Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Catch You (A ChanBaek One Shot)




"Oh eto, tissue." Naiinis kong sabi sabay abot kay Chanyeol yung tissue roll.



Bat nga ba ako may dalang tissue roll sa school? Siyempre inisip ko baka mag-poopoo nanaman si Yeol dito sa school at wala siyang gagamitin tulad noong minsan. 



Ako nga pala si Byun Baekhyun at itong kasama ko naman ay si Park Chanyeol.



So andito kaming dalawa sa ilalim ng punong mangga sa school field. Naging tambayan na namin to mula nung naging bestfriends kami. Ewan ko nga kung paano kami naging magkaibigan netong higante at laki-tengang mokong na to eh. Pero heto ako, kinocomfort siya. Mula ata nung zygote palang kami, meant to be na kaming maging magkaibigan. 



Oo. Magkaibigan lang.



 "Ang sakit kasi Baek." iyak ni Yeol. "Ay hinde, mali." bigla niyang sabi at sinabunutan yung sarili niya. "Nakakainis! Nakakainis talaga!" at nagball-fist pa siya sa hangin. Eh?



 Tinignan ko lang siya. Makikinig ako. Kaibigan ako diba?



 "Ipapalit na nga lang ako, sa tomboy pa! Sa kapwa babae pa niya!" muli siyang lumuha at kinuha yung tissue na inabot ko. 



 Napabuntong-hininga nalang ako. Andito nanaman po tayo.



"Pang-ilan mo na bang girlfriend yang si Kathy?" medyo inis na tanong ko. 



 "Excuse me, Baek!" sigaw niya sakin. "EX GIRLFRIEND! EX!" pag-eemphasize pa niya. 



 Napa-iling nalang ako at napakamot ng ulo. "Osha, sige. Ex girlfriend. Pang ilan na nga pala?" 



 "Hmmm. Pang 14?" hindi sure na sagot niya.



Binatukan ko nga! "Gago ka pala eh! Pang 14 na, hindi ka pa nadala?! Pang 14 na yan na babaeng pinagpalit ka sa kapwa babae! Hindi kaya may sumpa ka na?!"



 "ARAY BAEK! Sadista ka talaga!" pagrereklamo niya at hinimas yung batok niya. 



Totoo naman! Naka 14 na girlfriend na tong Park Chanyeol na ito, pero LAHAT, pinagpalit siya sa lesbian slash tomboy. Nakaka-ewan kasi parating ganun. 



 "Ewan ko, okay?! Hindi ko alam kung bakit?!" frustrated na sagot niya sakin. 



Bakit kasi hindi nalang ako, ha, Park Chanyeol?



Bigla siyang tumingin sakin at naging seryoso yung mukha niya. "Baekhyun..." 



Nanlaki yung mga mata ko at naramdaman kong uminit yung mukha ko. Si Park Chanyeol ay nakatingin sakin ng direkta ngayon. 



 Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. 



 Isang bagay na tanging siya lang ang nakagagawa. 



"May mali ba sakin?" tanong niya. Naiiyak nanaman siya. "Bat parati akong naiiwan?" tanong niya at napa-facepalm. At ayun, naiyak nanaman. 



I caressed his back. "Yeollie, ganyan talaga. Choice nila yun eh. Saka malay mo... M-malay mo..." Hindi ko matuloy. WAAAAHH!!



"Malay ko, ano?" tanong niya habang nakatingin sa malayo.



I cleared my throat. "M-malay mo, h-hindi naman talaga siya ang para sayo. Um. M-may ibang nakalaan para sayo, g-ganun." mabuti nalang at hindi siya nakatingin sakin. Hindi niya makikita na nasasaktan ako kasi nagkakaganito siya dahil lang sa Kathy na yun. 



Hindi siya nagsalita ng ilang minuto hanggang sa bigla siyang tumango at nag-smile, ang derp smile niya kumbaga. 



 Nang di anu-anoy niyakap niya ako. Yung yakap niyang sobrang higpit at assuring. 



Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko na para bang hindi siya napapagod para kay Chanyeol. 



Oo. I'm gay. And I'm madly in love with my bestfriend. 



Nakatira kami sa dorm kung saan magka-kuwarto kami. Alam ko lang lahat tungkol sakanya.



Alam ko kung natatae siya. Alam ko kung pagod siya. Alam ko kung may sakit siya. Alam ko mga paborito niya. Alam ko kung sino ang ka-date niya. Alam ko kung saan siya pumupunta. Alam ko kung may girlfriend siya. 



Alam ko lahat. At ganun din siya.



Pero isang bagay ang hindi niya alam.



Yun ay yung mahal na mahal ko siya ng sobra, higit pa sa kaibigan. 



"Thank you Baek." bulong niya.



 I shivered. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko?! 



"You're the best bestfriend ever!" Ouch. Best bestfriend? Bakit ang sakit ng salitang yan?



I patted his back pero napansin kong nanginginig yung kamay ko. Shit. Bat ba patuloy akong naiinlove sayo Yeol? Bat ba hindi ko mapigilan? 



"I-i know." I managed to say. 



"I love you, Baek." he mumbled through my hair.



Andun nanaman yung parang may sumipa sa puso ko. Aray Chanyeol! Tama na. Nasasaktan na ako.



Kailangan bang saktan mo ako sa ganitong paraan?



 "I love you,too..." Mahal na mahal kita, Park. 



Eh kasi nga masakit na hanggang dun lang. Sobrang sakit. 



Hindi ka makarelate?



Try mo. 















Kinagabihan...



Lumingon ako mula sa study table ko nang marinig kong mapasigaw si Yeol. "Huy! Anong nangyari sayo diyan?" 



Napatingin siya sakin at ngumiti. "Nahulog ko lang tong lotion." sabi siya at naglotion ulit. 



Tinignan ko siya pataas at pababa. "Hmm?" tanong ko. "Bat bihis na bihis ka? San lakad mo?" Paano naman eh naka semi-formal siya ngayon. San nanaman kaya niya balak may kalat ng virus this time?



Napa-smirk siya habang sinusuot yung coat niya. "Date, Baek." sagot niya.



Nanlaki yung mata ko kasabay ng paninikip nanaman ng dibdib ko. "D-date? Nanaman?! Umiiyak ka lang kanina ah?!" 



"Psh." sabi niya at inayos yung buhok niya. "Hindi naman ako ganun kaseryoso kay Kathy eh. Saka okay na ako, nakamove on na." tawa pa niya. 



Grabe! Ang sarap sakalin neto ngayon! Sobra!



"Sino naman ngayon?" tanong ko. Pero gusto ko bang malaman yung sagot?



"Si Alex. Yung head cheerleader sa school." Ahh. Kilala ko yun ah. Maganda. Sexy. 



Napa buntong hininga nalang ako. Sanay na akong ganito si Chanyeol. Paiba-iba ng babae. 



Humarap ako ulit sa study table at nagsimula nang magreview review muna. 



 "Kelan mo iiwan?" tanong ko. 



 "Huh?" nagtatakang tanong niya sakin.



 "Kelan mo iiwan si Alex?" 



"Ewan. Siguro hanggang makalimutan ko na yung nararamdaman---" napatigil siya. Minsan talaga nadudulas tong Yoda na to eh.



Napa-iling ako. So mahal pa niya si Kathy. "Huwag ka nang mahiya diyan. Alam ko nang sasabihin mo." sabi ko habang nagsusulat. 



"A-alam mo?" napalingon ako kasi medyo nauutal yung boses ni Chanyeol.



Namumula siya at nanlalaki yung mga mata niya habang nakatingin sakin. Akala talaga niya, maloloko niya ako ah!



"Hindi mo pa nakakalimutan yung feelings mo para kay Kathy." napa-sigh ako. "I know. Huwag ka nang magsinungaling, Yeol." 



Napakamot siya ng ulo at napahinga ng malalim. "Hindi naman sa ganun. Pero--" napakamot ulit siya. "Hay! Bayaan mo na nga, osige na, alis na ako." pagmamadali niya. 



Anong problema nun?



Nung nakalabas na siya ng pinto, bumalik nalang ako sa pagbabasa hanggang sa nakita ko nalang na may tumulong luha sa libro. 



Agad kong pinunasan yung mukha ko at inilayo yung libro. 



"Bakit mo ba to ginagawa, Chanyeol? Bakit ba sobrang sakit ang mahalin ka?" 




















Hindi ako makatulog. 



Hindi pa dumarating si Chanyeol eh. Asan na ba yung womanizer na yun? 



Habang nakatingin sa kisame, napaisip ako. 



Bat kaya kailangan ko pang maging ganito? Bakit kaya kailangan ko pang mainlove sa kapareho kong lalake? 



Hindi ba mas madali sana kung sa babae nalang ako nainlove at hindi sa best friend ko?



Kasi hanggang ngayon, nasasaktan lang naman ako eh. 



Lahat ginagawa ko para kay Chanyeol. Kahit sa tingin niya, pagiging mabuting kaibigan lang lahat ng iyon. 



Pero sa likod ng mga kilos ko, may totoong pagmamahal doon. Pagmamahal na ako lang ang makapagbibigay. 



1:46 am na. Asan ka na ba Park Bwisit Chanyeol? Pinag-aalala mo na ako ah. 



Napabalikwas ako sa pagkakahiga nang may marinig na malakas na ingay mula sa baba ng dorm. 



Magnanakaw ba yun?



Imposible. Guarded ang buong dorm. 



Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa baba. Nakabukas yung main door at---



"Chanyeol!"



Agad akong tumakbo papalapit kay Chanyeol na nakahiga sa front steps. 



Iniupo ko siya at sinandal sa doorframe. "Amoy alak ka ah! Bat ka uminom?!" galit na tanong ko sakanya. 



"Hehehehe." yun lang ang sagot niya sakin habang naka derp smile. Ay punyeta ka Park!



Binatukan ko muna siya bago sinubukang itayo. Pero slim po ako at hindi muscular kaya tumakbo ako sa kwarto nina Kyungsoo at Jongin. Mga kasama namin sa dorm. 



"Jongin! Kyungsoo!" sigaw ko habang malakas na kinakatok yung pinto ng kwarto nila. 



Maya-maya pa, dalawang antok na antok na mukha ang bumukas ng pinto. 



"Baekhyun... Bakit? Tulog na tulog na kami oh." reklamo ni Jongin habang nakapikit ang mata. 



"Si Chanyeol!" panicked na sigaw ko.



Agad naman silang natauhan. "Bakit?! Anong nangyari kay Park?!" gising na gising na si Kyungsoo. 



Tinawag ko sila dali-dali sa ibaba at nagpatulong na buhatin si Chanyeol papunta sa kwarto namin. Naku! Pag nalaman to ng parents nun, mananagot kaming dalawa! 



Nang nahiga na si Chanyeol, umalis na din sina Jongin at Dyo. 



"Iinom-inom, di mo naman pala kaya! Gusto mong masapak!" sigaw ko kay Yeol kahit sobrang himbing na ng tulog niya. 



Ano ba kasing nangyari sa lalakeng to?! 



Pumunta ako sa banyo para kumuha ng pamunas na tubig sakanya dahil ang BAHO niya as in! At ayokong matulog na may kasamang amoy basura sa Payatas. 



"Paano ko ba to gagawin?" Oo nga. Paano? Nakatingin lang ako sakanya habang hawak yung planggana na may tubig at face towel. 



Hay! Bahala na. Basta punas at palit lang naman diba?



Umupo ako sa tabi ni Chanyeol at inumpisahang punasan yung mukha niya. 



Umungol naman siya konti at tinggal yung kamay ko. "Ay footspa! Ikaw na nga tong inaalagaan, gusto mo mamatay?" Inis na sigaw ko sakanya. 



Pinunasan ko lang siya kahit pa ungol siya ng ungol. Nako! Mga lasing ka naman. Psh. 



"B-bak.." narinig kong sabi ni Chanyeol. 



"Hm?" tanong ko. Sabi kasi nila, pwede mo raw kausapin ang tulog. Oh diba?



"B-bakit... ikaw..." 



Huh? Nonsense naman sinasabi neto.



So tapos na ang mukha at leeg. 



Napatingin ako sa katawan niya. 



"H-hindi. No no no!" 



Ayoko nga! Ayoko!!!! WAAAAHHH!!!!



Pero...



May choice ba ako?! Huhuhu. 



My virgin eyes!!! 



Nanginginig yung mga kamay kong tinggal ang pang-itaas na damit ni Yeol.



"Santisima rosaryo, ama namin..." kailangan kong magdasal! Ayokong magkasala ng dahil sa kapusukan ko! Huhuhu. 



Napakagat-labi ako nang makita ang oh-so-yummy na katawan ni Channie. Hindi ko mapigilan! Nakaka-byun eh. 



Sinimulan ko nang punasan yung katawan niya. 



Collar bone.



Chest.



Abdomen.



Abs.



WAAAAHHH!!! AYOKO NA!!!!



"Chanyeol. Huhuhu. Gumising ka nalang kasi para matigil na tong---"



"Baekhyun..." nagsalita nanaman si Chanyeol.  At tinatawag niya ang pangalan ko. 



"Yeol?" 



Long pause.



Naghintay ako pero hindi na siya nagsalita pa ulit. 



Napabuntong hininga nalang ako at pinagpatuloy ang pagpunas sa pawisan niyang katawan. Kahit papano eh nawawala na yung amoy niyang mabaho. 



Pero nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko nag kasalukuyang nasa chest niya.


Napalunok ako.



Andito nanaman yung feeling na naibibigay sakin ni Chanyeol. Ang pagbilis ng heart rate ko. Ang pagpula ng mukha ko. At yung hindi maipintang pakiramdam sa tiyan ko. EWAN!!! BASTA YUN YUN!!



"Chanyeol?" bulong ko. Naririnig niya kaya?



"B-baek." nakapikit padin siya. Sleep talking.



"Bakit, Yeol?" tanong ko. Hindi niya parin binibitawan yung kamay ko. 



"G-galit ako sayo." he answered na para bang may kausap talaga siya sa panaginip niya. Naka-frown pa siya. 



Galit siya sakin? Pero bakit? Anong ginawa ko? Nasaktan ako sa sinabi niya pero, tinanong ko parin kung bakit. 



"Bakit Yeol? Anong ginawa ko sayo?" 



He pouted. Pero di na nagsalita pa. 



Gusto kong malaman! Bwisit naman oh!



"Bakit?" I nudged him.



"Bakit?"  tanong niya at ginalaw yung paa niya. Pumwesto siya sa kama. Tulog nga to. At hindi ako makapaniwalang kinakausap ko ang taong tulog. 



"Oo. Bakit ka galit sakin?"  Pero gusto ko bang malaman yung rason?



Napayawn si Chanyeol habang tulog. "Kasi.."  he started at napakamot ng mukha niya. 



"Kasi mahal kita, Baek." another yawn. "Mahal na mahal..." bulong niya at nabitawan na niya yung kamay ko. 



Then after three seconds, I heard him snore. 



I was frozen. Sinabi lang ba niyang mahal niya ako? 



Napailing-iling ako. "H-hindi. Imposible. T-tulog lang siya. L-lasing pa! Hahaha." tumayo ako at ibinalik yung planggana sa banyo.


Napatingin ako ulit sa gawi ni Chanyeol. Kinumutan ko na siya para hindi lamigin. 



"N-nagbibiro ka lang naman diba?" bulong ko. "Mahirap kasing umasa, Yeol. Masakit din." 



Hinalikan ko siya sa noo. Kasi ako, mas mahal kita kesa sa inaakala mo.



I sighed at humiga na sa kama ko. Tomorrow is Saturday. Marami akong kailangang tapusin. 



Nakaharap ako kay Chanyeol at bigla siyang gumalaw at humarap sakin. "B-baek.."  I heard him moan. 



Napapikit ako. Park F*cking Chanyeol!!! Baka ma-rape kita diyan!!!



Punyeta. Matutulog na ako! 



Tumalikod ako sakanya at hinarap yung pader. I'll effin sleep now. 














Ang inet kaya naman hindi na ako nagtagal sa kama. Bumangon na ako at nag-stretching. 



Napatingin ako sa kama ni Chanyeol. Wala na siya dun. Maayos na ulit yung tupi ng kumot niya. 



Naligo na muna ako at nagbihis. Wala naman akong pupuntahan pero mainit eh, wala kayong pake. 



Umupo ako sa study chair ko at nagsimula nang magreview ulit. May exam kasi kami sa Monday. Long exam. 



Nang biglang bumukas yung pinto. 



Na-tense yung buo kong katawan at nanigas ako. 



"Kasi mahal kita, Baek." 



"Kasi mahal kita, Baek." 



"Kasi mahal kita, Baek." 



"Kasi mahal kita, Baek." 



WAAAAHHHH!!! Bat ba nagrerewind yun?!!!



Sinampal ko yung sarili ko at pinilit na liningon kung sino yun. At tama ako, siya nga. 



May hawak siyang kape at tinapay. 



"Breakfast, Baek?" tanong niya habang naka smile. 



Umiwas ako ng tingin. Namumula nanaman ako ngayon, shit! "M-mamaya nalang." sagot ko at tumingin ulit sa libro. Putcha. Bat ganito. Ang awkward na para sakin. 



Narinig kong umupo siya sa kama niya. "Ayoko kay Alex." 



Napalingon ako sakanya. Bakit parang biglang sumaya yung pakiramdam ko?



"H-ha? Bakit naman?" tanong ko. 



"Kasi kagabi, I realized one thing."  sagot niya habang nakatingin sa kawalan. Diretso lang yung tingin niya. 



"Ano naman yun?" 



Bigla siyang napangiti at umiling. "Wala, Baek. Naguguluhan lang siguro ako ngayon." umiling siya ulit.



Nag-shrug lang ako. "Okay." 



Inabot niya yung tinapay na hawak niya. "Baek oh. Kunin mo. Salamat pala kagabi. For everything." he said while smiling.



Kinuha ko naman yung tinapay. "Thanks. At wala yun. Bestfriends tayo diba?" Binaling ko na yung atensyon ko sa libro ulit. "Kung ano-ano pa ngang sinasabi mo eh."  bulong ko habang nagbabasa.



"Ha? bakit?" 



Footspa!!! Kaya ko nga binulong eh!!! Narinig pala! Huhuhu. 



"H-ha?" nauutal ako?! "Wala. Wala." 



"Seryoso, Baek!" andiyan na siya sa likod ko. "Did I sleep talk again?!"  he asked. Parang eager na eager yung boses niya. 



"Tss. Wala nga."  at umiling-iling pa ako. 



"Baek! Huwag ka ngang magsinungaling diyan!" inikot niya yung upuan ko at hinarap sakanya. "A-anong sinabi ko?" may something sa boses niya. Kakaiba. Parang kinakabahan na ewan. 



Umiwas ako ng tingin. I kennat!!!



"W-wala namang kwenta."  I murmured. 



"Kung walang kwenta, bat ayaw mong sabihin?"  sabi niya and raised his eyebrows.



Tinignan ko siya ng masama. "Wala nga!"



"Hay! Sinungaling ka Baek ah." 



"Tss." sagot ko at sinubukang ibalik yung upuan sa dati pero pinigilan niya ako. 



"Baek... Sabihin na kasi. Curious ako!" frustrated na sagot niya. 



Sasabihin ko ba?



Siguro nga sabihin ko nalang para malaman kung totoo ba o hindi. 



Kung aasa ba ako. At least, pag ngayon alam ko nang hindi naman talaga totoo yun, hindi na ako masyadong masasaktan. 



Pero sinong niloko ko? 



Masakit parin. Walang level ng pain. Basta masakit. 



"Sinabi mong mahal mo ako." bulong ko at umiwas ng tingin sakanya. Napabitaw siya sa upuan ko kaya naman humarap ako ulit sa libro. "Huwag ka ngang magmukhang gulat diyan, Yeol." sabi ko. "Alam ko namang biro lang yun dahil sa kalasingan mo. So there's no need to---"



Hindi ako nagsalita. 



"Byun Baekhyun..." Hindi ako lumingon. "Totoo yun." 



Parang napatigil ang mundo ko. 



Totoo yun? Seryoso?



Hindi ako makagalaw sa inuupuan ko. 



"Baek..." i heard him mutter. "I love you." 



Napatayo ako sa upuan ko. 



Huwag ganito, Yeol. Please.



Bubuksan ko na sana yung pinto palabas pero may humila sa braso ko. 



"San ka pupunta?" He looked at me na para bang nalulungkot siya. 



"B-breakfast. Kakain."  I answered. Nagiging blurry na siya. Naiiyak na ako, fck!



Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. "Baek. Huwag mo akong iwasan please." 



Napailing ako. "Park Chanyeol. Huwag mo akong pinagloloko, okay?" I said. Nanginginig yung boses ko. Pinipilit kong hindi umiyak. 



"Baek. Mahal kita. Totoo yun." 



Then I hit him. 



"Aray Baek! Para saan yun?!" sigaw niya habang hawak yung mukha niya. 



"Gago ka pala eh! Sinasabi mong mahal mo ako tapos may iba kang mga babaeng nilalabas?! Ano ako?! Laruan mo na pwede mong iwan at kunin kung kelan mo lang gusto?!" I felt my tears flowing. Hindi ko na mapigilan. "Sa tinagal-tagal nating magkaibigan Park Chanyeol, ang manhid-manhid mo kasi hindi mo maramdaman! Puro ka babae at puro ka nalang nanggagago! ANG BOBO BOBO MO, CHANYEOL!!! NAKAKABWISIT KA!!! Kaya pakiusap Yeol." I sobbed. "Huwag mong paglaruan ang feelings ko, kasi mahal na mahal kita. Sobra."Tinakpan ko yung mukha ko gamit yung mga kamay ko habang umiiyak. Hindi ko kaya. Masyadong masakit isipin kung niloloko lang niya ako. 



Then i felt his arms around me. "Baek..."  he said my name na para bang yun ang pinaka-magandang salita sa mundo. With that, mas naiyak ako. 



"Byun Baekhyun." At hinarap niya ako sakanya. "Mahal kita, okay. Alam kong naging manhid ako and I'm very sorry for that. Pero lahat ng mga babaeng dumaan sa buhay ko, I used them all para kalimutan ka." he stared deep in my eyes. Pakiramdam ko matutunaw ako. "Pero hindi ko pala kaya, Baek." Then a tear rolled from his eyes. "Nakakainis kasi kailangan ko pang maging lasing para lang magkaroon ng lakas ng loob na sabihin sayo yun."  napailing siya. "But right now, with all my senses right, sasabihin ko sayo yung totoo kong nararamdaman." 



He held my face in his hands at pinunasan yung mga luha ko. "I love you, Byun Baekhyun. Noon at hanggang ngayon." 



Napaiyak ako ulit. "Bwisit ka."  I sobbed.



I heard him chuckle. "So yan ang sagot mo? Thank you, Baek, ah." at niyakap niya ako ulit. 



"I love you more, Park Chanyeol. Stupid, jerk." 



He pulled away from the hug. 



Then suddenly, I felt his soft lips on mine. His kiss was passionate and sweet and i felt myself melt into his arms. 



"Baek..." He said between kisses.



"Hmm?" 



He kissed me again. "Thank you for catching my heart." He whispered.



"My dear Channie..." I placed my hand behind his neck. "I had it from the start." Then pulled him for another kiss while I heard him chuckle. 













Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro