CHAPTER 39: CHAINED
Chapter 39: Chained
~VICTORIA~
Keep to the shadows.
Tahimik ang gabi at naririnig ko ang sariling paghinga. Inayos ko ang pagkaka-bun ng buhok ko at naging mapagmatyag habang inaakyat ang mataas na bakod. May dalawang nakabantay sa gate ngunit hindi nila napansin ang mumunting kaluskos ng pagtalon ko. Gumulong ako sa madilim na sulok ng malaking bahay at nagtago sa mga halaman.
Bahagyang lumingon ang isa sa dalawang nakabantay. Napansin ko ang tila pagkunot ng noo niya at lumapit sa mga halaman. Bahagya siyang yumuko at walang pag-aatubiling hinila ko ang kwelyo niyang suot at nagulat siya kasabay ng pagbagsak niya sa lupa. Humigit ako ng isa sa maraming matulis na bagay na nakatago sa kasuotan ko at sinaksak iyon sa kanyang leeg. Tatlong segundo lamang ay nawalan na siya ng malay.
Napansin ng kasama niya ang kanyang impit na sigaw kaya lumapit din ito sa pinagkukublihan ko ngunit sinapit din niya ang nangyari sa kasama. Hinila ko ang katawan nila sa bahaging hindi madaling makita. Kinuha ko ang mga armas nila at tinanggal ang mga bala. Naging mapagmatyag ako sa paligid bago muling gumalaw papasok sa malaking bahay.
Plan accordingly.
Sa mga nagdaang linggo ay nanatili ako sa bahay ni Amber at nagplano nang maigi. Hindi ako pwedeng pumalya sa bagay na ito. Ipinangako ko sa sarili na ito na ang huling beses na ipapakipagsapalaran ko ang buhay ko.
Tatlong araw na ang nakalilipas mula nang una akong magawi sa bahay na ito. Kailangan kong isagawa nang maayos ang plano kaya dapat ay alam ko na ang bawat pasikot-sikot ng bahay. Hindi ko inaasahan na makakasalubong ko ang hacker nang gabing iyon.
Gaya ko ay nagbabalat-kayo rin siya at kung ano man ang naisipan niya kung bakit niya ginawa iyon, siya lamang ang nakakaalam. Ilang araw kong pinag-aralan ang bawat bahagi ng bahay, salamat sa naisip na paraan ni Amber. Nang gabing iyon ay ikinabit niya sa akin ang isang camera at nai-record noon ang mga nadaanan ko.
Paano ko nalaman na ang hacker ang nakasalubong ko? Kay Amber.
“Hey, that’s smirking guard is Ryu!” bulalas niya na narinig ko mula sa suot kong in-ear.
Kung hindi niya iyon sinabi ay hindi ko mapapansin iyon. Magaling ang pagbabalat-kayong ginawa ng hacker at talagang nakumbinse ako. Kung hindi lamang iyon napuna ni Amber ay hindi ko malalaman. Hindi ko alam kung paano niya iyon napansin gayong malayong-malayo sa hitsura nito ang nakasalubong kong guard nang gabing iyon. Nakumpirma ko lamang iyon nang magpalitan kami ng salita.
Come prepared.
Tahimik na ang buong bahay at nakapatay ang mga ilaw sa loob. Handa na ako sa kung ano man ang maaaring kalalabasan ng gagawin ko ngayon. Kasingtahimik ng pusa ang ginawa kong pagpasok sa loob ng bahay mula sa terrace ng second floor.
Kung hindi ako bibiguin ni Mimo, magiging madali na lamang ang lahat. Bumalik sa alaala ko ang sinabi niya sa akin noong isang araw matapos kong pasukin nang palihim ang bahay ni Homer.
“What’s this, old man? Did you call us to betray us again?” tanong ni Sa-el habang binabato ng masasamang tingin si Mimo. “If V didn’t say that she’ll be here, I wouldn’t be here, too. I should have blow up your place noong nalaman ko pa lamang na isa ka palang ahas.”
Hindi pinansin ni Mimo ang mga sinabi ni Sa-el at hinarap lamang ako. “I won’t lie to you, money is everything to me. But when I look back to every heist we did, nandoon kayo kasama ko. Take this as my apology.”
Hindi ako sumagot at tiningnan lamang siya nang matiim.
“What now? Is this to get our trust back, because there’s no way, old man,” sagot ni Sa-el at sumang-ayon ako sa sinabi niya sa pamamagitan ng pagtango.
Ngumiti si Mimo. “Alam ko iyon. I called you to make up for my mistake and after this, we’ll go on with our separate lives.” Inilapag niya sa sa harap ko ang isang nakatuping papel. Walang pag-aatubiling kinuha ko iyon at binuksan. “That’s the floor plan of Homer’s mansion. Nandiyan rin ang schedule ng pag-iikot ng mga gwardiya niya.”
“Paano ka namin pagkakatiwalaan? You betrayed us few times, you will surely betray us again,” naghihinalang sabi ni Sa-el. Huminga nang malalim si Mimo at tumango.
“I know it will be hard for me to gain your trust anymore so I’m kinda expecting this. Gayunpaman, I’m giving it a try,” sagot ni Mimo. Tumingin siya sa akin nang diretso. “Also, alam ko ang ginawa mong pagbisita sa bahay niya kagabi. Ako ang nagpanggap na gwardiya na nagsabi sa ’yo tungkol sa mga camera.”
“Alam ko,” sagot ko. Alam kong siya nga iyon kaya sinabi ko rin iyon sa hacker na nakasalubong ko. Ang nangyari tuloy ay tatlo pala kaming nagpanggap na gwardiya kagabi.
“But you didn’t seize me,” nagtatakang sabi niya.
“Gayon ka rin naman.”
Nagpakawala siya ng buntong-hininga. “That’s because we have different business. I just want to take something valuable out of Homer’s collection before I’ll disappear.”
“Wait,” sabat ni Sa-el at inilapag ang iniinom. “I’m not getting a clear picture here. You two disguised and snuck on Homer’s house?”
Mahihinang tango ang isinagot ni Mimo. “Sa katunayan ay tatlo kami, the hacker was there, too.” Bahagya akong nagulat na alam din pala niya ang tungkol sa ginawa ng hacker. “I know what you came for there, V, so I’m giving you that thing.” Ibinaba niya ang tingin sa ibinigay niyang floor plan. “That will be helpful. And you Verona, I called you for another thing.”
Inilapag niya sa harap namin ang kanyang cellphone. Laman niyon ay ang video footage sa hagdan kung saan nakasalubong ko ang hacker. Ilang sandali siyang nanatiling nakatayo roon. Hindi ako makikita sa video na iyon dahil sinadya kong iwasan na mahagip sa footage.
Ilang sandali siyang nakatayo roon na tila ba nahulog sa malalim na pag-iisip. Paglipas ng ilang sandali ay bumukas ang ilaw sa paligid at hinuli siya ng mga guwardiyang naroon. Hinablot ng isang PSG ang suot niyang prosthetics. Hawak ng mga ito ang mga kamay niya sa likuran at iniharap siya kay Homer na nakaupo sa kanyang wheelchair. Dalawang gwardiya ang nakatutok ng baril sa ulo niya.
“Save the hacker,” sabi ni Mimo kay Sa-el.
“What the f*ck?” naiinis na bulalas ng huli.
Nang bumalik ang isipan ko sa kasalukuyan ay ipinilig ko ang ulo ko at mas naging mapagmatyag. Nagtiwala ako kay Mimo kaya ginamit ko ang ibinigay niyang floor plan. Tahimik ang buong kabahayan at nakakapanghinala pero alam kong malinis ang hangarin ni Mimo na tumulong.
Sa ngayon ay kailangan ko na lamang mag-ingat.
Be a master of disguise.
~RYU~
I spat blood as I gritted my teeth, giving the guards my scary glares. They froze on their tracks and took few steps backward as they maintained a distance from me. I smirked upon the thought. Scaredy cats.
Sa tingin ko pa lang ay natatakot na sila. How much more if I’ll be able to escape these chains? I feel so tired and my body hurts like hell. Nakatayo ako at nakakadena ang magkabilang kamay at mga paa ko. Wala akong suot na pang-itaas na damit at nabalot ng sugat ang buong katawan at mukha ko.
I was caught but I never regretted what I did. I tried my best to help V out, but Homer is serious when he gave me the warning before. Na hindi niya ako kikilalanin na apo kapag sinuway ko na naman siya. And I just did.
Tatlong araw na ako sa silid na ito, nakakadena at binubugbog sa tuwing napapadaan si Homer. He let his guards hit and torture me until I beg for my life but I never did. And never will. Pagod na pagod na ang katawan ko at pakiramdam ko ay bibigay na ako mula sa pagkakatayo. If I wasn’t chain tightly, I would have been lying on the floor right now, but still conscious.
I heard the footsteps coming so I keep my head high. The head guard smiled evilly as he looked at me. He’s that motherf*cking asshole who enjoyed all his hits on me at walang awang tiningnan lamang iyon lahat ni Homer.
He keeps on asking me to ask forgiveness and beg ngunit dumudura lamang ako sa tuwing sinasabi niya iyon.
“Bakit ang layo ninyo sa binabantayan ninyo?” the head guard shouted. His name is Gaspar, as what I heard from the old man.
“Eh.. K-kasi ang samang makatingin,” nangangatog na sagot ng isa sa kanila.
“Mga tanga! Bakit kayo matatakot, nakakadena naman iyan!” his voice boomed on the room and I watched his every move. I gave him a smirk and I saw how annoyed he was. Hindi ko alam kung bakit tila galit na galit siya sa akin. The bastard must be insecure on my looks. He’s damaging more on my face than my body. “Anong nginingisi mo riyan?”
“Nothing,” I replied with a smirk. “I just find your face funny.”
He didn’t like my reply kaya bigla na lamang niyang pinulot ang latigo na nasa gilid at hinampas iyon sa akin. The other guards winced as they heard the sound of my flesh. Mas nainis lamang siya nang nakakalokong ngumisi ako.
Ilang beses niya akong hinampas uli bago niya padabog na itinapon ang latigo at nagmumurang umalis. When the other guards looked at me, I also gave them a smirk. They didn’t know I have a sharp memory despite all their tortures, I remembered their faces. Yesterday, they punched, kicked and even electrocute me. I’ll make sure to do the same thing they did to me just to get even.
Nakarinig ulit ako ng mga hakbang papalapit. Since I’ve received a lot of beatings, my hearing seems to improve. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang isang guard na may dalang tray na may lamang pagkain.
“Oh, maghahating-gabi na bakit dinalhan mo ng pagkain?” tanong ng isa.
“Nakalimutan mo bang hindi siya pinakain ni Homer mula pa kaninang tanghali? Hindi pa rin ‘yan naghahapunan. Kalagan na muna ninyo, mananagot tayo kapag namatay ‘yan sa gutom,” sagot ng may dala ng tray. The two others guarding me looked at each other and then one signaled to unchain me.
“Sige na, hindi naman ‘yan makakatakas. Wala na ‘yang lakas.”
Kinalagan nila ako and just as I expected, I fell on the floor immediately. I’ve been standing chained for three days and tortured. Lumapit sa akin ang guard na may dalang tray.
I looked at him and glared but he was not affected by it. Or at least he doesn’t look scared. He looks... annoyed? Hindi pamilyar sa akin ang mukha niya. I know very well because I really remembered everyone lalo na ang mga nanakit sa akin.
“Magbantay kayo sa may pinto, mahirap na baka makawala pa ‘to,” sabi ng bagong guard.
He squat in front of me and laid the tray in front. There were three covered bowls on the tray. He opened one at may laman iyong isang itlog. He handed it to me but I ignored him. I gave him another smirk but he just replied with an annoying expression. Muli niyang iniabot sa akin ang itlog.
I looked at him intently and he looked back without blinking. I accepted the egg and cracked it on the floor. Hard-boiled egg. I removed the shell and a folded paper appeared. What?! How come there’s a paper inside?
Nakakunot ang noong tiningnan ko siya and he signaled me to open the paper. I discreetly open it and there were scribbled words on it.
“use the mask from the second bowl.”
Walang pag-aalinlangang sinunod ko ang nakasulat at kasabay ng pagbukas ko sa pangalawang bowl ay kinuha niya rin ang laman ng pangatlong bowl. Another egg.
He then throw it on the door where the other guards are standing. Smoke came out from the egg! I immediately wear the mask as he instructed.
Sleeping gas!
When the guards laid unconscious on the floor, he helped me out the room and it’s then when I realized it’s Verona in disguise.
#
VOTE AND COMMENT
a/n: wawa Ryu huhu :'(
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro