Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 7: FAKE

Chapter 7:  Fake

TINANGGAL KO ang suot na wig at inihagis iyon sa sofa. Naupo ako sa tabi ni Mimo na maingat na tinitingnan ang Black Diamond Manifesto.

"Bilib talaga ako kay Detective Sean. Biruin mong napagtanto niyang hindi totoong dyamante ang nanakawin natin," komento ni Mimo.

"I think we've got loopholes in our plan that's why he figured it out. Huwag na muna nating isipin iyon. Ang mahalaga ay nasa atin na ang manifesto," wika ni Sa-el.

"I think we got a problem." Napatingin kami kay Mimo habang inililipat ang pahina ng manifesto.

"What?"

"This one's fake!"

"ANO?!" gulat na bulalas ko at sumugod sa kanya. Hinablot ko ang papel at tiningnan iyon ngunit gaya ng sabi ni Mimo ay peke iyon. Sa halip na 250 pages, limang pahina lamang ang may laman at sa natitirang pahina ay kung anu-anong letra na lamang ang naroon. Napatangis ang bagang ko at naiinis na tinapon ang bagay na iyon. Siya namang pagtunog ng cellphone ni Sa-el at mas lalong napakunot ang noo nito nang mabasa ang mensahe.

"It's the hacker. He said he went through the website of the public auction where the Demitriv's acquired the manifesto. He said it's a hoax," wika niya at nanghihinang napaupo. "Damn, we wasted efforts in this when it's really a fake one on the first place!"

Saglit na natahimik sina Mimo at Sa-el habang kinakalkula ang sitwasyon. Paglipas ng ilang sandali ay napatingin si Mimo sa akin at binasag ang katahimikan.

"Are you okay, V? Alam naming ito lamang ang bagay na makapagsasabi kung sino talaga ang mga magulang mo..."

Pilit na ngumiti ako sa kanya. Tama si Mimo. Ang manifesto na ipinadala ng Black Diamond ay maaring ang bagay na makapagsasabi sa akin kung sino ang tunay na mga magulang ko. Hindi lingid sa kaalaman ko na hindi ako kamag-anak ng mga Vera, ang pamilyang kinalakihan ko.

"Ayos lang ako."

"Are you sure?" paninigurado nila. Muli akong ngumiti sa kanila at kinuha ang backpack ko.

"Maghahatinggabi na. Mauuna na ako," paalam ko sa kanila at tinahak ang pinto palabas ng apartment ni Sa-el. Wala sa sarili na umuwi ako sa pamamahay ko. Isa iyong underground ng abandonadong apartment. Ilang minuto lamang ang nilakbay ko upang makarating ako sa bahay ko.

Sa aking paglaki ay nasanay na akong manirahan mag-isa. Mabait sa akin ang mga Vera ngunit hindi ko inabuso ang kabutihan nila sa akin. Sila ang nagturo sa akin na lumaki kung sino man ako ngayon. Kakaiba mang isipin ngunit ipinagpasalamat ko sa kanila ang lahat ng natutunan ko bilang magnanakaw. Ngunit ayon sa kanila ay natural na sa akin ang kakayahan kong magnakaw. Ayon sa kanila ay nasa dugo ko na iyon dahil ang mga magulang ko ay pinaghihinalaan nila na bahagi ng Black Diamond.

Tahimik na binuksan ko ang pinto at pumasok sa loob. Pagpasok ko ay agad kong inihagis ang bag ko sa sofa at muntikan na akong mapasigaw nang makitang may babaeng nakahiga sa kama ko.

Napakunot ang noo ko nang mapagtantong basa siya at nanginginig. Dali-daling sinalat ko ang noo niya at muntikan nang mapamura nang maramdaman ang temperatura niyang nag-aapoy. Napaungol siya at kung anu-ano ang lumalabas sa bibig niya.

"Je... Gray... M-math..."

Nagmamadaling kumuha ako ng maligamgam na tubig at bimpo at sinimulan siyang punasan. Siya ay si Amber, kaklase at kaibigan ni Calvin. Ilang beses ko na siyang nakausap ngunit hindi ko inaasahang bigla na lamang siyang mapapadpad dito.

Matapos siyang punasan ay pinalitan ko ng tuyong damit ang basang suot nito. Natagpuan ko rin ang sarili kong nagluluto upang kahit papaano ay mainitan siya. Nang maayos ko na ang lahat kasama ang gamot sa tray ay dinala ko iyon sa kama. Eksakto namang napamulat siya at nagtagpo ang mga mata namin.

"Gising ka na pala," wika ko sa kanya. Sinikap kong huwag magpakita ng emosyon. Nang makalapit ako sa kanya ay inilapag ko ang tray sa tabi niya. "Kainin mo na ito at nang makainom ka na ng gamot."

"Gamot?" tila nagtatakang tanong niya.

Napatingin ako sa kanya at hinugot ang thermometer na iniwan ko sa kilikili niya. Bahagya siyang napapiksi dahil sa gulat at sinamaan ako ng tingin nang inihagis ko iyon sa kanya at muntikan na niyang hindi masalo iyon. Bahagya pa siyang nagulat nang tiningnan niya iyon.

"Gumagawa ka ba ng music video para sa kanta ng Aegis na Basang-basa sa Ulan?" tanong ko at napasimangot siya. Ilang saglit ay nanlaki ang mga mata niya at tiningnan ang katawan sa ilalim ng kumot.

"W-who changed my clothes?!"

Pinaikot ko ang mga mata bilang tugon. "Wala akong panahon na papuntahin pa rito si Gray upang—"

"Don't ever mention his name!" putol niya sa sasabihin ko. "S-sorry... Y-your joke is somewhat green."

"Hindi ako nagbibiro. Kung hindi lang malalim ang gabi, pinapunta ko na siya rito upang bihisan ka at iuwi," wika ko na ikinasimangot niya.

"You're the worst!"

"Alam kong magiging big deal sa iyo na bihisan ka. Huwag kang mag-alala, hindi naman kita kinunan ng litrato na nakahubad—"

Sa ikalawang pagkakataon ay pinutol niya ang sasabihin ko. "Argh! What the hell?!"

"Sa lahat ng may sakit, ikaw lamang ang tila handang sumalakay kahit na nanghihina." Hindi niya ako pinansin at nakasimangot lamang kaya tinuro ko ang tray na may lamang pagkain at gamot. "Kainin at inumin mo na iyan at nang makaalis ka na."

"Kapag hindi ko ba iyan kakainin at iinumin, maari ba akong manatili muna rito?" puno ng kalungkutan ang boses niya. Tiyak kong may dinaramdam siya ngayon.

Binuksan ko ang bibig ko upang magsalita ngunit walang salita ang namutawi mula rito. Nasanay na akong manirahan mag-isa ngunit napakahirap tumanggi lalo na at tila malaki ang problemang pasan niya ngayon.

"I can pay for rent at—"

"Bakit dito?" tanong ko sa kanya. Hindi kami magkaibigan. Kaibigan siya ni Calvin na dating kaibigan ko. Malalim ang hiningang pinakawalan niya kaya muli akong nagsalita. "Hindi mo na kailangang sagutin ang tanong ko. At hindi ka rin maaring manatili rito."

"Bakit naman?" nakasimangot na tanong niya. Ang tila may dinaramdam na ekspresyon ng mukha niya ay napalitan ng katapangan. Isang ekspresyon na tila ba susulong sa giyera.

"Dahil sinabi ko. Bilisan mo nang kumain dahil kailangan mo nang umalis at—" hindi ko na natuloy pa ang sasabihin nang muli siyang humiga sa kama at nagtalukbong ng kumot.

"Amber!" sigaw ko at hinila ang kumot mula sa katawan niya. Bago ko pa iyon tuluyang mahila ay bigla siyang napaupo at hinila pabalik ang kumot. Mukha kaming baliw na naghihilahan sa isang kawawang kumot.

"Hindi ka pwede rito! Lahat ng gamit dito ay mula sa nakaw o ‘di naman ay binili gamit ang pera na galing sa pagnanakaw!" wika ko sa kanya. Alam kong alagad siya ng kabutihan. Magkaiba ang pananaw namin sa buhay. Kung para sa akin ay isa akong magnanakaw na naglalayong kunin ang mga bagay na ninakaw lamang din ng iba mula sa tunay na may-ari, para sa kanya ay isa pa rin akong magnanakaw na walang pinagkaiba sa nagnanakaw para sa pansariling interes.

"For a thief, you are so honest," wika niya at muling hinila ang kumot. "Wala akong pakialam! It's not me who stole them anyway!"

"Magnanakaw ako pero hindi sinungaling!" sagot ko sa kanya. Pinalaki ako ng mga Vera na tapat. Tuluyan ko nang nahila mula sa kanya ang kumot kaya ang paa niya ang sunod kong hinila paalis ng kama. Napakapit siya sa headboard ng kama kaya hindi ko agad siya nahila kahit na maliit lang siya at magaan.

"Umalis ka diyan!"

"Ayaw!"

"Alis sabi eh!" sigaw ko. Nagulat ako nang bigla na lamang siyang napahawak sa ulo at tila maiiyak na anumang oras.

"Aaaaah! My head hurts!"

"Alam ko kung nagsisinungaling ang isang tao at kung totoo mang masakit ang ulo mo, wala na akong pakialam!" wika ko at hinila ulit ang paa niya. Napakapit uli siya sa kama at nagmatigas. Nagpatuloy kami sa paghihilahan hanggang sa ako na ang unang sumuko at padabog na binitawan ang paa niya.

"No! I will stay here!"

"Uhhhh!" naiinis na sambit ko bilang pagsuko. Talo ako. "Ngayong gabi lang!"

"No. For days or even weeks," wika niga at nakangiting inabot ang pagkain.

"Weeks? Nababaliw ka na ba? Malayo-layo ito sa paaralang pinapasukan mo kaya mahuhuli ka kung dito ka mananatili! Paano na ang dorm—"

Pinutol niya ang sasabihin ko. "I'm not going to school anymore." Humigop siya ng sabaw at bahagyang napangiti.

"Ano? Pati ba laman ng utak mo ay nabasa ng ulan?" Umakyat ang dugo ko sa ulo nang tila hindi niya narinig ang sinabi ko at nagpatuloy lang sa pagkain. "Hindi ako papayag!"

"Magbabayad ako kaya ‘wag kang mag-alala. Just don't make it so expensive dahil ulila na akong lubos at kailangan kong magtipid sa ngayon hangga't hindi ko nakukuha ang mana ko."

Natampal ko ang sariling noo. "Hindi ba pwedeng mag-hotel ka na lang? At bakit ba hindi ka na papasok? Malapit na ang bakasyon, ngayon ka pa ba titigil?"

"I don't know that you're concerned about my future. At ayaw ko sa hotel, like I said, I want to stay here." Napadighay ito matapos humigop ng sabaw. "Excuse me."

Napataas ang isang kilay ko at nakapameywang na hinarap siya. "Nasaan ba ang mga kaibigan mo? Si Calvin at yung—kasama ninyong alien?" Naiinis ako kapag naaalala ko ang babaeng alien na iyon.

Napansin ko ang pananamlay niya nang marinig ang sinabi ko. Kinuha niya ang gamot at ininom iyon nang hindi man lamang ako sinasagot.

"Ah. Ibig sabihin ay nag-away kayo," komento ko at sinamaan niya ako ng tingin. "Nag-away nga," wika ko sa sarili at muling hinarap siya. "Hindi ka pwede rito."

"Argh! Hindi pa ba tayo tapos diyan? I thought we already agreed?!"

"Asa ka! Hindi ka pwede rito, okay? Hindi ito hotel o apartment, bahay ito ng magnanakaw. At kung mananatili ka rito, hindi ka ba natatakot na baka patayin kita?" pananakot ko sa kanya.

"You're a thief, not a killer."

"Hindi mo ako kilala", wika ko sa kanya. Ilang beses ba niyang sasabihin na magnanakaw ako? "Mabuti pa maghanap ka na lamang ng ibang matutuluyan."

"I want to stay here," wika niya sa isang determinadong boses. "Tsaka bakit ba ang arte-arte mo? Wala ka namang kasama rito, ah!"

"Gusto ko ang mag-isa!" Huh, may lakas pa siya ng loob na ipagpilitan ang nais niyang mangyari.

"M-malungkot mag-isa," wika niya at bahagyang nabasag ang boses.

"Hindi ako malungkot."

"Fool yourself."

Ilang minuto ko siyang tinitigan na tila ba mababasa ko sa kanya kung ano ang pinagdaanan niya. "Sabihin mo nga sa akin, anong nangyari?"

"Magnanakaw ka, hindi ka chismosa," wika niya. At TATLONG beses na nga niyang pinamukha sa akin na magnanakaw ako.

"Kung dito ka matutulog, ‘wag ka riyan sa kama ko!" wika ko. Muli siyang nahiga at hinila ang kumot hanggang sa leeg niya.

"You will dare to let a sick person sleep on the couch?!"

"Argh! Alam mo bang nangangati na ang kamay kong takpan yang mukha mo ng unan?!" hindi ko mapagilang mainis.

"Magnanakaw ka, hindi ka pillow murderer," sagot niya at mas lalong nag-init ang ulo ko.

Sa inis ko ay nanggagalaiting pinasok ko na lamang ang banyo upang doon magpalamig ng ulo.

#


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro