Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 30: BLAME IT ON OTHERS

Chapter 30: Blame it on others

~RYU~

Nilaro-laro ko sa kamay ko ang hawak kong flashdrive na hugis lighter. My thin thread of patience was cut moments ago but I'm still the one who repaired it anyway. I stomped my foot few times at ilang beses na 'ring inihampas ang kamay sa sasakyan. I glanced at my wristwatch. Few minutes passed six in the afternoon but still no sign of V.

 
Naghintay pa ako ng ilang minuto sa labas ng Bridle. I was close to entering the main gate just like what I used to do when my cousin and that witch is still here pero ngayon ay nag-aalangan akong gawin iyon. Victoria isn't like the witch who totally get annoyed with my presence. It seems like she doesn't care at all or maybe magaling lamang siyang magsuot ng ano mang maskara.

Few moments later, I spotted V on the Biometric system of the school. Tumayo ako nang matuwid at pinanuod siyang tahimik na lumakad patungo sa gate. She smiled at the guard at tumayo sa gilid nang tuluyan siyang makalabas. Inayos ko ang suot na polo bago lumapit sa kanya.

"V."

She looked at me and there's no hint of surprise in her eyes. Naging alerto ang mga mata niya at lumingon-lingon sa paligid.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya sa akin. I raised my hand holding the lighter at bahagyang sumeryoso ang mukha niya. Tila naintindihan naman niya iyon kaya nauna akong maglakad patungo sa kotse ko. Sumunod siya sa akin ngunit nang papasok na ako sa kotse ay muli siyang nagsalita.

"Hindi mo ba iyan ibibigay sa akin?'

My hand froze. Sinulyapan ko siya at tila yamot na yamot siya habang nakatayo sa likuran ko.

"Do you want me to open the door for you?" tanong ko sa kanya.

Bahagyang kumunot ang kanyang noo. "Trabaho ko iyan, ako na ang bahala kung ano ang susunod kong gagawin."

Humigpit ang hawak ko sa flashdrive. "I risked my life twice for this, don't you think I deserve to know what this contains?"

Bumuntong-hininga siya bago binuksan ang pinto ng sasakyan at sumakay. I let out a victorious smirk before I drive the car.

Madilim na ang paligid at tahimik na nagmaneho ako patungo sa apartment. Nang mapansin niya ang daan na tinatahak ko ay muli siyang nagsalita.

"Wag kang pumunta sa apartment."

Bahagya ko siyang tiningnan. "Why?"

"Wag lang."

I stopped the car on the side. "Spill it."

Surely she didn't want me to drive to the apartment where we usually see what the plans we have for the items we get. Kung ayaw niya ay marahil may rason.

"Hindi ligtas. Masama ang pakiramdam ko dahil sa nangyari. Pakiramdam ko ay may ahas sa atin."

"Don't you think it's your sister?"

"Gia?" she asked at bahagya siyang nahulog sa malalim na pag-iisip. "Pwede pero—"

I cut her off. "Or it could be you or me or Verona or that old man. I know you already know this V but trust only few or no one but your self."

Matamang tiningnan lang niya ako. Ilang sandali ay lumipat ako sa backseat at kinuha ang laptop.

"Anong ginagawa mo?" tanong niya.

Binuksan ko ang laptop at inilabas ang flashdrive sa bulsa. "Let's check this."

I heard her sigh bago siya lumipat sa likuran. Umupo siya sa tabi ko at pinanuod ako sa ginagawa. My hands jammed the flashdrive into the laptop and waited as it loads and notify that it's ready to use.

Nang buksan ko ang file ay napakaraming laman niyon. Financial statements, fraudulent files, list of stocks, financial transactions, contracts and agreements, insider trading files, conspiracy and others. Kaya pala nais ng 'nakatataas' na i-expose ang politician na iyon dahil sa kanyang baho.

We skimmed on the files contained on the flashdrive.

"I will send this to media and others," wika ko at akmang isasara ang laptop ngunit pinigilan ako ni V.

"Sandali!" Pinabuksan niya sa akin ang isang file at maging ako ay nagulat sa laman niyon. Maps, loot locations, conspiracy plans and important people.

"Shit," mahinang bulong ko.  Congressman Rosales knew about the Black Diamond!

"Kung gayon ay alam din niya ang tungkol sa Lupin?" tanong ni V.

"No, I don't think so. Kung alam niya ay hindi niya sana ako iniwan sa office niya."

Nagtatakang napatingin siya sa akin and I felt the need to explain.

"I guess ninja moves like you always do doesn't work on me so I used connections. I used my name." wika ko.

She was suprised in my method. "Kailangan mong maging maingat."

In just shrugged my shoulders and viewed the files again. Bigla akong napatigil nang may napagtanto ako.

"Who knows you have mission like this?"

Nagulat siya sa tanong ko. "Maliban sa ating apat?"

"Ating apat?" nagtatakang tanong ko.

"Ikaw ang nagbibigay ng mga ganitong email mula sa nakatataas hindi ba?"

"But I never received this one," wika ko. Yes, orders are sent to us and other details are sent to me at ako na ang nagde-disseminate niyon sa iba. But this particular mission for V ay sa email niya lamang. I mentally cussed and checked my laptop.

"Someone intervened and the email didn't reach to me," wika ko. Napatigil ako at tiningnan iyon. That someone tried to mess with a hacker!

"Ang isa pang magnanakaw!" bulalas ni V. "Kung gayon..." She looked at me with a very serious expression after her realization. "Maaring isa sa ating apat ang ikatlong magnanakaw."

***

~SA-EL~

"Hi gwapo, ano"ng ginagawa mo?"

Nag-angat ako ng tingin kay Gia na nakatayo ngayon sa gilid ko. She wore a low back shirt at malayang nakikita ko ang kanyang tattoo sa likod.

"Trying something," I replied and faced what I'm doing again.

At the back of my mind, the scene that happened last night keeps on repeating in a continuous loop lalo na ngayong nakikita ko ang tattoo sa likod niya na isinaulo ko kagabi. I even took picture of it.

Yup, Gia and I shared a sexy moment last night. She came to me and asked me to accompany her to her room. Pagdating doon ay nilakumos niya ako ng halik and because I'm just a man, I took advantage of the situation.

I did her from behind at kinunan ng larawan ang likuran niya habang nakayuko siya sa kama at panay ungol.

"Something from bleach and drain cleaner?" tanong niya na nagpabalik sa akin mula sa pag-alala sa nangyari kagabi.

"I'm trying to make some bombs."

"Oh," tila manghang bulalas niya. "Talaga?"

Nakarinig kami ng isang tikhim. It's the old man Mimo. "Kung hindi mo natatanong, Sa-el doesn't look useful at all pero malaki ang tulong niya sa amin. He can make anything out from ingredients he has at hand. Bricolage at its finest."

"Wow!" Lumapit sa likuran ko si Gia at minasa-masahe ang likod ko. "Paano mo nagagawa iyon?"

Huminga ako ng malalim at pinakita ang bleach. "Bleach contains sodium hypochlorite and this cleaner contains hydrochloric acid. Kapag pinagsama mo itong dalawa, it will create a chemical reaction—"

"Gia, gusto mo bang turuan kita ng tungkol sa hypnotism?" wika ni Mimo. Papansin din talaga itong matandang ito. Gia willingly went to the living room with him at pinagpatuloy ko naman ang ginawa ko.

Pasado alas syete na nang gabi ngunit hindi pa rin nagagawi rito si V. Not that she's close with Gia, pero hindi ba kailangang bisitahin din naman niya ito?

Damn, don't tell me magkasama na naman sila ng hacker?! I don't know why I was annoyed with such idea. I heated the mixture at hindi pa rin maalis sa isipan ko ang tungkol sa hacker at kay V.

Alright, I admit I hated the hacker. He doesn't look friendly at all. Nakarinig ako ng tunog ng pagbukas ng gate kaya dali-daling kong pinatay ang apoy at pumunta sa sala. Eksakto namang pumasok sa pinto si V kasama ang hacker.

"Tori!"

Sinalubong ni Gia ng halik sa pisngi si V. The latter was shocked for a moment. Nakakunot ang noong tiningnan ko ang hacker na nakatayo sa likod niya ngunit sinagot niya lang ako ng smirk. F*ck you hacker.

"Tori, can you stay here tonight? Ang lungkot kasi rito wala akong kasama," wika ni Gia. The hacker walked on the side at nakade-kwatrong naupo sa sofa.

Bahagyang nag-alangan si V. Halos isang linggo na ang lumipas nang dinala niya rito si Gia ngunit hindi naman niya ito sinasamahan. Sa huli ay tumango na lamang siya.

"Sige, dito ako matutulog mamayang gabi," sagot ni V. Bahagya niya akong sinulyapan at ang hacker. Her eyes linger on the hacker for a while. Don't tell me nagkakamabutihan sila ng hacker?

Eh, no. V isn't the type who go into things I'm thinking right now. Umayos ako ng upo at pasimpleng tinitingnan sila nang tumunog ang cellphone ko.

When I checked, BABE was calling. Teka, Babe? Sino si Babe? I don't remember saving a number and named it Babe. Gayunpaman, tumayo ako at lumabas upang sagutin ang tawag.

"Hello?"

"Glad you picked up," sagot ng boses ng babae. "Babe, the night is cold and lonely, want to heat it?"

Her voice is seductive and if I'm not pissed right now, I would have drive to see her. She's probably one of the girls I played late night games with.

"Sorry babe, but I can't." Hindi ko na hinintay ang sagot niya at pinatay ang tawag. Muli akong pumasok sa bahay ngunit pagbukas ko ng pinto ay sinalubong ako ng nakakahilong usok. Agad kong tinakpan ang ilong ko at dumapa.

The whole house was covered with smoke and fumes— shit! Ang bleach bomb na ginagawa ko! Kahit bahagya nang nahihilo ay gumapang ako patungo sa kusina kung saan iniwan ko ang trabaho ko. I was surprised to see the stove on gayong sigurado akong pinatay ko iyon kanina.

I crawled more until I reached the stove and turned it off before total darkness swallowed me totally.

***

~MIMO~

Masakit ang ulo ko ngunit pinilit ko pa ring buksan ang mga mata ko. The house was now clear from the poisonous gas that swallowed the area.

Napalingon ako sa ilang beses na umubo sa likuran ko at nakita kong dahan-dahang tumayo ang hacker. Lumabas naman mula sa kusina si Sa-el at pasuray-suray na lumapit sa sahig kung saan nakahiga at walang malay si V.

"What the hell happened?" inis na bulalas ng hacker at umayos ng upo. Ilang beses niyang iniling ang ulo at niluwagan ang suot na necktie.

Tumayo na rin ako at tinulungan si Sa-el na buhatin si V at iniupo sa sofa. I shook her shoulders few times upang magising siya at dahan-dahan naman niyang binuksan ang mata.

"Ano'ng nangyari?" tanong ni V. Bahagya niyang minasahe ang kanyang ulo at lumingon-lingon sa paligid na tila ba may hinahanap.

"Nasaan si Gia?!" bulalas niya at saka lamang namin naalala si Gia.

Shit, nasaan nga si Gia? Nagkatinginan kaming apat at hinanap si Gia sa loob ng bahay but found no one.

Just then the hacker stopped on his track. Nanlalaki ang mga matang tiningnan niya si Victoria at kinapa ang bulsa.

"Damn!" dumagundong ang boses ng hacker sa loob ng apartment. "Nawawala ang flashdrive!"

Nagulat si V sa sinabi ng hacker samantalang nagtatakang nagkatinginan naman kami ni Sa-el. Flashdrive? What is it about?

"Shit, it's really gone!" Naiinis na sinipa ng hacker ang lamesita at pasalampak na umupo.

Napasinghap naman si V at napasabunot sa sariling ulo. Tila napakalaki ng problema nila ngunit wala kaming ideya kung ano iyon.

"What is this about?" tanong ni Sa-el. Nagpalipat-lipat ang tingin niya kay V at sa hacker. Gaya ko ay mukhang wala siyang ideya kung ano ang nangyayari.

"Isang proyekto ang binigay sa akin at laman ng nawawalang flashdrive ang napakaraming importanteng bagay," sagot ni V. "Sa tingin ko ay naroon ang lahat ng sasagot sa katanungan natin tungkol sa Black Diamond."

"So Gia was the third thief," wika ng hacker. Muli siyang nagdabog at napasabunot sa kanyang ulo. "Fuck Gia!"

"Sa-el did," wika ko at tiningnan nang masama si Sa-el. Napatingin rin ang iba sa kanya at biglang namula si Sa-el.

"What?!" the hacker asked at tiningnan si Sa-el.

Frustrated na napaupo sa sofa si Sa-el. "What?! It has nothing to do with this."

"Ikaw ang gumawa ng bleach bomb na nagpa-suffocate sa ating lahat," mahinahong wika ni V. "Ikaw lamang ang kayang gumawa niyon."

"Bleach bomb? What the hell? Is that even possible?" hindi makapaniwalang tanong ng hacker ngunit walang sumagot sa kanya.

"Did you plan this?" tanong ko.

Napaawang ang labi ni Sa-el. "What now? You're accusing me?! I already told you, I have nothing to do with this!" Tumingin siya kay V. "Oo ako ang gumawa ng bleach bomb but I'm possitive that I turned off the heat before going here! Nang binalot na ng usok ang apartment ay gumapang ako sa kusina and found out that it was on! Someone tried to frame me up! It could be Gia or..." Tiningnan ako nang masama ni Sa-el. "You old man."

"Oh bakit sa akin napunta ang usapan?"

"You pry on my notes about how explosives were made at kung ano ang maaring epekto!" sigaw niya.

"That doesn't prove anything!"

"And me creating the bleach bomb doesn't prove anything either!"

Narinig kong napasinghap ang hacker at sumandal sa sofa. Tiningnan ko rin siya ng masama. "Or it could be the hacker. Hindi ba nakakapagtakang bigla na lamang siyang sumulpot matapos magtago sa keyboard—"

"Now you're picking on me?" tila napipikon na sagot ng hacker. "I did everything to get those files into that fucking flashdrive—"

"Tumahimik nga kayong tatlo!" sigaw ni V at tumayo. "Sabihin na lamang natin na kagagawan ito ni Gia! Kung isa man sa atin ang kasabwat niya—"

"Oo nga pala, kapatid-kapatid mo pala siya," wika ko kay V. She looked at me icily. Hindi lamang sila ang naiinis sa nangyari. I'm pissed as much as they're pissed on this matter.

"Ano ba ang gusto mong palabasin Mimo? Na ako ang—"

Pinutol ko ang mga sasabihin. "I never said that."

"Stop picking on V old man," mariin ang boses na wika ni Sa-el.

I laughed sarcastically. "Ah, baka naman ikaw talaga. Maybe that's the other secret you have along with the fact that you fuck her."

"Don't test me on this old man!" singhal ni Sa-el. Nakakuyom ang kanyang palad na tila ba handa akong salubungin ng kamao anumang oras ngayon.

"What? Totoo naman ah!"

"Tumahimik nga kayo!" sigaw ulit ni V. "Hindi natin maaayos ang bagay na ito kung magsisisihan lang tayo!"

Natahimik kaming lahat. Tama si V. Blaming each other is not the solution to the problem now. Sabihin na lamang natin na kagagawan nga itong lahat ni Gia. So that explains why she was easily brought by V here.

"I don't think she's the linchpin," biglang wika ng hacker. Napaangat kami ng tingin sa kanya at nagtataka sa sinabi niya. Mas lalo kaming nagulat nang magsalita si Sa-el.

"I also don't think that she's the linchpin or what. Her tattoo doesn't make sense," wika niya.

"It seems like it doesn't makes sense but that's how it should be," wika ko. Sino bang maglalagay ng mapa o ano sa katawan ng bata at gagawing napaka-obvious? Only stupid people would do such.

"I'm certain that she's not the Victoria that we're looking for," tila kumbinsidong wika ng hacker.

Gulat na napatingin kami kay V nang magsalita. "Tama ang hacker. Sa tingin ko ay hindi nga si Gia ang hinahanap natin."

Nagkatinginan na lamang kaming apat at pilit na inaarok ang sitwasyon.

#

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro