CHAPTER 5: D-DAY
Chapter 5: D-Day
~RYU~
I walked back and forth as I tried to decide if I should go or not. The email could be a hoax, a trap or whatever. But given all the strong points that I need to consider, I should really go. Kilala ng taong iyon kung sino ako. I know he knows a lot and that fact cannot be neglected.
Pasado alas onse pa lamang ng gabi at kung sakaling makapagpasya man ako, I still have enough time to drive towards Higher Museum. Dapat ko nga bang patulan ang kung sino man ang nagpadala ng mensahe na iyon?
I sat on the swivel chair and emptied my mind. Naririnig ko ang tunog ng relo at ganito ako kapag nasa malalim na pag-iisip. Ilang sandali lamang ay nakapagpasya na ako. Tumayo ako at tinungo ang kama. Kinuha ko ang itim at mabigat na bagay sa ilalim ng unan. Then I opened the drawer on the side and got another gun. No reaper will be with me tonight kaya kailangan kong maniguro. I tucked the guns in my waist at inabot ang coat ko na nasa kama. Two guns isn't enough but I still have another extra guns in my car. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at tumingin sa hallway. No reapers—
Muntikan na akong mapasuntok nang bigla na lamang sumingaw ang mukha ni Mnemosyne mula sa gilid.
"What the! Ano ba Mnemosyne!"
"You're acting suspiciously Babe— err, I mean Apollo and you're.. " She looked at me from head to foot nang binuksan niya ang pinto. "You're dressed. Saan ka?"
"In case you forget, you're just a reaper. I'm not oblige to tell you wherever hell I'm going," I said with a smirk. She frowned at me for a while before a sweet smile replaced the frown.
"Stop that smirk, I'm falling head over heels in love—"
"Get lost Mnemosyne," wika ko sa kanya at tuluyang lumabas ng silid. Nilagpasan ko siya at tinahak ang daan pababa ng hagdan.
"Ba— Apollo! Saan ka pupunta?"
I stopped and looked back irritated. "Kailangan ko pa bang ulitin ang sinabi ko sa'yo kanina? Or should I elaborate it? Fine, I'm the boss and you're just a reaper. Reapers are meant to follow a boss's orders. Nasa baba lamang kita kaya hindi ko obligasyon na sabihin sa'yo kung saan ko man balak pumunta."
She put on a reaper's expression on her face. Isa siya sa mga taong hindi natatakot sa temper ko. Whenever I'm not in the mood, she's irritated but not afraid of me. The same goes with Amber.
"Exactly. I'm a reaper and I'm doing my job right now. Cronus said I should guard you tonight at huwag kang hayaang lumabas mag-isa. Alam mong mainit ka pa sa kalaban ng mafia. And I'm just following Cronus's order. Just in case you forget who he is, Cronus is the boss of all the bosses of Vander Mafia. Got it? So it's either bring me with you wherever you are heading or..." She paused and pointed the door of my room. "Or bumalik ka roon. Now choose."
I slowly closed my eyes and controlled my temper. Yup, just this afternoon, Cronus ordered that Cooler and I shouldn't go anywhere without a reaper dahil sa nangyari kanina. Nagkaaberya ang isang malaking transaksyon and ended up paralyzing both parties kaya nauwi sa barilan. Good thing Cooler and I was able to escape ngunit malamang ay nag-aabang pa rin sila sa amin.
Ikinuyom ko ang kamao ko at sinamaan siya ng tingin bago muling tinahak ang daan patungo sa silid ko. Padabog na isinara ko ang pinto at ini-lock iyon. Pagpasok ko ay hindi ako mapakali. Knowing the reapers, wala akong kawala kung sakaling dumaan man ako sa tamang daan. I have no other choice but to take the other way.
Sinigurado kong naka-lock ang pinto bago ko binuksan ang bintana. My room is in the second floor at malamang matinding pinsala ang aabutin ko kung sakaling bumagsak ako. Huminga ako ng malalim bago hinigpitan ang pagkakahawak sa bintana at unti-unting inilabas ang katawan ko mula roon. I just hope I will have a safe trip going down— and luckily, I did. Matapos ang halos labinlimang minuto ay nasa labas na ako ng mansyon. I cannot take my car with me lalo na at hindi ko iyon mailalabas dahil malamang ay nasabihan na rin ang mga guard na huwag kaming palabasin. Ang tanging dala ko ay ang aking backpack na naglalaman ng mahahalagang bagay gaya ng laptop, cable wires, wallet at baril.
Nang makalayo-layo ako sa mansyon ay agad akong tumawag ng taxi at nagpahatid sa Higher Museum. I arrived there earlier than what's set by the sender. Inayos ko ang suot na ballcap at inilibot ang paningin sa paligid ng museum. Higher Museum is set to open after a week dahil kasalukuyan itong inire-renovate. Tahimik ang paligid ngunit batid kong nakabukas ang mga CCTV camera sa paligid. Isang guard lang din ang nasa harap at panay pa ang panghihikab.
I silently walked to the back of the museum. Nang makahanap ako ng lagusan papasok sa loob ay dumaan ako roon ngunit nanatiling mapagmatyag sa paligid. Nakapatay ang ilaw sa loob ng museum kaya malaya akong gumalaw sa loob at naghanap ng magandang pwesto na pagtataguan. I set-up my laptop and with few clicks I was able to have a view of the camera's recordings.
Sinabayan ko ng bilang ang relo at nang sumapit ang alas dose ay namataan ko ang isang lalaking naglalakad malapit sa hallway. Panay ang lingon nito sa paligid na tila ba may hinahanap. Manaka-nakang sumusulyap din ito sa relo. Maybe that's him! The man who sent me the email— but looking at him... Mukhang hindi nagkakalayo ang edad namin. Marahil ay mas matanda siya sa akin ng isa o dalawang taon. I was convinced that he's the one who sent me the mail ngunit isa na namang lalaki ang namataan ko na nakunan ng Camera 2.
Panay din ang lingon nito sa paligid na tila ba may hinahanap— what the hell? Sino sa kanilang dalawa ang nagpapunta sa akin dito?
Is it the first guy or this guy who looks a bit older than us? Bago pa man ako makapili sa kanilang dalawa ay isang pigura ang nahuli ng mga mata ko na mula sa Camera 8. It was a girl with a short hair and wearing black clothes. Mahinang gumalaw ito at dahil nakaitim ito ay hindi ito masyadong nahahalata. May dala rin itong bag. Just like the others, she was walking suspiciously at naging mapagmatyag sa kanyang paligid.
What crap is this? Bakit may tatlong tao dito sa museum? I don't think they are here to steal something from here dahil una sa lahat ay walang lamang mahahalaga at mamahalin na mga bagay ang museum dahil inilipat iyon nang sinimulan ang renovation. Napamasahe ako sa ulo ko. Who are these people? At bakit nandito rin sila?
Just then, I receive an email at mula iyon kay AGENT1000.1.1000.0
Your presence is your approval and interest in my newly formed team composed of you and the other people that you see right now—
What the hell!? Alam niya na nandito na ako?! But how?! Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa sa mensahe.
The team will be called, "LUPIN" with the objective of stealing valuable things but maintains gentleman's manners and code of honor. The stolen objects will not be yours but we will give the object away to a good cause. You will steal from people who doesn't appreciate those things and steal back what was stolen or taken dishonestly and return them to the real owner.
This is crazy! At bakit ko naman gagawin iyon? Nababaliw na ba ang taong ito? Why doesn't he show himself?
Show yourself.
Ilang minuto nang mai-sent ko ang reply ko ay isang mensahe na naman ang dumating.
No. Show yourself to your teammates.
Napabuntong-hininga ako at tiningnan ang tatlong tao. Right now, they're unaware of my presence. Sa katunayan ay maganda ang adhikain ng organisasyon na ito. I understood why he or she would contact me to be part of this organization, I am a hacker and a very valuable asset to this team. What can these three do?
Pagkatapos ng ilang segundong pag-iisip ay tinipa ko sa laptop ang sagot ko.
I have a counteroffer. How about joining the team but maintining my anonymity?
Ilang saglit lamang ay natanggap ko na ang reply nito.
Deal.
Nang mapadako ulit sa mga footage ang mata ko ay nasa malapit lamang sila. Bigla na lamang nagkita ang dalawang lalaki at saglit na nagbuno. Napansin kong nakatingin sa kanila mula sa di kalayuan ang babae. Pagkatapos ng ilang minutong paglalaban ay nag-usap ang dalawang lalaki. Few moments after, they both showed each other a brown envelope. Hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nilang dalawa ngunit mukhang nagkaayos na sila.
Isang sigaw ang narinig ko na nag-echo pa sa kabuoan ng museum at nagmumula iyon sa guard. Malamang ay nasa malapit lang sila.
"Mga magnanakaw!"
Dali-daling tumakbo palayo ang dalawang lalaki at gayundin ang babae. Inayos ko naman ang mga gamit ko at isinalampak iyon sa loob ng backpack at nagmamadaling lumabas ng museum. I took the way that I used in getting in at nang tuluyan akong makalabas ay bigla akong napatigil nang makita ang babae mula sa 'di kalayuan.
She looked around and before she can see me, I was able to hide myself. Bago siya tuluyang umalis ay nakita kong tinanggal niya ang maikling buhok— what? She was wearing a wig?! May tinanggal rin siya sa kanyang mukha at agad siyang sumampa sa kanyang motor at lumayo roon.
I didn't have a chance to take a look at her face but I was able to take a good look with her back as she drove away and her long, curly hair was swaying along the cool wind.
Well, I hope this thing that I'm in goes well.
#
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro