Chapter 7: Pinto
Hindi ako maka-pocus.
Boyfriend ko na si Liam.
We were still at cafe in downtown and just a few minutes ago, naging official na kami ni Liam. Inaasahan ko na magiging mas open siya sa akin ngayon na kami na, ngunit para siyang isang naka-lock na pinto sa pasko.
Mukhang masiyahin yung pinto dahil sa dekorasyon neto, ngunit kahit ilang Christmas lights yung ilagay mo, hindi ito magbabago. Naka-lock pa rin yung pinto.
Walang gamit yung mga ngiti niya, dahil fake lang ito. Kahit parang genuine ito, ipinilit kong isipin na fake lang yun.
Liam is friendly yes, pero when it comes to lovelife and people who have crushes on him or know something about his past, he's intense.
He's cold.
He's guarded.
He's the door I lost the key to.
Oo, binigyan niya ako ng bagong key, ngunit plastic lang ito.
Fake lang.
A fake relationship.
My heart twisted.
It's not real. His walls are still up— will always be up.
I know.
I know this relationship means nothing.
But damn.
Why do I want it to be?
Tiningnan ko yung mukha ng mga kasama ko (maliban kay Liam) at nag-wish ako na sana kasing chill ko lang si AJ.
Wala lang kay AJ yung nagyari dahil hindi siya yung typo na gawin yun na big deal, pero para kay Mia parang sumabog yung buwan; nahirapan siyang makalma at ang likot niya (swear). Muntik na niya mahulog yung laptop dahil sa kilig noong inabot ni Liam yung table napkin sa akin.
Buti nalang may misyon kami, kaya nagawa kong malipat yung usapan sa catfish at hindi sa kakaibang sitwasyon namin ni Liam.
"Ang bagal ng wifi dito", bulong ni Mia sa akin dahil ayaw niya na marinig ito ng staff. Oo, mataas yung standards ni Mia dahil rich kid siya, pero hindi siya insensitive. "Doon sana tayo sa—"
Nabitin yung pangungusap ni Mia nung dumating yung namumulang waiter na may dalang tray; nahihiya siya dahil yung drinks at snacks na in-order namin muntik niyang mahulog. Hindi naman niya ito kasalanan. Sa totoo, kasalanan ito ng isang bata na bigla nalang tumakbo papunta sa kanya.
Pero kahit na ganon, nag sorry pa rin siya sa groupo namin.
Umalis yung waiter at naging bad mood kaming lahat dahil ang bait pa naman niya ("Medyo gwapo rin!" Na-obserbahan ni Mia). Buti nalang hindi siya nadapa, baka mabawasan yung sweldo niya.
Bigla nalang tumayo si Liam at bumaba sa hagdanan (nasa second floor kami ng Café). Noong bumalik siya, napansin ko na nakangiti yung gago.
"Ano yun?"
"Wala lang", sabi ni Liam kay AJ. Kumukutikutitap yung mga mata neto at biglang huminto yung tibok ng puso ko. "Focus na tayo sa misyon."
Gusto kitang i-uncrush.
Ngunit napakahirap mong pakawalan.
Mas mahirap na ngayon.
Dahil tayo na.
Nakabukas yung laptop ni Mia sa Instagram profile ng catfish at doon sila nakatitig.
Ayon kay Mia, kahit gaano ka ingat ang isang tao, mahirap matago ang katotohanan. Kaya't naghahanap kami ng mga clues sa profile niya na maaring makatulong sa misyon namin.
Atleast, sila naghahanap.
Ako? Hindi ko mapigilan ang mga mata ko na tila'y kay Liam lang gusto tumitig.
"Mostly nasa Facebook yung mga photos na 'to", sabi ni Mia habang nakasimangot. "Maliban sa ilan. Kagaya ng throwback pic na'to mula sa SabPag party."
It was a smiling picture of me and Mia sa sala namin. May hawak siyang alak at ako naman juice. Hindi sa camera kami nakatingin, kundi sa TV namin.
Ang pangit ko sa pic, halata yung isang tigyawat ko.
"Mahirap masabi kung sino yung nagkuha ng pic", sabi ni AJ habang kumakain siya ng strawberry cupcake. "Could've been taken by anyone."
"Ang weird", sabi ni ko habang tinititigan yung picture. "Very weird."
"Yung mukha mo? Medyo"
"Yung picture kasi", I grunted, rolling my eyes before doing a double take nung na-realize ko na hindi pala si AJ yung nagsabi nun.
Nag joke si Liam.
He chuckled and playfully stuck his tongue out at me. His eyes lingered on my face for a bit before he went back to squinting at the laptop.
My heart skipped a beat.
Liam was just as much of a joker as AJ. But ever since naging sila ni Hannah (or maybe before that, hindi ako sure), parang naging cold and quiet na siya. Lalo na sa mga babae. Mas lumala pa ito noong naghiwalay sila ni Hannah; parang tumatawa na lang siya kapag kasama niya yung squad nila ni AJ (mostly gamers).
Parang may pader sa paligid niya na mahirap masira.
Or atleast, I thought so.
We were no longer close e.
"BESHIESSSS!", sigaw ni Will habang tumatakbo papunta sa amin. Napatingin uli ang ibang mga customers sa amin.
Hay nako sira ulo talaga yung mga kaibigan ko.
"OMG BESH!", sigaw ni AJ at nagkunwaring babae na parang nakakita ng crush niya. Gumawa siya ng exaggerated hand gestures at napatawa sila.
Patuloy yung tawa ng dalawang siraulo habang pa-upo si Will sa katabi ni AJ, across from the empty seat beside Mia.
"Soooo what did I miss?", tanong ni Will habang nakangiti. Inilagay niya yung backpack niya sa ilalim ng mesa.
"May lead tayo—", na cut-off ako dahil sa sigaw ni Mia.
"MAGJOWA NA SINA LIAM AT AYA!"
Ang ganda ng lamesa.
Parang gusto ko ipahalik ito sa mukha ni Mia ng paulit-ulit.
JK, labyu Mia.
Pero still, tangina mo.
Muntik na siyang mahulog sa upuan dahil sa kilig. Para siyang sinasaniban, grabe yung likot at mas grabe yung tawa niya.
I buried my face in my hands and let out a huge sigh.
Wait.
My eyes shot up to look at Will's face.
He looked shocked but a smile played on his lips. His thin eyebrows furrowed together in confusion.
Imagination ko lang ba? O parang bumagsak yung mukha niya kanina?
"Ha?", tanong niya. Lumingon siya kay Liam habang suot ang nalilitong mukha. "Akala ko catfish yun? Totoo pala?"
"Hindi dogfish yun", sabi ni AJ at muntik na siyang mahulog sa upuan niya dahil sa kakatawa.
Na sobrahan ata sa cupcake si AJ.
Sabagay, lima na yung kinain niya; sugar rush ata toh.
Pero still, ang weird.
Ang weird dahil siya lang yung tumatawa.
Weird din ito dahil hindi tumawa si Will.
Si Will yung number one joker sa amin at siya yung pinaka-extroverted. Mahinahon si AJ at minsan mahiyain, ngunit may tinatago itong kalokohan. At kapag magkasama silang dalawa, parang nagshashare sila ng braincells.
Lumingon ako kay Mia ngunit hindi ata niya napansin yung weird behavior ni Will; scroll lang siya ng scroll sa profile ng catfish.
Sabagay, mas matagal ko nang kilala si Will; last year lang naging magkaibigan si Mia at Will.
The sound of Liam's voice made me shift nervously in my seat and I avoided his gaze.
"Fake relationship for one month", sabi ni Liam at ipinaliwanag niya kay Will kung ano yung deal.
"What if scam yun?"
I snorted, doing my best to steady my nervous fingers while I reached for my drink. "Anong makukuha niya kung mag-date kami ni Liam?"
"Ba't ka pumayag?"
Napa-ubo ako dahil bigla kong na lunok yung iced tea ko. Nakatitig si Will sa akin, ngunit hindi ito pamilyar na titig.
The look on his face vanished and was replaced with his usual friendly smile.
Hindi ko alam kung imagination ko lang yun, o parang hindi umaabot sa mata niya yung ngiti.
"Chill lang kayo", sabi ni Mia habang nakatingin sa laptop niya. Inayos niya yung buhok niyang kasing dilim ng gabi. "Kahit totoo o hindi yung sinabi ng unknown number, hahanapin ko pa rin kong sino yung catfish na yun"
"Dapat may codename tayo sa unknown number para astig" Ngumiti si AJ kay Liam. "Tingin mo ano yung mas maganda: 'The Source'? o 'Mr. Eyus"?"
"'Mysterious' ata yung ka-pronounce nun"
"Alam ko Liam" He rolled his eyes and took another bite of his dessert. "Word play e. Mysterious, Mister Eyus"
"Ang ingay niyo" ,I butted in and bit my lip.
I could feel the weight of two pairs of eyes looking at me and I didn't dare look away from Mia's screen.
"Kaya nga! Ako lang yung nagtratrabaho!", sabi ni Mia habang may sinusulat sa notebook niya. Her meticulously- drawn eyebrows furrowed together when she scowled.
"Narinig niyo yun, guys ah", teased Will, nudging AJ while he wiggled his eyebrows. "Um-eyus tayo"
Parang tawa ng mga hyena yung lumabas sa bibig nila ni AJ. Nag-facepalm si Liam at napa-ikot yung mga mata ni Mia. Sinipa ko si AJ ay Will sa ilalim ng lamesa.
Gayunpaman, hindi namin maiwasan ngumiti.
Good vibes talaga yung mga weirdo na 'to.
"Aya", biglang sabi ni Liam. He titled his head slightly towards the window. "Usap muna tayo sa labas."
Ah.
"Okay."
Kinagat ni Mia yung kamay niya upang mapigilan yung sigaw niya. Binigyan ako ni AJ ng thumbs up.
Will ducked under the table as I stood up. Parang may kinukuha siya sa bag niya, ngunit nahihirapan siyang buksan ito.
Ano kaya yung nagyayari sa kanya?
Noong pababa kami biglang may sumalubong sa amin na bata; ito yung bata nang muntik nang bumunggo sa waiter kanina. Nakangiti ito at may ibinulong kay Liam (yumuko siya upang maabot ng bata yung tenga niya).
Umalis yung bata at ngumiti silang dalawa.
"Kilala mo?"
"Nope", sabi ni Liam habang binuksan yung pinto para sa akin.
Nakasimangot ako dahil sa biglang pag-bago ng temperatura; naka-aircon kasi sa loob, habang sa labas medyo ma-init. Umulan kanina at may konting tubig na natitira sa labas ng café.
"Anyway", sabi niya habang nakatingin sa kalsada ng downtown; parang may hinahanap siya sa ilog ng dumadaang mga sasakyan. Noong hindi niya ito mahanap, lumingon siya sa akin. "So, dapat may rules tayo—"
"No kissing"
He blinked. "Of course—"
"Bawal mo akong hawakan sa—"
"Yeh yeh I know", sabi niya. He suddenly blinked again. "Sorry, please continue."
"Yun lang terms ko."
"What?" He raised an eyebrow and leaned back on a wall that was relatively dry. "No 'noone should know na fake lang to?' No 'buhatin mo ako sa laro—"'
"Excuse me mas mataas rank ko sa'yo" I defended. "And given naman yung first. Ikaw, ano terms mo?"
"Same with yours pero ano... No— you know. Yeh"
My heart twitched. "No falling in love?"
Parang biglang dumilim yung mga mata niya. Hindi siya nagsalita ng ilang minuto at nakatitig lang ito sa kalsada.
Nakatayo lang ako doon, yung utak ko nagiisip kung ano ba yung mali sa sinabi ko. Kinagat ko yung labi ko at sumayaw yung mga daliri ko sa strap ng sling bag ko; kinakabahan ako.
Nainsulto ba siya?
May sinabi ba akong mali?
Yun naman yung sinasabi ng mga babae sa pelikula.
"Wala akong pake kung ma in love ka", sabi niya, yung boses niya mas malamig pa kaysa sa aircon ng café. "Problema mo na yun'. Basta wag mong kalimutan—"
He paused and I looked up into his eyes.
Parang nakatitig ako sa mata ng batong rebulto.
Stony.
And cold.
"Fake lang toh. Kung umasa ka, that's on you. Ginagawa ko lang to dahil I owe you. At dahil gusto kong malaman kung sino yung unknown number at kung bakit nangingialam siya sa buhay ko."
"If—" I corrected myself. "When we break up... No hard feelings?"
Liar.
Tumango siya.
You're a Liar, Aya.
He smiled. Pero hindi ito yung breathtaking smile niya na ibinigay niya sa akin noong naging official kami.
He didn't even try to hide it this time.
The smile was cold and fake.
As fake as our relationship.
We shook hands.
He was warm.
May nakita siya sa kalsada; hindi ko nakita kung ano o sino ito.
Nag excuse siya at iniwan niya ako.
Papasok na sana ako sa café noong lumingon ako sa likod ko.
Nandoon si Liam sa kabilang side ng kalsada. May kasama siyang babae; hindi ako sigurado kung sino ito dahil sa mga dumadaang kotse, pero-
Parang si Hannah.
My heart sank.
Universe, bat ang cruel mo?
Universe. I raised my head to look up at the sky and did my best not to scream.
Why?
Binuksan ko yung pinto ng café.
Don't think of him.
Malamig na hangin yung sumalubong sa akin noong binuksan ko yung pinto.
Liam.
I took a step in, then, I saw him.
William Nico Yu was staring at me from Liam's seat.
He looked exactly the way I felt.
Heartbroken.
-------
A/n: sorry it took a while this is 2000+ words. I'm so proud 😤✨
[UNEDITED]
Thank you for reading and I hoped you liked it!
(I didn't dahil parang nasaktan rin ako HAHAHAHAHHAHA)
Comments and votes are appreciated<3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro