Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 40: ACE OF SPADES

Chapter 40:  Ace of Spades

~VICTORIA~


Take what you planned to take.

Hindi ko dapat pagkatiwalaan ang ganitong sitwasyong. Napakatahimik ng buong bahay kahit pa sabihing gabi. Tila sinadyang walang nakabantay sa mga pasilyo. Kung ano man ang plano ni Homer, nakahanda na ako kung ano ang magiging kalalabasan ng lahat.

Isa lang ang pinunta ko rito. Ang kanyang buhay. Isa lang sa amin ang matitira ngayong gabi at kung sino man iyon, hindi ko alam. Nakakapanghinala man ang katahimikan ng gabi, sa tingin ko ay mas mabuti nga iyon kaysa kung maraming nakaabang na bantay upang hulihin ako ngayon.

Si Homer lang ang sadya ko kaya hangga’t maaari ay ayaw kong mandamay ng iba.

Bago ako sumugod ngayon ay naging klaro na sa isipan ko ang maraming bagay. Sakim si Homer at kaya niyang gawin ang lahat alang-alang sa pera. Klaro na rin sa alaala ko ang pagpatay niya sa ama ko.

N, stay in your room,” sabi ng ama niya sa kanya. Nakatayo sa harap nila ngayon ang isa pang lalaking nakasuot ng itim na salamin. Tinanggal niya ang salaming iyon at ibinaba ang sarili upang makaharap ang bata.

“Hello, Victoria,” bati niya sa bata. “I’m your Uncle Clover. Your father just called you N, is that your name?”

Yumakap ang bata sa baiwang ng kanyang ama at natakot sa lalaking nagpakilalang Clover. Umiling-iling ito at hinarap ang kanyang ama. “Jack, you should tell your daughter good things about me.”

“You didn’t do anything good, Clover,” sagot ng kanyang ama. “Victoria, to your room now.”

Walang pag-aatubiling sumunod ang batang si N sa sinabi ng kanyang ama. Her name’s Nike or N, and that’s what her father used to call her. Ang sabi nito ay huwag niyang basta-basta ibibigay ang pangalan niya sa mga estranghero o kahit na kanino na sa tingin niya ay hindi mapagkakatiwalaan. Ngayong tinawag siyang Victoria ng kanyang ama, she knows right away that the man couldn’t be trusted.

She’s fully aware that things are not going right at the moment. The guards are side by side, ready for anything. Their fingers were placed at the triggers of their weapons and alert. Kahit ang mga armadong kasama ng nagpakilalang Clover ay alerto rin.

She noticed how her father hold up three fingers, an exclusive signal between the two of them. It means escape. Kailangan niyang umalis sa bahay na iyon gamit ang exit na sila lang din ang nakakaalam. A secret passage from her bedroom.

Agad siyang umakyat sa kanyang silid at tiningnan ang kanyag repleksyon sa salamin. She recalled what her father told her. In case he signal her to escape she must remove her disguise and change into normal clothes.

Agad siyang nagbihis ng damit. Lumang sando at kupasin na short. Tinanggal niya ang suot na tuwid na wig at lumitaw ang kanyang kulot na buhok. Tinahak niya ang sikretong lagusan at inisip ang ama. She know within herself that it could be the last time she will see him.

Palagi niyang naririnig ang kanyang ama na may kausap at sinasabing maaring anumang oras ay patayin siya. She fears about what will happen but she know her father will not be happy if she won’t follow his signal.

Nang marating niya ang dulo ng sikretong lagusan ay binuksan niya iyon. It was a heavy sewer grate few meters away from their house. She squeezed herself up bago muling isinara iyon. Sa ‘di kalayuan ay naroon ang mga sasakyan at ilang armadong lalaki. Malayong-malayo iyon mula sa bahay nila ngunit napansin niya ang lalaking nakadapa sa harap ng malaking uri ng baril at tila anumang oras ay handang kalabitin ang gatilyo.

“Bata...”

Natigilan siya nang marinig ang boses na iyon.

“Psst, bata!”

Pabulong lamang ang boses na tumatawag sa kanya kaya napalingon siya sa likuran niya kung saan nakatago sa likod ng sasakyan ang isang batang lalaki. Sinenyasan siya nito na lumapit.

“Anong ginagawa mo rito?” tanong nito sa kanya. “Delikado rito, umalis ka na.”

Tiyak niyang hindi tagaroon ang batang lalaki. Based on how he was dressed, she could tell that he’s from a rich family. He could possibly be with that man who introduced himself as Uncle Clover. “Ikaw, anong ginagawa mo rito?” mahinang bulong din niya. The few men were away from them at naka-focus sa kalayuang bahay nila.

“I happened to hide at my grandpa’s car trunk habang naglalaro kami ng tagu-taguan ng pinsan ko,” sagot ng batang lalaki.

“Your grandpa is that scary looking man with a mole here?” she pointed at the side of her neck.

Tumango ang batang lalaki. “Yup. Ikaw? Bakit galing ka sa manhole?” She refused to answer and the kid felt it so he asked another question. “What’s your name?” hesitant pa rin siya kaya inilahad nito ang kamay sa harapan niya. “My name is Ryu.”

Ilang segundo niya iyong tinitigan at paulit-ulit na bumabalik sa isipan niya ang sinasabi ng kanyang ama na huwag ibigay sa mga estranghero ang kanyang pangalan sa sa kung kahit sino na hindi mapagkakatiwalaan. She sighed before she reached for his palm.

“Nike,” sagot niya. “You can call me N. Are you like your grandpa?”

The kid Ryu shook his head after smirking. “No way. Ayaw ko sa kanya!”

“But he’s your grandpa. Siguradong magiging katulad ka rin niya.”

“Nah, I don’t like him,” tanggi ng bata. “I like my Tito Cool the most.”

“Is your grandpa a bad man?”

Ryu nodded. “They killed so many people.”

“Paano mo nalaman?” she asked.

The kid raised his hand holding a phone. “I hear them talked about it.”

Sabay silang napalingon nang marinig ang mga papalapit na sasakyan na mula sa bahay nila. Agad silang nagtago nang huminto iyon malapit sa kanila. Lumabas mula sa sasakyan ang paika-ikang maglakad na si Clover. Duguan pa ang isang binti nito.

“Those bastards! Ayaw talaga nilang sabihin sa akin kung nasaan ang mga ninakaw namin!” naiinis na bulalas ni Clover at ilang beses na napamura. “The map isn’t in Jack’s body at hindi ko rin mahagilap si Ace. I know them, they always hide things in their bodies pero wala kay Jack! The kid is even nowhere to find!” frustrated na hinampas nito ang kotse. Napadaing siya at napahawak sa binti. “Damn that, Jack!”

Nagkatinginan ang dalawang bata. N immediately hold up a finger to her nose, making a gesture to keep quite. Ryu nodded they both remained silent.

“Blow up the entire house!”

Nanlaki ang mga mata nila sa narinig at sa isang igla lamang ay kinalabit ng lalaking nakadapa ang armas sa harapan niya. In a blink of an eye, Jack’s house was on fire. N hardly move and she can’t believe her eyes right now. Tinutupok ng apoy ang kanilang bahay at hindi siya agad na nakagalaw mula sa kinatatayuan.

Tinulak siya ni Ryu patungo sa bukas na sewer grate. “Hide!”

N was too shocked to react but she still hide anyway. Ilang sandali lamang ay napatingin si Clover sa direksyon nila. Nakakunot ang noo na napatingin ito sa kanya at mababakas ang galit sa mukha. “Ryu?! What are you doing here?!!”

The kid shook in fair but still replied. “I-I w-was playing hide and seek with C-cooler and I hid in the trunk.”

Mula sa ilalim ay naririnig ni N ang pinag-uusapan ng mga ito.

“Did you see a kid here?” tanong ni Clover.

“Y-yes,” sagot ni Ryu. Biglang kinabahan si N. In case the kid will betray her, she’s done for. She clutched her own palm as she listened to them. Wala siyang pakialam sa mabahong amoy ng sewer o sa mga daga na nasa paanan niya.

“Where is she?”

“J-just a while ago, I-I saw her running from the back of the house,” sagot ni Ryu. “S-sumakay siya sa malaking sasakyan.” N suppressed her sigh. Ryu surely sounds nervous but he’s a pretty good liar.

“Homer,” boses iyon ng isa sa mga tauhan niya. “Kanina ay namataan ko rin ang malaking sasakyan na sinasabi ng bata. May sasakyan kasi kanina na naghahatid ng mga gamit. Mukhang may naglilipat-bahay diyan sa kabila.”

“Shit!” mura ni Clover. “Get inside the car, Ryu! At kayo naman, hanapin ninyo ang sasakyang iyon! Make sure you come back with that kid-- unscathed! The map might be tattooed in her body!”

Nang bumalik ako sa kasalukuyan ay paakyat ako ng hagdan. Klaro na ang lahat sa akin. Ang mukha ng ama ko, ang tahimik na buhay namin sa London na biglang nag-iba nang bumalik kami rito. Noong bata pa ako ay palagi akong nagtataka kung bakit kailangang iba ang ayos ko sa normal na mukha ko. Palaging may suot na wig, prosthetics at kung anu-ano pa. Ipinaliwanag sa akin ng aking ama ang dahilan ng lahat ng iyon ngunit masyado pa akong bata para maintindihan lahat.

Bigla na lamang may humampas ng baril sa akin ngunit agad ko iyong naiwasan. Sinipa ko sa tuhod ang guard na nasa harap ko. Dumating pa ang isa niyang kasama at pinagtulungan nila ako. Tumalon ako at kumapit sa hand rails ng hagdan kaya nagkabanggaan silang dalawa. Sinamantala ko ang pagkakataong iyon at hinampas sila sa likod ng ulo. Sinigurado kong mawawalan lang sila ng malay.

“V, I got the hacker,” narinig kong sabi ni Sa-el mula sa suot kong in-ear.

“Umalis na kayo rito,” sagot ko. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko na nailigtas niya ang hacker. Sinabi sa amin ni Mimo ang pinagdaanan nito. Hindi ko alam bakit niya iyon ginagawa gayong si Homer ang kadugo niya. Siguro nga ay totoo ang sinabi niya noon. Ayaw niya kay Clover/Homer. Isa pa ay naipakita na niya noong mga bata pa kami na mapagkakatiwalaan ko siya. Pinakita niya ulit iyon ngayon.

“We’re on our way,” sagot niya. “And don’t worry about the guard around the house anymore. My sleeping gas did its job.”

Napangiti ako sa narinig. Maaasahan ko talaga sa mga ganitong bagay si Sa-el. Palagi siyang may naiisip na paraan kahit gaano kagipit ang sitwasyon.

“Salamat.”

“V?” tawag niya sa nag-aalalang boses. “Be careful.”

Muli akong napangiti sa sinabi ni Sa-el ngunit hindi na ako sumagot. Pinatay ko ang suot kong in-ear at nagpatuloy sa pag-akyat sa hagdan hanggang sa marating ko ang palapag na pakay ko. Buo ang loob na tinahak ko ang daan patungo sa harap ng pintong iyon. Minarkahan ko ang pintong iyon sa floor plan na ibinigay sa akin ni Mimo at tiyak kong doon ko matatagpuan si Homer.

Pinihit ko ang siradura at bumungad sa akin ang loob ng silid. Malamlam ang ilaw sa loob ngunit maliwanag na maliwanag ang malaking mesa sa harap kung saan mayroong mga baraha at nakaupo si Homer doon. Nakaharap siya sa bakanteng upuan at nakatingin sa akin.

Napasulyap siya sa suot niyang relo. “You’re a little slow than I expected.”

Tumayo ako nang tuwid at inalisa ang sitwasyon. Naroon siya at tila handang-handa sa pagdating ko. “Inaasahan mo ako.”

Tumango siya. “Of course, I’m expecting you. I should have given you a grander welcome but I don’t think you’ll like that. Isa pa, you know I’m a crippled man. It will only be hard for me.”

Itinaas ko ang hawak na baril at itinutok iyon sa kanya. “Isang bagay lang ang ipinunta ko rito. Katotohanan at hustisya.”

“Not so fast, N,” sagot niya. “You should be paying respect to your Uncle Clover first.”

“Hindi ko iyan ibibigay sa ‘yo.”

Tumawa siya at umiling-iling. “You want the truth and justice, right?” Itinuro niya ang upuang nasa harap niya. “Take a seat and we’ll get to that.” Nag-aatubiling napatingin ako sa upuan. Maaaring isa iyong trap. Nabasa niya marahil ang iniisip ko. “Don’t worry, N, the trap isn’t activated yet.”

Tinuro niya ang ilang mga buttons na nasa mesa, katabi ng mga playing cards. “I’ll tell you the truth about everything as we play. Sasabihin ko sa ’yo ang lahat ng nalalaman ko tungkol sa ama mo.”

Nakakatakam ang alok niyang iyon. Gusto kong malaman lahat ng tungkol kay Papa pero tuso si Homer. Kailangan kong maging maingat. “Don’t worry, N. I’m not up for anything tonight. I know where you are all these times yet I didn’t catch you. Hindi ba’t kasama mo palagi si Amber--”

“Kapag pati siya ay dinamay mo, hinding-hindi kita mapapatawad!” Bahagyang tumaas ang boses ko at muling itinaas ni Homer ang dalawang kamay na tila ba sumusuko.

“Alright, alright, I got that. I won’t touch her unless I want to taste the wrath of my own daughter Athena, so you don’t have to worry,” sabi niya. “You’re here for truth and justice, I want you here for the location of the loot. We will play so that one will take what he wants. It’s just fair right?”
Huminga ako ng malalim at ibinaba ang baril. Inilagay ko iyon sa mesa sa gilid.

“Wala akong alam na kahit anong laro.” Umupo ako sa upuan sa harapan niya.

“No problem, then how about a game of guessing?” tanong niya. Kinuha niya ang mga barahang nasa harap namin at pumili ng apat na baraha. Ipinakita niya iyon sa akin. Alas na diamond, heart, club at spades. Itinaob niya iyon sa mesa matapos balasahin. “Simple lamang, huhulaan natin ng isa-isa ang bawat card. You can reshuffle this if you’re being suspicious.”

Sumunod naman ako sa sinabi niya at mabilis na binalasa ang mga baraha. Pinindot niya ang button na nasa gilid at umilaw ang inuupuan naming dalawa. Lumitaw rin ang countdown timer doon kaya nagtatakang napatingin ako sa kanya.

“These are the punishment for whoever leave this game without finishing it,” sabi niya. “Ten minutes is too long for us to be guessing on four cards kaya gagamitin natin ang sampung minutos na ito para mag-usap. If you stand up before the timer stops, you’ll be electrocuted. Same goes with me kaya kung ako sa ’yo ay hihintayin ko na lamang na matapos ang timer.”

Naniningkit ang mga matang tiningnan ko siya at binabasa kung nagsasabi ba siya ng totoo. “Paano ko malalaman na nagsasabi ka ng totoo? Paano kung upuan ko lamang ang may ganoong epekto?”

“I’m evil but evils can be serious too, N,” sagot niya. “Isa pa, I already know you’re a dangerous woman so I wouldn’t dare being in the same room with you alone. You know I cannot run or anything if you do some tricks.”

Tumango ako. Kahit papaano ay naniniwala ako sa kanya. “Inaasahan mo talaga ang pagdating ko rito.”

“Yup,” sagot niya. “Mimo is very predictable. When he thought it’s easy to steal the floor plan of my house, I was already planning my move. I let him think he outwitted me.”

Tama nga ang kutob ko na mapagkakatiwalaan ko sa pagkakataong ito si Mimo pero mukhang pati siya ay naisahan pala ni Homer. Ang nangyari ay kami pa ang kumompleto sa plano ni Homer. Gayunpaman, handa na ako sa maaaring maging resulta ng usapang ito.

“Ano nang mangyayari?”

Ngumiti ng nakakalokong ngiti si Homer. Kahit na matanda na siya ay mababakas ang kanyang talino. Planado na niya ito at ako naman ay tila isang gamo-gamo na lumapit sa apoy. “If you guessed it right, you can kill me. If I guessed all the cards right, I won’t kill you. Kukunin ko lang mula sa ’yo ang lokasyon ng loot ng Black Diamond. Then I will incapacitate you, gaya ng ginawa ng ama mo sa akin.”

“Kaya gagawin mo rin akong lumpo?” tanong ko.

Tumango siya bilang sagot. “Yup, you know it’s not easy being a cripple. So, how are you doing, N?”

Nag-iwas ako ng tingin. “Huwag mong itanong iyan at sabihin mo na lamang sa akin ang nalalaman mo tungkol sa ama ko.”

“Oh, manang-mana ka talaga sa ama mo, masyadong straight to the point,” sabi niya kasabay ng tawa. “I’ll tell you about Black Diamond instead, tutal mukhang ganoon din naman ang napili mong gawin. What do you call your group? Lupin?”

Hindi ako sumagot at nanatiling nakatingin sa kanya. Naging alerto ako kung sakaling mandaya man siya. Nai-check ko na rin ang mesa. Hindi salamin o kahit ano, kundi kahoy lamang iyon. Two minutes. Halos dalawang minuto na ang lumipas.

“The written accounts about Black Diamond aren't accurate. They said Black Diamond only consists of three members namely Jack, Ace and Clover when in fact it’s four.” Ibinaba niya ang tingin sa mesa kung nasaan ang apat na card. “You see, we’re named after the card suits, Jack for Diamond, Ace for Spades, I, Clover as the Club and what do you think is the last member?”

“Heart,” sagot ko.

“Right, Queen for Heart. Unfortunately, Queen died after giving birth to you,” nakangising wika niya. Napakuyom ang kamao ko. Kung gayon ay bahagi rin ng Black Diamond ang ina ko.

“We’re the most successful thieves then,” sabi niya. “We steal every valuables we want but your dumb father doesn’t distribute it fair. Hindi pantay. Sa halip na hatiin sa 3 dahil wala na si Queen, hahatiin niya ito sa dalawang bahagi. 70-30. The 70 will be for our objective, at ang 30 ay ang paghahatian naming tatlo kaya sampung porsiyente na lamang ang nasa akin.”

Kulang-kulang limang minuto...

“And you... you’re the only one who knows where’s that f*cking 70 percent of the stolen items are.” Ibinaba niya ang tingin sa nakalinyang cards sa harapan namin. “Guess the cards now.”

Ilang sandaling tinitigan ko ang mga nakataob na cards at bumuntong hininga. Naguguluhan ako sa sitwasyon ngayon. Kinukwestyon ko ang sarili kung bakit nakipagkasundo ako kay Clover gayong hindi siya mapagkakatiwalaan. Ang sagot na nakuha ko sa mga tanong ko sa sarili ay mga impormasyon sa mga magulang ko. Hindi ko kailanman pagsisisihan na kahit papaano ay may nalaman ako tungkol sa kanila kahit pa ano man ang mangyari sa akin ngayon.

Tinuro ko ang unang baraha. “Ace of hearts.”

Nakakalokong ngumiti si Homer. “I guess this is ace of diamonds. I’ll flip it now.”

Nang ini-flip niya ang baraha ay tumambad sa amin ang ace of diamonds. Napamura ako sa sulok ng isipan ko. Tiyak kong may trick siyang ginawa kaya alam niya iyon.

“The second one?” tanong niya.

Mas magiging madali na lamang ito. Tatlo na lamang ang maari kong hulaan. “Ace of spades,” sagot ko.

“Ace of hearts,” wika niya kasabay ng pagbaliktad niya sa baraha. Ace of hearts nga iyon. Napangisi siya at tumingin sa akin. “Now we have to guess these remaining cards at the same time.”

Nanatili akong tahimik at pilit na inaalam kung paano iyon nangyari. Kung ano ang trick niya para malaman ang mga cards. Wala naman akong nakikitang kahit anong kakaiba sa likod ng mga baraha mula pa kanina pero tiyak kong may ginamit siyang trick.

Mahigit isang minuto na lamang ang natitirang oras sa countdown timer ng aming upuan.

“Ikaw naman ang mauna,” wika ko sa kanya.

Tumango siya at tinuro ang unang baraha. “This is ace of club and this is ace of spade.”

“Spade, Club,” sagot ko.

Tinalasan ko ang paningin at pinanuod ang kamay niya na i-flip ang unang baraha at nahuli ko ang kamay niya. Sa bawat pag-flip niya ay pinapalitan niya ang baraha ng barahang nasa kanyang mahabang manggas. Iyon nga ang trick niya!

Maayos na nai-flip niya ang baraha at tumambad sa amin ang ace of club.

“Sandali,” pigil ko sa kanya.

Tatlumpong segundo...

Napatigil siya sa akmang pag-flip ng huling baraha at napatingin sa akin. So mula pa kanina ay niloloko na niya ako sa pamamagitan ng pagpalit ng barahang inihanda niya at nakatago sa suot niyang damit. Madali lamang sa kanya na palihim na palitan ang baraha. Isa siyang magnanakaw at madali na lamang sa kanya ang mabilis na galaw ng mga kamay.

Dalawampung segundo...

“Tatanggapin mo na ba ang iyong pagkatalo?” tanong niya.

Umiling ako bilang sagot. Nakipagtitigan ako sa kanya at naging alerto sa ilang natitirang segundo. Kailangan kong magsayang ng oras.

Sampung segundo...

“Alam ko na kung paano mo iyon nagagawa.”

Sabay kaming napatingin sa timer hanggang sa umabot iyon sa 0. Mabilis ang kilos na tumayo ako upang kunin ang baril na iniwan ko sa kalapit na mesa ngunit mas mabilis ang galaw niya. Kinuha niya ang nakatagong kutsilyo sa gilid ng kanyang wheelchair at sinaksak ang kamay ko na nasa mesa kaya muli akong napaupo.

Napasigaw ako sa sakit nang tumagos sa palad ko ang kutsilyo hanggang sa mesa na kahoy. Hindi ko magawang gumalaw dahil sa lalim ng pagkakatagos. Kumalat ang dugo ko sa mesa at nakangiti lamang siya sa akin.

“It took you long to figure out my trick,” sabi niya. “Thieves should have sharp sight pero hindi mo agad iyon napansin. You didn’t know all along that my sleeves hide the tricks. Huwag na tayong magpaligoy-ligoy pa, N, saan nakatago ang mga ninakaw ng Black Diamonds noon? How did you conceal the map in your body?”

Napadaing ako sa sakit habang pilit na tinatanggal ang kutsilyo sa mesa at kamay ko ngunit mas lalo ko lamang nararamdaman ang sakit. “Kung sa tingin mo ay naloko mo ako, pwes ikaw ang naloko. Hindi ko alam kung nasaan ang sinasabi mong loot.”

“Stop wasting my time, N,” naiinis na sagot niya. “Tell me.”

Bigla na lamang may naghagis ng card sa mesa. Hindi ko alam kung paano iyon nangyari at saan iyon galing ngunit ngayon ay nakatarak sa mesa ang card.

“What the!”

Napatingin kaming dalawa ni Homer sa likuran ko kung saan nanggagaling ang bagong card. Joker card. Mula sa dilim ay naaninag ko ang isang matandang lalaki. Matangkad siya at abuhin ang mga mata. Ito ang unang beses na nakita ko siya.

“A-ace!” bulalas ni Homer.

Lumapit ang tinawag niyang Ace sa akin at tinanggal ang kutsilyo sa kamay ko. Napadaing ulit ako sa sakit ngunit agad niya iyong nahigit.

“You’re still the same, Clover. You still play tricks under your sleeves. Since you deceived her all along, it’s time for you to guess. Dahil hindi mo alam kung ano ang mga nakataob na baraha dahil pinapalitan mo sila ng mga inihanda mo, it’s time for you to guess what’s this card.”

Tinapik niya ang isang natitirang nakataob na card at hinintay ang sagot ni Homer.

“Bakit ka nandito, Ace? Nawala ka ng napakahabang panahon and now you’re here?”

Tumawa si Ace sa sinabi ni Homer. “I’m always here, Clover, hindi mo lang alam and I go by the name Arman Bridle.” Napatingin siya sa natitirang card. “What do you think is this card?”

“Huwag kang makialam, Ace,” sagot niya. “Wala akong mapapala kung sasagutin ko ang tanong mo o hindi.”

Mula sa gilid ko ay lumipat si Ace sa gilid ni Homer. Nanatili naman akong tahimik at nagmasid sa kanila. Masakit pa rin ang kamay ko ngunit nakatutok pa rin ako sa kanilang dalawa.

“May mapapala ka, I will tell you which part of her body will tell you where is the loot.”

Tinitigan siya nang mabuti ni Homer bago tumango. Tila kilala niya nga ito dahil naniniwala siya nang sinabi nitong sasabihin sa kanya kung saan sa katawan ko ang lokasyon kung sakaling tama ang hula niya.

“This card is ace of club,” sagot niya.

Tumango-tango si Ace bago bumalik sa gilid ko. “You forgot to tell her that we have meanings for each suit. Diamonds for wealth, heart for love, club for luck and prosperity--”

“I don’t have much time, Ace, so flip the card already,” putol ni Homer sa kanya.

Bahagya akong napapiksi nang hinawakan ni Ace ang sintido ko. “Jack keep the location in her brain.”

Parehas kaming nagulat ni Homer ngunit agad siyang nakabawi. “Pinaglololoko mo ba ako?”

“No, I’m telling the truth. Jack instilled the location in her mind.”

Ilang beses akong napakurap habang nakatingin kay Ace at biglang bumalik sa alaala ko ang nangyari noon.

“N, halika rito."

Tumakbo ang bata tungo sa direksyon ng lalaking tumawag sa kanya. Agad siyang humawak sa kamay nitong nakalahad at sinabayan itong maglakad habang magkahawak-kamay.

"Malapit na ang ika-walong kaarawan mo, N," wika ng lalaki. Hindi man lamang masulyapan ng bata ang mukha nito.

"I'll be 8, Dad! What will I have on my birthday?" Excited na tanong ng bata.

"What do you want?"

"A tight hug and one more story at bedtime!"

"I can give that always."

"But that's what I want."

Yumuko ang lalaki upang magpantay ang mukha nila ng bata. "Think of something that you'll be able to live comfortably with when you grow up, Tart."

"Pero, Daddy, iyon ang kailangan ko. I can live comfortably with that!"

Huminga ng malalim ang lalaki. "Daddy doesn't always have bedtime story, sweetheart. I will run out of all the stories in the world."

"E ‘di ulitin mo na lamang 'yong mga naikwento mo na, Dad."

Mas lalong napabuntong-hininga ang lalaki. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ng bata. "Listen sweet tart, Daddy will not always be by your side."

"What?! Why is that?"

"Daddy have to go somewhere."

"I will go with you!"

“No, one day you have to go on without me.”

“I don’t want to.”

“Listen N,” lumuhod sa harap niya ang kanyang ama. “If one day, you find yourself alone, you just have to find where we keep the treasure.”

“Treasure? I’ll go treasure hunting?”

“Yup. Keep this in mind, okay? The treasure is in the school that your Uncle Ace runs. Bridle High.”

Ngumiti ang bata at inulit ang sinabi ng ama. “Bridle High.”

“Naalala ko na ngayon kung nasaan ang loot na sinasabi mo,” wika ko kay Homer. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at kinuha ang baril sa kabilang mesa. Walang pag-aalinlangan na itinutok ko iyon sa kanya. “Tama siya, tinago iyon ni papa sa utak ko.”

“Saan?!” sigaw ni Homer na galit na galit.

“Bridle High.”

Naguguluhang napatingin siya sa aming dalawa ni Ace. “Sa Bridle High?!”

Walang pag-aalinlangan na ibinaba ko ang safety latch ng baril at buo ang loob na itinutok iyon sa kanya ngunit natigilan ako nang bigla siyang matawa. “What now? You’re going to kill me?!”

Bumalik sa isipan ko lahat ng ginawa niya noon. Ni hindi ko man lamang nagawang umiyak nang mawala sa akin ang lahat lalo na si papa. Nang namuhay ako sa daan, walang maalala dahil sa trauma na nangyari hanggang sa matagpuan ako ni Sherlock, ang kumupkop sa akin. Hindi niya ako kilala pero marahil ay may ideya siya sa pagkatao ko dahil sa mga bangungot ko. Madalas niyang sinasabi sa akin na paulit-ulit kong tinatawag ang pangalang Jack sa tuwing dinadalaw ako ng bangungot. Matunog ang pangalan ng Black Diamond noon kaya marahil ay doon siya nagkaideya na anak nga ako ng miyembro ng Black Diamond.

Handa na akong kalabitin ang gatilyo ngunit biglang inagaw ni Ace sa kamay ko ang baril. Kasabay niyon ay ang pag-flip niya sa natitirang baraha kung saan tumambad sa amin ang Ace of Spades.

“Hindi mo pa rin ako pinapatapos sa sinasabi kong kahulugan, Clover. Lastly is the Ace of Spade which means death. She’s not going to kill you... but I will.”

At sa isang iglap ay kinalabit niya ang gatilyo at bumaon sa noo ni Homer ang bala kasabay ng pagbagsak niya sa sahig.

Hindi agad ako nakahuma sa gulat. Ibinaba ni Ace ang hawak na baril bago humarap sa akin at niyakap ako.

At sa unang pagkakataon ay hindi ko na napigilan ang sarili ko. Inilabas ko ang lahat ng sakit na ilang taon na naipon sa dibdib ko dahil sa pagkawala ng ama ko at lahat ng hinanakit dahil sa buhay na naranasan ko. Hindi ko pinigilan ang mga hikbi at iyak habang niyayakap ko siya nang mahigpit.

Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko at hinaplos ang likod. “It’s okay, N, you’re home now.”

#

VOTE AND COMMENT
next update will be epilogue

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro