Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 34: SNAKE

Chapter 34: Snake

~RYU~

I stood quietly, trying to accept my realization. I am used to shocking news and others but I cannot help being surprised to this one. My lips pursed into thin line as my gaze shifted from V to Verona who was also as surprised as I am.

Victoria walked away from us closing her eyes and making herself calm. She brushed her long curly hair with her fingers. “Sa lahat ng katanungan ko tungkol sa pagkatao ko, sa tingin ko ito na ang mga kasagutan. Ako si N, si Victoria, ako ang anak ni Jack.”

“V,” Verona said calmly as he took a step towards her but she took a step backward also.

“Sa-el ito na. Ang batang na nakikita ko sa panaginip ko, ako pala iyon,” she smiled sadly. Her eyes shone like she got a brilliant idea. “Kailangan kong makita si Ace, siya na lamang ang natitirang pamilya ko.”

I cleared my throat. “That is something hard to do as of the moment. Walang may alam kung sino si Ace. Isa pa ay marami ang naghahanap sa’yo Victoria. They needed you to find the stolen items of the Black Diamond at kasali na roon ang lolo ko.”

“Walang mahirap gawin kung nais mo talaga,” she said firmly. I saw how her fist clenched. Victoria Vera is a big mystery. She’s not someone you can easily read. She looks beautiful physically and knowing her skills, she’s even more beautiful. She’s strong and independent, damn how could a pretty woman be like that? “Kailangan kong makilala ang Nakatataas. Siguro alam niya kung paano mahahanap si Ace.”

“V,” ng-aalalang tawag sa kanya ni Verona. “Be careful. Remember our last project is finding the linchpin at nangako ang nakatataas na magpapakilala na siya. He wanted us to find the linchpin, paano kung may masama din siyang balak sa’yo gaya ng Lupin III o ni Homer Vander?” He even gave me a hateful look that I just chose to ignore. My concern for now is Victoria and not his glare anyway.

Pinulot ni Victoria ang kanyang backpack na nasa gilid lamang ng sofa. She also grabbed her house keys and open the door wide. “Lumabas kayo. Pupunta ako sa apartment.”

Verona sighed worriedly samantalang hindi ko naman alam kung ano ang tamang maramdaman. I was excited, worried, amazed of her bravery, and other emotions that somersaulted in me that i cannot identify what it is.

Tahimik na lumabas kami ng bahay niya at tinungo ang apartment. Nagconvoy lamang kami dahil pareho kaming may mga sasakyan. Walang tao sa partment pagdating namin kaya sinubukan ulit namin na kausapin si V tungkol sa desisyon niya.

“It’s really dangerous,” panimula ko. Nakaupo lamang siya at diretsong nakatingin sa harap niya. Verona probably felt how different Victoria right tinatapunan niya ito ng nag-aalalang tingin. It’s the only thing we can do right now. Ang balaan siya sa posibleng mangyari. Victoria doesn’t need anyone’s opinion because she trust her own decisions more than anyone. And that is something very admirable.

The door flung open at pumasok doon si Mimo na mukhang naguguluhan sa tagpong naabutan. Verona and I sat silently, looking at her whose fists were clenched and maintaining a serious blank face that she always does.

“Anong meron?” he asked, looking at each of us. May hawak siyang malaking paperbag. Oh, did he go shopping?

V faced him with her head high. “Nakita na namin ang pinapahanap ng Nakatataas. Ang linchpin na hinanap natin.”

Mimo looks excited. He looked around the area but found no one. “Saan na? Nasa taas ba? Sa CR? Oh my! I can’t wait!”

Nakita ko ang bahagyang pagngiwi ni Verona nang makita ang excited na reaksyon ni Mimo. Verona used to call him “Tanda” dahil siya ang pinakamatanda sa amin. V didn’t reply but she walked towards the drawer na sa harap ng malaking salamin. Mimo followed her asking where the linchpin is.

“V, saan na?”

Victoria opened the drawer and she suddenly swung around holding a gun. Itinutok niya iyon sa nahintakutang mukha ni Mmo. Hindi lamang siya ang nagulat dahil maging kaming dalawa ni Verona ay hindi makagalaw dahil sa labis na pagkagulat.

“V-Victoria,” nagtatakang wika ni Mimo. “A-anong ginagawa mo?”

“Itigil mo na ang pagkukunwari mo Mimo, alam kung isa kang ahas,” V said without a hint of fear in her voive. Bahagyang natawa si Mimo at tiningnan kami.

“Anong sinasabi niya?” he asked us with confusions. None of us can answer his question. Ako o kahit si Verona ay walang ni katiting na ideya kung ano ang mga bagay na tumatakbo sa isipin ni v sa mga sandaling ito. Or even all of the times. Victoria Vera is someone unreadable. You cannot think of anything she will do. Just when you thought she will go right, she goes left. Just when you thought she will choose white, she chooses black.

She’s also someone who can survive relying to no one. She’s very independent on a very high level. She will not rely on anyone for any decisions and actions she does, either big or small. This is the first time I met someone so very dependable to no one but herself.

Victoria pulled the safety latch at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa baril. Her finger doesn’t shake as she holds the trigger. One single move, Mimo will be shot.

“Ikaw ang bumuo sa grupong ito at nagkunwari ka pang gaya namin ay wala kang ideya sa mga nangyayari. Ang mga impostor na tinawag ang kanilang grupo na Lupin III ay alam na alam ang bawat detalye tungkol sa atin. Sa tingin mo hindi iyon nakapagtataka?” sabi ni V.

Tama siya. I also wonder how they were able to know a lot about us. I am secretive since I am a hacker at kung maingat ako ay ma maingat sina V at Verona. But how did she figure out it’s Mimo?

“V!”

“Noong inatake tayo ng bleach bomb na gawa mismo ni Sa-el at nawala ang flashdrive at si Gia, ikaw yun. Pinlano mo iyon at sinubukang i-frameup si Sa-el dahil sa Bleach bomb niya. Pero may nakalimutan ka yata. Sa ating lahat si Sa-el ang pinakamaingat at medyo obsessive-compulsive sa mga bagay-bagay. Kapag aalis tayo, palagi niyang sinisugrado at dino-double check ang lahat-lahat mula sa maliit na bagay hanggang sa pinakamalaki. Siya mismo ang gumagawa niyon kaya sigurado akong ikaw ang nag-on ulit sa isinalang niyang bleach bomb noong araw na iyon. Hindi mo rin naisip na kilalang-kilala ko si Gia. Sabay kaming lumaki. Hindi siya gagawa ng mga bagay na siya lamang dahil masyadong siyang takot. Kailangan niya palagi ng kasabwat at base sa nakikita ko, ikaw ang taong iyon,” paliwanag ni V. she looks like she’s very sure of what she’s saying.

“What the fuck! You old man!” bulalas ni Verona.

“And the last project na si V mismo ang pinagawa, ang pagkuha sa flash drive! That wasn’t through gayong sa akin dapat iyon unang dadaan!” bulalas ko after I realized the things! Tama si V, it’s Mimo.

But Mimo remained not bothered by our accusations and realization. Mayamaya ay tumawa siya at umiling. He looked to our direction, asking for our opinion. “Tingin niyo she’s making any sense?”

Hindi pa man kami nakakasagot ni Verona ay may kinuha siya sa dala niyang paper bag. He was too fast to throw that thing in front of us and smoke filled the whole apartment. Everything became unclear and before i knew it, I was lying unconscious on the floor.

~VICTORIA~


Masakit ang ulo ko at tila may nakatali sa katawan ko. Daha-dahan kong iminulat ang mga mata ko at nagising ako sa isang may kadilimang silid at tama nga ang pakiramdam ko, nakatali ako. Mukhang tama nga ang hinala ko na si Mimo nga ang ahas sa grupo. Matagal ko na siyang pinagdududahan pero bakit niya ito ginagawa?

Kinapa ko ang holster na nasa tagiliran ko ngunit tinanggal doon ang baril na palagi kong dala. Mahigpit rin ang pagkakatali sa katawan ko kaya alam kong mahihirapan akong makaalis dito. Sinubukan kong maghanap ng daan kahit na maliit lamang na siwang ngunit tila kweba ang silid na iyon. Tanging ang nakasaradong pinto sa harap ko ang lagusan palabas.

Pilit akong naghanap ng magandang rason para sa ginawa ni Mimo na pagtataksil pero walang matinong rason ang maaring idahilan sa isang deliberate na pagtataksil. Alam kong medyo may pagka-ambisyoso at mukhang pera si Mimo. Kapag may mga ninanakaw kami, madalas siyang kumukuha ng mga extrang bagay maliban sa inutos ng Nakatataas at sinasarili iyon.

Umayos ako ng upo nang marinig ko ang pag-unlock ng pinto mula sa labas aat lumapit ang tatlong tao. Kilala ko ang isa sa kanila, si Mimo. Ang isa naman ay may tulak-tulak na wheelchair at ang pangatlong tao ay ang siyang sakay ng wheelchair. Lumiwanag ang buong paligid nang buksan ni Mimo ang ilaw. Mas naaninag ko ang mukga ng taong sakay ng wheelchair. May edad na siya ngunit hindi maikakaila ang otoridad sa kanyang mukha. Mukhang siya ang tipo nang taong hindi ngumingiti at kung ngumiti man ay iyong nakakatakot na ngiti na nangangahulugan ng kapahamakan.

“So this is Jack’s daughter,” wika ng taong nasa wheelchair at ngumisi sa akin. “Kalagan niyo siya.”

“Wag,” pigil ni Mimo. “She can escape that way kahit marami tayo at nag-iisa siya so better keep her that way.”

Tumango-tango ang matanda. “I see.”

Tila gusto kong ipaikot ang mga mata ko sa narinig. Takot sila na makatakas ako? Hindi ko naisip na ganoon pala ang tingin ni Mimo sa akin. Gusto kong matuwa na alam niya at ina-acknowledge ang kakayahan kong iyon pero hindi ko magawa. Si Mimo ang halimbawa sa napakaraming tao na rason kung bakit hindi ka dapat magtiwala sa kahit na sino maliban sa sarili mo.

“You grow up the way Jack wanted you to,” wika niya. “You are surely someone very useful to me pero sa ngayon ay ang kailangan ko lamang sa’yo ay ang lokasyon ng lahat ng iniwan ng Black Diamond.”

“Wala kang makukuhang kahit ano sa akin,” mahinahon kong wika.

“What a very calm demeanor. With that voice I cannot tell if you’re scared right now,” wika niya na may ngisi sa kanyang labi.

“Hindi ako natatakot,” sagot ko sa kanya.

“You’re also good in handling yourself.” Sumulyap siya sa suot niyang wristwatch. “I’m a businessman and every second is precious so tell me what I want.”

“Wala kang makukuhang kahit ano sa akin,” mas diniinan ko ang pagkakasabi ng bawat salita. Inulit ko na iyon at sana naman ay maintidihan niya ang mga simpleng salita na sinabi ko.

Hindi iyon sapat para sumuko siya dahil mas lalo lamang siyang ngumisi habang diretsong nakatingin sa akin.

“Look dear, let’s not waste any time and everything here. I also don’t want to use coercion so just tell me where is it while I’m being nice,” wika niya. Napansin ko ang paghigpit ng pagkakakuyom ng kamao niya. Si Mimo naman ay nakatayo lamang sa gilid niya. Hindi siya nangahas na tingnan ako sa mga mata.

Isinandal ko ang ulo ko at nanatiling tikom ang bibig. Epektibo naman iyon para mainis siya. Siya nga pala si Homer, lolo ng hacker at mukhang sa kanya naman ng hacker ang pasensyang manipis lamang.

“I can kill Sherlock, ang taong nagpalaki sa’yo sa pamamagitan lamang ng isang phone call,” wika niya at itinaas ang isang kamay na may hawak na cellphone.

Nanatiling walang reaksyon ang mukha ko ngunit sa loob ko ay natatakot ako sa pwedeng mangyari kay Papa. “Hindi ba nasabi sa’yo ni Mimo na hindi ako natatakot sa mga ganyang banta? Hindi ko ina-attach ang sarili ko sa kahit na sino kaya kahit isa-isahin mo pa ang mga kakilala ko, wala kang mahuhuta sa akin na impormasyon.”

Tumingin siya kay Mimo na tila ba humihingi ng kumpirmasyon sa sinasabi ko at simpleng tango ang isinagot ng huli sa kanya. Naningkit ang kanyang mga mata sa labis na inis na nararamdaman. “Hubaran siya.”

“Ako pa mismo ang maghuhubad sa harap niyo at nang makita niyong wala sa katawan ko ang hinahanap ninyo.”

“Talagang napakatapang mo dahil kahit maliit na pangamba ay walang mababakas sa mukha mo. Impressive,” komento ni Homer. Kung may bagay man na ipinagmamalaki ko bilang kakayahan ng isang magnanakaw na gaya ko, iyon ay ang pagbabalat-kayo at pagsusuot ng maskara. Sa mga sandaling ito ay suot ko ang maskarang hindi nangangailangan ng make-up, prosthetic o kahit anong mask.

Lumapit sa akin ang dalawang nakabantay sa pinto at unti-unti akong kinalagan. Tiningnan ko sila nang masama at sapat ang tingin na iyon upang bahagya silang mapaatras. Hinawakan ko ang laylayan ng suot kong T-shirt at walang pag-aatubiling hinubad iyon. Sunod kong tinanggal ay ang pantalon ko. Isusunod ko na sana ang suot kong bra ngunit biglang may malakas na kalabog mula sa labas ng pinto. Napatingin doon si Mimo at maging si Homer.

Bigla iyong bumukas at pumasok ang hacker na nanlilisik ang mga mata. “Homer!” mariin niyang wika.

“Apollo, my grandson!” sagot ni Homer at ngumisi. “Hindi na ako msagtataka kung paano mo natunton ang lugar na ‘to. I always acknowledge your capabilities.”

Humakbang palapit sa amin ang hacker at tiningnan nang diretso si Homer. “Wala sa kanya ang mapa o anuman. Wala siyang alam tungkol doon.”

Tumawa sa kanya si Homer. “Paano ka naman nakakasigurado? Did you search her body? Every sides and curves of it?” Walang lumabas na salita sa bibig ng hacker at malalim lamang ang kanyang paghinga. “So my grandson, why don’t you do the honor of searching it now. I am sure that the location is instilled in her body. Narinig ko iyon sa bibig mismo ni Jack. You also heard it yourself right? You were there and that little girl told you.”

Nanigas ang hacker sa kanyang kinatatayuan na para bang pumasok sa isipan niya ang alaalang iyon. Hindi ko iyon maalala o ang kahit anong tungkol sa buhay ko bilang si N, ang batang anak ni Jack. Tagpi-tagpi lamang ang mga eksenang napapanaginipan ko.

“Do it grandson. Search her body.”

Saglit na nag-isip ang hacker bago huminga nang malalim at humakbang papalapit sa akin. Tiningnan ko siya nang walang kahit anong emosyon sa mukha samantalang halos magkadikit na ang kanyang mga kilay.

“I’m sorry,” mahinang wika niya bago ako pinatalikod. Naramdaman ko ang kamay niya sa likuran ko at bahagya niyang pinisil ang balikat ko. Bumaba ang kanyang kamay sa maliit na telang naiwan sa katawan ko. Bago niya iyon natanggal ay nakarinig kami ng pagsabog. Umusok ang buong silid at hinawakan niya ang kamay ko bago ako itinakbo palabas sa umuusok na silid.

#

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro