Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 25: FORGOTTEN

Chapter 25: Forgotten

~VICTORIA~

Hindi mawala sa isipan ko ang tungkol sa huling misyon namin. Hindi ako lubos na naniniwala kang Mimo nang sinabi niyang wala siyang alam kung sino ba talaga ang nasa 'taas' ngunit wala rin naman akong makitang dahilan para itago niya iyon. Nagpapakahirap din si Mimo para sa Lupin.

Muli akong napasinghap at marahang tinanggal ang suot kong nameplate na may nakasulat na 'Victoria' Library Staff.

Victoria...

Hindi ko maiwasang isipin ang mga sinabi ni Margaret. Ang tungkol sa batang si Victoria na pinalaki ni Sherlock. Hindi kaya si Gia ang hinahanap niya? Naalala ko dati, sinasabi ng mga kapitbahay namin na magkaiba ang hitsura namin ni Gia kay Mama at Papa. Hindi rin kami magkamukha ni Gia. Pero ang alam ko ay tunay na anak nina Mama at Papa si Gia.

Naisip ko rin nang tingnan ni Margaret ang likod ko. Ano ang hinahanap niya?

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. May tattoo sa likod si Gia! Bata pa lamang kami ay napapansin ko na iyon sa tuwing sabay kaming naliligo! Mukhang mga letra na hindi ko mawari. Hindi ko iyon lubos na pinagtuonan ng pansin dahil nga bata pa lamang kami at nang lumaki kami ay hindi ko na nakikita ang likod ni Gia.

Nakapagpasya akong bisitahin sila pagkatapos ng trabaho ko ngayon. Umayos ako ng upo at sinulyapan ang malaking relo na nasa dingding. Mag-aalas tres na at iilan lamang ang nandito sa library ngayon. Bigla na lamang akong napatalon sa kinauupuan ko at nagkubli sa ilalim ng mesa nang marinig ko ang isang pamilyar na boses.

"Hay buti na lang wala 'yong instructor natin ngayon Math!"

Boses iyon ni Calvin. Boses na minsan ay sanhi ng kaligayahan ko ngunit ngayon ay nagdudulot lamang sa akin ng sakit at pagsisisi.

"Ano ba kasi ang hihiramin mong libro Jeremy?" boses ni Math.

"Kahit ano. Teka, alam mo ba kung anong time nakakawala ng stress?" tanong ni Calvin.

"Anytime!" sagot ni Math. "Jeremy, it's just a matter of time management. Syempre kapag poor ang time management mo at mahilig ka mag-cramming, nakaka-stress talaga but if it's otherwise, syempre anytime rin, hindi ka na-iistress.

"Ang dami mong sinabi Maya, eh mali naman! Syempre ang sagot 3'oclock."

Napahigpit ang pagkakahawak ko sa tuhod ko habang nagtatago. Bakit ba palagi na lang ganito ang ginagawa ko kapag nandiyan si Calvin? Kailan ako magkakaroon ng lakas ng loob na harapin siya?

"3'oclock? Bakit naman ganoon?" narinig kong tanong ni Math.

"Kasi ALA STRESS! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Napalakas ang boses ni Calvin at tinakpan ko naman ang bibig ko upang pigilan ang sarili ko sa pagtawa. Mabuti na lang at wala ang librarian dahil malamang ay pinagalitan na sila.

"Ewan ko sa'yo! Iwan mo na nga 'yang library card mo at pumasok na tayo," wika ni Math. Nang marinig ko na ang mga papasok na mga yabag nila ay saka lamang ako tumayo at umayos ng upo.

Napabitaw ako ng isang malalim na buntong hininga. Sa sulok ng isipan ko ay nag-iipon ako ng lakas ng loob na harapin si Calvin at magkunwaring hindi na lamang siya kilala.

Alam kong kasalanan ko ang lahat. Espesyal si Calvin para sa akin at gayundin ako sa kanya. Ngunit sinira ko ang tiwala niya. Pinapasok ko sa bahay nila ang grupo nina Gia upang magnakaw.

Isa iyon sa mga bagay na lubos kong pinagsisisihan ngunit kahit anong pagsisisi man ang gawin ko ay hindi ko na maibabalik pa ang lahat ng mga nangyari.

Naalala ko ang sinabi sa akin ni Mimo dati. Para sa kanya ay napakatapang ko raw at nagagawa ko ang lahat ng misyon namin sa kalmadong paraan. Ngunit mali siya. Ako na yata ang pinakaduwag na tao sa mundo dahil hanggang ngayon ay hindi ko magawang harapin si Calvin.

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Matagal na panahon na rin ang lumipas. Kailangan ko nang harapin kung ano man ang kinahihinatnan ng mga nagawa ko.  Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at tinahak ang daan papasok sa pasilyo ng library at hinanap si Calvin.

Napakarami na ng nagbago sa kanya, sa lahat ng aspeto. Natanaw ko siya na nakaupo at nakaharap sa direksyon ko samantalang nakaupo si Math sa harap niya at nakatalikod sa akin. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang kakaibang kislap ng mata niya habang tumatawang nakatingin kay Math. Nakakalungkot isipin na ang kislap na iyon na dati ay para sa akin lamang ay malaya na niyang naibibigay sa kung sinu-sino.

'Paano kung hindi lamang kung sinu-sino si Math?' tanong ng isang bahagi ng isipan ko. Gayun pa man ay tinuloy ko pa rin ang balak ko at nang ilang hakbang na lamang ako sa kanila ay nag-angat ng tingin si Calvin at nagtagpo ang mga mata namin.

Napatigil ako at pilit na inaarok kung may kung anong emosyon ba sa mga mata niya ngunit wala akong makita na kahit konting pagkakakilanlan. Iyon na yata ang pinakablankong tingin na nakita ko sa mga mata niya. Saglit lamang iyon dahil muli siyang nagbaba ng tingin at hinarap si Math.

Humakbang pa ako palapit. "Cal—"

Napalingon si Math sa akin nang maramdaman niya ang presensya ko. "Yes?" untag ni Math. "Ikaw pala V."

Muli akong tiningnan ni Calvin ngunit wala pa rin akong makitang rekognasyon sa mga mata niya. "Ah, siya pala ang sinasabi mong bagong library staff." Walang init o lamig ang kanyang boses. Ang pagkakasabi niyang iyon ay mukhang tila ngayon lang niya ako nakilala.

"Oo, siya nga. V, kaklase ko nga pala si Jeremy, Je si V, yung kaibigan pala ni Amber na may-ari na ngayon ng dating cellphone ni Amber. Remember the one that I mistook as a thief? I'm really sorry about that V." Ngumiti si Math sa akin habang sinasabi iyon.

"A-ayos lang," sagot ko. Bakit ba ako nanginginig? Dumoble pa ang panginginig ko nang tumayo si Calvin at inilahad ang palad sa akin. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa mukha niya at sa nakalahad niyang palad.

"Ako nga pala si Jeremy," nakangiting wika niya. Hinintay niya na abutin ko ang palad niya. Bakit ganito ang ginagawa niya? Hindi ba niya ako kilala? Bakit hindi siya galit sa akin? Bakit ayaw niya akong sumbatan? Napakaraming katanungan sa isipan ko.

"Victoria Vera," wika ko at tinanggap ang palad niya. Pinag-aralan ko ang reaksyon ng mukha niya dahil imposibleng malimutan niya ang pangalan ko, ngunit wala pa ring nagbago sa reaksyon niya. Tila piniga ang damdamin ko.

Binawi ni Calvin ang kamay niya at muling naupo at ngayon ay nasa kaharap ang atensyon.

"Magkaibigan pala sila ni Bestie?" tanong niya kay Math. Bakit hindi niya iyon sa akin itinanong? Iniiwasan ba niya ako o sadyang nais lang niyang ituon lahat ng atensyon niya kay Math.

"Yeah, I guess so. Teka, may kailangan ka ba V?" tanong ni Math.

Sa isipan ko ay nais kong sagutin ang tanong ni Calvin. Hindi lamang ako kaibigan ni Amber. Ako ang kanyang kanlungan ng tinalikuran siya ng lahat. Ako ang kasama niya sa mga panahong halos mabaliw si Amber sa kaiisip kung paano iligtas si Calvin. Ngunit hindi ko magawang sabihin iyon.

Napatingin siya sa akin at hinintay na sagutin ko ang tanong ni Math. Sinubukan kong salubungin ang mga tinging iyon ngunit halos pigain ang damdamin ko sa isiping tila ini-reset ni Calvin ang kanyang utak at nabura lahat ng alaala na kasama ako— mabuti man o masamang alaala.

Nais kong maluha ngunit hindi ko maalala ang huling pagkakataon na umiyak ako. Marahil ay noong bata pa ako. Isa sa mga dapat gawin ng mga magnanakaw na tulad ko? Ang pagbabalatkayo. At sa tingin ko ay iyon ang kailangan ko sa mga sandaling ito.

Itinaas ko ang mukha ko at sinuot ang maskarang suot ko sa halos lahat ng pagkakataon— ang walang emosyong mukha.

"Wala naman. Nililibot ko lamang ang kabuoan ng library," sagot ko at tumalikod. "Mauna na ako."

Mabigat ang mga hakbang na nilisan ko ang dakong iyon ng library. Nang makalayo ako ay nilingon ko sila at umasa na sana ay tinanaw ako ni Calvin habang papalayo ngunit paglingon ko ay nasa kay Math pa rin ang atensyon niya. Bumuka ang bibig niya na tila ba may sinabi siya kay Math at bumunghalit naman ng tawa ang huli.

Muli ay napabuga ako ng hangin. Dati ay ako lamang ang binibigyan niya ng mga tinging iyon at maging ang kanyang mga kalokohan at ako lamang ang tumatawa sa mga pinagsasabi niya dati. Akala ko ay ako lamang ay magbibigay sa kanya ng mga tawang hindi pilit, ngunit sa nakikita ko ay mali pala ako. Maling-mali.

~RYU~


I brushed my palms together as I waited for the result of my hacking. Kagabi ko pa ito pinagkakaabalahan ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin akong makuhang impormasyon—  a useful one. I close my laptop when I heard someone knocked on my door at pumasok doon si Mommy.

"Ryu?"

Tumayo ako at lumapit sa kanya. "Yes, Mom?"

She looked around my room and sat on my bed. "What are you doing?"

I sat beside her and rested my head on her shoulders. "I'm doing some research Mom." Ipinikit ko ang mga mata ko at mas lalong isiniksik ang sarili kay Mom. I felt her and cupped my face that rested on her shoulder.

"Are you straining yourself too much?" she asked.

"I was. I'm feeling better now that I recharged," nakangiting sagot ko at iniyakap ang braso sa beywang ni Mommy. I know I'm too old for this but I don't mind. I can do this even if I'm 60 or older. I don't get why people detach themselves to motherly affection as they grow older.

"My sweet baby," wika ni Mommy at hinarap ako. "Why did you grow so fast? Look at you, you're a very handsome man now, you're just this small the last time I remember." She motioned her hand to show me how small I am before.

Nakakatuwang isipin na ngayon ay unti-unti nang bumabalik ang alaala niya. "I'm still your baby, right?"

Mom let out a chuckle and cupped my cheek. "Did you make any girl cry?"

I cringed a little. Oh, I did. A lot, actually. Marahil ay napansin iyon ni Mommy at alam na niya ang sagot sa tanong niya.

"I have a favor to ask again, baby."

"Anything for you, Mom," sagot ko.

"Can you fetch Amber?" she asked and for the second time, I cringed. "Why, hindi pa rin ba kayo magkasundo?"

I want to say yes, I guess that witch and I will never have peaceful days. "Will never be." Tumayo ako at binuksan ang closet ko. "But I will still fetch her Mom."

"That's my boy," she said at tumayo. "She's at Athena University. By the time na makabalik na kayo ay malamang tapos na yung bini-bake ko. Drive safely baby."

Nagpaalam na siya at agad na lumabas ng silid samantalang nagbihis naman ako. Ilang minuto lamang ay lulan na ako ng kotse ko.

On the way ay hindi pa rin mawala sa isipan ko ang tungkol sa misyon namin. Who the hell is the Victoria that we're looking for?

I've spent a lot of time searching for the Victoria that Margaret mentioned as the linchpin but I've got nothing. What if this Victoria has no record at all? What if it seems that she's inexistent? It could be possible right?

Pero paano rin kung ang Victoria na hinahanap namin ay si V mismo? What if Margaret was wrong when she thought that V isn't the linchpin? Come to think of it, I haven't got any information about her. Nang una kaming mabuo kung saan hindi pa nila ako kilala ay may mga bagay na alam na ako tungkol kina Mimo at Verona but none when it comes to V.

Naalala kong magkakilala sila ni Amber, on how they met, that I do not know. Maybe I can ask the witch questions about her. Sa kabuoan ng byahe ay tungkol lamang doon ang nasa isipan ko.

Huminto ako sa tapat ng AU kung saan natagpuan kong nakatayo si Amber. I saw her frowned when I get off the car and put on my annoying smirk. She rolled her eyes and again, I smirked upon the thought that I simply annoy the hell out of her with my presence. 

"Ano na naman bang masamang hangin ang nagtulak sa'yo papunta rito?" she asked, tightly gripping into the strap of her backpack.

"Good son duties," sagot ko. "Hop in witch, o baka naman gusto mong pagbuksan pa kita ng pinto?"

She rolled her eyes and glared at me. "Hindi naman ako baldado para hindi ko magawang pagbuksan ang sarili ko." Humakbang siya patungo sa kotse at padabog na binuksan ang backseat.

"Uh-uh, I'm not a taxi driver so you'd better ride here," I pointed my finger on the passenger sear and I saw her gritted her teeth before slamming the backseat door at sumakay sa harapan.

Nang magsimula akong mag-drive ay nakabusangot pa rin ang mukha niya. I wanted to start asking about V but I don't know how to kaya ang ginawa ko ay manaka-nakang sinusulyapan ko siya habang nag-da-drive.

"Stop it devil, it's annoying," naiinis niyang wika at sinamaan ako ng tingin. And now I'm pissed! Other girls love it when I look at them but to this witch, it's annoying.

"Can I ask something?"

"About Victoria—" bigla na lamang niyang hinablot ang braso ko at hinarap ako sa kanya. Her eyes were burning with rage? I guess. Mabuti na lang at agad akong nakapag-preno at wala masyadong sasakyan. I felt her fingernails buried in my skin.

"Bakit mo kilala si Victoria? What the hell devil, don't tell me you have her as  prospect reaper?!"

Oh, she could be given her skills but Amber got it wrong.

"No, just asking. I caught her when we tracked you before. I could say she isn't someone ordinary—"

"Don't ever try to mess with her—" she paused and looked at me disgustedly. "What the hell? Huwag mong sabihing balak mong gawin siyang isa sa mga bitches mo, you pig!"

Seeing how annoyed she is, I continue teasing her. "Oh, she could pass as my bitch." Victoria is no doubt an A plus in physical aspect and another A plus in brain aspect. Hindi makakailang napakaganda— f*ck. She's pretty, that's it.

"Whatever devil, ikaw ang hindi papasa sa kanya," sagot niya. "She's not ordinary so if I were you, kalimutan mo na lang kung ano ang balak mo sa kanya."

"Don't have any plans," sagot ko. "You know her a lot? I think there's a lot of
mysteries about her."

Amber sighed and looked out the window. "Nope. She herself is a mystery."

#

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro