Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Epilogue

Epilogue


I let her go.


My love of my life left me. Seeing her running away from me..

Muli kong inisang lagok ang isang basong alak atagad gumuhit ang pamilyar na init sa aking lalamunan. Tang ina. Akala ko nakakapagpalimot ang alak?

Why I'm still seeing her with tears flowing on her beautiful face?

Napasubsob na lang ako sa lamesa. What the hell is going on? Did she, did she really left me? Baka naman nagtatampo lang siya sa akin? Baka naman nabigla lang siya? Baka naman nanaginip lang ako? Dumiin ang pagkakahawak ko sa baso at naibato ko na lang ito. Napahilamos na lang ako sa aking sarili.


"Tang ina! Iniwan ako..iniwan ako...Florence.." ilang beses kong inuumpog sa lamesa ang ulo ko. I did scare her..Tinakot ko ang pinakamamahal kong babae. Gago ka talaga Nero.

Tinabig ko ang lahat ng mga gamit sa lamesa at malakas ko itong pinagsisipa. I made her run away. Dapat mas pinigil ko pa siya, dapat ay mas sinuyo ko pa siya, dapat hindi ko siya hinaras. I'm too damn desperate for her to stay. Tinakot ko ang pinakamamahal kong babae. Tinakot ko siya..

Pilit akong tumayo sa aking kinauupuan. I should get inside and sleep. Baka sakaling mawala na itong tang inang kirot sa dibdib ko.


Nagsimula na akong maglakad papasok ng mansion pero hindi pa man ako nakakailang hakbang ay natumba na ako. Shit! Damn. I'm must be drunk. Umiikot na ang paningin ko. Ilang bote na ba ng alak ang nainom ko? Bakit naapektuhan ang ulo ko? Bakit naapektuhan ng alak ang paningin ko? Bakit hindi na lang ito?! Paulit ulit kong hinahampas na aking kamao ang dibdib ko. Panay pa rin ito sa pagkirot. Fuck.


"Florence..." nasabi ko na naman ang kanyang pangalan nang tumama ang aking mga mata sa malawak at madilim na kalangitan.

There is no moon tonight, the hell I care. There is no Florence tonight, tang ina. She loves the stars and the moon. She loves watching the full moon and I still don't get it why she loves it too much. Can she just love me alone? 'yong walang kaagaw? Bakit pati ang buwan ay nakikiagaw pa sa akin? Nahihirapan na nga siyang mahalin ako, aaagawan pa ako ng atensyon ng buwan.

Napahampas na lang ako sa matigas na semento, nababaliw na siguro ako. Bakit pati buwan ay sinisisi ko.


Ilang minuto siguro akong nanatiling nakahiga sa malamig na semento bago ko napagpasyahang tumayo.

Bahagya akong gumulong pakanan para makatayo pero pakiramdam ko ay may napakabigat na bagay na nakadagan sa akin. I can't damn get up. Fuck!

Napatulala na lang ako sa malawak na swimming pool sa bandang kanan ko.Tang ina! Siya na naman ang nakikita ko.Lahat ng sulok ng mansion ay may alaala niya.

Kahit saan ako tumingin, ang magandang mukha niya lang ang aking nakikita. I can still remember the day I pushed her on this pool, my beautiful Florence..dripping wet with her long wavy hair. Her rolling eyes on me..her sensual lips, her soft skin, her sweet voice, her smile..Damn! I'm longing everything about her.


Pinilit kong gumapang papalapit sa pool. I can see her..she's on the pool. She's on the pool.


"Florence..." pilit kong gustong abutin ang kulay asul na tubig. She's there...she's there waiting for me.

The pool is my favourite part in this mansion, the place where I officially owned her. The place where she kissed back willingly, the place where I first felt her hands on my skin, the place where she first caresses my hair, the place where I first felt her warmth and the first place where I first heard her 'I love you'

Napadaing na lang ako ng may biglang tumapak sa mga kamay ko.


"What the fuck?" tinanaw ko ang gago'ng tumapak sa akin. Tang ina. Tang ina. Tang ina. Lasing na lasing na talaga ako. Why I'm seeing a smirking ghost? Damn. I'm drunk. I'm drunk.


"Pinsan" maiksing bati niya sa akin. Umupo siya sa tabi ko.

Pinilit kong bumangon sa kabila ng umiikot kong paningin at umupo na rin ako. Parehas kaming nakaharap sa banayad na paggalaw ng artipisyal na alon ng swimming pool.


"Tang ina. Wala ka pang 40 days" panimula ko. Kung sa ordinaryong araw at magpapakita siya sa akin ng ganito, malamang ay kumaripas na ako ng takbo.

Ghost is my bloodline's weakest point. Kahit ang mga pinsan ko ay mamamatay kapag nakakita ng ganito sa araw man o sa gabi. It must be the effect of too much alcohol, too much hallucination.


"Anong 40 days?" tanong niya pabalik sa akin. I must be dreaming..but why I can see him vividly?


"Why are you wearing like that? Hindi ka tinanggap sa langit? Laging nagdadasal sa'yo si Troy. I bet it's not effective" he's wearing all black. Black cap, black jacket, black pants and even black shades.Sa impyerno pa ata bumagsak ang pinsan ko.


"Fucker" sagot niya sa akin. May iniabot siya sa aking panibagong bote ng alak.


"She left me..." bigla ko na lang nasabi sabay lagok ng alak.


"I left her..." mabilis niyang sagot sa akin. Sinimulan niya na ring inumin ang isang boteng alak na hawak niya.


"Tang ina, magpinsan nga tayo" itinaas namin sa ere ang mga bote namin at pinagsalubong ito.Natahimik kaming dalawa nang sandaling gumawa ng ingay ang pinagbangga naming bote.


"Galit na galit siya sa akin" maiksing sabi niya.


"Gago ka, you shouldn't leave her like that. Ako? Hinding hindi ko iiwan si Florence, magkapatayan na. Pero wala talaga pinsan, ako ang iniwan. Ang sakit" muli kong inagok ang alak na hawak ko.


"Kailangan pinsan, her life will be endangered if we'll continue our relationship" nangunot ang noo ko sa pinagsasasabi ng pinsan ko.


"You sounds like Florence, pambihira naghahalo halo na ang utak ko" pinaggugulo ko na ang buhok ko. Sigurado akong sarili ko lang ang kausap ko ngayon.


"Pero pinsan..gustong gusto ko itong sabihin sayo noong mga oras na nakapikit ka na sa amin. Hindi ko alam kung panaginip lang kita ngayon? O guni guni ko lang. Pero ito lang ang gusto kong sabihin sayo.. Salamat..salamat..salamat sa pagligtas sa buhay ng babaeng pinakamamahal ko, hindi ko alam kung ano na lang ang gagawin ko kung siya ang tinamaan. Salamat sa pagligtas sa kanya..Kung hindi mo ginawa 'yon malamang... malamang ...siya ngayon..tang ina!"

Napamura na lang ako ng biglang may tumulong luha sa aking mga mata.


"May balikat ako pinsan, you can cry here. Sadyang ganyan ang pag ibig nakakabading..I did cry when I left Lina" bahagya siyang gumalaw papalapit sa akin.

Mabilis niyang kinuha ang ulo ko at isinandal sa balikat niya. And for the first time of my life, I cried. Ilang minuto siguro kaming walang imikan bago ako muling nagsalita.


"Shit! This is gay.." nasabi ko na lang.


"Yes, this is gay. Napapaiyak na din ako sa'yo" naramdaman ko ang pag iling niya.


"Hindi ko akalain na iiyak ako dahil single ako.Tang ina, Tristan para akong mababaliw" mabilis na akong lumayo sa kanya. Umayos na rin siya ng pagkakaupo.


"Ganyan talaga, masakit" maiksing sagot niya.


"You know because of my desperation I almost rap--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang muli akong napasuntok sa matigas na sementong inuupuan namin. Pakiramdam ko ay namamanhid na ang mga kamao ko.


"What? Gago ka nga! Iiwan ka talaga!" hindi na ako sumagot sa sinabi niya. Muli akong kumuha ng isa pang bote ng alak.


"Ikaw ba? Anong gagawin kapag gusto ka ng iwan ni Lina? Pababayaan mo siya? Baka magpakagago ka rin katulad ko. It runs through the blood, you might do the same thing" inumpisahan ko na ulit inumin ang panibagong bote ng alak na hawak ko.


"I don't know. She won't leave me for sure.....pero ako..kailangan ko talagang lumayo sa kanya. Kung magtatagal kaming dalawa maaari siyang mapahamak..ayokong mangyari 'yon" diniretsong inom niya ang iniinom niya.

Lalo na namang nangunot ang noo ko sa sagot niya. What is this ghost talking about?


"Tang ina, anong pinaglalaban mo pinsan?" tanong ko sa kanya.


"Saka ko na sa'yo ipapaliwanag kapag hindi ka na lasing, kapag parehas na tayong hindi brokenhearted" bored na sagot niya sa akin.


"Sa ngayon, umiyak na lang tayong dalawa. Kahit nakakabading na ang nangyayari sa atin" bahagya na akong napapangisi sa mga pinagsasabi naming dalawa.

This is not the usual us. Baka kung nandito si Troy Ferell ay mamamatay 'yon sa katatawa sa aming dalawa.

Muli kong itinaas ang boteng hawak, ganun din siya.


"Para sa Ferell na iniwan at sa Ferell na nang iwan" pagkatapos na pagkatapos naming pagsalubungin ang mga bote namin ay humagalpak kami ng tawa.


"Hindi ko akalain na mangyayari ito sa akin, tang ina pinsan. Tinamaan talaga ako kay Lina.." naiiling na sabi niya.


"Ikaw lang ba? Kung hindi mo ako tinapakan kanina ay nakatalon na ako sa pool na 'yan. Akala ko ay nandyan si Florence..nakakawala sa sarili ang Almero'ng 'yon" halos sabay kaming napabuntong hininga.

Inihiga ko na ang sarili ko.


"Inaantok na ako pinsan...salamat sa dalaw.Medyo gumaan ang dibdib ko.." habang dahan dahan kong isinasara ang mga mata ko, nakita ko pa ang marahan niyang pagtango sa akin.

Sa lahat ng mga pinsan ko, si Tristan ang pinaka kasundo ko. Bakit?dahil hindi siya kasing daldal at katsismoso ng natirang tatlo. Matino rin siyang kausap at syempre iniisip niya muna ang mga sasabihin niya.Ang natirang tatlo? Sige na, mga talented sila.

Kaya nang nalaman ko na iniwan na niya kami sobrang nagulo ang mundo ko, ang paborito kong pinsan, ang taong lagi kong sinasabihan ng mga bagay na gusto kong ikwento, ang taong gusto kong sabihan ng problema ko, ang taong nakakaintindi sa akin ay wala na.

Kahit ngayon ay hindi ko pa rin matanggap ang pagkawala niya.Posibleng dahil dito kaya ngayon ay nakikita at nakakausap ko siya. Dala na rin siguro ng alak.

Pero natutuwa sa pagpapakita niya ngayon gabi, alam niyang kailangan ko ng balikat ng isang pinsan.


--

Nagising na lang ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Tang ina ang sakit ng buong katawan ko. Mukhang sa harap ng pool ako nakatulog. Itinuon ko ang aking mga braso para kumuha ng suporta sa pagtayo.

Agad tumama sa aking mga mata ang ilang bote ng alak pero nanlaki ang aking mga mata nang may napansin akong pamilyar.

Black cap


Ilang beses kong ipinilig ang ulo ko. What the hell? Panaginip lang ang nangyaring pag uusap namin. Kailangan kong mahimasmasan. Mabilis akong tumalon sa swimming pool.

Pinabayaan ko munang lumubog ng ilang sandali ang katawan ko. Kailangan ko na sigurong magpacheck up sa doktor.

Akma na dapat akong lalangoy pataas nang nagulat ako sa mga mukha ng mga pinsan ko.Bigla na lamang sumulpot. Tang ina! Nakakagulat ang mga gago'ng ito.

Halos sabay si Owen at Troy na mabilis kinuha ang mga braso ko at iniahon ako. What the fuck? Don't tell me?


"Gago! Humihinga pa ba Owen?" pakinig kong tanong ni Aldus. Nakaabang siya sa tagiliran at mabilis niya akong inabot. Wala na akong nagawa, mahina ako ngayon para pagtatabigin ang mga kamay nila sa akin.

Anong kalokohan ang iniisip ng mga pinsan ko? Mabilis din na nakaahon sina Owen at Troy.

Nagulat na lang ako saisang malakas na suntok na tumama sa aking mukha mula sa matigas na kamao ni Troy.What the hell?


"Gago! Kung magpapakamatay ka na rin naman pala dapat kinuha mo na ang baril ni LG!" hindi ako nanlaban. Tinanggal ko na lang ang nararamdaman kong dugo sa aking labi.


"Tang ina ka naman Nero! We can't afford losing another cousin!" sigaw sa akin ni Owen. Dahan dahan na akong tumayo.Ayoko munang makipagtalo, masyadong maaga.


"Ano namang kadramahan ang pinagsasabi niyo?" hindi na suntok ni Troy ang tumama sa akin, suntok naman ngayon ni Owen. Natumba na naman ako, pasalamat ang mga ito dahil may hang over pa ako.


"Napaka makasarili mo Nero!Hindi mo ba alam ang pwede mong gawin kay LG? Kapag namatay ka? Baka atakihin na naman sa puso ang matanda! Gago ka!" sumakay na sa akin si Aldus at pinagsusuntok ako.


"What the fuck?" pilit kong sinasalag ang bawat pagsuntok niya sa akin.


"Kapag iniwan ka ng babae! Hindi dapat nagpapakamatay! Gago!" pinapaulanan niya pa rin ako ng suntok.Ako naman ay panay ang pagsalag sa kanya.


"Mga gago kayo! HINDI AKO MAGPAPAKAMATAY!" natigil sa ere ang kamao ni Aldus. Malakas kong sinuntok si Aldus para umalis siya sa pagkakadagan sa akin. Mabilis na akong tumayo baka may makasuntok pa sa akin.


"Nag iisip lang ako. Wala akong balak magpakamatay, baka matuwa pa kayo at maagaw nyo sa akin si Florence pag namatay ako" napanganga sila sa sagot ko.


"Bakit ko nga naisip tumalon para sa gago'ng 'yan?" iritadong sabi ni Owen.


"He's crazy.." sabi naman ni Troy.


"Pagbigyan nyo na ang pinsan nating 'yan. Ganyan talaga ang mga naiiwanan.." marahas akong lumingon kay Aldus.


"Babalik siya sa akin" mabilis kong sagot.

Tinalikuran ko na silang tatlo. Pero pagkatalikod na pagkatalikod ko ay hindi ko mapigilang mapangisi at mapailing. Ibang klase talaga kapag may mga talented ka na mga pinsan. Akala mo mga gago lang talaga..marunong din palang mag alala.

May bigla lang akong naalala kaya bahagya akong tumigil sa paglalakad.


"Oo nga pala, kinakamusta kayo ni Tristan. Dinalaw ako kagabi" saka ko pinagpatuloy ang paglalakad.


"TANG INA KA NERO!" sabay sabay nilang sagot sa akin. Kahit ako ay napapamura sa tuwing naaalala ko ang usapan namin, bakit parang malinaw na malinaw sa akin ang pag uusap namin kagabi? Is he real? Kinikilabutan ako.

Sa paglalakad ko, natagpuan ko na lang ang sarili kong nakaharap sa pinto ng kwarto ng pinakamagandang babaeng nasilayan ko.

Dahan dahan na akong pumasok atagad kong naamoy ang pamilyar niyang pabango na hindi ko kailanman pinagsawaang amuyin. Naupo ako sa kama niya atsumagi sa aking mga mata ang isang picture frame na nakapatong sa side table niya. Picture naming anim na nakasuot ng uniform. Lahat kami ay nakangiti sa litratong ito.

Matapos ko itong pagmasdan ng ilang sandali ay ibinalik na ito sa kinalalagyan niya. Ang sunod kong tiningnan ay ang laman ng drawer niya at mukhang may nakalimutan siyang dalhin.

It's a notebook. Looking at its cover, I can say that it is her diary. Napangisi na lang ako, wala sa karakter ni Florence ang magsulat sa diary. Binuklat ko ang unang pahina.

Sinisimulan niya ito sa pamagat na Mission. Tsss, this is quite corny.I tried to read the first few entries, I can't help but to smile. Agad kong malalaman kung inis na inis na siya, kung nalulungkot siya, natutuwa at kung antok na antok siya habang isinusulat ito.

Habang patuloy ako sa pagbabasa ng mga isinulat niya parang nagbalik sa akin ang nakaraan.

The first time I saw her beautiful face...


--


6 months ago


Hindi ko alam kung ano na naman ang pumasok sa utak ng matandang 'yon. Bakit ako nandito sa isang party na wala naman akong kilalang tao.

I don't even know the birthday celebrant. Idinial ko ang number ni LG.


"LG! Ano ang gagawin ko dito? Shit! Gusto ko ng umuwi"


"Come on apo..wag kang mainip. Makikita mo na siya dyan" what?


"Makikita? Who?" nagtatakang tanong ko kay LG. Wala nga akong kilalang tao dito.


"Your fiancé" maiksing sagot niya sa akin na ikinabigla ko.


"Fiance?!" alam kong may mga nagugustuhang babae si LG para sa aming magpipinsan pero ang makilala ko siya ng ganito kaaga. Tang ina bigla akong kinabahan. Hindi ko pa na eenjoy ang pagiging binata.


"Oo apo..hanapin mo siya dyan"


"What the hell? Maghahanap pa kami? Describe her, give me her name" I'm not good on hide and seek.


"Mabilis mo siyang makikilala apo, magandang bata siya"


"What the fuck? LG madaming magaganda ngayon dito!" sa pagkakasabi kong 'yon ay may ilang babaeng naghagikgikan na hindi kalayuan sa akin.


"Minumura mo ba ako Nero Ferell?" may awtoridad na tanong sa akin ni LG.


"No. I'm sorry LG, I'll call you pag nakita ko na siya"


"Good but do you want a clue?"


"Okay, what is it?"


"She beautiful with a powerful personality, get to know her well. Mabuti siyang bata"


"Okay" maiksing sagot ko. Anong clue 'yon?

Pagkababang pagkababa ko pa lang ng telepono ay tumama ang aking mga mata sa babaeng kapapasok pa lamang. Halos mapatulala na lang ako.

She's damn beautiful. She's wearing a navy blue long gown with a high slit showing her seductive legs. And her back! Hindi ba siya nilalamig sa suot niyang 'yan?

Damn! Every man in this party is drooling over her. Hindi lang ako! She's confidently walking on the crowd. I want to know her, kaya sinimulanko nang maglakad papunta sa kanya pero may dalawang babaeng humara sa akin.


"You're Nero Ferell right?" pinilit kong habulin siya ng tanaw pero nawala na siya sa paningin ko. Damn. I should know her name atleast.


"Yes, excuse me ladies" halos lahat na yata ng naka navy blue ay tiningnan ko. Shit! Where is she?

Natigil ako sa paglalakad ng nakita ko na ulit siya pero hindi ako makalapit dahil may kausap siyang dalawang babae. Probably her friends. Lalo ko siyang nagustuhan nang maarteng umikot ang kanyang mga mata. She's damn cute!

Pinili ko na lang muna maupo sa hindi kalayuang table sa kanya habang pinagmamasdan ang bawat ekspresyon niya. She's wonderful scenery. Bahala na ang fiance na pinahahanap ni LG. Pwede naman siyang ipagpamamaya..

Abala ako sa panunuod sa kanya nang biglang tumunog ang aking telepono. Shit! Si LG.


"Yes LG?" tumayo na ako at nagsimulang maglakad palayo para mas marinig ko ang sinasabi ni LG.


"Nakita mo na siya?"


"Not yet" abala talaga itong si LG.


"Nandyan na siya" the hell I care.


"Tatawagan na lang kita LG, hinahanap ko na siya" agad kong pinatay ang telepono. Pero pagbalik ko ng tanaw sa lamesa kung nasaan ang magandang babae ay wala na siya.

Nawala na naman!

Agad lumipad ang atensyon ko sa nagkukumpulang mga tao. Anong meron? Kaya nagpunta na rin ako athalos manlaki ang mga mata ko nang ang dahilan ng kumpulang ito ay ang babaeng hinahanap ko.

Malapit siya sa lalaking mukhang tinamaan ng kung ano sa kanyang alaga. Napangiwi ako, masakit talaga 'yan dude.


"Ladies and Gentlemen for my closing remarks" may hawak siya ngayon na bote ng wine.

Inikot niya ang paningin niya sa lahat ng mga taong nanunuod sa kanya ngayon. Anong nangyayari? Why is she the center of this commotion? Napanganga na lang ako ng bigla niyang inihampas sa ulo ng lalaking namumulupot ang boteng hawak niya.


"What the hell?" nasabi ko na lang. Maging ang ilang taong nanunuod ay napamura din sa ginawa niya. Nasisiraan na ba siya ng bait? Buhay pa ba ang lalaking 'yon?


"That's all" ngumiti siya ng napakatamis sa lahat ng tao. What is wrong with her? Can someone tell me?


"Oh, I almost forgot..Florence. Florence Almero follow me on twitter" lumapit siya sa kaibigan niya at humalik sa pisngi nito.

What was that? Napatulala na lang ako sa ginawa niya, maging ang mga taong iniwan niya ay mga tulala rin.

When I came back to my senses, I dialed LG's number.


"I found her.."


"Who is she?" tanong ni LG.


"Florence Almero..."

Umuwi ako sa mansion na lipad ang isip sa babaeng 'yon. Tama nga si LG, powerful personality. Pagod na pagod akong humilata sa mahaba naming sofa.


"Pinsan nakita mo na siya?" tanong sa akin ni Troy.


"Yes..she's gorgeous" maiksing sagot ko.


"Mestiza or Morena?" tanong naman sa akin ni Aldus.


"Mestiza" sagot ko.


"Short hair or long hair?" tanong ni Owen.


"Long wavy hair" sagot ko.


"Do you like her?" biglaang tanong ni Tristan. Hindi ko na siya sinagot. All I did is to grin while imagining her beautiful face.

Naramdaman ko na lang na pinagbabato na ako ng unan ng mga pinsan ko. 


"Nero looked creepy, parang gusto ko na rin makita nag fiance ko" sabi ni Troy. Masyadong inggetero ang gago.


"Magaling pa lang pumili si LG" nasabi naman ni Tristan.


"Oo hanga na ako kay LG, pihikan kaya ang gagong 'yan. Look at him right now? Pangisi ngisi na ang gago. Naka score ka na siguro" sabi naman ni Owen.

Bumangon na ako sa pagkakahiga sa sofa.


"Bahala na nga kayo dyan" ibinato ko din sa kanila ang mga unan na ibinato nila sa akin at nagdiretso na ako papuntang kwarto ko.

Florence Almero, I want to meet you as sooner as possible.


--


Mukhang sinagot na ni LG ang gusto kong mangyari. Pero hindi ako pabor sa paraang ito. Bigla na lang siyang dinala ni LG sa mansion, hindi lang basta dinala. Dito na rin patitirahin. What the hell? Hindi pwede! My cousins are here! Hindi lang ako ang tao dito.

Halos magsiklab ako sa kinauupuan ko nang nakita ko kung papaano kumislap ang mga mata ng pinsan ko nang sandaling nakita nila ang fiancé ko.

Hindi ba nag iisip si LG? Bakit niya dinala dito ang fiancé ko? Bakit sa lugar kung nasaan ang mga pinsan ko? Hindi niya ba alam na maaaring magkagusto ang mga gago kong pinsan sa kanya?

Papaano kung mahulog ang loob niya sa isa sa mga pinsan ko? Tang ina, ano na naman ang iniisip ng matandang ito. She's mine!


Kinalma ko ang sarili ko at nanatili na lang akong nakaupo pero mariin akong nakikinig sa mga pinag uusapan niya.

At halos mapangisi ako ng tutukan niya ng baril ang mga pinsan ko. Kuha niyo, that's my fiancé. Hindi siya pwedeng hawakan ng ibang lalaki, dahil akin lang siya.

Simula nang tumapak siya sa mansion nagbago na ang lahat. Ang boring naming mansion ay naging makulay ng dumating siya.At habang tumatagal siya sa pananatili sa aming mansion lalo akong nahuhulog sa kanya hindi lamang dahil sa kanyang ganda pati na rin sa ugali niyang hinahangaan naming magpipinsan.


Hindi ako tanga para hindi mapansin na ang mga pinsan ko ay nagkakainteres na sa kanya. Kaya ginawa ko ang lahat ng maaari kong gawin para makuha ang atensyon niya, mabaling ang madami niyang oras akin at magawang ako una niyang iisipin pagpasok niya ng mansion.

I want her mine. Akin lang, ako lang. Pinili kong hindi ipaalam sa kanila na si Florence ang fiancé ko. I want a fair competition with my cousins. Yes, I am her fiancé. Pero ayokong gawin itong alas, I want to claim her because she chooses me. Ako ang pinili, ako ang gusto.

Kaya inisang tabi ko na ang salitang 'fiance'

Pero isa lang ang malaking tanong sa aming magpipinsan. Bakit siya nandito sa mansion?Basta na lang siya dinala dito ni LG na wala man lang maayos na paliwanag.

Sinong tanga'ng maniniwala sa unang rason ni LG? Hindi niya kami apo kung maniniwala kami agad sa sinabi niya.

Ilang beses kong tinangkang itanong kay LG ang totoong dahilan ng patira dito ni Florence pero wala akong matinong sagot na makuha sa matanda.


Maaga kaming pinauwi ni LG dahil may mahalaga siyang sasabihin sa aming magpipinsan, habang si Florence naman ay hinatid daw ng kanyang driver sa bahay ni Lina.

Mukhang ito na ang araw na pinakahihintay ko.


"Didiretsuhin ko na kayo mga apo..si Florence ang magandang dalagita na kasama natin ay ang anak ni Lorenzo Almero"

Walang nakapagsalita sa amin, hindi dahil nagulat kami kundi walang may kilala kay Lorenzo Almero.


"And?" tanong ni Aldus.


"Her life is in danger" napakuyom ang kamao ko sa sinabi ni LG. Sa mukha ni LG ngayon, alam kong nagsasabi siya ng totoo.


"Are you serious LG? " tanong ko kay LG kahit alam ko na ang sagot.


"Yes hijo, her mother was murdered long time ago and now she is the next target" seryosong sagot ni LG.


"What the fuck?But why? Someone wanted Doll dead?! Tang ina! Mga gago" mura ni Troy.


"Sa ngayon pinalabas ni Lorenzo na nasa ibang bansa si Florence para sa proteksyon niya. Gusto kong tulungan si Lorenzo para protektahan si Florence mga apo. Napakabuti rin naman ng pamilya nila sa atin, ilang beses na rin nila tayong tinulungan, ngayon ay pagkakataon na rin natin para suklian sila. I want to protect that poor girl, ayokong isipin na may maaaring masamang mangyari sa maganda at mabait na batang katulad niya"

Hindi ko na napigil ang sarili ko at tumayo na ako.


"Mga pinsan...please help me protecting my fiancé" bahagya akong yumuko sa kanila.


"FIANCE?!" halos sabay sabay nilang tanong.


"Fiance? Kailan mo pa naging fiancé si Warden?" hindi makapaniwalang tanong ni Aldus.


"Since the very beginning.." maiksing sagot ko.


"It's unfair LG?! I like her! Bakit si Nero?" hindi nakasagot si LG.


"Is this some kind of favouritism?" that's out of the line. Alam naming magpipinsan na pantay pantay ang tingin sa amin ni LG.


"Aldus..you can do whatever you want. Make your moves on her, I'll do my own. Be the best man win" sagot ko sa kanya na nakapagpakalma sa kanya.

Wala na ako ngayong panahon sa kompetensya. I just want to protect my girl. I want to protect the woman who made my life upside down. Ang babaeng nagpapabilis ng pagtibok ng puso ko. Ang babaeng mahal ko.Hindi ako papapayag na may mangyaring masama sa kanya.


"Tutulong ako" sabi ni Owen.


"Ako din" sabi din Troy.


"Count on me" mabilis na sagot ni Tristan. Dito na nagsimula ang lahat. Naging alerto kaming magpipinsan sa lahat ng oras para lamang paprotektahan si Florence.

Sa kabila ng nalalaman namin tungkol sa banta sa kanyang buhay pinilit naming mamuhay ng normal katulad ng dati. Hindi namin pwedeng iparamdam sa kanya na anumang oras ay maaring may kumitil ng kanyang buhay.

Hindi ko papayagang mangyari 'yon.


Ginawa ko ang lahat para maging masaya siya sa bawat araw na nasa mansion siya. Ginawa ko ang lahat para iparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal.Ginawa ko ang lahat para mapanatili ang matatamis niyang mga ngiti sa labi.

Ginawa ko naman ang lahat pero pinili niya pa rin akong iwan. Itinigil ko na ang pag alala sa nakaraan. Tapos na ang lahat.. lahat ay magagandang alaala na lamang. Dapat ay tanggapin ko na iniwan na niya ako.

Nasa huling pahina na ako ng diary niya.


This entire mission is not hers, the whole mission since the very beginning was mine.


Ako ang may misyon. Mission to protect her. Mission to make her happy. Mission to hug her. Mission to kiss her. Mission to make her laugh. Mission to make her smile. Mission to touch her. Mission to love her. Mission to win her heart.

I did all of these. I made my own missions for her. 


Masasabi ko bang natapos ko na ang sarili kong misyon kung ang babaeng pinaglaan ko ng mga misyong ito ay iniwan ako?

Napabuntong hininga na lang ako. Kinuha ko ang isang ballpen sa drawer at nagsimulang magsulat sa diary ni Florence.


My love of my life is still alive. I can win her back no matter what.


I wrote the two words I know I deserve.


'Mission Accomplished'


--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro