CHAPTER 36: ACE
Chapter 36: Ace
A/N: Belated happy birthday @danashiii ❤
~VICTORIA~
Tiniyak kong tahimik ang bawat hakbang ko papasok sa unit na iyon. Mas maingat ako dahil alam kong kahit papaano ay mapagmatyag ang taong sadya ko ngayon. Halos igapang ko na ang sarili ko upang matiyak na walang kahit anong ingay na malikha ang mga paa ko. Nakapatay ang mga ilaw sa lugar na iyon kaya mas mahirap ang paggalaw ngunit para sa gaya kong magnanakaw, mas sanay akong gumalaw sa dilim.
Tinanggal ko ang mga lock na nasa bintana at tahimik na pumasok. Inilibot ko ang mga mata sa paligid at nang matiyak na walang tao ay naghanap ako ng maaring magamit. Kinapa ko ang ilalim ng mesa at gaya ng inaasahan ko ay may malamig na bagay akong nakapa roon. Baril. Hinigit ko iyon at inilagay sa holster na nasa binti ko. Hindi na ako nag-abalang buksan ang ilaw.
Gusto kong mamangha sa lugar na iyon. Maari iyong pumasa bilang mini-museum dahil sa mga bagay na naroon. Exquisite tapestries, precious stones, lumang mga estatwa at iba pang mga mamahaling bagay. Nakakalungkot isipin na mas nasilaw siya sa mga bagay na katulad nito.
Hahakbang pa sana ako ngunit isang kasa ng baril ang narinig ko at kasunod niyon ay ang paglapat ng matigas at delikadong bagay sa sintido ko.
“Itaas mo ang mga kamay mo.”
Nagpakawala ako ng hingang malalim at sinunod ang sinabi ng taong iyon. Hinablot niya ang hawak kong baril at maging ang baril na kinuha ko mula sa ilalim ng mesa niya na nakasukbit sa binti ko. Mayamaya ay bumaha ang liwanag sa loob ng unit at tila mas lalo akong namangha dahil sa hitsura ng unit na iyon.
Nang makuha niya ang mga baril mula sa akin ay ibinaba na rin niya ang itinutok sa akin at malungkot ang mukhang tiningnan ako. “Why are you here V?” inilapag niya sa gilid niya ang dalawang baril na mula sa akin. Hawak-hawak pa rin niya ang kanyang baril at naupo sa isang magarang upuan at nagde-kwatro.
“Gusto ko lamang ng mga kasagutan Mimo,” sagot ko sa kanya. “Hindi ka ba natatakot?”
“Natatakot saan?” tanong niya.
“Ibinaba mo ang iyong baril. Kahit walang natirang armas sa akin, tiyak kong kaya kong agawin sa’yo ang baril na hawak mo at itutok iyon sa’yo.”
“I know,” sagot niya. “But I know you well enough V. You came here for answers right? I know your ways as a thief. I mean our ways but only you strictly follows it. Take what you planned to take, that’s the rule. I know you only planned to take answers now, hindi buhay ko.”
Huminga ako nang malalim at hindi inialis ang tingin sa kanya. “Bakit Mimo?”
“Dahil gusto ko,” sagot niya. “Hindi ako hipokrito Victoria, aaminin kong pera at yaman ang tanging nagpapasaya sa katulad ko.”
Pinigilan ko ang sariling magpahayag ng mga masasakit na salita. Nakuha ko ang punto ni Mimo. Una pa lamang ay hindi na niya ikinailang may mga pansariling kagustuhan siya. Kapag may proyekto kami, hindi niya maiwasang kumuha ng bagay na hindi kasali sa iniutos ng Nakatataas sa amin.
“Maliban diyan?” tanong ko. Kahit papaano ay sensible na tao rin naman si Mimo.
Mapait na ngumiti siya. “Malaki ang utang na loob ko kay Homer kaya hindi ako pwedeng tumanggi.”
Mahinang tumango ako sa sagot niya. Hindi ko maiwasang isipin kung bakit madalas hinahamak ang lahat ng kung sino man para lamang mabayaran ang utang na loob. Bakit kahit mali ay ginagawa pa rin ng iba para sa utang na loob?
“Nakuha ko ang punto mo Mimo pero maliban sa mga kasagutan ay nandito ako para balaan ka. Kung dumating man ang araw na magiging balakkid ka sa mga gagawin ko, kalilimutan ko ang pinagsamahan natin bilang bahagi ng Lupin.”
Sumeryoso ang mukha ni Mimo at biglang napakunot ang kanyang noo. Napansin niya ang maliit na bagay na nasa kanyang suot na damit. Napamura siya ngunit mahina lamang iyon. Ibig sabihin ay nasa under surveillance din siya ni Homer-- ibig sabihin ay hindi rin siya nito pinagkakatiwalaan.
“Pasensya na--” Nang akma niyang iaangat ang baril na hawak ay naging mabilis ako at inagaw iyon sa kanya. Nagulat siya dahil sa bilis ng kilos ko ngunit agad naman siyang nakabawi at kinuha ang dalawang baril na inilapag niya sa gilid niya. “Kailangan kitang ibalik kay Homer.”
Bigla siyang natigilan nang hindi pumutok ang baril na hawak niya. Kumunot ang noo niya at sinubukan ang isa pang baril ngunit hindi rin iyon gumana. Isinukbit ko sa holster ang baril na inagaw ko sa kanya at itinaas ang dalawang detachable box magazine na mula sa mga baril na hawak niya na nauna ko nang tanggalin.
Bago pa man ako pumasok rito ay alam kong nandito siya kaya naging handa ako at tinanggal ang magazine at mga bala bago pa ako mapahamak. “Pasensya na rin Mimo pero nakalimutan mo na yata ang iba ko pang prinsipyo sa pagnanakaw. Plan accordingly and come prepared.”
Hindi nakapaniwalang napabuga siya ng hangin at humakbang palapit sa akin ngunit napatigil nang isang click ang narinig mula sa paanan niya kasabay ng tunog ng isang timer. “Shit!” mura niya.
“Pressured wire na gawa ni Sa-el. Alam mo ang pressured wire na iyan. Gawa iyan sa mga materyales na nakita lamang ni Sa-el sa tabi-tabi pero minsan mo nang nakita kung ano ang magiging pinsala niyan kaya kung ako sa’yo ay hindi ako gagalaw,” wika ko sa kanya at humakbang paatras. Napatingin ako sa suot kong relo. “Siguro naman hindi mo mamasamain ang manataling nakatayo sa loob ng isang oras bago iyan magdeactivate.”
“Minaliit ko ang kakayahan mo Victoria, nakalimutan kong advance ka pa lang mag-isip,” wika niya. Tiningnan ko siya sa huling pagkakataon bago tumalikod sa kanya at humakbang palayo. Ilang hakbang pa lamang ay muli siyang nagsalita. “Sandali...”
Huminto ako at nilingon siya.
“Tungkol sa Nakatataas...” Tila tinitimbang niya kung itutuloy ba niya ang sasabihin o hindi. “I don’t know if you already figured this out or not. Hindi ko nakita kung sino man siya ngunit isa lang ang tiyak ko. Ang Nakatataas ay si Ace ng Black Diamond.”
Natigilan ako sa narinig ko. Ibig sabihin ay may natitira pa pala akong pamilya at iyon ay si Ace ng Black Diamond.
***
~AMBER~
I carefully tried to sort things out about Victoria. Noong huli ko siyang makita, she really sounded like she’s determined to disappear no matter how good my offer is. Huh, she dared turning down my offer to live a normal life! But now that she appeared voluntarily, asking for a favor, this must be something she can’t handle alone.
Muntik na akong mapatalon mula sa kinauupuan ko nang bumukas ang pinto at pumasok siya roon. Her face is as serious as ever. She threw her bag on my side, took off her jacket and dress, leaving herself in her black leotards.
“Did you go stealing somewhere?” Nanlalaki ang mga matang tanong ko. Heck, don’t tell me after doing something unlawful, didiretso siya rito sa bahay namin?! Bahay ng mga magulang ko?!
Padabog na naupo siya sa sofa at ngumiti nang matamis. Eh? What’s with that smile? It seems like a smile of genuine happiness. “Anong meron?” tanong ko.
“May natitira pa pala akong pamilya,” sagot niya. “Kaya kailangan mo na akong tulungan na malaman ang tungkol sa Black Diamond--” A doorbell cut her off. Nakakunot ang noong tumingin siya sa akin na tila ba nagtatanong.
“Oh! It must be someone I’m expecting!” sagot ko at agad na tumakbo upang buksan ang gate. Dinala ko sa sala ang bisita ngunit nagulat ako nang wala na si Victoria roon o ang kanyang bag at damit. What the hell?! She disappeared that fast?! Hindi naman malayo ang gate namin pero bakit parang ang bilis niyang mawala?
“Victoria, I know you’re hiding somewhere kaya lumabas ka na.” No reply. Napatingin ako sa bagong dating at awkward na ngumiti.
“Victoriaaa!” tawag ko ulit pero muli ay walang sumagot.
“How many rooms are here?” tanong ng bisita--- it was Gray.
“Two bedrooms.”
“Open?” he asked and I replied by shaking my head after feeling the keys on my pocket. He walked towards the kitchen but stopped halfway. “The distance from the gate to the living room is approximately eight meters and I guessed you ran to open the gate. We consumed less than two minutes before we came back here and I guess that’s not enough time for her to escape.”
He walked towards the sofa where Victoria was sitting a while ago. He looked above and there was a grate covering the air ducts. “Come out quickly Victoria,” malakas ang boses na wika ni Gray. The grates flung open at unang bumagsak ang bag ni Victoria kasunod ng jacket niya, then her tall yet slim body. Seriously, Gray figured out quickly that she’s up there?!
“Ano ‘to? Sinuplong mo ako sa boyfriend mo?” she asked me dryly and I know I am blushing right now. Bahagyang napamulat din si Gray and then he tried to look away.
“He’s not my boyfriend!” Ano bang pinagsasabi niya?! “He’s the one I told you who can help.”
Victoria stood with curiosity and that was a cue for Gray to get something from his backpack. A folder that he handed to Victoria. Agad naman niya iyong tinanggap at tiningnan. I stood behind her at nakibasa na rin sa mga files na iniabot ni Gray.
“My grandfather is a police chief during the times when Black Diamond was still active. My mom’s an amateur sleuth that time who also took interest on the gang of thieves at siya mismo ang nagbigay sa akin ng mga impormasyon na ‘yan,” wika ni Gray.
Isa-isang tiningnan ni Victoria ang impormasyong naroon. It contains the necessary information like the member’s names: the siblings Jack, Ace and Clover plus their subordinates who used to run errands for them. Naroon din ang mga impormasyon tungkol sa mga heist, stolen items, objectives and even a brief information about the manifesto that they sent the police. Wow, these information are well compiled!
“Why didn’t your mom continued investigating them?” tanong ko. “I mean based on these, she’s closed to exposing them!”
Nag-angat na rin ng tingin si Victoria at napatingin kay Gray, naghihintay ng sagot.
“Yes, she’s closed to exposing them but then she decided not to. One member, Clover is none other than Alejandro Vander, her boyfriend’s dad.”
Natutop ko ang bibig ko. “Oh my God,” I exclaimed. Vander?! Which means lolo ni Gray? Victoria wasn’t surprise about it at napansin din iyon ni Gray.
“Alam mo na ang tungkol doon?” tanong ni Gray na sinagot ni Victoria ng tango. “Oh, I see. Based on your reactions, you know a lot already.”
“Anak ako ni Jack,” kaswal na sagot ni Victoria at muli akong nagulat. Meh, am I the only one getting surprised with all these information? These two seem like they already knew a lot!
“Oh my God, does that mean you two are related?” tanong ko, pointing at the two of them. Gray said that Jack, Ace and Clover are siblings right?
“Hindi,” sagot ni Victoria. “Hindi nila totoong kapatid si Clover.”
“That’s the reason why he dared killing your dad right?” dagdag ni Gray.
Wait, mukhang ako lang talaga ang naguguluhan dito. “Why did he kill Victoria’s dad?”
Si Gray ang sumagot sa tanong ko. “To have all the items and money to himself but unfortunately, no one know where the location of those items except Victoria. Umugong noon ang usapan tungkol doon. The location is on the kid, Victoria’s body. Some speculated it’s embedded on her body through a tattoo, a microscopic mole or anything.”
Napabuga ng hangin si Victoria at nahulog sa malalim na pag-iisip. It’s very hard to be in such confusions about your identity. I know it because I’ve been there. And it was not easy. You cannot think rationally and you tend to twists the things you believed. You think everything will be logically, especially revenge.
But to my surprise, Victoria didn’t space out or something. She composed herself, like she didn’t experience being lost in her thoughts just a while ago. She raised her head and looked at us determined.
“Anyway, buhay pa rin si Ace at hinahanap ka niya,” wika ni Gray. Bumaling siya sa akin at nagpatuloy. “And you wouldn’t believe who he is.”
My forehead creased. “Sino?”
“Mister Arman Bridle.”
#
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro