing pakialam si Nero sa ibang tao. Ang mahalaga sa kanya masunod lahat ng gusto niya.

Anong magagawa ko? A Shokoy will always be a Shokoy.


"I thought you're going to talk to your hand?" nakangising tanong sa akin ni Nero. Shit lang. Dyan siya magaling!


"Saka na pag ako na lang mag isa" sabay irap ko sa kanya. Hindi ko namalayan na nasa labas na pala kami ng hotel. To be exact nasa parking kami.

PARKING! bakit sa parking pa sa dami ng pwedeng lugar? Bakit sa isang makasalanang lugar niya ako dinala. Lugar kung saan malalakas ang Shokoy. Parking na naman!


"Bakit tayo nandito?" kinakabahang tanong ko sa kanya. Pinipilit kong kalasin ang pagkakahawak niya sa akin pero mas hinigpitan pa niya ito.


"Dito tayo sa walang tao" mabilis akong kinilabutan sa sinabi niya. Shit!


"Napakamanyakis mong shokoy ka! Sa dami ng lugar sa parking pa talaga? Hindi ka na nahiya sa malaposelanan kong balat!" halos maubos ang boses ko sa pagsigaw sa kanya. Iba na ang gusto ng shokoy na ito.

Siya naman ay bumaling sa akin na parang hindi naiintindihan ang mga sinasabi ko.Ibang klase talaga ang hari ng mga Shokoy.

Nakatayo lang kaming dalawa sa parking lot habang hawak niya ang kamay ko. Kunot na kunot ang noo niya habang mariing nakatitig sa akin.


"Ano na naman 'yang suot mo? Hood" ano daw? Anong sabi ng Shokoy?


"Natural damit! Anong masama sa suot ko? Dinala mo pa talaga ako sa parking lot, magtatanong ka lang pala ng walang kwenta? Kausap ko pa si Gio!" hindi na siguro bumababa ang boses ko dahil sa kalokohan ng hari ng mga shokoy.


"So you're expecting me to do something else here?" nakataas ang kilay niyang tanong sa akin. Natigilan naman ako sa sinabi niya, mali ba ang iniakala ko?

Kung sasagot ako sa kanya na tama siya ng iniisip mapapahiya lang ako. Kaya nag iwas na lang ako ng tingin sa kanya.


"Wild imagination lady" naramdaman ko ma lang na may bumalot sa aking balikat. Isinuot lang naman niya sa akin ang coat niya.


"What's this?" tanong ko sa kanya.


"Malamang damit" ismid na sagot niya sa akin.Damn.


"Bakit ka naman nandito? Akala ko ba ang mga diyos nasa bahay lang" pinagtaasan ko siya ng kilay.


"Nabobored din ang mga diyos" nakangusong sagot niya. Baka maniwala ako sa sagot niya?


"Whatever Nero Ferell" sabay hubad ko ng coat niya at ihagis sa kanya pabalik.


"I'm coming back" nagsimula na akong maglakad. Pero hindi ako hinayaan ni Nero dahil hinila na naman niya ako.


"Iuuwi na kita"


"Who are you?" pilit kong hinihila ang kamay ko sa kanya pero hindi ko talaga ito mabawi sa kanya.


"Sa tingin mo pababayaan pa kitang bumalik sa loob ng ganyan amg suot mo?" tiningnan ko ang suot ko. Hindi naman labas ang kaluluwa ko dito, kumpara sa mga babaeng nabingwit ng mga Shokoy sa loob.


"Maganda ako sa suot ko. Ano na naman ang problema mo? Let go" tinitigan ko ang kamay niyang pumipigil sa akin.

Pero nagulat na lang ako nang bigla niya akong itulak sa isa sa mga sasakyang nakaparada. Ngayon ay nakasandal ako sa isang sasakyan habang ang dalawang bisig niya ay nakaharang sa magkabila ko. Damn.

Ito na nga ba ang kinatatakutan ko. Ang parking ang home court ng shokoy na nasa harapan ko. Masyado siyang madaming kahindikhindik na nagagawa sa parking.


"I'm mad Hood" seryosong seryoso na naman po ang shokoy. Nagsisimula na namang humataw ang pagtibok ng aking puso. Shit. Nagsisimula na naman akong kabahan. Ano na naman ito Nero Ferell? Pumunta ka lang ba dito para guluhin ako?


"Move" malaking pasasalamat ko sa sarili at nasabi ko pa nang maayos ang salitang 'move' kahit sa totoo ay talagang lalong tumitindi ang kaba sa dibdib ko.

Sa halip na sumunod siya sa sinabi ko ay mas lalo pang lumapit ang gwapo ngunit mapang asar na pagmumukha ni Nero Ferell. Palapit na siya ng palapit. Shit! Malalapa na naman ata ako ng shokoy sa parking lot. Itinagilid ko ang ulo ko dahil sobrang lapit na ng mukha niya. Ramdam na ramdam ko na ang paghinga niya sa leeg ko. Shit! Baka may makakita sa amin dito.


"Uuwi o isusuot mo ang coat ko. Sagot" bakit naman ganito siyang magtanong? Bakit may paglapit pa sa akin ng ganito? Pwede namang sa matinong paraan? Bakit may kasama pang landian sa parking lot?


"Oo na! Oo na. Isusuot ko na!" hinablot ko ang coat niya. Malakas ko siyang itinulak na bahagya lang nakapagpaatras sa kanya. Mabilis kong isinuot ang coat niya.


"Satisfied" nakapamaywang na tanong ko.


"Good girl" nakasandal naman siya ngayon sa sasakyan ng pinangyarihan habang nakapamulsa. Dinaig niya pa ang mga totoong endorser ng mga sasakyan.


"Letse!" tumalikod na ako sa lalaking nagmomodel sa sasakyan. Masyado nang delikado dito. Pero wala pa sigurong ilang segundo ay natigil na naman ako. Ano pa ba ang bago sa buhay ko?

Hinili na naman ako ng shokoy, may nakalimutan ata ang hari ng mga shokoy.

Sa totoo lang naiinis na ako at sumasakit na ang ulo ko sa kalandian ng isang ito. Baka dumugo na naman ang ilong niya sa akin kapag hindi pa siya tumigil sa mga kalandian niya.


"Ano na naman?!" sigaw ko sa kanya. Kung papaano ang posisyon namin kanina ay ganito rin kami ngayon. Lumalapit na ang mukha ni Nero. Damn. Damn.

Ibinaling ko na lang ang ulo ko at pumikit.


"Now learn your lesson, don't expose too much of your skin Hood or else this big bad wolf will eat you. Understand?" narinig kong bulong niya. Iminulat ko ang isa kong mata, hindi pa din siya umaalis sa posisyon niyang sobrang lapit. Ramdam na ramdam ko ang paghinga niya.

Nagulat na lang ako sa ginawa niya.


"Nero!" I pushed him. At talagang pinaghahampas ko siya. Kung hindi lang ako nakacocktail dress, nasipa ko na siya.


"You bit me!" sigaw ko.


"Did I?" nakangising tanong niya sa akin na parang wala siyang alam sa ginawa niya.Kinagat lang naman ako ng shokoy sa puno ng aking tenga.


"Pervert!" sigaw ko sa kanya.


"I just satisfied your wild imagination" kibit balikat na sabi niya. Ako pa talaga ang wild?


"Anong pinagsasabi mong shokoy ka? Hindi 'yon ang iniimagine ko!" napakamanyakis talaga ng hari ng mga shokoy.


"Well then. Sorry for my misinterpretation" he immediately grabbed me. Nakasandal na naman ako sa kasabwat na sasakyan ng lalaking lumalapa sa akin.

Yes, he's kissing me intensely. Nanlalambot na ang mga tuhod ko sa ginagawa ng shokoy na bihasa sa paghalik. Kahit hindi ako tumutugon patuloy pa din siya sa paghalik sa akin. Damn, wala akong masabi sa paraan ng paghalik niya, nakakawala siya ng lakas.

Ipipikit ko na dapat ang mga mata ko dahil unti unti na akong natatangay ng mga labi niyang kasalukuyan na akong inaalipin. Damn. Pero agad akong natauhan nang maalalang hindi ko boyfriend o ano ang lalaking ito, bakit ko siya hinahayaang halikan ako ng ganito?

Ubod nang lakas ko siyang itinulak na nakapagpatigil lang sa kanyang paghalik. He's still near me while showing his grinning face.


"Don't know how to kiss Hood?" nakataas ang kilay niyang nagtatanong sa akin.


"God! How I hate parking lot" hindi ko na lang siya papansinin. Nakakadalwa na ang shokoy sa akin, masama ito.


"Hood bakit lasang lansones?" he moistened his lips sa paraang parang nilalasan niya.


"What!?" iritadong tanong ko. Anong malaking problema niya? Bakit ganyan niya na lang malasahan ang labi ko? Nakakainsulto na talaga!

Nakahanda na ang kamao ko para patamain sa mapang asar na pagmumukha ni Nero. Sino ba namang walang hiyang lalaki ang magsasabi sa'yo na lasang lansones ang labi mo? Walang hiya talaga!

Pero natigil ako sa akmang pagsuntok sa kanya, hindi dahil sa kahit anong kalandian niya kundi dahil sa pagdating ng pamilyar na sasakyan at habang papalapit ito ay naaninaw ko ang driver. At ang masama pa nito ang libreng space na lang ay ang katabi mismo ng makasalanang sasakyan ni Nero.

Napako na lang bigla ang mga paa ko. Hindi niya ako maaaring makita dito. Kung aalis ako sa posisyon ko ngayon mapapansin niya agad ako. Hindi ko alam ang dapat kong gawin sa mga oras na ito. Bigla na lamang akong kinabahan, ibang kaba kumpara sa kabang kagagawan ni Nero. Isang kabang hindi ko alam kung paano ko sosulusyonan.

I don't have time to escape. Sa sandaling makita niya ako mawawala lahat ng pinghirapan namin ni lolo sa pagtakas ko.

I did the most practical way. I pulled Nero's tie to make him closer to me.


"Here's another lansones Nero Ferell" mahinang sabi ko. Isinampay ko ang mga kamay ko sa batok niya na ikinagulat ng shokoy.

Tumingkayad ako at inilapat ko ang mga labi ko sa kanya, hindi rin naman nagtagal ay naramdaman ko na ang pagtugon niya sa mga halik ko. Habang hinahalikan ko siya ay pinapakiramdaman ko ang pagbaba ng driver sa kotse.

Naramdaman din siguro ni Nero na may tao kaya akma siyang kakalas na agad ko namang pinigilan. Not yet Nero. Ngayon ka pa kakalas? ngayong kailangan ko ang makasalanan mong labi? Magsawa ka ngayon sa lansones.

Narinig ko ang pagsara ng pinto ng sasakyan.


"Get a room guys" isang boses na matagal ko nang hindi naririnig.

Isang boses na noon ay paborito kong pakinggan. Boses na lagi kong hinahanap hanap.Boses nang lalaking una kong minahal.

Aristotle Raje Cortez.


Nang naramdaman kong wala na siya ay kumalas na ako kay Nero. Napaupo na lang ako habang habol ko ang aking hininga.


"Who the hell is that guy?" seryosong tanong sa akin ni Nero. Not now Nero. Hindi ko pa maproseso ang mga pangyayari. Una ang pinsan kong si Gio, tapos si Aristotle baka mamaya nandito na rin si Kuya Nik at Dad. Mawawala lahat ng pinaghirapan ko namin ni lolo.


"None of your business Nero" maiksing sagot ko sa kanya. Anong ginagawa ni Aristotle dito?


"None of my business Hood? You just used my desirable lips to avoid that fuck" galit na sabi sa akin ng hari ng mga shokoy.


"There is no other way Nero! Atleast nagamit ko rin ang labing 'yan" sigaw ko din sa kanya. Ano ba ang kinagaglit niya? Dapat maging masaya pa siya at nagpahalik ako sa kanya.


"Uuwi na ako. Ayoko na dito. Ihatid mo na ako" tumayo na ako sa pagkakaupo ko.


"Umuwi ka mag isa mo. Ano ang tingin mo sa akin aatras sa lalaking 'yon? Magkakasubukan kami" nagsimula na siyang maglakad papasok. Mukhang nabaliktad ang pangyayari ako naman ngayon ang humihila sa kanya.


"No Nero. Let's go home" pilit ko na siyang hinihila.


"Let go of me Hood. Gwapong gwapo ka na naman sa akin?" ang kapal talaga.


"No way. Manggugulo ka lang sa loob, malalalaman lang ni Aristotle kung nasaan ako" pinagpatuloy ko ang paghila sa kanya.


"Aristotle pala ang pangalan? Wala man lang panama sa Nero" saan kinukuha ng shokoy na ito ang taas ng tingin niya sa kanyang sarili?

Hindi talaga siya magpahila sa akin. Shit! Ayoko nang pumasok sa loob, hindi na ako maaaring manatili sa lugar na ito.


"Nero! Hindi na ako natutuwa. Bakit kasi pumunta ka pa dito?" napansin ko na bigla siyang natigilan sa sinabi ko.


"Bakit nga ba?" seryosong tanong niya sa akin. Kinukonsensya niya ba ako sa tono niya? Mali ba ang nasabi ko sa kanya?


"He's no....thing compared to you. Happy?" nakatungong sabi ko sa kanya.


"Again?" damn. Alam kong narinig niya ang sinabi ko.


"Bingi ka ba?" iritadong tanong ko sa kanya.


"Papasok na ako" tamad na sabi niya sa akin.


"Oo na mas gwapo at hot ka kay Aristotle! Satisfied?" sigaw ko sa kanya na agad nakapagpangisi sa kanya.


"Well, thanks" nagdiretso pa din siya sa paglalakad.


"Nero! Umuwi na tayo" pilit ko nang hinihila ang braso niya.


"Paaatrasin mo ako? No way Hood"


"Ano ba Nero----" natigil ako sa sasabihin ko nang mapagmasdan kong maigi ang pagmumukha ni Nero Ferell. Bakit sa tagal tagal ng pagtatalo naming dalwa ngayon ko lang napansin ang pagmumukha niya?

Agad ko siyang hinila gamit ang necktie niya.


"What the hell Hood" iniharap ko siya sa side mirror ng sasakyan. Kulang na lang tanggalin ko ang side mirror nang makita niya ng maayos ang pagmumukha niya.

Nagkalat lang naman sa pagmumukha niya ang lipstick ko. Tiningnan ko din ang sarili ko. Wasak na wasak na ang lipstick ko, hindi man lang niya napansin? o wala lang talaga siyang pakialam sa itsura ko?

Shokoy talaga.


"Tingnan mo? Papasok ka sa loob na ganyan ang hitsura ng mukha mo?"


"Then wipe it"


"Walang kamay Nero?" iritadong tanong ko sa kanya. Sobrang sinuswerte na ang Shokoy na ito sa akin.


"Okay" nagkibit balikat lang siya at nagsimulang maglakad.


"Damn. Kailan ba ako nanalo sa hari ng mga shokoy? Come here!" hinila ko ulit siya sa sasakyan ng pinangyarihan.

Hinanap ko muna kung saan nalaglag ang pouch kong dala at nang makita ko ito ay kinuha ko ang panyo ko.

Then I started wiping my lipstick on his grinning face. Nakakaasar talaga.


"Gwapo ba?"


"Shit! Nero. Wag kang malikot nang matapos na ako"


"Don't curse Hood or else I'll kiss you" nanakot na naman po ang shokoy. Habang pinupunasan ko ang mukha niya ay hindi ko maiwasang hindi mailang sa paraan ng paninitig niya sa akin.


"Uuwi na tayo, pagkatapos nito" sabi ko na hindi naman niya sinagot.


"Nero uuwi tayo. Hindi ba?" hindi pa din siya nagsasalita.


"Nero naman hindi ka sumusunod sa usapan!" tinapon ko ang panyo na ginamit ko sa kanya.


"Wala akong sinabi, umuwi ka na kung gusto mo" oh fuck.



--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro