Mission 17
Chapter 17
Magpapahalik? Ang taas naman ng tingin ng shokoy na ito sa kanyang sarili.
Mabuti na lang at nandito na si LG, kailangan ko na talaga siyang kausapin. Masyado na akong nahihirapan sa mga apo niyang lamang dagat. Nasisira na ang kagandahan ko dito at ang masama pa nito, nalapa na ako ng isa sa kanila. Damn.
Mabilis akong bumaba sa hagdan at dumiretso sa kusina. Alam kong ang paboritong lugar ng mga Ferell ay kusina kapag nandito sa mansion si LG. Sabi nga ni Troy na tagapagmana 'yon daw ang kanilang headquarters pag nandyan ang kapitan nila.
Sa unang pagtapak ko pa lang sa kusina, pakiramdam ko ay biglang sumama ang pakiramdam ko ko sa aking nakikita. Mukha lang namang pinaglaruan ng sampung lasing ang pinakamamahal kong kusina.
Masaya na sana ang pagpasok ko sa kusina dahil muli na akong makakakausap ng tao at hindi shokoy. Ayos na sana ang lahat, pero paano gaganda ang gabi ko kung ganito ang makikita ko? Nilapastangan lang naman ng mga Shokoy na naka chef uniform ang pinakamamahal kong kusina. Anong malaking kalokohan na naman ang ginawa ng mga ito sa kusina?
Sobrang kalat ng kusina, isama pa ang mabahong amoy nito. Ano pa ba ang aasahan ko sa magpipinsang Shokoy? Wala nang ginawang maganda sa buhay.
"Ano na naman ang ginawa niyo sa kusina?!" sigaw ko sa kanila. Kapwa sila nagsiiwas ng tingin sa akin at kunwari ay mga abala sa kanilang mga ginagawa.
"Hindi ako kasali dyan" tangging pakamatay ni Owen. Sa kasinungalingan sunod sunod na nagpatakan ang mga pinggan na basta na lang pinatas. Damn, ang sakit sa tenga.
"Sige tanggi pa Owen" natatawang sabi ni Troy. Awtomatikong lumipad sa kanya ang aking paningin at agad nawala ang ngisi niya sa mukha. Mabilis niyang kinuha ang kanyang chef hat sa ulo niya at ipinaypay sa kanyang sarili.
"Nanahimik lang ako kanina, nadamay lang ako Doll. Hindi ko talaga ginustong sumali sa kanila. Pinilit lang nila ako" halos mamilipit na ang leeg ni Troy sa kaiiling sa akin. Para namang maniniwala ako sa kanya kahit anong dami ng pag iling niya.
"No comment" simpleng sagot ni Tristan.
"Ako ang may kasalanan ng lahat" seryosong sabi naman ni Aldus. Ano naman kaya ang pinaglalaban ng isang ito? Sa mata ko parepareho silang makakasalanan.
"Mga Shokoy kayo!" sigaw ko sa kanila.
"LG, pwede ba tayong mag usap?" baling ko kay LG. Kailangan ko na talagang makausap ng masinsinan ang matandang ito. Hindi niya ba alam ang hirap ko sa pag aalaga ng mga apo niyang Shokoy? Araw araw na lang sila sakit sa ulo.
"Sama ako!" pagsingit ni Owen.
"Hindi kayo kasali" sabay irap ko sa kanila.
"ARAY! shit!" bumaling ako sa likuran ko, may walang hiya lang naman na pumitik sa tenga ko.
"Anong problema mo Nero Ferell?!" diretso lang siya sa paglalakad at naupo sa isang bakanteng upuan na parang walang ginawa. Hindi man lang ako pinansin. Shokoy talaga!
"Shit! Nero hindi ko nga pinadadapuan ng lamok itong si Warden tapos pipitikin mo lang?" hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Aldus at akmang hahawakan na agad nakapagpaatras sa akin.
"Masakit ba Warden?" nag aalalang tanong niya.
"I'm fime. Such a Shokoy" inirapan ko lang siya.
"Sigurado ka? hindi pa nadadapuan ng lamok si Hood?" nakataas na kilay na tanong ni Nero habang sa akin siya nakatitig. Damn, anong ibig sabihin ng manyakis na Shokoy na ito?
"What?" iritadong tanong ni Aldus.
"Try to ask her" nakatingin pa din sa akin si Nero. Sinusubukan talaga ako ng Nero Ferell na ito. Huwag niyang inuubos ang pasensiya ko.
Napakagat labi na lang ako nang mapansin na nakatingin na silang lahat sa akin na parang hinihintay ang aking isasagot. Anong klase tanong ba ito? Bakit ganyan na lang ang tingin nila sa akin?
Huminga muna ako ng malalim. Kakaiba talaga ang tanong ng mga Shokoy. Sino ba ang matinong tao ang magtatanong kung nakagat ka na ba ng lamok o hindi? Hindi ba at lahat naman ng tao ay na nararanasang makagat ng lamok?Depende na nga lang kung anong klaseng lamok ang nakakagat sayo. At sa tanong nila sa akin, hindi pangkaraniwang lamok ang tinutukoy nila.
Itinaas ko ang kilay ko at sinalubong ko ang mga mata ng magaling na Nero Ferell.
"Bakit naman ako magpapakagat? baka magkapantal pa ako? Syempre pinatay ko na agad ang lamok. Labas pa nga ang dugo" ano ka ngayon? Hindi ba at pinadugo ko ang nguso at ilong ng Shokoy na 'yan? Baka gusto pa ng isa. Akala mo aamin akong Shokoy ka? No way.
"Tss. Ang galing sumagot" nakangusong bulong ni Nero na pakinig ko naman.
"Kinabahan ako sa isasagot mo Warden" natatawang sabi ni Aldus.
"Ano namang pakialam mo sa sagot ko?" mataray kong tanong sa kanya.
"Wala sabi ko maganda ka. Mataray lang nang konti" sagot niya sa akin.
"Anong konti lang?" anggil ni Troy.
"Bakit may problema ka Troy?" sagot ko sa kanya.
"Wala" maiksing sagot niya. Good then.
"LG anong masamang hangin at naligaw ka dito?" tanong ni Nero habang nakataas ang paa sa lamesa. Muntik ko nang makalimutan na may tao pa pala dito bukod sa akin. Bakit nga ba pasulpot sulpot lang ang matandang ito?
"Wala, dinadalaw ko lang si Florence at sa tingin ko mukhang ayos pa naman siya dito" maayos? What the hell?
"At kami LG hindi mo kakamustahin?" tanong ni Owen. Mukha namang walang pakialam itong si LG sa mga apo niya dahil minsan lang ito umuwi para dumalaw. Ano kaya ang pinaggagawa ng matandang ito?
"Mukhang ayos pa din naman kayo mga hijo. Mukhang nagkakasundo sundo na kayo" simpleng sabi ni LG na ikinakunot ng noo ko.
"WHAT?!" sabay na sagot ni Troy at Owen. Hindi niya ba nakikita ang nangyayari sa amin?
"Hindi na nga kami nakakain ng regular dito. Namamayat na ang mga abs ko. Nalulungkot na ang mga fans ko" napangiwi na lang ako sa madramang sinabi ni Owen.
"Maaawa na si LG ng lagay na 'yan Owen?" pagsingit ko.
"Cruel Wada" natatawang sabi niya.
"Bago ko nga pala makalimutan. May pupuntahan tayo bukas ng gabi. Isang engagement party, inimbitahan ako ng isa sa mga kumpadre ko. Kasama kayong lahat bukas" party?
"Pass" mabilis na sagot ni Nero.
"I have an appointment LG. Maybe next time" sagot naman ni Aldus.
"Madami pa akong hindi tapos na assignment at projects" kapani paniwalang sagot ni Troy.
"Matutulog ako" sagot ng antuking Shokoy.
"May competition ako next week. Kailangan kong mag practice. Sorry LG, ikaw na lang" baka si Owen pa ang paniwalaan ko sa mga Shokoy na ito.
"Wala talagang sasasama sa inyo?" muling tanong ni LG. Kawawang matanda, sa lima niyang apo walang lumabas na mapagmalasakit na tao. Lumabas na puros walang hiya
Sabay sabay na umiling ang lima.
"How about you Florence wanna come with me" tanong sa akin ni LG. Lalo naman ako, hindi ako mapagmalasakit na tao.
"Ayoko. Busy ako bukas" paano kung may makakilala sa akin doon? Nakakaimutan na ba ni LG ang kalagayan ko?
"Talo na ako sa kumpadre ko. Hindi man lang ako lumaban" may pag iling pa si LG sa paraang dismayadong dismayado sa kanyang buhay. Ano na namang kadramahan 'yan?
"LG busy kasi talaga kami" sabi ni Aldus. Busy huh?
"Sabi ng kumpadre ko pagwapuhan daw ng apo. Well, I guess siya na ang panalo. Wala akong maipapakitang mga apo" madramang sabi ni LG. Baka naman maniwala ako sa matandang ito. Napakabaliw naman siguro ng mga apo niyang Shokoy kung maniniwala sila sa sinasabi nitong si LG.
"Bakit hindi mo naman agad sinabi?! Sasama na ako. Kung pagwapuhan din naman pala ang labanan. Ako na! ako na ang sasama sa iyo LG nang mapahiya ang kumpadre mong 'yan" napanganga na lang ako sa mabilis na sagot ni Troy Ferell, ang tagapagmanang Shokoy.
What the fuck? Naniniwala sila sa sinabi ni LG?
"Sasama na din ako. Makukulangan ang kumpadre mo kapag nakita lang si Troy. Niyayabangan ka pala LG dapat sinabi mo agad! gwapong apo pala ang hanap" may pagsuntok pa sa hangin si Owen. My god! Bakit ba nakikinig ako sa usapang shokoy na ito?
Mukhang nahulog sa lambat ang mga Shokoy. Ano ba ang bago? Ano na nga ang nangyayari kanina? Kanina lang ay may kani kanila silang dahilan para hindi sumama.
"I'll go with you LG, malulugi ang kumpadre mo kung hindi niya makikita ang pinakagwapo mong apo" sabat din ni Tristan Ferell, ang antuking Shokoy.
"Bakit pa kayo sasamang dalwa? Ako lang sapat na. Hindi ba at may gagawin pa kayo?" angil ni Troy kay Tristan at Owen.
"Akala ko ba may assignment at project ka pa Troy?" balik na tanong ni Owen. Ngayon naman ay nagtatalo sila kung sino ang sasama? Haist. Mga lamang dagat talaga.
"Tapos na! wag na kayong sumama. Mapagkakamalan lang kayong butler ko" giit ni Troy Ferell. Sumasakit ang ulo ko sa mga Shokoy na ito.
"Troy uminom inom ka na ng gamot" sabat naman ni Tristan.
"That's enough, lahat kayo kasama" saway ni LG.
"Sasama din ako. Papakainin natin ng alikabok ang kumpadre mo kasama ang mga apo niya" confident na sabi ni Aldus.
Naniniwala talaga sila kay LG? Talagang may balak silang magsama sama sa party'ng 'yon? Nagsisimula na akong maawa sa may event na 'yon. Sa dami ng pwede nilang imbitahin ay mga Shokoy pa.
"That's the spirit mga pinsan. Susugod bukas ang mga gwapong Ferell" excited na sabi ni Troy Ferell. Napapailing na lang ako, nagtagumpay na naman si LG na utuin ang mga apo niyang shokoy.
"Ikaw Nero sasama ka?" tanong ni Owen.
"Kailangan pa ba akong sumama? Baka magtaka lang ang kumpadre ni LG sa akin" sagot ni Nero na hindi namin naintindihang lahat.
"Ano?" sabay nilang tanong.
"Baka hindi siya maniwala na apo ako ni LG at sabihing 'Don Garpidio?! May apo kang diyos?' baka hindi na kayo mapansing apat masasayang lang damit niyo, kaya kayo na lang. Magpasalamat na lang kayo sa akin sa hindi ko pagsama" mayabang na sabi ni Nero Ferell na nagpausok sa ilong ng apat niyang pinsan.
"Gago! iwan na nga 'yan" iritadong sabi ni Troy.
"Tama ang mga diyos nagbabantay ng bahay. Dito ka na nga lang Nero" sabat ni Owen.
"No comment" maiksing sabi naman ni Tristan.
"Pagbigyan niyo na, dyan siya masaya" ismid na sabi naman ni Aldus.
"Warden, what about you?" baling sa akin ni Aldus. Medyo na curious naman ako sa mangyayari sa party. Ano kayang klaseng panggugulo ang gagawin ng mag lololo na ito? Gusto kong mapanuod.
"Yes. Sasama na rin ako" sagot ko.
"Then try to choose from my grandsons, siguradong maraming lalapit sayo hija sa party, dapat may ka partner ka na pag punta mo doon" singit ni LG.
"Volunteer ako" nakataas na kamay na sagot no Aldus.
"Hindi ata ako papayag, ako na lang ang kapartner ni Wada. Tutal ako naman ang pinakagwapo dito" singit ni Owen.
"Kahit hindi ko type ang mataray na 'yan. Dapat ako ang kapartner niya. Hindi ako pwedeng single bukas, mahihirapan ako sa mga babaeng maghahabol sa akin" mayabang na sabi naman ni Troy. Ang kapal ng mukha kahit kaylan.
"No comment" walang kwentong sagot ni Tristan.
"So? hija nakapili ka na ba?" tanong sa akin ni LG. Sino namang pipiliin ko sa mga Shokoy niyang apo? Pareho naman silang mga lamang dagat.
"Nero walang bawian. Hindi ka kasama" pang aasar ni Troy sa pinsan niya.
"Para namang gusto ko pang sumama sa mga kalokohan niyo? Tama nang kayo na lang ang mapahiya" sagot niya kay Troy.
"Sabi mo 'yan. Wag ka lang uungot ungot dyan Nero" nakangising sabi ni Troy.
"Ano na naman ang tumatakbo dyan sa walang laman mong ulo Troy?" iritado na ang hari ng mga Shokoy.
"Secret pinsan" lalong lumapad ang ngisi ni Troy Ferell. Mukhang masama na naman ang binabalak nitong tagapagmang Shokoy.
"Dapat Wada pinaka gwapo ang pipiliin mo. Ehem ako gwapo" naningkit na ang mata ko kay Owen. Kanina pang nagbubuhat ng sariling upuan ang Shokoy na 'yan.
"Mayabang lang 'yang si Owen ako ang purong gwapo dito" may paghawak pa si Troy sa kanyang diamond earring.
"Sa pagkakataong ganito Warden Doll dapat ang pipiliin mo ay may matinong pag iisip" simpleng sabi ni Tristan. Si Tristan na nga lang kaya?
"Mga pinsan nakakaamoy ako ng hindi maganda. Hands off from Warden, akala ko ba si Nero lang ang karibal ko dito?" angil ni Aldus.
Hindi ko na maintindihan ang pinagsasabi ng mga Shokoy na ito. Kanina pa silang nagtatalo kung sino ang makakapartner ko sa party. Syempre sino ba ang hindi makikiagaw sa kagandahan ko?
"Doll wag kang assuming dyan. Kailangan lang kita para itaboy ang mga babaeng naghahabol sa akin. Ang hirap talaagang maging magandang lalaki" sumakit ang ulo ko sa sinabi ng tagapagmanag Shokoy.
"Bakit hindi ka na lang maghanap ng iba at si Warden pa ang gusto mo?'' iyamot na tanong ni Aldus.
"Mataray siya. Effective na pangharang" sagot ni Troy.
"Asa ka naman na papartner ako sayo? bahala ka sa buhay mo" sagot ko sa kanya. Balak pa talaga akong gawing pangga sa mga babae niya?
"Ganito na lang mga hijo, bakit hindi na lang kayo mag billiards, race o kaya darts? Ang mananalo siya ang kapartner ni Florence" pagsingit ni LG. Bakit kailangan pa nito?
"Sure!" sagot nilang apat.
"Bunot Florence" pinabunot ako ni LG sa isang fish bowl na maraming papel. Masyado talaga silang prepared ang mag lololo ito. Saan naman niya ito nakuha? Bumunot na rin ako. Wala na rin akong pakialam kung sino ang makakapartner ko sa mga Shokoy niyang apo. Basta ang mahalaga sa akin mapanuod ko ang panggugulo nila bukas. Siguradong magiging masaya ito.
"Swimming" binasa ko ang nabunot kong papel.
"Shit!" sabay na sabi ni Troy at Aldus.
"Oh yeah! Lalangoy pa ba tayo?" tanong ni Owen.
"Swerte mo Owen" tamad na sabi ni Tristan.
"Hindi ako papayag. Tayong lumangoy, watch me Warden" sabay hubad ni Aldus ng tshirt niya kaya bumalandra ang abs ng Shokoy. Shit! Masama ito.
"Ako din. Mabilis akong maglangoy pinagbibigyan lang kita Owen" hinubad na rin ni Troy ang tshirt niya. Nakabalandrang abs na naman. Sakit sa mata.
"Malamig maglangoy ngayon. Pero sasali na rin ako. Hindi pa naman ako inaantok" naghubad na rin si Tristan. Shit! mga topless na ang mga Shokoy. Hindi ko maiwasang hindi mapalunok ng ilang beses. No no no.
Hindi ko alam kung seryoso talaga sila para maka partner ako. O nagpapayabangan lang talaga sila. Syempre mas naniniwala ako sa pangalawang dahilan, hindi naman kasi mabubuhay ang mga shokoy na ito kung hindi magyayabang.
Dumiretso na sila sa pool. Ako naman ay sumunod na, kahit ang ineexpect ko na talagang mananalo ay si Owen. Baka may himalang mangyari. Manalo ang makupad na Tristan Ferell, gumawa ng strategy ang matalinong Troy Ferell? Hindi ko rin masasabi ang mananalo. Masyado pa namang talented ang mga Shokoy na 'yan.
Naupo na ako sa isang bench habang pinapanuod ang paghahanda ng mga baliw na Shokoy.
"Bakit pinapahirapan mo pa ang mga ungas kong pinsan? Sabihin mo na hindi ka sasama, na magpapaiwan ka dito kasama ko" agad na nanayo ang mga balahibo ko.Nakasunod na rin pala si Nero Ferell para guluhin na naman ako.
"Hindi na ako naniniwala sayo. Malanding Shokoy. Leche!" tumayo na ako at mabilis na lumapit sa pool. Shokoy na 'yon. Lalandiin na naman ako.
May hawak na pito si LG, akala mo naman Olympics itong lalangguyan ng mga apo niya, nagpapayabangan lang naman.
"Prtt........." pumito na.
Expected na nangunguna si Owen pero ang nakakagulat nakaovertake sa kanya si Tristan.Totoo ba ito? Si Tristan na basta na makagalaw? Naunahang maglangoy kay Owen? Sunod sa kanya si Aldus at ang pinakahuli si Troy. Nasaan na ang yabang ng isang 'yon? Pero nang pabalik na sila nanguna na ulit si Owen . Nakahabol naman ang tagapagmanag Shokoy.
Halos magkasabay na ngayon sina Troy at Owen. Shit... sino kayang mauuna sa kanila? Napapikit na lang ako nang malapit na sila.
"Yes!!!" at sa pagmulat ko. Si Owen ang nanalo, syempre sino pa nga ba? Bakit ba pinahirapan ko pa ang sarili ko sa pag iisip kung sino ang mananalo?
"Paano ba 'yan ang mga pinsan? Kami ni Wada ang partner bukas. Sabi na sa inyong wag na tayong lumangoy. Mapapahiya lang kayo" pagyayabang ni Owen.
"Sinuwerte ka lang" sabi ni Troy habang umaahon sa pool.
"Fuck!" nag walk out si Aldus.
"Ang lamig" agad na nagbalot ng towel si Tristan.
"Binagalan ko na nga ang paglalangoy hindi pa din kayo nanalo" here we go again. Isang Shokoy na nagyayabang.
"Tama na 'yang pagyayabang mo Owen" pumasok na rin ako sa bahay.
--
Sumapit na ang gabi ng yabangan. Kasalukuyan akong naglalagay ng hikaw sa tenga ko. May pinapuntang mag aayos si LG para ayusan ako. Marunong naman akong mag ayos ng sarili ko pero pinagpilitan talaga ni LG na kailangan ko nang mag aayos. Nagkibit balikat na lang ako, wala rin naman silang paggagamitan ng pera.
"Hija, ang ganda ganda mo na" sabi sakin ng baklang nag aayos sa akin.
"Matagal na" sagot ko sa kanya.
"Sino sa mga gwapo sa ibaba ang boyfriend mo?" tanong niya sa akin habang inaayos ang buhok ko. Napaka tsimosa naman ng baklang ito, bakit hindi niya na lang gawin ang trabaho niya?
"Wala" bored na sagot ko.
"Sayang naman" may panghihinayang sa kanyang boses.
"Ikaw magpaligaw ka sa kanila" sagot ko sa kanya.
"Pilya! Para namang papansinin ako ng mga Ferell na 'yan" nanlalamyang sagot ng bakla. Isang katok sa pinto ang umabala sa amin.
"Wada ayos ka na ba?" tanong ni Owen. Hindi naman siya masyadong excited?
"Oo malapit na siya" sagot ng baklang nag aayos sa akin.
"Akala ko ba wala kang boyfriend sa kanila? ha?" may pagkurot pa sa tagiliran ko ang baklang ito. Naiirita na ako sa kanya.
"Long story kung sasabihin ko pa sa'yo" tumayo na ako.
Isang simpleng yellow cocktail dress na tube ang suot ko ngayon. Hindi ko na masyadong pinakagandahan dahil ang balita ko ay isang engagement party ang guguluhin ng magpipinsang ito.Baka matalbugan ko pa ang ikakasal, maninira lang ako ng party tama nang ang mga kasama kong Shokoy ang gumawa ng panggugulo.
Hinawi ko muna ang nakalugay kong buhok bago ko buksan ang pinto. Nakangangang Owen Ferell ang sumalubong sa akin.
"---" hindi siya nagsasalita at nakatitig lang sa akin.
"Si hot swimmer pala. Mauna na ako sa inyo" bulong sa akin nang bakla bago ito nagmadaling umalis.
"Shit! Wada ang ganda mo" manghang sabi niya na nakapagpangisi sa akin.
"Alam ko" nauna na akong maglakad sa kanya.
"Hey! Hindi ba dapat ganito?" agad niyang hinuli ang mga kamay ko at ikinawit niya ito sa kanyang braso. Saka kami naglakad nang sabay sa paraang inaalalayan niya ako.
Pinabayaan ko na lang siya. Tutal siya naman ang escort ko ngayong gabi. Ngayon lang naman ako mamomroblema dahil sa sandaling nasa party na kami at makakita siya ng babaeng labas na ang kaluluwa sigurado akong aalis na rin ang isang ito sa tabi ko.
Pababa na kami ng hagdan at halos lahat nang nasa ibaba ay nakatingala sa akin habang mabagal akong bumaba sa hagdanan. Isa lang ang masasabi ko. Ang ganda ko talaga. Tanging si Nero Ferell lang ang hindi nag abalang mag angat ng tingin na abala sa kanyang ipad.
"Warden hindi kayo bagay ni Owen" sigaw ni Aldus.
"Fuck off Aldus" mabilis na sagot ni Owen.
"Takpan niyo ang mata ni Nero baka magbago ng isip at biglang sumama" natatawang sabi ni Troy. Ang mga walang hiyang Shokoy puros nakaharang sa harap ni Nero sa paraang hindi niya ako makikita.
"Ang ganda ganda mo naman hija" puri sa akin ni LG.
"Thanks LG" nagawa ko pang ngumiti sa kanya.
"Kahit kailan unfair 'yang si Doll, pag tayo ang pupuri sa kanya ang laging sagot niya 'Alam ko' 'matagal na' 'buti alam mo' tapos tataasan pa tayo ng kilay. Kapag kay LG may thank you na nga, may smile pa. Nasaan ang hustisiya Doll?" ano na naman kaya ang pinaglalaban nitong tagapagmanang Shokoy na ito?
"Depende kasi 'yan sa uri ng tao Troy. Ang tingin niya kasi sa'yo Shokoy" muntik na akong matawa sa sagot ni Tristan.
"Tristan wag na wag mo akong tatawaging Shokoy" angil na sabi ni Troy.
"Bakit naman kasi Warden sa dami ng pwede mong itawag sa amin Shokoy pa? Hindi naman kami mukhang Shokoy" kamot ulong sabi ni Aldus.
"By the way Warden, you're gorgeous tonight. No I mean always" sabay kindat niya sa akin.
"Alam ko hindi mo na kailangang sabihin" sagot ko.
"Yan! 'yan ang sinasabi ko. Ang may magagandang lahing katulad natin hindi dapat nakakatanggap ng ganyang katarayan kaya nakakatamad ng purihin 'yang si Doll. Hindi naman marunong mag thank you. Kahit maganda ka ngayon hindi kita pupurihin" naniningkit na ang mata ko sa pinagsasabi nitong si Troy Ferell. Napainom na kaya ang tagapagmanang Shokoy na ito?
"Tama na iyan. Tayo na" awat sa amin ni LG. Nagsimula na kaming maglakad palabas.
"Nakatube si Doll, ang ganda ng likod. Ang kinis!" sabi ng manyak na si Troy. Hindi ko alam kung bakit puros nakaharang sa likod ko ang mga Shokoy na ito.
"Ayusin niyo ang pagharang baka masilip ni Nero at makasunod pa sa atin. Ang mga diyos dito lang bantay sa bahay" patuloy pa din ang pang aasar ni Troy.
"Owen! wag naman masyadong mahigpit ang hawak sa bewang. Hindi pa nga nakakahawak dyan si Nero" patuloy pa din si Troy sa pagsasalita sa likuran ko sa paraang pasigaw na maririnig ni Nero Ferell.
Narinig ko na lang ang paglagapak ng isang bagay.
"Kawawang Ipad. Napag abutan ni Nero" natatawang sabi ni Owen.
Hindi ko alam kung bakit nakikisakay sa trip nitong si Troy ang mga kapwa niya shokoy pero pinabayaan ko na lang. Para namang sasama si Nero sa ginagawa nila. Hindi din naman nakahawak sa bewang ko si Owen. Ako magpapahawak? Allergic ako sa Shokoy.
Mabilis kong ipinilig ang ulo ko nang biglang pumasok sa isip ko ang paglapat ng labi ni Nero sa akin. Damn.
Paglabas namin ay agad akong kinabahan nang makita ko ang mga Oto nila. Nagdalawang isip agad ako. Wag na kayang makasama?
"Don't worry hija hindi tayo dyan sasakay" sa pagkakasabing iyon ni LG, pumarada sa harap namin ang isang limousine. Kung magyayabang na lang rin sila ay dapat umpisahan nila sa sasakyan. Talagang pinaghandaan ng maglololong ito ang gabing ito. Agad na may nagbukas ng limo.
"Lady's first" sabi ni Owen. Sumakay na ako at agad siyang sumunod pati na rin ang mga pinsan niya.
"Wala talagang balak sumama ang isang 'yon" sabi ni Aldus pagkapasok na pagkapasok niya ng Limo.
"Hindi rin. Tingnan niyo pupunta rin 'yon sa hotel mamaya. Pustahan pa tayo" confident na sabi ni Troy Ferell. Ano na naman kaya ang kalokohang gagawin nito?
Tahimik ako buong biyahe, hindi na ako nakisali sa mga nagiging usapan nila. Tutal naman shokoy words lang naman ang maririnig ko, wala lang akong maiintindihan sa kanila. Pero mabilis din ang naging biyahe. Hindi ko na rin namalayan na nandito na kami.
Ang ikinagulat ko sabay sabay na nag suot ng shades ang mga Shokoy. What the hell? madilim ngayon at walang araw, para saan ang mga shades nilang 'yan. Damn, nag uumpisa na talaga sila.
They're all wearing black tux with black shades. Damn Ferells and their outfit.
"Mga pinsan, let's rock this party" malakas na sabi ni Troy.
"Oh yeah!!" sabay sabay na sabi sila. Sa katunayan kasama na doon si LG na naka shades na rin. Bakit parang gusto ko nang umatras? Bakit parang ang sama ng kutob ko sa kalokohang gagawin nila?
"LG, ituro mo sa amin ang kumpadre mo. Siguraduhin niyang mukhang tao ang mga apo niya" bahagyang inayos ni Owen ang shades niyang suot.
Nagsimula na silang maglabasan. Bigla na lang akong kinabahan. Parang mali ang naging desisyon ko na sumama sa kanila.
"Wada, let's go" inilahad ni Owen ang kamay niya sa akin. Wala akong mapapagpilian, iniabot ko na ang kanang kamay ko sa kanya.
"Wag kang bantay salakay Owen. I'm watching" pagbabanta ni Aldus sa kanya.
"She's my partner right now. Find your own" seryosong sagot naman ni Owen.
"What?" iritado na naman itong si Aldus. Agad na nakaharang si Tristan.
"Let's go" hinila na ni Tristan palayo si Aldus sa amin.
Naka red carpet ang entrance. Bawat papasok ay may magpipicture na dinaig pa ang namin ang Hollywood catwalk. Sino ang kakasal na ito? Talagang may sinasabi sila, base na rin sa napiling hotel na ito.
Unang naglakad si Aldus sa paraang titilian ng mga babaeng guest. Daig pa niya ang leading man na naglalakad sa kanyang premiere night. Akala ko ba takot sa camera ang mga shokoy? take note naka shades 'yan, buti hindi nadadapa.
Sumunod si Tristan, parang hindi siya inaantok ngayon. Kung maglakad siya para siyang modelo ng isang clothing line.
Sumunod na rin si Troy na todo ang pose. Tinanggal pa nga niya ang shades niya att pa cute na hinawakan ang tenga niya. Na emphasize tuloy ang hikaw niya, mag eendorse pa ata ng jewelry ang shokoy. Ano ba ang brand ng hikaw ng isang 'yon?
Sumunod kaming dalwa ni Owen. Agad na humawak si Owen sa bewang ko. Shit! nagulat ako. Pero dapat maganda ang ngiti ko kaya todo ngiti din ako. Magpapatalo ba ako sa mga shokoy na kasama ko?
Hindi kaya makilala ako dito? Kilala pa naman ako. Bahala na, nandito naman si LG.
Ang huling naglakad ay si LG na tinalbugan pa ang mga apo sa ganda ng pose sa harap ng camera. Nagtataka na tuloy ako kung engagement party ba talaga ang napuntahan namin o isang fashion show at kami ang mga modelo.
Nagdiretso kami sa presidential table kung nasaan ang kumpadre ni LG. Ano ba ang aasahan sa kanila? Natural magsisimula na silang magyabang.
"Garpidio buti nakarating ka" nakipagkamay sa kanya ang kumpadre niya.
"Leandro, pinakilala ko nga pala sayo ang mga apo ko" agad na nagsilapitan ang mga Shokoy niyang apo sa kumpadre ni LG.
"Aldus Raphael Ferell, gwapong apo ni Don Garpidio" pakilala niya sa sarili habang nakikipagkamay.
"Tristan Matteo Ferell mas gwapo sa nauna" nakipag kamay na rin siya. Natatawa na rin ang ilang matatanda na nakikinig sa pagpapakilala ng mga Shokoy. Nakakahiya sila.
"Troy Alvis Ferrell pinaka gwapo sa lahi nga mga Ferell" nakipag kamay na din siya.
"Garpidio mga apo mo nga sila. Kuhang kuha ka nila noong kabataan mo" natatawang sabi ng isang matandang babae na nahuhulaan kong asawa ng kumpadre niya.
"Hey, don't forget me. I'm Sean Owen Ferell, wala akong po akong maipagmamayabang. Pero isa lang naman ang masasabi ko. I'm handsome enough para piliin ng magandang binibining nasa tabi ko ngayon" nakipagkamay na rin siya sabay baling sa mga pinsan niya na kanya kanyang ismid.
Sa pagpapakilala pa lang pagalingan na silang apat? Ano pa kaya ang kalokohang gagawin nila hanggang mamaya?
Now i know, ang payabangang ito ay hindi sa pagitan ng dalwang matanda. Kundi payabangan pa din ng mga magpipinsang Shokoy.
"What a beautiful lady. But you looked familiar? Have we met before hija?" nagtatakang tanong ni Don Leandro. Shit! bakit naman kasi ang sikat ko.
"She's a model Leandro, kaya hindi na nakapagtatakang pamilyar siya sa inyong mga mata" mabilis na sagot ni LG. Kailan pa ako naging model?
"Pero parang nakita na talaga kita hija. Are you sure we haven't met before?" paniniguro ni Don Leandro. Hindi ko pa siya nakikita, I'm sure. Pero kung pamilyar siya sa akin, posibleng kilala niya si Dad. Shit!
"Ito po ang una nating pagkikita Don Leandro. Nagpapasalamat po ako at nabigyan ako ng pagkakataong makadalo sa isang engrandeng enagagement party na ganito" nakipagkamay na rin ako sa kanya.
"Such a nice lady. Young man take care of her" sabi ni Don Leandro kay Owen.
"I wil" pormal na sagot ni Owen.
"What's with the shades?" naglingunan kami sa bagong dating na babae na nakafusha pink long gown.
"We're vampires lady. We have red eyes" pabirong sagot ni Troy. Nagtawanan naman ang mga nakarinig maliban sa akin.
"I am very much willing to feed my blood to this gorgeous vampire" malanding sagot ng babae.
"Samantha!" saway ni Don Leandro. Siguro ay apo din niya ang babaeng ito.
"It's okay Don Leandro. I really don't bite" ngising sabi ni Troy na nagsisimula nang lumapit sa babaeng nagngangalang Samantha.
"Shall we dance?" bahagya siyang yumuko at hinalikan niya ang likod ng kamay ng babae. Kitang kita ko ang pamumula ng mukha ng babae sa ginawa ni Troy. Expert ang Shokoy. Kawawa na naman ang mabibiktima niya.
Hindi rin nagtagal ay naglaho na silang dalawa. Malamang dinala na iyon ni Troy sa liblib na lugar.
"Leandro nasaan na ang mga lalaki mong apo?" tanong ni LG.
"Paparating na rin sila" Don Leandro. Halos mga babaeng apo pa lang ang nakikita ko na nakatulala lang naman sa mga Shokoy na kasama ko na talagang gustong gusto naman nila.
Lumipat kami ng lamesa dahil abala na sa usapan ang dalawang matanda at habang tumatagal nabobored na ako.
"Wada, sayaw naman tayo. Luging lugi na sa'yo" kanina pang nagrereklamo dito si Owen habang kain siya ng kain ng mga desserts kahit kaylan talaga ang takaw.
Si Aldus ay nasa kabilang table at nag iinarte. Hindi daw nya kayang makita kaming dalawa ni Owen. Nasasaktan daw siya. Si Tristan naman tulala na naman. Baka inaantok na naman. Akala ko pa naman may interesting na mangyayari ngayon wala naman pala.
Kanina pa akong nagtataka kay Tristan Ferell na hindi na ata nakurap. Nahipan na ata ng hangin. Wala na siyang shades ngayon, nadiliman na siguro ang antuking Shokoy. Sinundan ko ang tingin niya.
Haist. Kaya naman pala. Nakasunod lang naman ang mata sa babaeng nakapula na labas na ang kaluluwa. Kaya naman pala halos lumabas na rin ang mapupungay na mata ng Shokoy. Habol ang tingin sa babae. Masyado na sigurong erotic ang imagination ng antuking Shokoy ngayon.
"Wag namang masyadong obvious pinsan" saway ni Owen. Walang narinig si Tristan, sa halip ay nag simula na siyang maglakad papalapit sa babaeng nakapula na nakatitig na rin pala sa kanya. Nakahuli na rin ang isang ito.
Tiningnan ko naman si Aldus. Kasalukuyan na siyang eneetertain ng tatlong babae.
"Wada, wada, wada" nakukulitan na ako kay Owen na ito. Naiinis ako sa dimples niya na effortless kung makalabas. Damn.
"Wala ka pa bang nakikita?" iritadong tanong ko sa kanya.
"How can I look for someone? If I can't take my eyes on you Wada?" seryosong tanong niya sa akin na kumuha ng atensyon ko.
"What?" kunot noong tanong ko sa kanya.
"Manhid ka Wada. I tried not to pay attention with my feelings, na hindi na ako makikiagaw kay Nero at Aldus, na gagaya na lang rin ako kay Tristan at Troy na mapagbigay pero hindi ko kaya, hindi ko kaya. That's why I used this oppurtunity to steal you from them but what should I steal? wala na. Naiwan na sa mansion. Hindi mo nga ako tingnan, ano ang mayron sa pinsan kong 'yon?" natigilan ako sa sinabi ni Owen. Ano ang pinagsasabi niya?
"Wada, restroom lang ako. May nakita akong sexy doon" bahagya niyang tinanggal ang shades niya at kinidatan ako bago ako iwanan na mag isa sa lamesa. Hindi ko maiproseso ang mga sinabi niya, maniniwala ba ako? No! Florence, remember a Shokoy will always be a Shokoy.
Lapitin ng tukso ang mga Shokoy. Hindi na siguro ako magtataka kung may makabuntis na Shokoy ngayong gabi. Muli akong tumingin sa table ni Aldus. Wala na din siya. Parang uuwi ako mag isa nito.
"Why are you here?" pagkarinig na pagkarinig ko ng pinanggalingan ng boses bigla na lang nanlamig ang pakiramdam ko. Anong ginagawa niya dito? Invited ba sila dito? Ano ba ang apelyido ng ikakasal? Hindi ba at nasa States siya?
Dahan dahan kong pinihit ang ulo ko para masilayan lang ang mapang asar na pagmumukha ng magaling kong pinsan. Mabilis siya umupo sa tabi ko.
"Akala ko ba naglayas ka? Bakit ka nandito?" what the-- kahit kaylan napaka walang galang ng batang ito sa akin. Mas matanda ako sa kanya ng tatlong taon. Hindi lang halata dahil bukod sa mas matangkad siya sa akin. Pabinata na siya kung mag aasta.
Pinsan ko siya sa side ng mommy ko at sa kamalasan nag iisa akong babae sa magpipinsan, kung sa bagay tatlo lang naman kami.
"Gio, shsshhhh. Wag kang maingay" sabi ko sa kanya.
"Dadating dito si Tito Lorenzo, mahuhuli ka na agad? Kahit kailan hindi ka talaga nag iisip ano? Kung maglalayas ka dapat hindi ka nagpapakita" ang galing naman niya.
"Bakit ka ba nandito? kasama mo ba si Kuya Nik pati 'yong kambal?" tanong ko kay Gio.
"Pinsan ni Lexus ang ikakasal natural invited ako dito. Ikaw ba bakit ka nandito?" tanong niya pabalik sa akin.
"Makikikain natural!" buwiset na ito.
"Hindi ka pinapakain sa hide out mo? Umuwi ka na. Namamayat ka na"
"Hindi pa pwede sabi ni lolo" mahinang sagot ko sa kanya.
"Kahit kailan spoiled brat ka. By the way sinong mga adik ang kasama mo at mga naka shades pa? Ayos ah ang taas ng araw" mapang asar na tanong niya.
"Kanina mo pa akong nakikita?" tanong ko ulit.
"Nakakita ako ng panget natural ikaw na 'yon" nakakainis talaga ang pinsan kong ito.
"I hate you!"
"I love you" agad na siyang tumayo at saka inilahad ang kamay niya.
"Shall we dance Ate Florence Villacorta Almero?" damn. My sweet but annoying cousin.
Inabot ko na rin ang kamay ko sa kanya. Ngayon nasa dance floor na kami at nagsasayaw ng sweet dance. Kung hindi lang kami mag pinsan mapapagkamalan na siya ang boyfriend ko.
"Florence , kailan ka uuwi? That jerk Nicholas! sa akin lagi iniiwan ang kambal niya. Those twins! ang sasakit nila sa ulo. Silang mag aama" reklamo sa akin ni Gio.
"I don't know" mahinanang sagot ko. Natahimik kami nang ilang minute bago siya nagsimulang magsalita muli.
"Alam ko kung saan ka nagtatago Florence. Sa mga Ferell" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"How did you know?"
"I have my own sources" simpleng sagot niya.
"Don't worry Florence. I'm on your side. No matter how ugly you are"
"I hate you!"
"I miss you" saka niya ako niyakap.
"I miss to bully you Ate Florence. Hinahanap ka na din ng makukulit na kambal, lagi ka nang hinahanap ni Trevor at Tyrone. Napapadalas tuloy ang tambay ng mag aamang iyon sa amin" magkayakap kaming nagsasayaw ng pinsan ko.
"So miss mo lang ako dahil ikaw ang napapag alaga sa kambal? Ayos ka din ano? Giovanno Javier Villacorta" pang aasar ko sa kanya.
"Not really. Anyway, listen to me Florence. No matter what happens don't let any Ferell kiss you" natigilan ako sa biglang sinabi ng pinsan ko. What the hell?
"Bakit naman ako magpapahalik!" bahagya ko siyang hinampas pero ang masama nito nahalikan na nga ako ng isang Shokoy.
"Good. Pinapaalala ko sa'yo na walang alam si Nik sa pinagtataguan mo. Galit na galit siya sa daddy mo nang malaman niyang naglayas ka, kapag nalaman niyang nasa mansion ka ng mga Ferell agad ka niyang babawiin. Kaya wag kang magpapahuli sa kanya. Siguradong huli ka na rin ni Uncle"
"Talaga?" kung ganon si Gio at lolo lang ang kakampi ko ngayon.
"He's so overprotective to you. At ang lakas pa ng loob mo na magpapicture kanina? Ako na ang bahala. Wag ka nang mag alala malilinis na namin 'yon ni Lexus"
"Thank you so much Gio, so kasama mo ang kabarkada mo ngayon?" pag iiba ko ng topic.
"Sino?" mga kaibigan hindi kilala?
"Sina Patrick at 'yong cute na si Stefan"
"Ah. Yes, nandyan lang ang mga iyon. Busy sa babae" bored na sagot niya sa akin.
"Ang bata bata niyo pa!"
"Nakakatawa ka" yamot na sagot nya sa akin.
Nagulat na lang ako ng biglang may humatak sa akin mula kay Gio.
"Don't you dare touch my girl" isang malutong na boses ang narinig ko.
"Your girl?" nang aasar na tanong ni Gio. Pinsan ko 'yan hindi rin 'yan magpapatalo.
"Nero Ferell. Florence Almero's fiancé, just keep a distance from her. I'll let you home with your fix face" mahina pero madiing sabi ni Nero habang inilahad ang kamay kay Gio. Anong ginagawa niya dito?
"Giovanno Javier Villacorta. Florence Villacorta Almero's handsome cousin. You didn't even bother to tell me Florence na fiancé ka na pala?" nakipag kamay din siya kay Nero habang nagsusukatan sila ng tingin
Napansin ko na nasa likod na pala ni Gio ang tropa niya. Si Patrick, Stefan at Lexus.
"Well, I guess I have to go" tumalikod na ang pinsan ko.
"Florence, I don't accept reckless people in our family but if he can take good care of you then maybe I can give him a pass" nagsimula nang maglakad palayo ang pinsan ko habang nakapamulsa.
"Take care of her? It's just a simple thing Mr. Villacorta" madiing sagot ni Nero Ferell. Nagkibit balikat na lang si Gio bago siya tuluyang umalis kasama ng mga kaibigan niya.
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro