Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 29: CLOSURE

Chapter 29: Closure

~VICTORIA~

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"

Dumagundong ang boses ko sa loob ng sasakyan ng hacker. Napasandal ako at paulit-ulit na minasahe ang noo ko. Ano ba ang nakain niya at nakialam sa trabaho ko?

"I just wanted to help!" sigaw niya sa akin. Alam kong naiinis na rin siya ngunit doble ang inis na nararamdaman ko ngayon.

"Nakita mo ba kung ano ang epekto ng sinasabi mong tulong? Mas pinapalaki mo lang ang problema!"

Nag-smirk lang siya at ikinuyom ang palad. Nakakainis siya! Paano na ngayon ang proyektong iyon? Nadagdagan pa ang iisipin ko! Sino ang isa pang magnanakaw na iyon?

"Let's get going and talk about it at home," wika niya at pinaandar ang sasakyan. Nanatili lamang akong tahimik hanggang sa makabalik kami sa apartment.

Pagdating namin roon ay nakaupo silang lahat sa sala. Nasa harapan din si Gia at mukhang siya ang kinakausap nina Mimo at Sael.

"Magkapatid talaga kayo ni V?" narinig kong tanong ni Mimo.

"Not by blood," sagot naman ni Gia.

Nag-angat ng tingin si Sael nang mapansin ang presensya namin. Bahagyang napakunot ang kanyang noo nang makita kaming magkasama ng hacker. Isa-isa niya kaming tiningnan ng masama bago ibinalik kay Gia ang tingin. Saka lang din ako napansin ng huli.

"V, nandito ka na pala. Saan kayo galing?" nakangiting tanong niya sa akin.

"May binili lang."

Hindi naman sumagot ang hacker at naupo na lamang. Gaya ko ay nahulog din siya sa malalim na pag-iisip. Mukhang nababahala rin siya dahil sa naging palpak na proyekto. Aba, dapat lang mabahala siya! Siya naman ang dahilan kung bakit iyon pumalpak.

Tumayo ako at kinuha ang bag ko.

"Saan ka pupunta?" biglang tanong ni Gia. Napatigil ako at lumingin sa kanya. Maging ang tatlo ay napatingin rin sa akin at naghihintay ng sagot ko.

"Uuwi."

"You're leaving me here?" nakataas ang kilay na tanong ni Gia. "V, seryoso iiwan mo ako rito? Sino ang kasama ko?" Nagkunwari pa siyang tila nasasaktan at kilala ko si Gia. Alam ko kung umaarte lang siya o hindi.

"Parehas nating gustong manirahang mag-isa," sagot ko sa kanya. "Wala namang nananatili rito kaya mas maiging dito ka na lang muna."

Bahagyang natigilan si Gia. Marahil ay naisip niyang kilala ko talaga siya.

"I can join you here Gia," wika ni Mimo at agad naman siyang binato ni Sa-el ng unan.

"Hoy Tanda, kadiri ka. Baka kung anong gawin mo sa kanya!" wika ng huli. Madalas talaga silang magbangayan ni Mimo.

"Huwag mo akong itulad sa kaimoralan mo Sa-el!"

Hindi na ako magsalita pa at tumalikod na. Hindi pa man ako nakakaisang hakbang ay nagsalita na rin ang hacker.

"I'm going too. V, pwede kang sumabay sa akin," wika niya. Napalingon ako sa kanya at sa iba pa. Napansin ko ang pagkunot ng noo ni Sa-el, gayunpaman ay hindi ko iyon pinansin. Nagpatuloy na lang ako sa paglabas at naramdaman kong sumunod ang hacker sa akin.

Paglabas ko ng gate ay nag-abang ako ng sasakyan habang nakapameywang na tiningnan ako ng hacker. Tila bagot na bagot siya at nakakuyom ang kanyang kamao. Padabog na binuksan niya ang pinto ng kanyang kotse.

"Get in." Ma-autoridad niyang wika. Nagkunwari naman akong walang narinig. "I said get in."

Dumating ang isang taxi at agad ko iyong pinara. Paghinto ng taxi sa harap ko ay agad kong binuksan ang pinto ngunit bigla na lamang iyong sinara ng hacker. Bahagya akong nagulat sa ginawa niya ngunit hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong magreklamo dahil kinaladkad niya ako papunta sa kotse niya!

Mahigpit ang hawak niya sa braso ko at sinubukan kong magpumiglas ngunit tila bakal ang kapit niya sa akin. Marahas na binuksan niya ang pinto at tinulak ako sa loob bago inabot ang seatbelt at ikinabit iyon sa akin.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Naiinis na tanong ko sa kanya. Nakakainis ang kanyang inaasta! Siya pa ngayon ang galit matapos niyang makialam sa ginagawa ko!

"I'm putting your goddamn seatbelt on and don't you fucking try to remove it or you'll regret it."

Naninigas ang mga bagang niya at tila nagdulot iyon ng takot sa akin. Gusto kong sumuway ngunit nanaig pa rin ang takot ko. Hindi ko alam kung bakit ako natatakot sa kanya.

Padabog na isinara niya ang pinto at bahagya akong napapiksi. Umikot siya sa kabilang bahagi ng sasakyan at binuksan ang pinto ng driver's seat. Nang lulan na siya ng kotse ay agad niya iyong pinaandar at hindi rin nagsalita.

Mula sa salamin ay nakikita kong nakakunot ang kanyang mga kilay. Inis ang nakikita kong emosyon sa mga mata niya. Bumaba naman ang tingin ko sa ilong niya. Matangos iyon at bumagay sa kanya. Ano ba ang pinag-iisip ko?

Inalis ko ang tingin sa salamin at ibinaling sa labas ang tingin. Ilang minuto lamang ay tumikhim siya.

"I'm sorry about what happened," wika niya. Nagkunwari akong walang narinig at nasa labas pa rin ang tingin. Bigla na lamang siyang napa-preno at sinamaan ko siya ng tingin.

"Look, I already said sorry, we cannot do anything about it! Nangyari na ang lahat, we cannot undo it so what's the point of ignoring me because of that?!" tumaas na ang boses niya. Mukhang konti-konti lamang ang tagal ng pasensya ng hacker na ito.

"Naiinis ako dahil una sa lahat hindi naman iyon mangyayari kung hindi ka nakialam!"

"You're drunk that night! Hindi mo magagawa ng maayos ang trabaho mo dahil lasing ka!" Halos lumabas na ang mga ugat sa leeg niya.

"Hindi ka lasing pero hindi mo nagawa ng maayos ang trabaho ko!" Hinding-hindi ako magpapatalo sa kanya!

Napaungol siya sa galit at paulit-ulit na sinapak ng manibela. "Look, how many sorry do you want? I'm not the type who say sorry few times but I'll do it now if that's what you want!"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi sorry ang kailangan ko. Hindi niyon naaayos ang mga bagay-bagay. Wala na palang halaga ang paghahanap ng solusyon sa mga problema kung sorry lang pala ang kailangan."

Huminga siya ng malalim at pilit na kinalma ang sarili. "Fine. I'll do my best to find out who the third thief is."

"Sana lang ay wag mong palalain ang problema," wika ko sa kanya.

"And I'll do my best to find out what's inside the flashdrive."

Hindi ako sumagot at humalukipkip na lamang. Huminga ulit siya ng malalim bago muling pinaandar ang sasakyan.

***

~VICTORIA~

Buong araw ay tungkol sa nabulilyasong proyekto lamang ang laman ng isip ko. Kahit na buong araw akong nasa library ay iyon pa rin ang iniisip ko. Bandang hapon ay naghanda na ako para sa out ko nang lumapit sa akin ang librarian.

"V, pwedeng bang ikaw na lang ang maghintay sa mga darating na bagong libro? Anniversary kasi namin ng asawa ko," wika ng librarian sa akin.

"Sige po."

Ngumiti siya ng malawak. Mabait naman ang librarian kahit na strikta ito sa mga estudyante lalo na kung library hours. "Thank you, baka kasi medyo delay ang pagdating. Bilangin mo na lang din by batch at bukas na tayo gagawa ng inventory count."

Ngumiti ako sa kanya at tumango. Nagpaalam na siya sa akin at naiwan akong nakaupo roon. Kakasara lamang ng library. Medyo madilim na sa labas at tiningnan ko kung CLOSED na ba ang nakalagay sa glass door. Matapos iyong tingnan ay naglibot ako sa malawak na library ng Bridle.

Mula nang dito na ako nagtatrabaho ay nakaugalian kong nang magbasa. Hindi ako pormal na nag-aral ngunit nagbabasa ako. Para sa akin, ang pag-aaral sa skwelahan ay para lamang sa kapirasong papel na makukuha mo at magagamit sa paghahanap ng trabaho.

At hindi iyon ang nais ko. Ang nais ko ay matuto at hindi ang maging sunod-sunuran para lamang sa magandang mga marka na magbibigay sayo ng mga titulo. Aminin man o hindi, may mga estudyanteng mas mahalaga sa kanila ang magkaroon ng mga titulo kapag nagtapos na sila, ngunit hindi naman ganoon ang nalalaman. Nag-aaral sila para sa magandang marka, hindi para sa kaalaman na matututunan nila. Hindi ko nilalahat ngunit may iilan na ganoon lang ang nais.

Napatigil ako sa paglalakad nang makaramdam ako na may ibang presensya roon maliban sa akin. Naging mapagmatyag ako ngunit hindi ko pinahalata iyon.

Nagpatuloy ako sa paglalakad nang makarinig ako ng kaluskos. Lumiko ako at balak na hulihin kung sino man ang taong naroon nang bigla na lamang nahulog ang mga libro mula sa isang shelf at natanaw ko ang si Calvin na napakamot sa ulo niya.

Pilit na ngumiti siya sa akin at biglang nanikip ang dibdib ko. Nilapitan ko siya at nagpalipat-lipat ang paningin ko sa mga libro at sa kanya.

"I'm l-looking for b-books kasi may assignment kami," wika niya at muling napakamot.

"Lagpas library hours na, sarado na ang library." Sa mga nagdaang taon ay napakaraming nagbago sa kanya. Hindi na siya ang patpating Calvin na kilala ko. Wala na ang kanyang malalaking salamin at hindi na siya nagsusuot ng braces.

"I k-know pero k-kailangan ko talagang magresearch. P-please?" wika niya at pinulot ang isang libro.

"Nakita mo na ba ang hinahanap mo?" tanong ko. Tumango siya at itinaas ang hawak na libro.

"Yup, para sa Environment and Energy studies," nakangiting wika niya. Lumipat sa libro ang mga mata ko at napakunot ang noo ko. Hawak niya ang isang Managerial Accounting na libro. Napansin naman niya ang tingin ko kay bigla niyang nailapag ang libro. "Hindi ko pa pala nahahanap."

Nagtatakang napatango na lamang ako. "Nasa kabilang bahagi ng library ang engineering books." Nagtataka ako kung bakit hindi niya alam gayong palagi naman silang pumupunta roon. Sinusundan niya ba ako?

"Oh, oo nga pala, I'll h-help you fix this," tinuro niya ang mga nalaglag na libro at agad na pinulot ang ilan at inilagay sa shelf. Tumatangong lumapit na lamang ako sa kanya at tumulong na rin.

Naninikip pa rin ang dibdib ko. Alam kong nagkukunwari lang siyang hindi ako maalala nang una kaming magkita rito sa Bridle. Pinakiramdaman ko lamang siya habang maingat na nag-aayos ng mga libro.

"K-kumusta naman ang t-trabaho mo rito?" biglang tanong niya na ikinagulat ko. Hindi ko inaasahang kakausapin pa niya ako.

"A-ayos naman."

"O-okay."

Huminga ako ng malalim at nilakasan ang loob ko. Humigpit ang hawak ko sa libro at hinarap ko siya.

"Ito ba ang nais mo Calvin? Ang magkunwaring hindi ako kilala? Bakit hindi ka na lang magalit sa akin? Sumbatan mo ako. Sabihin mong sinira ko ang tiwalang ibinigay mo. Lahat ng nasa isip mo ay sabihin mo sa akin! Gusto kong magalit ka sa akin kaysa sa magkunwari kang hindi mo ako kilala!"

Nalaglag ang balikat niya at isang buntong-hininga ang pinakawalan niya bago humarap sa akin.

"I know it's your way to make them trust you Tori."

Mas lalong nanikip ang dibdib ko nang marinig kong tinawag niya akong Tori. Bumalik sa alaala ko ang mga panahong iyon ang itinatawag niya sa akin.

"Your only way to gain their trust it to betray me." Ngumiti siya ng pilit. "Kaibigan kita, sa tingin mo hindi ko alam kung ano ka dati pa lamang?" Mapaklang tumawa siya. "Bata pa lamang tayo Tori alam ko na."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at tiningnan lamang siya ng diretso. Ni hindi ko magawang magsalita.

"What hurts me is not that you betrayed me. Bigla kang nawala Tori. Hindi ka na nagpakita, iyon ang pinakamasakit."

Hindi ko mapigilang mapaiyak. Humakbang siya papalapit sa akin at pinahid ang mga luha ko.

"But in every goodbye, there's a hello. You left me hanging, but that's when I learned to open up my doors for other. Nakilala ko sina Amber at Gray. They filled the hole you left behind Tori. Tinuruan mo akong huwag ibigay ang buong tiwala sa mga tao because when you give it all and they left?" Mapait na ngumiti siya. "Akala mo ay katapusan na ng mundo mo. But I was wrong. May mga darating pala at aayusin ang magulo mong mundo. I still want to thank you for everything Tori."

"P-patawarin mo ako Calvin."

"I used to like you very much Tori. Yes, I used to." Yumuko siya at hinawakan ang pisngi ko. Lumapat ang labi niya sa noo ko. "This is the closure for both of us. Hinihintay kita dati but then someone came. We can go on with our lives now. Thank you for making mine amazing."

Pinahid ko ang mga luha ko at tumango. Masaya ako dahil sa closure na ito. Iba-iba na siya sa Calvin na kilala ko. Kumpara dati, matured na siya kung mag-isip ngayon.

Ngumiti siya nang matamis at tinulungan akong ayusin ang mga libro sa shelf.

~RYU~

My mind cussed all the time. This brought so much nervousness in me that my chest seemed to burst. Inayos ko ang suot na tie. I fixed my suit and breathed heavily.

"Sir, hinihintay na po kayo ni Congressman Rosales sa loob," wika ng sekretarya.

I nodded and walked straight. The place seemed the same as it was last night, maliban sa maliwanag ang paligid kumpara kagabi. Humigpit ang hawak ko sa doorknob bago kumatok ng ilang beses at binuksan ang pinto.

Why am I here?

Ah, to fix the mess I made last night. I'm annoyed to the fact that V's pissed at me. Kailangan ko talaga itong ayusin.

Binuksan ko ang pinto at bumulaga sa akin ang pamilyar na silid. The room is quite spacious than it was last night. Pagkatapos ba naman naming mambasag kagabi?


"Magandang araw Mr. Morisson," bati ng congressman. His old wrinkly face smiled at me. "What can I do for you?"

I let out my usual smirk and faced him. "This is more of a personal visit. I heard about the lot that you held for sale."

Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kaya humanap ako ng paraan upang magkaroon ng rason na magka-appointment sa kanya. The privilege of being a Morisson or even a Vander is that you will always be entertained no matter how packed up their schedule is. Perks of having such surnames. And I found out about the lot.

"Yes, your father wants it?"

Old Rionessi is a known businessman. He may be the old man obsessed with guns and explosives in the Vander Mafia as Tartarus but he is still Rionessi Morisson, a real estate business man.

"He's considering it, so I want to take a look." My eyes glanced at his laptop on his side.

Ngumiti si Congressman Rosales at kumuha ng isang stick ng sigarilyo. He offered me the box at tinanggap ko iyon at kumuha rin ng isa. Inilabas ko ang isang lighter sa bulsa ko.

Pinindot ko ang button sa cellphone ko at agad na tumunog ang kanyang telepono. He excused himself and answered the call. Naglalaro naman sa labi ko ang isang ngisi.

When he put down the phone, tumayo siya at nagpaalam muna. "I have to see someone for a while Mister Morisson, can you wait for a minute or two?"

I smiled. "Go ahead Congressman. I'll puffed this cigarette over a cup of coffee."

"Please yourself. Pasensya ka na at medyo empty ang opisina ko. A thief broke here last night and steal some money, pati ang mga antique jars ko ay sinira. I'll ask my secretary to bring you coffee."

"Thanks."

Nang tuluyang lumabas ng pinto ang congressman ay tumayo agad ako. I placed the cigarette in between my lips and played with the lighter I got from my pocket. I jumped over his desk and reached for his lighter and lit the cigarette.

I lifted the lid of my own lighter, and it wasn't a lighter but a flashdrive. I jammed it on his laptop and my expert fingers do the job. I puffed some smoke and coughed in between.

Hindi ako naninigarilyo. I hate the smell of it. I really cannot take too much alcohol and cigarettes. I puffed the cigarette again as I waited for the notification that the file transfer is successful.

Ilang percent na lamang ang natitira nang nakarinig ako ng mga yabag. I felt the adrenaline rush in me. When the transfer was successful, I removed the flashdrive and slipped it on my coat's pocket at siya namang pagbukas ng pinto.

"What are you doing in my desk?" tanong ng congressman. His gaze was suspicious that it almost got me coughing. I reached for the ashtray at the back of his chair and showed him as I tapped the cigarette and the ashes fell.

"Surely I couldn't reach for the ashtray from my chair," sagot ko at bumalik sa kinauupuan ko.

Nakakunot pa rin ang noo niya nang bumalik siya sa upuan niya. "It's a wrong call. Sinabi ko na rin sa sekretarya na magpasok ng kape."

As set, my phone rang. I showed him my phone to excuse myself at inilapag sa ashtray ang sigarilyo.

"Dad?" sagot ko. Tumahimik ako ng ilang segundo. "Okay, I'm on my way."

Pinatay ko ang cellphone at tumayo. "Sorry but I cannot wait for the coffee. Old Rionessi just called. He's not interested in your lot anymore dahil may nakita na siyang bago."

The congressman nodded at hindi na nasurpresa. Old Rionessi is known for that attitude kaya hindi na magtataka ang mga businessman sa kanya. He changes mind in a blink of an eye no matter how huge the money is involved.

Tumayo ako at nagpaalam ngunit hindi pa ako nakakatatlong hakbang nang pinatigil ako ng congressman.

"Stop."

I stopped on my track and looked back. He looked at me suspiciously and his eyes fell on my coat's pocket.

"Show me what you got in you pocket."

Naningkit ang mga mata ko. I let out my pirate smile and showed him my phone and the lighter.

"Pass the lighter."

I exhaled before I threw it on him at nasalo niya iyon. He lifted the lid and the fire ignited. Napatingin siya sa akin.

"What? You want my lighter?" I asked with a smirk. "You can have that."

Tuluyan na akong umalis at ibinalik sa bulsa ang cellphone. Dumeretso ako sa elevator at pinindot ang button. Bahagya kong kinapa ang isa pang lighter na identical sa iniwan ko sa congressman.

The lighter that was actually a flashdrive inside. I smirked before I went inside the elevator.

#

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro