Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 35: REFUGE

Chapter 35: Refuge

~VICTORIA~

Halos lakad-takbo ang ginawa namin ng hacker upang makalabas kami sa gusaling iyon. Huminto siya upang hubarin ang suot niyang polo at iniabot iyon sa akin.

“You should wear this,” wika niya at bahagyang nag-iwas ng tingin. Walang sabi-sabing tinanggap ko na lamang iyon at sinuot. Halos magkasingtangkad lang kami kaya’t kalahati lang din ng katawan ko ang natatakpan ng damit niya. Isang rumaragasang sasakyan ang huminto sa harapan namin at bumukas ang pinto niyon.

“Sakay na! Bilis!” sigaw ni Sa-el na siyang nagmamaneho ng sasakyan. Hinila ulit ako ng hacker na tila ba hindi ko kayang protektahan ang sarili ko. Maingat na inapasok niya ako sa loob bago siya sumakay at mabilis na pinaandar ni Sa-el ang sasakyan palayo sa lugar na iyon.

“V, ayos ka lang ba? Wala bang masakit sa’yo? Did they do anything to you?” sunod-sunod na tanong ni Sa-el. Nakatingin siya sa akin sa pamamagitan ng salamin dahil nagmamaneho siya.

“Ayos lang ako.”

“Fuck, why are you in the hacker’s shirt? And why is he topless?” tanong niya ulit at biglang napapreno ngunit muling nagpatuloy sa pagmamaneho. Narinig ko pa ang mahihina niyang pagmumura at sinamaan ng tingin ang hacker. “Did they fucking rape you?”

Nagtagpo ang kilay ko dahil sa sinabi niya. “Hindi, ayos lang ako. Pinapakita ko lang sa kanila na walang kahit ano sa katawan ko na makapagtuturo kung nasaan ang mga stolen items ng Black Diamond.”

“Fuck. Who the hell stripped you? Gigilitan ko sa leeg!” nangigigil na sabi niya. Naririnig ko naman ang mga “tssk” ng hacker sa tabi ko.

“She did that to herself Verona.” sagot ng hacker.

“What?!” halos hindi siya makapaniwala narinig. Sumandal ako sa upuan at huminga nang malalim. Hindi pwedeng ganito na lamang ang mangyari. Hindi titigil si Homer- o si Clover ng Black Diamond. Base sa nakikita ko sa kanya kanina, siya ang tipo ng taong gahaman. Nasa kanya na ang lahat ngunit kailangan pa rin niya ng mas marami pa.

Hindi ko maintindihan ang ganoong mga tao. Hindi marunong makuntento. Kayang pumatay para sa mga bagay na panandalian naman.

“Sa-el pakihinto ng kotse,” wika niya.

Bigla ulit siyang napapreno nang marahas at nanlalaki ang mga matang lumingon. “Ano?”

“Victoria...” nagtatakang napatingin na rin sa akin ang hacker. “Anong binabalak mo?”

“Maraming salamat sa ginawa ninyo ngayong gabi, sa tingin ko ay hindi ko na dapat kayo aabalahin pa.” Tinapik ko ang balikat ni Sa-el at bahagyang tumango sa hacker bago binuksan ang pinto para bumaba ngunit pinigilan nila ako.

“What is it V?” tanong ng hacker. “Is this your pride telling you not to lean on people? V hindi sa lahat ng pagkakataon ay ipagpipilitan mo na independent ka. Na hindi mo kailangan ng sinumang magliligtas sa’yo.” Naririnig ko ang galit sa kanyang boses.

Ngumiti ako sa kanila. “Hindi ‘to tungkol sa pride. Sa tingin ko ay ito ang tamang gawin. Malaki ang pasasalamat ko sa inyong dalawa, at sa tingin ko ay hanggang doon na muna iyon-- ngayon. Tiyak ko namang sa susunod ay kakailanganin ko ang tulong ninyo at ako na mismo ang lalapit sa inyo. Alam mo ‘yan Sa-el at kailangan mo iyang malaman hacker.” Maraming beses nang humingi ako ng tulong kay Sa-el. Noong niligtas namin si Calvin ay siya ang naging kasangga ko upang maging maayos at pulido ang plano. Alam kong mapagkakatiwalaan siya kaya naman malaki ang utang na loob ko sa kanya.

“Then why are you leaving?” frustrated na napahawak si Sa-el sa kanyang buhok at bahagyang minasahe ang noo. “Hindi ko maintindihan V.”

“Hindi ibig sabihin na nakaligtas tayo ngayon aay hindi na ulit sila gagawa ng hakbang upang makuha ulit ako. Isa pa, may kanya-kanya tayong buhay. Sa-el sa tingin ko ay kailangan mong magpahinga. Mukha kang pagod lately, at ikaw naman hacker, sa huli ay malaki pa rin ang utang na loob mo sa lolo mo at isa pa ay kadugo mo siya.”

Napa-smirk siya at hindi makapaniwalang tumingin sa akin. “You think I will betray you at some point just because blood is thicker than water?”

“Hindi. Nami-mislead ninyo ang usapang ito. Ang punto ko ay hindi habang buhay na magtatago ako. Haharapin ko sila at kayo naman ay kailangan niyong bumalik sa mga buhay ninyo.” Tuluyan ko nang binuksan ang pinto at bumaba ng sasakyan. Iniwan ko silang hindi makapaniwala sa nangyari.

Madilim ang gabi at malaki ang pasasalamat ko na walang masyadong tao sa daan. Tiyak kong magtataka ilang makakita ng babaeng walang salawal at naglalakad sa daan ng ganitong oras ng gabi. Hindi ako pwedeng bumalik sa bahay ko o sa apartment dahil tiyak kong hahanapin ako roon ng mga tauhan ni Homer. Tiyak ko ring nakatunog na ang Lupin III at maaring isa sa mga pwedeng tumugis sa akin sa pag-aakalang nasa katawan ko ang mapa na magtuturo sa lokasyon ng stolen items.

Sa ngayon ay alam ko na kung saan ako pwedeng pumunta.

***

~RYU~


“What the hell is she thinking?!” hindi ko mapigilang mainis. I want someone to punch right now but I guess I cannot just vent my anger over Verona because he’s at the same level of confusion and anger right now. Did the efforts we do go to waste?

Verona mumbled a curse but manage to start the engine. “I know V, and she’s really not the type who refuse thing just because of pride. Siya ang taong kilala kong nag-iisip nang maayos bago gumawa ng desisyon. I think this is also one of her decisions that she carefully made. For now it’s best to follow her,” wika niya at pinaandar ang kotse.

“That’s very unbelievable!” sagot ko at naiinis na sinabunutan ang sarili ko.

“But that’s her. She’s hard to predict but very smart. Not impulsive but someone very calm and good in decision-making,” wika niya. “Uulitin ko hacker, I think it’s best to follow her.”

“Don’t call me hacker,” mas lalo akong nainis.

He shrugged his shoulders and focused on the road. “Now where should I drop you?”

***

~VICTORIA~

Nagpabaling-baling siya sa kama at tila asiwa sa kanyang paghiga. Binuksan niya ang isang mata at tila hindi makapaniwala. May kadiliman sa loob kaya tiyak kong hindi niya ako masyadong naaninag. Binuksan na rin niya ang isang mata at kinusot iyon bago umalingawngaw ang kanyang sigaw sa bawat sulok ng kwarto.

“What the hell!” sigaw niya at mabilis na gumalaw at sa pamamagitan ng mabilis na kilos ay bigla akong nahampas sa pader. Sinipa niya ako?!!!

Bumaha ang liwanag sa loob ng silid nang binuksan niya ang ilaw at naghanda ulit sa isang pag-atake. Ibinaba niya ang mga nakakuyom na kamao nang makilala ako.

“Victoria?!!!!”

“Hello Amber,” bati ko sa kanya at tinangkang tumayo ngunit ngulat ako nang bigla na lamang siyang tumalon sa direksyon ko at niyakap ako nang mahigpit.

“I miss you so much thief!” wika niya at napalabi ako. Thief, tinawag na naman niya akong magnanakaw. “Hindi mo man lang ako binalitaan kung anong mga nangyari sa’yo."

Tinanggal ko ang mga braso niya mula sa katawan ko at tuluyang tumayo. “Magnanakaw ako, hindi newscaster.”

Pinaikot niya ang kanyang eyeballs at tiningnan ako nang masama. Bigla niyang siniko ang sikmura ko ngunit mabilis naman akong nakaiwas. “You thief! Kahit matagal na hay hindi ko pa rin makalimutan! You stole my phone!”

Umikot ako sa kabilang bahagi ng kwarto. Malaki ang posibilidad na maging bayolente ulit siya kaya mas mabuti nang umiwas. “Binalik ko ang lumang phone mo at maging ang sim mo.”

“Doesn’t change the fact that you have stolen something from me-- what the hell? Why are you wearing men’s shirt and...” Napatutop siya sa kanyang bibig at tiningnan ako nang napakamasamang tingin. “You’re a fuckgirl now? Meh, I thought you’re a thief.” Tiningnan ko siya nang masama at naupo sa kama niya. Lumapit siya sa harapan ko at humalikipkip. “So, aside from pants, what else do you need?”

“Matutuluyan.”

Nanlaki ang kanyang mga mata. “No way!”

Ikinibit ko ng balikat at hindi pinansin ang iritasyon na unti-unting gumapang sa kanyang mukha. “Pwede ako magbayad ng renta.”

“No way, gagawin mo pang kuta ang bahay ng mga magulang ko!”

Humiga ako sa kama niya at hinila ang kumot sa katawan ko. “Good night.”

“Victoria!!!” Lumapit siya sa akin at hinila ang kumot sa katawan ko ngunit nahawakan ko iyon nang mahigpit. At least ngayon alam na niya ang pakiramdam ng ginawa niya sa akin dati. Ipinagpilitan din niya ang pananatili sa bahay ko noon! Tinampal niya ang sariling noo at naupo na lamang sabay buntong-hininga. Alam kong alam niya na hindi ako aalis dito, kahit anong gawin niya.

“What happened?”

“Wala.”

“Look thief, I don’t really care with your business or anyone’s but don’t you think I deserve some details of it?” wika niya sa tonong nangungumbinsi.

Huminga ako nang malalim at napatingin sa malayo. “Alam kong nasa ganitong sitwasyon ka na rin. Iyon bang isang araw, isa ka palang taong hindi mo inaasahan na ikaw? Ang kaibahan nga lang natin, alam kong mangyayari ang ganito. Matagal ko nang hinahanap ko ang tunay na ako.”

Nanlaki ang kanyang mga mata. “So bahagi rin ng sindakato ang daddy mo?”

Umiling ako. “Magnanakaw.”

“Like father like daughter,” wika niya at ngumiwi. “Oh, saan na siya ngayon?”

“Wala na siya, matagal na siyang patay,” sagot ko.

“Sorry,” wika ni Amber at bahagyang yumuko.

“Ayos lang.”

“So ano nga ang nangyari?”

Napasip ako nang malalim. Isang ideya ang pumasok sa isipan ko. “Alam mo, may maitutulong ka!”

Ngumiwi siya sa akin kasabay ng kanyang sagot. “There’s no way I’ll be an accessory to your crime again!”

“Hindi krimen ang pananaliksik,” rason ko.

“Marami kang utang na loob sa akin,” alam kong makukumbinsi ko siya. Si Amber ang tipo ng taong maaasahan basta ba nasa tama lang. Pinaikot niya ang kanyang eyeballs gaya ng madalas niyang gunagawa.

“What is it?”

“Documents, written accounts o anumang tungkol sa Black Diamond. Kilala sila noon dahil palagi silang laman ng balita pero ni minsan ay hindi nahuli ng mga pulis,” sagot ko.

“You know what? I can’t help you with that but I know someone who can.”

***

~RYU~

I don’t know how Victoria exactly thinks. Not that I’m thinking that our efforts were wasted. Pero ngayong nakalma ko na ang isipan ko, I think I finally see her point. At the end of the day, babalik at babalik pa rin ako sa mga Vander.

My steps were heavy as I entered the door. Like how the huge was was always before, maraming mga tauhan ang nakatayo sa loob ng bahay. Sinalubong ako ng isang tauhan na nakasuot ng tuxedo at bahagya pang yumuko sa akin.

“Apollo, hinihintay ka ni Homer sa kanyang opisina.”

It’s something I expected but it somehow made me nervous like how the name Homer always does. Tumango ako sa kanya at dumaan muna sa silid ko upang magbihis. When I went out of my room, hinihintay pa rin ako ng tauhan ni Homer. Niluwagan ko ang suot kong necktie at huminga nang malalim bago pinihit ang doorknob. Homer sat on his wheel chair with a bandage on his forehead.

He smirked at me. “Where is that woman?”

Damn, his voice is calm and they say the calmer the voice of a Vander, the scarier it is. Now I see that point. “She left.”

“To where?”

I calmly shrugged my shoulders. “I don’t know.” To my surprise, he just nodded my head like he believed me. “That’s it? You believed me just like that?”

He shrugged off a wicked laugh. “I know you very well Apollo. I know when you’re lying or not. And by that look on your face, I can say that you’re annoyed with thought that you don’t know wherever she fled.”

I scoffed. “Believe what you want to believe.”

Homer snapped his head and showed me the face of the Homer who everyone in Vander mafia highly respect. “I know a way how to make her come out of her shell. Palalampasin ko ang ginawa mo ngayon Apollo bilang apo but next time you intervene and try to mess up with my plans, kalilimutan kong kadugo kita.”

#

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro