Mission 10
Mission 10
Aldus Ferell
Pinili na lang namin na maupo ulit sa aming napakahabang lamesa habang hinihintay ang pagbaba ni Nero at nang babae.
"Hanga na talaga ako kay Nero. Akala ko ay mahirap paamuhin ang babaeng 'yon. Si Nero lang pala ang katapat" humahangang sabi ni Owen. Ganun na ba kadali 'yon? Bakit kay Nero siya lumapit? Mas di hamak na mas gwapo naman ako sa isang 'yon.
"Tunay ba 'yon? Baka naman lang siya ni Nero" komento naman ni Tristan. Napatango ako sa sinabi niya, hindi malayong naharas lang siya ni Nero. Pero kung paano namin sila nakita kanina? Tang ina ka Nero. Ang bilis mo!
"Nakita ng dalwa kong mga mata. May kagatang nangyari, punong puno ng kagat ang babae" kahit ako ay may nakitang mga ebidensiya, bakit ang bilis ni Nero? Gago talaga 'yon.
"Ang bilis naman ng Nero na 'yan aba't kahapon lang dumating dito si Florence, inatake na agad. May tama ang batang 'yan sa akin" may pagsuntok pang nalalaman si LG sa hangin. Hindi malayong kay Nero 'yan tatama mamaya. Masaya na naman ito.
"Walang nangyari sa amin" lahat kami ay napapihit ang ulo sa pinanggalingan nang nagsalita. Sino pa ba? kundi ang mayabang kong pinsan. Tangging pakamay ang gago. Sana nga nagsasabi siya ng totoo. I like that girl.
"Bumaba na pala ang drug lord, kamusta ang transaksyon kagabi?" nakakalokong tanong ni Troy. Ano ba ang aasahan sa kanya? Tsismoso.
"He's happy, ofcourse" singit ni Tristan na may kasamang paghikab. Ano kaya ang ginagawa nito tuwing gabi?
Nanatili na lang akong tahimik sa isang tabi, mahirap na baka madamay pa sa init ng ulo ni LG. Mabuti pa na pabayaan ang tatlong pinsan ko na kausapin si Nero, alam kong nag iipon lang ng lakas si LG. Sasabog 'yan, bahala kayong apat.
Nasa dulong upuan si LG, sitting like a boss.
"Nero, magpaliwanag ka" seryosong sabi ni LG. Ito na ang pinakahihintay ko, sige LG paulanan mo ng mura si Nero.
"Ano ang nangyari?! Papaanong napunta si Florence sa kwarto mo?!" napapikit na lang ako sa lakas ng boses ni LG.
"Hindi ko alam sa babaeng 'yon. Siya ang tanungin mo. Baka may balak siyang masama sakin? O kaya nahumaling sa akin? Alam nyo nasa dugo na natin" sagot lang naman ni Nero na may kasamang pagkibit balikat. Bakit parang gusto ko siyang suntukin?
"Oh?" sabay na sabi nang tatlong gago at may kasamang pang paghaba ng nguso. Masigla na naman ang mga pinsan ko, lalo na at ganito ang usapan. Ang saya talaga ng pamilyang ito. Amen.
"Nero makinis ba?" tanong ni Owen. Kitang kita ko ang lalong pagkunot ng noo ni LG. Kung pwede lang na umalis na dito para hindi na ako madamay ay nagawa ko na.
"Sexy?" tanong din ni Tristan. Akala ko ba inaantok ang isang ito?
"Fluffy?" tanong din ni Troy. Fuckers. Bakit ang mamanyak nila? Buti na lang goodboy ako.
"LINTIK na buhay! Nabiyayaan ako ng mga manyakis na apo! Susmarsep! patawarin nyo po sila hindi nila alam ang kanilang ginagawa" hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano. Nagsign of the cross lang naman si LG. What the hell?
Hawak na ni LG ang dibdib nya. Mukhang mapapaaga na talaga sya sa ginagawa ng mga mababait kung pinsan.
"Kung ako sa inyo wag nyo na lang tanungin si Nero kung ayaw nyong maniwala sa kanya. Hintayin nyo na lang bumaba ang bisita natin" matino kong sabi. Mukhang wala naman patutunguhan ang maganda nilang usapan.
"See? Makinig kayo kay Aldus. Just ask her, baka sakaling umamin na sa sobrang kagwapuhan ko pinasok niya na ako sa kwarto" gago!
"Nero! At si Florence pa ang sinisisi mo?! Ikaw na bata ka!" galit na singit ni LG. Damay damay na ito. Siguradong ang init ng ulo ni LG ay paghahati hatian na naman naming lima.
"Paano ba 'yan mga pinsan? Kulang na kulang talaga kayo ng paligo sa akin. Ako agad ang pinasok ng babaeng 'yon. Sa mga ganitong bagay talaga nalalaman kung sino ang tunay na magadang lalaki sa atin" may pag iling iling pa siyang nalalaman ang gago. Kung pilipitin ko kaya ang leeg niya?
Kung pwede ko lang siyang suntukin ay kanina ko pang ginawa. Naniniwala akong hindi lang ako ang may gustong manuntok sa mayabang niyang mukha ngayon. Alam kong kanina pang nangangati ang mga pinsan ko na bigwasan ang nagyayabang na ito. Tiningnan ko ang mga reaksyon ng mga pinsan ko sa pagyayabang ni Nero. Kung pwede lang tumawa ng malakas ay nagawa ko na. Dahil ang mga mukha nina Tristan, Troy at Owen ay gasumot na gasumot na. At mukhang kaunting kalabit pa ay kukuyugin na nila si Nero kahit ako ay paniguradong sasali sa plano nilang pagsalvage sa mayabang na 'yan. Basta sila ang mag umpisa, pagtutulong tulungan na namin ang gago.
"Nagyabang pa ang magaling kong apo!" nasabi na lang ni LG. Kaming niyabangan? Natahimik na lang. Hindi kami pwedeng mapuno, mahirap na. Matatagalan bago kami maawat ni LG.
Siguro ay tumagal pa ng 30 minutes bago kami tuluyang nainip sa kahihintay sa babae.
"Bakit ang tagal niya?" naiinip na tanong ni Troy. Kahit ako ay naiinip na rin, don't tell me natulog ulit siya?
"She's guilty" confident na sagot ni Nero. Halos sabay sabay kaming napaismid apat sa sagot niya.
"Nagbago na pala ako ng isip walang nangyari sa kanila malamang hinaras siya ni Nero. Kawawang babae" kumbinsidong sabi ni Tristan. Tama, walang nangyari sa kanila. Bakit naman si Nero? Siya nga ang pinakapanget sa aming magpipinsan. Negro!
"Sang ayon ako sa'yo pinsan. Hinaras lang niya ang babae" itinaas pa ni Owen ang kamay niya.
"Mga pinsan alam kong mahirap tanggapin ang katotohanan. Balang araw gagandang lalaki rin kayo, tiwala lang" parang seryosong seryoso siya sa pinagsasabi niya? Gago siya.
"Gago! Mayabang!" iritadong sabi ni Troy. Kibit balikat na lang ang isinagot niya kay Troy.
Mukhang nabaligtad na ang pangyayari kanina lang tangging pakamatay itong si Nero at itong tatlong ugok na ito ipinipilit ang gustong paniwalaan. Damn these cousins. Mukhang ako na lang talaga ang may matinong pag iisip dito. Mas mabuting wag ko na lang pakinggan ang mga gagong ito dahil baka mahawa lang ako.
"May naiisip ako" bigla na lang sabi ni Troy. Sa klase ng ngisi niya, mukhang nahanginan na naman ang utak niya. Hindi rin nagtagal ay nagkumpol kumpol na ang tatlo. Are they planning something ridiculous again?
"Ano na namang kalokohan 'yan? hindi ba pwedeng huwag na lang kayo gumalaw sa mga kinauupuan niyo? Naliliyo na ako sa inyong tatlo" hinihimas na ni LG ang noo niya.
"Pagbigyan nyo na ang mga 'yan LG, hindi lang matanggap ng mga 'yan na kulang sila ng ilang paligo sa akin hindi ba Aldus?" gagawin pa akong kakampi?
"Bumili ka ng kausap mo" sagot ko sa kanya. Gago. Akala ba niya? Papayag din akong mas gwapo siya sakin? Tang ina.
Nero Ferell
Parang mga tanga itong mga pinsan ko. Ayaw talagang patalo at mukhang may kalokohan na namang gagawin. I sense danger.
"LG, pwede lumipat ka muna ng upuan? Dyan muna daw ang bisita natin" sabi ni Owen kay LG.
"Ano na naman ito?" nagtatakang tanong ni LG. Ano na naman kaya ang pinaplano ng mga lokong ito?
"Wala lang LG para tapatan sila ni Nero mamaya" sagot ni Tristan.
Nakaupo ako sa dulo kaharap si LG. Tumayo na lang si LG at lumipat ng upuan, pinabayaan na lang niya siguro ang kalokohan ng mga pinsan ko. Bumalik sa kusina sina Owen at Tristan at pagbalik nila may marami silang dalang plato.
"Anong gagawin dyan?" tanong ni Aldus.
"Depende sa bisita mamaya" ngising sagot ni Troy. Hindi ko napansin nasa sa likod ko na pala si Owen at mabilis niya akong pinusasan sa upuan ko. What the fuck? What's with this handcuff?
"What the hell?" sinubukan kong tanggalin pero nakasusi na. Tang ina. Anong problema ng mga pinsan kong ito?
"Tanggalin mo ito Owen!" hindi ako pinansin ng gago.
"Para lang 'yan sa mga gwapo pinsan" ismid na sagot sa akin ni Troy. Bumalik na sila sa kanikanilang upuan na akala mo ay walang ginawang kalokohan. Wala namang pakialam sa amin si LG. Tsss, family.
"Maghintay na lang tayo" ngising sabi ni Owen. Maya maya pa. Nakakarinig na kami nang mga yabag. Tunog ng takong ng sapatos mula sa mahabang hagdan namin. Mukhang pababa na ang pasaway na babae.
"Lotus feet is coming" seryosong sabi ni Tristan. Nagpapatawa ba siya o ano?
"Pati pala si lotus feet hindi mo pinalampas Nero" natatawang sabi ni Owen. Sinamaan ko lang sila ng tingin. Mga gagong pinsan. Dahil mahaba ang hagdan namin siguradong matatagalan ang babae sa pagbaba. Panay pa din ang mabagal na tunog ng takong niya. Why is she wearing heels?
Nang tuluyan na siyang nakababa ay halos mapanganga na lang ako. Maging ang mga pinsan ko ay napatulala na rin. What the hell?
She's damn beautiful.
"Sa....an ang party?" nagtatakang tanong ni Owen. Why is she wearing like that?
"Gan.....da " nagkakanda utal na sabi ni Troy. Hindi ko alam kong ilang minuto na rin akong nakatitig sa kanya.
"Nakakita ba kayo ng dyosa?" muli na namang umarko ang napakataray niyang kilay.
--
Florence Almero
Hindi ba at sabi ko sa kanila, maghanda sila? Tingnan lang natin. Inayusan ko ang sarili ko nang sobrang ayos para ipamukha sa kanila ang kagandahan ko. Mabuti at may ilang dress akong nadala. Napili kong isuot ang aking tight fitting tube dress na talagang nagpapakita ng kurba ng aking katawan.
I just used a scarf to cover these damn red marks. Mukhang pinanggigilan talaga ang nunal ko, ito ang pinakamapula. Manyakis!
Isinuot ko rin ang red killer heels ko. I did apply hot red lipstick, exaggerated eyeliner and I bunned my hair.
At pagbaba ko, tulad nang inaasahan tulala silang lahat.
"Nakakita ba kayo ng dyosa?" tanong ko sa kanila sabay taas ng kilay. Naupo ako sa unahang upuan dahil ito ang bakante. I did cross my legs, sitting like a queen.
"Well, may pag uusapan tayo hindi ba? Bakit mukhang natulala na kayo dyan? masanay na kayong makakita ng isang dyosa dahil araw araw nyo na siyang makikita dito" nananatiling nakataas ang kilay ko sa kanila. Iba talaga kapag maganda, tumatahimik ang mga dapat tumahimik. Wala man lang nagsasalita sa kanila.
Lahat sila ay nakatitig sa akin, pero hindi ko talaga magustuhan ang paraan ng pagtitig sa akin ni Nero Ferell. Bakit parang hinuhubaran niya na ako sa paraan ng pagtitig niya? Damn. Pervent. Don't mind him Florence, maganda ka lang talaga.
"LG? baka gusto nyong gisingin ang mga apo nyo? baka masampal na ng hangin ang mga 'yan" sabi ko kay LG. I can't take his stares anymore!
"Wala ka namang ipagmamalaki. Maganda lang ang damit mo" nanlamig ang buo kong katawan dahil sa narinig ko. Alam niya pa ang lumalabas sa bibig niya? Bulag ba siya?
"Sa damit lang ha? pero kung titigan mo ako parang hinuhubaran mo na ako! Nahuhuli ka sa mga mata mo Ferell" iritadong sagot ko sa kanya.
"Just your imagination" tamad na sagot niya sa akin. Lalong nagpanting ang tenga ko sa sagot niya. Napatingin na lang ako sa mga platong nakapatas sa harapan ko. Ano ba ang silbi ng plato pag may kaharap ka na walang modo? Agad kong hinagip ang isa sa mga platong nakahilera sa harapan ko at agad na ibinato sa kanya.
Pero masyado siyang magaling, dahil nakailag siya.
"Anong binabato mo hangin?" ngising tanong niya sa akin. What the fuck?
"This is it! Ms Red Riding Hood, patamaan mo sa mukha. Pagkakataon mo na 'yan" napangiwi ako sa tawag sa akin ni Owen ang lalaking may malalim na dimples. Damn, red riding hood?
"Miss, throw the plate fastly. You'll hit him for sure" mahinang sabi sa akin ni Tristan. Inirapan ko na lang silang lahat. Wala akong pakialam sa mga kalokohan nila, mainit ang ulo ko. At gusto kong makaganti sa mayabang na lalaking nasa harapan ko.
Kumuha na lang ulit ako ng plato. Ibinato ko ulit ito sa kanya. Pero sa pangalawang pagkakataon, nakailag na naman siya. At napansin kong hindi lang ako ang dismayado sa pagsala ng pagbato ko sa kanya maging ang mga baliw niyang pinsan ay mga dismayado rin. Anong meron sa kanila?
"Patamaan mo naman" bagot na sabi ni Tristan. Magaling umilag, anong magagawa ko?
"Ang bulok naman nitong si Red Riding Hood para ibabato lang hindi man lang makatama" agad akong lumingon kay Owen. Wag niya akong subukan baka sa kanya ko ibato ang mga platong hawak ko.
"Will you please shut up? Sa inyo ko ito ibabato" iritadong baling ko sa kanila.
"Chill, hindi ako kasali dyan. Referee lang ako" ngiwing sabi ni Owen. Nilingon ko na lang ulit ang lalaking mayabang at sunod sunod ko siyang binato ng plato pero kahit daplis ay hindi siya tamaan. Fuck.
"Bulok. Hindi na nga ako umaalis sa pwesto ko dito, hindi ka pa makatama? Baka naman ayaw mo talaga akong patamaan? Nagkukunwari ka lang na galit sa akin" he even grinned at me. Pang asar!
Kaunti na lang ang natitirang plato kailangan ko na talagang tamaan ang mayabang na lalaking ito. Sunod-sunod ang pagbato ko pero wala talagang tumama.
Wala na akong pagpipilian.
"Damn!" agad akong tumayo at hinubad ko ang mataas kong takong. Tang ina ka.
"Sasapatusin na kita!" susugudin ko na dapat siya pero tumayo na si LG pati na rin si Aldus. Mabilis nila akong pinigilan na makalapit kay Nero. Paghihiganti ito. Hindi niya ba alam na sobrang mahal ng kutis ko? Wala siyang karapatang markahan ang leeg ko at lalong lalo na ang nunal ko. Wala siyang karapatang matulog katabi ko! Wala siyang karapatang yabangan ako! Naiinis ako sa kanya.
"Bitawan nyo ako! Malaki ang kasalanan niya sa akin!" nagpupumiglas ako habang pinipigilan ako ni LG at Aldus. Samantalang si Tristan at Owen ay nagmadaling lumapit kay Nero.
"Panalo ka Nero, bugnutin si Red Riding Hood" natatawang sabi ni Troy.
"Oh fuck. Just shut up! Lalo nyong pinapainit ang ulo niya" sumigaw na si Aldus. Sa wakas ay nagsalita na ang isang ito. Sa lakas ng boses niya ay bahagya akong napatigil sa pagpupumiglas. Nakakatakot pala siyang magalit pero saglit lang ako natigilan at ipinagpatuloy ko ang pagpupumiglas.
"Bitawan nyo ko! Ano ba?!" ang lakas nila ni LG, hindi ako makawala.
"Kumalma ka kung gusto mong bitawan kita" seryosong sabi sa akin ni Aldus. Napansin ko na may kung anong tinatanggal si Troy sa kamay ni Nero. Handcuffs? Why is he on cuffs? Bakit ngayon ko lang napansin?
"Hindi na kailangan, kaya ko na" mayabang na sabi niya. Siya na mismo ang nagtanggal ng posas niya. Kung ganun kanina pang kalag ang posas niya, bakit hindi na lang siya tumayo at umalis nang binabato ko siya? Damn! Talagang gustong gusto niya akong asarin. Tumayo siya at mukhang papalapit sa akin.
"Bitawan nyo nga ako!" pagpupumiglas ko.
"Nero wag ka nang lumapit!" pigil ni Owen sa kanya pero hindi siya pinansin ni Nero.
Tumigil siya nang paglalakad at namulsang ngumisi sa akin. Kaunting kaunti na lamang ang distansya namin sa isa't isa.
"Siguraduhin mo na may pagtataguan ka kapag nakawala ako dito" pilit pa din akong umaalis sa hawak ng maglolo sa akin.
"Ano ba!? Sabi ng bitawan nyo ko!" sigaw ko kay LG at Aldus. Talagang matiyaga ang mga maglolo na ito sa pagpigil sa akin.
"Hindi ba kayo marunong umintindi? Pag uumpog umpugin ko kayo pag nakawala ako dito. Bitawan nyo ko!" ang walang hiyang si Nero ay mas lumapit pa sa akin. Ano ba ang binabalak niya?
"Nero!" nagbabantang tawag ni Aldus.
"Bakit ba ang tigas ng ulo mo Nero?!" sigaw ni LG. Pero bingi siya, wala siyang narinig. Ngayon mas lumapit pa siya nang lumapit. Hindi ko naman siya masuntok dahil pigil ako ni LG at Aldus. Ano ba ang balak nila sa akin? Ipapalapa ba nila ako sa mayabang na lalaking nasa harapan ko?
"Bakit ang hilig mong magwala?" nagtaasan ang balahibo ko nang malambing niya itong sinabi sa akin. Hindi pa dito natapos ang kalandian niya. Dahan dahan niyang hinaplos ang mukha ko gamit ang likod ng kamay niya. Shit!
Marahas kong iniiwas ko ang mukha ko.
"Wag mo akong hawakan!" madiin ang pagkakasabi ko. Fuck! Ano ba ang problema ng maglolong ito at ayaw akong bitawan? Ngumisi lang si Nero sa sinabi ko at nagsisimula nang lumapit ang mukha niya sa akin. Fuck. Anong gagawin niya?
"Bagay sa'yo ang suot mo, Hood" what the hell? Sa tingin niya ba ay matutuwa pa ako sa sinabi niya? Sinimulan ko ulit magpupumiglas pero wala pa rin epekto. Damn.
"Nero wag mo na siyang asarin! Lumayo ka na!" sigaw sa kanya ni LG. Marahas nila akong inilayo kay Nero.
"Nero sumunod ka na lang kay LG!" sigaw din sa kanya ni Aldus.
"Hindi ba kayo marunong maghintay?" sagot niya. Hindi niya tinatanggal ang pagkakatitig niya sa akin. Halos mapahugot ako nang paghinga nang hilahin niya ang scarf na nagtatago lang naman ng mga mapupulang marka niya.
"Nero!" nagsalita na nang sabay sina Aldus at LG.
"I like your neck" what the hell? Is he some sort of vampire? Hindi na ito tama. Dapat bigyan ko ng leksyon ang lalaking ito. Buong lakas akong pumiglas sa pagkakagapos ni LG at Aldus. At nang may pagkakataon na akong makawala mabilis akong nakalapit sa mayabang na Nero Ferell sa harapan ko.
I like your neck pala. Tang ina mo! Halos tumalon na ako sa kanya at mabilis kong isinampay sa batok niya ang mga kamay ko. At marahas kong kinagat ko ang leeg niya. Kung siya binigyan niya ako ng mga pulang marka syempre dapat ako din. Fuck you.
"My, my neck" pilit niya akong itinutulak. Pero mas lalo kong idiniin ang pagkakagat ko sa kanya. Ako nam
an ngayon. Pilit din akong hinihigit ni Aldus at LG.
"LG! Hayaan nyo na. Baka madala ang ulo ni Nero!" natatawang saway ni Troy.
"Let.. go of my neck. you witch!" pilit niyang tinatanggal ang pagkakagat ko. Magtiis siya, masyadong matindi ang kapit ng mga ngipin ko.
"Yan ang napapala! Buti nga sa'yo." sabi ni LG.
"Mabubuhay pa kaya si Nero, LG?" pakinig kong tanong ni Aldus kay LG.
"Iyan ang gusto niya sa buhay niya pagbigyan mo na" sagot sa kanya ni LG. This is getting interesting, mukhang wala na silang pakialam kung maputol ko na ang ulo ng mayabang at manyakis na ito.
Napansin ko na nagsisimula na silang bumalik sa kanikanilang mga upuan.
"Masakit 'yan Nero, goodluck pinsan" nang aasar na sabi sa kanya ni Troy.
"Mapuputol na ang ulo niya" seryosong sabi ni Tristan.
"Malamang, maputla na si Nero" pag sang ayon ni Owen.
"Nakakatakot siyang galitin" komento ulit ni Tristan.
"Damn you!" mura ni Nero. Hindi ko bibitawan ang leeg mo. Bahala ka. Napansin ko na lumingon siya sa mga kasama niya sa kabila ng iniindang pangil ko.
"Hindi nyo man lang ba aawatin ang amazonang ito?!" pilit pa din niya akong tinutulak.
"Ayaw Nero. Baka makagat din kami" halos sampung beses ata ang pag iling nitong si Troy.
"Tiisin mo na lang" ngiwing sabi ni Tristan.
"Siguro mananawa din siya hangga't hindi pa 'yan nadugo" napangibit din si Owen sa sinabi niya.
"Mga apo maupo na lang ulit kayo. Hintayin na lang natin maputol ang leeg ni Nero. Gusto 'yan ng mabait nyong pinsan. Respetuhin na lang natin" prenteng sabi ni LG habang umiinom ng kape.
"AMEN" sabay sabay na sagot ng apat niyang pinsan. Kasalukuyan na silang sabay sabay na umiinom ng kape. Kawawang Nero, nasa akin ang huling halakhak. Nang may nalasahan na akong dugo mula sa lalaking ito ay mabilis na akong bumitaw, baka malason pa ako.
Titig na titg siya sa akin habang hawak ang kanyang leeg.
"Buti nga sayo" maarte ko siyang inirapan bago ako tumakbo sa unang upuan at muling umupo.
"I like your neck too. Mr. Nero Ferell. The feeling is mutual" pinakita ko pa ang magagandang ngipin ko na pwede sa commercial.
"Pwede na ba nating ituloy ang usapan LG?" tanong ko na parang walang nangyari. Sa ngayon may tinapay na silang isinasawsaw sa kape. Habang si Nero ay nanatiling nakatayo habang hawak ang leeg niya.
"Pwede na pala akong model ng toothpaste. The strongest teeth" pang aasar ko.
"Ikaw na babae ka" napansin ko na humahakbang siya papalapit sa akin. Hindi ito pwede, mukhang mainit na talaga ang ulo niya.
"That's enough Nero! maupo ka na!" galit na si LG. I mean, galit na galit na pala at sobrang pula na niya. Muli akong umirap kay Nero Ferell.
"Sa nakikita ko sa inaasal nyong dalwa. Wala talagang nangyari sa inyo nang nagdaang gabi. Malamang ay hindi lang namin naintindihan na nagsasakalan naman pala kayo" seryosong sabi LG. Wala talagang nangyari sa amin!
"Buti natauhan na kayo LG, baka patulan ko ang babaeng 'yan" ang kapal talaga.
"Ang galing mo naman po" sarcastic na sagot ko sa kanya.
"Objection! paano nyo maipapaliwanag ang mga red marks sa leeg ni Red Riding Hood?" singit ni Troy. Napakapakialamero. Bakit hindi na lang siya uminom ng kape?
"Malamang galing lahat 'yon kay Nero" sabat din ni Owen.
"Tulog ako, akala ko sa panaginip lang. Kasalanan niya, bakit ba siya natulog sa kwarto ko?" mabilis na sagot ni Nero.
"Umamin na po sa nasasakdal" sabi naman ni Tristan. Nasasakdal?
"Kailangan nyong magkasundo dahil dito na siya titira" paalala ni LG sa kanila na bahagya nang hinihimas ang noo.
"Sige dito na siya tumira basta wag lang siyang magpapakita sa akin" napapahanga na lang ako sa taas ng tingin niya sa sarili niya. Ang galing!
"Don't worry hindi din kita gustong makita" iritadong sagot ko sa kanya.
"Nero ayos ka pa ba? Mukhang mauubusan ka na ng dugo" tanong sa kanya nang natatawang si Troy Ferell. Napansin ko na talagang dumudugo ang leeg niya, what the hell?
"Lalabas na ang atay niyan Nero!" pang aasar ni Tristan.
"Shut the fuck up" lalong sumama ang tingin niya sa akin.
"Mga pinsan matagal pa 'yan, masamang damo" singit na din ni Aldus at halos sabay sabay silang nagsitawanan maliban sa lalaking dumudugo ang leeg.
"Tapos na ba LG ang usapang ito? Marami pa akong importanteng dapat gawin" mas gusto ko na lang mapag isa kaya makinig sa walang kwenta nilang pinag uusapan.
"Mabuti pa nga hija mukhang may party ka na pupuntahan" natatawang sabi ni LG.
"Whatever" napaikot na lang ang aking mga mata. Nang tumayo ako ay agad kong hinagip ang mga mata ng lalaking dumudugo ang leeg.
"Nero Ferell! Kung gusto mong maging balanse 'yang leeg mo, just ask me" sinamahan ko pa ito ng pagkindat. Napasipol sabay sabay ang mga baliw niyang pinsan maliban kay Aldus na kanina pa na tahimik, ano kayang problem niya? Hindi ba dapat nakikisali siya sa mga baliw niyang pinsan?
"Paano ba 'yan? Speechless na si Nero?" alam kong ginagatungan nila ang ulo nitong si Nero. Napakagaling.
Tumalikod na ako para bumalik sa aking kwarto pero hindi pa man ako nakakailang hakbang ay biglang nagsalita si Nero.
"No need, Hood. Alam ko naman na kusa ka nang lalapit sa akin. Bakit pa ako magpapakahirap na tawagin ka?"
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro