CHAPTER 31: HOMER
Chapter 31: Homer
~RYU~
I throw my things at my bed at agad na dinala ang laptop sa mesa. Kanina habang tinitingnan namin ni V ang laman ng mga files ay halos manigas ako sa kinauupuan ko.
Everything inside it was shocking but what caught my attention the most is the involvement of the name Alejandro Vander. Unknown to V, I copied the contents of the files in my laptop kanina.
Pero mas naging kumplikado ang lahat dahil sa nangyari. We cannot trust anyone. Not even ourselves. Siguro nga ay si Gia ang nagnakaw sa flash drive kanina pero marahil ay may kasabwat siya.
Is it Mimo? Na sa simula pa lamang ay wala na akong tiwala? Or is it that Verona, although I don't like him, I think he could be trusted. Not until nalaman ko kanina na may nangyari sa kanila ni Gia. That man should learn self-control like I do. Gayunpaman ay wala akong pinagkakatiwalaan sa kanila. Not even V.
Hindi ko alam kung bakit nadawit ang pangalan ni Alejandro Vander also known as Homer of Vander Mafia, my grandfather.
Lumaki ako bilang Apollo ng mafia at hindi ko naranasan ang mga bagay-bagay gaya ng bonding kasama ang lolo at lola. Like my father and Cronus, Homer is dedicated to the mafia. In fact ay siya ang nagsimula ng lahat— hence he calls himself Homer, the great poet whose works is ascribed to gods and goddesses.
Ang mga bagay nalaman ko ngayon ay lalo lamang nagtulak sa akin na higpitan ang pagtitiwala. Isang bagay lamang ang nasa isip ko ngayon. Lupin isn't just a simple gang of gentleman thieves. There's more to this story.
Una ay ang tungkol kay V. She has long searched for her real parents at sabi ay maaring alam iyon ng nakatataas.
Second is that Mimo is the one who sent us the mails bilang imbitasyon sa pagsali sa grupo. Plot twist is that he doesn't know who's behind it which is a little difficult to believe. May parte pa rin naman ng utak ko na naniniwala na hindi nga iyon alam ni Mimo dahil marami namang taong ganoon. People accepts suspicious tasks im exchange of money kahit pa hindi nila alam ang puno't dulo ng lahat. That's exactly how things in the mafia.
Then here's Verona. This guy is a big catch! Kung sakaling alam ng mafia ang kakayahan niya, malamang ay naging prospect reaper na rin siya. Israel Verona is a bricoleur. He makes any use of anything at hand. Gaya na lamang ng paggawa ng explosives. Give him bleach and heat, he can make it blast.
Sa katunayan ang ganoon ang gawa ni Daddy, I mean old man Rionessi or Tartarus of Vander Mafia. He makes explosives pero ang kaibahan lamang ay kailangan niya ng saktong mga sangkap. Right things for right explosions. That's how things are for him.
And now, here's Alejandro Vander. Most suspocious transactions of Congressman Rosales involves him and in large unimaginable sums. Alam ko sa sima pa lamang na hindi maayos ang ginagawa ng mafia but I never thought it is as grand as this!
Sinubukan kong halungkatin ang lahat ng tungkol sa mafia. Baka maaring naroon ang mga sagot sa katanungang iyon. Umupo ako sa harap ng working table ko kung saan nakakalat ang iba't-ibang monitor. Una kong tiningnan ay kung sino ang nasa labas ng silid ko. So far there's none.
I checked the CCTV in front of Vanfer mansion at napansin kong huminto ang tatlong sasakyan. Unang lumabas ay mga tao ng mafia na base sa suot na formal suit, marahil ay galing sa transaksyon. Ililipat ko na sana iyon ngunit nakuha ang atensyon ko nang maglabas mg wheelchair mula sa compartment ang isa sa mga tao ng mafia at iniayos iyon. Ilang sandali lamang ay binuksan nila ang pinto at inalalayan ang isang matanda na kahit hindi man uugod-ugod ay hindi naman magawang makagalaw ng siya lamang.
I know exactly who that old man is. Alejandro Vander.
Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba o bahagya siyang sumulyap sa CCTV na para bang alam niya na nanunuod ako. Iniatras ko ang upuan at hindi inilayo ang tingin sa kanya. Damn. Only Homer makes me feel uncomfortable like this.
Inupo siya ng tauhan niya sa wheelchair at tinulak papasok sa loob. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nataranta. I jumped towards my bed and ransacked my bedside drawer looking for anything. My hand touched my flashdrive and with shaking hand, I jammed it on my laptop, copying everything.
Tiningnan ko ang iba pang surveillance camera na nakakalat sa mansyon at tinitigan iyon. Ngayon ko lang napansin na nagtitipon pala ang ilang malalaking tao sa mafia— including Homer .
My hand tapped on the table as I waited for the notification that the transfer was complete. Hindi ko pa rin lubusang maiproseso sa utak ang mga nalaman ko. I do not know who to trust anymore.
Just when the little window notified that the transfer was complete, biglang may kumatok sa pinto na halos nagpatalon sa akin sa kinauupuan ko. Crap, daig ko pa ang kriminal na may tinatago.
"Apollo, pinapatawag ka ni Cronus," wika ng boses matapos ang katok. It's the reaper Poseidon.
"Susunod ako," wika ko sa buong boses. Tinanggal ko ang flashdrive at naghanap ng maaring pagtaguan niyon. My first resort is under the pillow but I realized, if I am looking for something inside someone's bedroom, the first place I will search is under the pillow kaya muli kong iginala ang tingin sa paligid.
Definitely not in my pen holder too or any part of my drawer. Trashcan is very risky too. Maaring anumang oras ay maglinis doon ang katulong. My last resort is the little box inside my drawer. Condoms.
Nagbihis ako at agad na lumabas ng silid. Bago tuluyang umalis ay maiging tiningnan ko ang silid na para bang isinasaulo ang kabuoan ng kwarto.
Pagka-lock ko ng pinto ay namataan ko si Poseidon na tila hinihintay talaga ako. I hate it when Tartarus would make sure I will be there by asking reapers to look closely at me. I gave him a smirk at tila naintindihan naman niya iyon kung kaya bumaba siya at sumunod na ako sa kanya.
Sa sala ay natagpuan ko ang mga nagkalat na bodyguards. Gaya ng nakita ko sa surveillance ay nakasuot sila ng formal suits at may mga suot na earpiece. They’re watching the surrounding and ready for any threats at any time. Nilagpasan ko sila ngunit bahagya akong napatigil at muli silang nilingon. I’m no cooler but I don’t have a good gutfeel about tonight.
Gayunpaman ay inayos ko na lamang ang suot kong tie at sumunod sa conference room.
Pagdating ko roon ay halos lahat ng atensyon ay nasa akin. Cronus stood up at inakbayan ako upang iakay patungo sa pwesto ko. Old man Rionessi was on the side, watching us. Mula nang bumalik si Mommy ay hindi na rin naayos ang lahat sa pagitan naming ng ama ko.
We only have a civil relationship like we always do. Siguro iyon nga ang sinasabi nilang “matayog na ang puno para ayusin pa ang lahat.” Ang alam ko lamang ay parehas kaming masaya mula noong nakabalik na si mommy. I only feel fatherly affection through Cronus. Noon pa man ay malapit na talga ako sa kanya.
“Apollo,” masayang wika ni Cronus. “Everyone, this fine man is my nephew Apollo.”
Kapag may pagtitipon talaga ay hindi kami nakakaligtaang ipagmalaki ni Cronus sa lahat ng nasasakupan gayong kilala na kami ng lahat. “And Apollo, I’m sure you already meet everyone.”
Pilit na ngumiti ako at tumango. I sat on the chair intended for me at hindi ako naging komportable lalo na at nasa harap iyon mismo ni Homer. Our grandfather really gives off that uncomfortable vibes. Nang sulyapan ko si Zeus sa tabi ay tila hindi rin siya komportable sa presensya ni Homer.
“This meeting is for the newest transaction we had with Paul Russel and gang,” wika ni Tartarus na siyang nagbukas sa meeting. Sumandal ako at napahalukipkip. Why am I here by the way? The transactions with Paul Russel and gang is beyond my involvement.
Naramdaman kong bahagyang inapakan ni Zeus ang paa ko sa ilalim ng mesa. Nakakunot ang noong tiningnan ko siya ngunit wala naman sa akin ang atensyon niya. He typed something on his phone at pasimpleng inilapag iyon upang Makita ko iyon.
“wondering why ur here? Crippled Homer asked for your presence”
Iyon ang nakasulat doon at hindi ako nagpahalata. Pasimpleng sinulyapan ko sa harap si Homer na ang atensyon ay wala naman kay Tartarus kundi nasa akin. I’m completely aware of his presence at hindi ko na lamang iyon pinansin.
Nagpatuloy ang diskusyon hanggang sa nauwi iyon sa bigayan ng opinion. Nagulat na lamang kaming lahat nang nagsalita si Homer.
“This matter is too simple for you to stress yourself out, bakit hindi natin itanong ang opinion ng dalawa kong apo?” His voice was old but authoritative. Iyong tipong magkukumahog ka sa pagsunod sa kanya. Well not me and Cooler.
Napatingin naman ang lahat sa aming dalawa ni Zeus.
“Zeus?” untag ni Tartarus.
“I already expressed my thoughts about this. Russel and gang isn’t someone worth trusting. Believe me, kapag pinagpatuloy natin ito ay tayo lamang ang mapipilay. His offer is just too good to be true. For a small, starting gang like his, the figures he gave us cannot be trusted. And when it’s too good to be true, it probably is,” sagot ni Zeus.
My cousin really has a good decision-making. They say Cooler Vander also known as Zeus of the vander mafia is the least intelligent in the new generation of Vanders. Binase nila iyon sa IQ, which Gray and I have higher count compared to him. Pero para sa akin ay napakatalino ni Cooler. He really has a potential of a good leader dahil sa kanyang decision-making processes at sa paraan ng paghawak niya ng mga tao.
I saw Homer smirked and nodded his head pero ang mga mata niya ay nanatiling nakatingin nang diretso sa akin. “Wonderful, Zeus. Wonderful. How about you, Apollo?”
Inaasahan ko na iyon. I know he would ask for my opinion too. I know he’s up to something.
Iniayos ko ang necktie ko at tumayo. “I believe this matter is out of my concern. I am the hacker, and matters like this are beyond my decisions. Call me anytime if you think I could be any of help.”
I tapped Zeus on his shoulders at umalis doon. Ramdam ko ang mga tingin nila sa likuran ko at hindi ko na lamang iyon pinansin. Nakumpirma ko na may alam na nga si Homer tungkol sa mga nalalaman ko. Marahil ay naitimbre na sa kanya ni Congressman Rosales ang tungkol sa nagyari. If not the Congressman, someone from the group including Gia or whoever that third thief is told him. Maaring isa sa grupo ang nasa kanya talaga ang loyalty. And that is someone I need to find out sooner.
Muli kong nadaanan ang mga guard na nakakalat sa sala. I walked passed them although something seemed odd. Ipinilig ko na lamang ang ulo ko. Marahil ay epekto lang iyon ng presensya ni Homer kanina sa conference room.
Umakyat ako sa silid ko at pinihit ang siradura. My hand froze on the knob when I felt something weird. It wasn’t locked. At sa pagkakaalala ko ay ini-lock ko iyon kanina. Humigpit ang kapit ko at inipon ko ang lakas ng loob bago iyon tuluyang itinulak. Before I could take a step inside, someone grabbed my arm, stealthily closed the door and locked it as he slowly wrestled me to bed.
I grunt when that someone twisted my arm as he pinned me on the bed. Hindi ko rin magawang gumalaw dahil mas lalong nasasaktan ang braso ko. I cannot even shout and ask for help because it would be to no avail, knowing that my room is soundproof.
Sinubukan kong magpupumiglas ngunit napatigil rin nang makitang isa sa mga bodyguards ang may hawak sa akin ngayon. And I think I know who exactly it is.
“I don’t know that you don’t trust me this much,” wika ko at sumuko sa pagpupumiglas.
“Wala akong pinagkakatiwalaan na kahit sino,” sagot niya at kinuha ang baril na nasa holster sa tagiliran niya. Binitawan niya ang pagkakapilipit sa mga braso ko ngunit nakakasa na ngayon ang baril na nakatapat sa sentido ko.
Sinubukan kong tumayo ngunit mas lalo lamang niyang idiniin sa sentido ko ang baril. Wala akong nagwa kundi ang humiga na lamang at bumuntong-hininga.
“Are you really sure about this V?” tanong ko.
Yup, it’s Victoria. Akala ko ay nagawa ko ang paglipat sa mga files sa laptop ko nang hindi niya nalalaman. I was wrong. I think I outwitted her, when in fact she was the one who outwitted me. Hindi ko tuloy maiwasang humanga sa kakayahan niyang iyon.
“Ang alam ko lang ay hindi na ako sigurado sa kung sino o ano man ang pagkakatiwalaan ko. Akin na ang flash drive,” sagot niya. She ripped the mask she’s wearing at itinapon iyon sa sulok. Her long curly hair fell into her shoulders.
It was a beautiful sight, alright but with the presence of the freaking gun and her, black suit, she has become a dangerously beautiful sight. Damn, where do those words came from?
Isang kalabit lang niya sa gatilyo ay malamang sabog ang utak ko sa sariling silid ko. I thought of a way to escape and realized that I should be doing something I’m good at. Intimidating women.
I let out a naughty smirk, raising my arms on both side like I surrender.
“This is my room. My bed. Nakahiga ako sa sarili kong kama at nakapatong ka sa akin ngayon. You know what? I have a hundred of scenes running in my head right now,” wika ko ngunit mas lalo lamang niyang idiniin ang baril sa ulo ko. I saw how she become disgusted and uncomfortable but it wasn’t enough to scare the shit out of her.
“Akin na ang flash drive,” mariing wika niya.
Hindi ko pinansin ang sinabi niya at pinagpatuloy ang pag-i-intimadate sa kanya. “Baby, I’ve got tons of protection inside my drawer that we can use all night―” Bahagya akong natigilan sa sinabi ko. Shit.
Napansin naman iyon ni V. Her forehead creased before she get off me and ransacked my drawer. Pinagpupunit niya ang mga kahon ng condom na naroon at itinapon iyon sa sahig. On the third box, she got the flash drive kung saan ko iyon inilagay kanina. There was a mixture of achievement and disgust on her face.
Napabangon ako mula sa pagkakahiga at naupo sa kama. I brushed my palm in my face. Damn, shit just got real.
#
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro