Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 24: LINCHPIN

Chapter 24: Linchpin

~VICTORIA~

Muntikan na akong mapasigaw nang bigla na lamang akong bumagsak. Kung hindi agad ako nakagalaw ay malamang bali na ang leeg ko dahil sa sama ng bagsak ko. Naririnig ko ang paulit-ulit na mura ng hacker mula sa suot kong communication device. Nang ibinaba ni Margaret ang hawak na baril ay binitawan niya rin si Sa-el at hinarap ako.

"We finally meet, Victoria," nakangising sabi niya sa akin. "This isn't how I wanted us to meet but I guess it can't be helped."

Agad na natumba si Sa-el at nawalan ng malay. "Anong ginawa mo sa kanya?" tanong ko.

"I didn't see her put something on his drink!" Narinig kong wika ng hacker.

Itinaas ni Margaret ang kamay na may hawak na tila garapa ng gamot. "Ah, don't worry about it. Pinatulog ko lang naman siya gamit ito, sleeping capsule. I have it stored in my mouth and kissed him before it totally melted."

Lumapit siya sa wall painting kung nasaan ang isang spy camera. "I'm sure the hacker is very surprised now." At sa tingin ko ay tama nga siya dahil hanggang ngayon ay naririnig ko pa ang pagmumura niya.

"Are you wondering why I knew it all?" Komportableng naupo siya at nilasahan ang wine. "Let's just say I think ahead than the four of you."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Victoria... Victoria... Victoria..." Padekwatro itong naupo at ninamnam ang inumin. "I don't know if you're acting naïve or you really are. Kung ikaw nga ang hinahanap ko, I'm very disappointed."

Mas lalo naman akong naguluhan. Bakit naman niya ako hinahanap? Nakatayo ako habang nakamasid sa kanya ngunit sa dulo ng isip ko ay naghahanap ako ng paraan upang makaalis dito.

Napatingin si Margaret sa suot niyang relo. "Okay, marami pa naman tayong oras para magkwentuhan. Sabihin na lamang natin na disappointed ako sa Lupin."

"Kilala mo kami," pahayag ko.

"Sort of. I want to go against you, as Lupin the III."

Nanatili akong nakatayo at walang emosyon. Kung sa ibang pagkakataon ay baka nagulat na ako pero hindi iyon ang tamang maging reaksyon ko ngayon. Malaki ang atraso niya sa akin. Sa amin.

"Kung gayon ay bahagi ka ng Lupin III?" Nakakuyom ang kamao ko habang sinasabi iyon. Labis kong nararamdaman ang inis at galit na naramdaman ng iba noong nabalitaan namin ang tungkol sa Lupin III.

Tumawa siya ng mapakla. "Bahagi? Oh c'mon! 4-man team is such a hassle. Kung sino man ang bumuo sa inyo, he's such a loser. Why settle for four when they can have one and that's me? A master of disguise, hypnotist, inventor and even hacking is easy for me. I've been few steps ahead you all this time. Hindi man ako kasinggaling ng hacker ninyo, I have enough knowledge to compete right, hacker? Stop cussing, I might fall for your husky voice and dirty talk."

Ano? Kung gayon ay naririnig din niya ang hacker? Narinig ko ang ungol ng hacker na tila ba isa siyang nangangalit na leon.

"I commend you for your skills," sabi ng hacker. "But you're right. You're not as good as me. Ni wala ka sa kalingkingan ko."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay napapikit si Margaret na tila ba meron siyang iniinda. Pagkatapos ay marahas na tinanggal niya ang suot na hikaw, na ngayon ko lang napansin ay isa palang listening device. Marahil ay may ginawa ang hacker kung kaya't wala itong ibang nagawa kundi ang tanggalin iyon. Tinapon niya ang hikaw sa sahig at muli akong hinarap.

"Tinanggal ko ang pag-tap niya sa communication system natin. Mimo, do something to help them out of there even if you pass through the normal door. Take charge with the security." Sabi ng hacker.

"Got it!"

Muling nagsalita si Margaret. "So I was saying, I am Lupin III."

"Kung gayon ay ikaw ang pumatay sa isang pulis," wika ko sa kanya. Naalala ko ang nangyari sa pulis na kasabwat ni Detective Sean sa balak na paghuli sa akin.

"He's along the way so I have no other choice," sagot niya. "And about it, you may ask the boys if they remember something. I drugged them making them unaware of everything I did na sapat na upang makakalap ako ng sapat na impormasyon tungkol sa 'yo."

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. "Pinatay mo ang totoong Margaret."

Ikinibit niya ang kanyang balikat. "I need her identity. Ang pagkatao niya ay ang kailangan ko upang magawa ang mga nais ko. As you see? Here I am, right in front of you. Unlike you, hindi ang singsing ni Margaret ang kailangan ko. Yeah, it must be worth a fortune but it doesn't cost even 10% of your worth."

"What the hell is she saying?" tanong ng hacker. "Buy her more time habang naghahanda pa si Mimo upang tulungan kayo."

Hindi ko maiwasang magtaka. Halaga ko? Tama ba ang narinig ko?

"Why? You seemed surprise." Bahagya siyang lumapit sa akin. "Hindi mo marahil alam kung sino ka at ano ang tunay mong pagkatao. Poor you."

Sinalubong ko ang mga mata niya. "Kilala ko kung sino ako. Baka ikaw ang hindi kilala ang sarili mo o 'di kaya ay ganoon ka na kadesperado upang gamitin ang pangalan ko? Victoria?"

Napansin ko ang pagbago ng ekspresyon ng mukha. "Fine, I'm desperate to be you!" Humakbang siya papalapit sa akin na dala-dala ang baril. "Show me your back and your real face. Don't ever try to escape or else mapipilitan akong gamitin ito." Itinaas niya ang kamay na may hawak na baril.

"Lumaban ka ng patas," wika ko sa kanya. "Kapag natalo mo ako, ipapakita ko sa 'yo ang likod ko. Kapag hindi—"

Sinugod na niya ako at hindi man lamang ako handa. Siniko niya ang mukha ko, dahilan upang bumagsak ako at tumama sa dulo ng mesa ang panga ko. Napangiwi ako sa sakit at nang muli niya akong sinalakay ay nakailag na ako. Sinipa ko siya nang malakas at napatilapon siya sa kama. Hinablot niya ang buhok ko— at muntikan na akong napasigaw sa sakit. Wala akong suot na wig! Patuloy lamang kami sa paglalaban hanggang sa naramdaman ko na ang pagod. Ilang minuto na ang lumipas ngunit wala kaming balak na tumigil.

Sinuntok ko ang mukha niya kaya nabitawan niya ako ngunit bago pa man ako makatayo ay kinabawan niya ako. Hinawakan niya ang mukha ko at tinulak ko siya kaya nawala siya sa pagkakapatong sa akin. Hindi ko na naririnig ang sinasabi ng hacker dahil mas naririnig ko pa ang ingay naming dalawa habang nagbubuno.

Tinanggal niya ang suot kong earpiece at tinapon iyon sa malayo. Nagkabasag-basag na ang mga gamit sa paligid ngunit hindi iyon maririnig sa labas dahil soundproof ang silid. Napasigaw ako nang binali niya ang kamay ko, pinaikot iyon sa likuran at sinipa ang katawan ko sa kama. Hawak pa rin niya ang kamay ko at nang nakadapa na ako sa kama ay hinablot niya ang kutsilyo na nasa ilalim ng suot niyang roba. Itinaas niya iyon at ang akala ko ay sasaksakin niya ako ngunit pinunit niya ang damit ko upang makita ang likuran ko.

Tila natigilan siya at dahil doon ay napaluwang ang hawak niya sa akin at sinamantala ko iyon upang makawala. Halos nakahubad na ako at sa hiya na nakikita ako ng hacker ngayon ay hinablot ko ang roba na nasa kama at sinuot iyon.

Tila gulat na gulat pa rin si Margaret hanggang ngayon. Ano ang nakita niya sa likuran ko? Umayos siya ng upo at ilang beses na napakurap habang nakatingin sa akin.

"Y-you're not the linchpin..."

"Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong ko. Pinag-aralan ko ang ekspresyon ng mukha niya. Tila nasa malalim na pag-iisip siya.

"Kung gayon ay ang isang bata na nasa poder ni Sherlock ang hinahanap ko..." Mukhang sarili niya ang kinakausap niya. Si Sherlock. Si Sherlock ay ang tatay ni Gia na siyang nagpalaki sa akin. Kung ang isang bata... ibig sabihin ay si Gia ang hinahanap niya?

Nagulat ako nang bigla niya akong sinunggaban. Dumaan ang hawak niyang kutsilyo sa braso ko at nagkasugat ako mula sa siko hanggang sa pulsuhan. Tumulo ang dugo sa braso ko at hinayaan ko lamang iyon ngunit naisakal na niya ang kanyang braso sa leeg ko.

"Matalino nga si Sherlock dahil ikaw ang pinangalanan nilang Victoria sa halip na ang tunay na Victoria! Nasaan sila ngayon?"

"Hindi ko alam at kung alam ko man ay hindi ko sasabihin sa 'yo!"

Isang malakas na siko sa sikmura niya ang pinakawalan ko kaya nabitawan niya ako. Masakit pa rin ang sugat ko at panay ang pagdugo nito. Napansin ko ang paggalaw ni Sa-el sa sahig. Pilit niyang ina-adjust ang paningin at nang makita niyang patuloy kami ni Margaret sa paglalaban ay gumapang siya patungo sa cart na kinalalagyan ng mga gamit panlinis. Ang alam ko ay pinalitan niya ang mga laman niyon kaya hindi ako nagpahalata na gising na siya. Inabot niya ang ilang bote at ilang sandali ay sumigaw na siya.

"Takbo, V!"

Inihagis niya ang pinaghalong kemikal sa amin at pagbagsak niyon ay lumaganap ang mabahong usok. Gumapang ako papunta kay Sa-el at agad naming tinahak ang escape route na inihanda namin.

~SA-EL~

My head is a bit dizzy but I was able to fight the urge of drowsiness. Nawalan ako ng malay pero hindi iyon ganoon katagal. Margaret know her thing! Nang iminulat ko ang mga mata ko ay kasalukuyang nagbubuno si V at Margaret. V's wounded badly kaya kahit nanghihina ay iniabot ko ang mga gamit sa loob ng cart. It's simply a mixture of few chemical compounds that will produce smoke and intoxicating smell. A DIY sleeping gas, formulated by me.

Lulan kami ngayon ng sasakyan pabalik sa apartment. The hacker said he was there waiting for us. Bahagya kong sinulyapan si Mimo na nagnamaneho at manaka-nakang nakatingin kay V mula sa salamin. V's drowned with the thoughts of something and with what? Hindi ko alam.

"V, ayos ka lang?" Niyayakap niya ang sariling nakabalot sa roba. Tila wala siyang narinig sa sinabi ko kaya inulit ko ang tanong at saka lamang siya tila natauhan.

"Anong sabi mo?"

"I'm asking if you're fine," ulit ko at tumango lamang siya. Hindi ko narinig ang pag-uusap nila ni Margaret kanina.

Mimo pulled the car on the side. "The coast is clear. Malamang tulog pa si Margaret ngayon."

Bumaba kami ng sasakyan at agad na pumasok sa apartment. Gaya ng inaasahan, naroon nga ang hacker at komportableng nakaupo sa sofa at nakalapag sa harapan niya ang first aid kit na inihanda niya. Teka, bakit naman niya inihanda iyon? For sure it's for V dahil ito lamang ang may sugat sa aming tatlo.

"We failed." Pasalampak na naupo ako sa sofa. Hindi ko lubusang maisip na pinaghandaan na pala ni Margaret ang pagpunta namin. She was few steps ahead of us, watching our every move as we come closer to her.

"And because of that, we cannot meet whoever recruited us," wika ng hacker. He seemed annoyed— oh, I know he's annoyed. Looking at him, he's the kind who easily get his ego bruised whenever someone is as planned as him or ahead of him.

"Nahuli tayo ni Margaret. Wala na tayong magagawa—" Napatigil ako nang tumayo si Victoria at naglapag ng isang singsing sa harapan namin.

"Ang misyon ay kunin ang singsing, hindi ang huwag magpahuli kay Margaret," seryosong wika ni Victoria. Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realized na ang singsing na iyon nga ang pakay namin! Despite everything, Victoria didn't fail to complete the mission!

Maging ang hacker ay gulat na gulat. "How did you get this? Hindi ko nakitang kinuha mo ito!"

"Ang tunay na magnanakaw ay hindi nagpapahuli," sagot ni V. Pinahid ko sa damit ko ang duguang singsing at iyon nga iyon!

"Kung ganoon ay makikilala na natin ang nasa Taas!"

Bigla kaming nakarinig ng katok at sabay kaming tatlo na napalingon sa pinto. But the knock wasn't coming from there. It was from across the room, on the wooden stairs kung saan nakatayo ang seryosong seryoso na si Mimo.

Ilang beses akong napakurap at maiinis na sana sa ginawa niya ngunit naunang humakbang sa harap niya sa Victoria.

"Hindi ko masasabing kinagagalak kitang makilala," wika niya sa malamig na boses. Parehas kaming natigilan ng hacker, malamang ay pilit pa naming pinoproseso sa utak ang mga pangyayari na hindi ko lubusang maintindihan. Ibig ba nitong sabihin ay...

"Hindi ko kontrolado ang lahat ng bagay. Although I am the one who recruited you, I am not the one who's on the top. He's someone anonymous, yet I highly respect," sagot ni Mimo at saka pa lamang naintindihan ng utak ko ang lahat.

I lunged towards Mimo ang pulled him by the collar at pinakawalan ang isang suntok sa mukha niya.

"Para iyan sa pagpapamukhang tanga sa amin. Never a day passes that we never thought who's behind all this!"

Nanatiling walang reaksyon si Victoria samantalang tila ngayon pa lamang naintindihan ng hacker ang lahat.

Pinahiran ni Mimo ang duguang labi at hindi man lamang gumanti. "I swore my loyalty first to this anonymous one than in this group. Nangako akong ipunin tayong apat at manahimik tungkol dito."

Sunod na humakbang ang hacker at hinawakan ang kwelyo ni Mimo. "Who really is that anonymous one?"

Mimo shook his head. "Hindi ko alam. Wala akong alam. Ang alam ko lamang ay inutusan niya akong ipunin tayo. I am Agent 1000.1.1000.0. I thought you will figure it easily since 1000 is M in Roman numerals, 1 is I and I used 0 for O."

Hindi ko mapigilang mainis. "Bastard, we're thieves not a f*cking cryptographer!"

"I thought that would be common sense," he replied.

"Shut up, old man."

"Alam mo ba ang tungkol sa pinagsasabi ni Margaret kanina?" 

Natigilan kaming lahat at napatingin kay Victoria. Wala siyang kahit anong emosyon sa mukha niya and if she's like that, she's damn serious.

Tumango si Mimo. "That will be our next long term mission. We're going to find the linchpin."

"Linchpin?" nagtatakang tanong ko. 

"A human linchpin," sagot ni Mimo. "Few years ago, kilala sa larangan ang Black Diamond— whose stolen items were the most valuable. Russian gold, exquisite items, historical treasure, bonds, counterfeit moneymaker machine— and others. Ang dahilan kung bakit biglang nawala ang Black Diamond? Discord. Apparently, some members became greedy to the point that they killed each other upang maangkin nila ang lahat. But two of them remained on the good side, ang magkapatid na Jack at Ace. But the youngest member, Clover, wanted all the treasure himself. Pinatay niya ang iba pang kasamahan at maging si Jack— who had a daughter whose name is Victoria."

"Iyon ba ang dahilan kung bakit tila may hinahanap sa akin si Margaret?" tanong ni V. 

"Sa tingin ko ay ganoon nga. The stolen items were never found and Victoria could only be the one who can locate it since the location is embedded on her body."

Bigla akong napaisip. Kung gayon ang nakatataas sa amin ay si Ace, who is in search of his niece. "Kung gayon ang Victoria na ito lamang ang nakakaalam sa lokasyon."

"Maaring ganoon na nga."

Napansin ko ang paglukot ng mukha ng hacker. "Which means we have to check every Victoria in the world to see if she has the location embedded on her body? Ilang milyong Victoria ba ang nasa bansa?"

Tama siya. How can we narrow down our search? 

"Victoria could be 20 years old or few years more now. Sa pamamagitan niyan ay mas mapapaikli natin ang listahan," sagot ni Mimo. 

The hacker took a heavy sigh. "Fine. I'll start snooping on the PSA list for Victorias who are 20-23 years old."

#

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro