Mission 14
Mission 14
Unang pasukan.
"Wow! Bagay sayo uniform mo Doll" halos lumuwa na ang mata nitong si Troy sa pagtitig sa akin. Well, ganyan talaga kahit anong isuot ko maganda ako. Hangang hanga na naman sa akin ang mga Shokoy.
"Alam ko" confident kong sagot.
Above the knee ang uniform ko. Syempre, expose na naman ang makinis kong kutis kaya ganyan na naman kung humanga ang mga Shokoy. Uniform pa lang 'yan. Ano pa kung eleganteng damit na naman? Baka makalimutan na nilang huminga.
"Ilang taon ka na ba Wada?" tanong sakin ni Owen. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang tanong niya, pero wala naman sigurong mawawala kaya sinagot ko na siya.
"17" maiksing sagot ko. Yes, 17 pa lang ako. At hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangan na akong ipakasal sa aking murang edad. Is it because of my attitude? Pwede na ba na basehan 'yon?
"So 2nd year ka na pala" may pagtango tango pa si Troy Ferell.
"No. Third year college na rin ako, katulad niyo" bata akong pumasok kaya bata akong makakatapos ng pag aaral, ganito lang ang buhay.
"Talaga? Ang bata mo namang third year" sabat ni Owen.
"Matalino kasi ako kaya wag na kayong magtaka" I rolled my eyes.
"Warden kakaiba ang Gyro Nella. Sigurado ka na ba na gusto mong pumasok dito?" tanong naman sa akin ni Aldus.
"Bakit anong may'ron sa university nyo? Bawal ang maganda? Puro mga lamang dagat lang ba ang nakakapasok sa Gyro Nella?" lalong tumaas ang kilay ko sa sagot ko kay Aldus.
Hindi nakasagot si Aldus sa sagot ko sa kanya at napatitig na lang sa akin. Ano tanong pa?
"Double kill" natatawang sabi ni Troy. Mabilis siyang sinamaan ng tingin ni Aldus.
"Papasok pa ba kayo o hindi?" umuna nang naglakad palabas si Nero. Isa pa ang Shokoy na 'yon, ang aga aga ang init ng ulo.
"Bitter" natatawang sabi ni Owen.
"Bakit hindi na lang kayo manahimik dalwa?" singit naman ni Tristan at nagsimula na rin siyang maglakad.
"Kaysa naman sayo, laging tulog" pabalang na sagot naman nitong si Troy. Kaya bumaling sa kanya ang nakapamulsang si Tristan na kunot ang noo.
"Suntukan na 'yan pinapatagal niyo pa. Ang aaga niyong pasaway" sita ko sa kanila. Nagsimula na rin akong maglakad. Gusto pa atang magsapakan, wala akong panahong umawat sa away Shokoy ngayong araw. Ngayon ang unang araw ng pagpasok ko, ayokong umpisahan ito nang gulo. Bahala kayo sa buhay niyo.
"Tara na Troy. Ito talagang si Wada gusto pa ng gulo" kita kong higit na ni Owen si Troy. Habang si Tristan naman ay parang wala lang nangyari at mukhang inaantok na naman.
"At ako pa ang may gusto ng gulo niyan? Pinapayuhan ko na nga silang mag umpisa nang magsapakan para maaga silang matapos" ang hina talaga ng utak nitong si Owen.
"Oh yeah! Oo na lang" saka siya dali daling lumabas habang hatak ang talak ng talak na si Troy.
"Fuck you Owen! Wag mo akong hatakin. Bitawan mo ako! Magkakasubukan kami ng antukin na 'yan, patutulugin ko 'yan nang matauhan" walang tigil na sabi ni Troy habang hatak siya ni Owen.
"Malelate na tayo Troy! Saka na kayo magsuntukan pagkauwi natin. Lagot tayo kay LG pag hindi tayo pumasok ngayon, kailangan nating samahan si Wada. Besides Troy, there are a lot of girls out there haharap ka ba sa kanila na may putok sa kilay o kaya sa nguso? Maraming napapanaginipan si Tristan na martial arts pag natutulog siya. Siguradong tatamaan ka niya kahit isa. Hindi ka makakaporma sa mga babae mamaya kung may tama ka" mahabang paliwanag ni Owen.
Gusto ko nang pumalakpak sa pinagsasabi niya.
Nilampasan ko na lang ang magpinsang Shokoy na nagheheart to heart talk. Sa tingin ko parang words of wisdom ang pinagsasabi nitong si Owen sa pandinig ni Troy. Malamang, tungkol naman kasi sa babae. Ano pa ba ang aasahan ko sa kanilang dalawa?
Paglabas namin, iba't iba na talaga ang pumapasok sa isip ko. Alam kong mayaman naman talaga ang mga Shokoy na ito, inaasahan kong may kanikanila silang mamahaling sasakyan na talagang maipagmamalaki. At gagawin ko na lang ay mamili kung sino ang sinuswerteng magiging driver ko.
Pero bigla na lang naglaho ang aking magandang imahinasyon nang tumambad sa akin ang mga sasakyan nila.
Seriously?
Assorted color ng oto. Halos mapanganga na lang ako sa style nito na parang kay Mr. Bean. Anong pakulo ito? Seryoso ba sila? At tig iisa pa talaga sila? Saan ba kami pupunta hindi ba at sa school? Akala ko ba magyayabang ang mga ito? Bakit mukhang sa laruan nila ako pasasakayin? Damn.
"Nasaan ang magaganda niyong sasakyan?" kunot noong tanong ko sa mga Shokoy na mukhang mga bored na bored dahil may pasok na naman. Sabay nilang itinuro ang kanilang mga oto.
"Bakit naman ganyan?!" napapadyak na ako sa frustration. Ang ganda na ng nasa isip ko kanina. Tapos ito lang ang mga sasakyan na makikita ko? Worst! Dito pa nila ako pasasakayin, hindi man lang ba nila naisip ang kagandahan ko na pasasakayin lang sa Oto?
Isa isa na silang sumakay na hindi man lang pinapansin ang mga himutok ko.
Black Oto ang kay Nero. Kulang na lang ang tabako at sumbrero sa kanya para magmukha siyang congressman. White Oto naman ang kay Aldus, mukha siyang negosyanteng sugarol. Pink Oto naman ang kay Troy, parang pinalaking sasakyan ni Barbie. Orange Oto naman ang kay Tristan, ang sakit sa mata ng kulay. Yellow Oto kay Owen, wala na akong maisip.
Nanatili akong nakatayo habang nakatitig sa kanilang mga sasakyan.
"Hindi nyo ko mapapasakay dyan. Nakakahiya kayo. May color coding pa kayo" kulang na lang sasakyan ng kalaban, power rangers na ang dating ng mga Shokoy.
"Ito ang parusa sa amin ni LG, kotang kota na kasi kami sa kanya ng mga nakaraang araw Warden" pagdadahilan ni Aldus. Ano naman ang pakialam ko doon? Bakit kailangan kong madamay sa parusa nila.
"Cute naman. Don't worry, these are brand new" proud ka pa niyan Troy Ferell?
"Oo nga, lalo ngang lumalakas ang sigawan pag dumadating kami" sabat ni Owen. Malamang! Malayo pa lang kita na kayo.
"Anong gusto mong color Warden Doll?" tanong sa akin ni Tristan na akala mo ay naglalaro ako ng color game. Kahit anong color pa 'yan, mas mabuting magtaxi na lang ako.
"Wala! mauna na lang kayo. Mag cocomute na lang ako" hindi nila ako mapapasakay sa baduy nilang sasakyan. Ayos na sana kung isa lang, wala namang masama doon at mapapasakay talaga nila ako. Pero iba nang usapan pag limang oto na sunod sunod sa kalsada at may iba't ibang kulay. Hindi naman tinted ang bintana, makikita lang ang kagandahan ko sa bulok nilang sasakyan.
"Hindi mo pa alam ang University. Baka maligaw ka" sagot sakin ni Aldus. Ayos lang maligaw wag lang mapasakay dyan. Lahat sila ay nakasakay na sa bulok nilang oto at nakadungaw sila sa bintana habang pinipilit akong mapasakay.
"Tsss, ang daming arte" lumabas sa kanyang Oto si Nero at hinila na lang ako basta sa harap ng sasakyan niya.
"Sakay" seryoso niyang sabi. Nanatili pa din akong nakatayo at hindi kumikibo. Hindi ako sasakay.
"Sakay sabi!" tumaas na ang boses niya.
"Wada, sumakay ka na malelate na tayo" sabat ni Owen.
"Bakit ba kailangan ko pa na sumabay sa inyo ?!" angil ko sa kanila.
"Dito ka na lang sumakay sa sasakyan ko Warden" lumabas na din si Aldus sa oto niya at pinagbuksan ako para makasakay na pero nanatili pa din akong hindi nagalaw.
"Gusto mo pa ba na lambingin pa kita bago ka sumakay?" iritadong tanong ni Nero. Sa sinabi niyang 'yon biglang nagtaasan ang mga balahibo ko. Napansin ko na lang na binubuksan ko na ang pinto sa unahan ng Oto niya at padabog na akong pumasok dito. Kilala ko na ang ugali ng lalaking ito, basta sinabi niya gagawin niya at ayoko nang gumawa pa ng eksena ngayong umaga.
"Sasakay din pala ang dami pang arte" pakinig kong bulong niya.
"Anong sabi mo?!" iyamot kong baling sa kanya. Akala siguro ng Shokoy na ito ay bingi ako. I heard him.
"Bakit ko uulitin? Edi napagod lang ako" inistart na niya ang pinagmamalaki niyang oto. Buti naman gumana.
"Akala mo naman kung sino. Mukha ka namang politiko" bulong ko.
"Anong sabi mo?!" tanong niya sa akin pero nananatili pa din ang mga mata niya sa kalsada.
"Bakit ko uulitin? Edi napagod lang ako" inulit ko nga ang sinabi niya.
"Tsss" maiksing sagot niya. Hindi na lang ako umimik sa 'tsss.' niyang 'yon. Mas mabuting tumingin na lang ako sa kalsada.
Napansin ko na nag overtake na sa amin ang color white na oto, kung hindi ako nagkakamali kay Aldus 'yon. At talagang ang bilis niyang magpatakbo, ang ganda naman ng sasakyan.
"Nagmamadali ba ang isang 'yon?" tanong ko kay Nero.
"....." wala akong narinig na sagot mula sa magaling na lalaki. Poker face ang hari ng mga Shokoy.
"Nero kinakausap kita" wala pa din siyang imik. Nakakainis na, hindi niya pinapansin ang kagandahan ko?
"Okay! Beautiful, gorgeous and sexy Florence Almero. Talk to the hand" kinausap ko ang sarili kong kamay.
"Ayos lang 'yan Florence kahit hindi ka kausapin niyang Shokoy mong driver maganda ka pa rin" talagang nilakasan ko ang sallitang 'maganda' dahil tototo naman. Pero nang binalingan ko siya nanatili pa din siyang poker face. Nakakaasar na. Parang hangin lang ako dito, hindi dapat tinatratong parang hangin ang kagandahan ko. Ang kapal talaga ng Shokoy na ito.
"Kahit bingi at pipi 'yang shokoy mong driver sexy ka pa din Florence" oo para akong tangang kausap ang sarili ko dito. Talagang paninindigan ko ito, gusto mo ng katahimikan? Hindi kita pagbibigyan.
"At kahit hindi siya magsalita kahit may itinatanong lang naman ako na nakakainsulto sa kagandahan ko. Shokoy pa din siya!" biglang nagpreno ang sasakyan at muntik nang tumama ang kagandahan ko sa windshield kung wala lang akong seatbelt. Walang hiyang Shokoy!
"Ano bang proble----" hindi ko na naituloy kasi basta niya pinabalya ang bulok niyang Oto sa tabi ng daan. Daig ko pa ang sumakay sa roller coaster. Bakit pa ba ako pupuntang Enchanted Kingdom? Kung pwede nang pagtsagaan itong oto ni Nero.
Huminga ako nang malalim at isinumping ko ang takas na buhok sa tenga ko. Kalma lang Florence. Nagsimula akong bumilang hanggang tatlo.
"Okay! Florence Almero na may maladyosang kagandahan. Pagpasensyahan mo na ang driver mong Shokoy kasi masyado lang siyang naexcite sa bago niyang oto" kinausap ko na lang ulit ang sarili kong kamay kaysa naman itong kasama ko sa sasakyan. Walang kwenta.
"Florence Almero na may mala anghel sa kagandahan. Naubusan pa ata ng gas ang pinagmamalaking Oto ng driver mong Sho---"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil marahas akong hinila ni Nero at naramdaman ko na lang ang mga labi niya sa labi ko.
Pilit ko siyang tinulak pero masyado siyang malakas. Naramdaman ko na lang na nakasandal na ako sa bintana ng Oto niya habang nakapulupot ang mga kamay niya sa bewang ko. Hindi ko alam kung bakit nawala ang lakas kong manlaban sa kanya at napabayaan ko na lang siyang halikan ako. Damn.
Masyado lang ba siyang malakas o may kung ano sa mga halik na niya na hindi ko na maipaliwanag? Fuck. Nabablangko na ang utak ko dahil talagang tinangay na ako nang makapangyarihang halik ng isang Shokoy. Hindi ko akalain na ganito pala ang pakiramdam nang mahalikan ng isang hari ng mga Shokoy.
Isang marahas na halik ang naramdaman ko nang una ngunit hindi rin nagtagal ay parang sinusuyo na ako ng kanyang mga labi. Pero sa bawat halik may nararamdaman pa din akong pang aasar. May ganito ba na klaseng halik? Siguro kakaiba lang talagang humalik ang hari ng mga Shokoy.
Sa buong oras na hinahalikan niya ako ay nanatiling nakamulat ang aking mga mata habang siya naman ay nakapikit. At sa galing niyang humalik hindi ko na napansin na tapos na siya.
"Ano? nakatikim ka ng Shokoy?" hindi ko maintindihan ang tanong niya. Pumasok sa kabila kong tenga labas naman sa kabila.
"Ang maiingay dapat pinatatahimik" saka na niya ulit inistart ang Oto niya habang ako ay nakatulala.
"Nero, edi tumahimik? Mag ingay pa ulit siya, makakatikim na naman 'yan ng Shokoy. Kanina pang Shokoy ng Shokoy bigyan ko nga ng isa" siya naman ngayon ang kausap ang sariling kamay. Walang siyang originality ang magaling na shokoy.
Hindi ba pwedeng manahimik na lang siya at magdrive? Wala akong mahagilap na sasabihin. Nakatulala pa din ako sa kanya, sa labi niyang nanlapa sa akin. Papaanong nawala na lang bigla ang first kiss ko sa labi ng Shokoy na ito?
"Manyaki---" paghahampasin ko na sana siya nang nakawan niya na naman ako ng halik. It's just a smack but hell! I felt electricity shivers down my body.
"One word my lady. Ipaparada ko na ito sa isang parking lot" natigil ang kamay ko sa ere. Kung ipaparada niya ito? Baka lapain na naman niya ako at alam ko sa sarili ko baka mapabayaan ko na naman siya. Dahil bigla na lang mawawala ang aking lakas sa sandaling maglapat ang mga labi namin. Damn.
Sa huli humalikipkip na lang ako sa kinauupuan ko. You won Nero Ferell. Ngayon lang ito, may araw ka din sa akin.
"Good girl" kahit hindi ako nakatingin sa kanya ay alam kong nakangisi siya sa akin.
Shokoy! Wala akong ibang nagawa kundi umismid na lamang at hinid magsalita.
"Katahimikan, ang sarap sa tenga. At nakahalik pa ako, pero bakit parang lasang rambutan?" iritado akong napalingon sa kanya.
What the fuck? Rambutan? Tang ina niya. Anong sabi ng Shokoy? Lasa daw akong ano? Ramdam ko na ang pamumula ng pisngi ko sa galit at nang akma na akong magsasalita ay pinigilan ng forefinger niya ang mga labi ko.
"You already knew the consequences my lady. Ipapark ko ito kahit saan tayo abutin" ano ba ang problema niya at ayaw niya akong pagsalitain? Nabubuwiset na ako. Sa sandaling makalabas ako sa isinumpang Oto na ito. Patay ka sa akin Nero Ferell.
Tumingin na lang ulit ako sa kalsada. Bakit naman ang layo layo ng lintik na university 'yon? Napaglapa na ako rito ng Shokoy, hindi pa ako nakakarating. Kung alam ko lang na sa Oto na ito mawawala ang first kiss ko at sa lamang dagat pang ito, dapat pinilit ko na lang talagang wag nang pumasok.
Nanahimik na nga lang ako hanggang sa makarating na kami sa university na ilang ilog at bundok pa ata ang tinawid gamit ang oto ni Nero Ferell. Bakit ang tagal ng oras sa loob ng Oto ng Shokoy?
Nakapark na ang pinagmamalaki niyang Oto. Nakita ko na nakapark na rin ang Oto ng mga kalahi niya. Nakahalukipkip pa rin ako at hindi man lang gumagalaw.
"So? Gusto mo ipagbukas pa kita ng pinto?" nakataas ang kilay sa akin ng Shokoy.
Tinitigan ko siya ng malagkit. Pero bago ko gawin ito sinigurado kong bukas na ang pinto ng Oto niya kung sakaling magkatakbuhan na. Tumingin naman ako sa labas, buti na lang wala masyadong tao sa parking ng school.
Mas lalo kong pinalagkit ang pagtitig ko sa kanya at sinadya kong pakatitigan ang labi niya.
I slightly moisten my lips, para kunwari sabik na sabik ako sa mga labi niya. I immediately grab his necktie. Alam ko nagulat siya sa ginawa ko, nanlaki lang naman kasi ang mata niya.
"I never thought you as aggressive like this lady" una akong pumikit pero mabilis din akong mumulat. At sa pagmulat ko nakapikit na ang Shokoy.
Pagkakataon ko na. Binigyan ko siya ng malakas na uppercut. Masakit 'yon, alam ko dahil ibinigay ko ang buo kong lakas.
"What the fuc---" siya naman ngayon ang hindi ko pinatapos dahil binigyan ko pa siya ng isang malakas na suntok sa mukha. Nakita ko na dumudugo na ang ilong niya at putok na ang nguso niya.
"That's for manipulating me inside this fucking Oto" sabay labas ko sa malas na sasakyang 'yon. Hindi pa ako nakuntento at sinipa ko pa ang sasakyan niya. Magsama sila ng amo niyang Shokoy.
Dali dali na akong naglakad. Pero hindi pa man din ako nakakalayo narinig ko ang nakapaninindig balahibong salitang binitawan niya.
"That's your problem Hood. The moment you entered my territory you're already mine. I'm going to manipulate everything just to make you fall in love with me"
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro