Catherine
NANINIBAGO si Felice sa mga bagay na nakapaligid sakanya, ang mga puno, ang tanawin at preskong hangin ng San Marino. Manghang-mangha din siya sa mga hayop tulad ng baka, kambing at baboy na hindi niya nakikita sa siyudad ng Maynila.
"Ma, tama na po 'yan. Ang aga-aga!" saway nito sa inang si Issa. Kinuha niya ang bote ng alak at ang baso na may laman nito. Halos mapaubo siya sa usok ng sigarilyo na binuga ng kaniyang ina. Umiling siya.
"Nag almusal na ba kayo?" tanong nito habang tinatapon ang laman ng alak sa lababo. Ito ang unang araw niya sa papasukang bagong paaralan dito sa San Marino at mukhang mahuhuli pa siya dahil sa ina.
"Putang ina! Manahimik ka nga! Bunganga ka ng bunganga diyan, nanay ba kita?!" aniya nito, hindi na nagulat si Felice sa sagot ng ina. Medyo lasing na ito at mukhang wala pang tulog.
"Ginagawa mo!" tumayo ang si Issa para tignan kung ano ang ginagawa ni Felice, binaba ni Felice ang bote ng alak. Wala na itong laman ngayon dahilan kumbakit nagalit ang ina.
"Kumain na po kayo diyan, may sardinas at itlog—"
"Puta ka! Tinapon mo alak ko!" Lumapit si Issa sa anak at pinaghahampas ang braso nito. Hindi pa nakuntento at pinagsasampal ito. Umiwas naman si Felice sa kamay nito.
"Ma! T-Tama na!" saway ni Felice, "P-Pag 'di ko tinapon yung alak baka mag kasakit pa kayo lalo niyan! Makinig naman kayo—"
"Puta ka! 'wag ka pakielamera ha! Hayop ka,"
Para kay Felice, isang normal na araw lang ito. Simula nang iniwan sila ng kaniyang ama, halos gawing tubig na ni Issa ang alak, halos mabaliw na ito at nagiging abusado na. Gabi-gabi ay lagi itong umiiyak o 'di kaya'y nag wawala.
Ilang sabunot, sampal at palo ang inabot niya sa ina pero pilit niyang hinuhuli ang kamay nito. 'Kaya mo 'yan, Felice, pakalmahin mo si Mama.' Aniya sa sarili.
"Puta ka!" Sigaw nito. Binitiwan niya ang anak at nang makita nag hanger na nasa sofa ay dali-daling kinuha niya ito at pinaghahambalos si Felice. Tumutulo na ang luha ng dalaga, ang nasaisip niya lang ay pakalmahin ang ina at makapasok sa paaralan.
"M-Mama!" sigaw nito.
"Bwisit ka, Fred! Bwisit ka! Pinag palit mo ako sa pokpok na 'yon!" iyak ni Issa at patuloy na pinag hahampas si Felice, walang tigil ang pagbuhos ng luha ni Issa, binabalot ang isip niya ng galit, lungkot at ang mga nakaraan. Binuhos niya ang galit sa anak, pinag papalo niya ito, hinuli ni Felice ang hanger dahilan kaya naputol ito.
"M-Mama—" sigaw ni Felice.
Bago pa siya nakapagsalita'y dumating na ang tito niyang si Ivan, hinila nito si Issa palayo sa anak. Isang malakas na sampal ang inabot ni Issa mula sa kaniyang ina. Nabalik ang katinuan ni Issa, patuloy itong umiyak.
"Issa! Anong nangyayari sayo!" aniya Sita, ang lola ni Felice. "Lagi mo nalang sinasaktan ang anak mo!"
Kumalma ang ginang, hingal na hingal ito. Mabilis na lumapit si Felice sa ina at niyakap, "Nagkasumpong lang po si Mama, sorry p-po Lola,"
Hindi umimik si Issa, tulala lang ito at nakatingin sa kawalan. "Hija, halika." Kinuha ni Lola Sita si Issa, pinaupo ito sakanilang sofa. Dumiretso ang matanda sa kanilang kusina, kinuha nito ang maliit na timba at pinuno ng tubig. Kumuha din siya ng bimpo.
"Wala kabang pasok, Felice?" aniya ni tito Ivan sa dalaga, naglakad ito palapit kay Felice, kinuha niya ang baso sa lamesa sa likod ni Felice, pasimple niya itong hinipuan.
"Ano ba!"
Nanginginig sa galit si Felice. Ngumisi ang kaniyang tito Ivan. 'Konting tiis nalang, Felice, makakaalis din kayo dito.' Aniya sa isip.
Para kay Felice ay normal na ang nangyayari, ang pananakit ng kaniyang ina tuwing sinusumpong ito at ang pamomolestiya ng kaniyang tito. Wala siyang magawa dahil takot siya sa kaniyang tito, bukod sa nakikitira lamang siya sa bahay ni Ivan, natatakot din siya baka kung ano gawin nito sa ina at lola Sita niya. Bukod pa don, ang tito niya rin ang nagpapa-aral sakanya; o ang bumubuhay sakanila.
Grade ten na siya ngayong pasukan, dalawang taon nalang ay matatapos na siya sa highschool at sisiguraduhin niyang makakaalis siya sa pamamahay ng tito niya. wala siyang choice kundi tumira sa kaniyang tito, kung aalis sila, wala silang pupuntahan.
Naisipan din ni Felice ang maghanap ng trabaho, pero halos lahat walang kumuha sakanya, minor de edad pa kasi ang dalaga.
Napabuga siya ng hangin nang makitang wala pang guro sa kanilang classroom, maingay ang mag aaral sa loob at mukhang kilala na ang isa't isa. Unti unti siyang pumasok dahilan kaya't napabaling naman ang tingin ng iilang kaklase sakanya.
"Kapitbahay namin yan, madalas tuwing umaga sumisigaw yung baliw na nanay niya!"
Napayuko siya nang marinig ang bulong ng isang babae, tumawa naman ang kausap nito. Unti-unti namang nawala ang atensyon ng mga kaklase sa kanya. Mas lalong lumuwag ang kaniyang dibdib nang makaupo siya sa badang likod.
Isang babaeng mahaba ang buhok, itim na itim ang buhok nito at may kaputian. Nginitian ni Felice ang dalaga dahil nakatitig ito sakanya, hindi alam ni Felice kung ano ang gagawin kaya umiwas ito nang tingin sa katabi.
"Hi! Ako si Catherine!" ngiti nang dalaga, nabaling naman ang atensyon nito sa katabi. Nahihiya si Felice sa ganda ni Catherine, ang pisngi nito ay natural na mapula, ang mata nito na kulay tsokolate at ang labi na pang artista.
"Felice Castillo," ngiti nito at umiwas ng tingin. Nahihiya siya baka isipin din nito ang tungkol sa nanay niya. Nilabas niya ang notebook para mag doodle.
"Hmm, bago ka rito?" tanong nag dalagita. Nakapalumbaba itong nakatingin sakanya. sinulyapan naman ni Felice ito sa gilid ng mata niya.
"Oo," simpleng sagot niya.
"Hmm," tango tango ni Catherine.
"Saan ka nakatira? Baranggay ano?" tanong nito, tila dinadaldal si Felice.
Sinimulan nang gumuhit ni Felice, sinulyapan niya ang lumang relo, ala-syete na pero wala paring guro na pumapasok.
"Taga baranggay Masigla ako," sagot nila.
"Oh! Kabilang baranggay lang pala. Taga Malinis ako," sagot ni Catherine. "Bakit ka lumipat dito? Atsaka taga saan kaba noon?"
Nahihiya si Felice sa pagiging madaldal nang dalaga, pero natutuwa siya na may lumapit at pilit na nakikipag usap sakanya. Pero hindi siya sanay.
"Taga Maynila ako," sagot nito at sinulyapan ang dalaga na pinapanood siyang gumuhit. "Lumipat kami dito kasi pinalayas kami sa inuupahan namin sa Maynila."
"Oh?" gulat na tanong ni Catherine.
Pumasok ang isang matandang lalaki, tumahimik ang lahat, hula ni Felice ay guro nila ito sa unang subject. Tinago niya ang notebook at sumabay sa pag tayo ng mga kaklase para bumati.
"Ako si Mister Santos, ako ang magiging history teacher niyo,"
Umupo ang lahat, tahimik na nakinig si Felice, habang si Catherine naman ay nakatitig sa labas ng bintana, napansin ito ni Felice.
Nagpalabas si Mister Santos ng index card, nilabas ni Felice ang sakaniya at agad sinulat ang pangalan. Nang mapansing walang papel ang katabi'y kumuha siya ng isa mula sa bag, "Oh," aniya Felice, ngumiti si Catherine, tila masaya dahil napansin siya ng katabi.
Tahimik na nag sulat si Felice sa kaniyang papel, hanggang sa oras na nang pasahan.
"Pass your paper forward, please." Aniya guro.
"Salamat," sabi ni Felice nang kunin ng nasa harap niya ang papel. Sinulyapan niya si Catherine. Tulala na naman at mukhang walang balak ipasa ito sa harap.
"Uh," una ni Felice, "Hindi mo ba ipapasa yan?" tanong nito.
Ngumiti si Catherine, "Ako nalang mamaya," aniya.
Nagkibit balikat si Felice.
***
TUMUNOG ang bell hudyat ay breaktime na, buong oras ay tahimik si Felice, nahihiyang magsalita o tumingin sa iilang kaklase dahil minsa'y pinag uusapan siya tungkol sa 'baliw na ina'. Tumalon si Catherine mula sa kinauupuan nito.
"Tara, kain tayo?" anyaya nito kay Felice. "May baon ako, menudo!" ngiti niya.
"May baon rin ako," sagot ni Felice.
Nakatingin ang iilang kaklase niya at bumulong.
"Ang weird niya," dahilan kaya't iniwas niya ang tingin nito sa kaklase.
"'Wag mo sila pansinin, tara sa rooftop?" ngiti ni Catherine.
"Hindi ba bawal tayo don?" sagot nito.
"Hindi yan! Tara!"
***
NAMANGHA si Felice sa ganda nang tanawin sa rooftop, kitang kita ang ganda ng budok at kabahayan sa malayo. Umupo si Catherine sa ilalim ng silong, nilabas niya ang dalang baon.
"Ganda pala dito," aniya Felice. Mas lalong sumabog ang buhok niya dahil sa lakas ng hangin. Tumawa si Catherine at sumubo sa pagkain.
"Sabi ko sayo eh,"
"Hindi ko alam na maganda pala ang San Marino, parang ayoko na umuwi sa maynila sa ganda ng tanawin dito, presko pa ng hangin!" masayang sabi ni Felice.
"May balak ka palang umuwi ng maynila?"
"Oo, ayoko dito," nabigla si Felice sa nasabi, "Ibig ko sabihin, yung bahay na tinirhan ko, ayoko doon!"
Tumawa si Catherine, manghang mangha si Felice sa ganda ng kaibigan. Kahit kumakain, maganda parin, 'artist aba 'to?' Tanong nito sa sarili.
"Bakit ayaw mo do'n sa tinitirhan mo?" tanong ni Catherine.
May pag aalinlangang sabihin ni Felice ang totoo, tumingin siya sa kausap, "Hmm, wala-wala!" aniya at nagkapa ng sasabihin para mabago ang pinag uusapan.
"Sus," ngumuso si Catherine.
"Pinasa mo na ba yung index card mo kanina?"
"Hindi pa, mamaya nalang!" aniya Catherine at pinatuloy ang pag kain.
"Bakit mo ako niyaya dito? Wala kabang kaibigan sa klase natin?" Biglang tanong ni Felice. Bumaba ang tingin niya sa kinakain.
"Hmm, wala. Ikaw kasi yung unang tumabi saakin, atsaka mukha ka naman mabait," ngiti ni Catherine.
Tumaas ang kilay ni Felice. Atleast ngayong araw may bago na siyang kaibigan dito sa San Marino. Dapat ay matuwa pa siya.
"Halikana! May papakita ako!" binaba ni Catherine ang baunan, tumaas ang kilay ni Felice dahil sa pag mamadali ng kaibigan. "Dali!"
"H-Ha?" tanong nito, may nginunguya pa sa bunganga. Mabilis niyang binaba ang baunan at tumayo, hinila siya ni Catherine palapit sa rails ng rooftop, dumungaw si Catherine doon. Dumungaw rin si Felice, halos malula siya dahil sa taas.
Nag kalat ang mga estudyante dahil lunchbreak, tinuro ni Catherine ang lalaking nag lalakad, mukha itong malungkot at malalim ang iniisip habang may hawak na supot.
"Ang gwapo niya diba?"
Tumingin si Felice kung sa tinuturo ni Catherine, pinagmasdan niya ang dalagita, mukhang may gusto ito sa lalaki.
"Gusto mo 'yon?" ngiti ni Felice.
"Oo, siya yung crush ko eh!"
Ngumiti si Felice. Natutuwa sa reaksyon ni Catherine na tila kinikilig.
***
HALOS GANON ang eksena nila, pangatlong araw na ni Felice sa pinapasukang paaralan at mag iisang buwan niya nang tinitiis ang tito Ivan.
Mas lalong kumalma si Issa, minsan ay sinusumpong pero hindi naman ganon kadalas. Mas lalong lumalakas ang loob ni Felice.
Masaya siyang pumasok noon, alas sinco palang ay nasa paaralan na siya. Mas lalo siyang nagulat nang mapansin niya si Catherine na nandoon na rin, katulad rin kahapon.
Nakapalumbaba ito habang tinatanaw ang labas ng bintana, mukhang walang pagbabago ang kaniyang damit, hitsura at buhok.
"Good morning, aga mo ulit ngayon ah?" puna nito.
"Maaga kasi ako nagising!" ngiti ni Catherine.
Kung mapapansin ay mas lalong nagiging komportbale si Felice sa bagong paaralan. Kahit may iilang kaklase na nawi-wirdohan sakanya ay hindi niya ito pinansin. Mas lalong lumakas ang loob niya dahil kay Catherine.
Minsan ay hindi niya mapigilan ang sarili na sumagot kay Catherine tuwing dinadaldal siya sa oras ng klase.
"Hindi kaba mag rereview?" aniya Felice. Tulala na naman si Catherine na nakalumbaba at nakatingin sa labas ng bintana.
"'Di na, alam ko na sagot mamaya!" Tawa nito.
"Yabang," nakangiti nitong inirapan ang kaibigan.
Lunch break na at sa rooftop ulit sila. Hindi alam ni Felice bakit may kakayahang pumasok sila sa rooftop, pero hindi niya na iyon inisip. Dito siya komportable at masaya sa kaibigan na si Catherine.
Napuno ng tawanan ang rooftop dahil sa kwento ni Catherine. Nginuya niya ang ulam na menudo, nakataas ang kilay ni Felice kumbakit lagi baon nito ay menudo.
"Paburito mo ba ang menudo? Araw araw mo na yang baon ah!" puna ni Felice.
"Yup, bakit masama ba?" kunwari'y pag tataray ni Catherine.
Napuno nang asaran ang rooftop. At katulad nang dati'y dumudungaw ulit sila sa baba para tignan ang 'crush' ni Catherine. Pero katulad noon, ang lalaki'y mukhang malungkot at malalim ang iniisip.
"Gala tayo bukas, sama ka?"
Linunok ni Felice ang kinakain. "Gala? Hindi ko kabisado ang lugar dito!"
"Kaya nga gagala tayo eh! Para alam mo yung lugar dito—" tumigil ito, "Punta tayo sa tree house ko! Doon sa gubat!"
Namangha naman si Felice, tree house? Walang ganon sa Maynila!
"After school, okay ka?" ngumuso si Catherine dahil sa tagal nito sa pagsagot, tila nagiisip pa.
"Sige na! Miss ko na pumunta sa tree house!"
Napanguso si Felice. Wala naman ako gagawin bukas sabi nito sa sarili.
***
SA GUBAT ng San Marino, may kalayuan ito sa mga kabahayan at isa itong liblib na lugar. Masayang suot ni Felice ang dress na nabili niya pa noon sa divisoria. Habang si Catherine naman ay hindi pa nag papalit ng damit, naka uniporme pa rin.
Manghang mangha si Felice sa mga puno at preskong hangin, parang kay sarap higaan ang damo na kanyang tinatapakan. Mas lalo siyang an excite nang makita ang tree house 'di kalyuan sa taas ng isang puno.
"Halika!" umakyat si Catherine sa tree house, umapak ito sa kahoy na naka pako sa puno, tila ginawa para maging hagdan ng tree house.
"Walang masyadong tao rito kasi madami raw baboy ramo at madaming naliligaw, pero saakin parang paraiso na itong gubat!" aniya Catherine.
Nang maka akyat sila pareho, namangha si Felice, maganda, payapa at presko ang hangin sa itaas. Napansin niya din ang loob ng tree house may kaliitan, napansin niya rin ang isang pang itaas na uniporme na katulad din sakanya, at may baunan na walang laman, nilalangaw ito at nilalanggam dahil sa tira tirang tomato sauce.
"Sana dito nalang ako lagi," aniya Catherine. Nakahiga sila ngayon sa silong ng isang puno, alas tres na ng hapon. Hawak nito ang mga bulaklak na pinitas nila kanina, pinag tatanggal nito ang mga petals.
"Napaka-payapa," aniya Felice. Binalot sila ng katahimikan. Napapikit si Felice at dinadama ang panghapong hangin.
"Felice, pag laki mo ba, anong gusto mo maging?"
"Hmm," tila napaisip si Felice. "Doctor,"
"Gusto ko maging model,"
"Oh? Edi maganda, bagay naman sayo kasi maganda ka."
Tumawa si Catherine. "Talaga? Maganda ako?"
"Oo naman, walang ginawang panget ang diyos."
Napa-irap ang dalaga. "Hay naku!" Tumawa lamang si Felice. Ngumiti siya at tumayo. "Laro nalang tayo, ang boring, baka mag drama pa ako dito!"
"Ikaw taya, Felice! Hanapin mo ako!"
Tamad na tumayo si Felice, ayaw niya mag laro pero hinayaan niya dahil mukhang masaya naman ang kaibigan.
"Isa!" naramdaman niya ang pag takbo at tawa ni Catherine. Hanggang umabot na ang pag bibilang niya sa sampu.
"Andyan na ako! Magtago kana, Cath!" sigaw nito.
Dali dali siya lumapit sa puno at sumigaw, "Boom!" natahimik siya nang wala doon ang kaibigan.
"Ha! Mahuhuli din kita!" sigaw nito.
Pero kung saan saan na siya napunta at tila walang Catherine na nahanap. "Cath! Pwede ka nang lumabas! Ayoko na!"
Tumayo ang balahibo niya, kinakabahan at mabilis ang tibok nang puso. 'Asan si Catherine?'
Naliligaw na si Felice, at panay ang tawag niya sa kabigan. Hanggang makita niya ang isang natural na hot spring, palapit na palapit siya doon pero napansin niyang may katawan na lumulutang doon.
Nanlaki ang mata niya sa nakita, isang babaeng nakasuot ng sandong puti, palda na katulad ng uniporme niya at may lumulutang na bulok na bulaklak sa dibdib nito. Maputla at halos nangingitim na ang balat ng babae. Mas lalo siyang nagulat dahil kamukha niya si Catherine.
***
TULALA si Felice sa harap ni detective Martinez. "Pasensiya na, Felice. Pero madami akong gusto itanong saiyo,"
"Ikaw ba ang pumatay kay Catherine Vega?"
Umiling si Felice. Tumango ang lalaki.
"Bakit ka nandoon sa gubat?"
"Gagala daw k-kami..."
"Nino, Felice?"
"Ni Catherine po," sagot nito.
Umiwas nang tingin ang lalaki, kinuha niya ang isang poster.
Napabaling namana ang atensyon ni Felice doon. Ang una niyang napansin ang larawan ng kaibigan.
MISSING
HAVE YOU SEEN THIS GIRL?
Catherine Vega
Age: 16 Height: 5'6
Last seen wearing SMHS Uniform
Last seen September 10 at SMHS
"Felice, limang araw na nawawala si Catherine Vega at ngayon lang siya nahanap dahil sayo, patay na siya Felice, limang araw na siyang patay."
[ The flower in book cover is Alstroemeria. It represent friendship of Catherine and Felice. Photo not mine, credits to rightful owner ]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro