Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Mission 16

Chapter 16


"The sweetest rambutan I ever tasted. I can't help but to crave for it from time to time" pakiramdam ko ay bigla na lang nag init ang mukha ko sa sinabi ng magaling na Shokoy.


"Bleeding nose and swollen lips in exchange to that taste of rambutan is all worth it" hindi ko alam kung nabingi na lang talaga ako o natahimik din ang mga pinsan niyang Shokoy. Wala na kasi akong marinig. Tanging ang mga sinabi lang ni Nero ang paulit ulit kong naririnig.

Agad kong iniling ng ilang beses ang ulo ko. No way! Wag kang affected. Pinaglalaruan ka lang ng hayop na Shokoy na iyan. Kung totoo ang sinasabi niya, dapat hindi na siya paakbay akbay sa mga babae niya? Sinungaling lang talaga ang mga Shokoy.

Pero napansin ko na natigilan din pala ang mga kapwa niya Shokoy. Huwag nilang sabihin na naniniwala sila sa pinsan nilang 'yan? Si Nero Ferell pa man din ang klase ng taong sa sampu niyang sinabi labing isa ang yabang.


"Sinong niloko mo?" sabay sabay na tanong ng kanyang kapwa Shokoy. Haist. Kaya ngayon pinagbabato siya ng ubas. Hindi na talaga sila nahiya sa mga nurse dito. Ang iingay na nga nila dumayo pa sila ng pagkakalat.


"Bakit biglang nagkaflavor ang mga babae mo?" tanong ni Troy habang patuloy ang pagbato ng ubas. Pinipigilan ko ang sarili kong hindi magreact sa mga binibitiwang salita ng magpipinsang Shokoy. Dahil sa sandaling madulas ako, malalaman nilang ako ang lasang rambutan. Magkamatayan na. Hindi ako aamin.


"Fuck! Tigilan niyo ko" sinasalag naman ni Nero ang mga ubas na binabato sa kanya.


"Sino naman kaya ang lasang rambutan sa mga babae mo?" tanong ni Tristan. Utang na galang. I need more patience. Wala akong naririnig. Hindi ako ang babae ni Nero. Hindi ako ang kanilang pinag uusapan. Wala akong naririnig.

Patience Florence.


"Bakit sa akin wala naman akong malasahan? May flavor ba talaga sila? Iisa lang naman ang mga lasa. Lasang lipstick" curious na sabi ni Troy Ferell. Talagang may balak pa talaga silang pag usapan ang flavor ng mga babae nila sa harapan ko. Magagaling na Shokoy.


"Oo nga naman. Pinagloloko lang tayo ng gagong iyan. O kaya naman masama lang ang pagkakasuntok sa kanya kaya nagkakaganyan na yan" may pagtango tango pang nalalaman si Owen.


"Who's the rambutan girl Nero?" seryosong tanong ni Aldus. Shit! Wag na wag kang sasagot Nero Ferell! Mapapatay talaga kita.


"Sekreto ko na 'yon" nakangusong sagot ni Nero.


"Yabangan na 'yan. Baka napasalpok lang sa kung saang poste ang nguso niyan" inumpisahan ulit ni Owen na batuhin ng ubas si Nero kaya ang mga kapwa niya pinsang Shokoy ay nakibato na rin. Wala na talaga sigurong magawang matino ang magpipinsang ito. Hindi ba nila alam na mahal ang kilo ng ubas?

Sa panunuod sa kalokohan nila, napasulyap tuloy ako sa Shokoy na kumuha ng first kiss ko. Nakatingin din pala siya sa akin at tinaasan pa ako ng kilay. Talagang nang aasar pa! Kapag napansin pansin kami. Dodoblehin ko ang putok ng nguso niyang 'yan.


"Tapos na ba kayo sa mga kalandian niyo?" mataray kong tanong sa kanila.


"Nako galit na si Warden. Ano ba ang gusto mo ngayon ibibili kita?" tanong sa akin ni Aldus. Bumaba na siya sa kama niya at lumapit sa akin.


"Gusto ko ng umuwi bukas na ako papasok" maiksing sagot ko.


"I'll take you home" pagvovolunteer ni Aldus.


"No way. Ang tauhan mo na lang ang maghahatid sa akin. Hindi ba at hindi natin kilala ang bawat isa? Hindi na dapat tayo nag uusap ng ganito" pagkakamot na lang sa kanyang ulo ang nagawa ni Aldus. Wag niyang subukang makipagtalo pa sa akin dahil hindi siya mananalo.


"Ano pa ba ang magagawa ko? Yes Warden" ngumisi pa siya sa akin ng malapad. I rolled my eyes. Ano ba ang mayron sa kanya?


"Mag ingat ka naman kasi Doll" biglang sabi ni Troy. Hindi ko na lang siya sinagot. Kasalukuyan akong inaalalayan ng alalay ni Aldus. Nang napaupo na ako sa wheelchair, inumpisahan na ni Mike na itulak ito.


"Shokoys"


"Yes" sagot nila.


"Ang pinatatahimik ko sa inyo gawan nyo na ng paraan. Dapat malinis isipin nyo na lang ang maaaring mangyari kapag hindi agad kayo gumalaw. Wag nyong kakalimutan na kakampi ko si LG" mas mabuting malinaw para hindi na madagdagan pa ang sakit ko sa ulo. Sakit na nga sila ng ulo sa bahay pati ba naman dito?


"Oo na. Ikaw na talaga ang magaling" ismid na sagot sa akin ni Troy Ferell.


"Wada is Wada, hindi na tayo nasanay. Medyo bad girl" ngising sabi naman ni Owen. Buti alam niya.


"But she's too clumsy look at what happened to her?" biglang sabi naman ni Tristan na nagpakunot ng noo ko. Hindi naman ako clumsy!


"I'm here to protect her, okay lang 'yan" masiglang sabi ni Aldus.


"Protect her? bakit may sprain siya ngayon? Kasalanan mo naman kasi ang lahat simula pa lang. Kung hindi ako nagkakamali mga girls mo ang tumulak sa kanya" sabat naman ni Troy na medyo iritado.


"That's why I'm here to take care of her" mabilis namang sagot ni Aldus. Mukhang gagawa na naman ng away ang magpipinsang Shokoy. Napahikab na lang ako.


"But she refused. Why don't you leave her alone?" nakisali na rin ang nanahimik na Nero Ferell.


"I can't leave her alone" madiing sagot ni Aldus. Bahagya akong napakamot sa aking kilay na kanina pang ngalay sa katataas.


"Ano? hindi muna kaya ako umalis dito sa clinic ng mapanuod ko ang walang kwenta nyong suntukan. Bakit pa kayo nagtatalo dyan? bakit hindi na lang manuntok ang isa dyan nang maumpisahan ng maaga. Kanina pa kayong mga Shokoy umaga. Pinapasakit nyo talaga ang ulo ko" sabat ko sa limang Shokoy na mukhang nagkakainitan na sa walang kakwenta kwentang bagay.

Nakita kong nakipag eye to eye si Aldus sa alalay niya.


"Miss Florence tayo na po" sabi ng alalay ni Aldus at itinulak na ako palabas ng clinic. Bahala na nga sila sa buhay nila. Nang makasakay na kami sa sasakyan


"May favoritism ba si LG? I mean si Lolo Garp? Bakit parang si Aldus lang ang pinaka sinusunod mo?" tanong ko kay Mike.


"Wala pong favoritism ang Don. Lahat po ng apo niya may tigi tig isang tagasunod at ako ang iniaatas kay young Senyorito Aldus. Nang sumapit ang ika 18 taong gulang nila saka na kami humiwalay sa kanila ayon na rin po 'yon sa kagustuhan nila. Lumalapit na lang kami sa kanila kapag tinatawagan kami" mahabang paliwanag sa akin ni Mike na hindi ko na masyado nahabol.


"Ahh, okay. Sosyal na pala ang mga Shokoy ngayon" sagot ko na lang. Basta ang naintindihan ko may tagasunod ang bawat Shokoy. Ang dami talagang alam nitong si LG may mga tagasunod pa talaga ang kanyang mga apong Shokoy.

I can't help but to roll my eyes. Narinig ko na lang ang mahinang pagtawa ni Mike.


"Why are you laughing? Is there something funny?" iritadong tanong ko sa kanya.


"Tama nga po pala ang sabi ng Don, nakahanap na ng katapat ang kanyang mga apo" natatawang sabi sa akin ni Mike.


"Talaga! Sa ganda kong ito. Mag papaapi lang sa magpipinsang Shokoy 'yon. Huwag na!" pero nagpahalik ka na sa hari ng mga Shokoy Florence..alalahanin mo. Nakatikim ka na ng Shokoy..

Halos mabilaukan ako sa naalala ko. 


Isinusumpa ko sa mga oras na ito. Kakalimutan ko ang lahat ng pangyayari ngayong araw na ito. Walang halik! walang lasang rambutan. Wala pa akong first kiss. WALA. Tandaan mo Florence mabilis makalimot ang mga dyosang katulad mo. Dapat pagdating mo sa bahay wala ka ng maalala. Tama! 'yon ang gagawin ko.

Sa sobrang stress ko ay aaaga akong natulog. Ayokong maabutan ako ng mga Shokoy na gising wala ako sa mood maglabas ng taray sa kanila.


--

Kinabukasan, laking pasasalamat ko at nakakapaglakad na ako ng maayos.


Kasalukuyan kaming kumakain ng agahan


"Are you sure you're already ok Warden?" tanong sa akin ni Aldus.


"Ano sa tingin mo sa akin habang buhay ng may sprain? Ofcourse I'm already ok" mataray na sagot ko.


"Gusto mo ihatid pa kita sa classroom mo?" alok sa akin ni Aldus na nagpainit ng ulo ko.


"Aldus! ano ba ? di ba sabi ko sayo kaya ko ang sarili ko. Alam nyo ba kung bakit ako napapahamak? Dahil 'yon sa inyo. So leave me alone" tumayo na ako at lumabas sa dinning room.


"By the way kung sino ang kumakain sa plate na may cow na print siya ang maghuhugas ng plato" saka na ako tuluyang lumabas


"Shit! Malas" narinig ko na lang na sabi ni Troy. Siguradong siya ang swerteng maghuhugas ng plato ngayon.


--


Simula ngayon hindi na ako sumasabay sa kanila, hindi ko sila kilala sa school. May naghahatid sa akin na ilang tauhan ni LG.

Ilang beses kong ipinipilit na ako na lang ang magdadrive ng sasakyan papunta sa school. Alam ko naman na papayag si LG sa gusto ko pero ang sabi niya mariing tumanggi ang limang Shokoy sa pagdadrive ko ng sarili.

Sabi nila isa daw akong reckless driver at nasaksihan na nila kung paano ako nagdrive. Wala daw akong awa sa gulong kaya ang nangyari may sarili akong driver na naghahatid sa akin. Maninira lang daw ako ng sasakyan kaya dapat wag pabayaan.

Ano nang gagawin ko? nagsinungaling na silang lima nang sabay sabay. Talo ng limang Shokoy na sinungaling ang isang magandang babaeng matapat.

Buti naman at wala na masyadong trafffic ngayon at sa tingin ko dahil wala pa ang mga shokoy na 'yon. Buti na rin at nalinis na nila ang pinapalinis ko. Dapat lang! patay naman sila kay LG pag nagkataon.


Agad kong hinanap ang classroom ko. Ang pangalan pala ng section ko ay 3-Chandelier. Hindi ko alam kung bakit ganito ang pangalan ng section dito. Bakit parang pang highschool?

Ang pagkakalam ko ang school na ito ay nag ooffer lang ng mga business course. Kaya pare pareho ang mga kurso ng mga estudyante dito. At pansin ko lang hindi masyadong malaki ang school na ito mas malaki pa rin ang previous school ko.

Patay ako kay Aira at Camilla nito hindi man lang ako nagpaalam sa kanila. Ayoko na kasing madamay pa sila sa mga kalokohan ko. Sana mapatawad na lang nila ako sa hindi ko pag inform ng pupuntahan ko. Ang mahalaga ngayon ay kung papaano ako mabubuhay sa isang eskwelahan na wala sila. Kailangan ko ding makahanap dito ng few friends man lang. Mahirap namang mag isa. Kaya dapat makahanap ako ng matino ditto, 'yong tipo hindi lamang dagat.


Unang hakbang sa classroom. May humarang na agad na babae sa akin.


"Ikaw na siguro 'yon?" nakataas na kilay na tanong niya sa akin. Sinipat pa nga niya ako mula ulo hanggang paa. Feeling maganda si Ate.


"Ah....'yong maganda? Oo ako nga. Tumabi ka dadaan ako" sinipat ko din siya mula ulo hanggang paa. Di hamak na mas maganda naman ako sa kanya. Amoy seaweed siya. Sa madaling salita lamang dagat din siya.


"Palaban? Kilala mo ba ako?" ako pa ang tinanong niya kung sino siya. Hinawakan ko ang bibig ko. Kunwari na shock ako.


"Oh my God! Janet Napoles? Bakit ka nandito?!" pang aasar ko. Kung hindi niyo siya kilala si Napoles isearch niyo sa google. The 'Pork Barrel Queen'


"You!" mukang sasampalin niya ko kaso nahawakan ko. Too slow dear.


"Hindi pwede sa face ko. Baka mahiya 'yang kamay mo" may pag iling pa ako sa kanya. Bahagya akong lumapit sa kanya para may ibulong lang naman.


"Girl, hindi pantay ang eyeliner mo. Pakiayos naman nagmumuka ka kasing I envoke my right" binitawan ko na ang kamay niya. Natulala na siya, kinalaban ba naman niya ako? 'Florence Almero'? Ang dyosa ng mga dyosa? Sorry siya hindi kami magkalevel.

Gustong gusto ko talaga ang mga ganitong entrance.


"Excuse me" nilagpasan ko siya ng walang kahirap hirap. Sinadya ko pa siyang sagiin. Pag upo ko pa lang alam kong nasa akin ang mga mata ng mga tao sa akin.

Matamis akong ngumiti sa kanila.


"May problema ba?" painosente kong tanong sa kanila. Walang sumagot sa akin at nagsihilisan ang kanilang mata. Nagkibit balikat na lang ako.

Nang nag start na ang klase, as expected magpapakilala ako.



"Hi! Im Florence Almero" nagsmile na din ako. Naghiyawan ang mga kalalakihan.


"Ang ganda mo"


"May boyfriend ka na ba?"


"Bakit ka lumipat dito?"


"Available ka sa Sunday?"


"Can I get your number?"

Sunod sunod ang mga tanong nila sa akin. Wala man lang akong naririnig na interesting na tanong.


"Class hinay hinay lang ang tanong kay Florence" saway ng adviser namin.


"Okay lang Miss. I can all answer them" baling ko sa adviser namin


"Wala akong boyfriend. Hindi ko binibigay ang number ko. At hindi ako willing lumabas this Sunday" madiin kong sagot. Pero hindi pa ako tapos.


"You can fantasize me, dream of me, kahit pagsawain nyo ang mga mata nyong tingnan ako. Hindi ko naman pinagdadamot ang kagandahan ko. I'm kind, hindi ako madamot. Just don't dare to mess up with me...dahil masama akong magalit. That's all and good morning"

Bumalik na ako sa aking upuan. Natahimik silang lahat pero alam kong nakatitig sila sa akin.


"Class be kind kay Ms. Almero"


"Yes Ms. Palmes" sagot nilang lahat. Mabuti at maaga silang nalinawan. Mahirap kalabanin ang Almero. 


Buti na lang at 3 subjects lang kami ngayon at ang panghuling klase ay wala pa ang professor dahil nanganak daw. Great!

Pababa na ako ng hagdan dahil pauwi na ako. Kaso may nakita akong babaeng mukhang hirap na hirap sa pagbubuhat na madaming libro. Grabe pahirap siya sa buhay. Mukhang hindi na niya makita ang daan pataas kasi siya. Ang magagaling na lalaki dinadaan daanan lang siya. Bakit kaya may mga taong gusto laging nahihirapan?


"Miss, want help?" tanong ko sa kanya. Hindi ko na siya hinintay na sumagot kinuha ko na ang ilang books na hawak niya.

Grabe ang malalaki pa naman din ng mga librong ito at sobrang bigat talaga. Nabuhat niya ito lahat?


"Saan natin ito dadalhin?" paglingon ko sa kanya, bahagya akong natigilan. She looked like an angel. Ang expected ko kasi ay may makapal na eyeglasses... braces...at naka tirintas ang buhok pero mukhang mali ako.


"Thanks. Ikaw lang ang nakaisip na tulungan ako. Mukhang hindi ka familiar sa akin" ganda pa rin niya kahit mukhang pawisan na siya sa pagbuhat ng mga librong.


"New student" maiksing sagot ko.


"What?! Ikaw 'yon?" ano naman kaya ang nakakagulat?


"Akala ko?" mukang may pinagtatakhan naman siya ngayon.


"Tama ka. Maganda nga ako" hindi ko na pinatuloy ang dapat niyang sasabihin baka hindi ko lang magustuhan.


"I'm Florence Almero. Naghahanap ako ng matinong tao dito and I found you. Kaibigan na kita ngayon sa ayaw at sa gusto mo" siya pa lang ang napapansin ko ditong matino plus her angelic face pwede namang maging friends ang dyosa at anghel.


"Tama nga sila" narinig kong sabi niya. Saka siya bahagyang tumawa. She's weird.


"Nice to meet you Florence Almero. I'm Linnalyn Isabelle Hidalgo, it's my honor to be your friend" lumapad ang ngisi niya sa akin.

Sa tagal ng ipinaglayas ko sa bahay, nakakilala na rin ako sa wakas ng tao. Walang bahid ng pagigigng lamang dagat.

Simula noon lagi na lang kaming magkasama ni Lina. Hindi naman pala talaga siya bookish napag utusan lang ng matandang dalaga naming teacher. At kaya pala bakante ang upuan kanina sa classroom hindi siya pumasok. Nabangga daw ang rabbit niya. Akala ko ay nagbibiro siya nang sabihin niya 'yon pero totoo talaga.  Weird.


"Condolence Mr. H2O" (name ng rabbit niya)

Pinakita niya ang puntod sa akin at iniiyakan pa niya talaga. Dahil mabait akong kaibigan, nagdala pa ako ng bulaklak.

Hindi ko akalain na makikisakay ako sa kalokohan nitong si Lina.


--


Back to present.

Medyo malayo na pala ang narating ko. Madami na rin pa lang nangyari sa buhay ko nang napadpad ako sa mansyon ng mga Shokoy. At ang pinakanakakainis sa lahat ay ang hari ng mga Shokoy. Bakit dinarami rami ng tao sa mundo bakit isa pang Shokoy ang nakakita ng isa sa kahiya hiyang bagay sa buhay ko? Bakit ang mannerism na 'yon pa ang nakit ng Shokoy na 'yon?

Kahit anong pilit kong kalimutan. Hinding hindi pa din maalis sa utak ko ang mga paglapa sa akin ni Nero sa Oto niya, pagpapak niya sa leeg ko at sa nunal ko AT ang mga sinasabi niya sa akin na dapat kong hindi paniwalaan dahil pawang kayabangan lamang.

Isa pa sa pinoproblema ko ay si Lina sigurado akong nagtatampo siya sa akin ngayon. Hindi ko naman kasi siya pwedeng dalhin dito. Delikado siya sa mga Shokoy. Maganda si Lina. Mamomroblema lamang akong protektahan siya mula sa mga Shokoy sa paligid.


Magpapalipas na lang siguro ako ng dinner ngayon. Tutal naman hindi pa ako gutom. Bahala silang magluto! Magutom na sila, mga pahamak.

Hindi ba at wala kaming pansinan sa university? Hindi ba nila natatandaan ang kasunduan namin? Kung sa bagay napaka lame na ng pangblackmail ko sa kanila. Wala na naman akong sprain.


"Florence Almero! bumaba ka dito" pakinig ko ang sigaw ni Nero sa akin. Ano na naman ba? Hindi ba niya alam na hindi pa ako nakakarecover sa pagkakakita niya sa pahamak kong mannerism?

Pakinig ko din ang palakpakan sa ibaba. At talagang pinagtitripan pa ata ako, nanghahamon ba siya ng sigawan?


"AYOKO NGA!" sigaw ko rin sa kanya. Ako magpapatalo sa kanya?


"Bababa ka ng kusa? O gusto mong ako pa ang magbaba sayo?!" sigaw niya ulit sa akin.


"Kung kaya mo! Mabulok ka dyan!" sagot ko sa kanya. Narinig ko na lang ang chorus na cheer ng mga Shokoy.


"Aakyat na sa taas si Nero"


"Aakyat na sa taas si Nero"


"Aakyat na sa taas si Nero"

Damn, nakalock ba ang pinto? Nagmadali akong pumunta sa pintuan at halos mapamura ako nang makitang hindi nga ito nakalock. At nang sandaling abot kamay ko na ang pinto bigla itong nabuksan. Oo na! mabagal na ako.

Hayan o napasok na ako. The Shokoy will eat my brain. Sa tuwing nakikita ko siya parang laging nang aasar ang pagmumukha niya.


"Hindi ka ba marunong kumatok?!" bungad ko agad sa kanya.


"Pagbubuksan mo ba ako kapag kumatok ako?" nagsimula na siyang lumapit sa akin. Agad akong napaatras.


"Bababa na ako. Lumayas ka na" pagtataboy ko sa kanya.


"I know your secret" ngising sabi niya. Nag uumpisa na ang Shokoy.


"So?" nakataas na kilay na tanong ko sa kanya kahit kinakabahan ako.


"As what I've said earlier I will not reveal it But..."


"So? you're going to blackmail me? No way. I won't give you any satisfaction. Ipagkalat mo na siya, I won't mind" akma na akong lalagpas sa pintuan ng iharang niya ang isa niyang paa.


"Dadaan ako" mataray na sabi ko.


"No"


"Nero Ferell" seryosong sabi ko.


"Call my name again.." palagay ko nagtaasan na naman ang balahibo ko sa batok. Pero hindi na ako magpapaloko sa kalandian niyang taglay.

Ako naman ngayon ang lumapit sa kanya at sa pagkakataong ito siya naman ang nagulat sa ginawa ko. Lumapit pa ako sa kanya. At hinawakan ko bahagya ang pisngi niya. At may binulong ako sa kanya.


"Sa lahat ng Shokoy ikaw ang pinakamalandi" saka ko ubod nang lakas na sinipa ang binti niyang nakahara. Mabilis na akong lumayo sa kanya.


"Shit! Hood. Magpapahalik naman ako sa'yo. Hindi mo na ako kailangan sipain"



--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro